Twisted Fate Book 1 ♡Complete...

By waanjaimjora

16.4K 1.9K 254

Jamie's Nagbago ang lahat until makilala ko sya!Kakayanin ko ba pag nawala sya sa buhay ko? Kakayanin ko pa n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
WAKAS

Kabanata 7

292 36 4
By waanjaimjora

Time Check

5 AM

Jamie POV

Magdamag na kong gising, andito ako ngayon paikot ikot lang sa harap ng bahay namin. Tulog na kasi sila mama at sigurado magigising sila sa likot ko kung mananatili ako sa loob ng bahay.

Lakad dito! lakad dun! Hindi ako mapakali!

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong
maramdaman sa lahat ng narinig at nalaman ko pero isa lang ang sigurado, Naguguluhan ako.

Hindi ko na talaga alam, first time kasi ito sa akin. Never may nag confess sa akin na ganito. Mahal ako? As in Mahal talaga?

Ewan ko ba, may part sakin na gustong maniwala sa mga sinasabi nya pero mas malaki sakin yung may doubt kasi naman diba!

It's been what?

A month? Simula nung nagkita kami and ngayon sasabihin nya sakin mahal nya daw ako.

Ano yun?

May ganun ba?

Ganito lang ako hanggang mag-umaga na.

Di rin tuloy ako nakapasok sa work! Ang sabi ko nalang, may sakit ako, sana di ako masisante neto

Di ko na nagawa pang matulog kahit na anong gawin ko. Puro si Cid yung laman ng isip ko ngayon. His every words has been lingering in my head like its on repeat! Kaya eto napagdesisyonan ko na ayusin na yung sarili ko. Need ko na din mag prepare para pumapasok sa University.

Bangag na bangag man ako, pero wala ako choice kung hindi pumasok! Nakakainis naman kasi si Cid! Sumasabay pa sa mga problema ko sa buhay!

Pagpasok ko sa school, nakita kong nakaabang malapit sa building ko si Cid. Hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya!

Lalapit ba ko?

No! I can't! Di ko ata kayang makausap sya!

Kaya napagdesisyunan ko nalang na lampasan nalang sya kaya mas binilisan ko yung lakad ko papasok sa room para di nya ko makita or maabutan, pero wala! Malakas ata talaga radar nya sa presence ko kasi nakita nya pa rin ako and hinabol. Nang maabutan nya ko bigla nalang nya ko hinatak. Hindi ko alam kung saan kami pupunta!

Bakit ba lagi nalang nanghahatak ang isang ito!

Nagulat din yung mga students sa paligid sa ginawa ni Cid, rinig na rinig ko kasi yung bulungan nila.

"Cid! ano ba! bitiwan mo ko!"

"Cid! ano ba! bitiwan mo ko!"

"Cid! ano ba! bitiwan mo ko!"

Paulit ulit na sabi ko kay Cid, pero parang di nya ko naririnig. Hanggang sa dumating kami sa isang quiet na place na never ko pang napuntahan sa buong isang buwan ko dito sa University.

Garden ata ito. Omg! Ang ganda!

Puro bulaklak! Ibat ibang klase! Ang ganda dito!

May ganito palang place dito! Bakit ngayon ko lang nakita ito, di sana ay matagal na kong nagawi dito! Baka nga ginawa ko pang tambayan ang lugar na ito.

"Jamie, kailangan nating magusap!"

Pero hindi nagtagal yung pagkamangha ko kasi nabalik nadin ang wisyo ko kay Cid ng bigla siyang magsalita.

"Jamie, please listen to me! Kailangan nating magusap!" ulit nyang sabi sakin

"Cid, ahh kasi... Ano!"

Hindi ko matuloy yung sasabihin ko! Hindi ko na talaga alam, ano bang dapat kong gawin or dapat sabihin ko sa kanya!

"Jamie, alam kong nabigla ka sa mga sinabi ko kagabi. Siguro naguguluhan ka or di ka makapaniwala sa mga sinabi ko pero sinisigurado ko sayo na totoo lahat ng yun. Mahal..."

Di ko na rin pinatapos si Cid alam ko na kasi yung sasabihin nya at di ko alam kung handa ba kong marinig ulit yun.

"Cid, hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero nagulat kasi ako. Kakakilala lang natin sa isa't isa. Marami ka pang hindi alam tungkol sakin na sigurado akong pwede magpabago sa pagtingin mo sakin once malaman mo ang lahat ng ito."

Sabi ko sa kanya which is totoo naman. Sigurado akong pag nalaman nya lahat ng tungkol sakin, baka madisappoint at ma turn off lang sya sakin. Na sya pa mismo ang iiwas at lalayo sakin.

"Jamie! It will never happen! Sapat na yung mga panahon na nakilala kita para masabi kong mahal kita! Please maniwala ka naman sakin! Kung hahayaan mo ko na patunayan sayo na totoo lahat ng sinasabi ko! Promise hindi ka magsisisi! I will prove it to you na worth it ako para subukan mong tanggapin ang pagmamahal ko sa buhay mo. I will let you see na worth it akong tao para magalay ng pagmamahal at kung papalarin, ako sana ay mahalin mo rin tulad ng pagmamahal ko sayo!"

Grabe yung mga mata nya, makikita mo talaga yung sincerity sa mga mata nya para nga syang maiiyak, oh imagination ko lang.

No! Jamie hindi ka pwedeng magpadala.

Hindi pwede!

Hindi ngayon!

Hindi kahit kailan!

"Sorry talaga Cid, pero hindi pwede, sorry talaga." then ayun umalis na ko

Hindi ako pwedeng bumigay sa mga sinasabi ni Cid!

Hindi pwede!

Naririnig ko pang tinatawag ako ni Cid pero hindi na ko lumingon pa .

~~~

Simula nung araw na yun, ginawa ko ang lahat para lang iwasan si Cid.

Lagi nya kong iniitay sa labas ng room pero hindi ko sya hinaharap. Kinokontyaba ko pa nga sila Connie para sabihin kay Cid na wala na ko o sila yung ipapakausap kay Cid para sabihin sa kanya na ayaw ko syang makausap. Alam na din nila yung mga nangyari.

Sobra nga yung sermon nila sakin kasi daw, sayang, bakit di ko man lang subukan. Baka totoo naman daw yung intensyon ni Cid at masyado lang akong nagpapadala sa takot at insecurities ko.

Ang sabi ko nalang di pa talaga ako ready sa mga ganyang bagay. They tried to change my mind, but I keep telling them No! Kaya ayun naggive up nalang din sila.

Yun nga tinutulungan nila ko sa pag iwas ko kay Cid. Naawa na rin nga ako sa kanya. Nakikita ko kasi sa mukha nya yung lungkot at disaappointment sa tuwing iiwas ako.

Cid! Di ko na alam gagawin ko sayo! Please stop making me so confused! Sobrang nahihirapan na ko!

Lumipas ang ilang linggo at ganun nga yung nagyayari samin ni Cid. Sa loob ng ilang linggo, never syang pumalya sa pagiintay at pagsubok na makausap ako. He is always there, waiting for me. Kung alam lang siguro neto sasn ako nakatira sigurado, pati sa bahay namin nagaantay ito!

Naaawa na talaga ako sa kanya.

Sobra!

But I really can't give him what he is asking me. I just can't!

Hanggang sa dumating yung araw ng laban nila Cid.

Medyo nagaalala nga ako kasi sa pagkakakwento sakin nila Yvonne, na naririnig lang din daw nila sa iba.

Di na daw sya nakakapag-practice kasi lagi nya kong iniitay or pag nasa court naman sya, lagi lang daw syang nakaupo sa bench habang nag prapractice yung team.

Mukha nga daw syang zombie na parang walang emosyon.

Nakakaawa daw sya! Sorry, talaga Cid!

I'm really really sorry!

If ako yung dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.

Patawarin mo sana ko!

~~~

Andito ako ngayon sa labas ng room ko.

Nagaantay na lumabas yung unang class sa room namin ng marinig ko yung ibang student na naguusap.

"Grabe girl! Ang pangit ng laro ni papa Cid! Parang hindi siya yung sobrang galing sa court na Cid! Sobrang tamlay nya maglaro! Ano kayang nangyari at nagkaganoon sya!"

"Oo nga pero di naman sya pwedeng ibangko. Wala naman ibang prayer na pwedeng pumalit sa kanya kasi wala din kwenta yung mga nasa bench. Gosh! Nakakaawa tuloy panoorin yung games ng team natin!"

"Grabe naman first game ng school natin this season, talo tayo agad!"

"Oo nga! Ay nako nakakainis tuloy buti nalang gwapo parin si papa Cid"

"True sinabi mo pa haha"

Hanggang ayun nakalayo na sila sakin.

Hindi tuloy mawala wala yung mga pinaguusapan nila sa isip ko.

Cid!

Ako ba ang dahilan kung bakit nagkakaganun sya?

Kasalanan ko ba?

What to do!

"Ano besh! Nabobother ka rin sa mga sinabi nung mga babaeng yun?"

Nagulat ako ng biglang magsalita sa tabi ko si Connie.

"Ahh hindi ahh! Bakit naman ako mabobother dahil doon? Wala lang sakin yun, hindi naman tungkol sakin so bakit ako maaapektuhan!"

"Talaga lang ahh, sige! Sabi mo eh!" Sabi naman ni Connie, nahalatang namang inaasar ako

"Ay naku friend, if nag-aalala ka, puntahan mo na! For sure ikaw lang iniintay nun, baka matalo pa tayo huhu fan pa naman ako basketball team ng school natin, tapos matatalo lang tayo huhu!" sabi ni Connie habang nagaact na umiiyak.

"Ay naku hayaan nyo nga sya! Tsaka may class pa tayo! I can't just bail my class just because of him" Sabi ko nalang pero ang totoo di na talaga ako mapakali.

What to do!

"Ay naku! Sige lang friend! Deny pa more! Ikaw bahala, basta walang sisihan sa huli ahh!" Sabi nalang nila Yvonne and Connie, in chorus pa ahh.

Eto talagang dalawang ito para talagang kambal kung kumilos!

Sakto naman na nagsilabasan na yung mga
student sa room namin, papasok na sana ko.

Pero!

Pag dating ko sa pintuan, aakma sana kong papasok na sa room pero ewan ko ba hindi ko maituloy yung paa ko sa pagpasok.

Parang may pumipigil sakin! Ano ba paa gumalaw ka!

"Mr. Sandoval, are you just going to stay out there? or papasok ka? What are you waiting for?" Pasigaw na sita sakin nung prof ko.

Ay naku, bahala na nga.

"Ma'am sorry, but I have to go!"

Bahala na, pero ang alam ko lang ngayon may mas importante akong kailangan gawin!

I started to run!

Narinig ko pang sumigaw yung prof ko pero ewan ko parang wala akong pakialam sa paligid ko!

Isa lang ang alam ko! Kailangan kong makarating agad sa court!

Kailangan ako ni Cid!

Kahit na anong mangyari kaibigan ko din naman sya. I can't bear it na ako yung dahilan kung bakit sya nagkakaganun. I tried to ignore it. I really do! Pero I'm not that selfish to just ignore what is happening to him. He needs me now! Hahayaan ko muna na manalo si Cid kesa sa goals ko.

Kailangan nya ko!

I run and run and run!

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Continue Reading

You'll Also Like

760K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.6K 69 13
- a BrightWin AU where Win is Bright's die hard fan, but because of a night of scandal, Win suddenly turned into Bright's fans clubs' worst enemy - a...
263K 9.7K 44
•BL• RATED 18• TAGALOG• ─────────── ·  ·  ·  · ✦ "His obsessive acts can be the cause of an unnerving turmoil." ─────────── ·  ·  ·  ...