Race for Love (Hacienda Sevid...

By kryshanixxim

8.7K 454 66

NOTE: BEFORE YOU READ THIS STORY, I ADVICE YOU TO READ THE FIRST STORY OF THE HACIENDA SEVIDA SERIES, OPEN TH... More

MUST READ
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
EPILOGUE

KABANATA 34

115 7 3
By kryshanixxim

"Where nga tayo pupunta?" pangungulit ni Samantha habang naglalakad sila papalapit sa rouser niya,

"to  my favorite spot in hacienda," matipid na sagot niya saka hinarap si Samantha,

"What are we gonna gawa there? like...we're not doing the 'thing' na iniisip ko right?" tanong pa nito, nagsalubong ang kilay niya saka siya natawa kay Samantha,

"no, we're not gonna do that..." natatawang sagot niya pa, nag-iwas naman ng tingin si Samantha sa kaniya saka nahihiyang natawa sa kaniya, pinigilan naman niya ang sarili na matawa kay Samantha na pinagsisipa ang bato na nasa may paahan nito,

"pero pwede,"  natatawang panunukso niya kay Samantha na halatang nagulat sa sinabi niya, nag-angat ito ng tingin a kaniya, halatang gulat na gulat sa sinabi niya, hindi niya na napigilan ang sarili at natawa na siya kay Samantha,

"Let's go na nga," naiinis kunwari na sabi ni Samantha sa kaniya saka siya marahan na sinuntok sa may tiyan nang madaanan siya nito, natawa at naiiling nalang siya,

Inayos niya na ang helmet niya saka siya nagpaumunang sumakay sa rouser, kasunod na sumakay si Samantha na humawak sa braso niya upang doon kumuha ng lakas.

He stole a glance to Samantha's gorgeous hands, those sexy red nail polish on her nails turn him on. Dumagdag pa ang maputi, makinis at mabangong balat nito, he slightly shakes his head and smirks. That's his,

"Anong model tong rouser mo?" tanong ni Samantha sa kaniya habang inaayos ang upo nito sa likoran niya,

"Rouser RS200," sagot niya,

"oh really? this is really gorgeous, I didn't know nagmo-motor ka pala," tugo niya pa, tumango naman siya saka nilingon si Samantha habang pinaandar ang makina ng motor,

"hold on tight, my love," nakangiting sabi niya kay Samantha na kumapit sa damit niya, nagbaba siya ng tingin sa kamay ni Samantha at bahagyang nainis dahil ang inaasahan niya ay yayakap ito sa beywang niya ngunit imbes na ganoon ay nakahawak lang ito sa damit niya,

Hinayaan nalang niya iyon at saka siya umismid nang makaisip ng kalokohan.

"You ready?" tanong niya kay Samantha,

"yes-AAAAHHH!!!!" sigaw ni Samantha, hindi man lang niya piinatapos sa pagsagot si Samantha, agad siyang natawa dahil sa tinis ng boses nito at gaya ng plano niya ay tuloyang napahawak si Samantha sa tiyan niya,

"gago ka!!" rinig niyang sigaw ni Samntha mula sa likod, bahagya pa siyang napaigik nang kurotin siya ni Samantha sa tagiliran, ngunit kahit na masakit ang pagkakakurot ay nakuha niya pa ding matawa sa naging reaction ni Samantha na nadagdagan naman,

"Arghhh!!! putang mother! mag dahaan-dahan ka sa pagmamaneho!" sigaw ni Samantha mula sa likod, sinunod naman niya ang sinabi nito, mabilis naman siyang nakatanggap ng isang malutong na hampas kay Samantha sa likod,

"gago ka talaga, pano kung nahulog ako there?" naiinis na  tanong ni Samantha sa kaniya,

"I would still catch you even if you fall on a deeper place," seryosong sagot niya pa,natigiln ng ilang segundo si Samamantha at maya-maya lang ay nakatanggap muli siya ng hampas, tuloy ay muntikan na silang matumba sa sinasakyan na motor,

Hindi na muling nagsalita si Samantha hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila, hininto niya ang motor malapit sa pinakamalaking puno ng mangga na naroon, matapos niyang patayin ang makina ay inalay niya ang kamay niya kay Samantha upang may hawakan ito sa pagbaba,

Napalingon naman siya kay Samantha na inis siyang tiningnan, natawa siya saka muling inalay ang kamay kay Samantha,

"oh 'cmon, don't be mad at me." natatawang sabi niya kay Samantha na agad naman umismid at umirap sa kaniya,

Kapagkuwan ay hinawakan nito ang kamay niya saka marahan na bumaba sa motor. Siya ang sunod na bumaba sa motor at matapos non ay tinanggal niya na ang helmet, sakto namang pag lingon niya kay Samantha ay binalik na nito ang helmet sa kaniya,

Pinatong niya sa tanke ng motor ang isa habang sa manibela naman ang isa. Nagpaumunang naglakad si Samantha papunta sa malaking puno ng mangga habang siya naman ay tinatanggal ang suot na driving gloves,

"What's magical in here?" tanong ni Samantha sa kaniya, napaismid naman agad siya dito saka tinapos ang pagtatanggal ng driving gloves,

Pinatong niya ang driving gloves sa manibela ng motor saka siya naglakad papunta kay Samantha na panay ang tingin sa paligid,

"You haven't seen the magical yet, you'll see it by nine pm tonight," ani niya pa, marahan naman na tumango si Samantha,

"Hindi ba tayo mag di-dinner?" tanong ni Samantha sa kaniya,

"sa taas na," sagot niya saka tumingala sa puno ng mangga,

"sa —where?" tanong ni Samantha, animong hindi narinig ang sinabi niya,

"Sa taas," seryosong pag-uulit niya sa sagot niya kanina,

"Sa taas? where?" sagot nito sabay tingala sa puno ng mangga,

Nginitian niya si Samantha saka inakbayan ito, "come with me and I'll show you," nakangiting sabi niya kay Samantha,

Puno ng pagtataka lang siyang liningon ni Samantha, hinila niya ito sa kamay saka sila lumapit sa malaking puno ng mangga,

Takha siyang tiningnan ni Samantha nang huminto sila sa harapang bahagi ng puno, natawa naman agad siya sa reaction ni Samantha dahil sa pagtataka. Hinawi niya ang mga vine na humaharang sa sa malaking puno ng mangga, bumulaga sa kanila ang isang pinto na mas lalo namang kinagulat ni Samantha,

"I-is there a tree house there?" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha sa kaniya, mabilis naman siyang tumango,

"yep, a magical tree house." sagot niya bago buksan ang pinto na naroon,

PInauna niya sa Samantha sa pagpasok sa loob, sinara niya ang pinto at agad na pinindot ang switch na nasa may pintoan, umilaw ang mga torch na siyang naging ilaw at gabay sa hagdanan papunta sa taas,

Nilingon siya ni Samantha saka ito ngumiti ng kaygalak sa kaniya, naunang umakyat si Samantha habang siya naman ay nakasunod lang rito, nakangiti at natutuwa dahil sa naging reaksyon ni Samantha,

"I neve-" natigil si Samantha sa pagsasalita nang mapagtanto na nag-e-echo ang boses nito sa buong lugar. Humagikhik ito at muli siyang nilingon nang dahil sa tuwa,

"nag-e-echo! cool!" parang bata na bulalas nito sabay hagikhik, napangiti siya saka huminto muna upang titigan ang nobya,

He smiled as he stare at her girl, the smile she's wearing right now is the smile he saw when she won the race and defeated him. The most genuine smile he ever saw and loved,

"...are you listening?" bigla ay napukaw siya sa tanong na iyon,

"I'm sorry, what was that again?" tanong niya saka marahan na lumapit kay Samantha, ngumuso naman agad si Samantha saka inis siyang tiningnan, natawa siya sa reaksyon na iyon kung kaya ay mabilis niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ni Samantha at hinalikan ito sa noo,

"I'm sorry, I was just mesmerizing the beauty of the girl I love the most," nakangiting sabi niya kay Samantha saka hinalikan ito muli sa noo,

"is that totoo?" tanong nito sa kaniya, tumango naman siya saka sila sabay na umakyat sa huling likoan ng hagdanan hanggang sa narating nila ang isa pang pinto,

"so...there's another door in here?" tanong sa kaniya ni Samantha, tumango naman siya saka niluhod ang isaang tuhod upang ibuka ang mat na naroon, doon ay kinuha niya ang susi ng pinto na iyon,

Tumayo siya ng maayos saka binigay kay Samantha ang susi na gulat nama nitong tinanggap, "ako ang mag-o-open nito?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya, tumango siya at muling tinitigan ang nobya na masayang tinitigan ang susi,

Ginawa na ni Samantha ang sinabi niya, sinusian nito ang pinto at nang mabuksan ito ay muli pa siya nitong nilingon nang dahil sa tuwa. Nakangiti niyang ginaya ang loob kay Samantha, agad naman nitong tinulak ang pinto at agad na pumasok sa loob,

Sumunod siya at hindi na siya nagulat nang makitang gulat na gulat si Samantha sa interior design ng tree house niya, napangangha at napatakip ito sa sobrang pagkamangha.

"I can't believe you have this beautiful tree house up here, nakakamangha...hindi halata sa labas...h-how is this...this is indeed magical!" masayang bulalas nito, ngumiti siya saka lumapit sa wooden fridge na naroon,

"I'm glad you liked it," nakangiting sabi niya saka kumuha ng malamig na tubig mula sa wooden fridge at dalawang wine glass sa cup board,

"I don't like it...I love it," puno ng emosyon na sabi nito sa kaniya, muli naman siyang napangiti saka siya nagsalin ng tubig sa wine glass na kinuha,

"where'd you get that water? and it's cold..." gulat na tanong nito sa kaniya, tinuro niya ang fridge na naroon,

"wow, I'm such an ignorant person" bulalas pa ni Samantha, natawa nalang siya saka binigay kay Samantha ang isa na agad naman nitong tinanggap,

"palagi ka ba dito?" tanong niya,

"Mm, dati, dito na nga ako halos natutulog eh, kaso natigil na nung nakapagtapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho agad. Nagtayo ako ng business dahilan para mas lalo akong maging busy, dumagdag pa ang racing career ko kaya...once a year nalang akong narito at minsan hindi pa talaga ako nakakabisita," paliwanag niya kay Samantha na agad naman nilibot ang tingin sa buong lugar,

"but... it's clean...and you have stock tubig with you...how is that possible? did you visit here kahapon?" sunod-sunod na tanong nito, tumango naman siya saka uminom ng tubig.

"Yeps, and kahapon lang din ako naglinis kasama si manang Edang." paliwanag niya,

"and why mo naisip na bumalik dito?" seryosong tanong nito,

"well...to create a wonderful and unforgettable experience with my girlfriend.

"talaga?" namumulang tanong ni Samantha sa kaniya, ngumiti naman siya saka hinila si Samantha at hinalikan ang noo nito,

"Of course. This will be our hang out spot...kung gusto mo dito nalang din natin gawin ang panganay nating anak," biro niya pa sa huli, agad naman siyang nakatanggap ng kurot sa tagiliran mula kay Samantha,

"you're so gago talaga," inis na bulalas ni Samantha sabay kurot sa tagiliran niya saka sila natawa,
















HABANG nagluluto si Edgar ay naglilibot naman si Samantha sa buong tree house. Hindi naman maliit ang tree house at hindi rin gaanong kalaki,

Moderno ang disenyo at sa isang lugar lang nakalagay ang lahat. Ang kama na nasa gilid ng glass window, katabi non ay mini book shelf. Sa harap ng kama ay ang isang aesthetic hammock chair na siyang nakaharap sa bintana, parang sinadya na doon ilagay upang mapanood ang magandang tanawin sa labas,

Sa tabi ng hammock ang cloth rack at sa ilalim non ay ang shoe rack naman. May sliding door sa tabi na sabi ni Edgar ay isang rest room.

Sa kaliwang bahagi sa may pintoan ay ang maliit na kusina na may isang island counter at cupboard sa ibabaw, naroon ang mga pinggan at iba pang gamit kapag kumakain at magluluto,

Sa kanan naman ay isang center table na korean style, nasa magkabilang dulo ang mga throw pillow.

"Ang beautiful talaga," hindi parin makapaniwalang bulalas niya saka nilingon si Edgar na naghihiwa ng mga sibuyas,

"You look so good magluto," komento niya habang nakatingin kay Edgar na ekspertong naghihiwa,

"is it bad? I mean...that I know how to cook?" tanong nito sa kaniya, agad naman siyang umiling saka kumuha ng grapes sa mesa,

"No, it made me curious instead...like, you're rich and you have your maids with you, they cook for you...so how did you learn how to cook?" tanong niya,

"Papá doesn't want us to be so ignorant when it comes to household chores. Lahat kami may alam, it's either magtanim, maglinis, magluto, maglaba, maghugas ng pinggan, at marami pa. He also doesn't want to make our wives the maid of the house like; they do all the things like cooking and washing clothes and dishes...gusto niya gumagawa din kami niyan," paliwanag nito saka tinapos ang paghihiwa sa sibuyas, natigilan naman siya dahil doon,

"Pero hindi kami lahat marunong mag luto, Earl and Efren can not cook, but they're good when it comes to plants. Pinakamasarap mag luto sa amin si kuya Earth, kasunod si Erwan tapos ako. Si Edgar naman, slight lang, marunong mag luto pero mas magaling siyang maglaba kesa sa amin." nakangiting paliwanag nito saka tumalikod para kumuha ng manok sa ref,

"kaya siguro kayo successful kasi you learn from small things to greater things. That's nice." komento niya,

"What about you? you're rich and have maids as much as we do, but you're good at baking, how and who taught you?" tanong sa kaniya ni Edgar saka nilapag ang frozen chicken sa harap niya,

Tumitig siya kay Edgar na siya ring nakatitig sa kaniya, animong hinihintay siyang sumagot. Nang bumuntong hininga siya ay saka lang kumilos si Edgar para hiwain ang manok,

"my mom taught me how to bake. She used to love baking..." malungkot na panimula niya, agad namang nagtanong si Edgar,

"...used to?" tanong nito, tumango siya saka nagbaba ng tingin,

"Daddy cheated on mom, his mistress is a chef...that chef kept on sending us cakes and disguise herself as a fan of my mom, you know...my mom was quite famous because of her delicious cake. Then, we found out that that chef is my dad's mistress and the worst thing is...she copied my mom, her style... everything about her."

"So your mom forbid you to bake cake 'cause she remembers your dad's mistress?" tanong ni Edgar, mapait siyang napangiti saka tumingin kay Edgar,

"Yeah, she would rather buy a cake than seeing me bake a cake for her." pagtatapos niya sa usapan,

"So that's why you secretly built a pastry shop?" tanong nito, tumango naman siya saka sumandal sa island counter habang kumakain ng ubas,

"You know me too well huh," komento niya kay Edgar na narinig naman niyang natawa, nilingon niya ito saka siya bumaling dito,

"tell me...pina imbestigahan mo ba ako?" tanong niya kay Edgar na nadulas ang kamay ay aksidenteng nahiwa ang kamay,

"argh! shit!" bulalas nito, nagulat naman agad siya saka pumangibabaw ang pag-aalala niya,

Mabilis siyang lumapit dito saka niya inagaw ang ginamit na kutsilyo ni Edgar saka tiningnan ang sugat nito,

"ayan kasi eh! nagka-wound ka tuloy!" galit na sabi niya kay Edgar saka hinila ang kamay nito papunta sa lababo,

Nang tuloyang makalapit ay agad niyang pinaandar ang tubig at tinapat ang sugat ni Edgar doon.

"Hindi ka kasi nag careful eh!" galit na naman na bugaw niya kay Edgar na nung tingnan niya ay nagpipigil ng tawa,

She glared at her boyfriend as if she could kill him.

"Why are you laughing?!" galit na tanong niya kay Edgar na bumuhakhak na ng tawa. Agad niyang hinampas si Edgar sa balikat at saka siya ngumuso,

"What is your problem ba? why are you suddenly natatawa jan? nakakainis na you!" bulalas niya pa kay Edgar na agad na pinatay ang tubig saka siya yinakap,

"I'm sorry, natawa lang ako sa reaksyon mo. You're conyo pa din even if you're concerned and worried." natatawang sabi ni Edgar, napakagat naman siya sa sariling labi upang pigilan ang sarili na hindi matawa ngunit dahil sa tawa na iyon ay natawa na din siya,

Inis niyang tinulak si Edgar na panay ang pahid sa luha na tumatakas sa mga mata nito habang tumatawa pa din. Napatitig siya, this is the first time he saw him laugh this hard.

Kagaya ng sinasabi niya ay sa kaniya lang ganito si Edgar base sa nakikita niya. Ngayon lang niya nakita itong natawa ng sobra,

"Wow ah, funny mo naman," kunwari naiinis na sabi niya kay Edgar saka siya tumalikod dito, kunwari ay nagtatampo,

"fine, fine. I'm sorry," natatawa pa ding sabi nito saka siya niyakap mula sa likod,

Nilingon niya si Edgar na agad siyang sinalubong ng halik sa pisngi. "I'm sorry, love. I like it when you're concerned and worried. But it makes me laugh to hear your conyo-ness," ani pa nito sa kaniya, napanguso naman agad siya,

"Don't you like my ka-conyohan ba? like...I can't change it, I was born being conyo," nakangusong sabi niya,

"I don't care. I still love you," tugon nito saka siya hinalikan muli sa pisngi habang nakayakap ito mula sa likod niya,

"Now, can you get me the first aid kit? it's on the book shelf, you can easily find it cause it's on the top of the smallest book," ani nito saka siya hinalikan sa pisngi muli,

"Can you stop kissing my pisngi?" kunwari naiinis na sabi niya kay Edgar na agad namang umiling at halikan siyang muli sa pisngi,

"Stop it nga!" ani niya sabay marahan na umalis sa yakap ni Edgar saka humarap dito,

Agad naman siyang natawa nang makitang ngumuso si Edgar. Agad siyang lumapit at yumakap sa leeg nito, narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Edgar, marahan siya nitong binuhat hanggang sa nagmukha na siyang isang bata na nakayakap sa ama na kababalik lang,

Naglakad si Edgar habang nakayakap pa din siya sa may leeg, hawak ni Edgar ang puwetan niya bilang supporta sa kaniyang bigat. Sabay nilang pinuntahan ang book shelf at kinuha ang first aid doon, bababa na sana siya mula sa pagkakayakap nang pigilan naman siya ni Edgar,

"I have to go down, I'll tulong to clean your sugat," natatawang sabi niya kay Edgar na mas lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak sa may puwetan niya,

Natawa naman siya nang ilapag ni Edgar ang puwetan niya sa island counter, malayo sa may manok at mga ingredients. Nasa harap siya ni Edgar na siyang nagsisimula ng linisin ang sugat, inagaw niya ang cotton ball saka nilagyan iyon ng betadine at alcohol,

Matapos non ay marahan niyang nilapat sa sugat ang cotton ball na iyon saka niya tinitingnan ang reaksyon ni Edgar na hindi man lang umigik, napaismid naman siya nang makaisip ng ideya,

Mariin niyang dinampi ang cotton ball sa sugat dahilan para mapaigik si Edgar. Natawa naman agad siya dahil sa reaksyon nito, hindi nagtagal ay agad siyang binuhat ni Edgar saka nilapag sa kama at kiniliti ng kiniliti,

"stop it! hahahah! stop it!" natatawang bulalas niya pa habang kinikiliti siya ni Edgar,

Pareho silang natawa hanggang sa mapagod sila at mapahiga sa kama pareho. Pareho na silang nakatitig sa kesame na siyang kita'ng-kita ang mga bituin na nagniningning,

"So...this is what you mean about the magical..." bulalas niya habang nakatingin sa kesame, gumalaw si Edgar at humarap sa kaniya habang nakatitig sa kaniya,

"yeah, and there's one more thing that could make it more magical..." bulalas nito, marahan siyang napalingon kay Edgar saka siya nagtanong,

"ano?" tanong niya,

Marahan na lumapit ang mukha ni Edgar sa mukha niya at napangiti nalang siya kasabay ng pagpikit nang mapagtanto na halik ang tinutukoy nito,

Marahan siyang hinalikan ni Edgar sa labi saka ito tumitig sa kaniyang mga mata, "This," ani nito saka muli siyang hinalikan sa labi,

-to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 17.1K 38
Scarlette is a successful businesswoman of her time. Nasa kanya na ata ang lahat, looks, sexy body, money, intelligence. Iisang tao lang ang minahal...
7.4K 247 38
Isang may prinsipyo at kilalang abogada si Alliyah belle Gomez. Ngunit, hanggang saan nga ba siya susubukan ng pagkakataon? Isang pagkakataon na baba...
146K 1.4K 43
Arriange Marriage !! Yan Yan ang nangyari saming dalawa halos di na namin mabilang yung mga pagsubok na dumating saming dalawa. We Can't Love Each Ot...
8.2K 335 24
Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong walang balak na mahalin ka? Hanggang kailan ka magtitiis sa mapanakit na pag-ibig? *** Thalia Meissele Lop...