AWAKEN BY HIM (ON-GOING)

By WickHurts

326 157 23

Lucy Qwenn Flaire Mercado she was known for being a lesbian woman in Lopez-Panganiban State University a very... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER TWO: Trouble

CHAPTER ONE: Panyo

75 38 7
By WickHurts

CHAPTER 1


Lucy Qwenn POV'

Pagod akong napaupo sa damuhan tagaktak ang pawis sa noo at sa leeg. Huminga ako ng malalim dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa mga kaklase kung busy pa sa kaka dampot ng mga bola sa field.

Pano ba kami umabot sa ganito?

Dapat ngayon e nasa room kami naka upo at nakikinig sa lecture ng teacher namin sa 21st Century hindi yung ganito tirik na tirik yung araw nakabilad kami.

Ang kaso dahil sa pesting triple W na yun LAHAT kami pinalabas dahil sa kaniya!

Sino ba naman kasing  matinong tao ang sasagut-sagotin ng pabalang ang guro mo? Edi sino pa?...... No other than WENSTON WINSLY WALTER LOPEZ!

Ang PINAKA peste sa buhay ko sa school, siya ang dahilan kung bakit ang masaya kong pamumuhay ay napapalitan ng sobrang panget!

Sa kamalas malasang naging classmate ko pa siya at same pa yung Strand na kinuha namin!

Simula elementary bini-bwesit na ko ng triple W na yun! It started when I accidentally throw my food on his shirt. Hindi ko naman yun sinadya e, pero iwan ko ba sa peste na yun at hindi na ko tinigilan!

Pag nakaka ganti ako sa katarantaduhang ginawa niya siya naman yung gagawa ng bagong kakainisan ko! At sa pagitan lang naming dalawa yon. Hindi naman niya sinasali ang kaibigan ko lalong lalo na ang bebeh Cj ko.

Dahil pag pati si Cj kinanti niya! Hinding hindi niya gugustuhing umabot pa sa puntong hindi lang inis ang mararamdaman niya sakin.

Atngayon nga nag simula na namang mang piste ang triple W na yon. Ininis niya lang naman yung teacher naming si Ms. Vergara na subject teacher namin sa 21st Century. Mabait si Ms. Vergara pero may tinatago rin yung pag ka terror.


Kaya ito pinalabas kaming lahat para daw mag tino KAMI kahit na wala naman talaga kaming ginawa!

At yung hinayupak na triple W na yun no where to be found!. After kasing sabihin nong lecturer na ALL OF YOU GO TO THE FIELD! Naglahong parang bubbles! Nauna nga yun e ang kasu pagdating sa field ang triple W na yun e nawala, kaya imbes na siya ang gagawa ng pag pulot nong bola na pinapalo nong lecturer na ginalit niya ay kami..... Kami na ang gumawa para sa kaniya.

Kakahiya naman kasi baka mapagod pa siya.

"Huy! Lucy tumayo ka diyan. Bawal pahinga may Qwenn ka lang sa pangalan pero di ka reyna uy." Anas nong bida bida kung kaklase na si Hope.

Isa rin to!

Hope was my classmate since elementary she was transferred in our school ang akala ko non mabait siya dahil sobrang angelic ng mukha. Pero angelic face lang pala siya demonyo kasi yung ugali.

Nag punas muna ko ng pawis sa mukha sabay tayo ngunit gumanti muna ko sa pang-aasar niya.

"Iba kasi spelling ng name ko sa Queen mo obob!" Inirapan ko lang ito at tumulong ulit mag dampot ng bola sa field.

Hindi na ito nag salita pa siguro ngayon niya lang din naintindihan.

Bida bida lang di naman matalino! Yan yung pinaka ayaw ko. Yung bida bida sa room di naman maka sagot pag natawag yung name puro lang naman patawa ang alam.

Tss! Sana nag clown na lng siya hindi niya rin naman yan magagamit pag college! Patawa rin! Palibhasa may backer!

Hindi ko alam kung ilang takbo, lakad, dapa at dampot ang ginawa ko at sa wakas natapos na rin.

Napaupo ako sa damuhan samantalang kaniya kaniya ng alis ang mga kaklase ko. Isang subject lang kami kapag webes samantalang pag hapon naman ay dalawa  hanggang alas-syete ng gabi yung pang huli.

At ngayon dahil wala akong dalang extrang uniform pawisin na ko kailangan ko munang suotin iyong PE uniform ko, jogger pants at isang plain shirt na may tatak sa likod na P.E.

Tumayo ako at muling nag lakad papasok sa locker area, may kaniya kaniyang locker area ang bawat strand. Kung HUMSS student ka sa HUMSS locker room lang ganon ka sosyal ang school na to. Bawat strand may kaniya kaniyang locker room.

Hindi pa man ako nakakapasok sa hallway ng may humarang na sa aking PESTE.

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit ngumisi lang ito na lalong nag pa init ng ulo ko.

"Tangina mo Lopez! Umalis alis ka diyan sa harapan ko kung ayaw mong mabasag yang bungo mo na lintek ka!" Sigaw ko rito ang akala ko ay tatabi na ang peste pero hindi pala.

"Ang galing mo rin e noh, pagkatapos mong inisin yung teacher natin! Hindi mo man lang naranasan yung punishment na dapat ay ikaw! Lang yung gumawa! Dahil ikaw lang din naman yung nanggalit don." Naiinis kong sabi rito ngunit hindi man lang umimik.

Tiningnan lang ako nito mula ingrown hanggang scalp.

Napaikot ako ng mata.

"Anong tingin yan? Ano? Gusto mo suntukan?! Tara suntukan! Hinahamon mo ata akong peste ka ah!" Nag bend ako ng unti yung posisyon pag mag susuntukan na.

Umiwas ito ng tingin at kita ko ang medyo pamumula ng tenga ng hinayupak! Mukhang pinag tatawanan pa ko!

Inayus ko ang aking tayo, at sinuntok ang dibdib niya himdi naman yun malakas ngunit nabalik ang tingin nito sa akin, at anduon parin yung pag pipigil nito ng tawa.

"Wag kang tumunganga diyan! Gusto mong suntukan diba? Pinagbibigyan na nga ayaw mo pa. Wag puro tawa, teka? Baka naman naduduwag ka saken?" Sinamaan ko ito ng tingin ng tumawa na ito, yung tawang pang kontrabida.

"Shit! You know what Lucy Qwenn Flaire you didn't failed me to laugh. You're so funny.'' napataas ako ng kilay.


Full name talaga?

Hindi ko malaman kung anong trip ng peste na to! Dahil ginawa pa kung joker!

"Ha ha ha, grabe tawa ko mga ganito oh." I raised my right hand and slowly show the 'fuck you' sign in my finger.

Tumawa ako ng pag kalakas lakas dahil sinundan talaga nong peste yung kamay ko. Kumunot ang noo nito saken pero nasundan din ng ngisi.

"Not now....but I think it will be soon" he playfully say directly to my eyes.

Hindi ko alam pero malakas na kumabog yung dibdib ko, napalunok ako.

"G-gago! Di ko napatol sa kauri ko! Lalo na sayong peste ka! Hindi ako bading!" Di ko mapigilang mautal, ngumisi lang ito habang nakatingin parin sa akin.

Mabilis kung iniiwas ang paningin rito at nag simula ulit mag lakad dahil baka masapak ko lang ang peste na yun!

Gago ba siya? Anong not now, but soon? na pinag sasabi ng peste na yun?

"Hey!" Napigil ko ang hininga ng sumigaw ito.

I know I should just ignore him but my traitor foot turn around and face him. Again!

Nabigla ako ng may itinapon itong panyo sa gulat hindi ko iyon nasalo.

"Tsk! Ang lakas mag hamon ng suntukan di mo naman pala kayang mag salo." Napapailing nitong sabi sabay lakad papalapit sakin.

Hala?! Bat....bat ganon? Bat nag e-slow motion yung pagligid?

Pati yung pag lalakad niya!

Dinampot nito ang panyo at iniabot sa akin.

"Here use this." Ani nito, wala sa sarili ko iyong kinuha sa kamay niya.

Hindi ako nag salita hanggang sa umalis rin ito agad. Napakurap kurap ako ng mata.

Taena! Anong nangyayari saken!? Naengkanto na ba ko?!

O baka nabading na ko sa peste na yun?!

Pota! hindi pwedi!

Loyal tayo kay bebeh Cj!

Mariin kung ipiniling ang ulo at tiningnan ang panyong nasa kamay ko.

Kulay blue iyon na may naka burdang gitara napakunot ako ng noo dahil duon.

"Gitara?" I silently mumbled.

Mahilig bang mag gitara ang peste na yun?

Sinundan ko ng tingin ang dinaan ni Triple W ngunit wala ng anino ng peste roon.

Muli kung tiningnan ang peste I mean yung panyo. Napahinga na lang ako at ibinulsa dahil hindi ko namn yun magagamit dahil mag papalit naman ako ng susuotin.

I don't know why but I just don't feel using it.

Lumipas ang oras at lunch time na. Napangiti ako dahil makikita ko na si bebeh ko, lumabas ako ng room namin ng may ngiti sa labi. Mabilis akong nag lakad papunta sa ABM building, maraming studyante ang dumaraan pababa dahil lunch na.

Nakarating rin ako sa room ng bebeh ko, ngunit nag le-lecture pa ang guro nila Cj kaya naman matiyaga akong naghintay hanggang sa natapos rin ito.

Agad akong lumapit sa pinto saktong lumabas si Mrs. Celistino.

"Good afternoon po Ma'am." Magalang kung bati rito. Ngumiti ito sa akin

"You're here again? Sino ba ang lagi mong inaabangan rito Ms. Mercado? At parang araw araw na kitang nakikita rito." Nakangiti nitong sabi sa akin.

Napayuko ako dahil sa hiya akala ko hindi nito napapansin. Napahawak ako sa batok at pilit na ngumiti rito.

"Ah, yung ano po Miss yung bebeh ko po si Ms. Torres." Walang hiya kung turan rito.

Nanlaki naman ang mata nito sa akin.

Sakto namang pag bukas ng pintuan ay niluwa non ang bebeh ko na napangiti ng makita ako.

Lumapit ito sa akin at napatingin kay Mrs. Celistino, na tumingin pa muna sakin bago kay Cj na nginitian ito.

"I have to go, Enjoy your lunch." Nakangiti nitong paalam saming dalawa. Sinundan ko ng tingin ang si Mrs. Celistino. Hanggang sa lumiko na ito at hindi na makita.

Kumapit sa braso ko si Cj kaya naman napalingon ako rito. I smiled to her and kiss her cheeks.

But to my surprise hindi niya tinampal yung mukha ko. Kaya naman tiningnan ko sa mata si Cj, ito kasi ang pinakaunang hinalikan ko siya sa pisnge na hindi ako nasasampal sa mukha.

Hindi kaya? Nagugustohan na rin niya yung pag ki-kiss ko sa kaniya?

"Hala! Bebeh ko na f-fall ka na ba saken?" Natutop ko ang bibig dahil kinikilig ako bat ba!

Ngunit nawala ang kilig ko ng tinampal nito ang balikat ko.

"Ano bang pinag sasabi mo diyan! Anong fall?; Umayos ka nga Flaire. Pinagtitinginan na tayo oh." Anito nito na inginuso pa yung mga classmate niyang nalabas sa room nila.

Napanguso ako. Pero nagsimula na kaming mag lakad.

"Tss, kinakahiya mo ba ko Celayna Joy?" Nagtatampo ko kunwaring tanong rito.

Napairap naman ito sakin.

"Hindi sa ganon pero alam mo naman na kaibigan kita hindi ba kaya naman iniiwas lang kita sa chismiss na— " I cut her off

"Na lesbian ako at nanliligaw sayo ganon ba?" Napatigil kami sa hallway ng building nila.

Inalis nito ang pag kakakapit sa braso ko. At tumingin sa akin ng may pag-aalala sa mukha nito.

"Alam mo kasi Flaire you're my best friend and you know that I'm straight. Right? I don't want to give you a hope na magiging tayo. And I like someone else already I'm sorry Flaire I don't want to hurt you. Pero sa tingin ko ito lang ang tamang paraan para itigil mo na ang kung anong ginagawa mo. You're pretty, smart and kind Flaire I know you will find someone else that can give the love you wanted." She sincerely say. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil iyon.

"B-binabasted mo na ba ko niyan.... Cj?" Hindi ko mapigilang mautal.

Yumuko siya at dahan dahang itinango ang ulo.

Nakagat ko ang labi dahil sa luhang gustong kumawala sa mata ko.

"Can I at least asked whose this person you liked?" I slowly asked at her.

Tumingin ito sa akin na may nangingilid ng luha sa mata niya.

"Si— si Wenston Lopez."

SI PESTEEEEEEEEEE??!!!!!!!

"Huyy! Gisingg! Lucy! Uyy!"

"Oh my god! I think she's dead! Omg!"

"Putanginah! Pag ito di magising pre tumawag na kayo ng nurse!"

Bat andaming bangaw?

"What's going on here?"

Napakunot ako ng noo ng marinig ko ang boses ni peste.

Putek! Bat ba pakiramdam ko ang daming tao.

Naramdaman kung may humawak sa balikat ko at mahinang inalog iyon. Ngunit hindi ko parin mamulat ang mga mata ko.

"If you don't open your eyes.... I will kiss you."

Kiss?

Kiss?!!!

Ng marinig iyon parang naramdaman ko ulit yung katawang lupa ko. And slowly binuksan ko ang mata ko, at iniangat ng kunti.

Nangunot ang noo ko ng makita kung maraming tao sa paligid ko, medyo blur pa ang paningin ko dahil siguro sa tagal kung pag tulog.

Tangina! Bangungot lang pala yun? Nakahinga ako ng maluwag.

Buti nama

"Anong ginagawa mo ritong PESTEE ka!" Nagugulat kung sigaw sa lalaking nakatayo malapit sa desk ng upuan ko.

Two hands on his pocket while looking at me weirdly.

"I have my name and it's Wenston Winsly Walter just choose to where you prefer. And don't ask me why I'm here, our classmates have been waking you up. Pero hindi ka gumigising they even thought You're dead." Nakangisi nitong  sabi.

"Omg! Ang gwapo niya pala kung di lang pasaway sa teacher."

"Oo nga ih! My god I think I like him na kahit bad yung attitude niya."

Gusto kung masuka dahil sa mga sinasabi ng mga classmate ko na kung mag bulungan ay parang hindi naririnig ng taong pinag uusapan nila.

Tumingin ako kay Peste and as usual peste parin!

Inirapan ko ito.

"O edi nakita mo na okay na. Pwedi bang umalis alis ka na. Dumarami yung bangaw e. Ang sakit sa tenga." Inilagay ko pa yung hintuturo kung kamay sa taenga ko na parang nag lilinis ako ng tutule.

Hindi naman naka lampas sa akin ang pag ngiwi ng mga classmate ko sa ginawa ko ngunit umirap lang ako dahil ang aarte nila!

Tsk! Kala mo naman di nangungulangot ang mga to gamit ang kamay!

Umalis na yung mga kaklase ko at kaniya kaniya ng alis. Dahil LUNCH TIME PA LANG.

"I haven't know your sleeping like this?" Ani nong peste na hindi parin na alis sa gilid ko.

Hindi ko ito pinansin at inayus na lamang yung gamit ko sa table. Napasarap ata tulog ko kanina, after ko kasi pumunta ng locker area dumiretso ako sa room para dito mag palipas oras.

Sa kakayuko ko sa desk naka tulog ako sa sobrang sarap ng tulog ko hindi ko namalayang pinasok na ng PESTE yung imahinasyon ko para sana sa amin ni bebeh Cj ko.

Kaya ayun imbes na magandang imahinasyon naging bangungot!

Narinig ko ang lalim ng pag hinga nito.

Tiningnan ko ito at inirapan, ngumisi naman ito dahil sa ginawa ko. Wala itong salita na nag lakad ngunit nong nasa may pintuan na siya. Tumigil ito at muli akong nilingon.

Bubulyawan ko na sana siya ng inunahan ako nito ituro nito ang kamay sa may bandang mukha ko.

Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahil parang inaaabot naman siya ng kaniyang sakit. Yes! Sakit! Sakit sa utak! Kaya naging peste! Sa buhay ko!

"Use my face towel and wipe the dry saliva on the side of your left lips. Sa tingin ko natuyong laway mo yan." Seryuso nitong sabi.

Nanlaki yung mata ko at napahawak sa kaliwang labi ko.

"And by the way, bago mo isauli paki labhan ng sampung beses para mawala lahat ng germs. O di kaya sayo na lang total marami ako niyan sa bahay......but just be careful every material they used in that towel is kind of high quality and limited edition." Nakangiti nitong sabi halatang nang-aasar lang!

"MAMATAY KA NA SANANG PESTEE KAAAA!!!"

Buong lakas kong sigaw rito na ikinatawa lang nong peste! At nilayasan ako.

Naikuyom ko ang kamao pinipigalan yung inis, galit, inis ulit at galit ulit! 

Kunting kunti na lang! Talaga!

"May mapapatay akong PESTEE!!!"

.
.
.

d: don't know kung goods yung first chapter. Please comment anything about this part I wanna know ur thoughts and opinions🖤

AUTHOR'S NOTE!

EDITED AND SMALL REVISION!

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...