FHALIA - I

By SomeoneLikeK

998K 9.4K 492

FHALIA : THE BIRTH OF A NEW KING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Ang mundo ng Fhalia ay nahati sa dalawang panig. Isa... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
Announcement
NOTE

CHAPTER 3

35.7K 1.1K 80
By SomeoneLikeK

CHAPTER 3

Bumalik si Calli sa lugar kung saan siya nag-iwan ng laso bilang palatandaan. Hindi siya nahirapan na hanapin iyon dahil hindi naman siya gaanong nakalayo. Kahit hindi nakita ni Calli ang mga bagay na nasa librong nabasa niya, hindi siya nadismaya. Dahil nakilala niya ang batang si Elizabeth.

Ilang minuto pa ang lumipas, lumitaw nang muli ang lagusang binuksan ni Calli. Pumasok siya roon upang bumalik sa Fhalia. Pagbalik niya sa Fhalia, nagsara na ng tuluyan ang binuksan niyang lagusan at naglaho ng kusa ang iginuhit niyang simbolo sa puno ng kauri gamit ang kanyang dugo.

Napatingin si Calli sa mga librong naiwan niya sa damuhan. "Lagot na, may gagawin pa pala ako."

Tumingin si Calli sa mga bituin sa langit. Ang gabi rito sa Fhalia ay umaga sa mundo ng mga tao. Kinusot niya ang kanyang mga mata nang bigla niyang makita mula sa kalangitan ang mukha ni Elizabeth. Nang muli siyang tumingin, naglaho na iyon.

"Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bata lang naman 'yon."

Tiningnan ni Calli ang librong binasa niya kanina. "Sino kaya ang sumulat nito?" Binuksan niyang muli ang libro at hinanap niya ang pangalan ng sumulat. "Caleb Kono Ihara. Hmm? Huh? Ihara?"

Iniwan ni Calli sa tabi ng puno ng Kauri ang mga librong kailangan niyang basahin, saka siya sumipol ng malakas upang tawagin ang alagang si Frin. Pagdating nito, inutusan niya itong dalin siya sa lupain ng Detori.

Pinuntahan ni Calli si Hibana, ang pinuno sa lupain ng Detori at nakababatang kapatid ng kanyang ama. Pumasok siya sa silid nito pagkatapos kumatok ng tatlong ulit. "Prinsesa Hibana, magandang gabi po. Nais ko sanang malaman kung sino si Caleb Kono Ihara?"

Huminto si Hibana sa pananahi ng damit. "Ama ni Rui Ihara Karazu, si Caleb Kono Ihara. Bakit mo biglang naitanong?"

"Ama ni ate Rui? Hindi ba't si ate Rui ang pinakamalakas na Arcan noon? Ang natatandaan ko pinatay siya ng asawa niya sa Heridon. Pero nasaan na nga pala si Caleb Ihara? Napansin ko na siya ang nagsulat ng librong nabasa ko kanina." Sabi ni Calli.

"Huwag na natin pag-usapan ang nangyari kay Rui." Sabi ni Hibana. "Si Caleb Ihara ang nagsusulat ng lahat ng libro noon sa Fhalia. Nang bigla siyang mawala at hindi na bumalik, si Rui ang pumalit sa kanya. Walang nakakaalam kung nasaan na ngayon si Caleb. Kung buhay pa ba siya o hindi na. Nagustuhan mo ba ang libro niya? Mayroon akong ipinadalang mga libro kay Avi kanina, iyon na ang mga huling libro na naiwan ni Rui dito." Dagdag pa ni Hibana.

Ngumiti si Calli. "Gustong-gusto ko ang mga libro niya. Gusto ko sana siyang makausap, pero mukhang malabo na. Maraming salamat sa mga librong ipinadala mo kay Ama, prinsesa Hibana. Aalis na po ako."

Tumayo si Hibana at sinundan nito si Calli palabas ng silid. "Calli, naniniwala ka ba sa sinabi ng iyong Ama tungkol sa kasalanang ginawa ni Kauri?"

Huminto si Calli sa tapat ng pinto. "Hindi po ako naniniwala at sigurado ako na babalikan niya kaming dalawa ni Arkile. Hindi pa lang siguro makabalik si Ina dahil ipinapahanap pa rin siya ni reyna Ifra."

"Masaya ako na marinig iyan mula sa 'yo, Calli." Sabi ni Hibana.

Bumalik si Calli sa puno ng kauri upang kunin ang mga librong iniwan niya. Pagkatapos, pumunta siya sa lunsod ng Russalia kung saan mayroong lampara. Binasa niya ang natitira pang apat na libro. Tungkol sa mga mahika at wastong paggamit ng sandata ang nakasaad sa mga librong nabasa niya. Pasikat na ang araw nang matapos siya sa pagbabasa.

Nag-unat lang sandali si Calli saka siya pumunta sa dulo ng kakahuyan ng Russalia upang humuli ng isang daang piraso ng mabangis na lobo.

"Veria." Pagkalabas ni Veria pumanik si Calli sa isang malaking puno. Nakatanaw siya ng maraming mabangis na lobo mula sa di kalayuan. "Bow."

Sa tuwing hinahawakan ni Calli ang gitnang bahagi ng bow kung saan naroon ang isang kulay asul na dyamante. Lumilikha iyon ng isang matalas na palaso. Inasinta niya ang isang mabangis na lobo mula si di kalayuan; natamaan niya iyon sa leeg. Umasinta pa siya ng isa hanggang sa makapatay siya ng isang daan.

"Veria, tapos na ako." Bumalik sa tunay na anyo si Veria saka ito agad na naglaho.

Dinala ni Calli ang isang daang mabangis na lobo sa lahat ng matatandang Arcan sa lunsod ng Russalia. Naka limang balik siya bago niya iyon nadalang lahat.

Bumalik si Calli gubat ng Russalia kung saan naroon ang puno ng kauri. Nag-ensayo siyang muli sa paggamit ng sandata sa tulong ni Veria. At sa tuwing magpapahinga siya, sumasagi sa isipan niya si Elizabeth.

"Masama ito. Hindi ko siya maalis sa isip ko."

Minsan ay bigla na lamang napapangiti si Calli. Nadala niya iyon kahit saan siya magpunta. Ang hindi niya maintindihan ay hanggang sa panaginip, nakikita niya si Elizabeth. Sa dinamirami ng mga dalagang Arcan sa Fhalia, kahit isa sa kanila ay wala siyang napansin.

Hindi lubos akalain ni Calli na isang bata mula sa mundo ng mga tao ang makakabingwit ng kanyang interes.

Nang matapos ang parusa kay Calli ng kanyang amang hari, agad niyang tinawag si Frin upang umuwi sa Navi. Bumaba siya sa harapan ng palasyo upang puntahan ang nakababata niyang kapatid na si Arkile.

Sinalubong ni Lacus si Calli. "Prince Calli, wala po rito ang mahal na hari."

Inabot ni Calli kay Lacus ang hinubad niyang cloak. "Hindi siya ang pakay ko. Nasaan si Arkile?"

Kinuha ni Lacus ang iniabot niyang cloak. Pagkatapos, humarang ito sa daan. "Prince Calli, wala rin po ang kapatid mong si prince Arkile. Mahigpit na bilin ng mahal na hari na huwag kang patuluyin ng palasyo hangga't hindi ka natatapos sa pag-eensayo."

"Araw-araw ang ensayo ko, Lacus. Ang ibig mo bang sabihin ay hindi na ako maaaring tumuloy dito sa palasyo? Umalis ka sa daraanan ko. Huwag mong hintayin na maubos ang pasensya ko," galit na sabi ni Calli.

Umalis si Lacus sa daraanan ni Calli. Binuksan ng mga guwardya ang pinto para sa kanya saka yumuko ang mga ito bilang tanda ng paggalang.

Bumungad kay Calli ang masamang mukha ni reyna Ifra habang nilalatigo nito ang kapatid niyang si Arkile. Nanlisik ang kanyang mga mata dahil sa galit. Ikinumpas niya sa direksyon ni reyna Ifra ang kanyang mga palad.

Ginamit ni Calli ang kapangyarihan niya; isang tubig na mayroong kakayahang tunawin ang kahit na anong madikitan nito. Tumama iyon sa laylayan ng damit ni reyna Ifra. "What a shame, I missed." Naninindak na sabi ni Calli.

Huminto si reyna Ifra sa paglalatigo kay Arkile saka ito galit na tumitig kay Calli.

"Arkile, lumabas ka na. Naroon si Frin sa labas. Hintayin mo ako roon," utos ni Calli.

Paglabas ni Arkile lumapit si reyna Ifra kay Calli. "Makakarating sa mahal na hari ang ginawa mong paglaban sa akin, Calli."

"Wala akong pakialam kung makarating sa kanya ang ginawa ko sa I yo. Pero sa susunod, sisiguraduhin ko, na mawawalan ka na ng pagkakataong magsumbong." Pagbabanta ni Calli, saka niya tinalikuran ang galit na galit na si reyna Ifra.

Maganda ang pakikitungo ni reyna Ifra sa kanila ni Arkile kapag kaharap ang hari o kaya naman ang iba pang mga Arcan. Ngunit ang totoo, abot langit ang galit nito sa kanilang magkapatid. Lagi itong nakamasid sa bawat kilos nila na tila naghihintay ito ng pagkakataon na sila ay magkamali.

Paglabas ni Calli ng palasyo kinuha niya kay Lacus ang hinubad niyang cloak saka muling isinuot. Pagkatapos ay agad silang umalis ni Arkile patungo sa gubat ng Russalia kung saan naroon ang puno ng Kauri.

Umupo si Calli sa damuhan. "Arkile, bakit hindi ka lumalaban kay reyna Ifra?"

"Kasi Kuya nasunog ko ang isa sa mga bahay sa lunsod ng Detori. Kuya, hindi ko sinasadya. Gusto ko lang silang tulungan." Tugon ni Arkile.

Si Arkile ay isang fire type Arcan. Kaya niyang isalin ang nililikha niyang apoy sa kahit na anong bagay. Iyon nga lang, sa sobrang lakas ng kapangyarihan niya minsan ay hindi na niya ito kayang kontrolin.

Tumingin si Calli kay Arkile. "Nagalit ba sa 'yo si Ama?" Tumango lamang sa kanya si Arkile.

Kaya siguro wala si Ama sa palasyo ay dahil inaayos niya ang pinsalang nagawa ni Arkile sa lunsod ng Detori. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si reyna Ifra na manakit. Sambit ni Calli sa kanyang loob-loob.

"May nasaktan ba?" Tanong ni Calli. Muling umiling si Arkile.

Inakbayan ni Calli si Arkile. "Ayos lang 'yan ang mahalaga ay walang nasaktan. Alam ko na nauunawaan ka ng mga Arcan na nakatira sa lunsod ng Detori. Hayaan mo na si Ama, nandito naman ako eh. Kakampi mo ako palagi. Ako ang laging magtatanggol sa 'yo."

Natuwa si Calli nang makita niyang ngumiti ang kapatid na si Arkile. "Ako rin, Kuya. Kahit na magalit ang lahat sa 'yo. Kakampi mo pa rin ako." Sabi ni Arkile.

Ginulo ni Calli ang buhok ni Arkile. "Talaga? Aasahan ko iyan."

Pinauwi ni Calli si Arkile sa bahay na tinutuluyan niya upang malayo ito kay reyna Ifra kahit sandali. Nanatili si Calli sa tapat ng puno ng kauri upang magbukas muli ng lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Pagpasok niya sa lagusan hindi siya makapaniwalang parehong lugar pa rin ang kanyang nabuksan.

Naglakad-lakad muli si Calli hanggang sa marating niya ang puno ng dasiñas.

"Calli! Ano? Galing ka na naman sa costume party!? Taon-taon ba 'yan!?" Tinig ng isang babae.

Lumingon si Calli sa kanyang likuran.

"Dito sa taas!"

Pagtingala ni Calli, nakita niya si Elizabeth na nakaupo sa sanga ng puno. Sa tingin niya ay lumaki na ito ng kaunti at humaba na lalo ang buhok.

Nagkausap sila ni Elizabeth ng ilang minuto. Doon na rin niya napag-alaman na ang isang araw sa Fhalia ay isang taon sa mundo ng mga tao.

"Elizabeth, mukhang hindi ako maiinip na hintayin kang magdalaga."

Continue Reading

You'll Also Like

490 40 33
" Bakit ba nabuo ang salitang " PRETENDING " Di ba pwedeng maging totoo na lang? Hanggang saan ba, magagampanan ang lahat. Liam Andrei Madrigal ang...
2.2M 41.3K 113
Status : COMPLETED Editing Status: COMPLETED ~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~ Isang Prinsesang 👑 binigyan ng buhay para iligtas ang buong kaharian niya. P...
4.7M 37.7K 12
[Full version now on Dreame] Mamuhay man sa normal na mundo ng ilang taon, makasalamuha ang mga mortal na tila walang problema, hindi pa rin maitatan...
467K 1.8K 9
Isang simpleng dalaga na namuhay sa mundo ng mga normal. Lumaking unti-unting na di-diskubre ang kanyang kakayahan. Simpleng studyate na laging pinag...
Wattpad App - Unlock exclusive features