SHS SERIES II: CHASING THE MO...

Od 3shaaah

3.1K 151 0

SHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle... Viac

WORK OF FICTION
CHASING THE MOON
POINT OF VIEW
(01)
(02)
(03)
(04)
(05)
(06)
(08)
(09)
(10)
(11)
(12)
(13)
(14)
(15)
(16)
(17)
(18)
(19)
(20)
(21)
(22)
(23)
(24)
(25)
(26)
(27)
(28)
(29)
(30)
(31)
(32)
(33)
(34)
(35)
EPILOGUE
CHASING THE MOON

(07)

64 4 0
Od 3shaaah

"Kuya crush ka daw ni Yhanna" sabi ko kay Kuya.



Sumama naman ang tingin ni Kuya sa akin. Nasa kwarto kami pumasok at naabutan namin si Kuya na nakahiga doon.



"Sira" natatawang singhal ni Kuya.



"Anong name mo?" tanong ni Yhanna sa kaniya na ikinagulat ni Kuya.



"L-Lacson" sagot nito.



Dahil nakahiga si Kuya ay naupo naman ako sa tabi niya, hindi ko inaasahan na susunod din ang mga kaibigan ko.



"Ganda ng name mo, bagay sayo" sabi ni Yhanna na ikinapula ng pisngi ni kuya, natawa naman ako.



"Mas bagay kayo" sabi ni Heliexia, gumatong gatong naman si Yullyz na kunwari kinikilig.



"Hoy gagi" nahihiyang sabi ni Kuya na tatayo sana kaso itinulak siya ni Yhanna na ikinagulat ni Kuya.



Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ni Kuya. Hindi ko namankasi maitatanggi na sobrang ganda ng mga kaibigan ko. Si Yullyz ang pinakamaganda sa amin, tahimik nga lang. Pumapangalawa si Yhanna, mataray nga lang. Sunod si Heliexia, hindi ko siya masasabing maganda dahil cute siya, maliit na maingay.



"Lacon" tawag ni Heliexia kay Kuya. "Si Yhanna nga pala" pagpapakilala nito kay Yhanna na tinulak pa ito dahilan para matumba ito sa ibabaw ni Kuya.



Agad namang umiwas si Yhanna at tumayo. "Gagi mali naman 'yung tulak mo! Dapat diretso sa labi" biro naman ni Yhanna.



Natawa naman kaming lahat maliban kay Kuya na masama na ang tingin sa akin.



"Napakaano niyo naman. Ang babata niyo pa e tsk tsaka anong Lacson? Kuya Lacson"



Hindi siya pinansin ng mga kaibigan ko na tuloy lang sa pagtawa.



"Bagay kayong dalawa" sulsul naman ni Yullyz kay Kuya at Yhanna.



"Halata naman" nakangiwing sabi ni Yhanna na nilingon pa si Kuya.



Alam kong nagbibiro lang sila kaya ganiyan kalakas ang loob ng mga ito. Siguro nga crush ni Yhanna si Kuya pero hindi mo mahahalataan na naiilang siya.



"Kaso mas matanda sayo si Lacson" sabi naman ni Heliexia.



"Age doesn't matter nga" mataray na sabi ni Yhanna.



Hindi na yata ako matigil kakatawa dahil sa pinaggagagawa nila.



Lumabas kaming apat kahit gabi na. Nagpaalam ako kay Mama at Papa at pinayagan naman ako, sinama ko na din si Kuya para makagala din siya at malimutan muna saglit ang lungkot.



Talagang loko ang mga kaibigan ko dahil pinagtitripan nila si Kuya. Nasa gilid kami ng kalsada naglalakad papunta sa nagtitinda ng streetfoods, ito ang kadalasang bonding naming magkakaibigan.



"Ikalma niyo ako na!" sigaw ni Yhanna na hinila si Kuya papalapit sa kaniya at hawakan ang kamay nito.



Naiilang naman si Kuya sa pinaggagagawa ng mga kaibigan ko. Kanina pa kasi siya hinihila ni Yhanna habang makulit naman itong si Heliexia. Si Yullyz at ako ay nakikitawa lang.



Maraming tao ang nasa labas at dahil City ito ay maraming matataas na gusali. Maraming streetlight sa paligid at maraming sasakyan, maingay.



Nabulabog kami ng may bumusina ng pagkalakas lakas. Nagulat na lang kami ng biglang hilain ni Kuya si Yhanna papalapit sa kaniya. Kaya pala bumusina ang sasakyang 'yun dahil nasa kalsada na si Yhanna.



"Tsk" singhal ni Kuya na binaliktad pa ang pwesto nila.



Ang kaninang malapit si Yhanna sa kalsada, ngayon ay si Kuya na na habang hawak ang kamay ni Yhanna. Naistatwa naman si Yhanna sa ginawa ni Kuya.



"Ayieeeeeee" pang aasar naming tatlo sa kanila pero hindi natinag si Yhanna na tutok ang titig kay Kuya.



"Oy ikaw ha! Sinadya mo 'yun ano!" pambibintang ni Heliexia na tinulak pa si Yhanna.



Nanatili ng tahimik si Yhanna hanggang sa makarating kami sa mga nagtitinda ng fishball. Agad naming kinain 'yun habang si Kuya ay bumalik sa nagtitinda, may binibili at naiwan kaming apat.



"Gentleman ng Kuya ko ano" natatawang sabi ko kay Yhanna na siniko pa ito.



"Psh. Sobra kaya nga matatanggal na puso ko kanina dahil sa may malakas na busina at basta basta na lang ako hinila ng Kuya mo" sabi ni Yhanna na ikinatawa namin.



Nanlaki na lang ang mata namin ng abutan ni Kuya si Yhanna ng juice. Ang akala namin ay siya lang pero tig iisa pala kami.



"Bait bait naman Lacson" pambobola ni Heliexia.



"Kuya Lacson" pagdidiin naman ni Kuya na ikinailing ni Heliexia habang nakangiti.



"Mag-e-stay ka dito sa Pasig?" tanong ni Yhanna kay Kuya na pareho naming ikinagulat.



"H-Hindi. Isang linggo lang kami dito tapos uuwi na kami ng Bicol kasi nag aaral din ako" sabi ni Kuya na nilingon pa ako.



"Bakit kayo umuwi dito?" nagtatakang tanong ni Yullyz.



Napalingon naman sa akin si Kuya. "B-bibisitahin lang siya" sabi ni Kuya na tinuro pa ako.



Hindi niya sinabi ang totoo. Paniguradong ayaw niya din malaman na malapit siya sa mga Jeon.



"Sayang hindi ka na pala namin makakasama sa streetfoods next week" sabi ni Heliexia.



Napalingon naman sa kaniya si Kuya tsaka ngumiti. "Magkikita kita pa naman tayo balang araw" sabi ni Kuya na nilingon ulit ako.



"Sayang wala ng labidab si Yhanna" pang aasar naman ni Yullyz na nilingon pa si Yhanna.



Napalingon naman si Kuya kay Yhanna na ikinailang ni Yhanna.



"Ang bata niyo pa" sabi ni Kuya habang tumatawa.



"Age doesn't matter nga daw" sabay sabay na sabi naming tatlo nina Heliexia at Yullyz habang palipat lipat ng tingin kay Yhanna at Kuya.



Nagtawanan naman kami dahil iisa ang naiisip namin.



Nang maubos namin ang fishball ay nagyaya si Yullyz na magmall, libre niya daw dahil binigyan siya ng magulang niya ng pera. Naglaro kami ng mga machine sa Mall, bumili din kami ng fries at bumili ng bracelet na pare pareho.



"Kailan pa kayo naging magkakaibigan?" tanong ni Kuya habang tinitignan ang bracelet naming magkakapareho, pati kasi siya ay binigyan ni Yullyz.



"Since 1st year high school" sagot naman ni Yullyz.



"Couple kayong dalawa ah Yieee" pang aasar ni Heliexia na pinagtabi pa ang kamay nina Kuya ay Yhanna na may suot ng bracelet.



Lahat kami may bracelet kaso iba iba ang kulay pero iisa ang disenyo. Ang sa akin ay kulay purple na parang goma na pinagtirintas tsaka may naksabit na stars. Kulay black kay Heliexia habang kulay red kay Yullyz. Kulay asul naman ang kay Kuya at Yhanna, sinadya ni Yullyz.



"Ayos nga para may memories ako kahit papaano" nakangiting sabi ni Kuya habang pinagmasdan ang parehong bracelet nila ni Yhanna tsaka lumingon kay Yhanna.



Namula naman si Yhanna at umiwas ng tingin. Tatalon talon naman si Heliexia na halatang kinikilig habang si Yullyz naman ay nakangiting inaasar si Yhanna habang ako ay si Kuya naman ang inaasar.



Wala namang masama dahil ilan lang naman ang pagitan ng edad nila. 16 si Yhanna habang 18 si Kuya. Ayos lang naman ah!



"Maraming lalaki daw na nagkakagusto sa'yo sa Campus niyo?" kunot noong tanong ni Kuya.



Nanlaki naman ang mata kong napalingon kay 'nay Sally, ngumiwi naman ito at nagkibit balikat. Wala si Mama at Papa dahil tumutulong kina tito Primo habang si Kuya ay nag paiwan dito para makasama man lang ako dahil malapit na silang umuwi.



"S-Saan mo naman nalaman 'yan Kuya?" nagtatakang tanong ko na nilingon pa si Kuya.



"Tsk saan mo pa? Edi sa mga kaibigan mo nga madudulas ang dila" maktol ni Kuya.



Napasimangot ako. Ang dadaldal ng mga taong 'yun sa ganitong bagay, hindi man lang maglihim kahit minsan.



"Maganda naman kasi ang kapatid mo, 'wag ka ng magtaka" nakangiting sabi ni 'nay Sally na kinindatan pa ako.



Napalingon naman sa akin si Kuya na napangiti din at iiling iling.



"Ihahatid kita sa Campus niyo" sabi ni Kuya na ikinalingon ko.



"B-bakit?" naiilang na tanong ko.



"Gusto ko lang makita ang Campus na pinapasukan mo. Bakit? May tinatago ka bang lalaki doon?" Nakataas ng kilay niya ng itanong 'yun.



"H-Ha? Wala ah!" Depensa ko kaagad.




"Wala naman pala e tara na." Yaya niya.



Ngumiti naman ako at tumango. Ang akala ko e may susugurin na siya Campus tsh.



Nang maihatid kami ni 'nay Sally sa Campus ay naglingunan ang mga estudyante sa amin ng makababa kami ng kotse. Hindi na sumama si 'nay Sally at maghihintay na lang daw siya sa Parking lot. Kasama ko si Kuya dahilan para manibago ang mga estudyante.



"Grabe sikat ka pala dito" bulong sa akin ni Kuya na natatawa pa.



Napangiwi naman ako. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang dahilan kung bakit sila naglilingunan, feeling ko kasi ay si Kuya ang dahilan kung bakit sila naninibago.



"Ohmygash gwapings!"
"Magjowa sila?"
"Magjowa? Really? Magkamukha sila tangeks!"
"Luh gagi pogi!"



Tilian ng mga babae sa gilid. Napanguso na lang akong napayuko.



"Saan ba ang room mo?" nagtatakang tanong ni Kuya na nilibot pa ang tingin.



"Sa 3rd floor" sabi ko.



"Hoyyy Lacson!" bungad ni Heliexia sa first floor, sa may hagdan pataas.



"Pumunta talaga dito si Lacson para sa akin, hindi ba?" sabi naman ni Yhanna na tinaasan pa ng kilay si Kuya.



Ngumiti naman si Kuya na tumango tango pa.



"Baka seryosohin ka ni Kuya Yhanna" natatawang sabi ko.



Hindi ako pinansin ni Yhanna at hinawakan pa ang kamay ni Kuya, hinila paakyat. Nasa likod naman kaming tatlo habang si Kuya ay hindi natapos ang mata kakalibot ng tingin.



"Hindi na ako magtataka kung magkatuluyan 'yang dalawa" natatawang bulong sa akin ni Heliexia.



Wala sakin problema 'yun kahit na may pagitan ang edad nila. Sabi nga ni Yhanna. Age doesn't matter.



Nang makarating kami ng room ay ganu'n pa rin ang bulungan. Magiging hearthrob pa yata si Kuya dito.



Napalunok ako ng magtama ang tingin namin ni Minux. Pataas siya ng hagdan, papunta sa room nila. Agad din siyang umiwas ng tingin sa akin at napunta ang tingin kay Kuya. Walang nagbabago ang reaksyon niya at nanatiling seryoso habang nakapasok ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa. Kasama ang kaibigan niya at pinsan ng kaibigan niya.



"Minux!" tawag ni Heliexia, pinandilatan ko naman siya ng mata pero hindi niya ako napansin.



"Yullyz" nakangiting sabi ni Nash na lumapit kay Yullyz.



"Hi Kell" maharot na pagkakasabi ni Heliexia, napasinghal naman ako. "By the way Hi Minux, meet Jiwell's brother" pagpapakilala nito kay Kuya.



Tumalim naman ang tingin ni Kuya kay Minux pero agad itong ngumiti at nakipagkamay. Tinignan naman 'yun ni Minux. Kinakabahan ako dahil napakacold niya ngayon. Nakahinga lang ako ng malalim ng makipagkamay din si Minux.



"Mauna na kami, maaga ang pasok namin." paalam ni Minux na tinignan kaming lahat, seryoso ang mukha. "Nice to meet you" sabi nito kay Kuya tsaka tumalikod kasabay ng kaibigan niya.



"Ang cold naman 'nun" bulong ni Kuya na tinuro pa ang dinaanan ni Minux habang nakatingin sa akin. "Yun ang manliligaw mo dati?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang sinamaan ng tingin ang mga kaibigan ko.



"H-Hindi ko 'yun manliligaw" sabi ko.



"Hindi pero nililibre? Hinahatid? Kinukulit? Binibigyan ng kung an-"



"Tsh" napasinghal ako sa dami ng sinasabi niya.



"Biro lang!" natatawang sabi ni Kuya. "Sasamahan ko kayo mamayang uwian, streetfoods ulit tayo"



Nagngitian muna kami bago tumalikod si Kuya at umalis. Pumasok na rin kami ng room. Maya maya lang ay nagsimula na ang klase. Nakakatuwa lang na good mood ako ngayon kaya focus ako sa pakikinig at ganado akong nagsusulat.



Nang magbreaktime ay nanlibre ulit si Yullyz, syempre hindi na ako tumanggi dahil ang baon ko ay matitipon ko. Hindi ko alam kung ilan na ang tipon ko sa alkansiya at balak kong buksan 'yun kapag pasko bilang panregalo sa magulang ko.



Nang mag uwian naman ay nakita ko kaagad si Kuya kasama si 'nay Sally.



"Dito na kayo sumabay pauwi, diretso tayo sa kakainan natin" sabi ni Kuya.



Excited namin kaming nagsiksikan na apat sa likod habang nasa passenger sit si Kuya. Ibinaba kami ni 'nay Sally sa pinagkainan namin 'nung nakaraan at tawagan na lang daw siya kapag gustong magpasundo.



"Napapadalas yata pagiging mabait mo Kuya" pang uuto ko ng abutan niya kami ng soft drink.



"Baka dahil kay Yhanna" panunukso din ni Yullyz.



"Sus! Hindi na ako magtataka kung kayo ang magkatuluyan" sabi ni Heliexia na siniko pa si Yhanna.



"Buti at hindi ka nahawa sa mga kaharutan nitong kaibigan mo" sabi ni Kuya, ako ang kausap.



"Bakit sa akin napunta ang usapan?" nakangusong tanong ko.



Nanatili kaming masaya at kung saan saan pumupunta. Nagyaya din sila na pumunta ng perya kaya doon naman kami tumambay. Nakakapansin din kami na napapalapit na si Kuya kay Yhanna. Grabe! Nagbibiruan lang naman sila pero parang totoo na.



"Tignan mo 'yung kamay ng Kuya mo oh!" bulong ni Heliexia sa akin.



Napatingin naman ako doon at nakita kong nakaalalay ang kamay ni Kuya sa bewang ni Yhanna habang nakaupo sila sa harap ng isang palaro. Napasinghal naman ako habang iiling iling.



"Bagay naman sila" sabi naman ni Yullyz.



"Tss. Ako lang yata walang lovelife sa atin kainis! Kailan ko kaya masusungkit ang isang Luxzell Jeon?" napakaO.A na sabi ni Heliexia na nakatingala pa habang kunwaring may inaabot.



Napasinghal kami ni Yullyz at iniwan si Heliexia at tumabi kay Kuya.

****

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

43.2K 257 53
R18/ROMANCE/TEEN/DRAMA/MATURE CONTENT The stories that are listed here are random genres and all completed. Enjoy! I only include stories that I've...
4K 61 11
After more than 30 years of service as one of the Navy's top aviators, Pete "Maverick" Mitchell is where he belongs, pushing the envelope as a courag...
7.1K 148 26
The recreated of MEIMB.
32.6K 1.1K 32
Mahirap mag mahal kapag ikaw lang ang nag mamahal lalo na yong mahal mo ay may mahal na iba at sa una pa lang alam mo na sa sarili mo na hindi ikaw...