To be alone (Publish under Uk...

By heartlyaches

218 98 2

Si Zinovia Montecarlo ay ang bunsong anak ng mga Montecarlo na isa sa makapangyarihan sa kanilang bayan. At s... More

Disclaimer
-To be alone-
02|
03|
04|
05|
06|
07|
08|
09|
10|
~To be alone~
"To be alone book"

01|

20 8 0
By heartlyaches


Hinubad ko agad ang suot na knee long coat at sinukbit na lamang iyon sa braso.

Alas kwatro na ng hapon ng makarating ako sa Manila. Sobrang usok at polluted nga dito! Ang traffic pa at ang hassle.

Ngayon pa lang ay hindi ko na alam kung paano ko tatagalan ang lugar na ito. Ang init init pa at wala man lang puno sa kahit saan at puro building!

Nasa Manila na nga talaga ako!

I check my phone to take a grab. Gagastos muna ako ngayong araw at bukas ko na sisimulan ang pag titipid.

For now, kailangan ko ng apartment na matutuluyan. I can't stay here all night!

"Uhmm... Hi Miss".

Napatingin ako sa babaeng tumabi sa akin sa upuan sa terminal. Ngumiti ako sa kanya kahit hindi ko naman sya kilala.

"Ano po yun?" I asked politely

Ngumiti ito at tinignan ang phone ko. "Payo lang ha, muka ka kasing bago dito eh". Saad nya

Agad naman akong tumango dahil iyon talaga ang kailangan ko. Ang taga payo sa akin.

"Kung nasa public place ka lalo na dito sa Manila wag kang mag lalabas ng mamahaling gamit tulad nyang cellphone mo". Turo nito sa hawak kong iPhone

I nodded and immediately hid my phone in my bag.

"Pangalawa, ang wallet mo.... kung mag babayad ka bago ka lumabas ihiwalay mo ang mga barya sa buo lalo na ang mga cards mo dahil madaming snatcher dito".

Muli akong tumango. Madami pa syang sinabi sa akin na payo at tinandaan ko naman lahat iyon. I also asked her about the life here lalo na kapag bago ka at walang alam.

"Ah, ganun ba". She said ng ikwento ko sa kanya na galing ako ng Cebu and first time ko sa Manila, pero syempre hindi ko sinabing galing ako sa pamilya Montecarlo! Kilala pa naman iyon hanggang dito sabi ni Manang!

Hindi naman ako kilalang masyado dahil private lahat ng social media account ko, Kumbaga sa aming pamilya ay ako lang ang ayaw masyado sa tao pero may balak mag politics!

"Ah oo nga pala, ako si Freya.... ikaw?" Saad nito ng mag pakilala.

Agad ko namang inabot ang kamay nya at nakipag shake hands. "Zinovia Monte-I mean Zinovia Marquez"Pag papakilala ko. Ang apelyido ni Mommy nung dalaga sya ang gagamitin kong apelyido rito sa Manila. Kilala kasi ang angkan namin sa Cebu bilang business man and woman, Doctors and Politician.

At kung gusto ko ng tahimik na buhay at pansarili ay kailangan kong gamitin muna ang apelyido noon ni Mommy para hindi ako madaling makilala ng iba. Malamang kasi ay kapag nalaman nila na dad ko si Gov Montecarlo ay mag tatanong din sila, katulad na lang ng mga naging classmate ko sa Cebu.

"Sige Zin mauna na ako ha, nice meeting you again". Saad ni Ate Freya nang marinig ang go signal nito.

Paalis sya ng Pilipinas para mag trabaho sa ibang bansa bilang caregiver. Hindi daw kasi sapat ang sahod nya dito kaya napiling mag ibang  bansa kahit malayo sa pamilya.

Somehow I feel guilty, Sa mga taon na inuubos ko ang pera ko para sa mga hindi naman ganon kahalagang bagay ay ang iba ay nag hahanap ng pera para may mapakain sa pamilya.

Siguro ito na ang unang lesson ko for today.

-//-

"Ito yung apartment, may sarili naman na syang kontador at tubig, maliit lang yan pero may isang kwarto at banyo, may kusina na rin yan at maliit na salas".

Napatango ako sa land lady na nahanap kong apartment sa Quezon city.

Nakakapagod lang dahil dalawang oras akong nag hanap bago makakita ng talagang matutuluyan.

"2,500 a month yan, ayoko ng delay ang bayad at makalat". Paalala nito na binuksan ang pinto.

Binuksan nito ang ilaw at tumambad sa akin ang maliit na apartment. May dalawang pinto sa kanan, ang isa ay malamang sa banyo at ang isa ay sa kwarto. May maliit na sink ang counter top na nag sisilbing kusina, may kaunting space dito at pwede namang sala.

Do I can really live her?

Pero ayoko namang mag condo!

"Gusto mo bang tulungan pa kitang mag ayos o iwan na muna kita?" Tanong nito

Muli kong pinasadahan ang paligid. "I'm fine here po, and pwede po ba ako makahiram ng extra bed?" I asked

Napapalatak naman ito at binuksan ang pinto na nasa unahan, na sa tingin ko ay kwarto.

"May isang kama na dito, side table at maliit na cabinet". Nakangiti nyang tugon na pinakita sa akin ang loob.

I nodded as response and thank her. Pag kaalis nya ay naupo ako sa kama na gawa sa papag. Even the cabinet and side table. Medyo naninibago lang din ako sa environment pero okay naman na siguro ito kesa sa wala.

Naligo muna ako at saka inayos ang damit para matiklop ng maayos. Buti na lang talaga at ang isang buwan ko ay ginugol ko sa pag aaral ng gawaing bahay at pag babasa ng tungkol sa mga buhay na ganito.

At least ay may alam ako sa pag huhugas at pag pa-plantsa. Ang problema ko ay ang pag lalaba at luluto.

I can cook pero mga fry lang at ang specialty ng pamilya naming tulingang sinaing! Alangan naman araw araw ay iyon ang ulam ko?

Hindi rin ako pwedeng laging mag fast food dahil kailangan kong mag tipid!

Omy! Ang hirap pala talaga mabuhay mag isa!

-//-

"Zinny gising ka na ba?"

Ang pag katok sa pinto ng tinutuluyan ko ang nakapag pabangon sa akin kinabukasan. Napakusot ako sa mata nang makitang tirik na ang araw sa labas.

Pag check ko ng phone ay low bat ito! Kaya naman pala walang alarm na naganap eh!

Sinuklay suklay ko muna ang buhok at nag hikab bago buksan ang pinto. Hindi ko alam kung anong oras na pero dahil sa tindi ng sikat ng araw ay baka alas nuebe na rin.

Aling Beth, the land lady give me a small smile. "Sorry at nagising pa yata kita". Saad nito ng makita ang inaantok ko pang muka.

I just smile. "Okay lang po, buti nga po at kumatok kayo dahil hindi nag alarm ang phone ko". Saad ko at napababa ang tingin sa hawak nyang toper-ware.

"Ano po yan?" Tanong ko

Tila naman natauhan ito kung ano ang pinunta nya at agad inabot sa akin ang lalagyan. "Hindi ko ba nasabi sayong nag titinda ako ng almusal? Well, lahat ng mga bagong lipat dito ay may libreng almusal sa dalawang araw".

Lumawak ang ngiti ko ng abutin iyon at malanghap ang amoy. Ang bango!

"Thank you po ha! Promise sa inyo po ako bibili ng almusal sa susunod". Saad ko

Saglit pa itong nag kwento at nag paalam na na babalik sa pwesto nya dahil iniwan nya lang daw ang pamangkin nya doon para mag bantay.

Pag kaalis nya ay nag simula akong kumain. Masarap ang tosilog ni Aling Beth. Talagang keri ang almusal!

Pero symepre hindi ako pwedeng mag tambay dito mag hapon. I should buy some appliance like rice cooker and electric-fan. Nakihiram lang kasi ako kagabi kay Aling beth dahil mainit talaga at hindi ako sanay!

Ang sakit pa nga rin ng likod ko dahil hindi ako sanay sa hindi malambot na kama. I should buy a foam!

Ang hirap talaga mag adjust! Isang araw pa lang ako dito pero ang hirap na!

Dapat talaga ay maging sanay ako dahil hindi lang ganito sa susunod na mga araw.

Kailangan ko na rin mag hanap ng trabaho na half day lang, at kailangan ko rin na mag enroll sa isang college school! Ano ba naman yan! Ang dami ko pa palang dapat gawin!

Pwede naman akong pumili ng kahit anong school dahil ang sabi ni Dad ay pag aaralin nya ako, pero bilang scholar! Kailangan ay maintain ang grades ko at maayos ang background ko sa school kundi ay hindi ito mag susustenton sa akin!

Omy gosh! Ituturing nya talaga akong katulad ng mga pinapaaral nya na kailangan ay maintain ang pag aaral!

Paano na ako nyan?

Pero syempre hindi ako mag ba-back out! Papatunayan ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa!

I can do this!!!

Yep, Zinovia, you can do this!

Padayon!!!!

Sa ngayon ay kailangan ko nang kumilos at mag ayos ng sarili para maka hanap ng trabaho at makabili na rin ng gamit.

Continue Reading

You'll Also Like

28.8M 913K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
1.6M 107K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
855K 21.6K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...