One Shot Short Stories

Bởi kiiiche

90.8K 1.7K 201

Even small happenings have big stories. Copyright © 2012 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this... Xem Thêm

One Shot Short Stories
Valentine's Day
Twelve Fifty-One
Childhood Sweethearts
3-Month Rule
ONE SHOT: SIGNS
Captured
Dear Ex
Dear Ex, again
Pen and Paper

Stolen Shots

5.3K 134 5
Bởi kiiiche

Stolen Shots

Nagkukusot kusot pa ko ng mga mata habang pinapatay ko yung nakakarinding tunog ng alarm ko.

Haaay... Kailangan na namang gumising. Kailangan na namang pumasok sa school para imeet ang mga nakakatakot at nakakatawang mga prof at para na rin mastress. On the other hand, it’s another chance for me to see him.

Unti-unti namang nagform ng smile yung lips ko sa very thought of him. Ahihihi! Umaarangkada na naman ang kalandian ko. E pasensiya naman a. Tatlong taon ko na kasing crush ang isang him na itago na lamang natin sa pangalang Daniel Castrillo, my forever crush.

Nanonood kami ng laro ng basketball nun e. Sinama ako ng best friend kong si Nesa para suportahan daw namin yung boyfriend niyang basketball player. Hindi ako basketball fan pero kapag nanonood talaga ko ng mga ganito, di ko maiwasang macarried away. So nung intense na yung laban at biglang nakapoint yung kalaban ng team ng boyfriend ni Nesa dahil kay Number 14 na team mate niya, di ko naiwasang mapasigaw.

“HOY! NUMBER 14! UMAYOS KA NGAAAA!”

For some reasons, nasa mega phone mode ang boses ko at kahit nasa kadulu-duluhan kami ng bleachers e mukhang narinig ako ni Number 14 dahil bigla siyang napatingin sa direction kung nasaan kami. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun or what pero parang nagtama yung mga mata naming dalawa. Para akong nakuryente ng mga sandaling yun at biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Then he smiled. Yung tipo ng ngiting parang nahiya sabay hawak sa batok niya.

And the world seems to stop moving.

Seryoso. Di ko alam kung anong nangyari after nun.

Narealize ko na lang, nagwawala na yung bestfriend ko at yung mga tao sa paligid ko dahil tapos na yung game at nanalo yung team nina Number 14. At ayon kay bestfriend, si Number 14 ang nagpanalo sa team.

Dahil biniyayaan ako ng great stalking skills, I later found out na Daniel Castrillo pala ang pangalan niya. Architecture student siya, magkasing age lang kami, and the most important information of all: SINGLE SIYA.

Simula nun, siya na si Daniel Castrillo, my forever crush.

“O dali! Picture picture!” Sigaw ko sa mga kaibigan ko habang nagkocompress sila nang magkasiya sila sa picture. Nakakatuwa kasi mga itsura namin. Naka pang Spanish era attire. Pauso ng university namin. Pero enjoy naman. So pose kung pose itong mga kaibigan ko. Tawa nga ako ng tawa sa mga pose na pinaggagagawa nila e habang nakatutok sakanila yung camera ng phone ko.

“Patingin! Patingin!” at sabay sabay po silang nagcrowd sa likuran ko para tignan kung naging maganda ba sila sa picture.

“O. Ikaw naman mag-isa, Cherry.” Hindi Cherry ang pangalan ko. Cheyenne Sakura Tolentino. Pinaglihi kasi ako ng nanay ko sa Cherry blossoms nang pinagbuntis niya ko sa Japan kaya may Sakura sa pangalan ko kahit wala naman akong lahing Hapon. At dahil parang odd na tawagin akong Sakura, natripan nitong mga kaibigan kong tawagin akong Cherry.

At dahil malandi ang lola niyo, pose naman ako nang picturan nila ako. Tawa pa ko ng tawa sa mga pinaggagagawa kong pose. Pang demure kasi yung pose. Di lang bagay. HAHAHA!

“Uy shet. Yung crush mo, Che!” Sabi ni Mimi habang nakatingin sa phone ko.

“O? Ano naman?” Tanong ko habang papalapit ako sakaniya. Yung mga kaibigan din namin, lumapit sakaniya.

“Nasama sa picture mo!” Sabay pakita niya sakin nung picture ko.

Yung picture kong pademure, may poging nakasmile sa bandang gilid na medyo likod ko na parang tinitignan ako from afar. And yep, si Daniel my forever crush nga yung poging nasama sa picture ko.

Ang cute pa nga ng kinalabasan nung picture e. Parang sinaunang kalandian lang. Hahaha!

Nagkatingnan kami ng mga kaibigan ko at sabay sabay na...

“YIHEEEEE! SOULMATE!!!” Yep. Kasama nga ako sa nang-asar sa sarili ko. HAHAHA! Baliw e.

Kaso loka loka ‘tong bestfriend kong si Nesa. Tawa ng tawa. Pero buti kung tawa lang ng tawa. Ang kaso, umaksyon ang bruha.

“HAHAHAHA! Daniel! Ang epal mo sa picture o!” At talagang pinakita pa niya yung picture namin ni Daniel my forever crush. Palibhasa, team mate ng boyfriend niya kaya madali niyang nakakausap. Samantalang ako, hanggang tingin lang sa malayo. Ampf.

Agad agad namang lumapit samin ‘tong si Daniel my forever crush para tignan yung pinapakita ng bespren kong parang ayaw ko nang tawaging bespren sa mga sandaling ito habang yung mga kaibigan ko naman e nagpipigil ng tawa. Babatukan ko talaga ‘tong mga babaeng ‘to mamaya.

Biglang nagsmile si Daniel ng makita niya yung picture. At parang tumigil panandalian yung tibok ng puso ko.

“Cute. Pa-tag na lang ako ha, Che?” Nginitian niya ko. At para na naman akong tangang di nakaimik at napatango na lang.

At hala. Kung magsitawanan lang yung mga kaibigan ko pagkalayo nitong si Daniel my forever crush.

“Sige. Tawa lang kayo. Mamaya lang kayo sakin.” Sabay tingin ko sakanila ng matalim. Aba’y lalong nagtawanan. =________=

“Is it just me or talagang pinagtitinginan ako ng mga tao?” Bigla kong natanong sa mga kaibigan ko habang naglalakad kami sa corridors. Para kasing simula nung paglabas namin ng classroom e pinagtitinginan na ko ng mga taong makakasalubong naming sabay magbubulungan. So weird.

“Pinagtitinginan ka nila.” So uninterested nilang sagot sakin habang patuloy sa kaniya kaniya nilang ginagawa such as texting and playing on their ipads.

“E bakit? May dumi ba ko sa mukha?” With matching pagpunas pa yan sa mukha kong pang goddess ang beauty. Pero bago pa nila masagot ang aking katanungan e sinagot na ito ng classmate naming nakasalubong namin.

“Oi, Tolentino. Ang ganda ng pictures mo sa gallery sa baba a.” Eeeeengk! Wait a minute, kapeng mainit. Pictures? Gallery? Baba? Maganda?

“Ha? Anong pictures?” Napahinto rin nun sa mga ginagawa nila yung mga kaibigan ko at napatingin kay classmate.

“Yung nasa gallery nga sa lobby sa baba. Tignan niyo na lang. May exhibit dun e.” Nagkatinginan kaming magkakaibigan and 5 seconds later?

Ayun. Nagtatakbuhan na pababa.

“OH. EM. GEEEE!” Yan lang ang nasabi ko nang tumambad sa aking mga mata ang isang wall na puno ng pictures ng pagmumukha ko.

Mukha ko na tumatawa, nakatulala, nagbabasa ng libro, nagtetext, nakasmile, poker face, lahat ng possible emotions na pwedeng gawin ng pagmumukha kong ito. Ang masaklap, lahat STOLEN! Except yung picture sa gitna, yung pinakamalaking picture na full body shot.

Yun kasi yung picture na kinuha namin nung naka sinaunang people attire kami. Yung kasama si Daniel my forever crush. Pero sa picture na ‘to, ako lang. Nakacrop yung part ni fafa Daniel my forever crush.

At in fairness, kahit stolen ‘tong mga pictures na ‘to di ko magawang completely magalit dahil ang ganda lang ng pagkakakuha. Di ko nga alam na may kakayahan pala akong maging photogenic e. Haha!

“OMG talaga. Sinong may gawa nito?” Nagkibit balikat yung mga kaibigan ko.

“Pero look, Che o.” Sabay turo ni Mimi dun sa babang part nung pinakamalaking picture.

Parang may nakasulat kasi e.

You stole my heart just as these pictures were captured.

4pm. Arch of the centuries.

 

Gulp.

 

 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

133K 7.1K 43
Porcia Era Hart x Chrisen
437K 16.3K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
38.7K 162 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!