If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 14

487 1 0
By SirIncredible

"Rhino!!! Rhino!!! Rhino!!!",


paulit-ulit na sigaw ng isang babaeng umiiyak at nakokonsensiya sa nangyari. Puno ng kulay puting kurtina ang kuwarto na may iisang higaang may gulong. Air conditioned at sa itaas ng dingding ay may maliit na krus na gawa sa pinagdikit na pirasong kahoy. Makikita rin sa gilid ang isang lamesang may bulaklak at basket na puno ng mga prutas. Sa salungat nitong bahagi nakatayo ang isang dextrose at monitor para sa heartbeat. Nasa kabilang gilid din ang tatlong dalagang nagmamasid sa nakahigang pasyente.

"Rhino... huwaaaah!", sigaw ni Janice na todo sa pag-iyak at pagpadyak habang mahigpit na niyayakap ang kamumulat na si Rhino sa higaan, "Rhino, patawarin mo ako! kung hindi kita pinabayaan doon... kung hindi kita iniwan doon... kung... kung... huwaaaah!"

"Sis... tama na!", kalabit ni Rubie sa likuran

"Rhino! magsalita ka! magsalita ka!", dagdag ni Janice

"Sis... hindi kayang magsalita ni Cous!", banggit ni Rhyna

"Hindi... Magsalita ka Rhino! Kaya mo iyan!", dagdag ni Janice

"Sis... hindi niya nga kaya eh!", wika ni Rubie

"Ba... Bakit? Rhino!!!"

"Sis... hindi talaga 'yan makakapagsalita kasi nahihigpitan ang leeg niya sa akap mo!", banggit ni Rhyna habang nakatingin sa nahihirapang huminga na pinsan. Hihinto saglit si Janice at tatanggalin ang yakap sa binata na naka-bondage ang itaas na ulo.

"Ay! Sorry!", wika ni Janice at tumigil sa pagluha

"Eh Sis... wala ka namang kasalanan sa nangyari eh!", sabi ni Rhyna sa umiiyak, "Aksidente ang lahat! Aksidente na may kaunting katangahan..."

"Aksidente? Hindi... dahil talaga iyon sa akin!", sigaw ni Janice na tumingin kay Rhino na bumalik sa pagtulog.

"Sis... ang mahalaga, hindi grabe ang hemorrhage niya sa ulo. Pasalamat na lang tayo at himalang nakaligtas siya sa pagkabagok doon sa semento", sambit ni Rubie

"Pagkabagok? Hindi... dahil talaga iyon sa akin!", sigaw ni Janice na gulung-gulo pa rin

"Sis... mabuti pa, magsiuwi na lang kayo para makapagpahinga pa si Cous ng maayos dito", sabi ni Rhyna na lumapit kay Janice ay inalalayang lumabas pero nagpumilit pa rin ang nakokonsensiyang dalaga

"Rhyna... ikaw na lang makiusap kay Rhino na patawarin niya ako sa mga kasalanang ginawa ko kasi ako talaga ang pinakawalang-kuwentang tao...", habang tuluy-tuloy na nagsalita si Janice ay sige naman sa pagpigil si Rhyna sa kanya

"... hindi ko alam kung paano sasabihin ito, ayoko talagang mandamay ng ibang tao pero may kung anong sumpa ang nangyayari sa akin kapag nandoon sa puntong may nakikipagmabutihang...", patuloy ni Janice

"Sis... tama na!", bulong ni Rhyna

"... wala naman akong ibang inaasam sa mundo kundi maging masaya pero bakit ganito ang..."

"Sis... tama na!", mahinang sigaw ni Rhyna

"... hindi ba malas ako! gaya nung dating nakipagbirthday party kayo sa akin at si Rhino ang naaksidente na..."

"Sis... tama na!", sigaw ni Rhyna

"... hindi ko naman ito ginustong mangyari lahat kasi kasalanan ko na masyado akong naging..."

"Sis... tama na!", sigaw ni Rhyna

"... masayang masaya na nga kami doon na naghaharutan pa sa parke tapos enjoy nga rin si Rhino sa mga kuwentuhan naming..."

"Sis... tama na!", mas mataas na sigaw ni Rhyna habang katapat si Janice

"...tapos heto ako't makakaramdam ng...." PAKKK!

Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Rhyna sa napakakulit at napakadaldal na kaibigan. Hahawakan ni Janice ang pisnging nasampal at masasaktan.

"Sis... ang sakit naman 'yun! May galit ka ba sa akin?", patuloy ni Janice

"Sis... sinabi ko nang umuwi na muna kayo 'di ba? ayaw mo namang makinig sa akin eh at ang hirap mong awatin", dahan-dahang banggit ni Rhyna kay Janice

"Ah... Sis! Tara na! baka ma-knock out ka pa dito eh!", sambit ni Rubie sabay hila kay Janice palabas ng ospital. Iniwan nila si Rhyna na nag-aasikaso sa nagpapahingang pinsan at hinilot ang kamay na nasaktan sa pananampal.


Malalim na ang gabi nang maabutan ni Janice na humihilik na nakapikit sa kanilang sala si Leo. Nakayukong natutulog naman si Virgo sa lamesa habang hawak ang libro at isang permanent marker. Bago magtungo upang kumustahin ang lola, hinugot muna ni Janice mula sa saksakan ang naiwang telebisyon na nakabukas. Hinayaan na rin niyang nakabukas ang ilaw sa kusina upang may maaninag na liwanag ang dalawa pagkagising. Ibinaba niya ang mga kurtinang kanina'y nakataas at binuksan ang electric fan upang magbigay presko sa mga kabataan. Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng tubig mula sa ref at ibuhos ang laman ng pitsel sa mataas na baso. Kakatok siya sa tulugan ng lola at papasok dito.

"Oh! Lola... Bakit gising pa kayo?", sambit ng apong nakatingin sa matandang nakadungaw sa labas ng kanyang bintana. Nakapatay na ang ilaw sa loob.

"A... Anak! Nandiyan ka na pala. Hindi kasi ako makatulog", sagot ng lola na lalapitan ng apo sa bintana

"Lola... masyado nang gabi! Dapat nagpapahinga na rin kayo", sambit ni Janice

"Teka lang... Anong nangyari sa iyo?!", usisa ng matanda pagkatapos makita ng malapitan ang malaking pasa sa kabilang mukha ni Janice

"Ah... eto po...", palusot ni Janice na hinawakan ang pasa, "Wala po ito, may biglaang nagbukas po kasi ng pintuan sa CR ng parke kanina kaya napuruhan ako..."

"Ga... ganun ba? Akala ko sinampal ka na naman ng mabait mong bestfriend na si Rhyna eh!", dagdag ng lola, "Hindi ba't ganun kayo maglambingan ng mga kaibigan mo?"

"Ah... wala po iyon sa amin! Nangyari lang naman kasi 'yun dahil makulit din ako, pero sa huli... magkakaibigan pa rin naman kami!", paliwanag ni Janice

Makikita ng mag-lola ang pagkidlat mula sa malayong bahagi ng ulap na tila nagbabadya ng pag-ulan.

"Naku... parating na naman ata ang bagyo sa Maynila!", banggit ng matanda

"Oo nga po... pero malayo pa naman daw ayon sa PAG-ASA, siguro eh ordinaryong ulan lang iyan lola", sambit ng apong nakayakap sa kanya. May kaunting liwanag sa durungawan mula sa buwan na natatakpan ng maninipis na ulap. Makikita ni Janice ang dalawang mas maningning na bituin na tila nagmamasid mula sa tuktok ng kanilang bubungan. "Nakaka-miss din sila mama at papa! Mas masaya siguro kung nandito sila ngayon... nakikipagkuwentuhan... nasasabihan ng problema... namamasyal... nakikipagbiruan..."

"Oo nga anak... Miss na miss ko na rin sina Leonisa at Juan Karlos...", titingin ang lola sa mga bituin at ngingiti ng bahagya, "Pero alam mo anak kung ano ang mas nami-miss ko?"

"Ano po iyon 'la?"

"Iyon bang inspiradong si Janice... 'yung kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para sa mahal niya... 'yung babaeng umiibig at laging masaya, malayung-malayo sa kawalan at sa pagiging propesyunal..."

Unti-unting luluha ang malungkot na si Janice. Hahalik sa noo nito ang lola.

"Alam mo ba... sa tuwing nakikita kong nakikipagmabutihan sina Leo at Virgo, naaalala kita... na sana ay ganun din ang nadarama ng puso mo. 'Yung masaya ka lang at walang pakialam sa mundo. Tanging hiling ko lang anak na sana ay mahanap mo na ang tamang tao na lalo pang magpapatibok ng iyong puso."

"Ang pag-ibig naman ay dapat walang kondisyon. Kahit galit na galit ako sa iyong lolo noon, hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanyang ikalawang pamilya. Kahit sa kanyang ibang babae ay nagpasalamat pa rin ako dahil ipinagkatiwala ng kanyang anak ang bunso nitong si Leo sa atin. Pamilya na rin naman na ang turing natin sa kanila simula noong inulila sila ng iyong lolo at kanyang asawa", dagdag ng matanda, "Hindi na rin ako naghangad pa ng iba sa Diyos para lang lumigaya ako bagkos ay nagpasalamat pa ako sa lolo mo at binigay niya sa akin ang iyong mama. Ang mama mo ang dahilan kung bakit ipinagpatuloy ko pa ang aking buhay noon..."

"Ang mama...", banggit ni Janice pagkatapos kuminang muli ang isang bituin sa itaas

"Kaya nga nang makilala ng mama mo ang iyong papa ay mas naging masaya ako. Kasi ang papa mo ang nagbago sa aming buhay na mawawalan na dapat ng pag-asa. Ang papa mo na mas pinili ang iyong mama dahil dito siya masaya. Marami pa sana silang plano sa buhay kung hindi lang nangyari ang isang trahedya."

"Ang papa...", banggit ni Janice pagkatapos kuminang ang kabilang bituin sa itaas

"Wala man sila ngayon... mananatili pa rin silang nasa ating mga puso at isipan...", dagdag ng lola at lilingon sa apo, "At naniniwala rin ako anak na darating din ang kaligayahan na para sa iyo!"

"Sana nga lola...", wika ni Janice na umiiyak, "Sana..."

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...