This chapter is dedicated to my childhood friend enelradengival. Thank you for being a true friend. Siya din nag-isip ng group name na Cupid Heartthrobs. Enjoy reading guys. :)
MEICAH
One week. One week nang nakakalipas simula nung pumasok ako sa University na 'to. One week na rin kaming magkaibigan ni Jhayden. One week na rin akong puyat gabi-gabi. At one week na rin akong dumadaan sa daang 'to. One week na lahat.
"Aaaaaahhhhh!" nabaling ang atensiyon ko sa narinig kong yun. Hay naku. Heto na naman ang mga higad girls (term ko sa mga makakating babae na hilig kumapit sa mga pogi) na may panibagong macheteng nilalandi.
Napatigil ako. Sino kaya yung pinagkakaguluhan nila dun?
Hindi ko masyadong makita kung sino yung pinagkakaguluhan nila, ang dami kasing nakaharang e. Habang papalapit ako nang papalapit ay saka ko lang nakita ng maayos kung sino iyon. Naka-white na ball cap, matangkad, maputi, at may hikaw sa kaliwang tainga. Okay, confirmed, si Jeronne nga iyon. As usual, ano pa bang aasahan ko? Sikat e.
Si Jeronne, siya yung type ng guy na tahimik. Malimit lang siyang magsalita at makipag-usap sa klase. Napapanganga niya ang klase kapag sumasagot siya sa board at napapatili niya ang mga girls kapag siya na ang naglalaro ng basketball sa court. Pero sa kabila ng pagiging cool niya, wala siyang kaibigan sa room. Umuuwi siya ng mag-isa pagkatapos ng klase. Hindi ko alam ang dahilan pero kahit sikat siya sa girls dito ay kinaiinisan naman siya ng mga boys sa buong campus. Bakit naman kaya? Gusto kong malaman ang dahilan. Minsan nga naisip ko na maging kaibigan siya. Pero pano ko magagawa iyon kung hindi ko manlang siya magawang lapitan? Haaay. Sabi nga nila, mahirap magkaroon ng kaibigang sikat, mapapaaway ka lang.
Iba talaga kapag popular ka sa campus. Lahat sinusundan ka, aalamin nila, susuriin nila. Tulad ng kuya Dhies ko na darating pa lang sinasalubong na, inaabangan sa labas ng classroom tuwing uwian, nauubusan ng laway ka-he-hello kapag binabati, kahit sa'n pumunta bigla na lang may magpapapicture. Ang hirap ng ganung buhay 'di ba? Daig pa nila ang mga artista.
"Uy guys, si Campus Sweetheart oh!" Napalingon ako sa nagsabi nu'n.
"Hi Meicah!" in chorus na bati ng group of students na yun na parang sa ibang department o course pumapasok.
"He-hello." ngumiti ako at saka ko pasimpleng ibinaling sa ibang direksiyon ang aking tingin. Sad to say this guys pero... Haaay. Isa ako sa mga sikat na yun.
Well, naiinis ako kapag tinatawag nila akong, "Campus Sweetheart". Ano bang meron sa title na yun at ibinibigay nila sa 'kin? Magiging immortal ba ako dun? Mananalo ba ako sa lotto dun? Yayaman ba ako dun? Hindi naman 'di ba? Pahamak nga sa buhay ang tawag na yun e. Sinusundan kasi nila ako na ayokong ginagawa.
"Hoy!"
"Ay kalabaw!" at sino na naman bang asungot ang bigla-bigla na lang nanggugulat? "Jayjay naman e, ang hilig mong manggulat!"
"Hehe. Sorry." tapos nagpeace sign siya habang unti-unti na namang nawawala yung mga mata niya habang ngumingiti siya. "Hindi mo ata kasi naririnig yung tawag ko sa'yo. Busy ka ka-de-daydream."
"Anong daydream? Hindi ah." at saka ako tumalikod sa kanya at nagsimula na ulit sa paglalakad. Sumunod naman siya sakin at sumabay sa paglalakad ko papuntang room.
"Wooow. Ang taray naman ng Campus Sweetheart."
"Shut up Jayjay, yan ka na naman e." at natawa na lang siya sa sinabi ko. Ganyan yang si Jayjay, hilig akong inisin.
Habang naglalakad kami sa 3rd floor, at nakikipagpatintero sa mga nakakasalubong naming mga istudyante doon ay napatigil bigla si Jhayden nang matapat kami sa Bulletin of Information.
"Meicah."
"Po?" pero patuloy parin ako sa paglalakad ng walang lingon-lingon.
"Tingnan mo 'to." tuluyan na akong napatigil at napatingin sa aking likod kung san nakita ko siyang nakatayo sa harap ng bulletin of info na yun.
"Bakit? Ano bang meron diyan?" tumabi ako sa kanya at nakiusisa din sa kung anumang binabasa niyang yun.
"Club Opening na next week. Hmm.. ano kaya ang pwede kong salihan?" habang nag-iisip si Jhayden ay patuloy ko namang binabasa ang nakasulat sa papel na yun.
Club Opening for all STU students? Sasali kaya ako?
"Nakapili ka na ba ng sasalihan mong club Jayjay?"
"Hindi Meicah. Hindi na lang ako sasali."
"Eh? Bakit naman?"
"Mas uunahin ko na lang yung mas mahahalagang bagay kesa diyan." at bigla na lang siyang napakamot sa kanyang ulo.
"Hmm. Sa bagay."
Naintindihan ko naman siya dahil sa busy naman talaga kami. Mas okay na rin kasi sa kanya na walang ibang pinagkakaabalahan maliban sa pagtakbo niya bilang Student Council 1st year Representative. Mahirap na nga yung course namin e tapos dadagdagan pa ng panibagong aalalahanin. Baka isang na lang araw e malaman kong nasa mental hospital na 'tong kaibigan ko. Naku wag naman, erase erase! Kung anu-ano na ang naiisip ko.
"Eh ikaw Meicah? Ano sasalihan mo?"
"Ha? Ahhh, teka," tumingin ulit ako sa nakalistang mga club dun. Ano nga ba? Math club, english club, science club, news club, music club, cosplay club? Hanggang sa marating ko na yung huling-huling club pero walang nakaagaw ng atensiyon ko para salihan.
"Wala e."
"Ha? Hindi ka na din sasali?" tumango lang ako, naintindihan naman niya siguro yung sagot kong yun. "E 'di, tara na sa room." tapos lumakad na siya paalis.
Ako naman, sa huling pagkakataon e binasa ko ulit yung nakasulat dun. Nagbabaka sakali lang na baka may nalagpasan ang mata kong club na medyo interesting na salihan. At sa huling part ng papel na yun ay naagaw ang atensiyon ko ng isang club na nakalista pangatlo sa huli.
"Cupid Heartthrobs Club" na may nakalistang more than 10 thousand members?! Ano bang meron sa club na 'to at ganun na lang karami ang sumali dito?!
"Uy mataray na Campus Sweetheart, inuugat ka na diyan." natatawa na pang-aasar na naman ng singkit na 'to sakin, nainip na siguro. Pasimple pa siya e, gusto lang naman niya akong inisin ulit. Pero wala ako sa mood para patulan siya, iniisip ko parin kasi hanggang ngayon kung ano bang meron sa Cupid Heartthrobs na yun at grabe naman yung members nila. Nakakagulat at nakakapagtaka lang kasi.
"Ahh.. Jayjay?" napakamot ako sa ulo habang humaharap sa kanya.
"Yes Meicah, the Campus Sweetheart?" Sige, ulit ulitin pa daw ba? Pang-iinis na naman nito kasama ng isang matamis at nakabibighaning ngiti. Haaay naku, kahit kailan talaga.
"Ano yung Cupid Heartthrobs? May alam ka ba dun?"
Nagulat na lang ako nang mapansin kong natahimik siya bigla. Ang kanina lang na ngiti niya bago ako magtanong ay unti-unting nawala. Tapos medyo nagsalubong ang mga kilay niya na ngayon ko lang unang-unang makikita. At yung maamo niyang mukha na nang-aasar pa kanina at nakasanayan ko nang pagmasdan, ngayon... bakit naging seryoso na lang bigla? O-okay, anong meron?
"Oy Jayjay okay ka lang?" tanong ko dito nang makita kong napayuko siya.
"Uy? Okay ka lang?" inulit ko yung tanong ko habang sinisilip yung mukha niya pero hindi niya ako sinasagot at sa halip ay bigla na lang akong tinalikuran nito.
"Tara na. Late na tayo." seryosong sinabi niya sa medyo matigas na boses compare sa usual na boses nito kapag kausap ko. Saka lumakad si Jhayden paalis sa kanyang kinatatayuan na parang tingin ko ay may bagay na ayaw pag-usapan.
O-okay, what just happened? Bakit siya biglang nagkaganun? Did I say something wrong? Hala ano ginawa ko?
* * *
"Meicah, anong gusto mo?" tanong ni Jayjay sa tapat ng counter sa Jollibee. Ako naman, napatingin sa meal board doon. Hmmm. Ano nga ba?
"1pc. chickenjoy na lang."
"Ah okay. Saka isang 1pc. na chickenjoy Miss." dagdag na order niya sa babaeng nasa counter.
Paminsan-minsan e nililibre niya ako, ganun din ako sa kanya. Palitan lang kami. Habang naghihintay kami sa order namin ni Jayjay dito sa aming 2-seat table katabi ng glass wall at malapit sa may pinto ng fast food na 'to ay nagkaroon kami ni Jayjay ng oras para makapag-usap ng matino.
"Ahh Meicah, sorry nga pala sa inasal ko dun sa tanong mo kaninang umaga. Nabigla lang kasi ako." he tried to apologize on what he have done last time. Kahit na hindi siya makatingin sakin ng diretso, siguro dahil sa nahihiya siya e, ramdam ko parin naman ang sincerity sa sinabi niya.
"Naku, okay lang yun Jayjay. Wala sa 'kin yun." medyo jolly na sagot ko para naman ma-convince siya na ayos lang talaga yung nangyari. Pero sa totoo lang, gusto ko talaga siyang tanungin dun sa bagay na yun. Kung bakit ganun na lang ang naging reaksiyon niya nang sabihin ko ang salitang "Cupid Heartthorbs." Kaso kinokontra ako ng isip at hiya ko na 'wag nang tanungin, kaya hirap na hirap lumabas ng mga salita sa bibig ko sa mga oras na 'to.
Sinimulan nang kumain ni Jayjay ng inorder niyang beef steak at rice. Ako naman, na-trap na dito kaiisip kung pano ba siya tatanungin tungkol dun. Argh! Pero ngayong nakikita kong masayang kumakain si Jayjay, naisip ko na 'wag na lang tanungin. Baka bigla pang magbago ang mood niya.
Kumain na rin ako ng chickenjoy na inorder ko. Sa kalagitnaan ng masarap na paglamon ko dito ay may biglang umeksena sa loob.
"OMG! Papunta dito ang Cupid Heartthrobs! Aaaahhh!" a loud scream from a girl on the other table caught our attention.
Nagsimula na ring magsigawan yung ibang girls sa loob ng fast food. They keep on saying, "aaaaaahhhh, makikita ko na naman sila!", "gosh! Dito sila kakain?! Ang swerte ko naman!", and "I'm dying to see the Cupid Heartthrobs. Aaaaahhh!" Kulang na lang e mabasag lahat ng pwedeng mabasag dito sa Jollibee dahil sa mga tilian nila.
And, what's with Cupid Heartthrobs nga ba ha? Naku-curious na talaga ako. Ano ba kasing meron dun? Mga artista ba yun? Nandun ba si Daniel Padilla, Enrique Gil, Enchong Dee, at Coco Martin? O baka naman yung crush kong si Robert Pattinson? Ah ewan, ikakain ko na lang 'to!
Habang ipinagpapatuloy ko ang pagkain ko kahit na sobrang ingay ng paligid ko dahil sa tilian ng mga babae dun, napatingin ako sa aking harapan kung sa'n nakaupo si Jayjay. Tahimik siya habang nakayuko. Napansin ko din na hindi pa ubos yung pagkain niya. Anong nangyari sa lalaking 'to? Kanina lang ang saya-saya niyang kumakain ah.
"Oy Jayjay, may problema ba?" pero para siyang bingi, hindi na naman niya ako pinapansin.
"Oy Jayjay? Okay ka lang?" nagtanong ako ulit. Sa pagkakataong ito ay narinig na niya ako. He looked at me with his fascinating china eyes.
"'Di ba gusto mong malaman kung ano ba ang Cupid Heartthrobs?" medyo nagulat ako sa sinabi niyang yun. The tone of his voice was different, slight manlier. Alam ko na naman na kapag ganun yung boses niya, ibig sabihin lang nun, seryoso siya sa mga oras na 'to.
"Ahh.. oo Jayjay. Ba-bakit?" nagstammer ako bigla. Shocks! Pati ako nadadala na rin sa sitwasyon ngayon ha.
"Well, be prepared and meet the 4 members of Cupid Heartthrobs."
"Ha? O-okay." tapos kumagat ako sa fried chicken ko. Pakikisamahan ko na lang muna ang mood swing ng chinito na 'to.
"Tumingin ka sa likod ko." gaya ng sinabi niyang yun ay tumingin ako doon.
Sa medyo kalayuan sa likod niya ay ang pintuan papasok at palabas ng Jollibee. At heto na naman ang mga tilian ng girls nang may isang lalaki ang pumasok sa loob.
"Meet the Campus Cutie, Rhenz Jasper Santos." turo niya sa pumasok na yun.
Isang katangkarang lalaki na may makapal na buhok, kaputian, at may nakasabit na headphone sa kanyang leeg. Kung pumorma siya e medyo parang rakista, kulang na nga lang ay eyeliner at patirikin niya ang buhok niya e. But the good thing is... yeah, he's good looking din naman. Tuloy parin sa tilian ang mga girls hanggang makapasok na yung Rhenz sa loob.
"Ang Daddy niya ay sikat na Director sa isang TV network. Ang Mommy niya naman niya ay isang Accountant." at humarap na siya sakin mula sa isang hindi ko maintindihang tingin niya sa Rhenz na yun. "Sobrang sikat yang si Rhenz sa STU. Maliban sa varsity player siya sa basketball, miyembro din siya ng sikat na banda dito kaya kilala siya ng lahat. Magaling siyang gumamit ng iba't-ibang musical instruments kaya lahat ng babae, hinahangaan siya. Pero ang hindi nila alam, playboy yan."
"Ha? Pano mo nasabing playboy siya?"
"Kasi... kahit nililigawan niya yung vocalist ng banda nila na nagkataong classmate ko nung high school, pumapatol pa rin siya sa iba. Katulad na lang nung isang linggo, ibang babae yung sinakay niya sa kotse niya pauwi nung hapon at hindi yung classmate ko."
"Shocks! 'Di nga?!" napatakip ako ng bibig. Totoo ba yung narinig ko?
"Oo Meicah. Hindi ako nagbibiro." tapos uminom siya ng coke. Napagaya na rin ako.
Habang umiinom ako ay nakita kong bumukas ulit yung pintuan ng Jollibee. Nagtilian ulit ang mga girls. Nagtilian uli ang mga girls. Sino naman kaya yung susunod na papasok dun? Then I saw...
"Jeronne?!" napalingon si Jayjay sa likuran niya nang sabihin ko iyon. "S-si Jeronne, member ng Cupid Heartthrobs?"
"Oo, Campus Cutie din ang tawag sa kanya dito. Wala ka ba talagang alam na kahit ano sa kanila?" Umiling lang ako sa nagtatakang tanong ni Jayjay na yun. As in wala talaga akong alam e.
"Sa bagay. Compare sa lahat ng girls dito, iba ka talaga. Hindi ka nadadala sa mga pa-pogi effect ng mga yun."
Wait, ang hard nun Jayjay ha. Papogi effect? Hahaha. Pero compare naman din sa lahat ng boys dito sa Campus, lalo na sa mga pogi e better na si Jhayden. Kahit kasi nakuha rin niya ang mga katangian ng isang lalaking dapat hangaan tulad na lang ng pagiging gwapo, matalino, at mabait, e hindi siya nag-take advantage sa mga bagay na yun para sumikat. Although alam din namin na marami ang patagong humahanga sa kanya, normal lang sa kanya yun at hindi niya ine-entertain para saktan lang. And back to Mister Ball cap slash Jeronne, siya nga yung may hikaw sa kaliwang tainga na laging naka-white na ball cap at may mala-anime na brown na mata. Hindi ko alam na member din pala siya ng Cupid Heartthrobs. Ang alam ko lang ay sikat siya. Pero may famous group pala siyang kinabibilangan.
"Wala akong alam tungkol sa Mommy niya, pero ang Daddy niya ay isang sikat na Doktor. Maliban sa magaling siyang mag-basketball, hilig din niyang mag-drawing. Kaya nga din siya nag-architecture e."
"Pa'no mo nasabi na magaling siyang mag-drawing?"
"Hmm... nakakalaban ko siya dati sa mga drawing competition ng mga school. Yun nga lang, second lang ako sa kanya."
"Wow. Nakakainggit naman kayo." Buti pa sila magaling magdrawing. Ako? Ikakain ko na lang yan.
Habang napapakagat ako sa fried chicken ko, napapaisip na rin ako. Well, ganun naman talaga usual eh. Kapag magaling mag-drawing, unang unang course na kukunin niyan e BS Architecture. Opinyon ko lang naman yun. At tatanggapin ko na lang din ang katotohanan na kahit hindi ako marunong mag-drawing, napunta ako sa course na 'to. Haaay pangarap, para sayo, kailangan kong magsikap. :|
Nagtilian ulit ang mga girls, hudyat na may darating na namang gwapo. Down to the last two members of Cupid Heatthrobs. Okay, who's next?
Tumingin ulit ako. At sa pintuan ngang iyon ay nagulat ako nang dahan-dahang inilabas ang isang sobrang hot na lalaki.
Parang biglang tumigil ang paligid ko nang magtagpo ang aming mga mata. Teka, parang nakita ko na siya dati. Siya ba yung...
"Hoy Meicah? Papasukan na ng langaw yang bibig mo. Isarado mo nga!"
"H-Ha?" natauhan ako bigla, saka ko isinarado yung bibig ko at ibinaba yung hawak kong chicken sa plato. "P-pasensiya na, Jayjay. May iniisip kasi ako."
"Weh? Ang sabihin mo, tinitingnan mo yung si Paul. Crush mo yun no?" at tiningnan ako nito nang may paghihinala sa mata.
"Huh? Hi-hi-hindi ah!" ay grabeng stammer yan. Napaghahalataan.
"Ows? E bakit nag-i-stammer ka at saka bakit ka namumula?"
Hinawakan ko yung dalawa kong pisngi dahil sa sinabi niya. Gosh, ano to?! Namumula ba talaga ako? Waaaaaaah.
Actually po... sige na nga aamin na ako! Crush ko po kasi talaga yang si Paul. Simula nung magkita kami, na-attract na ako sa kanya. Hindi dahil sa gwapo siya, mayaman or what, kung 'di dahil nakita ko lang naman sa kanya yung nag-iisang katangian ng lalaki na gusto ko—ang pagiging gentleman. Yun lang wala nang iba. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, na-attract lang ako. Pwede pang magbago o mawala ang feelings na yun. Sa stage kasi ng pagiging teenager, mabilis magbago ang nararamdaman at naiisip natin. Kaya, hindi pa ako sure sa feelings kong yun.
"A-anong alam mo naman kay Paul?" pasimpleng tanong ko kay Jayjay kahit namumula na ako. I don't understand this feeling pero interesado talaga ako kay Paul.
"Hmm." nag-isip muna siya saglit, "anak daw yan ng mayamang mag-asawa na nasa States. Palibhasa dahil nag-iisang anak at wala ang mga magulang dito, lahat ng gustuhin niya nagagawa niya."
"Oh? Grabe pala. E 'di sobrang yaman niya?"
"Sinabi mo pa. Sikat na Model yan saka maliban sa star player siya ng basketball team ng school, Campus Hottie pa tawag sa kanya dito."
"Talaga?!" gulat na gulat naman ako. Hangang-hanga ako syempre dahil crush ko yun e. Ang galing naman niya.
Lumingon siya sa direksiyon ni Paul at mabilis ding humarap sa 'kin pabalik na meron nang isang masamang tingin.
"Pero kung posible man na magkakilala kayo, please lang Meicah, iwasan mo siya." pabulong na sinabi niya para walang ibang makarinig.
"B-bakit naman Jayjay?"
"May hindi ako magandang kutob sa kanya." cinover niya saglit yung bibig niya at lumapit sa 'kin at ibinulong na, "Lahat ng naging girlfriend niya ay bigla na lang nawawala. 'Wag ka sanang magaya sa kanila."
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Jayjay. Anong ibig sabihin niya dun? Actually, wala akong alam sa mga sinasabi niya. Sana kasi nakaka-relate ako 'di ba?
Bigla akong kinabahan. Ano 'to?
"Waaaaaaaahhhhhhh!" sigaw na naman ng mga girls dito sa loob. Oy sa totoo lang nakakabingi na ha. Basag na talaga yung eardrums ko! May papasok na naman ba?
Tumingin ako sa may pinto. Bumukas ulit ito. Eto na ba yung last but not the least na miyembro ng Cupid Heartthrobs? Napatigil ako saglit sa paghinga sa sobrang tense. Eto na siya!
Nagtaka ako bigla kasi imbis na gwapong lalaki ang pumasok sa pinto, ay isang matabang lalaking istudyante ang pumasok sa loob ng fast food.
"Oy Jayjay? Yun ba yung pang-apat na member ng Cupid Heartthrobs?" nagtatakang tanong ko kay Jhayden habang tinuturo yung matabang lalaki na yun.
Napalingon siya at—bastos! Bigla na lang bumuga ng coke. Buti na lang hindi sa harap ko.
"Uy ayos ka lang?!" Hinimas-himas ko yung likod niya habang nauubo siya. Buang kasi bigla na lang bubuga.
"Hindi yan member ng Cupid Heartthrobs. Baliw!" at sabay ubo ulit niya.
"Ganun ba? Sorry naman. Hindi ko naman alam e. Akala ko member din ng Cupid Heartthrobs yun." Natawa na lang kami ni Jayjay sa pangyayari. Para kaming mga timang dito na naghahampasan at nag-aasaran dahil sa sinabi kong yun. Nahiya ako bigla pero dahil close na naman kami ni Jayjay, normal na lang yung ganung katimangang bagay sa aming dalawa.
"Pero alam ko may isa pa silang member e. At sa kanilang lahat, yun daw ang pinakagwapo." he interrupted my laugh.
"Talaga?!" nanlaki bigla ang mga mata ko. Syempre pogi e. Kung ang tatlo na 'to ay sobra nang mga gwapo, ano pa kaya yung lalaking yun?
"Oo, kaso... wala akong masyadong alam sa kanya e. Bago lang yun dito, galing kasing America yun."
"Ganun ba? Eh ano naman daw ang pangalan nun?" napaisip saglit si Jayjay sa tinanong ko. He tried to remember the name of that mysterious guy.
"Hmm.. Iskid?" isip uli. "Iskayd? Hindi ko alam kung panu bigkasin yung name niya e. Nabasa ko lang kasi yun sa poster nila."
"Ah ganun ba? Sayang naman." at bakit nalungkot ako bigla? E sino ba yun para alamin ko pa? Special ba siya? Haha. Nabubuang na naman ako dito.
"Pero Meicah tandaan mo," naging seryoso na naman ulit si Jayjay, napatingin ako sa mga mata niya. "hindi ko 'to sinasabi sa'yo dahil gusto kong siraan ang Cupid Heartthrobs, palayuin ka sa kanila or what. Ang gusto ko lang..." Bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko na ikinagulat ko. Nanigas ako saglit sa upuan ko sa ginawa niyang yun. "mag-iingat ka sa kanila. Delikado silang kasama."
Haaaa? Sabay punas niya sa labi ko. Huwaaaa. May catsup pala sa labi ko! Nag-assume naman ako agad na may gagawin siya! Assumerang frogie ka Meyka.
"Oy, nag-expect si Campus Sweetheart na may gagawin ako. Hahahahaha!"
"Hoy! Hindi ah!" sabay hampas ko sa braso niya. Akala naman ng tukmol na 'to magpapahalik ako sa kanya. Niminsan hindi pa ako nagpahalik sa lalaki. Maliban lang sa Papa ko na hinahalikan ako sa pisngi.
"Ayieeeee. Deny pa siya. Hahahahaha!"
"Hay naku, heto na naman po tayo." at kumain na lang ulit ako habang pinagmamasdan ang tatlong yun na member ng Cupid Heartthrobs na kasalukuyang umoorder na ng kanilang pagkain. They look so hoooot!
Then bigla na lang akong napaisip dun sa isang miyembro nila. Sino kaya yun? That mysterious guy? Nahihiwagaan ako e.
Dugdug. Dugdug.
At tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Ay kabayo! Argh! Kainis na puso 'to, laging kabado!
_______
End of Chapter 6. :)