Suicidium

By abdiel_25

12.9K 887 133

Sixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitabl... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The News
Chapter 2 : Injection
Chapter 3 : Thousand Cases
Chapter 4 : Panic
Chapter 5 : Doubled
Chapter 6 : Shotgun
Chapter 7 : Ring
Chapter 8 : Special Task Force
Chapter 9 : Corpses in the road
Chapter 10 : Invader
Chapter 11 : That's Painful
Chapter 12 : Her name is Hershie
Chapter 13 : They are gone
Chapter 14 : Richard
Chapter 15 : Sych-020Di
Chapter 16 : The Process and the Origin
Chapter 17 : Call of Duty
Chapter 18 : The One Who Saved You
Chapter 19 : Sacrifices
Chapter 20 : Police Survivor
Chapter 21 : Safe Area
Chapter 22 : What about Him?
Chapter 23 : Pharmacy
Chapter 24 : See You Again
Chapter 25 : Compartment
Chapter 26 : It wasn't a Dream
Chapter 27 : Headshot, Her Father
Chapter 28 : Last Option
Chapter 29 : Infected On-board
Chapter 30 : Golden Blood Type
Chapter 31 : Unsafe Safe Area
Chapter 32 : The Yes
Chapter 33 : Phase One
Chapter 34 : Firearm report
Chapter 35 : Who's hungry?
Chapter 36 : Unexpected Guests
Chapter 37 : Block the Entrance
Chapter 38 : Gunshot
Chapter 39 : Last Hope
Epilogue
Author's Note

Chapter 40 : Final Chance

162 10 0
By abdiel_25

40 : Final Chance


9 HOURS BEFORE THE RESCUE.

Sa dami ng nangyari sa amin, paano kami makakahakbang pasulong?

Ilang oras na ang nakalipas nang muli naming subukan bumalik sa mga kasamahan namin, sa supermarket. Ilang beses ulit kaming napahinto sa iba't ibang parte ng mall dahil sa mga infected na pagala-gala.

Sa sobrang dami ng mga infected sa mga daang dapat naming dadaanan, napipilitan kaming humanap ng ibang ruta.

Kung tutuusin, hindi naman kami dapat nahihirapan nang ganito sa paghahanap ng daan pabalik sa supermarket. Pero sa laki ng mall, at sa dami ng pasikot-sikot sa gusaling 'to, mas nahihirapan kaming makabalik sa grupo namin. Idagdag mo pa na nag-iingat kami mula sa mga infected at sa mga magnanakaw na pagala-gala pa rin sa loob ng mall.

Gabi na. Malalim na ang gabi. Pasalamat na lang talaga kami na hanggang ngayon may kuryente pa rin sa loob ng mall, hindi kami nahihirapang maglakad at magpalipat-lipat ng pwesto.

Nakarinig kami ng yabag ng paa kaya napahinto kami sa paglalakad. Sinenyasan kami ni Randy na huwag kikilos at gagawa ng kahit ano mang ingay. Pagkatapos umabante siya para agad na matutukan ng baril 'yung kung sino mang paparating sa gawi namin.

Kung sino man 'yon, halatang nag-iisa siya dahil wala kaming marinig na ibang ingay bukod sa pagtakbo niya sa pasilyo kung nasaan kami malapit.

Pina-urong kami ni Aries, pinapunta niya kami sa likuran niya. Habang tumatagal mas umiinit ang pakiramdam ko, pero agad 'yong nawala nang makita na namin kung sino 'yung tumatakbo.

Gaya ng inaasahan, agad na tinutukan ni Randy ng baril 'yung dumating kaya napahinto agad ito sa paglalakad. Nang lumingon ito sa amin, itinaas niya ang magkabilang kamay niya.

"Randy!" bulalas nito kaya agad siyang hinatak ni Randy papunta sa pinagtataguan namin. "Ilang oras ko na kayong hinahanap! Ilang beses na rin akong dumaan sa parteng 'to ng mall, pero bakit ngayon ko lang kayo nakita rito?" sunud-sunod na saad ng lalaki.

Nang masigurong nasa ligtas na lugar na kami, tsaka hinarap ni Randy 'yung lalaking akala namin kung sino na tumatakbo papalapit kanina sa pwesto namin.

"Jiro. Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? Nasaan na 'yung iba?" tanong ni Randy sa kaharap niya. Halatang hingal na hingal si Jiro dahil sa mabibigat na paghinga niya at tagaktak na pawis sa noo at batok.

Nang maging maayos at normal na ang paghinga niya, tsaka lang siya nakapagpaliwanag sa amin.

"Alalang-alala kami sa inyo. Ilang oras na no'ng naghiwalay tayo para harangan niyo 'yung entrance ng mall, pero hindi pa rin kayo bumabalik," sabi ni Jiro pagkatapos ay napatingin siya sa akin. "Binalak ni Mandy na hanapin kayo, pero pinigilan ko siya dahil sa lagay ng binti niya."

Nagkatinginan kami ni Charles.

"Na-nasaan sila ngayon? Nasa supermarket pa rin ba sila? Ligtas pa ba sila?" nagmamadali kong tanong.

"No'ng umalis ako, iniwan ko sila sa supermarket. Umaasa ako na nando'n pa rin sila at ligtas," sagot ni Jiro.

Hindi ko alam kung anong meron, pero bigla na lang ako nakaramdam ng kaba kaya bigla akong napahawak sa balikat ni Randy.

"Kailangan na natin silang balikan. Wala na akong pakialam kung may mga magnanakaw pa tayong makasalubong, o kung may mga infected man tayong madaanan," madiin kong saad. "Ang importante sa akin ngayon ay makabalik sa kaibigan ko."

Nagkatinginan kaming lahat. Alam kong kahit itago man nila, kinakabahan sila. Wala kaming alam sa kung anong naghihintay sa amin sa mga oras na 'to. Ang alam lang namin, desperado na kaming lahat na makabalik sa mga kasamahan namin at maka-alis sa lugar na 'to.

Gusto na naming makapunta sa mas ligtas na lugar, malayo rito. Pagod na kami. Ilang araw na kaming walang maayos na tulog, at walang kain dahil sa mga magnanakaw at infected sa loob ng mall na 'to.

Kung hindi sila aalis sa lugar na 'to, kami na ang aalis.

Hinayaan lang naming magpahinga saglit si Jiro, pagkatapos agad na kaming nagtungo sa plano namin.

Ang makabalik sa mga kasama namin na nasa supermarket.

Nasa unahan si Randy para sa offense. Nasa huli naman si Aries para magsilbing depensa namin kung sakaling may nasa likuran namin.

Ilang oras ang ginugol namin para makalagpas sa ilang mga pasilyo na puno ng infected. Dahil sa ginawa naming 'yon, nakalimutan naming mag-ingat. Dahil sa pagiging desperado at padalos-dalos namin, nakalimutan namin ang pinaka-importanteng misyon namin.

Manatiling buhay.

"Nandito lang pala kayo. Hindi niyo naman kami inaya sa party ninyo," bungad na saad ng isa sa mga humarang sa amin habang binabagtas namin ang isang pasilyo. Ilang metro na lang ang layo namin mula sa supermarket.

"Oh, may kasama pa kayong maganda. Hi miss beautiful!" Kumaway sa akin 'yung isang lalaki na kalbo, maliit ito, at halos kalahati ng katawan niya ang laki ng baril na hawak niya.

Mula sa likuran nilang dalawa, may isang lalaki na naka-akbay sa isang babae ang lumabas.

Nakangisi ito. Tinitigan niya kami isa-isa, kaya pinapunta ako ni Charles sa likuran niya. Nanginginig ako pero mas lalo akong kinabahan nang lumaki ang ngisi ng lalaki sa amin, na para bang may binabalak siyang hindi maganda.

Tumalikod 'yung lalaki kasama 'yung babaeng inaakbayan niya. Hindi pa man sila nakakalayo, biglang nagsalita 'yung lalaki na kasama no'ng kalbo.

"Boss Arthur. Anong balak mong gawin sa kanila? Hahayaan lang ba natin sila rito?"

Huminto 'yung lalaking naka-akbay. Ilang segundo pa, itinaas nito ang kanang kamay niya— tila simbolo sa kung anong nais niyang gawin, at masama ang kutob ko sa senyales na 'yon.

Pagkatapos no'n, nagtawanan 'yung kalbo at kasama niya na may berdeng buhok bago nila itapat sa amin 'yung mga baril na hawak nila.

"It's playtime baby," ani ng kalbo pagkatapos tumawa ulit.

"Takbo!" sigaw ni Randy kaya nagkahiwalay kami.

Si Randy, Richard, at Jiro napatakbo sa kaliwa, samantalang kami nila Aries at Charles sa kanan. Hinabol kami no'ng kalbo na lalaki kaya wala kaming nagawa kung hindi lumayo. Dahil do'n tuluyan na kaming naghiwalay kila Randy.

Tumakbo lang kami nang tumakbo. Hinahabol namin ang buhay namin dahil bukod sa mga infected na naagaw namin ang atensyon, hinahabol din kami ng magnanakaw na kalauna'y hindi na kami nasundan dahil sa dami ng mga infected na nakakita at nakarinig sa kaniya.

Ilang minuto kaming tumakbo nang tumakbo. Imbis na mapalapit sa supermarket, mas lalo kaming lumayo.

Huminto lang kami nang nakasiguro kaming ligtas na kami at wala ng sumusunod sa amin.

Hingal na hingal kaming napa-upo sa tagong lugar. Ilang minuto kaming nagpahinga bago nagsalita si Aries.

"Kailangan kong balikan sila Randy," aniya. "Hindi natin alam kung anong p'wedeng mangyari sa kanila," saad pa niya.

"Pero—"

"May ilang oras na lang tayo bago dumating 'yung rescue. Ang kailangan niyong gawin ay i-secure 'yung dadaanan natin papunta sa rooftop, at 'yung mismong rooftop. Ako na ang bahala kila Randy at sa iba pa nating mga kasama sa supermarket," sabi ni Aries bago siya agad tumakbo nang hindi man lang kami hinayaang sumagot.

Napatingin na lang ako kay Charles.

Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. Sinubukan niya akong pakalmahin.

"Makaka-alis na tayo rito. Kaunting tiis na lang," sabi niya. Ilang beses niyang sinabi sa akin na magiging ayos din ang lahat, na makaka-alis na kami sa lugar na 'to at hindi ko kailangang matakot bago ako tuluyang kumalma.

Ilang oras kaming nanatili sa pwesto na 'yon, bago namin sinunod ang sinabi ni Aries na i-secure 'yung daan papunta sa rooftop. Papunta na kami sa second floor nang bigla ulit kaming harangin ng isa sa mga magnanakaw— 'yung kalbo.

"Hola mi amigos! Akala niyo ba makakatakas kayo sa akin?" sabi nito pagkatapos tumawa. Ang tinis ng tawa niya kaya masakit sa tainga.

Mabilis kaming tumakbo ni Charles nang magsimula na naman itong magpaputok ng baril.

Nagtago kami sa isang stall sa store na pinasukan namin. Pawis na pawis ako dahil sa muli naming pagtakbo, at dahil na rin siguro sa kaba na nararamdaman ko.

Ilang beses kong naisip na dito na ba matatapos ang lahat? Mamamatay na ba kami? Hanggang dito na lang ba kami?

Pero no'ng hawakan ni Charles 'yung mga kamay kong nanginginig at nilalamig dahil sa takot, nawala lahat ng 'yon. Unti-unting nawala ang 'yung bigat na nararamdaman ko— pansamantala.

"Eunice, kukuhain ko 'yung atensyon niya. Kapag tumakbo na ako at sinundan niya ako, tumakbo ka na palayo rito. Ikaw na ang mag-secure ng rooftop para sa ating lahat," saad niya. "I'll be back, promise."

Umiling-iling ako hanggang sa pumatak na 'yung luha ko sa mga mata ko. Niyakap niya ako, pero hindi ko pa rin magawang magsalita. Hindi ko alam kung paano siya pipigilan, hanggang sa maka-alis na siya sa tabi ko.

Tumakbo siya palabas ng store kung saan kami nagtatago. Kinuha niya 'yung atensyon no'ng kalbong magnanakaw, at gaya ng plano niya, sinundan nga siya nito.

Ilang minuto akong nanatili sa pwesto ko. Parang nanigas ako at hindi ko na alam kung paano gumana 'yung mga binti ko.

Ilang minuto ang kinailangan ko bago ko makuha lahat ng lakas at tapang na kailangan ko. Pinahid ko lahat ng pawis, at luha sa mukha ko bago ako tuluyang tumayo at tumakbo gaya ng sinabi ni Charles.

May ilang oras na lang kami bago ang rescue.

Ito na lang ang chance namin para maka-alis dito.

- - -

An : Epilogue's next!

Continue Reading

You'll Also Like

606K 16.3K 29
He doesn't have a heart. A literal heart. Not until one day... fate started doing experiment in their lives. Magic, spells, charms, and wizardry - wi...
258K 19.3K 47
⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought fo...
7.5K 619 43
This is my personal collections of artworks. All of them are original characters from my novels' Ghost Retriever, Code Chasers and Minaru's Quest. It...
131K 4.1K 31
After the SL's fourth generation succeed the war the next Legendary is now going to face the hardest problem. The war betwen the Angels.