Rules of Love (UNDER EDITING)

By ricamae_porkss

3K 141 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 22

50 2 0
By ricamae_porkss

Chapter 22

Nagtataka padin akong naglalakad palabas nang school, nakuha ko na ang id ko pero hindi ko makalimutan ang tinggin sa akin nang mga tao na nakarinig. Iniisip kasi nila na si Terran ang may pakana don sa announcement, awa ko na sa taong yon nanahimik sa room nila nadamay na naman.

Hindi ko na isinuot ang id ko nilagay ko na lang siya sa bag ko pagkatapos kong mag pasa nang clearance.

Bago ako umuwi ay dumaan ako sa gilid nang school kong saan may mga street vendors, bumili ako nang kwek kwek at kinain muna yon sa tabihan bago ako naglakad papunta sa may paradahan nang tricycle. Sumakay ako at nag pahatid lang sa bayan.

Bumaba ako sa may bonchon dahil naalala ko na nagpapabili sa akin si Mau, kikitain ko kasi siya ngayong tanghali.

Nag takeout ako nang dalawang bibimbowl isang beef para sa kanya at chicken naman para sa akin tapos ay agaran din akong lumabas at sumakay ulit sa tricycle at nagpahatid naman ngayon sa school nila.

Nang makadating ay agaran kong ipinakita sa guard yong id na iniabot sa akin ni Mau nong isang araw, visitor id daw yon bawal kasi mag papasok pag walang ganon ang arte talaga nang school niya palibhasa majority nang estudyante ay mayayaman.

Naglakad lang ako papasok, nag text siya sa akin na nasa cooking room daw siya.

Nakakailang ikot na ako ay wala pa din akong mahanap na cooking room kaya naman lumapit ako sa pinaka malapit na tao na nakikita ko dito sa school. Nakatalikod ito sa akin kaya naman kinalabit ko pa ito.

Humarap naman ito kaagad nagulat lang ako nang mamataan kong sino ito.

"Dulce..."

"Ember" Hindi ko alam kong paano ba aakto sa harapan niya. Ano ba Dulce para namang may ginawa kang masama sa kanya.

"Ah... mag tatanong lang sana ako kong saan yong cooking room para sa culinary student" Mukha namang nakahinga na din siya nang maluwag nang bigla akong mag salita. Itinuro niya yong dulong parte, doon sa malapit sa may hagdan papuntang gym.

Nag pasalamat lang ako sa kanya bago naglakad pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla na lang siyang mag salitang muli.

"You didn't change a bit just like him" Hindi na ako humarap dahil may pakiramdam ako na si Clyde ang tinutukoy niya, naglakad na lang ako at hindi na lang inintindi ang mga narinig mula sa bibig ni Ember.

Nang makarating ako sa tapat nang room ay rinig ko na mula doon ang mga mumunting mura ni Maureen mula sa loob.

Sumilip muna ako nang kaunti sa pinto at nakita ko siya na mukhang maiiyak na.

Hawak hawak nito ang kamay niya na mukhang napaso kaya agad akong pumasok kaya naman agad niyang tinago sa likod ang kamay niya na akala mo ay hindi ko nakita.

Mukhang nagluluto siya kaya siya napaso kaya agad ko siyang nilapitan at kinuha ang kamay niya na tinatago sa likod.

"Mag dahan dahan ka kasi kita muna nangyari sa kamay mo"

"Nag iingat naman ako eh... pressured lang ako kasi alam mo na graduating at inaasahan nang lahat na magiging perfect ang huli kong dish" Ramdam na ramdam ko mula sa boses niya kong gaano siya nahihirapan.

She's not as strong as me, hindi ganon kalakas ang loob at pagiisip niya. Mabilis siyang mag overthink kaya alam ko na kaunting pressure sa paligid niya ay agad na siyang nag breakdown lalo nat halos buong school niya ay malaki ang tiwala sa kanya.

Tahimik ko lang ginamot ang paso niya pagkatapos ay kinuha ko ang takeout ko at ibinigay ko sa kanya, agad na nag liwanag ang kanyang mukha at sinumulang kainin yon.

Sigurado ako na kanina pa siya hindi kumakain at practice lang nang practice nang pag luluto. Papatayin niya talaga ang sarili niya sa ginagawa niya kaya nga kahit sobrang busy ko ay gumagawa ako nang oras para dalawin siya o kaya naman si Terran ang pinapapunta ko para dalhan tong babaeng to nang pagkain dahil kong hindi mag hapon niyang gugutumin ang sarili niya.

I sighed, how come she's too good at pretending that everything is fine when clearly it is not?

Sana lang ay pag naka graduate na siya ay sarili naman niya ang isipin niya at mag karoon na siya nang tiwala sa sarili niya kasi sa totoo lang this past few years she's been good and stable wala siyang naging problema sa pakikisalamuha sa mga naging ka block niya dito. Wala din siyang naging problema sa lahat nang kailangan niyang matutunan.

Hindi siya kasing talino ni Eli at Julliana pero ma tyaga talaga si Mau, problema lang kong anong tyga niya ganon din ang pag ooverthink niya palagi.

Kaya nga kahit hindi ko hilig ang mga kpop kpop na yon ay sinasamahan ko siya mag stream o kaya manood nang live. May isang beses nga na sumama pa ako sa panonood nang concert kasi alam ko na masaya siya kapag nananonood siya nang ganon. Kapag nasa harapan niya yong mga koreanong yon ay malaya siya at nakakalimutan niya lahat nang bagay na nakakapag pa overthink sa kanya.

Ang pinaka malala ata na ginawa ko para sa kanya ay gumawa ako nang stan twitter para tulungan siya maki bardagulan don sa mga toxic fan.

Habang nakain siya ay naglakad ako sa bag niya para ayusin, ang kalat kasi.

Habang inaayos ko yon ay may napansin akong libro na hindi naman related sa course niya. Kinuha ko yon at bumalik sa pwesto ko kanina para itanong sa kanya kong ano ba to.

"Ano to?" Mual pa siya sa pagkain kaya hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya, inabutan ko din siya nang tubig dahil muntik na siyang mabilaukan.

"Ah yan ba... libro yan nang bago kong favorite na author sa wattpad, gusto mo bang hiramin? Swear ang ganda" Hindi ko alam pero nakuha nang libro na yon ang atensyon ko kaya tumango ako sa kanya at inilagay na lang yon sa bag ko.

Kumain kami nang sabay at nag kwentuhan na mostly about sa kpop, dahil sa kanya ay kilala ko na ang bawat member nang exo, enhypen, stray kids at seventeen. Partida hindi pa ako nag stan niyan paano pa kapag nag stan ako.

Madami kaming napagusapan as usual, palagi naman kaseng gano basta kasama ko ang mga kaibigan ko ay hindi naman talaga kami nauubusan nang maaring pag usapan. Nang matapos kami ay inaya ko na siyang umuwi ngunit sabi niya ay kailangan niya padding manatili doon para patuloy na mag practice. Wala na akong nagawa kaya naman nag paalam na ako nang tuluyan, lumabas na din ako agad sa school niya at agarang pumara nang tricycle para din makauwi ako nang maaga.

Hindi katulad nang mga nakaraang araw ay hindi naman traffic siguro dahil ang iba ay wala nang pasok kaya naman nakauwi ako sa bahay nang maags. Kinuha ko ang susi nang bahay sa bag ko tapos ay tuluyan nang pumasok at umakyat sa kwarto ko sa taas. Balak ko kase na matulog muna dahil talaga namang puyat ako nitong mga nakaraang araw tapos ang aga ko ding nagising kanina.

Nag palit lang ako nang simpleng tshirt at short tapos agaran na akong nahiga sa kama, at para akong hinihele dahil agaran akong dinalaw nang antok.

Mabilis lumipas ang araw na hindi ko na namalayan na graduation ko na agad, grabe lang kasi parang kahapon lang freshman pa lang ako na wala man lang kinakausap sa room tapos ngayon kunting kembot na lang ay magiging ganap na teacher na ako.

Nandito na ako sa school kasama si Vergel at Papa, sa mismong gym ay si Papa at Vergel lang ang pwede kaya naman sina Terran, Maureen, Aaron, Julliana at Carol ay nasa labas lang na nanonood pero kita ko pa naman sila.

Kinakabahan ako kasi kahit naman sabihin ko na ito talaga yong pinaka inaantay kong araw mula pa nang mag simula akong mag aral ay nakakapanibago padin na sa wakas matatapos na ako talaga. Lahat nang iniiyak at mga walang tulog na gabi sa loob na taon ay sa wakas makikita at makukuha ko na ang resulta, ang pakasaya lang.

Sobrang dami naming nag sipagtapos ngayon, tanghali pa nagsimula ang program pero mag gagabi na ay hindi padin ako natatawag. Nasa medyo dulo kase ang pangalan ko kase syempre alphabetically naman ang pagtatawag maliban na lang don sa may mga latin honors.

"Villalobos, Dulce Clementine S."

Hawak hawak lang ni Papa ang kamay ko hanggang matawag ako, huminga ako nang malalim bago kami sabay ni Papa na tumayo at naglakad paakyat sa stage.

Nakipag kamay kami sa matataas na opisyal nang school bago tuluyang iniabot sa akin ang aking diploma, maluha luha ko yong tinaggap at sabay ulit kami nag punta ni Papa sa gitna para makunan nang litrato nang photographer.

Pero hindi pa ako nakakangiti ay nagulat ako sa nakita ko.

Siya ba yong nakikita ko? Kinusot kusot ko ang mata ko dahilan kong bakit nag aalala si Papa na tumingin sa akin, nilingon ko ito nang mabilis tapos ay ibinalik ko ang aking tinggin sa pwesto kong saan ko siya nakita kanina ngunit wala na siya doon, tanging mga kamag anak na lang nag nagsisispagtapos ang naroroon.

Inalis ko na lang yon sa isip ko, baka namamalikmata lang ako dahil sa sobrang kagustuhan ko siyang makasama ngayong araw, kagustuhan na makapiling siya sa mga ganitong okasyon sa aking buhay.

Naramdaman ko pa na hinawakan ako ni Papa kaya naman lumingon akong muli dito at ngumiti bago kaming sabay na na tumingin sa unahan at ngumiti para makuhanan nang litrato nang photographer. Nang mag bigay na nang go signal ang photographer na okay na aya agaran kaming bumaba ni Papa nang stage kong saan may isa na namang photographer na kukuha sa amin nang litrato, doon kami medyo natagalan kaya mga ilang minute pa bago kami nakabalik sa aming kinauupuan.

May ilan pang natawag bago nag salita yong may ari nang school at bumati nang congratulations, pagkatapos na pagkatapos non ay sabay sabay kaming nag tayuan at inihagis ang toga cap namin na patunay na tapos na kami.

Umalis kami sa upuan at agad akong napatakbo nang nagtatakbo din ang mga kaibigan ko para batiin ako. Unang yumakap sa akin si Julliana at Aaron, sobrang higpit na hindi ako makahinga, sumunod si Maureen at Carol na medyo naluluha nadin at may kasama pang batok sa akin, gago talaga.

Ang huli ay si Terran na may dalang isang bouquet nang tulips, ngumiti ako dito at ginulo ko pa nang bahagya ang kanyang buhok. Tumingkayad pa ako para lang maabot siya.

"Ayan ha binigyan kita nang bulaklak kailangan sa graduation ko meron din ako" Parang bata nitong pagkakasabi, napairap na lang ako. This past few weeks kasi yon na lang nang yon ang bukang bibig niya na akala mo naman walang mag bibigay sa kanya, sus more than willing sa mga babae sa school namin na bigyan siya kong ilang bouquet nang bulaklak man ang gustuhin niya hindi ba siya aware?

"Grabe binigyan mo lang ba ako para bigyan din kita? Aray ha"

"Obvious ba? Arte nito" Tinarayan niya ako kaya naman ambang sasabunutan ko siya kaya lang agad na umawat si Julliana.

"Oh god please stop both of you, you're giving me headaches"

"Grabe nagbago kana talaga Julliana, dati sabi mo ang cute namin tapos ngayon ang sakit na namin sa ulo, you betrayed me~" Umarte na naman siya na nasasaktan habang kinakanta yong kanta ni Olivia kaya sabay sabay kaming napairap maliban lang kina Vergel at Papa na tawang tawa na naman sa mokong na to.

Patuloy na nag patawa si Terran kina Papa habang sabay sabay kaming naglakad palabas, kakain kasi kami sa labas libre daw ni Papa naks ang galante.

Sa sasakyan kami ni Terran sumakay kasi mas kasya kami dito kesa sa sasakyan ni Mau. Habang nasa byahe ay nag uusap lang sila kong saan kakain at ako naman ay hindi na nakisali, nakaupo ako sa passenger seat at nakatinggin lang sa bintana.

Iniisip ko padin kasi ang nakita ko kanina, para kasing totoo, saglit lang yon pero iba ang naging pakiramdam ko. That split second of maybe my imagination felt warm.

He's my warmth, and my safe haven.

With him I never felt that I'm in a kind of danger or whatsoever. Every single time I spend with him I feel at ease, I feel safe and without him I can barely do that.

I hardly survive that so seeing him in that split second even though I don't know if it's really him or not, I feel safe again.

It felt so warm, I miss him so much. I miss my Commander every second of that long four years that I spend without him. Sa loob nang apat taon na yon hindi ako kailanman nakalimot o mas magandang sabihin hindi ko naman talaga sinubukan at hindi ko kailanman susubukan.

Napatigil ako sa pagiisip nang biglang nagsalita si Terran sa tabi ko.

"He's safe and I'm sure he's happy at kong mabibigyan siya nang pagkakataon sigurado ako na gusto niya na nandito siya sa tabi mo para samahan kang e celebrate ang araw na to kaya ngiti ka na diyan sige na minsan lang ako magiging mabait sayo" Napatinggin ako sa kanya, sinabi niya yon habang diretsong nakatinggin sa daan kaya napangiti ako at hinawakan nang bahagya ang kamay niya.

"Thank you, Terran and I know... alam ko na masaya siya para sa akin kasi finally natupad ko na yong isa sa mga pangarap ko at kong mabibigyan din ako nang pagkakataon gusto ko na mapakita to sa kanya, maaring hindi ngayon o kahit kailan pero sana mabigyan ako nang pagkakataon kahit isang beses lang" Ngumiti siya nang bahagya bago nag patuloy sa pagmamaneho kaya bumalik na lang ako sa pakikinig sa usapan nang mga kaibigan ko pati nina Papa tungkol sa kakainan naming restaurant.

Sa huli ay si Maureen padin ang nasunod dahil mas madami siyang alam na masasarap kainan, nag babaan kami at nag inquire sa receptionist kong may available pang lamesa na pinagpasalamat naman namin at meron.

Sabay sabay kaming sumunod sa isang staff hanggang makadating kami sa isang long table na kasyang kasya kaming lahat. Nag upuan kami at agad na nag tinggin na sa menu at lumaon ay nag order din.

Busy sila sa paguusap nang tungkol kay Killian nang mapatayo si Papa at napatinggin sa unahan, dahil nakaharap ako kay Papa ay kailangan ko pang tumingin sa likod para malaman ko kong ano ang nakita.

Nang sa likod na ako nakatinggin ay nanlaki ang mata ko nang makita ang Papa ni Clyde na may kasamang babae na naka hawak sa braso nito.

Agad din akong na patayo at bumati dito, agad itong ngumiti at naglakad palapit sa akin para yumakap na ginantihan ko na din kahit ang awkward.

"Iha..."

"Hello po" Humiwalay siya sa yakap sa akin at ngumiti din kay Papa at Vergel habang ako ay nakatinggin lang sa babaeng katabi niya. Napansin yon nang Papa ni Clyde kaya agad nitong iniharap sa akin ang babae at ipinakilala.

"Siya nga pala iha ito nga pala si Lydia, my wife" Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. His wife? Kong ganon anong nangyari sa nanay ko?

Pinilit kong ngumiti kahit ang daming tanong sa akin isip, gumanti nang ngiti yong asawa nang tatay ni Clyde sa akin.

"Alam kong nakakabigla at madami kang tanong pero isang sagot lang ang masasabi ko sayo iha" Huminga ito nang malalim bago humarap sa akin at tumingin nang diretso sa mata ko na parang gusto niyang malaman lahat lahat nang nasa isip niya.

"Everything is in the right place now... I put everything in the right place" Ngumiti itong muli sa akin bago tuluyang nag paalam na, umupo ako at ganon din si Papa pero ang tinggin nang mga kaibigan at ni Vergel sa amin ay nag iba pero hindi naman sila nag tanong.

Kumain tuloy kami nang tahimik. Hindi ko maintindihan ang lahat mula doon sa bagong asawa nang Papa ni Clyde at pati ang mga sinabi nito.

Pagkatapos kumain ay hindi na sila nagkaroon nang lakas nang loob na mag tanong o kahit mag ingay kaya hanggang maihatid kami pauwi ni Terran ay nag aalala ang mukha nito. Lumabas si Vergel at Papa at nag pasalamat kay Terran bago nag diretso papasok, ako naman ay pinagbuksan ni Terran nang pinto at hinawakan ako sa braso para mapatigil.

"Ayos ka lang?"

"Ha? Oo naman... bakit hindi?"

"Ah... wala, sige na pasok kana at gabi na basta punta ka sa graduation ko ha" Ngumiti ako at inantay lang na maka sakay siya at maka alis bago naglakad na, imbes na sa bahay ako dumiretso ay sa may bakuran ako naglakad hanggang sa makarating sa swing.

Umupo ako doon at tumingin sa magagandang bituin sa langit.

"Everything is in the right place now... I put everything in the right place"

Riddle ba yon? Am I supposed to learned what's the meaning behind those words?

Napahinga ako nang malalim kasi hindi ko naman talaga maintindihan kong ano ba ang gusto niyang iparating, imbes na ang boards ko na magaganap three months from now ang iniisip ko ay dumagdag pa ang mga bago kong nalaman ngayong araw.

Ito ang dahilan kong bakit kahit gustong gusto kong malaman ang lahat nang nagaganap kay Clyde nang panahon nag hiwalay na kami kasi ayon nga nagkakaganito ako, hindi ko maiwasang mag isip nang mag isip at hindi siya healthy lalo na't wala namang makakapag bigay nang sagot sa akin kong hindi siya na hindi ko din alam kong na saan.

I stayed for like half an hour bago ako tumayo at dumiretso na sa loob nang bahay, pumasok na ako sa kwarto ko at agad na pumasok nang banyo para maligo dahil napagod ako sa tagal nang pag iintay kanina.

Pagkatapos maligo ay nag bihis ako at nag patuyo nang buhok gamit ang blower bago ako dumiretso na sa kama, umupo ako don at tumulala muna bago ko naisipan na matulog na. Masyado nang mahaba ang araw nato.

---

Akala ko ay wala nang hihirap sa makatapos ka nang pag aaral meron pa pala. Isang buwan na ako sa review center, every chance that I will get ay nagrereview ako para sa boards.

Hindi naman mahirap ang mag aral pero ang aralin ang mga lesson na natutunan mo sa loob nang apat na taon sa tatlong buwan lamang ang mahirap.

Hindi naman nag eexpand ang utak ko para ma accommodate ang lahat nang mga lesson na yon.

Naglalakad ako ngayon palabas nang review center, balak ko kasing pumunta sa school dahil graduation ngayon ni Terran. Sumakay ako sa tricycle at nag pahatid sa flower shop dahil balak kong ibili si Terran dahil hahaba ang nguso non kapag wala akong dalang bulaklak, napakaarte talaga.

Pag baba ko sa tapat nang flower shop ay agad akong pumasok at nag tinggin nang mga bulaklak. Habang busy ako sa pagtinggin ay narinig ko na may pumasok pa sa loob na hindi ko na naman nilingon dahil masyadong nakuha nang mga bulaklak ang aking mata.

Nang makapili na nang bulaklak para kay Terran ay lumapit ako sa isang staff at sinabi na kukuha ako nang isang bouquet non kaya naupo muna ako sa gilid habang nag iintay sa pag arrange niya noon.

Malapit sa pintuan ang kinauupuan ko kaya naman pag may pumapasok ay naamoy ko na sila nang bahagya kahit hindi ko gustuhin.

Busy ako sa pag cell phone nang biglang bumukas muli ang pintuan hudyat na may papasok o lalabas pero nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy ay napa angat ako nang tinggin pero hindi ko na nakita kaya hinanap nang mata ko ang huling tao na lumabas at halos malaglag ang mata ko sa nakita.

It's Clyde, sigurado ako likod pa lang ay alam ko na siya yon.

Gusto ko siyang sundan, gusto ko siyang makita, mahawakan at mayakap pero napako lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang unti unting nawawala sa paningin ko.

I tear feel on my cheeks. Parang deja vu nang nangyari dati ang nangyayari ngayon. Nong panahon na unti unti siyang nawawala sa paningin ko nang araw na nag hiwalay kami, ganon ang pakiramdam ko ngayon.

Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko habang nakatinggin padin sa lugar kong na saan kanina si Clyde, nawala lang ako sa pag iisip nang nangyari nang kulbitin ako nang staff nang flower shop at sinabi na okay na daw yong bulaklak na binibili ko.

Pinunasan ko ang luha ko at nag punta sa counter para mag bayad. Matapos makuha ang bulaklak ay lumabas na ako at sumakay na sa tricycle papunta sa school.

Pag dating ko doon ay bumungad sa akin ang napaka daming tao kaya nahirapan ako pagpasok. Pawis na pawis ako pagkatapos kong makapasok kaya nag text muna ako kay Terran na sa loob na niya ako nang gym antayin at dadaan muna ako nang rest room.

Pag pasok ko sa loob nang banyo ay agad akong nag hugas nang mukha, habang nag pupunas na ako nang mukha ay biglang may nag pasukan kaya gumilid ako nang kaunti.

"Grabe ang swerte niya talaga, ang gwapings nong boylet"

"True ka diyan grabe para siyang kpop idol sa suotan at mukha niya, kinikilig padin ako talaga"

"Hindi ko akalain na may tinatago palang jowa yang si Lily no"

Hindi ko na narinig ang mga sasabihin nila dahil lumabas na ako at agad na nag punta sa gym, nakita ko si Terran na naka simangot habang katabi ang mga magulang niya kaya natawa ako.

"Grabe ka... ang aga aga ko nong graduation mo tas ikaw late na late, grabe talaga" Tumawa ako tapos ay iniabot ko sa kanya ang bulaklak na binili ko.

"Oh para sayo iiyak ka na eh, hello po Tito at Tita" Yumakap ako sa magulang ni Terran bago kami naglakad na apat papasok nang gym, hinarang kami sa pintuan pero sinabi lang ni Tita na fiancée ako ni Terran para papasukin ako.

Napailing na lang ako sa ginawa ni Tita, alam nila na walang kami pero ang hilig padin nila kaming tuksuin kaya palaging naka busangot ang mukha ni Terran na akala mo naman ay pabor na pabor sa akin ang pang aasar nang magulang niya.

Ang kapal talaga nang mukha maka arte akala mo hindi nag kagusto sa akin. Minsan pakiramdam ko gustong gusto na niyang kalimutan yong parte na yon nang buhay niya dahil yon ang pinaka nakakahiya sa lahat. Totoo naman kasi nong mga panahon na gusto niya pa ako ang dami dami niyang ginawang nakakahiya talaga kahit para sa akin.

Dumiretso kami sa designated seats para sa amin at umupo naman si Terran sa designated na upuan para sa kanya. Ilang minuto ang lumipas ay nag umpisa na ang graduation nila, kakaunti lang sila ngayong taon. Actually nang mag simula ang school year ay one hundred twenty silang mga Civil Engineering students pero habang natagal ay nababawasan dahil ang iba ay nag shift nang course o nag drop out.

Sixty na lang sila ngayon, imagine kalhati nang batch mo ang hindi mo kasabay na gra-graduate dahil hindi kinaya ang mga subject sa Civil Engineering, kaya kahit mokong ang isang yon ay proud talaga ako sa kanya.

Nang malapit na matawag si Terran ay agad kong inilabas ang cellphone ko dahil balak kong manguha nang litrato at video.

"Naval, Terran Chase A." Tumayo ito pati sina Tita papunta sa may stage kaya agad kong sinimulan ang video at kinuhanan sila hanggang maka akyat sila. Nang nasa gitna na sila ay picture naman ang kinuhanan ko.

Paglapit nila ay napatinggin sa akin si Terran at kulang na lang ay magtatalon na ipinapakita sa akin ang kanyang diploma kaya ang dami na namang nag tingginan at nag bulungan na alam na alam ko kong ano ang mga iniisip, mga issue talaga.

Ngumiti ako dito at sumenyas na nakakagulo na siya sa program kaya agaran naman itong naupo sa kanyang upuan.

Taimtim kaming nakinig at nanood hanggang sa tuluyan nang matapos ang graduation. Natagalan si Terran na makalapit sa amin dahil sa daming ibang magulang at kaibigan na nagnanais na makalapit sa ibang grumaduate.

Agad kaming nagyakapan ni Terran, nang humiwalay ay dinilaan niya ako.

"Blee... mas mataas GWA ko sayo" Natatawa na lang ako tumango sa kanya para tumigil na siya sa pagyayabang, jusko ilang points lang naman ang inilamang niya sa akin at isa pa anong use kong pagkukumpara namin eh mag kaiba naman kami nang tinapos mga alam talaga nitong si Terran Chase.

Maglalakad na sana kami kaya lang ay pinipilit kami nang magulang niya na kumuha nang litrarto na mag kasama kaya kahit napapairap na naman si Terran ay pareho kaming sumunod, nag pwesto kami sa medyo gitna at humarap sa magulang niya na todo kuha nang litrato, hindi pa sila nakuntento doon dahil nakiusap pa sila sa mga dumaan na kuhanan kaming apat kaya sabay na lang kami ni Terran na napapailing sa mga inaakto nang magulang niya.

Nakailang kuha na kami bago pa pumayag ang magulang niya. Busy sila sa pag tinggin sa mga litrato nang sabay kaming napahinga nang malalim ni Terran na dahilan kong bakit kami sabay na natawa.

Pero agad akong napatigil sa pagtawa nang may mamataan ang aking mata.

Nasa labasan sila nang gym, hawak nang babae ang kanyang diploma at bulaklak habang naka akbay naman sa kanya ang lalaki at parehong malaki ang ngiti na nakatinggin sa camera na nasa unahan nila.

Terran begins to walk pero ako ay napako lang sa pagkakatayo habang pinagmamasdan ang lalaking tangi kong minahal at minamahal na masayang nakuha nang litrato kasama ang babaeng maaring nagpapatibok na ngayon nang puso niya.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...