One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 52

1.4M 32.8K 20.6K
By jonaxx

Kabanata 52

This is Ridiculous

Suminghap si Brandon sa leeg ko at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin galing sa likuran. Nakapulupot sa aming dalawa ang puting comforter ng kanyang kama at ang panghapong araw ay sumisikat at naninilip sa kulay asul na kurtina ng kanyang kwarto.

"The next time you want to leave your house and go somewhere, please come here sweetheart," bulong niya.

Pinaglalaruan niya ang aking mga daliri at panay naman ang titig ko sa bawat galaw niya rito. Kung sana ay pwedeng tumakas na lang sa problema ng pamilya ko ay matagal ko nang ginawa.

Tumango ako ng marahan at humalik naman siya sa aking pisngi. Tumunog ang kanyang cellphone at ako ang kumuha nito sa maliit na mesa sa tabi lang ng kanyang kama. Nakita kong tumatawag ang telepono ng opisina niya.

"Hayaan mo na 'yan," sabi niya at hinalikan ang likod ng tainga ko.

"I really think we shouldn't be here. Nagpapabaya ka na sa trabaho mo. I'm your secretary, I'm supposed to arrange your schedules and work, too."

Humalakhak siya. "Isang araw lang naman. I miss you. And I know you've been so stressed yesterday. I'm sorry for not being there."

We spent the whole afternoon together. Kahit na may tumatawag sa kanya maya't-maya dahil sa trabaho ay nagawa parin niyang manatili sa condo. I actually feel guilty.

"Bukas, maaga na ako sa opisina," sabi ko habang umuupo sa high chair ng kanyang kitchen counter at sumimsim ng mainit na gatas.

Nagluluto siya ng para sa hapunan sa aming dalawa. Nilingon niya ako pagkatapos niyang hinaan ang apoy ng niluluto at humalukipkip siya.

"I'm gonna fetch you."

Tumawa ako. "Don't make me laugh. I'll check if my car is done at pwede na akong mag drive ulit."

Nagtalo kami tungkol doon. Masyado siyang makulit at inisip kong iyong pangamba lang naman niya kay Tyrone ang dahilan niyang gusto niyang mangyari. I assured him that we don't communicate though.

Inihatid ako ni Brandon sa condo namin ng mga alas otso ng gabi. Marahan kong sinarado ang pintuan at naabutan ko si mommy at daddy sa sala na nanonood ng TV.

Sinalubong agad ako ni mommy at hinalikan sa pisngi. Si daddy naman ay nagtanong lamang kung kumain na ba ako. Sinagot ko siya at dumiretso na sa kwarto.

That was it... iyon ang naging eksena sa sumunod pang linggo sa aming bahay. Sa opisina naman ay naging kasama ako ni Brandon sa bawat meetings niya. Hindi masyadong magaan at hindi rin naman full load ang trabaho. Hindi ko nga lang alam kung sinasadya ba iyon ni Brandon o talagang ganon ang sekretarya niya.

Tumunog ang elevator at napansin kong may dalawang naka suit na lalaking lumabas. Sa likod nila ay ang naka all white na si Madame Diana. Sa dalawang linggo ko dito ay ngayon ko lang siya nakitang naparito.

Malaki kaagad ang ngisi niya nang makita ako sa mesa. Tumayo ako para salubungin siya. Nagulat ako nang nakipag beso siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko.

"Kamusta, Avon?"

"I'm fine, Madame. Nasa loob po si Brandon," sabi ko.

Tumango siya. "Ikaw ba ang nagpumilit na ipagpatuloy ang pagtatrabaho? Because I'm sure my son would have gladly breach the contract for you."

Ngumuso ako. "Konting buwan na lang din naman po matatapos ko na kaya tatapusin ko na rin. Wala rin naman siyang sekretarya, I can help him from here."

"Very well." Bumaling siya sa pintuan ni Brandon. "You wanna come? Mag uusap lang kami ni Brandon."

Iginiya ko siya sa loob ng opisina ni Brandon na ngayon ay abala sa telepono para sa proyektong ginagawa nila. Nag usap sila at purong business naman ang pinag uusapan.

Ngunit nang humupa ang usapang negosyo at huminga ng malalim si Madame ay napansin ko kaagad ang pagtitig niya sa akin bago kay Brandon.

"Son... I'm also here for something else," seryoso niyang binanggit.

Huminga rin ng malalim si Brandon at umupo ng maayos sa kanyang swivel chair. It was as if he knew what she was going to say.

"Brandon, Arielle's asking me about you and Avon."

Nagulat ako sa sinabi ni Madame. Nilingon ko siya at ngumiti siya sa akin, pagod.

"And what did you tell her?" tanong ni Brandon.

"You know... hindi ako ang tamang tao na magsabi sa kanyang ng tungkol sa inyong dalawa ni Avon."

Kumalabog ang puso ko. It was hard for Madame Diana to tell Arielle about us. Malaking bagay ba ito para kay Arielle? Well, of course! The man she adored and look up to her whole life is with her evil half sister, sinong masisiyahan nito?

"Ang sabi niya ay hindi na daw kayo nag uusap. I know you two are protecting your relationship but please be honest and gentle to her." Punong puno ng pag aalala ang tinig ni Madame Diana Rockwell para kay Arielle.

After all, she has seen her grow in that painful manner. May nagmamahal at nag aalala para sa kanya at bakit parang hindi niya iyon nakikita? Ang nakikita niya ay ang kamalasang natamo niya sa kanyang buhay. She couldn't appreciate the good things and the good people around her. As a result, her attitude...

"I don't know how to be honest and gentle to her at the same time, Madame. I'm sure you understand that," ani Brandon at sumulyap sa akin.

"Iniisip niya na dahil kay Avon, nawala ka sa kanya. Mas lalala ang relasyon nilang magkapatid kapag itinago ninyo ito. You should both tell her and calm her down." Nilingon ako ni Madame.

Wala akong masabi. I want to feel sympathy for Arielle. I want to forget what she did and how she almost ruined my family. I want to remember that she was abused and deprived.

"We will," sabay tingin ni Brandon sa akin.

"Madame..." huminga ako ng malalim. "I am trying so hard to understand her and her history. Alam kong nag aalala kayo ni Brandon para sa kanya at sana ay wag niyong isipin na kinasusuklaman ko ang presensya ni Arielle. Truth is, I didn't like the idea of a half sister. Sino ba naman ang may gusto non? I am trying to heal from the lies my father told me. I am still in the process of forgiving him and accepting the truth. I don't want to rush things. I want to understand but first I want them to undestand me too."

Tumango si Madame sa akin at ngumiti. "I think I just found Brandon's future wife."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumawa lamang si Brandon at tumayo, pumunta sa akin para yumuko at yumakap sa akin galing sa likuran.

"Well then..." tumayo si Madame.

Tumayo na rin ako at pinagsalikop ni Brandon ang aming mga daliri.

"Just call me when you need me. And Brandon, tungkol sa problema sa site..."

Hinatid namin si Madame palabas ng opisina habang nag uusap sila sa iba pang detalye tungkol sa trabaho. He kissed his mom goodbye and then he flashed his adorable smile to me.

The day was usual. Hinatid ako ni Brandon sa condo at ako na ang pumanhik pataas ng palapag para dumiretso sa unit ko. Nang buksan ko ang pintuan ay wala si mommy at daddy sa sala na madalas kong nakikita tuwing dumadating ako sa gabi.

Sinakop ng amoy ng sinigang ang ilong ko kaya imbes na dumiretso ako sa kwarto ay nilingon ko ang kusina. Narinig ko ang tawanan doon at maliliit na ingay.

"Ang galing mo palang magluto." Narinig kong sinabi ni mommy sa gulat na tono.

Nanlamig ang aking tiyan. Ang distansyang nasa gitna ng kinatatayuan ko at ng kusina ay unti unting lumapad para sa akin. It was as if the kitchen was drifting far away from my sight!

"Natuto po kasi ako. Pag wala pong pagkain sa bahay noon, kasi hindi ako tinitirhan madalas, ay ako na mismo ang nagluluto sa sarili kong pagkain." Narinig ko ang boses ni Arielle.

Nanlaki ang mata ko. Arielle is here!?

Naglakad ako patungo sa sala at nilingon ko ang kwartong bakante. Dumiretso ako doon at binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang estrangherong maleta na nasa ibabaw ng kama at ang mga damit na pambabaeng naroon.

Parang punyal ang tumutusok sa puso ko. As if betrayed, I swallowed the lump in my throat. Huminga ako ng malalim at pumikit ng ilang saglit. I have to accept and understand. I have to learn.

Naglakad ako patungo sa kitchen at naroon nakita ko si mommy na nakahalukipkip sa counter habang si daddy at Arielle ay parehong nakadungaw sa nilulutong pagkain.

"Avon!" gulat na tumayo si mommy para salubungin ako.

"My..." marahan kong sinabi.

Nakangisi si Arielle na lumingon sa akin at si daddy naman ay unti unting napawi ang ngiti.

"Nagluto si Arielle ng sinigang para sa hapunan. Kumain ka na ba?" tanong ni daddy para sa akin.

"I'm sure hindi alam ni Avon kung paano 'to lutuin." Humalakhak si Arielle. "Tama ba ako, tita?"

Nilingon ni mommy si Arielle at pilit na ngumiti si mommy. "Hindi na kailangan ng anak ko ang mag luto niyan dahil may cook naman kami sa Cebu. And she can also cook very well... some foreign foods and fried dishes."

Tumikhim ako at umirap. "Tapos na akong kumain."

"Avon..." bulong ni mommy. "Come on, just sit with us while we dine."

Tiningnan ko muna si mommy bago ko pinasadahan muli ng tingin ang mag amang magtutulungan para ilagay ang sinigang sa lalagyan nito.

Mainit iyon at dahan dahang dinala ni daddy sa aming dining table na nakahanda na rin. Tumango ako kay mommy. Sasama ako para kay mommy at para narin bigyang respeto ang lahat ng kaguluhang ito.

Tumabi si Arielle sa akin. Si daddy ang nasa gitna at si mommy naman ang nasa harap ko. Tahimik at napansin ko ang titig ni daddy sa akin na para bang nagbabantay sa bawat kinikilos ko.

"I am so thrilled, tita! Hindi ko inakala na papayag kayong tumira pansamantala dito," ani Arielle.

Tumitig lang ako sa pinggan at naglalagay ng prutas doon. I don't want to react violently even if I'm annoyed. Kaya lang ay hindi ko mapigilan ang magtanong.

"Why? What happened to your condo..."

Tumawa si Arielle. "Wala! Dito lang ako titira kasi nakakalungkot naman doon. Mag isa lang ako. Mas masaya dito kasi nandito si daddy atsaka si tita."

Halos umirap ako ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nakita ko ang mukha ni mommy na hindi makatingin kay daddy. I wonder if dad asked her about this.

"You are always welcome in our condo, Arielle," ngiti ni daddy.

Pinanood ko ang pag inom ni mommy ng tubig at pilit na pag ngiti kay Arielle.

"Ang bait talaga ni dad!" ani Arielle. "I wonder if Cebu's nice also? I've never been there!"

Nanlaki ang mata ko at napalingon ako sa kanya. Nakangisi siya at nakataas ang isang kilay. I can't believe this girl. "Why don't you go to Cavite and meet your titos and titas there. You have cousins there, Arielle." Matigas ang boses ko.

"Avon..." banta ni daddy. "Well, Arielle, Cebu's nice. Hindi ba Camila?"

Ngumiti lamang si mommy at tumango. This is ridiculous! I am so disgusted with dad!

"Hindi ba ay may mansyon daw kayo sa Cebu, dad? Iyon 'yong bahay niyo talaga, hindi ba?" Excited na tanong ni Arielle.

"Bahay namin," sinabi ko. "You know why that house is in Cebu? Because my mom's from Cebu. Taga Cavite si dad."

Binalewala niya ang sinabi ko. "I want to visit your house there, dad. Tita, will you let me?"

Hindi makasagot si mommy. Naramdaman ko ang paghihirap niyang sagutin iyon. Hinawakan ni daddy ang kamay niya at tumagilid ang ulo ni daddy na para bang tinutulak niya si mommy na umo-o sa kapritso ni Arielle.

"Dad!" sabi ko kaagad.

Napatingin silang dalawa sa akin. Suminghap si Arielle at tumunog disappointed.

"Don't pressure mom. Please understand, mahirap sa kanya. I'm not against anything here, but please be sensitive."

"Ayaw ni tita..." bigo na sinabi ni Arielle.

Nilingon ko si Arielle, halos hindi makapaniwala na nasabi niya iyon sa gitna nito.

"Arielle, we will. Just not now. We can bond first..." alu ni daddy.

Tumahimik si Arielle at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nagkatinginan si mommy at daddy. Umiling ako at uminom ng tubig.

"I-It's okay, dad. Okay lang," bigong sinabi ni Arielle pagkatapos ng ilang subo.

"It's okay, Arielle. You can visit." Maliit ang boses ni mommy ng sabihin niya ito.

Padarag kong nabitiwan ang mga kubyertos. Mariing hinawakan ni daddy ang kamay ni mommy na nakapatong sa mesa.

"Talaga po?" maligayang tanong ni Arielle.

I could not believe it! This is ridiculous!

"Mom!" sabi ko. Clearly, napilitan lamang siya. "Kung ayaw niyo, speak up! We can buy time! We don't need to rush anything!"

"Sinabi ni tita na pwede, Avon. Stop being jealous of me!" sabi ni Arielle.

"I am not jealous of you! Pwede ba? Are you crazy?" Lingon ko sa kanya.

"Avon!" Banta ni daddy sa akin.

"Don't start with me, dad!" sabi ko at nilingon ko siya. "Can't you see? Pinipressure mo si mommy!"

Pumikit si mommy ng mariin at umiling. Nilingon siya ni daddy at narinig ko ang pag hingi ng tawad ni daddy kay mommy.

"Nasa harap tayo ng pagkain. We'll talk about this later, Guillermo," ani mommy, inaayos ang sarili.

"Akala ko ba payag ka na, tita?" sabi ni Arielle.

"Will you freaking wait? Can't you wait? Atat na atat ka na bang tumapak sa mundong gusto mo na hindi ka na makapaghintay!?"

"Avon!" sigaw ni daddy sa akin.

"Isn't this enough for you at the moment? That you're here!?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Hindi pa ba sapat na nahanap ka ni daddy, na tinanggap ka ni mommy? Na nandito ka ngayon sa pamamahay namin? Na nandito ka ngayon sa hapagkainan namin? Hindi pa ba sapat iyon?"

Yumuko si Arielle at tumahimik lamang sa tabi ko.

"AVON!" Sigaw ni daddy nang hindi ko tinigilan sa mga salita si Arielle.

Continue Reading

You'll Also Like

26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
70.3K 4.1K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.4M 95K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...