Nagising ako ng walang makapa sa katabi sa kama, agad na minulat ang mata ko at hinanap ang mag-ama ko
Hindi pa man ako nakakababa ng tuluyan sa hagdan ay may narinig akong tawanan na nagmumula sa kusina
Napangiti ako ng marinig dun. Mukhang nagkakasiyahan ang mag-ama ko sa kusina huh!
Nang tuluyan akong makababa ay mabilis na pinagmasdan ko ang mag-ama ko na nagtatapunan ng harina sa isat isa
Hindi ko mapigilang matawa ng libutin ko ang tingin sa paligid. Ang kalat jusko
Napailing nalang ako at napatawa, napalingon naman nila ako ng marinig ang pagtawa ko "good morning mommy!"mabilis na bumaba si percy at niyakap ang bewang ko
"Good morning wife!"bati din saakin ni lucifer at mabilis na hinalikan ang pisnge ko "good morning din sainyo"nakangiting bati ko sakanila
Ang dungis na nila "bat ang kalat ng kusina"kunwareng galit na anas ko
Napakamot naman ng batok ang mag-ama "a-about that—"
Percy cut him off "it's daddy's fault, Mommy" pang-aakusa niya agad sa ama na ikinalaki ng mata ni lucif
Binalingan ko naman si lucif at birong sinamaan ko ng tingin "Of course not" pagdidipinsa niya na ikinatawa ko ng mahina
"I see" tiningnan ko silang dalawa "linisin niyo yan. Now!" Tumalima naman sila agad at mabilis na pinulot ang mga kalat
Pft...
"Wife will you not help us?" Umiling ako "kalat niyo yang dalawa dapat linisin niyo yan ng magkasama"
Nagreklamo sila "bilisan niyo diyan, gutom na ako" sinamaan muna ni percy ang ama "it's your fault daddy!"
"Kasalanan mo din naman huh!"
"But your the one who threw a flour in my face"
"Its our fault!"diing sabe ni lucifer
"Hindi kayo matatapos kung puro sisihan ang alam niyo diyan!"bumuntong hininga muna sila bago kinuha ang walis at mga basura
Rinig ko pa ang mga bulong nila tsk!
—
Halos isang oras akong naghintay na matapos silang maglinis
"I'm tired"pagod na ibinagsak ni lucifer ang katawan sa sofa
Pumaibabaw naman ang anak niya at nahiga din sa dibdib niya "mom cook for us please!"
"Okay" yun nalang sinabe ko at nagtungo ulit sa kusina para magluto
Kaya pala puno ng harina ang kusina dahil sa balak daw nilang mag bake ng cupcakes kasu nasusunog dahil hindi naman sila marunong
Napailing nalang ako at nagluto nalang ng bacons, hotdog and sinangag
"Breakfast is ready!"sigaw ko pero walang percy at lucif ang dumating sa kusina
Nagtungo ako sa sala at nakita ko ang mag ama na mahimbing na natutulog
Mga anak mayaman kaya madaling mapagod kahit simpleng paglinis lang ng kusina
Paano pa kaya pag buong bahay? Baka mahimatay na sa pagod ang dalawang to
Mahinang tinapik ko ang mga balikat nila "lucif? Percy? Gising na kakain na"
"Hmm.."ungol nilang dalawa
"Kakain na magsigising na kayo baka lumamig ang pagkain"bumangon sila habang kinukusot ang mga mata
I find it cute!
Tumayo si lucif at binuhat ang anak na tinatamad tumayo dahil sa pagod ata
Nang nasa dining na kami ay agad kaming nagsiupo para makakain na kami
Pinagmasdan ko ang mag-ama na parang aagawan ng pagkain. Ang bilis nilang kumain hunes
"Dahan-dahan baka kayo mabulunan"nilagyan ko ng tubig ang mga baso nila
Hayst masyado yatang pagod at gutom tong dalawa!