Filming Love

By pink_opal_27

7.9K 446 1.1K

Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with... More

Cam 001: Shine
Cam 002: Pony
Cam 004: Miracle
Cam 005: Stars
Cam 006: Betrayal
Cam 007: Background
Cam 008: Waiting
Cam 009: Caldereta
Cam 010: Onscreen
Cam 011: Lovechild
Cam 012: Tears
Cam 013: Surface
Cam 014: Surprise
Cam 015: Eggs
Cam 016: Game
Cam 017: Care
Cam 018: Again
Cam 019: Crossover
Cam 020: Dad
Cam 021: Mission
Cam 022: Back
Cam 023: Shadow
Cam 024: Author
Cam 025: Bestfriend
Cam 026: Start
Cam 027: Give
Cam 028: Sorry
Cam 029: Station
Cam 030: Bettina
Cam 031: Villain
Cam 032: Merge
Cam 033: Drowned
Cam 034: Reunited
Cam 035: Happy
Cam 036: Family
Cam 037: Alarm
Cam 038: Opportunity
Cam 039: Big Night
Cam 040: Tired
Cam 041: Post
Cam 042: Wrath
Cam 043: Scope
Cam 044: Exercise
Cam 045: Fifth
Cam 046: Two
Cam 047: Bond
Cam 048: End
Cam 049: Ate
Cam 050: Final
Filming Love: A Love that is Yet to be Filmed

Cam 003: Five Years

168 7 34
By pink_opal_27

Rita's POV



"Hello Trish?" I said as soon as she answered my call.



"Finally Rita, Kagabi ko pa hinihintay yung chika mo eh. Kamusta?"



Nabanggit ko kasi sa kanya thru text na I and Ken met again after 5 years. It was a bit awkward scene pero I managed to handle it. Sabi ko nga, a lot better Rita Daniela is coming this 2026.



"Wala"



"Anong wala?" natawa niyang sagot sa akin.



"I mean wala. Limang taon na te, ikaw yata ang hindi makamove-on diyan eh"



"Aaminin ko naman talaga. Naging isang marupok na RitKen baby niyo ako noon. Kaya nga tayo naging magfriends diba?"



Well she's true. Because noong nag-open ako finally ng twitter account ko, nakita ko doon yung mga tweets ng mga accounts ng tinatawag nilang RitKen babies. Sila daw yung mga fans namin ni Ken na hoping na magkatuluyan kami in real life. Sadly, nabuwag rin noong nagsplit yung loveteam namin way back 2021.



Isa itong si Trish sa mga RitKen baby. Naging friends kami ng matapang niya akong minessage kung kami daw ba talaga ni Ken kasi kung hindi ipipilit niya daw.



Natuwa ako sa kanya kaya chinat back ko siya. Hanggang sa naging magfriends na nga kami. It was so interesting pa na Benildean din pala siya so we got a lot of stories na pinagkukuwentuhan.



"Oo na po. Alam ko naman po yun. Pero wala eh, past is past. Hayaan mo na, mukhang masaya naman siya kay Bettina eh"



"Oh eh bakit parang may bitterness sa tono ng boses mo ha?" ramdam niya talaga kahit phone lang.



"Fine. Nasayangan lang kasi ako sa halos four years naming loveteam. Iniisip ko nga kung hindi pa ba sapat yung nacontribute ko sa loveteam namin? Bakit pinaghiwalay pa kami ng GMA?"



"Kesa GMA sisihin mo, bakit hindi yung Bettina? Naku sarap balatan ng babaeng yun eh"



"Trish, limang taon na nakalipas. Hayaan mo na. Tsaka I did that din naman to save Ken's career diba?"



"Hanggang ngayon si Ken pa rin iniisip mo. Kailan ka ba matututo Daniela?" may pagtatampo na sa tono ng boses ni Trish.



"Oo alam ko. Ilang beses na akong nadapa. Pinakamasakit lang talaga kay Ken kasi hindi niya ako naipaglaban man lang. Yung akala mo iba siya sa mga lalaking nakilala ko pero mas worse pa pala siya"



"O siya, tama na ang hugot na yan. Alam mo labas na lang kaya tayo today? Daanan kita sa house mo?"



"Hindi tayo pwedeng lumabas today. Storycon kasi nung teleseryeng papasukan ko. Balik kontrabida ang pretty idol mo Trish"



Hindi ko akalain na babalik ako muli dito. I thought tapos na ang era ko ng pagiging kontrabida but I guess hindi ko na matatakasan ang unang pagganap kung saan ako mas nakilala. Back to kontrabida, back to being an outcast.



Nagprepare na ako ng damit ko. Siguro since summer naman, sasapat na itong floral dress na binigay ni Brent sa akin.



I puffed some perfume on my dress and neck. Nagulat ako nang may biglang kumapit sa legs ko.



"Mommy where are you going today?"



Bumaba ako ng konti para magtama ang mga mata namin, "Baby, Mommy's going to work today. But you can't make sama because no babies are allowed there now"



"It's okay Mommy"



Nagpatuloy ako sa pag-aayos sa sarili ko, "Mommy find Tito Ken for me. I want to see him again."



Napatitig lang ako sa anak ko habang papalabas ng kwarto. Hanggang ngayon ba naman Ken, di mo pa rin ako titigilan. Pati anak ko yata maaattach sa pagiging "aktor" mo.



Maya-maya ay may nagdoorbell na. Nagpresinta si Trish na siya na muna ang magbabantay kay Dani. Pero dahil nakakahiya naman na laging si Trish yung asahan ko ay nagdecide akong magschedule. May days siya with Tita Trish niya, may days naman with her Lola Osang. Busy rin kasi sa mga businesses and families sina Kuya and Ate eh kaya di ko rin maistorbo.



As soon as Mang Cardo arrived at the condo, I saw Ms. Tracy calling.



"Yes po. Kararating lang po ni Mang Cardo"



She was just checking on me.



"Okay my baby. Ingat kayo sa daan ha. Papunta na rin pala si Ken"



Nagulat ako sa narinig ko, "W-wait Ms. Tracy. What do you mean? Ken will be there as well?"



Pinagbuksan ako ng pinto ni Mang Cardo. Nginitian ko naman siya sabay abot niya sa akin ng favorite coffee ko. Hindi pa niya nakakalimutan, nakakatouch.



Pag-upo ko sa sasakyan ay agad kong binuksan ang instagram ko.



"Shocks bakit di ko man lang tiningnan kung sino yung mga bida."  huminga ako ng malalim.



I saw in the post that a collaboration of Royal Films and GMA will be having a one-episode-per-week stories at sa pilot episode pala nito ang bibida sina Ken and Bettina.



Lord, bakit ba pinapapabalik mo talaga ako kay Ken? Ano ba talagang balak mo? Nakamove on na po ako eh.



Wala na rin naman akong magagawa. Today is the storycon. It's good na rin na may project na ako agad-agad.



Pagdating sa network building ay muli narito na naman si Ms. Tracy sa gate. Nakaabang na ang signature yakap niya.



"Good you're safe. Thank you Mang Cardo" pagpapasalamat niya kay Mang Cardo na papaalis na.



"My pleasure always, Ms. Tracy. Anong oras ko po susunduin si Ma'am?"



"Don't worry. Ako na lang maghahatid sa kanya"



Nagtaka akong tumingin kay Ms. Tracy, "Bakit po may ganap pa ba after the storycon?"



"May after-party pa bago magstart bukas officially yung taping niyo. Sorry pala hindi ko yata nabanggit sayo kung saan ka magiging kontrabida ulit ha."



"No Ms. Tracy. Fault ko din kasi di ko agad nakita post ng GMA sa IG. Hindi ko napansin na yung title. Anyway, work pa rin naman tayo and we're professionals naman eh"



She nodded. She always understands me. That's why super attached ako dito sa manager ko, manager namin I mean. May isa pa kaming manager noon eh, si Sir Joey pero currently ata he's on vacation.



Pagpasok ko ng main door ay medyo nahiya ako dahil nakapagstart na pala sila. Everyone's watching at me as I entered the room.



"There. Halika hija" pagpapapunta sa akin ni Direk Easy sa harapan, "Buti na lang in time yung pagbabalik mo sa bansa. Wala akong ibang maisip na gaganap na kontrabida na babagay sa role eh"



Nakita kong napatayo si Bettina sa kinauupuan niya.



"Direk? Makakasama namin ni Ken yang si Rita sa show?"



"Yes hija. Buti nga pumayag itong alaga ni Ms. Tracy eh"



"Nananadya ka ba Rita ha? FYI lang five years na kaming loveteam ni Ken. Hindi mo naman gustong sirain diba?" may pagkamataray na sumbat ni Bettina, "Ken, speak up. Wala ka man lang bang reaction diyan?"



Ken's eyes were fixed on me. Iniangat niya ang tingin niya kay Bettina to tell her na, "Alam ko. Kaya umupo ka na"



Pareho kaming nagulat ni Bettina, "Alam mo? And yet wala kang sinasabi sa akin?" nagiging OA na rin sa reaksyon si Bettina.



"Bettina, ano bang problema? Pare-pareho lang tayong nagtatrabaho dito. Kaya pwede ba, umupo ka na para makapagstart na yung storycon natin"



Inis na umupong muli si Bettina sa magandang chair na nakalaan sa kanya. I should be in that chair pero dahil balik kontrabida ako, dito ako ulit sa mga simpleng upuan.



Paano kaya nalaman ni Ken ang tungkol sa pagsali ko sa show nila? Ni hindi naman niya nabanggit kagabi nang magkita kami sa Studio 7.






This episode will be about two lovers na napaghiwalay ng crush ng guy. Mukhang perfect theme talaga. Guess what? We are the lovers and she's the crush but they end up together.... in the story.



After ng storycon ay nag-aya ang buong team to have a dinner out pero umayaw ako dahil ayoko namang pabantayin kay Trish si Dani hanggang gabi.



Nagtaka din ako kung bakit pati si Ken ay nagpaalam na ring umuwi na ikinainis naman ni Bettina.



Nagsabay pa nga kami palabas ng room and ng building pero walang imikan. Awkward it may seem.



Agad akong bumaba ng hagdan at doon na lamang hinintay si Ms. Tracy na nangakong maghahatid sa akin pauwi.



Akala ko naman ay nauna nang umalis si Ken pero nagulat ako nang bigla siyang nagsalita sa likuran ko, "Akala ko ba uuwi ka na? May hinihintay ka pa ba?"



Hindi na ako lumingon sa kanya dahil busy ako sa kakamessage kay Ms. Tracy. Hindi ko naman akalain na sisilip pala si Ken sa phone ko. "Si Ms. Tracy ba?"



Doon ako nagulat kaya napalingon ako sa kanya, "How dare you para sumilip sa phone ko? Invasion of privacy!"



"Oh sorry na wag ka na magalit. Kasi naman nagtatanong ako nang maayos, hindi mo ako sinasagot"



"Kahit na! Wala kang karapatan para guluhin pa yung buhay ko!"



Nakakainis siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makaalis-alis sa year 2021.



"Teka, yung concern ko lang eh bakit di ka pa umuuwi? Start na ng taping bukas, baka malate ka sa set"



I rolled my eyes on him, "Ano bang pakialam mo? Kung gusto mo nang umuwi, mauna ka na. Hihintayin ko pa si Ms. Tracy dito"



Nagtaka naman ako nang bigla niyang iniharap ang phone niya sa akin. Nakabukas ang IG nito sa isang post.



"See? Wala ka nang hinihintay pa dito. Mukhang nawala sa isip ni Ms. Tracy na ihahatid ka niya after the storycon."



Aaminin ko medyo nahurt ako kasi first time na hindi tumupad si Ms. Tracy sa pangako niya sa akin. Nevertheless, baka naexcite lang din siya na sumama sa rest of the team.



"Fine, edi uuwi akong mag-isa" pagtataray ko habang papalabas ng network premises.



"Hatid na kita. Gabi na rin eh" paghabol niya sa akin.



"Hindi na. Salamat na lang. Marami namang taxis around. I can grab one"



Napatingin ako nang tumayo din siya sa tabi ko habang naghihintay ng masasakyan ko.



"Masyado bang maraming taxi sa New York?"



Nagtaka naman ako sa tanong niya. Like hey, anong connect? Napansin din niyang kunot-noo ko siyang tinitingnan.



"Ilang taon ka na bang wala sa Pilipinas? Six? Nakalimutan mo na yatang walang dumadaan na taxi dito unless maglakad ka lagpas pa ng footbridge na yun oh"



Tumingin ako sa tinuturo niya sa malayo. Literal na malayo pa yung footbridge. Oo nga pala, papasok kasi yung building namin kaya kailangan pang maglakad papuntang main road para makapag-abang ng taxi.



"Unless, gusto mong maglakad, mag-isa, sa madilim na lugar na...."



Hindi ko na siya pinatapos pa, "Saan ba yung kotse mo ha?"



Nangingiti siyang tumingin sa akin at hinawakan ako sa kamay habang papunta kami sa parking lot.



"Correction. Five years. Five years na akong wala dito. January 17, 2021 ako umalis, remember?"

Continue Reading

You'll Also Like

268K 40.4K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
Benefits By .

Fanfiction

471K 12.8K 33
a story in which two equally emotionally damaged young adults engage in an agreement to hopefully get the perks of being in a relationship without pu...
19.3K 1.1K 29
What if you fall for your BESTFRIEND, will you risk for her Love? Disclaimer this story is just a FAN FICTION! Read it on your own risk! Enjoy Rea...
139K 263 17
Wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report One more thing you clicked on it girlypop this a SMUT book there's g...