Santernum Island [ON-GOING]

By nishcasa

114 10 1

Is it an enchanted island - or - a ghost island? More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

10 1 0
By nishcasa

Santernum Island
Written by: NiteCavilein

Namishka

Maaga akong gumising at tumulong kay Lola Saturnina na maglinis ng bakuran. Alas seis pa lang ng umaga ay gising na ako para magkape. Gaya ng nakasanayan, mahamog at malamig pa din ang paligid. Maaga ding gumising sina Damien at Vrandon upang sumama kayna Makino na libutin ang baryo. Si Catalina at Ariella naman ay nangunguha ng mga bulaklak sa tabi ng ilog. Si Charlotte ay naiwan dito kasama ko.

"You know what, Namishka Luna? I never thought that I would hold these kind of things in my beautiful entire life!" Saad ni Charlotte na hawak ang walis tambo at bunot. I rolled my eyes. What a spoiled brat!

"And you know what, Charlotte Rosales? You should learn on how to deal with other people because you are not in your house to act as a princess!" Pagkasabi ko n'on ay saka ko siya iniwan doon at ipinagpatuloy ang paglilinis sa likod-bahay.

Actually, I'm not used on doing household chores too but what should I do? I have no choice but to help Lola Saturnina and Catalina because as a really matter of fact, we are just staying here with them and eating the same food as theirs. And the most favorable thing we can do is to be nicer and more helpful for them.

Habang abala sa pagwawalis ng mga laglag at tuyong dahon ay biglang sumimoy ang malamig na hangin. Saglit akong tumigil dahil sa kaunting paninindig ng balahibo ko sa batok.

I shook my head. Patuloy akong naglinis hanggang sa parang pakiramdam ko ay may ibang tao sa bakuran. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin at lumingon-lingon sa paligid.

My forehead knotted when I saw nothing. The backyard is empty except of course of myself. Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at patuloy na naglinis.

Halos kalahating oras ang itinagal ko doon hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang lumang balon sa 'di kalayuan. Lola Saturnina's backyard is more larger than the front yard. There's also a lot of small plants planted here.

'Hush...'

Napapitlag ako nang makarinig ng isang boses. I roamed my eyes around but the backyard is really empty, it was filled by silence, but.. I can't be wrong, I know I heard it.. I heard someone's trying to whisper in my ears.

Napakurap ako nang sumipol ang hangin. Nagliparan ang mga tuyong dahon na inipon ko sa isang sulok.

'Halika..'

Isang maliit na boses ang tila em-echo sa pandinig ko. Para akong natigalgal habang nakatitig sa lumang balon. Dinamba ng kaba ang dibdib ko at palakas ng palakas ang pagtibok ng puso ko. It's like the old water well is pulling me to get near with it. My whole curiosity is eating me and I want to fulfill it by crossing the space between me and that weird water well.

Mahigpit akong napakapit sa dulo ng walis na hawak ko. Humakbang ako ng isa papunta sa direks'yon ng balon. Nanginginig ang katawan ko pero pakiramdam ko, may sariling isip ang mga paa ko para maglakad ng kusa. Dahan-dahan ang naging paglakad ko, nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba 'ko o hindi pero tuloy-tuloy namang humahakbang ang mga binti ko.

"Nami!" I almost shout when I heard Charlotte's voice.

Agad akong tumalikod sa balon at humarap sa direks'yon kung nasaan si Charlotte. Nakadungaw na siya ngayon sa bintana'ng nasa taas ng kwarto namin. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit?" Medyo malakas kong sigaw.

"Wala lang! Tapos ka na bang maglinis? Can you please help me here? Medyo malaki ang bahay ni Lola Saturnina and haler? I'm the only one who's cleaning!" Napabuntong-hininga ako at saka tumango. Iniwan ko muna ang walis na hawak ko do'n at pumasok sa loob ng bahay. Pumanhik ako sa taas upang tulungang maglinis ng kwarto.

Nang makarating sa itaas ay inaayos na ni Charlotte ang mga kama. Sakto namang napatapat ako sa malaking bintana kung saan dumungaw si Charlotte kanina. Nakaharap ito sa likod-bahay. Unti-unting naglandas ang paningin ko papunta sa lumang balon. And suddenly, my whole body seemed to stiffen when I saw a weird creature standing right there, seriously staring on us—no.. Kahit pinaninindigan ng balahibo ay sinundan ko pa rin kung saan nakatuon ang tingin ng nilalang na 'yon. At hindi ko inaasahang kay Charlotte ito nakatingin na ngayon ay isang dipa lang ang layo sa 'kin at abala sa pagtutupi ng kumot.

"C-Charlotte.." I heard myself stuttering. Inosente naman siyang lumingon at tiningnan ako nang may pagtataka.

"Hey! Ba't namumutla ka?" Natatawa nitong tanong.

Para akong maiiyak na ewan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa takot at panginginig.

"T-Tumingin ka sa labas ng bintana." Kumunot ang noo niya at lumapit sa 'kin. Para naman akong rebulto sa harap niya. Tumingin siya sa labas ng bintana at mas lalong kumunot ang noo.

"Hm? Tapos?" Balewalang sabi niya na para bang walang kakaiba do'n.

"M-May lalaki sa labas.."

"What?" Tumingin siya ng may pagtataka sa 'kin at muling ibinalik ang tingin sa may bakuran, "Anong lalaki? Wala naman, ah!"

Dahan-dahan akong tumingin sa labas. Napakurap-kurap pa 'ko ng makitang wala na do'n 'yung lalaki kanina. Ibinalik ko ang tingin ko sa kan'ya.

"H-He disappeared!"

"Ano? Ano bang sinasabi mo d'yan, Nami? Alam mo gutom lang 'yan!" Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa pagliligpit.

Naiwan akong nakatulala bago ibalik muli ang tingin sa may lumang balon. No, hindi 'to gutom lang! I saw him with my own eyes! Gusto kong isigaw 'yon pero para sa'n pa kung hindi din naman n'ya nakita? Siguradong hindi niya ako paniniwalaan.

Halos panindigan ako ng balahibo nang maalala ang nilalang na nakatayo kanina doon. Mahaba ang kulay itim nitong buhok at malaki ang pangangatawan. Nakahubad-baro at tanging bahag na kulay putik lang ang suot sa ibabang bahagi ng katawan. May mahahaba itong tainga at matatalas na kuko pero kahit gano'n, mala-adonis pa din ang itsura nito.

***

Tulala lang ako'ng pinapanood ang mga dahon habang nilalamon 'yon ng apoy. Hindi na ako muli pang naglinis sa likod-bahay, sa harap ng bahay ko na lang ipinagpatuloy ang paglilinis. Sa hula ko ay alas dies na ng umaga. Medyo tirik na din ang araw pero hindi naman mainit dito sa kinalalagyan ko dahil may malaki at matandang puno ng acacia dito sa harap ng bahay. Masarap din sa tainga ang huni ng mga ibon at sobrang nakaka-relax ang malamig na simoy ng hangin.

"Binibini!" Napalingon ako ng may taong sumigaw. Agad kong nakita ang isang babae na sa hula ko ay nasa mid 20's. Maganda ito at mahaba ang buhok ngunit ang agad nakaagaw ng pansin ko ay ang malaking umbok ng tiyan nito.

I smiled at her. Nakangiti ito sa 'kin. Nasa harap kasi siya ng bakuran at may bitbit na isang basket.

Tumayo ako sa pagkaka-upo at nilapitan siya. Muka naman siyang mabait.

"Tinatawag n'yo po ako?" Tumango ito habang may malaki pa ding ngiti sa labi.

"Mabuti at nakita kita. Ikaw iyong isa sa mga kabataang napadpad rito sa isla, hindi ba?" Tumango ako. Bakit ba sikat na sikat kami dito? Char'. Hahaha!

"Ah.. opo. Bakit po?" Mas lalo siyang ngumiti at may kinuha sa basket na dala niya.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang iabot niya sa 'kin ang limang piraso ng suman. Mainit-init pa ang mga iyon at nakabalot sa dahon ng saging.

"Iyan ang nais kong ibigay sa inyo dahil malugod ko kayong tinatanggap dito sa isla." I felt like my heart melted.

"Maraming salamat po!"

"Walang anuman. Ako nga pala si Corazon." Pakilala niya, "at doon lang ako nakatira sa bahay na iyon." tinuro niya ang bahay sa 'di kalayuan, maliit lamang iyon ngunit punong-puno ng mga halaman ang paligid. 

"Gano'n po ba? Ako po si Nami."

"Masaya akong nakilala kita, Nami. Siya nga pala," nawala ang ngiti ko nang makita ang pagseryoso ng kan'yang ekspresyon, "Kung may napapansin kang kakaiba rito sa isla ay huwag mo na lamang pansinin."

Napakunot ang noo ko. Agad na pumasok sa isip ko ang mga weirdo'ng pangyayari na nararanasan ko dito sa isla. Agad akong kinilabutan, pakiramdam ko ay may alam si Ate Corazon sa lahat ng 'yon.

"Bakit po? M-May alam po ba kayo tungkol sa mga nakakatakot na—"

"Kung may maramdaman ka man, hayaan mo lang sila dahil kung magpapadala ka sa takot na nararamdaman mo ay mas lalo ka lamang nilang tatakutin." Bulong niya. Bakit kailangan pang ibulong?

"Ate Corazon, ano po ba ang meron sa islang ito? Bakit—" agad niya ako pinutol.

"Huwag ka nang magtanong at hayaan mo na lamang sila. Sige, mauna na ako dahil baka hinahanap na ako ng aking asawa. Maraming salamat, Nami! Sa susunod muli!" hindi na ako nakaangal pa nang maglakad na siya palayo. Napabuntong hininga ako.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong nanginginig. Sobrang nadala ako sa sinabi ni Ate Corazon. Ang daming tanong tuloy ang pumapasok sa isip ko.

Alam ko, hindi pangkaraniwang isla ang lugar na ito. Sobrang creepy ng bawat pangyayari. Nakakapagtaka lahat. Pa'nong tila napag-iwanan ng panahon ang islang ito? Bakit nabubuhay pa din sila sa mga makalumang tradisyon at kinagawian? Ang pananalita, ang mga gawain at gano'n din ang mga kagamitan, bakit pakiramdam ko ay nagtime travel kaming magkakaibigan sa taong 1970 o 1985? Tsk! Kakapanood ko na talaga 'to ng mga movie!

"Huy!" Napapitlag ako nang may sumundot sa braso ko. Muntik na akong atakehin sa puso. Masama kong tiningnan si Charlotte na nasa likuran ko.

"Ba't ka ba nanggugulat!?" Pagalit kong asik na ikinatawa niya.

"Eh, ba't ka din ba nakatulala d'yan? Alam mo, kanina ka pang umaga eh! Naho-homesick ka, 'no?" Bumuntong-hininga ako.

Dapat ko bang sabihin sa kanila ang mga napapansin ko dito sa isla? Sa tingin ko, 'wag muna ngayon. Kung ipapaalam ko 'yun, dalawang choices lang ang p'wedeng kahantungan ng lahat. Una, matatakot sila at posibleng madaliin nila ang pag-alis dito na hindi naman p'wede dahil delikado ang dagat. Pangalawa, baka hindi nila ako paniwalaan at sa huli ay pagtawanan lang.

Hayst. What should I do? Do I need to hide it from them for now? Or tell them those creepy things that I had been experienced so that they would be aware.

"Huy, ano ba?" Napakurap ako. Nakatulala na pala ako sa muka ni Charlotte. Inilapat n'ya ang likod ng kaniyang palad sa noo ko, "Wala ka namang sakit, ah! Ano bang nangyayari sa'yo, Nami?"

Umiwas ako, "Okay lang ako." I forced to smile before handing her the suman. "May babae nga palang pumunta dito para mag-abot ng suman, pa-welcome daw niya sa 'tin. Siya si Ate Corazon at doon lang s'ya nakatira sa bahay na 'yon." Itinuro ko ang bahay-kubo sa 'di kalayuan.

Nagningning ang kaniyang mga mata, "Really? Kapag nakita ko s'ya, pasasalamatan ko talaga siya ng maraming-marami! Favorite ko kaya ang suman!"

Sinimulan niya nang lantakan ang suman nang maka-upo kami sa kawaya'ng upuan na nakakabit sa puno ng acacia. Wala sa sarili akong napatingala sa puno. Tumitig lang ako ilang saglit doon. May katandaan na ang puno at napakalalaki na ng mga sanga. Nai-imagine ko tuloy na bubuka ang katawan nito at magkakaroon ng pinto. Tsk!

Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw na namin si Damien at Vrandon na paparating kasama sina Makino, Simeon at s'yempre, si Zernikel. Nagtatawanan pa ang mga ito.

"Sabi ko naman sa iyo, talagang maganda si Pamela." Napakunot ang noo ko nang marinig si Zernikel.

Pamela? At sino naman 'yon?

"Oo nga, eh. Pero masyadong mahiyain." Sang-ayon ni Vrandon na pinupunasan ang sariling pawis gamit ang mahabang bimpo.

"Ilap sa mga tao si Pamela, ni wala ngang nanliligaw roon dahil ang balita'y hinahabol daw ni Mang Fausto ng itak ang mga binatang nagtatangka." Sabat ni Simeon.

Nagpatango-tango si Vrandon, "Ikaw, Zernikel, pansin ko kanina sa'yo tingin ng tingin si Pamela. Siguro gusto ka n'on."

Napataas ang kilay ko.

Pumasok na sila sa bakuran at hindi pa kami nililingon, busy sa pagk'we-k'wentuhan ang mga ito maliban kay Damien na umupo sa tabi namin ni Charlotte.

Awkward namang ngumiti si Zernikel at nagkamot sa batok, "siguro nga."

Natawa si Vrandon.

"Naku, tunay namang may gusto si Pamela kay Zernikel noon pa man. Hindi lamang makadiskarte itong kaibigan natin dahil takot mataga ng itak." Nakangising saad ni Makino. Lahat ay napa- oh dahil sa isiniwalat nito. Pero ako? Hindi ko alam kung ba't napairap ang mga mata ko. Sino ba 'yung Pamela na 'yon?

"Makino, huwag mo nang ipagsabi. Nakakahiya." Mahinang sabi ni Zernikel.

"Hayaan mo, Zernikel, tutulungan ka naming umakyat ng ligaw kay Pamela. Huwag kang matakot kay Mang Fausto, nananakot lamang ang itak niyon." Tinapik ni Simeon ang balikat ni Zernikel.

Bakit ba hindi man lang nila napapansin na 'andito kami!?

"S-Sige.." nahihiyang sagot ni Zernikel.

S-Sige? So, ibig sabihin.. G na G siyang ligawan 'yung Pamela na 'yon?  Eh, 'Di sana all!

"Oh! Nariyan pala kayo, Binibining Nami at Charlotta." Tila nagulat pa si Simeon nang makita kami.

"What!? P-Paki-ulit nga ng pagbanggit mo sa pangalan ko?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Charlotte.

Ngumisi si Simeon, "Charlotta?"

Nagulat na lang kami ng padabog na tumayo si Charlotte at galit na tumingin kay Simeon.

"Ang pangalan ko ay 'Charlotte' at hindi 'Charlotta'!" Nai-imagine ko tuloy na umuusok na ang dalawang butas ng ilong nito.

"Bakit ba? Mas maganda kung 'Charlotta' na lamang ang itatawag ko sa iyo." Pang-aasar pa lalo ni Simeon.

"Hindi nga 'Charlotta'! Ayoko n'yan! Ang pangit-pangit sa pandinig!" Pag-iinarte ng kausap.

"Ngunit mas maganda sa pandinig ko ang 'Charlotta' kaysa naman sa 'Charlotte' na napakapangit pakinggan."

"Bwiset! Ang pangit din naman ng pangalan mo, kaugali mo dahil Simeon-yo ka!" Nanlaki ang mga mata ko. Simeon-yo? Demony— what the eff!? Masama ang loob na nag-walk out si Charlotte.

Gulat na gulat kami habang nakasunod ang tingin sa kaniya.

"Binibining Nami.." napalingon ako kay Zernikel nang tawagin niya ako, "Saan galing ang suman na hawak m—"

"Pakialam mo?!" Masungit kong sabi at padabog na sinundan si Charlotte sa loob ng bahay.

Angas, nag-walk out.

***

Continue Reading

You'll Also Like

12.8M 588K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
730K 31.1K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
2.5M 87.7K 39
(U Series #1) Para kay Chino Alejandro, the best thing about life is its simplicity. Panatag ang loob niyang nakakakain ang pamilya nila tatlong be...
527K 34.9K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...
Wattpad App - Unlock exclusive features