Burning touch

By dcmuch

6.5K 282 328

Namulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahim... More

Dahlia - Owl City Girls Series
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 11

184 10 48
By dcmuch



"Sino 'yan Oswold?" Pao inquired.

Mas lalo akong idiniin ni Cameron sa leeg niya. Natanaw ko si Junno sa likod na gustong lumapit ngunit mukhang naunawaan niya ang ginawa ni Cameron. Dumistansiya siya at pinakita ang cellphone niya. Tumango ako, pinanood ang paglayo niya.

"Hide yourself from them," Cameron murmured from my ears.

Yumakap ako sa batok niya. Ibinaon maigi ang aking mukha sa leeg niya. Malakas ang kalabog ng aking dibdib, natatakot na baka mabuking ako noong Shawn.

Mabilis ang pagtayo ni Cameron at iniwan ang mga kasama. They tried to follow him but Johnny stopped them from doing it. As if they were too matured to understand that they needed to give respect to Cameron. Until we reached an old pick-up. He made me sat on the trunk before he made the distance from me.

Now his eyes were all curious as it glared down at me. "You are doing this because?"

"Fun."

His eyes turned slit. "Really?" Bababa sana ako ngunit mabilis niyang hinarang, pinatong ang magkabilang kamay sa gilid ko. "You like mystery and earning boys attention, ha... playgirl."

His smell kind of distracted me. I glared at him for more seconds before I realized what his smell was. It wasn't Heineken, it was beer mixed with mint and his expensive perfume. I never like the smell of beer, that was why I don't like the club but the smell of him kind of blurring my principles. From ugly thoughts to damn... so good!

"I'm not a playgirl."

"Aside of Junno, you got my boy, Shawn's attention." Inilapit niya ang mukha sa akin. Umiwas ako kaya tumama ang ilong niya sa pisngi ko. "This is not the right place for your fun, playgirl."

Lumapat ang kamay ko sa dibdib niya bago tinulak. "I came here for a personal reason. Hindi para sa masamang iniisip mo sa akin. Judgemental mo! Hindi ba puwedeng... puwede akong kumita at ang pagkakakitaan ko ay gagamitin ko pang-aral sa college."

From rough, his expression calmed down.

"Bakit ba lahat kayo ang iniisip sa akin, masama? Cause ng paghihiwalay ng mga may relasyon. Lalaki kaagad ang hanap. Hindi nga ako—" I halted when he glowered so he could level his sight on mine. I held my breath.

"Understood. Just be careful." His calm and sensual voice made me dizzy.

Tumango ako nang hindi kumukurap.

Bumaba sa aking labi ang titig niya. Nagtangis ang kanyang bagang, nawala na ang kalma na expression at napalitan ng pagkauyam bago dumistansiya sa akin. "College, ha," sabi niya para bang hindi naniniwala na may pangarap ako ng ganoon.

"Hindi naman kasi ako mayaman gaya mo. Kailangan kong gumawa ng paraan para kumita."

Tumaas ang kilay niya. "And you trust Junno to work this out, right?"

"He is... a nice person."

"He likes you."

Nangunot ang aking noo. "Kaibigan ko lang siya."

"It's not how I see it."

I regained my composure. Taas noo kong pinagkrus ang aking mga braso bago siya tinaasan ng kilay. Kung makapagsalita ito, akala mo walang kaibahan sa kanila ni Lawrence. Tapos may Tanya pa siyang kinakatagpo. Malay ko kung palusot lang ang trabaho kuno na sinasabi niya! "Anong nakikita mo pala?"

Muli niyang pinatong sa magkabila kong gilid ang mga braso at dumikit sa akin. "Palagi kayong magkasama. Hatid at sundo."

Pagak akong natawa. "Walang ipinagkaiba sa inyo ni Lawrence. Kayo na siguro noon." Sinalubong ko ang nanghahamon niyang mga titig. "Kayo na 'no?"

"I don't have a girlfriend."

Ngumisi ako. "Wala rin akong boyfriend."

Masungit niya akong iniwasan. "Playgirl."

Bumaba ako para masundan siya. "Hindi nga sabi. Teka, kanino ba 'tong sasakyan na ito? Mamaya pagalitan ako ng may-ari nito."

"Hop in. Ihahatid kita sa inyo."

Natigilan ako at tumitig ng matagal sa kanya. "Sa'yo itong lumang pick-up na ito?" Tinitigan ko ang kumupas ng kulay ng sasakyan. May tuyong putik sa paligid, akala mo sumugod sa bundok kahit pa mukhang hindi na ito aabutin ng paanan at mamamatay nalang dahil sa tanda o luma.

Patamad niyang binuksan ang pinto.

Pinigil kong magpakita ng pagngiwi sa halos makunat na tunog noon. May ilan pang dumadaan ang lumingon sa amin.

"Bakit? Ayaw mo sumakay?" iritado niyang tanong.

"Wala naman problema sa akin. Basta ba makakauwi ako ng buhay at hindi magtutulak."

Tila nainsulto siyang tumawa. Pagod na pinatong ang braso sa bukas na bintana. "Sasakay o hindi?"

Puwede ko naman balikan si Junno or mag-commute, kaso ayaw kong isipin niya na maarte ako. Mabilis akong lumapit at sumakay. Nahiya ako sa tunog ng tila mabibiyak na pinto noong isara niya. Pagkaikot niya, sinabayan ko siya sa paglagay ng seatbelt. Gumagana kaya ito? Magdasal na ba ako? Tulala at piniling tumahimik nalang habang diretso ang tingin sa daan. Tutal alam naman niya kung saan ako nakatira. Mas inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa interior ng pick-up.

Malinis. Mabango. Maganda ang buga ng aircon. Ayaw kong magpakita ng pagkamangha kaya binuksan ko ulit ang sinara ko kaninang bintana para masdan ang kahabaan ng dagat na nagdudugtong sa Kansas at North Gate. Nagdadaan naman kami rito madalas, pero ngayon ko lang ito na-appreciate ng hindi pinapakinggan ang lahat ng gusto ni Bethanie.

Nang inaaliw ang sarili at walang gumagambala.

Sinara ko iyon noong sumabog ang buhok ko. Nilingon ko siyang seryoso sa pagmamaneho.

I never seen him with that casual clothes. Palagi kasi siyang formal sa school uniform. Ngayon, para lang gaya ng description niya sa akin. Babae ang lumalapit sa kanya. Mga mas magaganda at kaedad niya. Tipong mas sexy pa kay Lawrence at mas maganda.

Kinakausap naman niya.

Very playboy!

I cleared my throat when he glanced at me. Maybe he noticed I was looking for too long at him. And then we saw the building of Oswold Corporation. Katabi ng dalawa pang naglalakihang five star hotel. Sa tapat noon ang mga naglalakihang mga nakadaong na mga barko. Bawat dulo ng mga iyon ay may emblem na letrang O na kulay ginto.

Ginto kaya talaga iyon?

Gusto ko siyang tanungin kaso baka magalit.

It took us more than fifteen minutes when we arrived. I got shocked when I saw my brother's silhouette from afar near our gate.

How did he know that I was coming?

Pagkahinto ay mabilis akong nagtanggal ng seatbelt. "Salamat sa paghatid. Huwag ka na magpakita sa kapatid ko. Ako ng bahala." Binuksan ko ang pinto ng hindi hinihintay ang sagot niya. Hinarap ko agad si Daryl na mukhang ticking bomb na isang kalabit mo lang ay tiyak sasabog.

Nakatingin siya sa driver ng pick-up.

Binaba ni Cameron ang bintana at tumango sa kapatid ko.

Weird to say that my brother nodded back before he glanced at me. Gusto kong umirap sa kawalan ngunit umalis na si Cameron at si Daryl naman ay tinuro na ang loob gamit ng ulo.

Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago pumasok. Si Bethanie agad ang nabungaran ko sa kanyang mamahaling dress.

"Is that an old pick-up?"

Nilingon ko ang nakaliko ng sasakyan na tinutukoy niya. Patay malisyang tumango.

"Seriously? Bumaba na ba ang taste mo? Alam ko American brand ang mga sasakyan nila Junno, bakit pumayag kang sumakay sa ganyang klase ng sasakyan? Very cheap, Dahlia. Did you dispatch Junno? Baka mabaho pa iyon, kaamoy ng bago mong suitor."

Walang imik na dumaan si Daryl sa gilid namin papasok sa loob.

Ngumisi ako kay Bethanie. "Hindi ko boyfriend si Junno."

"Ilang beses ko na narinig iyan. Kay Marco. Kay Ruiz. Kay Basillio. Kay Clarence. Ngayon naman kay Junno. Nasa langit ka na Dahlia... pero bumaba ka pa sa impiyerno."

Nagkibit-balikat ako at sumunod sa kakambal.

Pagkabukas ko ng pinto, natigilan ako ng makita sa sofa ang rumored girlfriend ni Tito Daniel na kausap si Tito Daniel mismo. Nang makita nila ako'y agad akong minuwestra ni Tito sa tabi ng kapatid ko. Si Bethanie naman sa kanyang ama.

"You see, we have to proceed with the engagement party. The kids needed a mother figure, Daniel."

Napatingin kaagad ako kay Daryl.

He looked constipated. Kaya ba naghintay siya sa akin sa labas? Hindi niya gusto ang pinag-uusapan nila Tito Daniel? Paano si Bethanie? Okay lang ba sa kanya ang magkaroon ng bagong ina?

Tumawa si Tito Daniel. "Tatapusin ko lang ang taon na ito. Makakapaghintay ka naman, hindi ba?"

Malambing na ngumiti sa akin ang ginang. Ang ganda niya. Gandang alam mong aasamin ng lahat ng mga lalaki mayaman o mahirap. Halatang fashionista mula ulo hanggang paa. Ang alam ko'y sikat siyang socialite model sa ibang bansa, pero dahil nasangkot sa isang issue nakaraang taon ay namalagi rito sa Pilipinas at nakilala si Tito Daniel. She was undeniably beautiful on her fair skin and jet black hair, but I don't like the vibes in her smile. It felt unreal but Bethanie seemed okay about it.

"Nice seeing you again, dear Dahlia."

"Hinatid siya tita ng bago niyang boyfriend. Old pick-up ang sasakyan."

"My. Huwag kang sasakay sa ganoon, hija. Baka masamang tao iyon."

Tumawa si Bethanie. "Isa ba iyan sa mga nerdy sa klase niyo? Fine. Maaasahan mo iyan sa mga lessons mo. Para hindi ka bumagsak."

"Bethanie!" Daryl fired.

Bumaling ako kay Tito Daniel. "Tito, akala ko po ay hindi na itutuloy ang adoption sa amin ni Dahlia?"

"Yes, but you know my reason, Dahlia."

Nangunog ang aking noo, binalingan si Bethanie. May usapan kami! Ginawa ko ang gusto niya huwag lang matuloy ang adoption process para sa aming magkapatid.

"Nag-usap na tayo Dad. Hindi na iyan itutuloy." Kumindat sa akin si Bethanie.

"Fine. Kasalan ang magaganap sa kasunod na taon."

The topic ended that Tito Daniel and his girlfriend will get marry next year March. Okay lang sa amin iyon. Basta ba'y hindi na itutuloy ang adoption, kung hindi ay masasakal ko si Bethanie.

Naging abala ako sa school ng sumunod na Lunes hanggang Biyernes. Ginagawa ko na kasi ang assignment ko sa library bago umuwi para mag-practice ng bagong music. Medyo demanding ang mga viewers ko. Gusto nilang sa kaparehas na venue para makapunta sila. Maraming request. May iba ay gustong ipakita ang aking mukha.

"Pinagawa ko iyan sa paborito kong designer. Iyan ang suotin mo sa Sabado."

May ibinigay sa akin na damit ang mommy ni Junno.

Kung naging extra effort ang mommy niya, si Junno mismo naman ay matamlay ang trato sa akin. Noong Lunes ay takot siyang lapitan ako. Akala kasi niya ay may namamagitan sa amin ni Cameron.

"Hindi. Niligtas ko siya kaya niligtas niya rin ako. Kung hinayaan niyang makita ako ng kaibigan niya, malalaman kung sino si Aeri." Kahit papaano ay kumagat siya sa paliwanag ko.

Ayaw ko sana ipaliwanag ang sarili ko, bukod sa hindi ko siya boyfriend ay naisip ko nalang bilang kaibigan o manager ni Aeri ay dapat may magandang trato kami sa isat-isa. Martes hanggang Biyernes ay nanumbalik ang sigla niya. Ayaw kong bigyan pansin ang kinikilos niya, bukod sa klarado kong pinaliwanag na kaibigan ko lang siya ayaw kong isipin niya na kami o may gusto ako sa kanya.

This was purely business between us.

"Hinatid ka na naman ng Junno na iyan?" Daryl caught me jumped out Junno's Subaru.

Doon ko na nga sa kabilang kanto pinahinto, nahuli pa rin niya ako!

"Kapag si Cameron, may pagtango ka pa. Kapag si Junno, ayaw mo."

"I don't like Junno. He's a bad person, Dahlia."

"And Cameron is a nice guy?"

Huminga siya nang malalim. "You are not allowed to have a boyfriend, Dahlia. Bata ka pa."

"I know the rules, Daryl. Para kang sirang plaka." Nilagpasan ko na siya nang makitang umalis na ang Subaru ni Junno.

From my behind I could felt he was stalking me. "Matigas kasi ang ulo mo. Palagi kang ginagabi na kasama iyan!"

Bago dumating ng pinto ay nilingon ko siya. "Hindi mo mauunawaan ngayon. Kapag okay na ang lahat, makakaalis din tayo rito."

Nangunot ang kanyang noo. "What do you mean?"

Nakangisi ako habang palapit sa kanya. Hinilot ko ang noo niya. "Don't worry. Masama man ang reputation ko sa mga tao, I swear I'm not the type of woman you are thinking. Unless you really wanted me to be like one?"

"Dahlia!" he fired.

Tumawa ako. "Joke lang." Iniwan ko siya para mauna na sa loob. Kailangan kong pakinggan ang music na gagamitin para sa Sabado. Kailangan ay walang mali. Nakakahiya sa manonood. Bukod sa online views ay live performance kasi iyon. Dumami rin ang subscriber ko at naging viral ang una kong video. Bukod sa personal kong space, school at Aeri, dumagdag si Bethanie. Palagi siyang nag-update sa akin kung sino ang kasama ni Cameron buhat noong Miyerkules.

Bethanie: Hindi na siguro sila ni Lawrence. Puro lalaki na ang kasama niya. Sino kaya ang tinutukoy niya na hinihintay niya?

Ako: Baka si Tanya.

Bethanie: I doubt. Sinundan ko siya sa Nightingale Palace noong Wednesday. Puro lalaki naman ang kasama niya. Guwapo! Pero mas guwapo ang Cameron ko.

Ako: Hindi kaya nagbago ang preference niya?

Bethanie: Gaga! He is straight. I probe you that.

Obsession ng matatawag ang pagiging stalker ni Bethanie kay Cameron. Minsan nakakaumay replyan kaya madalas kong nakakalimutan. Lalo ngayong Sabado, hindi ko na halos mahawakan ang cellphone ko sa kaba. Maraming nag-request na same venue ang performance ko kaya ganoon nga ang naging plano nila Junno at Alps. Cosplay ang suot ko na pinatahi pa ng mommy ni Junno. I have mask, means I don't need to mind my make-up. I just pony tailed my short hair and fixed my bangs.

Compared to my last performance, I am more nervous now.

"Huwag ka kabahan. Marami man tao, isipin mo nalang kami-kami lang ang viewers mo," Junno tried to calm my shaking arms.

Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kurtina.

Nagulat ako sa hindi mahulugang karayom na manonood. Wala naman akong matandaan na may artistang pupunta. Bakit ang dami nila?

Pagka-upo may sumigaw na lalaki at sinabi ang pangalan ko.

Bahagyang tumalon ang puso ko pero sinabayan iyon ng saya, pananabik, at gana. Napangiti ako, ngunit kampante na hindi nila makikita dahil sa mask. Mas lalo akong napangiti. Mali si Cameron ng iniisip sa akin. Magiging matagumpay ako rito, nakatitiyak ako roon.

When I heard the music, I held the stick tightly and listened carefully to the beat. When I started the first beat of the base, the crowd became noisy as they cheered me by mentioning my codename.

I just enjoyed what I am doing, sometimes nodding my head until I spotted a group of my classmate watching me carefully in awe. Kinabahan man ako na baka makilala nila, ngunit hindi ako nagpahalata.

Sa unang performance ay mangha pa ang mga nanonood, hanggang sa pangalawang performace ay iilan sa mga grupo ng kalalakihan ay hindi na napigilan ang sumayaw sa harap ko. Some were hip hop and doing stunts while others just having fun with the music. Honestly, I felt overwhelm about it and I didn't expected this sensational support they gave me.

I stood up to finally give a bow to everyone.

"More!" one of the active boys in the crowd yelled.

Sinundan iyon ng lahat hanggang sa matawa ako at tinuro iyong sumigaw. Nagtilian sila sa ginawa ko. Bumalik ako sa pagkakaupo at hinayaan ang isa sa audio team ang lumapit para magtanong kung ano ang gagawin ko.

"Bring me to life," sabi ko sa lalaki.

"Are you sure? Kagabi mo lang na practice iyon."

"I can do it, Jigs."

Huminga ito nang malalim. "Mabilis ang beat noon."

"I can do it, Jigs."

"Fine." Tinapik niya ang balikat ko.

Naghiyawan ang mga tao noong kumaway ako sa kanila. Wala akong ibang puwedeng gawin kung hindi mag hand signals o tumango. When the intro started, I heard them screamed and cheered me about it. As if just like me they were excited too. Tinuturo ko pa sila, hinahayaang kantahin ang part na iyon bago nagsimula sa nakakapanindig balahibong beat.

Just enjoying and feeling the beat, I looked up and saw Cameron with Johnny and Pao. Just like before, they were with their summer shorts and sleeveless shirt, except with Cameron's sweatshirt. If Johnny and Pao were looking around, talking about something funny, Cameron was serious as he watched me with his sharp eyes.

I don't know to myself.

Dapat ay kinakabahan ako pero mas lalo akong ginaganahan. Gigil ang bawat hampas ko, pero mukhang normal sa manonood bawat palo ko. When the chorus ended and lead me to the second verse, I was on the mood as if the song itself was made for me and I am the lead vocalist singing it loud as I smash each drum in front. Nag-head bang na rin ako, hindi napansin na nakalas na pala ang pagkakatali ng buhok ko.

"Short hair, chic!" One of the crowd screamed.

My hair fell and that was okay. As long as the mask was intact.

Then when the beat stop, I bow my head and rested on my main drum. Nangawit, hinihingal at napagod ako ng todo.

"Are you okay?"

Alps himself went to me.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinihingal pa kaya hindi agad ako nakapagsalita. May inabot sa kanya si Jigs na towel. Itinabon niya sa akin iyon para makapasok sa kurtina. Alps faced the viewers who were requesting for more. Junno went to me immediately. Unlike Alps and Jigs who were assigned outside, Junno was not allowed to go outside. Siya kasi ang madalas kong kasama sa labas kaya hindi rin siya puwede makilala.

"Anong nangyari? Okay ka lang?"

Tumango ako at kinuha ang mineral water na hawak niya. Uminom ako roon hanggang sa mapangalahatian. "Kumanta kasi ako."

Tumawa siya. "Gusto mo rin bang kumanta?"

Mabilis akong umiling. "Enjoy ko lang ang kanta, Junno."

"I know. Galing mo kaya! Ayaw pa sana pumayag ni Jigs sa third performance, pero sino ba ang makakahindi sa mga nanonood?"

Nag-photoshoot ako saglit bago nagpalit ng damit. I felt my phone vibrated. Pagsilip ko roon ay may message.

Cameron: Your boyfriend allowed you to wear that kind of clothes?

Kakahila ko palang ng zipper at hindi pa natatanggal ang damit kaya napalingon ako sa whole body size mirror sa harap. Medyo daring at sexy nga ang damit, pero kaya ko naman suotin ng hindi nababastos o pakiramdam ay nabastos.

Ako: Junno is not my boyfriend.

Ako: Sa performance lang naman. Hindi ako uuwing ganito ang suot. Galing ko ba?

Hindi agad siya nag-reply kaya tinuloy ko ang ginagawa. Tinanggal ko ang ribbon at hinayaang malaglag ang sleeve sa braso mula sa balikat. Nakarinig ako ng kalabog sa loob. Lumingon ako sa kurtinang harang lang.

"Junno?"

"He is outside."

Suminghap ako ng makilala ang boses. Ang mabagal na pagbibihis ko'y bumilis. Tumalon-talon pa ako para maisuot ang ripped jeans na loose at off shoulder crop tube top na kulay itim. Paghawi ko ng kurtina ay agad akong bumangga sa likod ng kung sino.

Pagharap nito sa akin ay si Cameron pala.

"Paano ka nakapasok dito? You are not allowed here—"

"They doesn't have security, bruh!" Pao reported to Cameron.

Mariin ang titig sa akin ni Cameron. Samantalang ang kadarating lang na si Pao ay nakangisi na sa akin. Namataan ko si Johnny na hawak ang drum stick ko, may pinapalong drum set sa hangin habang nakatingin sa amin mula sa salamin.

"Not only beautiful... talented pa. Parang si Amelia," sabi pa nito.

Nilagpasan ko siya para hanapin si Junno. "Junno?"

Bigla itong sumulpot sa kurtina. Nagulat na naroon ang tatlo sa loob. "Anong ginagawa mo rito Cameron? Private tent ito ni Aeri."

"I know," patamad at tila hindi natutuwang sabi ni Cameron. Ang mga titig ay masama ulit sa suot ko. "Why you didn't have security here?"

"Sa pagkakatanda ko kayo palang naman ang nakakapasok dito ng hindi pinahihintulutan."

"What's happening in our property is my concern, Mr. Castillo. You're having free performance here, and it is not the first time." Masungit itong umiwas ng tingin upang makaharap kay Junno. "If something happens to her, who will take full responsibility then?"

Napakamot ng ulo si Junno.

Umabante ako. "Si Junno at ang team Alps ang security ko. Kahit pa property mo ito, hindi tamang pumasok ka sa isang lugar ng hindi nagpapaalam."

Hindi ako binalingan ni Cameron. Tila naninindak niyang tinitigan si Junno. Ang tangkad niya at mas malaki ang katawan kaysa sa huli.

Parang kuting na huminga nang malalim si Junno. "Sasabihin ko sa daddy ko na maglalagay ng security—"

"Are you going to perform here again next week?" baling sa akin ni Cameron.

"Parang... maraming request, pero baka next month sa Beaufort kami," Junno responded.

Lumingon sa akin si Cameron. Humagod sa balikat ko ang titig. "I'll provide the security."

Nagkatinginan kami ni Junno. Naalala kong after nito ay uuwi na ako. Kapag si Junno ang naghatid, magagalit na naman si Daryl. Kapag si Cameron, hindi. Kung sabihin ko kaya kay Cameron na ihatid ako palagi? Papayag kaya siya. Paano kapag hindi? Nakakahiya. Commute nalang.

"Uuwi na ako."

"Na ganyan ang suot mo?" Cameron's pair of blue eyes insulted me the way it scanned me from head to foot, just like his voice.

"Ako ang maghahatid sa'yo, Dahlia."

Napatingin ako sa suot ko, bago sa suot niyang sweatshirt na kulay pencil green. "Bakit? Kailangan ba hindi ganito ang damit ng mga commuter?" Binalingan ko si Junno. "Nagagalit si Daryl kapag ikaw ang naghahatid. Para hindi na ako mapagalitan, commute nalang ako." Muli kong nilingon si Cameron, inirapan ko siya bago nag-walk out.

I caught Pao and Johnny had that weird smirked on their faces.

Tinaasan ako ng kilay ni Cameron. "Ako na ang maghahatid sa'yo."

I really wanted to turn around and went to him, but I still have the pride to do that. Only with him, I can't do my usual self!

Napatalon ako ng may pumatong na damit sa ulo ko. Kasunod ng pagsulpot ni Cameron na ngayon ay topless. "Wear that. Kumain muna tayo bago kita ihatid."

"Hindi ako gutom."

My world stopped spinning when my stomach growled louder than I thought making Johnny and Pao laughed out loud. Junno was scratching his nape, problematic but what can he do? He can't say no to an Oswold, I think?

Napapikit ako. Gusto ng magpalamon sa lupa! Bakit kasi timing ka naman masyado tiyan? Marahan akong dumilat.

Nilingon ako ni Cameron. Mapang-insultong tumitig sa tiyan ko bago ako tinaasan ng kilay. "Hindi nga."

Tinuro ko ang katawan niya bago umiwas ng tingin. "Magsuot ka nga ng damit. Para kang ano!"

"Mas okay ng walang damit si Cameron, Dahlia kaysa ikaw ang walang damit. Baka magunaw ang mundo kapag nagalit si Superman," komento ni Johnny.

Inakbayan ni Pao si Junno. Nang makita niyang nakatingin ako ay ngumisi siya. "We'll take Dahlia for today. Is that fine with you, Junno?"

"Text mo ko, ha," sabi ni Junno na tiyak ay para sa akin.

Tumango ako. "Kumain ka na rin."

Ginulo ni Pao ang buhok ni Junno. Napatalon ako sa gulat ng hulihin ni Cameron ang kamay ko, hinila palabas. Saktong sumulpot si Alps, naharangan kami sa pinto. Cameron's free hand slightly tapped the back shoulder of my friend. Alps was looking at me with confusion, I just mouthed him see you next week.

He nodded, still dazed as he looked at the three gentlemen with me.

"Do you eat exotic food, Dahlia?" Pao started to throw questions at me when we sat on the spot they chose.

Gumala muna ang paningin ko sa paligid. Sa grupo ng mga babaeng malagkit ang titig sa topless at walang pakialam na si Cameron, nagbabasa na ng menu at kausap ang waiter.

Tumikhim ako. "Hindi pa. May mga pagkain akong hindi kinakain."

"Parang may idea ako, kung ano iyon," pilyong sabi ni Johnny.

"Shut up, John. Why don't you and Pao go around and enjoy Kansas."

Pao turned serious when he saw someone from the group of beautiful ladies who passed by. Siniko ito ni Johnny, nakatingin din sa tinitingnan ng una.

"That's her, right?"

May lumapit na grupo ng mga kalalakihan sa nauunang blonde ang buhok.

Nagpakawala ng mura si Pao bago tumayo. Tumawa si Johnny. Huminto noong tingnan siya ni Cameron. Tinaas ng una ang mga kamay. "Fine. I'll go with Pao." Pagkatayo nito'y tumayo si Cameron para mahila ang upuan niya palapit sa akin.

Inayos niya ang nalalaglag na neckline ng sweatshirt na suot ko. Lumitaw na pala ang colar bone ko. Inayos ko rin iyon.

"Ano ang mga pagkaing hindi mo kinakain?"

"Maanghang. May allergy ako sa sili."

Pinatong niya ang braso sa likod ng upuan ko. Nakataas ang kilay. "Anything else?"

"Hindi ako kumakain ng gulay, pusit, talaba, beef at kakanin."

"I ordered grilled pork, squid, and some fish. You ate that?"

Tumango ako. Palihim na umiwas ng tingin ng magsimulang dumagundong ang dibdib ko sa kaba at sa mariin niyang mga tingin patungo sa akin. Hindi ba niya napapansin ang mga sexy at nakabikini na nagpapapansin sa kanya kanina pa?

"You are going to perform every weekend?"

Tumango ulit ako.

Ano ba Dahlia? Bakit natatameme ka kapag kasama mo siya? Talk, please! "Ikaw? Palagi ka bang nandito?"

"Ngayon lang."

Tumango ako. Sumulyap sa kanya. I caught him glaring intensely at me. Muntik akong mabilaukan kahit pa wala pa ang pagkain namin. "Bakit? Kasi narito ang hinihintay mong babae?" Luminga ako sa paligid. "Nasaan na siya?"

"Waiting a what?"

"Wala." Umayos ako sa pagkakaupo ng dumating ang pagkain. Doon ko naramdaman na nagutom talaga ako ng husto. Walang pakundangan kong dinampot ng kamay ang hiniwang baboy, sinawsaw sa toyo bago sinubo. "Sarap nito!"

Lumingon ako sa kanya ng wala sa sarili, naliligayahan sa masarap na potahe ng mahuli ko siyang natutuwa habang nakatitig sa akin.

Kinuha niya ang hindi pa nadudurog na sili sa tabi ng toyo. "You like grilled meat?"

Tumango ako.

"I can cook that next time for your meal then."

Napahinto ako sa pagnguya. Naisip na sa Beaufort na ang next performance ko at hindi na rito sa Kansas. Baka maabala ko siya, hindi ba't nag-aaral kamo siya kapag weekend?

"Sa Beaufort na kami next week. Huwag na, baka maabala pa kita sa pag-aaral mo."

Huminto siya sa paghihiwalay ng tinik at laman ng isda para makatingin sa akin. "How did you know that?"

Nagkibit balikat ako. "Sinabi mo kay Bethanie. Buti pa siya, kinukuwentuhan mo ng ganoon. Nag-offer ka rin na pumunta sa kompanya niyo—" Huminto ako at napalunok ng may mapagtanto. Hindi ko matandaan kung sinabi ba ni Bethanie na sinabi ni Cameron sa kanya o parte iyon ng pag-iimbestiga niya. Shit!

"I didn't tell her anything like that. But I do inform her about our company, she asked me about it."

Kumurap-kurap ako. "Pero totoong nag-aaral ka?"

"Yes."

"Good... at least alam kong magiging secure ang future natin."

Nagkatinginan kami. "Our future?"

Binaba ko ang hawak na kutsara at tinidor. "Oo. Hindi ba't sinabi kong ako ang magiging huli mo. Sige lang, mag-girlfriend ka. Enjoy it before my turn. Kasi kapag ako na..." Tumingin ako sa katawan niyang hubad. "Hindi ka puwedeng lalabas ng bahay na walang saplot. Ako lang dapat ang nakakakit niyan. Akin lang iyan. Tsaka, walang Tanya na kinikita ng hindi ko alam. Unless trabaho."

"It's about work."

Umiwas ako ng tingin. "Kapag work, hindi dapat sa pribadong lugar. Do it in the office."

"The demands of my work are not only in the office. Sometimes in the fields. Clients do request to meet them in a private place."

Tumikhim ako. Napatingin sa kanya. "E 'di, isama mo ako," sabi ko sa maliit na boses.

Muntik lumuwa ang puso ko sa aking dibdib ng bigla niyang hinila ang upuan ko palapit sa kanya.

"Hmm... we should do about your jealousy," sabi niya sa napapaos na boses.

Napatitig ako sa Adam's apple niya. Napalunok din. "Hindi ako selosa."

"Puwes... ako, oo. Handa ka bang sundin ang gusto ko kapag ako na ang napangasawa mo?" Lalo niyang inilapit ang mukha sa akin. "How will you handle my jealousy? Hmm?"

Malakas na ang alon ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Sumandal ako sa dingding habang sapo ang aking ulo.

"Are you alright?"

Napalingon ako kay Third, nagmamadali itong lumapit sa akin. Hinawakan niya ako. Tumango ako, kahit pa ramdam ko ang matinding pitik sa aking ulo na para bang binibiyak. Humugot ako ng malalim na hininga, ngunit hindi noon naibsan ang sakit.

Gusto si Cameron ng dating Dahlia.

Iyon ang napagtanto ko. Kahit ang bagong Katya at nakakaalalang Dahlia. Pero bakit ayaw kong paniwalaan na magiging kami sa huli. Kahit gaano ko siya kagusto ngayon o noon, sigurado akong hindi ako magiging masaya kung masasaktan si Bethanie.

Hindi. Nagkakamali ako.

Hindi mahal ng dating Dahlia si Cameron. Ginagawa niya lang iyon para malaman kung paano magmahal ang isang Cameron, sa gayon ay masasabi niya kay Bethanie.

Tama.

May pangarap ang dating Dahlia. Makapag-aral at makaalis sa mga Arrigue. Tama. Iyon ang plano niya, hindi ang umibig. Kailangan matulungan ni Dahlia si Bethanie na makuha nito si Cameron para hindi nito malaman ang plano ni Dahlia na pag-alis kasama ang kapatid niya.

Itinaas ko ang aking kamay ng kumalma ang pananakit. "Itutulog ko lang ito."

"You are not, okay, Dahlia."

I closed my eyes tight. Even his voice calling my name left a weird impact on my heart. But I can't accept it.

Tinalikuran ko siya para makapunta na sa kuwarto. I know he was following me but I didn't give him the attention he needed. After reaching the door, I closed it behind me and chose to sleep instead. Once we landed at the Casa Blanca, I will find my brother and Bethanie. If Third can't help me, then I will do I myself to remember by looking for my twin brother and best friend.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...