If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 12

998 2 0
By SirIncredible

Ang sirang CCTV Camera ng main entrance ng gusali ay inaayos ng taga-Engineering Department. Ilang hakbang mula rito ang bagong ayos lang din na elevator na pinalitan ng bagong belt dahil sa naputol na linya ng kuryente.

Mabuti na lamang at walang masyadong nasaktan o napahamak na pasahero noong maganap ang malfunction. Sa pagdalaw ng fiancee ng Manager nina Janice sa Department nila ay madadaanan niya ang maingay na silid dahil sa mga abalang empleyado. Mapapansin niya sa gilid ang tatlong magkakaibigan at babati rito. Ang naka-high heels at fit na Lacoste dress na dalaga ay kakatok sa opisina ng Manager at papasok. Nag-uusap naman habang nagmemeryenda ang tatlong babae sa cubicle ng haggard na haggard na si Janice.

"Hoy... Sis! Nagi-guilty naman ako sa biro ko sa'yo", banggit ni Rhyna na nanunuod sa sobrang nagugutom at kumakain ng large size popcorn na si Janice

"Okay lang ano ka ba! Tsaka para namang iba na sa atin ang kaibigan nating si Jaynel noh! May nagawa na rin namang outline ang lukaret na 'yun kaya sinunod ko na lang", sabi ni Janice at itataas ang nakakartong popcorn, "Salamat nga pala rito ah!"

"Actually Sis, ako talaga ang bumili niyan sa labas kanina. Ipinabigay ko lang dito kay Rhyna nung nag-jingle ako", wika ni Rubie na iniabot pa ang isang basong softdrink sa kawawang kaibigan. Biglang tutunog ang cellphone ni Rhyna na ang message tone ay kantang 'Lady Marmalade' mula sa paborito niyang pelikula na 'Moulin Rouge'.

"Oops! nag-text si Vince!", banggit ni Rhyna sa pagtingin ng cellphone

"Oh anong sabi?", tanong ni Rubie na kumukuha ng isang popcorn mula sa hawak ni Janice upang kutkutin. Babasahin ni Rhyna ang message.

"Hello Hon! I've already completed the Registration Form for the Second Sem and I will ask if i can have *some text missing*", basa ni Rhyna, "Hala! may nawawala ata sa Baby ko! missing?"

Kukuha ng isang maliit na popcorn si Rubie sa hawak ni Janice at ihahagis sa mukha ni Rhyna. "Baliw! patingin nga!", babasahin ulit ang text sa phone ni Rhyna, "Eh, hindi lang nakumpleto yung mensahe ng boyfriend mo sa'yo eh! Nagka-problema ata sa signal... If I know, hinihingi lang niyan ang bayad sa tuition niya! Hala!"

Magtatawanan sina Rubie at Janice.

"Helerr... Wala na rin naman akong paaaralin sa pamilya namin tsaka nag-aaral naman 'yun mabuti noh para raw sa future namin! Kahit naman gastusan ko 'yun at iwan din ako kalaunan... wala na rin naman akong pakialam kasi ang importante, minahal ko siya at minahal niya rin ako", Sagot ni Rhyna na lilingon kay Janice, "Hindi ba ganun ma-in love, Sis? Parang "

"A... ako?", tanong ni Janice na patuloy sa paglamon

"Hinde Hinde...Ako Sis! Miss pastilyas lang ang peg?", banggit ni Rhyna

"Teka nga!", pipigilan ni Rubie ang dalawang magsasabunutan na sana, "Speaking of In Love...", mag-iisip at titingin sa sobrang losyang na si Janice

"Alam mo Sis... ang suwerte suwerte mo na! Na sa'yo na ang lahat!", wika ni Rubie na magbibilang sa daliri, "Mapag-arugang pamilya... Palakaibigan na ka-live in ng pinsan mo... Maraming Achievements in fact 28 medals nakuha mo noong gumradweyt tayo sa college including your Summa Cum Laude award 'di ba?... and of course ang 'National Journalist of the Year' recognition mo!... alam mo Sis, isa na lang... Jackpot ka na!"

"Ano???", tanong ng kausap na si Janice habang puno ng popcorn ang bibig. Magtitinginan sa isa't isa sina Rubie at Rhyna at sabay na magsasalita paglingon sa kaibigan, "Asawa!!!". Agad masusuka si Janice at kakalat sa sahig ang popcorn na may laway. Mandidiri ang dalawa niya pang kaibigan at magsasalita si Rubie... "Ewwe!"

Linggo. Tiyempong walang pasok at ang buong lungsod ay nagkasiksikan na naman sa daan. Mauulinigan sa labasan ang mga naglalakad na estudyante na magwewelga sa Mendiola laban sa sobrang pagtaas ng matrikula sa maraming paaralan. Ang kabilang kanto naman ay mga grupo ng magsasaka at ang KILUSANG MAYO UNO na papuntang palasyo ng pangulo para sa kanilang iginigiit na umento sa sahod. Hindi sagabal sa tanghaling tapat ang pagsikip ng daan sa tatlong magkakaibigang broadcasters na bumaba galing sa sinakyang kalesa at pumasok sa isang bagong tayong Beauty Parlor. Binayaran naman ni Rhyna ang kutsero at nagpasalamat.

"Come on Sisters!", yaya ni Rhyna , "It's time to Party!!!"

"Hooh! Let's Go!", wika ni Rubie na hinila si Janice papasok ng parlor

Binubuo ng limang magagandang beki ang parlor. Ang kanilang manager na pandak ang kaisa-isang chaka na laging uma-aura mina sa mga papa na dumadalaw sa kanila. Puno ng paru-parong design na tig-singkuwenta tatlong piraso sa may Quiapo ang kuwarto. Keber na ang jinit sa labas dahil bonggalicious ang kanilang human-sized aircon na gawa pa sa Okinawa, Japan. Ang salamin ay kumikinang na parang chenelyn na closet ng mga hollywood actress kapag may taping ng movie-ness. Sha mga bet ang pagwe-wait sa couch, ready to fight ang mga magazine nilang ang coverboys ay hubad at may pampakalmang kape kung choice kumembot habang nanunood ng cheverlung flat screen tv.

Dahil kamag-anak ni Rhyna ang may-ari ng parlor na kumpleto rin sa gamit, tinawag niya ito at kinausap. "Hi ateng!", banggit ni Rhyna

"Hello...", wika ng may-ari at bebeso sa pisngi kay Rhyna,"Oh, napadalaw ka rito!"

"Eto na nga, sinama ko itong sina Janice at Rubie...", pinakilala ni Rhyna ang dalawa sa bakla na bunsong kapatid ni Rhino, "Gusto ko sana ipa-make over itong award winning kong friend na si Janice para naman makaiwas sa stress"

"Ah... Ganun ba?", banggit ng may-ari na tititigan mula ulo hanggang paa pati sa likuran si Janice na walang kaayos-ayos, "Hmmh... parang napanuod ka na namin sa tv ah! Yung National...", nag-iisip

"National Journalist eklavu!", sambit ni Rhyna na tinapik sa balikat ang pinsan, "Kaya nga gawin niyo lahat para naman magmukhang gorgeous itong sister namin!"

Aalisin ang tingin kay Janice ng may-ari at pupunta kay Rhyna, "We've got it all for you!", papalakpak ng isa at tatawagin ang mga alalay, "Girls! Simulan niyo na!", at ngingiti ang tatlong magkakaibigan na suwerteng sila pa lamang ang customers noong oras na iyon.

Mula sa paggupit, nilagyan din ng kaunting highlights ang bangs ni Janice at nagdagadag ng extension sa likuran at pina-hot oil para magmukhang sosyal. Nagkaroon din ng facial make-over mula sa pagtatanggal ng white heads hanggang sa paglalagay ng tamang foundation. May nilagay din na mga make-up at blush on na magpapalabas ng pagiging bata ng dilag. Kasama na riyan ang ultimate oufit change sa dressing room ng mga nanggugupit, ang pagmamanicure sa mga kukong puro ingrown, pagpu-footspa at pedicure, pati practice ng paglalakad na ginagamit ng mga conteserang beki. Ang lahat ng gastos ay ipinalista na muna ni Rhyna. Sina Rubie at Rhyna naman ay ordinaryong hair cut lamang ang pinagkaabalahan. Ngunit bago pa ito maganap, may ibang business nang inasikaso ang dalawa alang-alang sa kanilang kaibigang nagmamaganda.

Flashback.

Nasa loob ng isang sikat na Mall si Rhyna kasama ang dating ka-schoolmate na Entrepreneurial Management Graduate. Parehas silang in casual attire.

"Magaling ka ba magluto?", usisa ni Rhyna habang naglalakad

"Yes!", sagot ni Kyle. May hitsurang moreno at balbas sarado.

"Maglaba?"

"A huh!", dagdag ni Kyle

"Maglinis ng bahay..."

"Definitely!", pagkatapos sumagot ay mahuhuli sa escalator na paakyat

"...Eh sa Algebra?", mauuna ng isang hakbang sa escalator si Rhyna at paglingon ay makikitang nag-eyes-bleed ang kausap pagkarinig ng Algebra.

Nasa loob ng isang exclusive village si Rubie kasama ang textmate na fresh graduate lamang. Parehas silang in pambahay attire.

"Are you hot?", tanong ni Rubie na nasa labas ng isang bahay

"Oh, yes!", sagot ni Bryle na unti-unting tatanggalin ang suot na pants

"Single?"

"Come on!", dagdag ng kamukha ni James Reid at unti-unting tatanggalin ang shorts

"Sexy..."

"Absolutely!", sambit nito na unti-unting tatanggalin ang sando hanggang brief na lang ang suot. Nagpo-pose pose na animo'y model ng Baygon

"Eh... Independent?", tanong ulit ni Rubie na mamaya'y may maririnig na tinig mula sa loob ng bahay... "Hoy! Brilyo! Magsaing ka na!"

"Opo, 'nay! Andiyan na!", matatakot na sigaw ni Bryle na agad susuutin lahat ng mga hinubad at tatakbo sa kusina nila.

"Haaay...", banggit ni Rubie na naiwan sa labas at nagbuntong hininga.

Pagkatapos lumabas ng beauty parlor, sasakay ng taxi ang tatlo para pumunta sa isang golf tournament. Sa isang Country Club na nanunuot ang mga berdeng kapaligiran dahil sa malawak na bermuda, pumasok ang tatlo at nagpakilala na 'PRESS' upang makapanayam ang Champion ng Tournament. Medyo naiilang pa ang bagong paayos na Janice sa kanyang nahiram na high heels na Prada. Excited ang mga dalaga na makilala ang makisig na nagwagi sa araw na iyon hanggang sa pinapunta sila sa loob ng golf course. Makikita nila ang artistahin na golfer na naka-shades habang inaalalayan ng lalaking caddy at bubuksan ang payong. Magpapahinga sa isang folding bed at iiwanan ng caddy ang among naka-mohok na hair cut at astang Alden Richards. Pupuntahan siya ng tatlong journalist.

"Oh Sis... This is it, Siya na nga si Mr. Tomb!", wika ni Rubie

"Okay na... alam mo na gagawin mo Sis ah...", banggit ni Rhyna habang hinayaang mauna si Janice sa kanila. Babasain ni Janice ang kanyang labi upang pumantay ang lipstick, magtatanggal ng kulangot, itataas ang slit ng palda, maglalagay ng pabango sa hininga at lalapit sa golfer.

"Ammm... Hi!", sabi ni Rubie sa likod ni Janice na kakaway at tititig sa golfer

"Broadcasters po kami, Pwede ka ba naming ma-interview?", banggit ni Janice

Tatanggalin nito ang shades, lalantad ang blue eyes, mai-in love sa itsura nito si Janice at maga-gwapuhan. Ilang sandali pa ay magsasalita ang golfer... "Interview???". Ang golfer ay may boses babae at mapapansin sa malapitan ang dalawa nitong matambok na boobs. Magtataka ang tatlong dilag at mahihimatay si Janice na babagsak una-leeg.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...