Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

IV: Left Behind

142K 6.6K 2.2K
By Serialsleeper

IV.

Left Behind

Cielo

Panay an sigawan namin habang nagtatakbuhan kami sa masikip at napakaruming imburnal hanggang sa may napansin akong kakaiba. May kulang. May boses akong hindi naririnig.

"Wait where's Shem?!" Tumigil si Pagtakbo si Dana dahilan para halos magkabangaan kami. Sila kasi ni Harper ang nasa unahan.

"Shem!" Napasigaw si Raze na mukhang labis na nanlumo nang mapagtantong hindi nga namin kasama si Shem.

"Let's go back for him!" Giit ni Dana at sinubukang tumakbo pabalik pero agad ko siyang hinarang.

"Do you have a death wish?!" Sarkastiko kong bulyaw sa kanya.

Pinanlisikan niya ako ng mga mata, all I could see was anger in her face, "Kung ikaw sanay sa trayduran at iwanan, pwes ako hindi! Hindi ako kagaya mo at hinding-hindi ako magiging isang makasariling gaya mo!" Bulyaw naman niya sakin dahilan para muli akong makaramdam ng kirot sa puso ko.

Akala ko narinig ko na ang mga pinakamasakit na salita three years ago. Meron pa pala. After three years, nakaramdam ulit ako ng sakit. Sabi ko wala na akong pake sa sasabihin ng iba pero pagdating kay Dana, may pake parin pala ako. Siguro kasi deep inside, umaasa akong may kaibigan akong babalikan dito sa Drayton kahit pa alam kong kinasusuklaman niya ako.

Hindi ko na magawang tingnan pa si Dana sa mga mata. Pakiramdam ko natitibag na ang mga pader na itinayo ko para maprotektahan ang sarili ko.

Napatingin na lamang ako kay Raze, "Don't stop running. Get them to safety. Try to leave some marks on the wall so we could still find each other. Keep them alive and stay alive." Bago pa man makapagsalita si Raze o ang kahit na sino man sa kanila, dali-dali akong nagtatakbo pabalik sa pinanggalingan namin upang balikan si Shem.

*****

Gulat na gulat ako sa nadatnan nang makabalik sa kaninang kinaroroonan namin.

Si Shem. Duguan at hindi na gumagalaw habang nakadapa sa sa sahig. Nasa likuran naman niya si Boris, hawak parin ang makapal na kadenang ginagamit bilang pansakal sa leeg ng walang kalaban-labang si Shem. Kahit hindi na gumagalaw, hindi parin niya ito tinitigilan, mistula pa siyang gigil na gigil rito habang mas hinihigpitan ang hawak sa magkabilang dulo ng kadena. Mukhang may balak pa ata siyang pugutan ito ng ulo gamit ang kadena.

"Boris tama na!" Hindi na ako nagdalawang isip pa't sinugod ko si Boris at sinakyan sa likuran. Napakalaki niya pero pinilit kong abutin ang mga mata niya upang tusukin ito gamit ang matalim kong mga kuko.

Tiniis ko ang nakakandiring sensasyong naramdaman ko sa pagbaon ng saliri kong mga daliri sa mga mata niya. Narinig ko siyang sumigaw dahil sa matinding sakit pero nakakatakot ang boses niya, napakalalim ng boses niya--Parang isang halimaw na nagwawala.

Siguro dala narin ng sakit, napaatras siya habang pilit na inilalayo ang mga kamay ko mula sa mga mata niya. Para siyang nawawalan ng balanse sa sarili niya kaya sinubukan kong bumitaw bago pa man niya ako madaganan pero sadyang napakahigpit ng hawak niya sa mga kamay ko.

Muling sumigaw si Boris na para bang nag-iipon ng lakas. Wala na akong nagawa pa nang marahas siyang sumandal sa pader dahilan para mabatbat ako rito.

Napasigaw ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Binitawan niya ako dahilan para tuluyan akong malaglag sa sahig. Parang isang malabong TV ang utak at paningin ko. Napakalabo ng paningin at pandinig ko. Nagsisirko-sirko ang paningin ko at parang wala na akong lakas para tumayo.

"Hangal!" Narinig ko ang napakalalim na boses ni Boris.

Sinubukan kong gumapang palayo sa kanya pero marahas niyang hinila ang ulo ko dahilan para mapatili ako sa sobrang sakit. Hinila niya ako hanggang sa mapatayo ako habang nakasandal parin sa pader. Sinubukan kong manlaban at tumakbo pero bigla niyang hinawakan ang ulo ko gamit ang dalawa niyang kamay.

Lalo akong napatili nang makita ko ang mga uuod na namamahay sa loob ng balat niyang tila ba naaagnas na at gumagapang ito patungo sa balat ko.

Hinigpitan niya ang hawak sa ulo ko. Napakasakit. Para niyang pinipiga ang ulo ko upang mawasak ito.

Napatingin ako sa mukha ni Boris. Gigil na gigil siya sa labis na galit. Mukha siyang lumuluha ng dugo dahil sa nagawa kong pagsugat sa mga mata niya. Siguro nga quits na kami. Atleast kung mamamatay man ako atleast nasaktan ko siya kahit papaano.

"Amelia..."

Nagulat ako nang biglang magsalita si Boris. Pero mas nagulat ako nang maramdaman kong unti-unti nang gumaan ang hawak niya sa ulo ko.

Napatingin ako muli sa mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit may nakikita akong ngisi sa labi niya. Nakakatakot. Nakakakilabot.

Bigla niya akong binitawan dahilan para muli akong bumagsak sa sahig. Paulit-ulit kong kinukurapkurap ang mga mata ko, nahihirapan akong manatiling gising. Para akong nauubusan ng lakas sa bawat segundong dumadaan.

"Cielo!!!" Nauulinigan ko ang boses ni Raze. Malabo pero nararamdaman kong papalapit ng papalapit ang boses niya sa kinaroroonan ko.

Sa muli kong pagkurap ng mga mata ko, nagulat na lamang ako nang makitang tuluyan ng naitali ni Boris sa mga paa ko ang kadena.

“Cielo!” Muli kong narinig ang boses ni Raze at nang lumingon ako ay nakita ko siyang tumatakbo patungo sa direksyon ko upang muli akong saklolohan.

“Raze!” Napatili ako nang maramdaman kong kinakaladkad na ako ni Boris palayo sa pamamagitan ng paghila ng kadenang nakakabit sa likuran ko.

Hindi na dala ni Raze ang itak niya. Siguro ibinigay niya ito kay Dana at Harper. Imbes na atakihin si Boris na nakatalikod mula sa amin at naglalakad, natatarantang lumapit sakin si Raze upang subukang tanggalin ang kadena sa mga paa ko. Sa sobrang lakas ni Boris, nakakaladkad niya kaming dalawa ni Raze.

“Raze si Shem! Tulungan mo siya at tumakbo na kayo!” Giit ko pero imbes na sundin ang sinabi ko, hindi bumitaw si Raze. Wala siyang pakialam kahit nakakaladkad rin siya gaya ko sa kung saan man kami balak dalhin ni Boris.

“Bitawan mo siya!” Galit na sigaw ni Raze habang pinaghihila ang kadena dahilan para huminto sa paglalakad si Boris.

Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko may masamang mangyayari.

“Raze takbo na!” Giit ko. Pero bago ko pa man mapagtulakayan palayo si Raze ay tuluyan ng lumingon sa amin si Boris. Gaya kanina, nanlilisik na naman ang sugatan niyang mga mata at mistula siyang nagpupuyos sa galit.

“Sabing bitawan mo sila!” Biglang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw at nagulat na lamang kami nang biglang natumba ang dambuhalang si Boris sa sahig.

Kapwa kami nagulat ni Raze nang makita namin ang duguang si Shem na nakatayo sa tapat ni Boris. Humahangos ito at nanginginig habang hawak ang isang makapal na tubo na ginamit bilang pamalo sa ulo ni Boris.

“Tara na!” Sigaw niya kahit bugbog sarado at tagaktak ang dugo.

Halos mabali ang hawak na tubo ni Shem pero hindi ito sapat para mapatay si Boris. Oo nga at plakda siya sa sahig pero sinusubukan niya paring bumangon.

“P-patayin niyo…” Nauutal kong sambit habang tinuturo si Boris pero hindi nila ako pinakinggan. Sa halip, hinawakan lamang ni Raze ang kamay ko at hinila ako patakbo kasama ang iika-ikang si Shem.

Gaya ng kanina pa naming ginagawa, muli kaming tumakbo ng tumakbo. Pero hindi parin maalis sa isipan ko ang tinawag sakin ni Boris kanina—Amelia…. Hindi ito ang unang pagkakataon na may tumawag sa akin sa pangalang iyon.

END OF CHAPTER IV.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
The Hardest Thing By L

General Fiction

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...