The Protector

By grenadier0007

37K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 8 - AliTon
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 16 - Three Is A Crowd
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 24 - Rescue Me
Chapter 25 - Missing You
Chapter 26 - Together Again
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 34 - Mystery Woman
Chapter 35 - Revelations
Chapter 36 - Eye For An Eye
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 21 - The Start Of Something New

901 58 102
By grenadier0007

JESSICA.

Muntik ko ng mabitawan ang dala dala kong bowl at bimpo sanhi ng aking nasaksihan.

Myla is on top of Bea and kissing her!!!

Natigil lang siya sa ginagawa dahil dumating ako. She get off from Bea and immediately rolls out of the bed. Tumambad sa akin ang hitsura ni Bea. She is lying helplessly there and totally passed out.

The fuck!! Hindi ba alam ni Myla that what she was doing to Bea is considered a sexual assault? You don't do that to a person who is unconscious.

Kahit na sabihin nating parehas silang nakainom at lasing. That's a big no, no. I'm sure Bea did not give her consent to Myla para halikan siya.

Nawala lang ako saglit, may ginagawa ng kademonyohan ang hipag ko. Nakalimutan ko na magkapatid nga pala sila ni Anton. Sila dapat ang huling taong pagkakatiwalaan ko. Napailing na lang ako.

Mabilis ko siyang pinalabas ng kuarto. Mabuti naman at hindi na ito gumawa pa ng iskandalo.

Sinimulan ko ng punasan sa mukha si Bea kahit inis pa ako sa kanya. Isinunod ko ang likod niya and when I finished wiping it, pinatihaya ko ulit siya.

Ako naman ang natigilan kasi baka magalit ito sa akin pag pinunasan ko ang dibdib niya without her consent. Hindi kasi maiiwasan na makita ko o masagi ang ano niya.

I did a bit of reflection. I stopped Myla kissing her tapos ganito ang gagawin ko? Kaya ba ng konsensiya ko?

Iba naman ang purpose mo Jessica.

Sabagay. I'm doing this to help Bea and not for anything else.

Ipinasok ko na ang aking kamay sa tshirt niya ng bigla siyang gumalaw. Nakupo, nasaktan ko yata siya? Kahit naman anong tanong ko sa kanya ay para din akong nakikipag usap sa puno, no reply. 

My hand is shaking when I undid the clip of her bra. Baka kasi kung ano ang mahawakan ko sa sobrang likot nito. I managed to do it without any untoward incident ehem. Pumikit na lang ako at itinuloy ang ginagawa. Sa sobrang likot niya, hindi ko tuloy matapos tapos ang pagpupunas sa kanya.

I checked her again baka kasi gising na siya at niloloko lang ako. Tulog pa rin ito. She is so drunk talaga.

Para ma-distract ang mind ko sa aking ginagawa, I was talking to her the whole time na pinupunasan ko siya. Since she is asleep, Bea won't hear what I'm saying. Inilabas ko ang lahat ng aking hinanakit at sama ng loob.

"Alam ko na magkakilala kayo ni Jhoana Maraguinot. Sino siya sa buhay mo? Bakit gusto ka niyang makausap? Wala ka naman sigurong atraso sa kanya o kaya ay utang."

"Alam ko na wala akong karapatan manghimasok kung ano ang meron sa inyong dalawa but I'll have a guess. I think she's been a part of your life. A special one. Lovers perhaps?"

"Bakit ko nasabe ito? Kasi yung mga reactions ninyo sa isa't isa when you saw each other, may meaning. Pati ang tinginan ninyo ng palihim ay tila nagpapahiwatig ng mga bagay bagay na may kinalaman sa puso."

"Medyo nagselos pa nga ako pero sabi ko nga, wala naman akong karapatan sayo. You might think I'm a fool but I had to put in my two cents' worth."

"Then, of all people here, she asked a favor from me. Ako pa ang ginawa niyang messenger huh. Magkita daw kayo bukas. At dahil mabait ako tapos maganda naman yung approach niya kanina, I will tell you siempre. Bahala ka na kung makikipagkita ka sa kanya."

"Bea, I don't know a lot about you. Hindi ka naman kasi nagkekwento. Specially your love life. All I know is that you have taken interest on me. You said that you love me. Kahit na alam mo ang sitwasyon ko sa ngayon. I consider that very brave. Bilib ako sayo kasi ang tapang mo. Sana ganyan ako katapang sayo. Duwag kasi ako, sa totoo lang. I have been relying on other people ever since my parents died. Takot akong mag isa kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon. Akala ko hindi ko kakayanin on my own."

"Then you came along, nakilala kita. Nagbago bigla ang perspective ko sa buhay. Dapat pala matuto tayong lumaban kapag naaapi na. Basta nasa tama ka, ipaglaban mo."

"What I really like about you is that you didn't judge me. Nakinig ka lang when I opened up to you. Mahalaga sa akin ang katangian na ganun. But hey, I also value your opinions on things."

"You are a complete stranger to me but you intrigued me. I want to know more about you, if you will let me."

I sighed as I finished what I am doing. Bea is now sleeping soundly. This cold compress refreshed her. Hopefully, she will have a comfortable sleep. I smiled and looked at her. Ang cute niyang pagmasdan. She is like a kid that just had a tender and loving care.

Pero nawala ang ngiti ko dahil bumalik yung eksena nila ni Myla kanina. Ganito pala kung malasing ang babaeng ito? Hay naku. Dapat huwag siyang iinom kung wala ako sa tabi niya para hindi siya pinagsasamantalahan.

Kung di ko lang ito mahal, pinabayaan ko na kanina pa.

Ayiieee, umamin na din si Jessica.

Si Anton nga never kong inalagaan ng ganito.

I realized right now na dahil kay Bea, ang dami kong nagagawang bago. Nagiging maaalalahanin na ako. And becoming territorial huh.

"Just give me time so I can settle whatever legal battle I will face. At pag okay na ang lahat, I am willing to be with you. You know why?" tanong ko pa kay Bea.

Akala mo naman makakasagot ang taong lasing at tulog na.

"Because.... I love you na." pagtatapos ko.

Hay, ang sarap sabihin kaso hindi naman niya ito narinig.

I continued staring at her, hindi nakakasawang pagmasdan ang napakaganda niyang mukha. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito.

She is really pretty. Her nose and prominent cheekbones attracted me the most. Isama mo na din ang makakapal niyang labi. I can only imagine how it tastes like.

Nasa ganun akong posisyon ng tumunog ang cellphone ko. Buti na lang at inilagay ko ito sa low volume kaya hindi nagising si Bea.

I checked the caller, si Anton. Shit! Hindi ko na ito sinagot. 

Mabilis akong napatayo. I wanted to change Bea's clothes pa sana but there's no more time. I pulled the blanket and put it over her.

"I will be back my love." bulong ko sa kanya.

Hinalikan ko ang pisngi niya bago lumabas ng kuarto.

======================================================================

BEA.

I was stirred from my deep slumber when I felt a vibration. Huh, what is it? My phone! Kinapa kapa ko ang paligid habang nakapikit pa. It keeps on vibrating, damn, where's my phone ba?

Napadilat ako ng mahawakan ko na ito. Pagbaling ko ng aking leeg para tignan ito, that's the time I felt a sudden, very intense headache. Nabitawan ko ang cellphone.

"Ouch." sambit ko habang nakahawak sa ulo.

My head is like being hit by a bullet train, yung balikan na biyahe sa Europe. Pa ulit ulit. Ganun ang feeling.

I am still reeling ng muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kagabi.

Jessica!!!

Umikot agad ang mata ko pero wala akong nakitang kasama o katabi dito sa kuarto. She is gone.

Alangan namang dito siya matulog sa kuarto mo Beatriz?

Nalasing ako wahhh. Bakit ba kasi ako uminom? Nakakahiya kay Jema, alam ko na siya ang nag asikaso sa akin kagabi. Napa buntunghininga na lang ako. I read the message I received.

"BDL, see you at the seafront at exactly 0700h." sabi sa text ni sir Blue.

Napatingin ako sa oras, fuck, it's 0640h already.

Bumangon ako kahit medyo liyo pa. Mabilis pa sa alas kuatro akong pumasok ng bathroom para maligo at magbihis. Pero bago ko maisara ang pintuan, may nahagip ang mata ko sa ibabaw ng lamesa.

A glass of water with a pill on the side. May note na nakaipit sa baso. Agad ko itong kinuha.

"B, take your medicine before anything else. See you later. J."

What? Nanlaki ang mata ko sa nabasa. It is from Jema. Ang sweet naman niya. Naisip niya pa talaga ako. Kailan niya inilagay ito?

Kailangan pa bang malaman Beatriz?

At dahil sabi ni mahal este, ni Jema, na inumin ko ito, I swallowed the pill and finished the water. Nakaramdam ako ng konting ginhawa kahit papano.

I think I did a best personal record sa sobrang bilis ng ginawa kong ligo. By 650, nagbibihis na ako, nagpapatuyo at nagsusuklay na ng buhok.

At 655 ay palabas na ako ng kuarto.

Halos mapatalon ako when I saw Jema outside the door when I opened it.

"Mabuti naman at gising ka na. I was about to check on you." she said.

"K-kanina pa ako gising." I replied.

"How are you feeling now?" she asked as she smiled brightly.

Oh my goodness. Kung ganito ba lagi kaganda ang babati sa akin tuwing umaga e lagi na akong maaga gigising. Like me, her hair is still wet. She just had a shower too.

"Close your mouth Bea." sabi niya dahil walang lumabas na salita sa bibig ko.

Nakanganga pala ako, bwiset na yan haha. Busy pa kasi akong tignan ang hitsura niya. Naka shorts at naka black sleeveless top ito. Amoy na amoy ko ang halimuyak niya.

"Ah hi. Sorry. Good morning. You're so beautiful today." I finally said.

"And so are you. Hindi mo ba ako papapasukin?" she asked habang palinga linga sa may hallway.

Oh my goodness!!

Gusto niyang pumasok sa kuarto ko? I checked the time, 657. Oh no, I have to go or else yari ako kay sir Blue. May parusa kasi pag mala-late ka sa mga meeting niya.

"Bea, okay ka lang ba?" she asked sabay tulak sa akin paloob.

"Ahhh wala, wala." sagot ko.

"May masakit ba sayo? Kumusta ang ulo mo?" tanong niya habang kinakapa ang noo ko.

Ulo? Wala akong ulo.

Hype na yan Beatriz.

"I'm okay, thanks. Jema, I'm so sorry but I have to go na. May call time kami sa beach ng 7am. I don't want to be late, yari ako kay sir Blue." sagot ko habang nakatingin sa relo.

"So, pinapaalis mo na ako? Ayaw mo akong makita ng matagal o makausap man lang?" sabi niya sabay tulak sa akin sa likod ng pintuan.

Tuluyan na itong sumara pagsapit ng 7am.

Napalunok ako as she approached me and enclosed me with her hands on both sides of my head.

I am trapped.

"J-jema, it's not like that. I w-want you." I said.

Lumaki ang ngiti niya sa sinabi ko.

"You want me?" she teases.

"I mean, I like you. I like to talk to you longer but I have to do my job. Ayokong masisante. Paano pa kita nakikita kung wala na akong trabaho?" sagot ko while looking at her face na sobrang lapit na sa akin.

"Awwww, what a shame. Inagahan ko pa naman ang punta dito para lang makita ka. I was hoping we can talk kasi kagabi tinulugan mo lang ako. Look ohh, naligo pa ako para sayo." sabi niya habang ipinapaamoy sa akin ang leeg niya.

Pinawisan na ako ng malapot dahil sa ginagawa niya. Hindi na ako nakapagpigil, hahalikan ko na ang leeg niya sana when my phone rings. Anak ng tinapa, sino ang istorbong ito? Halos mabitawan ko ito bago nasagot pagkakita sa caller.

"Sir Blue." sagot ko.

Rinig na rinig ko ang sigaw niya sa telepono.

"Where the hell are you BDL?" he yelled.

Halos mapatili ako dahil biglang nasa taenga ko na ang labi ni Jema.

She's licking the edges. Fuck!!!

"I'm coming sir, I'm coming!!!" mabilis na sagot ko bago pinutol ang tawag niya.

"What? I'm just nibbling your ear and you're already coming?" mapanuksong sabi ni Jema sabay kagat sa taenga ko.

Hahaha, palaban si Jessica.

"Jessica Galanza, patay ka sa akin mamaya." sabi ko sabay tulak ng bahagya sa kanya.

"Really? I can't wait." sagot niya sabay kagat ng labi.

"I'm sorry but I have to go. I will be back agad, promise. Wait for me please?" I pleaded.

"I don't know Bea. I'll just text you later. Have a good day." sabi niya sabay halik sa labi ko.

Nagulat man sa ginawa niya ay nakapagsalita naman ako agad.

"I love you." sabi ko.

Siya naman ang nabigla sa sinabi ko kaya hindi ito nakasagot. Tumalikod na lang ako at lumabas ng kuarto.

"Ah Bea, I was able to talk to Jhoana last night. She will wait for you at the seafront later, 9am. I think you have important things to discuss. She really hopes that you can make it." pahabol niya.

Her message came as a complete shock but I don't have time to dwell with it. I waved her goodbye.

Agad akong nakarating sa seafront. I was 10 minutes late. Bilang parusa, sir Blue told me to do 50 push ups. Imagine the sweat on my body when I finished. Nagpapasalamat na rin ako as I managed to release some heat from my body because of Jema.

Ano kaya nakain nun? She was so naughty. Such a tease. Akala niya mapapalampas ko ito. No way, babawi ako hmmp.

Nag briefing na agad si sir Blue sa amin. May emergency call daw si Gob Anton kaya kailangan niyang bumalik ng Manila this afternoon. Hinati niya ang team dahil may mga guests pa raw na maiiwan.

"BDL, Abe, Tukne etc etc. Kayo ang maiiwan dito kay Madam Gob. Do you think you can handle it?" sir Blue asked while looking at me.

"Sir, yes sir." mabilis na sagot ko.

Nag agree naman sila Abe at ang iba pa. Mahuhusay din naman sila kaya kampante ako na magagawa namin ng mahusay ang trabaho.

"Very good. Kaya ikaw ang pinili ko dahil I know your capability." sabi pa niya.

We had our breakfast after the briefing. Naiisip ko ang sinabi ni Jema sa akin about Jho. Malapit na kasing mag alas nuebe.

I am still undecided. Am I ready to face her? Ang hirap.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na si Jema ang tumatawag.

"Hello?" I answered.

"Go for it Bea. She is waiting for you." she said.

"How did you know?" I asked.

"I can both see you from where I am." she replied.

"I want to come clean to you Jema. Jhoana is my ex girlfriend. Are you sure this is the right time to talk to her?" tanong ko uli.

"Ohhhh." sabi niya.

Matagal bago siya sumagot sa tanong ko.

"Honestly? Kung may dapat pa kayong pag usapan o unfinished business, there is no need to prolong what is inevitable. Mag uusap din naman kayo, bakit mo pa patatagalin? Do it para matapos na." sagot niya.

She is right. There's no perfect or right time sa mga ganitong usapan. 

"Thank you Jema. You are the best talaga. I'm doing this because I want to finally end whatever me and Jhoana had before." sabi ko.

"Good luck B." she said before ending the call.

I smiled kasi may basbas na galing sa kanya. Malayo pa ako ay kita ko na ang likod ni Jho. She is gazing into the ocean.

While walking, I keep reminding myself to keep calm. Bibilisan ko na lang ang usapan para matapos agad. Sabi nga nila, whether the relationship ended on good terms or very badly, remember to keep the conversation short and respectful. Less talks, less mistakes.

"Hi!" matipid na bati ko sa kanya.

"Hello Bea. Thank you for seeing me. Grabe, akala ko hindi ka sisipot." she said.

"I'm here now Jho. You can say what you want from me." sabi ko bago umupo sa tabi niya.

"I don't know where to start but I want to say sorry. Sorry sa lahat. Choosing to let you go was one of the hardest decisions I ever did Bea. Maniwala ka man o hindi. Nasaktan din ako sa ginawa ko but I had to do it. To save you and to save me too." simula niya.

"Really?" I sarcastically asked.

Yan na pala ang calm.

"Oo. Ginawa ko ito dahil mahal kita at sa tingin ko noong time na iyon ay kailangan na nating maghiwalay dahil hindi na tayo nagkakaintindihan. Our relationship was not healthy anymore. Naging toxic na because of things we can't control. But through the years I haven't forgotten you Bea." she said.

Same. Same. But I didn't say that.

"I pushed you away Jho. I took you for granted. I knew I was wrong kaya never kitang sinisi sa ginawa mo. You just did what is right. Napaka tanga ko dahil pinakawalan pa kita. Ikaw na walang hinangad kundi ang kapakanan ko. Hindi ko nakita ang halaga mo noon. I did not notice it until I wake up one morning and realized that you are already gone." I replied.

"Mahirap sa akin ang ginawa ko pero pinili kong lumayo na lang sayo. Ang mali lang, hindi ako nagpaalam sayo. That's why I am here para humingi ng tawad." sabi niya.

Buti alam niya. You can't just leave, di ba?

That is considered ghosting when you suddenly ends a personal relationship with someone without explanation. Stopping and withdrawing from all communications. Hindi ito cool bagkus bawas ganda points pa.

"I'm sorry too, Jho. I understand naman your reasons. Mahirap ngang ipilit kung iisa lang ang lumalaban sa isang relasyon. But no need to dwell on the past, nangyari na ito. I think it was supposed to happen so we can find ourselves on our own. Look at us, we are both fine after all the things that transpired between us." sabi ko.

Napangiti siya sa akin. Sinuklian ko naman ito ng matamis na ngiti. Iyong tunay at walang halong pagkukunwari.

"You look happy. Ganda ng ngiti mo, iyan ang isa sa namiss ko sayo. Hay Bei Bei, you looked better talaga pag ganyan ka. Masaya ako dahil bumalik na ang dating Bea na kilala ko." she said.

"Thanks. Ikaw din naman, parang walang nagbago sayo ah. Mas lalo kang gumanda." sabi ko.

"Haha bola. To be honest, I'm so glad na nagka usap na tayo kasi para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Dalawang taon ko ding hinangad ito, natupad din sa wakas." Jho said.

"Same haha. Two years, ang tagal na pala. Andami ng nagbago sa atin. Masaya din ako kasi parehas tayong okay kahit separately. Like, we both survived." I said.

"True. Life goes on naman. Gusto ko lang sabihin na no matter where you are, what you're doing or who you are with, you will always be a part of me Bei. Hindi na magbabago ito." she seriously said.

"Ang drama mo, hindi bagay." biro ko just to lighten the mood.

Natawa siya sabay hilig ng ulo niya sa balikat ko. Yung dati niyang ginagawa pag naglalambing sa akin. Old memories

"So, this is goodbye yeah?" she asked.

"Yes, a happy goodbye. Wish you all the best in life Jhow Jhow." sagot ko habang idinikit ang ulo ko sa kanya.

We stayed like that for a while. Parehas na nakikiramdam. I felt somewhat relieved. I noticed that we are both feeling the moment lang. Relax lang kami until we both stood up na.

"If ever, if ever lang naman na you are in need of a friend, you can always come to me. I'm just one call away. Alam ni Ponggay ang contact number ko." sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Hmmm." sabi ko.

"On the contrary, wag na nga lang pala. It's unfair sa jowa o magiging jowa mo. Bakit ka nga naman mag-a-ask ng help o magre reach ng help sa ex mo? Lalo na kung love life issue ito. Eh di mas lalong lumala ang problema ninyo pag ganun." Jho said.

"Kaya nga. Siguro hayaan na lang natin ang tadhana ang gumawa nito. Kung magkikita pa tayo in the future, good. If not, I wish you well." I said.

"Hala, mag iiyakan pa ba tayo dito?" she asked.

"No. We had shed too much tears in the past. Wag na nating dagdagan." I replied.

"Wow, you've really changed Bea. I like it. Yung progress and growth mo as a person, keep it up. I'm too proud of you grabe." she said.

"Thanks. You too. Mukhang hiyang ka sa pagbabalik mo dito sa bansa." I said.

"Binola na naman ako haha. I'm not staying long. May inasikaso lang ako dito. Babalik din ako sa Ireland once I finished everything here." sabi niya.

"Alright. It is nice to see you again Jhow Jhow. You take care ah. Good luck." I said as we embraced for the last time.

Masaya akong naglakad para hanapin ang babaeng nakalaan sa akin.

======================================================================

Hello guys,

Di ba ganyan dapat pag maghihiwalay na kayo ng landas ng ex mo? Dapat may respeto pa rin sa isa't isa. Kasi minahal mo din naman yung tao, naging masaya ka din sa kanya when you were together. Tanggapin mo na lang na hindi talaga kayo ang naka-tadhana. 🤭

Nangangamoy ⚠️ na yata 😅

Please vote, comment and follow me here in Watty.

Thank you 😊

Continue Reading

You'll Also Like

635K 16K 52
Deanna Wong Jema Galanza Deanna Wong came back to the Philippines to ease her hurting heart. Jema Galanza is an ambitious woman. Working hard to g...
151K 2K 41
May mga bagay talagang akala mo imposible, yun pala pwede.
2.3M 58.5K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...