Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Part 85

77 10 0
By night-firefly


First points of view:

Nagising ako sa isang madilim na paligid. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko upang masanay man lang ang mata ko sa kadiliman.

"First." rinig kong banggit ng isang babae sa tabi ko. Pabulong lang iyon kaya hindi ko makilala kung sino. Hindi ko rin siya nakikita kaya hindi ko alam kung nasaan siya.

"Nasaan ako? Bakit sobrang dilim." nagtataka ko pang tanong sa babaeng iyon. Pinipilit ko pa ring makakita pero wala talaga akong maaninag.

"First.. ako 'to si Miracle.." rinig ko ring sambit niya ulit.

"Miracle?" banggit ko naman sa sinabi niyang pangalan habang iniisip kung sino ang taong sinasabi niya.

"First?" banggit na naman niya sa pangalang hindi ko maalala kung sino.

"What happened? Bakit parang hindi mo na ako kilala?" tunog nagtataka niyang saad na tuluyan ng nagpakunot ng kilay ko. Pinilit kong alalahanin ang tungkol sa sinasabi niya pero biglang sumakit ang ulo ko na parang mabibiyak na ito.

"Ahhhhhhh!!!" nasasaktan kong sigaw. Napahawak pa ako sa ulo ko na parang mawawala ang sakit niyon kapag hinawakan ko. Nagpakurap-kurap ako. Unti-unting nabibigyan ng liwanag ang kadilimang nakikita ko kanina ngunit malabo pa rin iyon. Ibig sabihin ay maliwanag talaga ang lugar na ito. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong aninagin ang liwanag na namumuo na sa paningin ko. Ngunit bigla na naman iyong naglaho.

Napatigil ako sa paggalaw. Pilit ko na namang hinahagilap ang kakaunting liwanag na nakita ko kanina. Bumalik ang purong kadiliman sa paningin ko na lalong nagbigay ng takot sa akin.

"I .. I c-can't see!" natatakot kong sambit. Pinilit kong kumapa sa paligid ko upang may mahawakan lang ako.

"First.. h-hey I'm here." sambit ng babaeng nagpakilalang Miracle sa akin habang hawak na niya ang kamay ko.

"W-who is First?" naguguluhan kong tanong sa kanya na ikinahawak ko ulit sa ulo ko. Bakit wala akong maalala?

"I-ikaw.. ikaw si First.. ang— ang kapatid ko." pansin ko ang pagkabasag ng boses niya ng sabihin niya iyon at naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin na lalo ko lang na ikinagulat.

"K-kapatid?" di makapaniwala ko pang sambit sa kanya. Bakit hindi ko maalala iyon?

"First.. ako 'to si Miracle.. you used to call me Suzie before.. b-bakit hindi mo na ako maalala? What happened to you? Bakit pati pangalan mo ay hindi mo na alam?" umiiyak niyang sambit na ramdam ko ang pag-aalala niya habang mahigpit niya pa rin akong niyayakap.

"I.. I don't know.. I'm scared.. I still c-can't see.. W-wala akong maalala.. natatakot ako.. p-please.. please help me." mahina kong paghingi ng tulong sa kanya na ramdam kong lalo niyang ikinahigpit ng yakap sa akin.

"I'm so sorry.. I'm sorry dahil nangyari ang bagay na ito sayo ngayon.. Hindi man lang kita kayang protektahan.. I'm so sorry First." nagsisisi niyang sambit na hindi ko alam kung bakit nasasaktan ang puso ko ngayon kahit pa wala akong maalala.

"Miracle." muli kong tawag sa kanya habang ramdam ko ang pangingilid ng luha ko kahit wala pa rin akong makita ngayon.

Bakit kumikirot ang puso ko ng ganito?

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!"

Muling sumakit ang ulo ko. Napabitaw pa ako ng yakap sa kanya habang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala akong makita ni kaunting liwanag. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa kahit anong bagay upang mawala lang ang sakit nito.

"First.. s-stop it! No!" rinig ko pang pigil ni Miracle sa akin ng iuntog ko na ang ulo ko sa nahawakan kong pader.

"It hurts! Ahhhhh!" sigaw ko pa ng maramdaman ko ng hindi ko na kaya ang sakit.

"M-mommy.. p-please help me!"

Niyakap akong muli ni Miracle upang pigilan lang ako sa pag-untog ko ng ulo ko sa pader. Naramdaman ko ang unti-unting pagkawala non at kasabay ng pagkawala ng sakit ng ulo ko ay ang pagkawala din ng malay ko.


***

"First.." narinig ko ang muling pagtawag ng babae sa akin.

Nagmulat ulit ako ng mata at tumambad sa paningin ko si Miracle na umiiyak habang nakatingin sa akin.

"M-miracle? .. W-What are you doin' here?" nagtataka ko namang tanong sa kanya. Kinusot kusot ko pa ang mata ko upang masiguro lang na siya talaga ang nakikita ko ngayon.

"First.. naaalala mo na ako." umiiyak niyang sambit bago pa ako mabilis na niyakap.

"W-what are you talkin' about?" nagtataka ko namang tanong sa kanya patungkol sa sinabi niya.

"Y-you forgot about me earlier.. pati pangalan mo ay hindi mo na maalala." Sambit niya na lalo ko lang pinagtakhan. Did I?

Pinaharap ko siya sa akin at tinignan ko ang hitsura niya kung totoo ba talaga ang sinasabi niya ngayon. Umiiyak niya pa rin akong tinitignan habang nakikita ko sa emosyon niyang nag-aalala din siya para sa akin.

"A-ano pa ang nangyari kanina?" kinakabahang tanong ko sa kanya kalaunan. May ideya na ako kung bakit iyon nangyari pero katulad ng nangyari habang si Clover ang kasama ko, wala din akong maalala kung ano pang nangyari sa mga sandaling nakalimot ako.

"Sumakit ng sobra ang ulo mo.. ilang beses mong inuntog iyon sa pader at.. at hindi ka din nakakakita." sagot naman niya na ikinahugot ko ng malalim na hininga. Is it the another effect of the manipulation control and the dievil drug? Ganito ba ang epekto kapag na-exposed ka na sa imbensyong iyon? Did I'm goin' to forget everything soon? I'm scared.. I don't want to get blind.

Kahit pa man noon ko pa gustong makalimot sa mga masamang nangyari sa buhay ko, pero ngayon ang dami ko ng ayaw makalimutan. ..ang mga kaibigan ko, si Tork, si Clover.. I don't want to forget them..

I don't want to forget about you Miracle..

Napatingin ako sa kanya habang lihim na lang na binibigkas ang mga salitang iyon. Natatakot ako.. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyan ko na talaga silang nakalimutan.

Habang nakatingin ako sa kanya napansin mo ang mga pasa sa mukha niya maging ang natuyong dugo sa labi niya. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil baka nasaktan ko din siya katulad ng nagawa ko kay Clover.

"D-did I hurt you?" kinakabahan kong tanong sa kanya na ipinagtaka naman niya bago ako sagutin.

"No." kaagad niyang sagot.

"Then, who?" seryoso ko pang tanong na ikinaiwas niya ng tingin sa akin.

"Miracle?" inip ko pang tawag sa pangalan niya ng hindi niya pa rin ako sinasagot.

"I-it's your mom First.. I— I mean.. ang babaeng kumuha sayo noon.." pagtatama niya sa nauna niyang sinabi. "Dinukot ako ng mga tauhan niya at kinulong ako sa lugar na ito." Napatitig pa siya sa mata ko bago ulit magsalita.

"I'm so sorry First.. I'm sorry for not recognizing you.. I'm sorry dahil hindi kita nakilala noon. Inamin na ng ina mo ang totoo sa akin.. ang tungkol sa tunay mong pagkatao.. Your my twin, right?" lumuluha niyang sambit na nagpatigil sa akin.

"I.. I'm not." mahinang tutol ko pa sa sinabi niya.

"First.. b-bakit? May pagkakataon ka para sabihin sa amin ang totoo noon., bakit hindi mo sinabi? Bakit hinayaan mo kami ni mama na saktan ka?" patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang ako ay nakayuko na habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay ko.

"I-I'm fine.. I .. -I don't need anyone." sagot ko na ikinalakas ng iyak niya.

"But I need you First.. I need someone.. I need a sister.. I need a family.. kailangan ko ng kapatid na makakasama ko araw-araw. Kailangan ko ng kapatid na magtatanggol sa akin kapag may umaapi sa akin dahil inaamin kong mahina ako First.. hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.. but you came..  I'm thankful that you came that time.. yung mga oras na kailangan ko ng karamay, ng magtatanggol sa akin. .. pero bakit? bakit hindi ka nagpakilala bilang kapatid ko?"

"Wala akong karapatan para maging kapatid ka Miracle.." mahina kong saad sa kanya. Inilingan niya naman iyon.

"No.. you have all the rights First.. lahat ng karapatan ay na sayo.. kung tutuusin ay ako pa nga ang walang karapatan upang manumbat kung bakit hindi ka nagpakilala noon.. alam kong dahil kay mama, dahil sa pang-aapi sayo ng sarili nating ina.. ako.. -kami ang walang karapatan First dahil malaki ang kasalanan namin sayo."

"That's not true.. I made so many mistakes towards you Miracle." nahihiyang pag-amin ko sa kanya.

"No, First.."

"It's me Miracle.. it's because of me kaya ka binubully ng mga kaklase natin noon." pansin ko ang pagtataka na namumuo sa hitsura niya.

"What?"

"Ako ang nag-utos sa kanila para saktan ka. ..para apihin ka." napailing siya. Hindi siya makapaniwalang napatitig pa sa akin na parang may tinitimbang siyang mga bagay sa isip niya.

"Why?" halos pabulong na lang niyang tanong sa akin dahil sa pagtataka niya.

Peke pa akong natawa habang umiiling sa harap niya. Malungkot ko siyang tinignan kapagkuwan na nagpa-iba na naman ng emosyon niya. Naaawa siya sa akin.

"I-I was jealous.. Inggit na inggit ako sayo noon dahil.. dahil may pamilya ka.." napalunok pa ako habang nag-iiwas sa kanya ng tingin.

"..mahal ka ni dad at inaalagaan ka ng ina mo. Na sayo na ang lahat Miracle habang ako.. habang ako ay walang-wala.. walang nagmamahal sa akin.. wala akong pamilyang matatawag.. walang nagtatanggol sa akin, nag-aalalaga at nag-aalala. Si Dad, ang ina mo.. ikaw lang ang nakikita.. ikaw lang ang tinuring nilang anak habang ako kinalimutan na nila ako, kinalimutan niyo na ako.." halos mabasag ang boses ko habang sinasabi iyon sa kanya. Hindi ko binalak na manumbat pero parang ganoon na din iyon.

"First, patawad." hagulhol niya. Imbes na magalit siya ay awa ang nakikita ko sa emosyon niya na ayaw kong maramdaman sa akin na kahit na sino.

"No. K-kasalanan ko din naman 'yun.. kasalanan ng kapalaran ko kung bakit ako pa ang nakuha ni mama noon.." napangisi pa ako sa kanya bago pa dagdagan ang sinasabi ko.

"..alam mo bang nagawa kong ihiling na sana.. na sana ikaw na lang at hindi ako.. ikaw na lang sana ang kinuha ni mama para hindi na ako nagdusa.. hindi sana ako kinalimutan ng ina mo at ni dad.. can you imagine how horrible am I wishing that thing for you? Haha.. ang sama ko! Sobrang sama ko diba?" natawa kong sambit na inilingan lang niya.

"No.. hindi ka masama First." tutol na naman niya.

"Masama akong tao Miracle.. masama ako dahil nakaya kong manakit ng ibang tao upang pagtakpan lang ang mga kasalanan ko!" galit kong sambit na bahagya niyang ikinalayo sa akin. Napakurap ako dahil sa paglayo niya. Pakiramdam ko ay kumirot ang puso ko dahil sa pagkakaroon ng distansya naming dalawa. Ngunit segundo lang ang nagdaan ng mabilis niya din akong niyakap. Natigilan ako ngunit ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.

"First." umiiyak niyang tawag sa akin.

"Stay away from me Miracle.. I don't need you.." piglas ko sa pagkakayakap niya sa akin ngunit mas hinigpitan pa niya iyon.

"No.. Hinding-hindi na ako lalayo sayo First.. hinding-hindi na kita hahayaang lumayo pa sa akin. Kapatid kita.. kapatid mo ako.. -kahit a-ayaw mo pang tanggapin iyon, basta ang mahalaga kasama kita.. mahal kita First.. mag-aalala ako sayo.. kung bibigyan man ako ng pagkakataon, aalagaan din kita.. ipagtatanggol kita kahit mahina ako.. gagawin ko ang makakaya ko kahit pa.. kahit pa mahirapan ako.."

Natigil ang pagpupumiglas ko sa yakap niya at napalitan iyon ng malakas na hagulhol. Mahigpit ko din siyang nayakap kapagkuwan na sinuklian din niya ng mahigpit ding yakap.

"I'm sorry... I'm so sorry Miracle.. I .. I miss you.. I n-need you.." hagulhol kong sambit sa kanya.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 625 57
The most bithches in your campus stole your boyfriend.... What will you do?? But what if one guy will change her suddenly..... Would she change or st...
13K 1.4K 39
LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH #04 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN TEENFICTION 2022-07-24 #08 HIGHEST RANKING ACHIEVED IN CHICKLIT 2022-03-07 #94 HIGHEST RAN...
48.1K 2.8K 66
One unexpected encounter. Clyde met Demi. Clyde was like an open book while everything about Demi is a mystery. Join me in reading and falling in lov...
343K 9.4K 45
This story is a fiction which includes also a fictional characters. The place and the school's names is just an imaginary.