MISSION 3: Claiming You

AleezaMireya द्वारा

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... अधिक

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 43 - Busted

3.2K 208 123
AleezaMireya द्वारा

"Don't bother wearing any clothes, sweetheart. I'll be back in a jiffy," ani Clifford nang isarado ang cabin door.

Pero hindi pwedeng hindi siya magbihis. Dapat na magbihis siya dahil marami silang pag-uusapan ni Clifford. Unang dapat na planuhin nila ay ang pagharap nila sa mga magulang niya. Pangalawa ay ang pagharap niya sa kapatid. At ang totoo ay ang pagharap sa Kuya Gabriel niya siya mas kinakabahan. Alam niyang busy lang ito sa Ate Riah niya, pero bukas o sa makalawa, dapat na masabi na niya sa kapatid ang totoo.

With the engagement ring, adorned with huge and sparkling rocks in her finger, add that to what they did last night, and what they will surely do again after they had their breakfast, Pretzhel really needed to tell her family about her and Clifford the soonest possible time.

Hindi pa rin sinasaulian ng buong lakas ang tuhod niya, pero tumayo si Pretzhel at binuksan ang kabinet. Hindi uubra ang boxers ni Clifford. Masyadong maluwag. Pero pwede ang military shorts nito. May tali iyon sa bewang na pwede niyang hapitan para hindi mahubo sa kanya. Kumuha siya ng t-shirt at isinuot iyon, yun nga lang ay bakat na bakat naman ang dibdib niya. Hinubad iyon muli ni Pretzhel at nag-settle sa long sleeves. Makapal ang teka niyon. Maluwag at mahaba pa sa kanya kaya hindi siya asiwang kumilos.

Lumabas siya saka umakyat sa ilang baitang tungong salon. Para lang matigilan nang makita kung sino-sino ang naroon.

"Pret?" Ang hindi makapaniwalang mga mata ni Riah ang nasalubong niya.

Hindi niya nagawang sumagot sa gulat. She just looked back at her sister-in-law, surprised. And suddenly nervous. Kung narito si Riah ay tiyak na narito rin ang Kuya Gabriel niya. At hindi pa siya handang magharap sila kaagad ng kapatid.

Wala pa silang maayos na plano kung paano sasabihin sa lahat ang tungkol sa kanila ni Clifford!

Puno ng kaba at nerbyos ang dibdib na nagbawi siya ng paningin sa sister-in-law. Mula kay Riah ay umikot ang mga mata ni Pretzhel sa iba pang tao sa salon na nakatingin sa kanya. Si Timothy ay bakas ang gulat sa mukha, pero sina Eugene at Ace ay parehong nakangiti na para bang hindi ipinagtaka ang presensya niya sa yate.

Nag-init ng pisngi niya nang makita ang hawak ni Ace. At nakagat niya ang labi nang makita ang kapatid. Ang Kuya Gabriel niya, na kahit si Michelangelo ay mahihirapang iguhit ang ekspresyon nito sa mukha.

Pero nang magtama ang mga mata nila ni Clifford ay nabawasan ang kaba at nerbiyos niya. Ni wala man lang bakas ng pagkatigatig ang fiancé niya. He's just lazily leaning against a cabinet in the galley while looking at her with that lovesick expression on his face - like he was longing to make love to her this very minute.

Sa kabila ng kaba at nerbiyos ay nag-init ang magkabilang pisngi ni Pretzhel habang nakatitig sa lalaking mahal na mahal niya, na tulad niya'y nakatitig din sa kanya.

Cool. Calm. Collected. But most of all, confident. Clifford looked at her as if telling her that he is in control of the situation.

And that tiny fraction of a second is enough to erase all the fear and uncertainty in Pretzhel's heart.

"Pret? What are you doing here?" usisa ng kuya niya nang makalapit sa kanya. Pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya, pahablot na hinawi ang kuwelyo ng long sleeves. "What is this?" pasigaw na tanong nito habang nakatingin sa leeg niya. At hindi pa ito nagkasya roon, hinigit pa nitong pababa ang kwelyo ang damit. She heard him growl under his breath. His disbelieving eyes met hers.

"Kuya..." Magpapaliwanag sana siya pero naantala nang may magsalita.

"Hey. Anong nangyayari dito? Bakit nasigaw si Gabriel?" tanong ni Jason na kapapasok lang sa salon, kasunod ang asawa.

Katulad ng ibang dinatnan niya sa salon kanina ay bumakas ang gulat sa mukha ng mag-asawa nang makita ang ayos niya. Pero mabilis na nakabawi si Jason. Bumaling ito sa asawa at may ibinulong. Tumango si Jillian at umatras, bumalik sa aft deck habang si Jason ay nanatili sa tabi ni Clifford.

"Talpakan na!" ani Eugene.

"Camera, tol! Part two na!" wika ni Ace na binitawan ang tassel dress para kunin ang cellphone.

"Gabriel, bok, relax lang. I'm sure may maayos na paliwanag silang dalawa," ani Timothy na nakalapit kaagad sa kuya niya at hinawakan ito sa balikat.

Si Riah man ay walang salitang lumapit sa kuya niya, nagtaas-baba ang kamay nito sa braso ng asawa. Sumulyap ito sa kanya at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

Nang tumingin siya sa kuya niya ay napasinghap si Pretzhel.

Nagtagis ang mga ngipin ni Gabriel. Disbelief. Disappointment. Uncertainty. Fear. Pain. Anger. In that order. Iyon ang nakita niya niyang emosyon na nagsalimbayan sa mukha ng kuya niya. At muling kumabog ang dibdib niya dahil ni minsan ay hindi pa niya nakita ang ganong reaksyon sa kapatid.

Reaksyon na handa itong manakit ng tao.

Bago pa siyang muling makapagsalita ay dagli itong tumalikod at tumuro kay Clifford. "You're a dead man, Sales!"

Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa fiancé. But Clifford just gave her a little smile and a wink before he looked at his raging brother. He didn't even change his position even if he knew the attack was coming!

"Clifford!"

"Gabriel!" Riah shouted at the same time as her.

Both of them sprinted towards the men they love.

Nga lamang ay mas mabilis ang kuya niya, at bago pa siya makalapit ay nasuntok na nito si Clifford sa may panga. Bumalandra si Clifford sa may galley pero kaagad ding nakaayos nang tayo. Muling umunday ng suntok ang kuya niya pero naitaas na ni Clifford ang guard nito.

"Oh, naka isa na ang manok ko!" ani Eugene.

"Antay ka lang! Gaganti 'yong sa akin!" ani Ace.

"Hayop ka, Sales! Anong ginawa mo sa kapatid ko, ha?" ani Gabriel na muli na naman sumuntok, pero this time ay nakaiwas na si Clifford.

"Gab, Cliff, tama na! Para kayong hindi magbestfriend niyan," ani Jason na pumagitna sa dalawa.

"Wala akong bestfriend na ahas! Traydor! Hindi ka maalam tumupad sa batas ng samahan natin! Wala kang isang salita!" nagpupuyos na sigaw ni Gabriel na muli na namang sumugod. Sumuntok itong muli pero hindi lumusot sa guard ni Clifford.

"Gabriel, please! Stop this! Magkakasakitan lang kayo!" pakiusap ni Riah.

"Hindi pa nga, eh! Iisa pa lang ang suntok na tumama!" reklamo ni Ace. "Cliff, bok, ganti naman! Tatlong libo iyon, aba!"

"Kuya! Tama na!" pakiusap ni Pretzhel.

Parehas silang lumapit ni Riah pero nahawakan sila ni Timothy. "Baka masaktan pa kayo," malumanay na wika nito. "We handled the same situation before and let us handle it again." Pagkasabi noon ay tumingin ito sa ibang mistah. "Ibaba niyo nga iyang cellphone ninyo at tumulong kayo kay Jason."

"Sus! Hayaan niyo lang 'yan sila. Kapag napagod 'yan sa suntukan, titigil din 'yang dalawang iyan. Ayaw-bati kahit noong nasa PMA pa tayo. Parang magkapatid, nag-aaway pero hindi naman kayang humiwalay sa isa't isa. Perfect na magbayaw talaga," balewalang sagot ni Eugene.

Ngumisi si Ace, "Agree ako doon. Kabisado ko naman ang dalawang iyan. At saka meron kaming pustahan," sagot naman ni Ace na nakipag-fist bump pa kay Eugene.

"Nakatama ka na, Gabriel. Okay na iyon. Wala kayong masusulusyunan sa basag-ulo. Pag-usapan ninyo ito nang maayos," ani Jason na muling gumitna.

"Maayos? Walang maayos na usapan sa tarantadong iyan! Di ba, sa PMA pa lang, usapan na bawal pakialaman ang kapatid? Tapos makikita kong puro marka ang katawan ng kapatid ko? Tarantado ka, Sales! Lulumpuhin kita!" Nanggagalaiting sigaw ni Gabriel.

Naitulak nito palayo ang nasa gitnang si Jason. At hindi na nito sa mukha pinuntirya si Clifford, sa katawan na. And this time, his brother connected when he punched Clifford on the side, below his guard.

Pretzhel gasped. She ducked under Timothy's arm and ran towards Clifford.

"Tama na, Kuya!" ani Pretzhel kaagad nakaupo kung saan bumagsak si Clifford. Tinulungan itong tumayo.

"Bitawan niyo ako! Ano ba?"

"Gabriel, please! Stop! I know you are a reasonable man. I'm sure they can explain this. Let's hear them out, kind sir."

Nang tumingin siya sa mukha ng fiancé ay muli siyang napasinghap. "Oh, my god, you're bleeding!" nagpapanic na salita niya nang makitang may umaagos na dugo sa corner ng labi nito. Hindi niya iyon kita dahil nakataas ang dalawang braso nito kanina.

"Let me see," ani Jillian na kaagad ding nakalapit sa kanila.

Tumingin siya kay Cyrus na nakatayo sa pinto palabas sa aft deck. Iniabot nito ang first aid kit kay Jillian saka sumandal sa sliding door. Ang kapitan ang yate ay may ngiting pinipigilan sa labi habang nakapamulsang nakatingin kay Clifford. "You okay, boss?"

Umismid si Clifford. Itinaas ang kamay sa gawi ni Cyrus. He gave his captain the middle finger.

And Cyrus' answer was a bark of laughter. "Concerned naman ako sa iyo, boss. See? Nakuha ko kaagad ang first aid kit," anito sa pagitan ng pagtawa.

"It's just a busted lip," ani Jillian.

Nang tingnan niya ay fiancé ay nilinis na ni Jillian mga dugong umagos kanina sa gilid ng labi nito.

"Busted lip was not enough!" sigaw ni Gab. "I will break every fucking bone in that fucking man's body! Then I will fucking kill him afterwards!"

"Relaks, bok. No need for bloodshed," ani Timothy.

"There is a need for bloodshed!" ani Ace.

"Ah, totoo 'yan. Kahit ako 'yan. Kapag pinakialaman din ang kapatid ko na iniingatan ko nang sobra, umaatikabong gulpihan din talaga," sulsol ni Eugene.

"Siyempre, kung ako naman iyon, tapos hindi ko naman pinilit ang babae, lalaban ako! Hindi ako basta lang magpapasuntok, ano!" gatong naman ni Ace.

"Oo! Matira matibay!" ani Eugene na tumatawang nakipag-apir kay Ace.

"Kapag hindi pa kayo tumigil pag-uuntugin ko na kayong dalawa," seryosong babala ni Jason.

"Put pressure on his lip, Pret. Kukuha lang ako ng yelo," ani Jillian bago tumalikod at lumapit sa fridge.

Si Pretzhel naman ang humawak sa gauze na nakadikit sa labi ni Clifford. "Bakit hindi ka umilag?"

Nagkibit-balikat lang si Clifford.

"Saan pa masakit, sweetheart?" nag-aalalang tanong niya.

"Dito," ani Clifford na inginuso ang labi. Umikot ang braso nito sa bewang niya.

Pretzhel didn't know whether to laugh or cry. She is so worried, nervous, and afraid, yet her fiancé is flirting with her! Sabagay, magandang senyales iyon. Ibig sabihin ay hindi ito sobrang nasaktan.

"Tarantado ka talaga, Sales! Kaharap mo na ako't lahat, didiskartehan mo pa rin ang kapatid ko!" muling pumuno sa loob ng cabin ang galit na boses ni Gabriel.

Nang bumalik si Jillian ay may dala na itong ice pack. Iniabot iyon kay Pretzhel. Iyon naman ang inilagay niya sa tapat ng nasugatang labi ni Clifford.

"Lumayo ka sa lalaking iyan, Pretzhel!"

"I can't, Kuya. I can't and I won't! I love him," sagot niya na lalo lang isiniksik ang sarili kay Clifford. "Ayaw ko sanang sa ganitong paraan mo malaman, pero we're actually together." Pagkasabi niyon ay tumingin siya sa kuya niya.

"Fuck! Shit! How? Why?" ani Gab na bakas sa mukha ang hindi paniniwala. Umiling ito. "At hindi ba't nangako ka lang sa akin kahapon na hindi ka magbo-boyfriend hangga't wala pa kaming anak ng Ate Riah mo? Ikaw pa mismo ang nangako na kapag nakadalawang anak na ako, saka ka lang makikipag boyfriend!" mataas ang boses na salita ni Gabriel. Pigil-pigil ito nina Timothy at Riah, habang si Jason ay nakapuwesto pa rin sa gitna.

"Hindi ko girlfriend si Pretzhel, Gab," kalmanteng sagot ni Clifford.

"Tang ina! Tarantado ka talaga! Hindi mo girlfriend, pero pinakialaman mo ang kapatid ko?" ani Gabriel na lalong namula ang mukha.

Hinalikan siya ni Clifford sa gilid ng ulo saka itinaas ang kamay niya. "Nilampasan ko na iyon, Gab. Nang tanungin ko siya ay dumiretso na ako rito."

Parehas napasinghap sina Riah at Jillian pero ang mga lalaki ay may kanya-kanyang reaksyon. Well, sina Timothy at Jason ay nanatiling alerto at seryoso, pero si Ace ay pumito, habang si Eugene ay tumatawang nagsalita ng "Cool!"

Pero ang kuya Gabriel niya ay lalong namula sa galit ang mukha. Mula sa nakataas na kamay niya ay tumingin ito sa kanya. Halatang nag-aantay ng paliwanag.

"No boyfriend lang naman ng promise ko, Kuya. Hindi kasama ang fiancé. Pati na ang no pregnancy."

"P*tang ina ka, Sales!" ani Gabriel na muli na namang sumugod.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

11K 218 35
Salient Forbearance Series
Seducer Series 1: Theseus Montenegro Apple द्वारा

सामान्य साहित्य

1.2M 25.2K 30
SPG Theseus Montenegro is a serious man. Puro business lang laman ng kanyang utak. Hindi mo sya makikitang may kasamang babae. Dating isn't in his vo...
455K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...
841K 14.8K 65
This is just a pleasure. Pure lust and sex. That's it. No strings attached. Just pure lust and desire with each other.