Perfect Match (Salazar Series...

By Joyanglicious

33.3K 1.3K 76

Date Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng m... More

Perfect Match (Salazar Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 28

1.4K 43 4
By Joyanglicious

LOOK: Spotted Chelsie Tadeo together with Attorney Caelus Salazar. Is it true that they’re in a relationship?

Nakita ko ang picture naming dalawa ni Cae doon. Iyon ‘yung pumunta ako sa law firm nila at ang isa naman ay ‘yung lumabas na kami ng sasakyan at nasa tapad ng bahay ni Jeramae.

Hindi pa nga kami maayos ni Caelus tapos ito na agad ang pinag-uusapan ng lahat. Nanatili kami sa bahay ni Caelus. Ayaw ko pa nga sanang umalis sa bahay ni Jeramae dahil hindi pa ako sanay na magkahiwalay kaming dalawa pero siya pa ang nagpumilit na sumama na daw kami kay Caelus.

Mabuti na lang at madaling araw kaming umalis para walang makakita sa amin. Mabuti nga iyon dahil hindi ko pa alam kung ano nga bang isasagot ko sakaling biglang may pumuntang media dito at magtanong kung mag-asawa na ba kami.

May mga nagtatanong na nga sa akin kung totoo bang kami ni Caelus. Hindi ko alam ang isasagot kaya tumatanggi ako sa mga interview. Hindi pa kami maayos ni Caelus. Alam kong galit pa din siya sa akin. Halata naman sa bawat kilos niya, kung tratohin niya ako ay parang hangin lang ako.

Hindi naman ako nagrereklamo sa kaniya. Kasalanan ko din naman kung bakit siya ganun aa akin. Hindi ko agad na sabi sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Masyadong komplekado noon kaya wala akong lakas na makipag-usap sa kaniya.

Nag-uusap lang kami kapag tungkol na kay Ashton at Alistair. Nagtatanong kasi siya kung anong gatas ang iniinom ng mga bata para makapag-grocery na ‘yung mga maid niya.

Magkasama kami sa kwarto pero magkaiba naman kami ng kama. Hindi ko na alam kung paano ko ba siya kakausapin. Galit pa din kasi siya sa akin. Kapag dumadalaw ang mga pinsan niya ay ganun pa din ang trato niya sa akin.

Nahahalata na din iyon mila Naih. Mas nagiging busy na din ang lahat lalo na’t ikakasal na si Naih at Zymon next week. Excited na nga kaming lahat. Sa wakas at ikakasal na din ang dalawa.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Jeramae.

“Hello,” saad ko.

“Oh, ano? Kumusta na?” Tanong niya. Panay din ang tawag sa akin ni Jeramae. Nag-aalala sa akin, kinukwento ko naman kasi sa kaniya ang lahat.

“Ito, ganun pa din,” sabi ko at bumuntonghininga.

Nasa kwarto ako ngayon. Nasa baba naman si Caelus habang nilalaro ang mga bata.

“Hindi pa din ba kayo okay?” Tanong niya sa akin.

“Hindi pa,” sambit ko. “Ayaw nga akong pansinin diba? Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko,” sabi ko.

“Ano pa? Edi gapangin m— este lambingin mo!” aniya at tumawa.

“Bibigay ba ‘yon?” Tanong ko sa kaniya. Mas lalong tumawa ang babae sa akin.

“Ano bang gagawin mo? ‘Yung una kong sinabi o ‘yung pangalawa?” Tanong ko sa kaniya.

“Pwede bang both?” Tanong ko sa kaniya. Tumawa siya ulit sa sinabi ko.

“Tangina hahaha. Subukan mo kahit ano sa dalawa basta bibigay din ‘yan,” saad niya.

“Paano kung hindi? Galit nga siya,” sabi ko sa kaniya.

“Gaga, galit lang ‘yan pero mahal ka niyan. Bibigay din ‘yan sa ‘yo no,” sabi niya pa. Nagpaalam na ako sa kaniya at may gagawin pa din naman siya kaya binaba na namin ang tawag.

Bumaba na ako at nakita kong nanonood ng TV ang mag-aama. Hindi ko na lang sila inistorbo at dumiritso na lang sa kusina. Hindi pa naman sila kumakain kaya magluluto na lang ako.

“Ma’am magluluto po kayo?” Tanong sa akin ng isa sa mga kasambahay ni Caelus.

“Oo,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Inihanda ko na ang mga kakailanganin ko. Hindi naman siguro mapapadpad dito si Cae dahil abala siya sa mga bata.

Nagluto ako ng pasta at ulam namin. Mabuti na lang at kompleto ang mga nandito sa ref, hindi na ako mahihirapan pang maghanap.

Nang matapos ay lumabas na muna ako para tingnan kung anong ginagawa nila at para sabihin na nagluto ako para sa amin.

Hindi ako nakapagsalita nang makitang kumakain na sila. Nagpadeliver sila! Sayang lang ang mga niluto ko dahil hindi naman pala iyon makakain. Hindi naman ako napansin ni Caelus kaya tumalikod na ako at bumalik sa kusina.

Naiiyak tuloy ako. Alam ko naman na galit talaga siya sa akin pero sana wag namang ganito ang trato niya sa akin. Mukha na akong tanga dito, kasalanan ko naman talaga kung bakit ganito siya.

“Ma’am okay lang po kayo?” Tanong sa akin ni yaya.

“Oo, sa inyo na lang ‘yan. Hindi naman kakain si Caelus,” sabi ko.

“Sige po ma’am.” Nakangiting sabi niya at tinawag na nga ang iba niyang kasama.

Suminghot ako at hindi na lang lumingon sa kanila. Gusto ko na talaga siyang kausapin kung ano bang pwede kong gawin para pansinin na niya ako. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko ngayon.

Pwede naman niya akong kausapin eh, magkasama nga kami sa bahay pero kung tratohin naman niya ako parang ibang tao ako at parang hindi kami magkasama sa iisang bahay. Akala ko magiging maayos na kami nung lumipat kami ng kambal dito sa bahay niya pero hindi pala.

“Stop crying.” Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Caelus na buhat-buhat si Ashton, nasa gilid naman niya si Alistair na nakangiti sa akin.

“Mommy…” aniya at lumapit sa akin. Binuhat ko naman agad siya at pinaupo sa lap ko.

“Stop crying n-na..po…” sabi niya pa at niyakap ako.

“Mommy’s not crying,” saad ko at umiling sa anak.

“Stop crying, our babies are looking at you,” ani Caelus.

Tangina ka pala eh, kasalanan mo naman kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi ako nagsalita at pinigilan na lang ang pag-iyak. Ayokong makita ako ng mga anak ko na ganito. Hindi pa naman sila sanay na nakikita nila akong umiiyak. Hindi ko naman kasi pinapakita sa kanila, kapag umiiyak ako. Gusto kong ako lang, para hindi sila mag-alala.

“Stop crying babe, it’s okay. We’re okay now,” he said as he held my hand. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.

“Naaawa ka lang ata sa akin eh,” sabi ko at umiwas ng tingin. Umayos siya ng tayo at lumapit pa sa akin.

“Hindi ah,” aniya at umiling sa akin. Guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

“Talaga? Hindi ka na galit sa akin?” I asked. Ngumiti siya sa akin at nilagay ang kamay sa tuktok ng ulo ko.

“Hindi na nga, promise.” Aniya. “You’re so cute babe,” he added.

“Ano ba ‘yan? ‘Di mo pa din sinasabi sa lahat na nagkabalikan na kayo at may anak na kayong dalawa?” ani Jeramae sa akin. Nandito siya ngayon sa bahay namin.

Nasa law firm si Caelus, abala sa mga kliyente niya. Naging maayos na nga kaming dalawa. Akala ko ay hindi na kami magpapansinan pero mabuti na lang at naging maayos na kaming dalawa.

“Hindi pa, ayoko pa. Saka na kapag okay na,” sabi ko sa babae. Kanina pa nga siya nagrereklamo sa akin, gusto na kasi niyang sabihin ko sa fans na okay na kami ni Caelus at may mga anak na kami.

May mga rumored na nga na kumakalat, kesyo buntis daw ako ngayon at si Caelus raw ang ama at nagsasama kami sa iisang bahay. Totoo naman na nagsasama kami sa iisang bahay pero hindi naman ako buntis ngayon pero may mga anak na nga kami.

Pati tuloy si Jeramae ay nas-stress sa akin. Hindi ko pa nga gusto na malaman ng lahat ang tungkol sa amin ni Caelus, gusto ko muna kami-kami lang ang nakakaalam sa ngayon.

“Hay naku. Kahit hindi mo naman ata sabihin ay alam na ng lahat. Masyado na kasi kayong halata,” sabi niya at umiling. Nasa sala kami habang tinitingnan ang mga bata na naglalaro.

“Edi, hayaan mo sila na mag-isip,” sabi ko sa kaibigan at uminom sa juice. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin bigla siyang natahimik.

“Oh? Bakit?” Tanong ko.

“Miss ko na si Caled,” aniya. Hindi agad ako nakaimik sa kaniya. Ako din naman. Sino ba namang hindi makakamiss sa kaniya. Kilala siya ng lahat dahil sa pagkamadaldal at friendly siya.

Madami ding naging boyfriend at naging kaibigan pero hindi inaasahan na kay Jeramae para siya mahuhulog ng husto. Nagkaanak pa nga ang dalawa pero nakakalungkot lang na bigla lang siyang nawala. Ang bata niya pa nung namatay siya, nakakagulat na bigla na lang siyang nawala sa amin.

Hindi namin inaasahan na mangyayari iyon sa kaniya. Hindi namin alam na may mga problema na pala siya, bakit ba hindi ko iyon napansin? Bakit ba hindi man lang namin napansin na may pinagdadaanan na na siya?

“Bakit ba kasi hindi ko man lang napansin na may problema siya?” ani Jeramae at bumuhos na nga ang luha niya.

Pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko. Baka mamaya ay mapansin na kami ng mga bata at magtaka sila kung bakit kami umiiyak na dalawa.

“N-Nawala siyang…b-bigla sa a-akin..” iyak na sabi ni Jeramae. Inalo ko si Jeramae para mahimasmasan siya.

“It’s okay, alam ko na masaya na si Caled kung nasaan man siya ngayon,” sabi ko sa kaibigan.

“Miss ko na talaga siya…” sabi niya habang nakatingin sa mga bata.

Mas lalo lang niyang namimiss si Caled dahil sa kamukhang-kamukha ng anak nila si Caled. Kung ako si Jeramae ganun din naman ang mararamdaman ko.

Sabay kaming napatingin sa may pintoan nang pumasok si Caelus, may dala siyang mga paper bag ng Jollibee. Agad naman siyang sinalubong ng mga bata, akala ko ay siya lang pero bigla ding pumasok sila Zymon. Nagulat din ako nang makita si tita Kiesha.

“Mukhang may family dinner ah,” ani Jeramae sa akin. Nakita kong binuhat ni Caelus ang dalawang bata at ngumiti naman si tita Kiesha sa mga apo niya.

“Hi babe,” bati ni Caelus at hinalikan ako sa noo. Binaba niya ang dalawang bata na agad namang kinausap ni tita Kiesha.

May mga dala din silang pagkain at nakita kong may mga laroan pa para sa mga bata. Talagang ini-spoild nila ang kambal. Nagkatinginan kami ni tita Kiesha at ngumiti siya sa akin.

“Can we talk?” Tanong niya sa akin. Nagkatinginan pa kami ni Caelus at bumaba ang kamay niya sa bewang ko. Dahan-dahan naman akong tumango kay tita Kiesha.

Tumingin sa akin si Jeramae at tumango. Pumunta kami sa may kusina ni tita Kiesha, wala naman doon ang mga katulong dahil nasa labas sila at nagdidilig ng mga halaman.

“I’m sorry,” iyon agad ang binungad niya sa akin nang makarating kami sa kusina.

“I’m really sorry Chelsie. Ayaw ko lang na maging pabaya ang anak ko sa pag-aaral niya noon kaya nagawa ko iyon sa ‘yo, nag-aaral pa siya ng law at hindi madali iyon sa kaniya. Pasensiya na sa lahat ng mga nasabi ko,” sabi ni tita at hinawakan ang kamay ko.

“Okay na po, matagal na po iyon. Ang mabuting gawin po natin ngayon ay ang kalimutan ang nakaraan. Okay na naman po ang lahat, pinapatawad ko na po kayo,” sabi ko. Nagtubig ang mata ni tita Kiesha sa sinabi ko at agad akong niyakap.

“Sorry talaga, babawi ako sa ‘yo anak,” ani tita. Niyakap ko din siya at ngumiti. First time na may tumawag sa aking anak at sobrang na-appreciate ko iyon.

“Kain na tayo?” Napatingin kami sa nagsalita at nakita si Caelus na nakatingin sa amin. Tumawa kami ni tita at lumapit na sa kaniya.

“Bilisan niyo nang magpakasal ah at dagdagan niyo na ang kambal,” sabi ni tita at nauna nang pumunta sa sala.

“What?” Tanong ko sa lalaki nang makitang nakatingin siya sa akin.

“Mahal kita,” saad niya at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Mahal din kita,” sabi ko sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.9K 33
5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins...
178K 3.6K 45
Shiarre Emiliana Ortega is a girl who only follows her parents, she doesn't complain because she doesn't find the need to. Until Drake Irvin Lardizab...
136K 3.1K 44
Fleur Ixchel Sabrina Zaragoza, a life-enjoyer who has always lived life to the fullest, gets to meet the Kalen Vaughn Aldair, who's masungit and rude...
190K 4.5K 55
Can she still remember everything?