I'm in love with you (COMPLET...

RochelleLee28

1.2K 268 331

A girl who believes in fairytale who will fall in love with a guy with a dark past that causes him to doubt t... Еще

Author 🙊🥀
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
EPILOGUE
I Zing You 🥺
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 40

31 4 3
RochelleLee28

[Aestherielle's POV]

"Aray, ate! Ikaw na nga 'tong tinulungan nananakit ka pa. Cute abuse 'tong ginagawa mo. Gusto mo sigurong dalhin ko pa 'to sa Tulfo in Action? "

This time si mommy naman ang pumingot sa tainga niya. Nasa rooftop kami ng bahay at nag-order sila ng mga pagkain para raw i-celebrate ang comeback namin ni Khirro.

"Pakiramdam ko Kin, nananaginip ako ngayon. Akala ko talaga wala na akong babalikan. Alam mo bang nagdadalawang-isip pa akong umuwi ng Pilipinas dahil sa takot kong may mahal ka ng iba. "

Hinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat ko at hinapit ako sa bewang.

"Aside from mom, you're the only girl I want to be with for the rest of my life. Hindi ko nakikita ang sarili ko na may ibang babaeng kasama sa future. Tanging ikaw lang,  Kin. "

Napapitlag kaming dalawa nang masilaw sa flash ng camera. Si mommy at mommy Avii lang pala. Mag best friend nga talaga sila.

"Isang picture pa, babies. "

Pinagbigyan na lang sila namin. Ang isang picture naging sampu.








Mabilis na lumipas ang buwan hanggang sa natapos ang construction ng boutique at bookshop ko na umabot ng 8 months. After a month of preparation sa lahat-lahat binuksan na namin ang shop.

So far, maganda naman ang bentahan lalo na nong nag-opening ng class. Maraming estudyanteng bumibisita sa shop kaya napag-usapan namin ni ate Ash na patayuan ng isang branch ng Hoshino's Cafe' para all in one na.

"May idea ka na ba Kin kung anong ireregalo natin sa kasal nina Athaliah at Harry? "

"Nagpabili na ako kay mommy sa Italy. "

"Kailan sila uuwi? "

Nandito pala kami ngayon sa shop at isang himala kasi noong nakaraang araw pa siyang sobrang busy.

"Next week. You know sinusulit pa nila ang gift ni Aiden for their wedding anniversary. "

"Bakit hindi ka sumama? "

"Wala kang kasama rito. "

Nakurot ko nga sa pisngi na agad niyang ikinadaing.

"Eh anong tawag mo sa mga kasama ko rito sa shop? Mannequin? "

Ako naman ngayon ang hinila niya at pinaupo sa kandungan niya. Patagilid akong umupo para 'di makitaan. Namula ako ng mapagtanto ang pwesto namin kaya tatayo na sana ako pero niyakap niya ako sa bewang at isinuot niya ang ulo niya sa kili-kili ko. Pasalamat talaga nasa loob kami ng office. Kung sakaling hindi napaka-PDA namin.

"Ang landi mo, Kin. "

"Malandi agad? Gusto ko lang namang maglambing. I just missed you. "

Masuyong hinaplos ko ang malambot niyang buhok.

"Sino ba naman kasi ang pinapatay ang sarili sa trabaho? Nagpapahinga o kumakain ka ba naman sa tamang oras doon sa cite niyo? 'Pag ikaw nagkasakit masasapok kita. "

"Kawawa naman pala ako sa'yo kung magkasakit ako, Kin. "

"Kaya nga alagaan mo ang sarili mo! "

"Yes, ma'am! "
He pouted and I know what he wants me to do. I covered his eyes before giving him three light kisses on the lips.

"Palangga ta ka, Kin. "

Inalis niya ang pagkakatakip ko sa mata niya at kinunotan niya ako ng noo.

"Saan mo 'yan natutunan? "

"Sa mga estudyanteng customer ko. Gets mo ba? "

"Of course. I love you too, Kin. "














"You may now kiss the bride. "

Sumigabong ang palakpakan sa loob ng simbahan nang hinalikan ni Harry si Athaliah. Finally they're married.

Sumakay kami ng mga kaibigan ko sa sasakyan ni Khirro patungong reception venue.

"Kayo, Aestherielle? Kailan niyo balak magpakasal ni Khirro? " Waffle

"Ahmm... Hindi pa naman namin napag-uusapan 'yan. Eh kayo ni Alyxir? "

Bigla siyang napasimangot na parang may di kaaya-ayang naisip.

"Hindi ko alam sa playboy na 'yon! Gusto niya siguro ang na ang magpo-propose. Napaka-VIP niya naman if ever. "

"Bakit? Hindi ba siya importante sa'yo? " Ava

"Sige"

Nagtawanan kami sa isinagot ni Waffle. Nakarating kami sa venue at 'di nagtagal nagsimula na ang mga activities na ginagawa ng mga newly wed couples.


"All the single ladies who are here today, please gather at the center for the throwing of bride's bouquet. "

Nangungunang pumunta sa gitna ay sina Waffle, Ava, Neptune, at Anne.

Hindi na ako nakaangal nang hinila ako ni Anne sa gitna. Nginitian ko muna ang mga kaklase ko rati na dumalo rin pala sa kasal.

Pumunta sa harap namin si Athaliah at iwinagayway ang bouquet.

"Excited na ba kayo, ladies? Sino kaya ang susunod na isasakal este ikakasal? "

Ayaw kong pumwesto sa gitna pero nagigitgit ako ni Neptune at Anne. Pero? Sino ba naman ang ayaw maikasal? Lalo na sa taong mahal mo. Hindi na lang ako makikiagaw kasi kung tadhana ko na talagang ikasal, ako ang ikakasal. ",

"Okay! 1! 2! 3!"

Nagsitaasan na sila ng mga kamay nila nang akmang itatapon na ang bouquet pero marami ang nagtaka nang humarap siya sa'min at lumapit sa'kin.


"Ever since nakilala kita, all I want for you is happiness. I'm lucky to be your friend, Aestherielle. Congratulations and best wishes. "

"A-Anong pinagsasabi mo, Athaliah? "

Ibinigay niya sa'kin ang bouquet at hinawakan ako sa balikat bago itinalikod.

Nabitawan ko ang bouquet at napatakip sa labi. Kusa na ring nagsilabasan ang mga luha ko.

Nasa harapan ko si Khirro at nakaluhod ang isa niyang tuhod at may hawak na singsing. Namumula na rin ang mga mata niya na anytime ay may lalabas na mga luha.

"You taught me how to love again. You made my heart beat again. You are the reason of my existence. You're my strength and can be my weakness but always remember that you're a vital part of me that I can't function without you. I want to own you until my last breath. I want you to be my Mrs. Khirro Nixon Ledesma. I love you so much, Kin. Will you marry me? "

Walang pagdadalawang-isip na tumango ako.

"Yes! I want to be your Mrs. Ledesma. I want to marry you. I want to be your wife. "

Umiiyak na sinuot niya sa'kin ang singsing at sinunggaban agad ako ng halik. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang paligid at may naririnig pa akong umiiyak.

Finally, I'm soon to be Mrs. Ledesma.. 




[A/N: Huhuhu late pahabol update, Zingersss. Pasenya na po. Enjoy reading by the way. Next chapter will be Khirro's whole POV hehe. Labyuuu my lovable readers.]

Продолжить чтение

Вам также понравится

3.7K 89 38
[A Kathniel FanFiction Story] What is the exact way kung paano nagtatagal ang dalawang tao? Bakit yung iba ang tagal-tagal na nila pero hindi pa rin...
Play The King: Act Two akosiibarra

Подростковая литература

395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
His Way of Branding [COMPLETED] H.B. Lagua

Любовные романы

257K 2.1K 14
Lucia just wanted a simple and quiet life, but because of her mother's decision everything changed. Will her mother be able to control her when the p...
Not A Fairytale✔ PENPAYNE

Подростковая литература

47.1K 929 34
She was raped by her future lover's brother. Neterini Maraese is such a fragile woman, how do you think could a fragile woman handle paranoia, heart...