Fire and Ice (Revamping)

By forgottenglimmer

828K 18.1K 4.6K

Symphony of Frost and Flame. Fire and Ice. NOTICE: There will be no new chapters until Ber-months! Just reupl... More

NOTICE!
Prologue (July 01, 2013)
Chapter 01 - Be My Servant (July 02, 2013)
Chapter 02 - She's my girlfriend (July 14, 2013)
Chapter 03 - Stray cat (July 28, 2013)
Chapter 04 - Jellyfish under the Rain (August 18, 2013)
Chapter 05 - Love Jeep (September 01, 2013)
Chapter 06 - Taro Leaf Princess (September 15, 2013)
Chapter 07- Sexbomb (September 29, 2013)
Chapter 08 - The Prophecy (March 14, 2015)
Chapter 09 - Flowers and Proteins (March 15, 2015)
Chapter 10 - Future Mother of the Nation (March 18, 2015)
Chapter 12 - His 19th Royal Nameday (March 29, 2015)

Chapter 11 - Plucking of Maidens (March 21, 2015)

24.8K 854 234
By forgottenglimmer

Chapter 11 - Plucking of Maidens

"Natatakot ako Ate Lydia." Hawak ni Lady Juliya Alona ang imbitasyon galing sa palasyo para sa birthday ni Ice Jason. "Sigurado na ba ako? Pupunta ba talaga ako doon?"

"'Eto ang pinakahihintay mo hindi ba? Ang pagpili sa mga consort entrants? Ang unang hakbang para maging reyna?"

"That, If I prevail. Kung matatalo ko sa mata ng palasyo ang qualifiers makakalaban ko."

"Ang lolo niyo—"

"I know, I know. My grandfather will assure my ticket pero hanggang pagpasok lang sa qualifers ng consort. Pero magiging ako ba talaga ang crown princess kung sakali? 'Yung sigurado? Alam mong pipili ang palasyo ng tatlo hanggang limang dalaga sa buong kaharian. Pinakamadaming lima ang qualifiers."

Tumango ang matandang babae.

"At sigurado na, na ang mga babaeng 'yun ay pag-aari na ng prinsipe kahit na anong mangyari. Pero 'yun na nga ang ikinakatakot ko Ate Lydia. Ang mananalo ay magiging asawa. Alam kong ang mananalo ay magiging crown princess... ultimately ay magiging reyna... Pero alam rin nating lahat na ng matatalo sa nakapasok na qualifiers ay magiging concubine. Concubine ni Ice kapag naging hari na siya."

"Anong ikinakabahala mo? Na may concubine ang magiginga asawa mo? Normal lang 'yun Lady."

"Hindi naman 'yun ate Lydia. Wala akong pakialam sa magiging concubine kung ako ang reyna. Pero paano kung ako pala ang magiging concubine? Paano kung hindi ako ang mapili? Paano kung si Ice na mismo ang may ayaw sa akin? Sigurado akong makakasama sa plucking ang girlfriend niya!"

"Ipinangako ng lolo niyo na ikaw ang mapapangasawa ni Prince Ice. Alam mong nag-usap na sila ng hari kaya kumalma ka. Malaki ang tsansa. Alam ng hari ang kagustuhan mo at ng lolo mo."

"Pero ate... Kung hwag na lang kaya akong pumunta? Baka mas safe pa. Ayokong maging concubine. Bumalik na lang kaya ako kay Fire Jasper? Pwede rin naman akong maging consort ng prinsipe?"

"Pero pinili mong maging reyna kaysa maging simpleng konsorte. Kailangan mong tumuloy Lady Juliya para ikaw ang maging reyna. Lahat ng naging reyna ay dumaan sa ganyang takot. Para sa mga Palafox."

Tinungo ni Juliya ang walk-in closet.

"Tulungan mo ako Ate Lydia."

***

"What the hell!!!" halos mapasigaw si Dew Lia pagharap ng salamin. "Ano ba namang klaseng damit ito, sana pinaghubad na lang ako ni Jasper."

"Wow. Chicks ka naman pala Dew!" gulat na gulat si Soapy sa itsura ni Dew habang suot-suot ang gown. "Cleavage kung cleavage. 'Di mo naman ako na-inform na pwede ka pala sumali ng bikini open."

"Baliw!"

"Ano bang pupuntahan niyo? Sure ka na bang hindi ka makakapunta sa birthday ng prinsipe? Sayang talaga 'yun."

"Oo hindi na 'nuh. Ang ganda-ganda ng deal ni Jasper sa akin tapos ipagpapalit ko sa pakikipagcelebrate lang sa dugong bughaw at sa birthday niyang paepal? Masahol pa sa babaeng nagde-debut? Pwet niya kamo!"

"Ibigay mo na lang 'yung invitation sa mga kaibigan mo? Hindi ba gustong-gusto talaga nilang makita ang prinsipe?"

"Luh? Papagawin mo pa ako ng kasamaan? Pangalan ko ang nakalagay sa invitation tapos ipapahamak ko pa sarili ko? 'Tsaka dalawa sila 'no. Isa lang 'tong invitation."

"Sabagay."

May kumatok sa pintuan.

"Oh. Ayan na yata 'yung magme-make up sa'yo."

"Ha? Akala ko ikaw ang magme-make up sa'kin. Nako ha? Wala akong pambayad diyan!"

"Nako, hindi ano ka ba! Alam ko naman 'yun!" Binuksan ni Soapy ang pintuan. "Hi Sic! Eto na pala siya, pagandahin mo ang kaibigan ko ha? Si Dew Lia."

Pumasok ang isang lalaki at kumamay sa kanya?

"Sic Santos, at your splendor service."

"H-ha?" inabot ni Dew Lia ang kamay nito. "Hi. Dew Lia... Nangangalinangan ng make-over."

"No problemo!"

Lalaki?! Seryosong lalaki ang make-up artist?

***

"Are you ready to choose, Your Grace?" tanong ni Aves habang inaayos ang sash na suot ng prinsipe.

Hindi ito pinansin ni Ice Jason at hinayaan ang squire na maglagay ng dekorasyon sa damit niya.

"Hindi po nagconfirm ng attendance ang prinsipe Fire pero nagbigay pa rin kami ng invitation."

"Dahil hindi siya makakapasok sa first level guards kung wala siyang dalang invitation. Magtataka ako kung pupunta siya."

"Pinapaalala lang po ng mahal na hari na ingatan ang pakikipag-usap sa prinsipe Fire kung sakaling dadating siya."

"The old man's protecting his favorite son's privacy. Alam ko 'yun. Magliliwaliw na naman siya sa buong pagtitipon na parang batang kalye. Eh ang Princess Royale?"

"Siguradong pupunta mahal na prinsipe."

"Ang mga magulang ko?"

"Nasa bulwagan na po kanina pa."

"Then, I think we need to go out and entertain our guests?"

"Nagaabang po si Lady Juliya sa hagdanan."

Napailing si Ice.

"May iba pa bang daan palabas ng kwartong ito?"

***

"Bentley Continental GT?" gulat na gulat si Fire Jasper ng makita ng kotse na kinuha sa kanya ni Voltaire.

"Of course, Your Grace."

"Putek. Susunduin ko si Dew Lia hindi ba? Paanong sasabihin niya kapag nakita niyang may ganito akong kotse?!"

"Hindi naman mahalaga ang sasabihin niya 'diba? Ang sasabihin ng Lady Juliya ang mahalaga ngayon."

"Bobo ka talaga! Mahalaga rin ang sasabihin niya. Paano kung magtaka siya at hindi na sumama sa'kin. Eh 'di wala rin."

"Sabihin mo, bigay ng matrona! Hindi ba napagkamalan niya namang matrona mo 'yung—" Napakagat si Voltaire sa kamay. "Patawad, Great Queen Beatrice."

"Hay! Sasabihin pa talaga 'yung pangalan eh. Tatanga-tanga na naman."

"Oo na!" Napakamot si Voltaire. "Tatanga-tanga na naman. Hay basta, kaya mo na yan!!! Go! Mag-ingat ka lang dahil alam mo naman ang banta sa buhay mo."

"Walang magiging banta sa buhay ko kung wala ako sa palasyo. Hindi naman ako prinsipe kung wala ako sa loob kaya hwag ka ng epal. 'Di naman kita nanay para bantayan ako kahit saan, putek ka."

"Alam mo na papunta sa bahay ng kaibigan ni Dew Lia?"

"Yes mother."

"Hay nako!" Nagtagumpay ang pang-aasar ni Fire.

"Alis na ako."

"Good luck, Your Grace."

Nagmaneho na siya hanggang sa direksyon ng bahay nila Soapy kung saan naroon si Dew Lia.

"Tama ba ang pinapasok kong daan?"

Tinawagan niya na si Dew Lia para hindi siya maligaw.

***

"Ang weird." Hindi sanay si Dew Lia sa itsura niya sa salamin.

"That's not weird. That's the magic of airbrush. And contouring." Sagot ni Sic habang inaayos naman ang buhok niya.

"Sabi ko sa'yo eh. Ang galing ni Sic 'nuh?"

"You're welcome, mga mars." Nag-hairflip pa ito kahit maikli lang naman ang buhok. "Here is the magic chopstick. Kapag gusto mong maiba ang hairdo mo, tanggalin mo lang 'yan."

"Ay, talagang may ganito pa? Hindi ko naman debut para iba-iba ang hairdo eh."

"Hay nak. Basta, malay mo kailanganin mo 'yan." Sagot nito na mala fairy godmother ang datingan. "At ganito lang siya ikabit. Ikot-ikot, at tusok. Oh diba? Fab?" Itinuro nito kay Dew Lia ang tamang pagbalik kung sakaling kailangan.

"Sobrang cute mo!" Hindi napigilan ni Dew Lia na mag-comment sa itsura ng lalaking make-up artist. Aangal sana si Sic sa kanya ng tumunog ang cellphone ni Dew Lia.

"Ayan na po... Ayan na ang mahal na hari... Maguutos na naman po siya." Dahan-dahang sinagot ni Dew ang telepono.

***

"Saan ka na ba?!" Mainit na naman ang ulo ni Fire Jasper. Mukhang naliligaw na kasi siya. "Lumabas ka na kaya para makita kita. Pa-chicks ka kasi masyado. Kailangan pa ba kitang sunduin sa loob ng bahay ni Soapy?"

("Oo na oo na! Eto na. Lumabas na kami!") Naiiritang boses ni Dew sa telepono.

"Saan!?"

("Dito?! Kasama ko si Soapy at 'yung nagmake-up!")

At namataan na nga ni Jasper ang dalaga. Imposible namang hindi dahil kumikinang na blue ang napili nilang gown para dito.

Napailing siya. Hindi niya alam na sasakto talaga sa dalaga ang ipinasadya niya sa royal seamstress, eh hinulaan niya lang naman ang measurements nito. At nang makalapit sa mga ito, halos hindi niya makilala si Dew Lia.

"Aba mga mars. Hindi niyo naman sinabi. Hindi naman pala mahal na hari ang dadating, prinsipe pala."

"H-ha?!" nagulat si Fire sa komento ng lalaking kasama nila Dew Lia. Nahalata ba ako?

"Nako, Jasper. Si Sic nga pala. Ang pinaka-magaling na make-up artist in this kingdom! Hwag mo siyang pansinin sa mga comments niya, OA lang talaga siya."

Na-relieve si Fire. Akala niya nahuli na siya. Bumalik na naman ang tingin niya kay Dew Lia.

"Oh ano? Nagandahan ka sa'kin?" Dinadaot siya nito.

"H-ha?!" Gusto niyang itago ang approval. Hindi naman pala nakakahiyang itabi ito kay Juliya. Hindi naman pala siya nagkamali sa plano. Pwedeng-pwede naman pala itong dalhin sa mga piging sa palasyo. Maayos ang mukha nito. Maaliwalas kapag naayusan. Lalo na ngayong nakataas ang buhok nito na may kaunting buhok na sadyang nahuhulog at humahaplos-haplos sa leeg at balikat nito na naka-expose sa off shoulder na Grecian gown. Hindi tulad ng araw-araw na nakasabog ang mahabang buhok nito sa mukha.

"Oy, Jasper, aminin mo na. Ayos ang make-over namin ni Mareng Sic dito." Gatong pa ni Soapy.

"Ha? Eh kamukha niya nga si Elsa!" Masama na naman ang ugali nito. Nangaasar pa rin kahit maganda naman talaga sa ayos nito ang dalaga. "Kulang na lang mag-blonde at umulan ng yelo."

"Elsa ka diyan?!" Reklamo naman agad ni Dew. "Kamukha ko ba si Nora Aunor."

Nagtawanan ang lahat. Halos hindi maka-getover

"BAKIT!? ANONG PROBLEMA NIYO?!"

"Mars." Halos hindi makapag-salita si Sic. "Hindi ka ba nanonood ng Frozen?! Ang luma ng reference mo! Nora Aunor? Elsa? Himala talaga?"

"Anong Frozen?!"

"Hay nako. Hayaan mo Dewdew. Manonood tayo nun."

"Hindi ko naman talaga alam 'yun!"

Nate-tense na naman siya at naghahanap ng sigarilyo sa purse.

"Ops! Ops!" Nakita agad 'yun ni Fire at pinigilan. "Hwag mo sabihing papabahuin mo ang bibig mo eh may pupuntahan tayo."

"Bakit maghahalikan ba tayo?! Hindi naman 'diba!?"

Halos magimbal si Fire sa sobrang daring ni Dew Lia magsalita.

"Oy namula si koya!" Kung makapang-asar si Sic, akala mo matagal na silang magkakilala ni Fire Jasper.

"Hindi ah!"

"Tss." Sinindihan na ni Dew Lia ang yosi.

"Sabi ngang eh! Ayokong amoy yosi ang kasama ko. Hindi ba nagkakatindihan tayo. Ako ang may hawak ng kalayaan mo."

"Anong kalayaan?" tanong ni Sic pero hindi siya pinansin ng dalawa.

"Isa lang, please?" Nakikiusap si Dew Lia.

"Hindi lang lalawlaw 'yang boobs mo. Matatanggalan ka rin ng nipples!"

"AYAN NA NAMAN TAYO SA USAPANG DEDE?!" Naasar na naman si Dew Lia. Hindi niya alam kung bakit sa boobs umiikot ang argument ni Fire tuwing maninigarilyo siya.

"Anong nangyayari!?!" Clueless si Sic.

"Ganyan talaga sila." Pag-assure ni Soapy na ayos lang at normal lang ang lahat.

"Seryoso kasi! Scientifically, pwedeng patigilin ng nicotine and carbon monoxide ang blood flow. Kapag walang blood flow, magiging purple 'yang nipples mo. Purple is precursor to black. And black is precursor to falling off. Paano na kapag wala ka ng nipples."

"Pakshet ka!" binato ni Dew ang sigarilyo niya at pumasok na lang sa sasakyan.

Nang makapasok na ito, nagtanong si Sic.

"Grabe, ang talino mo naman, totoo ba 'yun?"

"Para ka nga talagang nakalunok ng encyclopedia." Pag sangayon ni Soapy.

"Shh. Totoo 'yun. Pero 'dun sa mga nagpapa breastlift lang." Bulong ni Fire sa mga ito habang nasa loob na ng kotse si Dew Lia. "Nakakasagabal sa healing process ang paninigarilyo at mangyayari talaga 'yun. Pero kung sa normal, hindi." Naglakad na ito sa pintuan malapit sa driver's seat. "Pero 'wag niyo na lang sabihin ah?"

Kumindat pa ito sa dalawa bago sumakay at pinaharurot ang sasakyan.

"Ano ba 'yun parang sumusuka ng knowledge." Napapailing si Soapy.

"Ano ba siya? Mukhang mayaman, gwapo, tapos matalino?" parang humahanga si Sic. "Parang knowledge channel."

"Knowledge channel?"

"Oo kaya. Kung walang knowledge... walang channel." Nagquote pa ito.

"WHAT!? Knowledge power kaya 'yun." Tawang-tawa si Soapy. "Kung walang knowledge walang power!"

"Pwede na rin 'yun gaga."

Halos magsabunutan ang dalawa papasok sa bahay ni Soapy.

***

"Heto." May ibinigay si Jasper kay Dew Lia bago sila pumasok sa event-place.

"Ano 'to?" Tinignan niya ang hawak. Isang maskara. "Hala ano 'to? Masquerade event ba ito?

"Pwede mo 'yang isuot, pwedeng hindi."

"Ano pang silbi kung hindi ko isusuot? Ano ba talagang meron diyan sa loob?" Hindi niya pa rin alam kung anong pupuntahan nila.

"Ang totoo. Gagamitin lang 'yang mask, kung sakaling mapili kang qualifier na maging crown princess."

"WHAT THE HELL?! CROWN PRINCESS!? ANONG PINAGSASASABI MO?! ANO BANG 'TONG PAPASUKIN NATIN? AT ANONG QUALIFIER?!" na-windang si Dew Lia. Halos nag ala-palos na siya para iwasan ang birthday party invite ni Ice pero ngayon, si Jasper pa talaga ang nagdeliver sa kanya dito.

"Sorry kung di ko sinabi. 19th nameday ito ng prinsipe Ice Jason."

"At paano tayo makakapasok dito? Kakilala mo ang prinsipe."

"A-ano ka ba?" pinigilan ni Fire na mabulol. "Dati rin akong nagtatrabaho sa palasyo. At naimbitahan lang. Hindi naman 'yan ang ipinunta natin 'diba? Ituon mo na lang ang pansin mo sa babaeng papagselosin mo. Magpasalamat ka na lang na makakapasok ka sa mga ganito kagarbong piging."

"Pero anong sinasabi mong pipili ng crown princess?"

"Sus! Hwag mong intindihin 'yun! Kapag 19th nameday kasi ng prinsipe. Kapag hindi pa siya nakakapili ng konsorte, mamimili siya at ang palasyo ng qualifiers sa lahat ng mga naimbitahang babae."

"Anong qualifiers? Parang exam naman! Kung magaasawa siya eh di mag-asawa siya! Anong kinalaman ng mask?"

"Kasi, ang mapipiling qualifiers, sigurado nang magiging babae ng future king. Ang victor ang magiging crown princess. Ang mga natalong qualifier ay magiging concubine. Kaya sila nagma-mask dahil hindi ang iba ay ayaw makilala habang evaluation period pa. Kapag nakapili na ng prinsesa, tska lang sila nagpapakilala."

Lumapit na sila sa coincerge.

"Invitation?" tanong ng lalaki. Ibinigay naman agad ni Jasper ang dala.

"My Lady, you will be..." bumunot ito sa fishbowl. "Miss Emerald."

"Thank you!" nagpasalamat si Jasper at pumasok na sila sa loob.

"ANO 'TO!?" nagpapanic na si Dew Lia.

"Plucking of Maidens. Codename mo Emerald. Kapag napili ka, Emerald ang tatawagin. 'Diba sabi ko sa'yo, ayaw magpakilala ng iba? Siyempre ayaw nila umamin na pwede silang maging concubine." Hinawakan ni Jasper ang kamay ni Dew. "Pero hwag kang mag-alala. Hindi ka naman kilala ng prinsipe eh... Your job is to make my lady jealous."

"J-jasper..." Gusto na niyang umatras.

"Don't you worry jellyfish. Hindi ka mapipili sa plucking..."

Mahigpit ang kamay ni Fire Jasper sa kamay ni Dew Lia at inalalayan siya habang papasok ng ball.

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...