#ChanSing (Published By Bookw...

Door isay_pasaway

16.3K 523 215

Yung sa sobrang tagal mong nasa friend zone, feeling mo citizen ka na doon. XD Matagal nang may hidden desire... Meer

Chapter One - Si Squidward at Si SpongeBob
Chapter Two - Ex Effect
Chapter Three - Si Steven Tyler, Si Iron Man At Ang Metallica
Chapter Four - So Long Friend zone!
Chapter Five - Adobong Pare-Pare Magnet
Chapter Six - Si Xavier at Ang Henna Tattoo
Chapter 8 - #DesTiNi
Chapter 9 _ Anesthesioligized
Chapter 10 - The Heartbreak Symphony
Epilogue - Until 5ever!

Chapter Seven - 'Death By Ising' Band

1K 47 33
Door isay_pasaway

"Tara, boarding na."

Napasinghap si Nissy nang bigla siyang akbayan ni Ichan habang patungo sila sa pila sa tapat ng boarding gate.

Nalilito pa rin siya hanggang ngayong papasakay na sila ng eroplano pabalik ng Maynila. Hindi niya gustong bumuo ng sarili niyang presumptions at bigyan ng kahulugan ang mga sinabi ng kaibigan nang nakaraang gabi. Ayaw na niyang manguna kasi maraming namamatay sa maling akala at napapahamak dahil sa pagiging assumerang froglet.

"Nami-miss na kita ngayon pa lang," bulong ni Ichan sa tainga niya at muling nagwala ang kanyang puso na parang nagka-epilepsy ito bigla.

Gayunpaman, nagkunwari siyang di apektado.

Nang nakaraang gabi, nataranta siya nang makitang napaluha ang kaibigan.

"Uy, Chan, tama na!" awat niya rito, sabay pahid ng luha nito. "Shucks, ang corny mo naman, o. Wala naman kahit 1% alcohol 'yang iniinom mo pero kung umarte ka, para kang lasing."

Natawa ito. "Sorry! Sorry talaga!"

"Mawawalan ka niyan ng fans pag nalaman nilang may ganito kang episode."

"Sorry, hindi ko lang talaga kayang isipin na maghihiwalay tayo."

"Ambaduy naman. S'an ba ako pupunta at may ganyan ka pang chenes?"

"Basta mag-promise kang hindi na tayo uli mag-aaway nang ganoon at hindi mo ko iiwan kahit kalian."

Natigilan si Nissy. Nauna na niyang naipangako sa sarili na sisimulan na niyang lumayo sa lalaki para sa ikabubuti ng puso niya.

"Hindi naman puwedeng parati tayong magkadikit, Chan. Darating ang panahon, mai-in love ka, mag-aasawa ako... Alangan namang ganito pa rin tayo. Siyempre ite-take into consideration na rin natin 'yung feelings ng sari-sarili nating partners. Baka mamaya magselos sila di ba? Maje-jeopardize yung relationship natin sa iba."

"Eh di, pipili ako nung aprubado mo. And vice versa." Hindi niya sigurado pero parang nagtiim ang bagang nito nang sabihin ang tatlong huling salita.

"Gan'un? Friends forever ang peg?"

"Kahit ano pang peg ang gusto mo. Basta ayokong malayo ulit sayo. Hindi ko na kaya." Nakatitig ito sa mga mata niya nang sabihin niyon kaya kita, dinig at dama niya ang sinseridad nito nang sabihin iyon. Imbis tuloy na biruin niya, hindi na niya nagawang magsalita pa maliban sa...

"Okay."

Pero ngayon, biglang may naalala siyang bagay na hindi niya nabanggit nang nakaraang gabi. "Huu, kunwari pa. If I know, pag may na-meet kang bagong prospective syota, etsapuwera mo na naman ako."

Napahinto ito at mataman siyang tinitigan. Pero bago pa may lumabas na salita sa umawang nitong bibig, inunahan na niya.

"Oy, wag ka nang magmaang-maangan, totoo naman. Parang spare tire lang ako sa 'yo, 'kala mo di ko napapansin. Naalala mo lang ako pag wala kang lovelife."

Sa pagkagulat at pagkaasar ni Nissy, naramdaman niyang nag-init ang mga mata niya at nagpiyok ang tinig.

Shucks, wala siyang kasing-korni. Bakit kailangan niyang maiyak?

"It's not—"

Mabuti na lang nasa unahan na sila ng pila. Inabot niya ang boarding pass sa kaharap na airline staff at ngumiti rito. Pagkalampas doon, nanguna na siya patungo sa direksyon ng sasakyan nilang eroplano at iniwan si Ichan.

Yun nga lang, sadyang unfair ang mundo at mas mahahaba ang biyas nito kaya naabutan pa rin siya. "Oy, Ising, hintayin mo 'ko."

Hindi siya kumibo. Hanggang makaupo sila sa seats nila, hindi pa rin siya nagsasalita.

"Ising?" tawag nito.

Ni hindi niya ito nilingon.

"Di ba kasasabi ko lang kagabi na ayaw ko nang ganito?" malambing na anito sabay tapik sa braso niya. "Pansinin mo naman ako. Sabihin mo kung galit ka."

Mabuti na lang, wala pa iyong isa nilang katabi sa row na iyon. Kung sakaling may nakarinig sa mga pinagsasasabi ni Ichan, baka nalusaw na siya sa hiya.

Sa totoo lang, hindi naman siya galit dito, nahihiya lang siya rito at sa sarili na halos napaiyak siya dahil sa ideyang nalilimutan siya ni Ichan dahil sa ibang babae. Parang ganoon lang ang significance niya, kung mayroon man, sa buhay nito. Samantalang ito sa buhay niya....

She sighed. Ayaw na niya ng ganito. My gulay, somebody please take this effing feelings inside her.

Binigyan niya ng mental tadyak ang sarili para tigilan niya ang pagdadrama. Di bagay, 'Te. Tigilan mo yan.

"Kung ayaw mo nang mag-girlfriend ako, sabihin mo lang. Puwede naman yung gawan ng paraan." Tumikhim ito na parang may pinaghahandaang sabihin. "Kung papayag ka, ikaw na lang ang—"

Hindi na naintindihan ni Nissy ang kasunod na sinabi nito dahil noon naman may nagsalita sa tapat ng aisle nila.

"Oy! Sabi ko na nga ba, kayo yan eh!" sambit ng mukhang hinihingal pang si Billy. Naupo ito sa aisle seat sa tabi niya. Nasa tabi naman ng bintana si Ichan kaya napagitnaan siya ng dalawang lalaki.

"Hi, Billy!" bati niyang binigyan pa ito ng beso. "Na-meet mo na si Ichan, di ba?" Itinuro niya ang kaibigang naka-Squidward mode na naman.

Tumango rito ang best man sa kasal na pinuntahan nila.

"Na-stranded din pala kayo. S'an kayo nag-stay na hotel?" anito.

Binanggit niya ang pangalan ng hotel.

"Kaya pala hindi ko kayo nakita. Andun pa pala kayo sa Bora. Ako kasi nakarating na dito sa Caticlan nung nalaman kong canceled ang flight. Dito na ako nag-stay sa hotel sa malapit."

"Maagang nag-text yung airline sa akin, eh," sagot ni Nissy. "Nga pala, nabanggit mo may set kayo sa Bass and Beats, di ba?" tukoy niya sa isang annual rock fest na binubuo ng maraming mga independent bands at may layong makatulong sa mga charitable organizations.

"Two Sundays from now na. Oy, wag kang mawawala dun ah."

Kung saan-saan na napunta ang usapan nila ng binata pero hindi nawala sa atensyon niya si Ichan na di nakikisali sa usapan. Pinakikiramdaman niya ito kahit hindi niya nililingon. Iyong huling pasimpleng sulyap niya, nakapikit ito pero halatang gising pa dahil kunot na kunot ang noo.

Kung ano ang pinagpuputok ng butse nito, ayaw na niyang isipin pa.

*****

"You should check out Dreams of Pink and Purple," sambit ni Billy.

"Si Liam Ventura! Oh my G! Crush ko 'yun!" kinikilig na sagot ni Ising.

Lihim na pinaikot ni Ichan ang bilog ng mga mata. Sana totoo na lang na nakatulog siya sa eroplano. Kung nagkaganoon siguro, hindi ganito kasakit ang ulo niya.

Sa buong isang oras na biyahe ng eroplano, walang tigil ang dalawa niyang katabi sa kakukuwento at wala siyang nagawa kundi i-endure ang lahat ng iyon. Ang nakakainis pa, hindi siya maka-relate sa mga bandang pinagbabanggit ng mga ito.

Ngayon, hinihintay na nila ang mga bagahe nila sa conveyor belt, wala pa ring tigil ang dalawa.

"Talaga? Kilala ko yung si Liam, barkada nung drummer namin," tawa ni Billy.

"Napanood ko sila n'ung nakaraang taon sa Bass and Beats Fest at 'yun na-in love ako sa boses niya. 'Tapos, ang gaganda pa nung songs nila."

"Di ko sure kung andun siya ngayong taon, kasi di sila kasali sa may mga song sets, eh. Pero hayaan mo, kung mapadpad si Liam dun, ipapakilala kita."

"O sige, sige!" At dahil sa nasa higher octave ng key of A ang tono ni Ising, alam na ni Ichan na kilig na kilig na ito.

Sa wakas, nakita niya ang bags nila. Sinalubong na niya iyon at binuhat. Nagpatiuna na siya paalis at hinayaang sumunod na lang ang mga ito kahit hindi niya tinatawag.

Nakahinga lang nang tuluyan si Ichan nang makita na ni Billy ang sundo nito at magpaalam na sa kanila.

"See you next next Sunday," sambit nito sabay yakap sa baywang at halik sa pisngi ni Ising.

"Yes, see you!" sagot naman ng babae.

"Ichan, Pare!" Tinanguan lang niya ito.

Pagkaalis ng lalaki, walang salitang inabot niya ang braso ng dalaga at iginiya patungo sa pila ng taxi.

"Grabe, ang bilis! Next next week na pala yung Bass and Beats, wala pa 'kong ticket! Kung bakit kasi hindi ko masyadong nache-check yung FB page nila. Hay naku, sana talaga may makuha pang ticket si Billy para sa akin," dere-derecho at halatang excited na sabi nito. "Ikaw, gusto mong sumama?"

Umiling lang siya.

"K'ain muna tayo, ah. Nagutom ako kadadaldal." She laughed.

Tumango lang siya.

"Why are you so silent?" untag nito nang nakasakay na sila sa taxi patungo sa restaurant na napili ng kaibigan.

Nagkibit siya ng balikat. "I'm trying to contemplate kung anong meron sa mga nasa banda at haruyong na haruyong ka sa kanila."

Tumawa ito. "Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo ang reasons, di ba? May something badass sa kanila. Badass pero kayang mawala't lumambot pag na-overwhelm ng music. Tapos 'yung talent pa nila, saka yung hilig sa rock."

Pero hindi niya pa rin maintindihan.

Muli siyang natahimik at muli niyang naramdaman ang pagsiko ng dalaga. "Huy..." tawag nito; nasa mga mata ang concern para sa kanya.

Napangiti siya dahil doon. "Gusto mo talagang malaman kung ano'ng iniisip ko?"

Matamis na ngumiti ito.

Umayos siya ng upo at tumingin sa daan sa harapan ng taxi. "I'm thinking of putting up my own band and naming it, 'Death By Ising'. Because I have this feeling that you'd be the death of me."

Napansin niyang pinipigil ng pinanggalingan ng pangalan ang ngiti nito. "Oh, really?"

"My band will be a death-heavy-metal-punk-rock-with-a-little-twist-of-jazz-and-R&B band."

Narinig na niya ang bungisngis ng katabi. "Sobrang versatile, ah," pagsakay nito sa joke niya.

Itinaas ni Ichan ang isang daliri para patigilin ito. "That's not all. Gagawa ako ng kanta, 'yung tipong... ahem," tikhim niya. Nagpauso siya ng tono, "Your love is like a fuuuuucking blackhole / pulling my intestines, my pancreas and everything in me! / Inside me is a crater, only you can fiiiiiill! / So come and rescue me from this / kumunooooooooy of loneliness!"

Ang lakas ng tawa ni Ising. "Hanep ang tono ah, parang nangbubulyaw lang."

"Ayos! Parang sisikat 'yan, Boss!" biglang sabi ng taxi driver. Napahalakhak na rin si Ichan.

"Ikaw, kung anu-ano'ng napapag-isip mo. Baliw!" Binigyan ni Ising ng maliit na kurot ang braso niya.

"Ang hilig-hilig mo kasi sa rakista, nagseselos na ako."

****

0.7 seconds sigurong natigilan si Ising matapos marinig ang sinabi ng katabi. Kung noon siguro nito sinabi ang ganoon, baka kinilig na siya, inisip na may gusto sa kanya si Ichan at baka nagdere-derecho na ang imagination niya hanggang sa magiging future nila kapag mag-asawa na sila.

Mabuti na lang, hindi na siya ganoon kahibang.

"Ikaw kung anu-ano'ng sinasabi mo, mamaya isipin ni Kuya Driver, magjowa tayo," tawa niya.

"Ay hindi ba kayo mag-boypren, Ma'am?" hirit ng nagmamaneho.

"Hindi po. Mag-best friend po kami," aniya.

"Ah, ganun po ba? Sayang naman, bagay na bagay pa naman kayong dalawa. Isang maganda saka isang guwapo."

"Ang type niya po kasi, Manong," itinaas ni Ichan ang kamay at nagbilang sa mga daliri, "una, yung rakista at tattoo-an ang katawan; pangalawa, puwedeng pagkamalang terrorista—areko!" Nakatikim ito ng suntok sa bicep sa sinabi nito.

"Ibig sabihin, Ma'am, di ka napopogian kay Bossing?" hirit ng driver. Mukhang feel na feel nitong mag-ala Kupido kaya pinabayaan na niya. At least, nawala ang antok nito at nabawasan ang posibilidad na makatulog ito habang nagda-drive at mabangga sila. So para sa kaligtasan ng kanilang mga buhay, i-indulge na niya ang Cupid Mode nito.

"Pogi naman ito, suplado lang po talaga. Siya nga po diyan, ang gusto niya yung may dimples, petite at sosyalin ang tastes."

"Yun naman po pala, Bossing, eh."

Natawa si Ichan. "Kuya, ngayon pa lang, di ko pa man siya nililigawan, bine-break niya na ang puso ko. Lalo pa siguro kapag nagkatuluyan kami."

Inismiran niya ito. "Sinungaling! Sabihin mo, ngayon pa lang, nangangalunya ka na!"

Tila aliw na aliw na tumawa ang driver. "Nakakatuwa naman kayong dalawa."

"Naku, Kuya, dapat discounted 'yung bayad namin kasi ima-minus naming 'yun entertainment fee," aniya.

Muli itong tumawa. "Naalala ko sa inyo 'yung kabataan ko. Ganyan din kami ng misis ko dati. Matalik kong kaibigan 'yung kuya niya. Eh parang totomboy-tomboy si Misis noon at laging kasa-kasama sa umpukan naming magbabarkada. 'Yun pala, type niya pala ako kaya ganun. Nagpapa-charming ganun."

Napatawa silang magkatabi. "Wow, ikaw na, Kuya!"ani Nissy.

Nauwi sa talambuhay ni Kuya Driver ang usapan at lihim na nakahinga siya.

Sa totoo lang, hindi siya komportable sa mga hinihirit ni Ichan sa mga tanong dito. Para kasing zombie na binubuhay niyon ang pag-asa sa dibdib niya na ang tagal na niyang pinatay at binaon sa kailaliman ng kanyang puso.

****

Matapos ang ilang oras ng kuwentong pag-ibig, traffic at rants sa gobyerno at sambayanan in general, narating din nila ang bahay nila Nissy.

Sa kanila na naghapunan ang kaibigan at alas diez na nang magpaalam na uuwi.

"Kung dito ka na lang kaya matulog, Christian?" untag ng mommy niya rito. "Puwede namang d'un ka na lang sa kuwarto ni BJ at tatabi na lang siya sa amin ng daddy niya."

Natawa ito. "Ang laki niya na para maki-sleepover sa inyo, nakakahiya naman."

"Eh di, dun ako sa sofa," anang tatay ni Nissy.

"Naku, wag na po. D'un na lang po ako sa amin, kaunti na lang namang biyahe. Napahinga naman po ako kanina dito."

Inakbayan ito ng daddy niya at binulungan. Pagkatapos, naghalakhakan ang mga lalaki.

Tinaasan lang ni Nissy ng kilay ang dalawa. May pakiramdam siyang binibiro na naman ito sa kanya ng ama.

"Sige, 'Chan. Sa susunod na lang natin gawin ang misyon. Magpahinga ka na," sabi pa ng tatay niya. "Nissy, hatid mo na si Manugang—este si Ichan sa labas."

Nagtawanan muli ang mga ito na inirapan lang niya. Itong tatay niya talaga, ibinenta na yata siya nang hindi niya nalalaman.

Huminto sila sa tapat ng bakuran. "Hanggang dito na lang ako, ah. Sakay ka na lang ng tricycle papuntang kanto," aniya.

"Parang matamlay ka. May sakit ka ba?"Inabot nito ang mukha niya at mataman siyang tinitigan kaya agad siyang nailang.

"Wala, pagod lang," aniyang iniiwas ang mukha ditto pero sinapo lang nito ang noo niya't leeg.

"Parang may sinat ka. Inom ka ng gamot tapos matulog ka na."

He was looking at her with genuine concern and something else—something she would not dare name, even think about.

"Salamat sa company, I enjoyed Boracay because of you," anitong kamay naman niya ang hinawakan.

Sinubukan niyang magbiro para bawasan ang pagkailang. "Siyempre naman, ako pa."

"Just to be clear. Two categories lang ang mga crushes ko. Una, 'yung petite na may dimples na may sosyal na tastes. At pangalawa, ikaw." Pinatakan nito ng magaang na halik ang pisngi niya.

Bago pa nakahuma si Nissy, nakasakay na ito sa tricycle na huminto sa harap nila.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
88.4K 2K 22
Jasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid laman...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
30K 2.3K 21
"You love me and that's all I want from you now. Love me forever, that's all you have to do to make me the happiest woman alive." Tulad ng kuwento ni...