Status: In a Relationship wit...

By AnjSmykynyze

100K 3.3K 726

Magugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. I... More

Premise
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
***

Chapter 21

756 36 11
By AnjSmykynyze

*Xavier's POV*

"Saan kayo galing" isang ma-awtoridad na tinig ni lolo ang sumalubong sa amin nang marating namin ang mansyon.

"Sinamahan lang namin si Yumi sa bahay ng tiyahin niya," agad na sumabat si Tita Aubrey marahil ay para matabunan ang nangyaring pag-uwi ni Yumi sa tiyahin niya dahil nakalimutan ko siyang sunduin.

"Bakit kailangang kasama ka?" tanong ni lolo.

"K-kasi," nauutal ni saad ni tita kaya agad akong nagsalita, "dahil may pakiusap ang tiyahin ni Yumi kaya nakiusap ako kay tita na samahan kami."

"Oh?" nagulat na sagot ni lolo saka nagpatuloy sa pagsasalita, "bakit hindi na lang ako ang tinawagan mo?"

"Gabi na kasi, papa," si tita naman ang sumabat, "saka simple lang naman ang pakiusap ng tiyahin ni Yumi kaya ako na lang ang pumunta."

"Eh ano ang pakiusap niya?" tanong ni lolo kaya agad kaming nagkatinginan ni tita.

Hindi namin napaghandaan ang ginawa naming palusot kaya bahagya kaming nataranta, mabuti na lang at mabilis ding nakaisip si Yumi ng isasagot.

"Pinagalitan kasi ng papa ko si tiyang. Nagalit si papa dahil pumayag si tiyang na magpakasal ako nang hindi nakapagpaalam kay papa," paliwanag ni Yumi.

"Hindi ko rin 'yan naisip," kumalma ang boses ni lolo saka nagpatuloy sa pagtanong, "so ano ang nais mangyari ng tiyahin ni Yumi?"

"Nakiusap siya na kusang puntahan nina Yumi at Xavier ang mga magulang ni Yumi sa probinsya upang pormal na hingin ang kamay ni Yumi sa kasal," agad na sagot ni tita na siya namang dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

Wala akong balak ituloy ang kasal namin ni Yumi kaya hindi namin kailangang harapin ang kanyang mga magulang. I've made up my mind, hindi ako magpapakasal kahit kanino. Ang hinihingi lang naman ni lolo ay ang magkaroon ng kadugong apo. My son with Garnet is the answer to that. Ibig sabihin, I can stay single and continue to enjoy no commitment sex.

"Magandang ideya 'yan," natuwa si lolo saka sinabing, "magpahanda ka para sa pagdating ng mga magulang ni Yumi. Gusto ko rin silang makilala."

"P-pero," sabat ni Yumi, "ang gusto ng mga magulang ko ay si Xavier mismo ang pumunta sa probinsya."

"Mukhang gusto nilang makilala muna si Xavier, Papa," natatawang saad ni tita kay lolo.

"Well then, let's give that to them," saad ni lolo, "ipahanda mo ang mga kakailanganin ni Xavier, Aubrey. Mamili ka na rin ng mga pasalubong na dadalhin nina Yumi sa probinsya."

"H-hindi kayo sasama?" tanong ko.

"This will be on you, Xavier," nilapitan ako ni lolo saka inakbayan, "may mga bagay din akong dapat asikasuhin dito sa Maynila. Besides, alam kong kayang-kaya mong harapin ang mga magulang ni Yumi. When everything goes well, ask them to come over so we can formally welcome them in our family."

Hindi ako nakapagsalita habang pinapanood si lolo na umakyat ng hagdanan patungo sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon. Hindi ito parte ng balak ko kaya hinarap ko si Tita Aubrey.

"Wala akong intensyong ituloy ang kasal kaya hindi ko kailangang gawin ang pinakiusap ng tiyahin ni Yumi," saad ko.

"Xavier, baka magduda si papa," sagot ni Tita Aubrey.

"Magduda?" sabat ni Yumi.

"Mapagmasid si Papa," saad ni tita pagkatapos kong sabihin kay Yumi ang nalaman niya.

"Kung hindi kayo tutuloy bukas, siguradong magtataka si Papa," pagpapatuloy ni tita.

"Huwag na kayong mag-alala, sasabihin ko kay lolo na hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal ko kay Yumi," sabi ko.

"S-so ibig sabihin, kay Garnet ka magpapakasal?" agad na tanong ni Yumi at bakas sa kanyang mukha ang pag-alala.

"Wala akong papakasalan," malimit kong saad.

"W-wala?" inulit ni Yumi ang sagot ko kaya bumuntong hininga ako saka ako nagpaliwanag.

"Ang tanging gusto lang ni lolo ay ang magkaroon ng apo na kadugo niya, 'di ba? May hinarap na sa kanya na anak ko, kaya hindi ko na kailangang magpakasal para lang mabigyan siya ng apo," sambit ko.

"Paano kung hindi mo anak ang ipinakilala ni Garnet?" sabat ni Tita Aubrey.

Napatigil ako sa isinambit ni tita Aubrey. I was young and naïve then. Noong sabihin ni Garnet na buntis siya, agad kong inisip na anak ko ang ipinagbuntis niya. Pero sa mga nagdaang taon, maraming babaeng katulad ni Garnet ang nakasalamuha ko. Maaaring hindi ko anak ang ipinagbuntis niya noon. Possible ring itinuloy niya ang pagpapalaglag sa anak namin at ibang bata ang ipinakilala niya ngayon.

"'Yan ba ang dahilan kung bakit pinaalis mo si Garnet noon?" nagulat ako sa tanong ni Yumi.

"Ano ang ibig mong sabihin?" hinarap ko si Yumi.

"S-sorry. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-usapan ninyo ni Tita Prescilla noon," tumingin si Yumi kay Tita Aubrey saka nagpatuloy, "narinig kong ikaw ang nagkumbinsi kay Garnet na umalis ng bansa at pagkatapos ay pinalitan mo ang iniwang sulat ni Garnet para kay Xavier."

Tumango si tita saka nagsalita, "siguro dapat ko na ring sabihin sa'yo ang totoo."

"Makikinig ako," I should be mad after hearing what Yumi said, but I would rather hear Tita Aubrey's explanation first.

"Noong nalaman kong may namagitan sa inyo ni Garnet, nag-utos ako ng tauhan upang manmanan kayo," panimula ni tita Aubrey, "bata ka pa at alam kong mapusok at hayok sa pagtatalik ang mga teenagers na nasa edad mo; at hindi ako nagkamali dahil dumating ang araw na nagtalik kayong dalawa."

Bahagyang tumigil sa pagsasalita si tita Aubrey na tila hinihintay ang reaksyon ko pero hindi ako nagsalita dahil gusto ko munang marinig ang buo niyang paliwanag.

"Nalaman ko mula sa inutusan kong tauhan na patuloy pa ring pinupuntahan ni Garnet ang boyfriend niya kahit nagkaroon na kayo ng ugnayan. Sa madaling salita, dalawa kayong maaaring ama ng ipinagbuntis ni Garnet. Because you are having sex with her, she also gave herself away to her ex-boyfriend. You are your father's son. Alam kong ipaglalaban mo si Garnet dahil binulag ka ng pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya."

I don't know how but she did it again. Alam niyang ipipilit ko sa lolo ko na pakasalan ko si Garnet, at dahil dito, pinapasalamatan ko si Tita Aubrey dahil niligtas niya ako at si Garnet sa isang kasalang maaaring magkulong lang sa amin. I will be the next Harris and Garnet will just be another Tita Aubrey.

"Kaya mo umalis si Garnet patungong Estados Unidos dahil tinakot mo siya?" tanong ko.

"I just advised her to leave. Sinabi ko sa kanya ang mga consequences kung sakaling manatili siya. Sabi ko, kakamuhian mo siya kapag malaman mong hindi mo anak ang dinadala niya. Dahil hindi rin siya sigurado kung sino ama ng ipinagbuntis niya, pumayag siya sa alok kong makapagbagong buhay sa ibang bansa," paliwanag ni Tita Aubrey.

"Pero bakit kailangan mo pang palitan ang liham na ginawa ni Garnet?" nagulat ako sa tanong ni Yumi pero agad din akong tumingin kay Tita Aubrey upang pakinggan ang sagot niya sa tanong ni Yumi.

"Garnet's letter is filled with guilt and promises. She took advantage of your affection towards her. Gusto niyang ipalabas na wala siyang choice. But I know you, Xavier. Because of your blind love for her, hahabulin mo siya. Garnet will then be guilt-free kasi maaari niyang sabihing alam mo ang consequences ng actions mo. I had to change her letter. I had to allow you to get hurt kaysa hayaan kitang umasa sa wala sa paniniwalang ikaw talaga ang mahal ni Garnet."

Tinantya ang aking naramdaman ngunit sa halip na galit ay parang natanggalan ako ng tinik dahil sa narinig ko. Kung hindi nakialam si tita noon, marahil ay ipaglalaban ko ang pagpapakasal kay Garnet. And then I will be another Harris Vanhallen – a man who cannot honor his marriage vows.

"I think I also owe you something," sambit ko.

Nagpasya si tita na saktan ako noon upang makawala ako sa buhay na maaari kong pagsisihan kaya naisip kong sabihin na rin sa kanya ang totoo upang makawala siya sa taksil kong ama.

"Next time na wala si daddy sa kwarto niyo, you should check on mommy's room," saad ko saka naunang maglakad patungong hagdanan.

Tita Aubrey was more of a mother to me than my own mother. Ayoko siyang masaktan pero ito ang dapat. She allowed me to feel the pain so I can be stronger. Now it is my turn to let her stand on her feet.

*Yumi's POV*

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa mga narinig ko. Tahimik na paakyat si Xavier sa hagdanan nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni tita Prescilla. Lahat kami ay nabato nang makita namin ang paglabas ng daddy ni Xavier mula dito.

Napalibutan kami ng nakakaasiwang katahimikan nang magtagpo ang tinginan nina tita Aubrey at tito Harris. Para akong nanood ng eksena sa teleserye kung saan inaabangan ko kung paano ilalabas ni tita Aubrey ang kanyang hinanakit. Ngunit nadismaya ako nang tahimik na naglakad si tita Aubrey saka umakyat ng hagdanan. Nilagpasan niya si Xavier na tila naghihintay din sa lung ano ang gagawin ni tita Aubrey.

Nakita kong sumunod si tito Harris kay tita Aubrey papasok sa silid nila. Sandali akong nakiramdam ngunit wala kaming narinig mula sa silid. Ipagpapatuloy pa rin ba ni tita Aubrey ang pagiging martir?

Nakita kong nagpatuloy si Xavier sa pag-akyat sa hagdanan kaya agad ko siyang sinundan.

"X-xavier, sandali," tawag ko habang hinahabol siya.

"Makikiusap lang sana ako," agad kong sambit nang makalapit ako sa kanya.

"Ano?" tanong niya na hindi ako niingon.

"Pwede bang gawin natin ang pakiusap ng tiyahin ko na harapin mo ang mga magulang ko?" tanong ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya kaya agad akong nagpatuloy, "Noong nagpunta ako sa unibersided, nalaman kong possibleng mawala ang scholarship ko dahil sa desisyon kong huminto sa pag-aaral. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa mga magulang ko, lalo na dahil ako sana ang unang magtatapos ng kolehiyo sa aming magkakapatid."

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila ang totoo?" tanong ni Xavier.

"Hindi nila maiintindihan ang dahilan ko," sagot ko.

"Hindi nila alam na nagpanggap kang girlfriend ko dahil nagbakasakali kang yayaman ka?"mapangutyang tanong niya sa akin.

Nais kong murahin siya dahil sa ginawa niyang pagmamaliit sa akin, pero pinigilan ko ang sarili dahil inisip ko kung paano ko haharapin ang mga magulang ko.

"Wala silang alam sa naging disisyon ko," mahina kong sagot.

"At sa tingin mo, maiibsan ang galit nila kung magpapanggap tayo?" hinarap niya ako.

"Magagalit pa rin sila pero mas maiintindihan nila ako kaysa sabihin ko sa kanila na walang kwenta ang dahilan ng pagkawala ng scholarship ko," sagot ko.

"Gusto mong umasa sila na ikakasal talaga tayo?" kunot noong tanong niya saka siya nagpatuloy, "bakit hindi mo na lang sila direchohin? Sabihin mong naging sablay ang balak mong pagperahan ang lolo ko."

Nasaktan ako sa sinabi niya pero kailangan ko siyang kumbinsihin kaya muli akong nakiusap, "mas magagalit ang mga magulang ko kapag 'yan ang idadahilan ko. Pinalaki nila ako ng maayos –"

"Kaya gusto mong magpanggap tayo dahil ayaw mong malaman ng mga magulang mo na naging manloloko ang anak na pinalaki nilang maayos?" pangungutyang sambit ni Xavier.

"G-gagawin ko ang lahat, pumayag ka lang," pangumbinsi ko.

"Sige," simpleng saad niya.

"P-payag ka na?" paniniguro ko.

"Gagawin mo ang lahat, 'di ba?" pilyo siyang ngumiti saka siya pumihit upang pumasok sa kanyang silid.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Xavier. Ano kaya ang balak niyang ipapagawa sa akin? Sana makayanan ko. Sana maalala niya ang pagmamahal niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
20.8M 764K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
78.5K 2.9K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
7.9K 1K 59
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...