If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 13

432 1 0
By SirIncredible

Ang Rhino Nevada.

Isang "miracle baby" na itinuturing ng mga Nevada ang pagkakasilang sa kanilang pangalawang anak. Habang ipinagbubuntis kasi ng ina, madalas ang pananakit at pagsusuka nito na hindi naman alintana na may matindi na pala siyang karamdaman. Ilang araw matapos maging positibo ang pagbubuntis, namuo naman ang maliit na bukol sa may cervix ng ina na nagpahirap pa lalo sa kondisyon niya. Madalas na umiiyak at hindi makatulog ang mag-asawa sa pangambang magiging malala ang lahat. Pinayuhan kasi ng doktor na mahirap ang gagawing operasyon sa kanser na gaya nito kung may sanggol sa loob ng tiyan ng ina.

Sa suweldo ng amang limang libo sa isang buwan mula sa pagkakargador ng tela sa Pampanga, hindi nila kayang matustusan basta ang operasyon kaya't nagsikap na kumayod at kumuha ng iba pang sideline ang ilaw ng tahanan habang nasa bahay lamang. Gumagawa ng mga doormat, basahang bilog, unan na may punda, kurtina, sapin sa kama, shorts, medyas, banner sa mga paliga ng barangay, gloves, kikay bags, wallet, bra, face towel, pasador at pang-banderitas tuwing Kapistahan ang ina na ibinebenta sa tapat ng kanilang minanang bahay. Ginamit niya ang lumang pantahi na ibinigay sa kanya ng namayapang ina at mga materyales mula sa retasong naiuuwi ng asawa. Lumipas ang ilang buwan habang lumalaki ang tiyan at ang bukol, nakaipon din ng sapat na salapi ang mag-asawa. Kasama ng kanilang panganay na babae, nagtungo ang mag-anak sa malapit na kapilya ng Birhen ng Manaoag upang manawagan sa Maykapal. Bitbit ang plastik na naglalaman ng kanilang naipon, sinunod nilang pinuntahan ang ospital na nasa likod lamang ng Kapilya ngunit hindi pa man nakakapasok sa loob ay kumirot na ng kumirot ng kumirot ang tiyan ng ina. Nakita ito ng mga babaeng nars na noo'y nakikipagharutan sa mga kyut na doktor at agad inalalayan ang mga Nevada. Dinala ang humihiyaw na ina sa Emergency Room ngunit puno na rito kaya't pumunta sila sa Lying-in Clinic ngunit puno na naman kaya't pumunta na lang sa Pediatrics Ward ngunit nagkakagulo ang mga tao kaya't nagpasya ang doktor na sa X-Ray Section na lamang ito ilagay na pagbukas ng pinto ay may isang lalaki at isang babaeng magkapatong na naghahalikan sa higaan. Pinaalis ng doktor ang dalawa na hindi naman nakahubad at inihiga ang inang kanina pa umiiyak sa sakit ng tiyan.

Maselan ang Operasyon. Lumaki na ang kanser sa cervix ng ina na isang milimetro na lamang ay maapektuhan na ang nasa sinapupunan niyang nasa ikasiyam na buwan. Nasa kabilang gilid ang umiiyak na mag-ama. Kinuha ng doktor mula sa kanyang bulsa ang gunting at mga gamit pang-opera. Mabilis na in-injection ng nars sa pampahilab at pampamanhid ang ina at sinimulang hiwain ang tiyan ng ina. Tinanggal ng mga doktor ang bukol na ginawang bola ng basketball noong paghawak at pag-shoot sa basurahang plastik. Isinunod nila ang sanggol na pagkaputol ng umbilical cord ay nilinisan at itinago sa incubator. Tatlong Oras ang lumipas, nahimasmasan din ang mag-anak. Ibinigay ng ama sa Cashier ang bayad sa lahat ng Operasyon na nagkulang pa ng isang pisong barya mula sa plastik. Buti na lamang at may nakita siyang piso na nalaglag mula sa lolang naglalakad pauwi...dinampot niya ito at idinagdag sa kahera. Himala ang pagkakaligtas ng sanggol na pinangalanang Rhino at kanyang ina sa delubyong dumating sa buhay nila at mabuti rin na hindi kumalat sa ibang parte ng katawan ang kanser. Namana ng ina ang sakit na ito mula sa lola, tiyahin, ate, ninang at kapitbahay na lahat ay naging malignant ang kondisyon at namatay. Simula noon, masaya nang namuhay ang mag-anak na nadagdagan pa ng isang diyosang bunso sa pagtuntong ng Nursery ni Rhino.

Ang ama ni Rhyna ay nakatatandang kapatid ng mestisang ina ni Rhino. Naging mas close pa ang dalawang magpinsan nang ang pinagtatrabahuhang 'Party Needs' ni Rhino ay malapit lamang sa broadcasting company ni Rhyna. Kuntento na rin ang mag-asawang Nevada sa probinsiya na inaalagaan ng panganay na anak at sariling pamilya nito. Galing sa beauty parlor ng kapatid upang magpa-relax, naka-bisikletang daraan sa may main gate ng Broadcasting Company ang poging-pogi na binata ngunit hindi mapapansin ang pagtama ng gulong sa maputik na bahagi ng kalsada dulot ng butas na pagkaka-aspalto. Matatalsikan ng putik sa damit ang isang dalagang naka-bag na nag-aabang ng jeep.

"Ay! Sorry Miss!", banggit ni Rhino pagkatapos makapag-preno

"Ano ba 'yan!", sigaw ni Janice na papagpagan ang maputik na damit at pagkatapos yumuko ay titignan ang binatang may sala

"Sorry talag...", sambit ni Rhino nang tumingin sa babae ay ma-iinlove sa blooming face ,"Ja... Janice! Ikaw pala 'yan!"

"Ha???", nakatitig na sambit ni Janice sa maamong mukha ni Rhino at malinis na buhok, "O... Okay lang!"

"Sa'n ba punta mo?", dagdag ng binata

"Sa...", titig pa rin ang ginawa ni Janice kay Rhino hanggang sa may humintong jeep sa likuran nila. Lilingon si Janice sa maluwag na jeep. "Sa bahay! Sige..."

Bago sumakay sa jeep si Janice ay mag-iisip ng tatlong segundo si Rhino at muli siyang tatanungin. "Libre ka ba bukas?"

Ngingiti si Janice at kagat-labing papasok sa jeep. Aalis ang jeep kasama ang maruming kumakaway na babae sa lalaking naka-bike.

Sa isang malawak na parke na puno ng mga naglilibang at namamasyal na mga tao ang tagpuan nina Rhino at Janice. Suot ang football short at sleeveless na niregalo sa kanya ni Rhyna noong Pasko, naghintay sa isang kanto si Rhino hawak ang cellphone. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating si Janice mula sa pedestrian lane na tiyempong naka-sleeveless din na niregalo naman ni Rubie noong Pasko. Sasalubingin siya ni Rhino sa waiting shed at hahawakan ang dalawang kamay.

"You are just too good to be true", tanong ng binata

"I can't take my eyes off of you!", agad na sigaw ni Janice na nakatitig sa mga mata ni Rhino. Agad may susulpot sa kalye ng nagpa-practice na Brass band with Majorettes sa tugtog ng chorus ng 'Can't Take My Eyes Off of You'. At sumayaw ng swing ang dalawa sa gilid hanggang makaalis ang buong banda. Habang naka-bend sa kanang balikat ni Rhino ang dalaga at hawak ang kamay sa kanan, tatayo si Janice na napaha sa pag-indak.

"Tara!", yaya ni Rhino sa ka-date at nagsimulang maglakad

Madaraanan nila ang mga nagja-jogging na naka-rubber shoes na suot ang headset, ang mga batang nagbibisikleta, nanay na bitbit ang sanggol na naka-stroller, nagyoyoga session na mga estudyante, mga Senior Citizen na nag-zuzumba, nagpapractice ng hiphop dances, nagpipicnic sa ilalim ng puno at ang grupo ng mga lalaking nagfu-football sa likod ng bakanteng lote. Hindi rin mawawala ang mga magkasintahang sweet na sweet na magkasama sa daan at ang ilan na nagliligawan pa lamang. Sa isang upuang malapit sa sorbeterong natutulog sa kanyang dalang sidecar, may mapapansin sina Rhino at Janice na naghahalikang mag-asawa na nasa 65 ang edad habang magkaakbay.

"Ang sweet nila ano!", wika ni Janice habang nanunuod sa mga matanda, "Sana kapag nag-asawa na ako, ganyan din katatag ang relasyon namin... 'yung hindi nagsasawang ibigin ang isa't isa"

Tititig si Rhino sa nalulungkot na dalaga. Hahawakan niya ang kamay nito at tatakbo sa isang man-made waterfall. "Halika!"

Gamit ang digicam na dala, nagpicture ang dalawa na magkatabi malapit sa tubig. Tiningnan ang unang larawan ngunit hindi nagustuhan kaya't ito ay inulit pa ulit. Ang sumunod na larawan ay madilim kaya't inulit-ulit nila ang pag-picture na may jump shots, selfie, groufie, wacky at stolen poses. Nang magsimula ang malalim na ngiti sa mukha ni Janice ay nagsimula na silang mamasyal. Naglambingan ang dalawa sa mga halaman na bagong tabas lamang, naglaro sila ng habulan, pitik-bulag, taguan, tumbling, harutan, kurutan, at minsa'y kumukuha ng bulaklak upang mag- 'loves me... loves me not'. Habang nakaupo sa bermuda, ay tinitingnan nila ang mga dumaraan at naglalaro ng 'dubbing'- tuwing ibubuka ng mga tao ang bibig na nagsasalita ay idina-dub naman nilang dalawa ito sa nakakatawang style na sila lamang ang nakakarinig. Punung- puno ng halakhak ang dalawa at sa sobrang pagod ay napahiga sa bermuda. Habang nakatitig sa asul na langit, maririnig ng dalawa ang malakas na reklamo ng tiyan ni Janice. Agad tumayo ang dalawa at niyaya ng binata ang babae... "Kain Tayo!"

Sa isang turo-turo nagpunta ang dalawa. Nag-order si Rhino ng tig-isang kanin, pansit, adobong manok at pritong tilapya na inihain sa pawisang si Janice. Pagkatapos mailagay sa mesa ang mga putahe, kumuha muna ng tisyu si Rhino at pinahid sa basang mukha ni Janice.

"Salamat!", sambit ni Janice na namumula

Pagkatapos maubos ang lahat ng pagkain ay pumunta naman sa jag na puno ng malamig na tubig ang dalaga at uminom ng isang baso. Nang hindi pa nasisiyahan ay umulit pa ng dalawampung baso ng tubig ang dilag dahil sa sobrang pagod mula pa nang sayawan nila ni Rhino sa waiting shed. Pagkatapos dumighay ay umalis na sila ni Rhino sa kainan.

"Maraming Salamat Rhino, nag-enjoy talaga ako!", sambit ni Janice habang naglalakad

"Wala 'yun! basta lahat ng magpapasaya sa'yo! Espesyal ka kasi sa puso ko Janice"

"Ikaw talaga!", wika ni Janice pagkatapos paluin ng mahina ang dibdib ng lalaki. Hihinto sila sa isang football practice at pupunta sa harapan ni Janice si Rhino

"Janice... may ipagtatapat ako sa'yo!", wika ni Rhino, "Matagal na tayong magkaibigan at marami na rin tayong napagsamahan. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya sa araw-araw. Ngayon ko lang sasabihin ito sa'yo...", banggit ni Rhino sa dalagang unti-unting sumisimangot na pawang may nararamdamang kakaiba

"Janice... I... I...", nahihiyang wika ng binata, "I'll..."

"Lalabas na!!!", sigaw ni Janice na tinatawag na ng Kalikasan, "Rhino, pwede... mag-CR muna ako?"

"Ah? sige!", wika ni Rhino na hinayaang umalis si Janice.

Pumunta si Janice sa malapit na CR at nagbayad ng piso sa nakabantay na ale. Pumasok siya sa loob at umihi. Habang naghihintay naman sa labas, may makikita si Rhino na isang bakanteng swimming pool na 6 feet din ang lalim na walang lamang tubig. Bababa rito si Rhino at magmumuni-muni. Maya-maya'y may babagsak na bolang pang-football dito na kukunin naman niya at aakyat muli upang ibigay ng pasipa ang bola sa mga naglalaro sa tabi. Pag-atras ni Rhino, hindi niya mamamalayang isang sentimetro na lamang ang pagitan niya sa pool. Bigla siyang natalisod dito at nahulog sa malawak na pool. Paglabas ni Janice sa CR ay hahanapin niya ang kaibigan at nang maglakad ng kaunti ay makikita niya sa ilalim ng pool ang duguang lalaki. Humingi ng tulong ang dalaga at napasigaw..."Rhino!!!"

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...