15 DAYS WITH YOU [Completed]

Door Alliraiter

2.7K 1K 96

Have you ever been smitten with someone you've just meet? At the age of 18 Celestine Madrigal was facing her... Meer

DISCLAIMER
DAY 1
DAY 2
DAY 3
DAY 4
DAY 5
DAY 6
DAY 7
DAY 8
DAY 9
DAY 10
DAY 12
DAY 13
DAY 14
DAY 15
EPILOGUE
Special Chapter

DAY 11

102 47 0
Door Alliraiter

DAY 11

Namamaga pa ang mata ko kinaumagahan. Di ko alam pano ko haharapin si Nathan ngayon. Sana kagaya kahapon di rin siya pumasok. Hindi pa ako handang makipagusap sakanya.

"Una na po ako." Matamlay na paalam ko ng maabotan ko sila mommy at daddy na kumakain ng breakfast.

"Mag breakfast ka muna baby." Alok ni mommy pero umiling lang ako.

"Di po ako nagugutom mom. Sa school na lang po siguro mamaya. Una na po ako may gagawin pa kasi kami ng classmates ko." Pagdadahilan ko.

Bago ako lumabas nadatnan ko pa si Ate Alex sa sala kasama si Axel kaya binati ko muna siya. Maliit na party lang ang gaganapin mamaya.

"Happy birthday, little boy!" I greeted him.

"Where's Axel gift, tita?" He asked me that made me smiled. But suddenly faded when I remember what happened yesterday.

"Tita ganda will give her gift for Axel later, okay?" I smiled even though the pain is killing me inside.

I didn't expect that it hurt like this. I just want to experience how to love someone but endep up hurting me a lot. Siguro nga maling mahalin siya. I didn't expect that i will love him very fast.

Tumigil lang ako sa kakaisip ng maramdam kong paiyak na naman ako. Nagpaalam na ako kay Axel at nangakong uuwi ng maaga para sa party niya mamaya. He's was so happy so I smiled. Mabilis kang na fall, mabilis ka ring makaka move-on. Oo ganun nga ang isipin mo Tine. Hayaan mo na siya. Cheer your self up.

Palabas na ako ng gate ng masalubong ko si Nathan. Mabilis akong tumalikod para sana bumalik sa loob pero hinarang niya ako kaya napahinto ako.

"Ano bang kailangan?" Malamig na tugon ko. Tatagan mo ang loob mo Tine di ka pwedeng maapektohan dahil sa nangyari.

"About what happened yesterday, Ti-" I cut him off.

"What? Don't explain your side Nathan. Di mo naman obligasyon na mag paliwanag pa sakin. Kasi unang una walang tayo, kung meron ka mang dapat paglaanan ng explanation mo siya yun. Fiance mo siya kaya sakanya ka mag explain kung bakit kasama mo ako ng araw na yun."

"Tine, listen to me first. Sarah is-" again I cut him off.

Tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay. Magpapahatid nalang ako kaysa makasalubong ko na naman si Nathan. Yung plano kong mag commute naudlot dahil sa biglaang pagpapakita niya.

Paglabas ng sasakyan sa gate andon pa rin si Nathan. Ng makita niya ang paglabas ng kotse namin dali dali siyang tumakbo at hinabol ang sinasakyan ko. Panay ang sigaw niya ng pangalan ko pero sa ngayon ayoko muna siyang makausap.

"Ma'am kanina pa po sumusunod si sir."

"Hayaan mo siya kuya mapapagod din po yan." Sabi ko nalang at umidlip sa loob ng sasakyan. Mag iisip pa ako ng plano pano ko siya maiiwasan sa loob ng room. Gayong magkatabi kami.

Nang makarating sa school deretsyo lang ako sa room. Naabutan ko pa si Calix na naghihintay sa labas ng room. Mukang may hinihintay. Nagulat pa ako kasi ito ang unang beses na naunahan niya ako sa school.

"Good morning." Masiglang bati niya. Tipid na ngiti lang ang ginanti ko. Wala pa ako sa mood makipagusap.

"Tine yung about kahapon-"

"Kalimutan mo na yun. Wag niyo ng ipaalala please lang." Nanghihinang sabi ko. Di ko kaya ang sakit, kaya kung pwede wag na nilang ipalaala ang nangyari kahapon mas nasasaktan lang ako.

"H-huh? K-kalimutan? A-akala ko pumapayag kang makipagusap sakin. Sorry." Nakayukong sabi niya. Halata sa boses niya ang pagkadismaya.

Nanlaki naman ang mata ko. Oo nga pala sabi niya nga pala kahapon mag uusap kami. Ang tanga mo naman para makalimutan yun Tine.

"Ay yun ba? Sorry pasensya na. Pero oo naman mamaya mag usap tayo." Sabi ko na lang ng makabawi. Nakita kong gumaan ang awra niya kaya niyaya ko na siyang pumasok.

Bago pa siya makaupo sa pwesto niya pinigilan ko na siya.

"Bakit?" Naguguluhang tanong niya.

"Pwede palit muna tayo ng upuan lahit ngayon lang." Ayokong katabi si Nathan. Kailangan ko munang lumayo sakanya bago pa lumala ang nararamdaman ko sakanya.

"Pero-"

"Please." Pagmamakaawa ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Sige na nga." I mouthed him thank you. Nagpalit kami ng pwesto ni Calix.

Saktong pag upo ko ang siyang pagdating naman ni Nathan. He tried to approach me but I choose to ignore him.

"Tine please." Pagmamakaawa niya pero di ko pa din siya pinansin. Hanggang sa sumuko na siya.

Maya maya lang nang mag announce na vacant kami ng 2 hours kasi wala ang teacher namin pero bawal kaming lumabas ng room.

Nathan try again his luck but I still choose to ignore him. Napansin yun ng mga kaklase namin kaya nagsimula na naman silang mag asaran.

"LQ kayo?"

"Aga naman ng away niyo."

"Uyy pre dine-deadma ka?" Tawa ng tawa si Oliver.

"Suyuin mo na kasi Nathan."

"Tine kausapin mo na oh. Kawawa ang loverboy namin."

Napailing na lang ako sa mga sinasabi nila. Ng walang makuhang sagot sakin si Nathan padabog siyang lumapit kay Oliver ng tawagin siya nito. They're singing again.

She's be my queen
Since we were sixteen
We want the same things
We dream the same dreams
Alright, alright

Napatingin ako sa unahan ng marinig kong kumakanta si Nathan. This is the second time I hear him singing. Seryoso lang mukha niya habang kumakanta. Parang napilitan lang siya.

I got it all
'Cause she is the one
Her mom calls me love
Her dad calls me son
Alright, alright

I admit maganda nga ang boses niya. Siguro isa na rin yun sa dahilan bakit nagustohan ko siya.

I know, i know, i know for sure

Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away

Bigla siyang tumingin sakin ng kantahin niya ang linyang yun. Naghiyawan naman ang mga kaklase namin kaya nag iwas ako ng tingin.

Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me

Bigla siyang tumingin kay Calix at para silang nagtatagisan sa paraan ng tinginan nila. Ano ba meron kahapon pa sila ganyan.

Everybody wanna steal my girl
Everybody wanna take her heart away
Couple billion in the whole wide world
Find another one 'cause she belongs to me

Kinanta niya ang last part na nakatingin sa pwesto namin ni Calix.

Matapos ng jamming session nila. Naging awkward ang buong room pano puro patama ang kinakanta ni Nathan.

Nung magkaron kami ng 30 minutes break pumunta kaming garden ni Calix para mag usap. Importante daw ang sasabihin niya at kailangan kami lang dalawa.

"Ano ba sasabihin mo?" Tanong ko mg makarating kami sa school garden.

"Tine, matagal ko ng napagisipin to." Kinabahan ako sinabi niya. Meron na akong hinala pero ayokong mag assume.

"We know each other for years now. Since the day Camille introduce you as a friend I started liking you. Palagi kita tinatanong sakanya kahit noong nasa ibang bansa na ako para mag aral. Akala ko kapag nalayo ako sayo mawawala yung nararamdaman ko pero hindi eh. So I decided to come back and confess to you. Tine, I Like You." Natulala ako sa sinabi niya.

"C-calix kasi ano-"

"Hey. You don't need to reciprocate my feelings towards you. Alam kong may gusto ka ng iba." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"H-how did you know?" Nagugulat na tanong ko.

"When I saw you with him sa mall I know you like him. Iba yung kislap ng mata mo kapag kasama mo siya. And looking what happened earlier, may nangyari ba sainyo?" Napayuko ako.

"Hayaan mo na yung samin. Calix sorry pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." Sincere na sabi ko.

"It's okay sinabi ko lang naman para aware ka. Ang hirap kasing itago ng nararamdaman mo para sa isang tao." Tama siya kasi yun din ang nararamdaman ko sa mga oras na to.

It's difficult to love someone secretly. Patago kang nagmahal, patago ka ring nasasaktan. Ang hirap. Kailangan ko lang pala masaktan para marealize kong gusto ko na din siya. Pero yung samin malabo na.

"Kaya kung ako sayo aminin mo na sakanya." Napatingin ako sakanya. I smiled bitterly.

"Para saan pa? He's engage after all." Para akong sinaksak ng sariling mga salita ko. Bigla akong niyakap ni Calix ng maramdam niyang paiyak na ako.

Umiiyak ako sa balikat ni Calix, naglalabas ng sama ng loob ng bigla kong nakita si Nathan na nakatingin sa direksyon namin. Bigla akong napabitaw kay Calix.

"Nate" mahinang sambit ko. Pero huli na nakatalikod na siya at dali daling umalis. Nakita ko pang nagpunas siya ng luha bago siya tumalikod.

"You two need to seriously talk. Halata namang nasasaktan kayo pareho eh." Umiling lang ako. Di ko siya kayang kausapin.

"Tara na tapos na ang break." Niyaya na ako ni Calix na bumalik.

Saka lang ako nakaramdam ng gutom ng makabalik na kami. Lalabas na sana ulit ng biglang may naglapag ng snacks sa arm desk ko. Si Nathan ang nakita ko pag angat ko ng tingin.

"Alam kong di ka pa kumakain simula kanina, kainin mo na yan." Malamig ngunit mahinang sambit niya.

"S-salamat."

Biglang nagsitilian ang mga kaklase ko.

"Bati na ba kayo?"

"Di ba sabi sainyo bagay sila eh."

"Sana all!"

"Nakakainggit naman!"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko. Napailing na lang ako.

Maagang natapos ang klase namin. Light lang ang lesson pero tambak ang take home na activity. Mas mabuti na rin sigurong may ginagawa ako para maiwasang isipin ang nalaman ko kahapon.

"Una na ako, punta ka nalang sa bahay, hihintayin kita." Nakangiting paalam ko kay Calix.

Ginulo niya naman ang buhok ko. "See you later then?" Tumango ako sakanya.

Masaya akong hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami sa gitna ng nangyari.

Maaga pa pagdating ko sa bahay kaya tumulong na din ako para sa preparation ng small party na gaganapin. Since kanina pa sila nagsimulang mag ayos at madami din ang tumulong kaunti na lang ang aayosin pagdating ko.

May inaayos akong design sa taas at nakaapak ako sa hagdan. Pababa na sana ako ng bigla ako ma out balance. Napahiyaw ako dahil sa pagkabigla ng biglang may sumalo sakin kaya hindi ako nahulog.

"Sa susunod kasi mag iinggat ka." Paalala niya ng inayos ako patayo.

"Salamat" yun lang ang sinabi ko at tinalikuran ko na siya.

Sobrang liit ng mundo para saming dalawa. Pano ko siya maiiwasan gayong kaklase ko siya natural lang na magkikita kami araw araw. Pinsan siya ni Ate Alex at napapadalas na rin siya dito sa bahay. Pano ko sasabihin kina mom and dad na yung taong botong boto sila para sakin ay engaged na. Or kung alam na ba nila. Ang hirap naman nito.

"Nathan!" Sigaw ni mommy ng makita siya nito. Gustong gusto talaga nila ang lalaki. "Andito ka na pala. Teka, kumain ka na ba?" Tanong ni mommy rito.

"Ah hindi pa po, pero okay lang po tita busog pa po ako." Mabilis na sagot naman nito.

"Kumain ka muna, ikaw na bata ka wag ka magpapalipas ng gutom." Pagpapaalala dito ni mommy. Magaan talaga ang loob nila kay Nathan.

Pinagmamasdan ko sila ng mapatingin sa gawi ko si mommy.

"Tine sabayan mo na ngang kumain tong si Nathan. Isa ka pang bata ka di ka pa pala kumakain." Mabilis akong napailing.

"My kumain na ako sa school busog na po ako." Pagsisinungaling ko. Nakita ko naman ang pag iling ni Nathan. Malamang na alam niyang di pa ako kumakain.

"Tss.. halika na nga. Ano namang kinain mo yung snacks na bigay ko." Hindi ba talaga makaramdam ang isang to? Alam naman niyang iniiwasan ko siya di ba? Epal.

Mabilis naman kaming tinulak ni mommy papuntang kusina. Ngayon wala na akong choice kundi sabayan siya.

May isang maid ang naghanda ng makakakain namin. Matapos niyang ilagay sa mesa ang mga pagkain bumalik siya garden para tumulong sa pagaayos malapit na din kasing dumating ang piling mga bisita.

"Tine about yesterday. It's just a misunderstanding. Sarah is not my fiance. Well, yeah my father wants me to marry her but I dont like her. Infact she's just after our money." Hinayaan ko nalang siyang magsalita.

Siguro nga tama si Calix kailangan namin mag usap tungkol sa bahay na yun. And maybe, I'll tell him to stop courting me.

"Please kausapin mo na ako." Pagmamakaawa pa niya habang kumakain kami. Tiningnan ko naman siya.

"Okay." Yun na lang sinabi ko kasi di ko naman alam ang sasabihin ko.

"Okay na tayo, di ba?" Sa totoo lang ewan ko.

Ano ba kasi dapat ang maging reaction ko? Di naman ako pwedeng magselos kasi wala namang kami. Oo nga't nililigawan niya ako pero sapat na rason na ba yun para magselos ako?

"Kakausapin ko mamaya si daddy na itigil na nila ang kahibangan nila."

Yun ang huling sinabi niya bago kami parehong lumabas at nakihalubilo sa mga nagsisidatingan ng bisita.

Kunti lang naman ang inimbita nina ate at kuya. Mga kaibigan lang nila at ang mga anak nito. Nakita ko namang papasok si Calix kaya sinalubong ko na siya.

"Calix? Ikaw na ba yan?" Tanong ni mommy ng makalapit kami sa pwesto nila.

"Hi tita, tito." Pagbati nito. "Walang pinagbago tita ah ang ganda niyo pa rin ikaw din Tito gwapo natin ah." Pakikipagbiroan pa nito na kinailing ko na lang.

Saka ko lang napansin si Nathan na nasa parehong mesa lang pala nina mommy. Nakatingin siya sakin at kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya.

Mabilis na nagsimula ang maliit na party para kay Axel. Magkakatabi kami sa upuan. Si Nathan sa kaliwa ko habang nasa kanan naman si Calix. Pero kahit magkatabi kami di ko siya pinapansin. Samantalang panay bulong naman si Calix sakin.

Maya maya lang padarag na tumayo si Nathan sa upuan niya at pumasok sa loob ng bahay namin.

"Sundan mo na," mahinang sambit ni Calix yung tipong kami lang dalawa ang makakarinig "Nagseselos lang yun." Natatawang sabi niya. Napailing naman ako pero sinundan ko pa rin naman si Nathan sa loob.

"Bakit umalis ka dun?" Tanong ko ng makita ko siyang nakaupo sa sala. Tumabi naman ako ng upo sakanya.

"Alam kong gusto ka ni Calix." Naguluhan naman ako sa sagot niya. Di naman yun ang tanong ko ah. At pano niya nalaman? Pero nasagot ang tanong ko ng magsalita ulit siya.

"Kahapon sa mall, nung makita natin siya sa jewelry store nang umalis ka sinabi niya sakin. Pumipili siya ng ibibigay sayo. So, ano ba binigay niya? I can buy it myself too. Kaya kung bumili ng mas higit pa dun Tine. Just please paniwalaan mo naman ako."

"Bukas na natin pag usapan ang bagay na yun." Kailangan ko din kasing mag isip. "Sagotin mo ang tanong ko, bakit ka umalis? Andun ang party anong gagawin mo dito?" Balik na tanong ko.

"Kasi nga nagseselos ako!" Yun lang ang sinabi niya at bumalik na sa labas.

Naiwan akong nakatulala sa loob ng bahay. Kung hindi pa pumasok ang kasambahay di pa ako babalik sa labas.

Natapos ang party na yun ang laman ng isip ko hanggang sa pagtulog yun ang laman ng panaginip ko. Masyado mo akong pinapahirapan Nathan. Nag iisip pa lang ako ng paraan para makaahon sa pagkahulog ko sayo pero bakit imbes na makaahon mas nalulunod ako?

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

875K 78.1K 38
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
188K 9.3K 55
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...
3.4M 81.3K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...