Burning touch

By dcmuch

6.5K 282 328

Namulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahim... More

Dahlia - Owl City Girls Series
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 6

256 15 2
By dcmuch


Mabilis ding tumila ang ulan ng gabing iyon. Gusto nila tatay na roon na sa kubo matulog si Third, pero nag-insist siya na uuwi at babalik bukas para tumulong kay tatay sa pangingisda. Kinabukasan ay hindi nakapalaot dahil sa lakas ng alon.

Natakot din kami na baka anurin ang yacht ni Third. Lalo ang inflatable boat na ginagamit niya sa paglapit sa pampang. Hindi tuloy kami nagkita buong tanghali. Ngunit natatanaw ko siya sa roof deck at nakatingin sa amin. Gusto niyang puntahan ako ngunit nag-sign akong huwag na. Baka mapaano siya!

Ngunit mapilit.

Takot at tumatambol ang puso ko habang pinapanood siyang inaalon. But his pace every paddle was strong and untamable. When he got near us, tumulong kami nila kuya baldo para hilain sa buhangin iyon.

Pinalo ko si Third sa dibdib sa pag-aalala. "Ang kulit mo! Paano kapag napaano ka!"

Hinayaan niya ako, ngunit sa huli ay niyakap nalang. "I'm sorry," bulong niya.

Sa tuwing may nangyayari sa kanya. Para akong aatakihin sa puso! "Huwag mo ng uulitin iyon."

"I just can't let myself to just to watch you from afar. I'm sorry."

Hindi ko na siya pinalo. Gumanti nalang ako ng mahigpit na yakap. Ibinabaon ang mukha sa kanyang dibdib. Nilalanghap ang amoy niyang sinanay na ang sistema ko. Medyo basa siya at binabasa ako, pero wala na akong pakialam. Nang mahimasmasan, doon ko lang napansin na nakatingin na pala ang lahat sa amin habang nakangisi.

"Naku! Kainggit, ha!" Si Janice na umirap pa sa akin.

Ngumiti ako. Nahuling sa akin pa rin nakatitig si Third, ang isang kamay ay nasa balakang ko pa at hindi manlang nahiya sa ginawa.

"Oo nga. Naku! Sabi ko na nga ba!" sambit ng Nanay ni Banyera.

Kinindatan ko si Janice. "Hayaan mo. Kapag may kapatid na lalaki si Third, irereto ko sa'yo."

Nagningning ang mata ni Janice. "Mayroon ba?"

"I have an older brother," Third responded, eyes still on me.

Nagkaroon ng pag-asa sa puso ni Janice. "Nasa Casa Blanca rin ba siya?"

Tumango si Third.

"Kailangan ko na yatang mag-ipon ng pamasahe papuntang Casa blanca."

Tawanan ang nangyari sa grupo bago nagpasyang umalis doon. Magkakasabay kaming kumain sa labas ng bahay nila Banyera. Naging topic ang tungkol sa tila naghihinagpis na kaibigan.

"Break na kami ni Gilbert," panimula niya.

"Naku, sabi ko na nga ba! Nakita ko iyan na kasama noong alipores ni Mariette. Daig talaga ng malandi ang maganda," komento ni Janice sa akin bumaling pagkaraan. "Kaya iyang boyfriend mo. Bakuran mo iyan sa grupo nila Mariette. Malalandi ang mga iyon."

Nangunot ang noo ko habang minamasdan si Third na tumutulong sa nilulutong isda.

Sinubukan naman iyan ni Mariette.

Naningkit ang mga mata ko. Hindi kaya lihim siyang pinupuntahan ng babae? Kaya niya pinilit umuwi kagabi ay dahil kay Mariette?

Nahuli ako ni Third na masama ang titig sa kanya. May sinabi siya kay Kuya Baldo matapos ay tinapik sa balikat bago umalis. Lumapit siya sa akin. Kinuha ang nakitang bakanteng upuan at dinala sa likod ko bago naupo. His arms laid on the back of my chair before he whispered, "You look like you are about to kill me. Why? Are you hungry?"

Dapat ba akong kabahan?

Malamig at wala ng ulan. Ngunit nanatiling maalon ang dagat. Nagkakatuwaan ang grupo nila Kuya Baldo kasama ang naka-move on na yatang si Banyera. Sa pangunguna ni Janice, nagkantahan ulit sila. Nakikisali ako ngunit pumapalakpak lamang hindi alam ang kanta.

How nice to be with these people. Very simple, content, and happy.

Third was having fun too. Magkausap sila ni Mag Dolfo tungkol sa kung ano. Bukod sa ingay ng kantahan ay masarap pakinggan ang masiglang tawananan nila. Napangiti ako ng makisali si Nanay Gal at Tatay Rufino. Maging ang magulang ni Janice.

The topic went on and on. My eyelids were getting heavy until all of them faded and were replaced by a blurred mid-fifties man. On his back was a young woman same my age. She had an angelic face, warm and friendly smile as she approached me. Both of them wore the same shade of black. Ang kaedad kong babae ay inilahad sa akin ang hawak na cellphone.

"Our classmates want to say their deepest condolence."

The young me, just silently sobbed. She pulled me for a warm hugged before she whispered, "Dad decided to adopt you both. Doon na kayo lilipat sa mansyon mamaya."

"Who said that? No!"

We both startled and glanced behind. It was Daryl. He looked handsome on his black tux but tired because of wet cheeks and eyes from tears just like me. Dahil sa pagsusungit, nagmukhang guwapong mabagsik ang expression niya. Lumapit sa akin at inilayo ako sa batang babae. "We'll stay in our mansion."

"Nag-usap na si Daddy at lawyer ng pamilya niyo. Nagkapirmahan na. Sa amin kayo sa ayaw at gusto mo. Kapatid ko na si Dahlia sa wakas!"

"That's impossible. I have to read and agree whatever is written in the will of our father."

Pinag-krus ng batang babae ang mga braso. Bumusangot ang mukha. Gayunpaman, mukha pa rin siyang nagtatampong anghel. Nakanguso at namumula ang pisngi. Bagay sa kanya ang mahabang itim na buhok. "Si Dahlia nalang ang kapatid ko. Ikaw, hindi!" Hinawakan nito ang kamay ko at hinila palayo kay Daryl. Ngunit hindi pumayag si Daryl.

The old man I saw a while back appeared in front of us. "What is this all about?"

"Dad. Ayaw maniwala ni Daryl. Hindi ba't sa atin na sila titira?"

"Yes, Daryl. I've already talked the lawyer of your dad. Let me take care of you and Dahlia. I made a promise to your father. And as his best friend, I won't let him down. You are almost a family to me as well."

"I said, no, Tito Daniel!" Nilapitan ako ni Daryl at hinawakan ang kamay paalis doon.

Dinala niya ako sa kuwarto ko. Gusto niyang matulog na ako, ngunit hindi pa ako inaantok. "Gusto ko pang bumaba."

"Huwag ng matigas ang ulo mo Dahlia!"

Sa lakas ng boses niya, nangilid ang luha sa aking mata. Napansin niya iyon, umuklo para mayakap ako. "Sorry. Sorry na. Hindi ko lang kasi matanggap na wala na sila mommy at daddy. Dahlia, iniwan na nila tayo. Tayo nalang ang magkasama ngayon. Wala na sila. Patay na sila!"

Hindi ito maintindihan ng batang ako. Umiyak ako, hindi dahil sa nalaman. Naiyak ako dahil umiiyak na rin siya. Ngunit sa huli, noong ilibing ang magulang namin ay lumipat kami roon sa mansion ng mga Arrigue.

Palaging nagagalit si Daryl. Hindi sila magkasundo ng anak ni Tito Daniel. Ngunit kami ay palaging naglalaro sa hardin. Pumapayag din ako kapag binibihisan niya na parang prinsesa. Kahit anong gusto niya, okay lang sa akin. Masaya at gusto ko rin kasi ang mga iyon. Hanggang sa tumagal ang taon na lumaki kaming magkaibigan.

"Dahlia?"

Nakapikit ako para sa experiment niyang eye shadow. "Hmm?"

"Anong lahi ng daddy at mommy mo? Ganda kasi ng kilay mo. Lalo ang blue eyes mo. Crush ka ng escort sa klase namin."

"Crush din ako ni Clarence."

Pinalo niya bigla ang dibdib ko. "Hindi nga? Crush ko 'yon!"

"Hindi ko type. Tsaka, ayaw ni Daryl na makipagrelasyon ako. Bata pa tayo."

"Open your eyes. Gusto kong lagyan ng eyeliner. Pinabili ko 'to kay dad sa Japan."

Sinilip ko sa salamin ang ginawa niya. I grinned. "Sabi ni Clarence, ang ganda ng mga eyeshadow ko."

"Talaga? Lagyan mo rin ako niyan mamaya. Lalagyan muna kita ng eyeliner. At tungkol sa kapatid mo. Feeling ko talaga, crush ako niyan."

Ipinagkibit balikat ko iyon.

Close kami ng kambal ko, pero pagdating sa mga personal life niya. Hindi siya nagbabahagi. Gaya nalang kahapon. Yesterday was February 14. I received many chocolates and flowers from all the boys at school. Samantalang ang kaibigan ay isang bouquet na iniisip niyang galing kay Clarence na kalaban ni Daryl sa pagiging popular sa school. Iyon nga lang, iilan ang takot na lumapit sa kapatid ko dahil sa kumalat na issue na type ni Daryl ang kaibigan ko.

Wala iyon kasiguraduhan. Hindi rin naman itinanggi ng kambal ko.

Daryl was famous because of his brain while Clarence with his sweet mouth and cool demeanor. Daryl was a snob, it made him a challenge to all the girls while Clarence was a trophy boyfriend.

"Check mo nga kung tama." Tinapat ko ang salamin sa harapan niya.

Dumilat ito at ngumisi. "Bilis mong matuto. I like it very much."

Alam ko kung bakit hindi siya type ni Clarence. Kahit sino sa school, sa kabila ng pagiging angelic beauty niya ay tinagurian siyang maarte at matapobre. Hindi lang basta plain maarte. She had the tenth level of kaartehan. Wala siyang ibang kasundo kung hindi ako. Hindi naman kasi ganoon ang turing niya sa akin. Naususungitan niya ako minsan, pero hindi tatalab sa akin iyon dahil palagi ko siyang sinasagot sa malokong paraan. Sa tuwing gagawin ko iyon ay ngumingisi nalang din siya. Kaya naman hindi siya naging malupit sa akin.

Palagi kaming sabay sa SUV nila. Si Daryl ay nag-bike lang. Malapit lang kasi sa school. At para sa kaibigan, nakakadiri si Daryl samantalang sa mga kaklase na babae ay matipuno ito.

I let their opinion goes flow like the wind.

Nang makababa sa SUV na naghatid sa amin. Napansin agad namin ang grupo ng kababaihan na alam kong mas mataas ng dalawang taon sa amin. Their batch were real beautiful. Matured. Tall. Allowed to wear make-up. Kaya nong dumikit kami at makapasok at lumagpas sa masungit na teacher na siyang nagbabantay sa mga lower grade na hindi pa talaga puwedeng mag-make up.

Siniko ako ng kaibigan. "She won't notice. We are the tallest on our batch and more beautiful than those bitches."

I just wore my cool smirk and walked side by side with her. May nakita man na lalaking minamasdan ang bawat galaw namin, walang mintis ko silang nginitian at kung minsan ay may kindat pa. Friendly talaga akong tao.

From afar, I saw Clarence and his chosen friends who were just like him. Rich and famous. Sporty. I stopped walking, letting my friend walked fast ahead so that she can approach Clarence. This was the reason why we put on eyeshadow and eyeliner. For her to get noticed by her crush.

"Hi, Clarence! Thank you nga pala sa binigay mong bulaklak kahapon."

"Teka— si Bethanie ba ito?" puna ng isa sa kasama ni Clarence.

On the side, Sander Cristobal just laid his arms over Clarence shoulder. "Akala ko ba si Dahlia ang bibigyan mo ng bulaklak? Bakit si Bethanie?"

Nanigas sa kinatatayuan niya si Bethanie sa narinig. Lalo ng makita ang reaction ni Clarence. Ngumisi lang ito at umiling. "Where's Dahlia, Bethanie?"

"Bethanie!" tawag ko.

Lahat sila ay lumingon sa akin. Clarence gave me mesmerized gaze, just like his friends. Kinawayan ko sila at binigyan ng friendly smile bago lumapit sa kaibigan. Hinawakan ko siya sa braso. Naramdaman kong malamig siya. Pagkapihit ko sa kanya paharap sa akin, mula sa gulat ay agad siyang ngumiti. "Tara na?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

I was really against with this, kutob ko kasing hindi galing kay Clarence iyon. Hindi ba't ako nga ang type. Baka sa kapatid ko? Gayunpaman, hindi ko siya hinadlangan. Gusto kong maunawaan niya sa sarili ang isang bagay na akala niya tama pero hindi. Besides she won't listen to me anyway. What she wants must done. Now she knew the truth. This wasn't the first time, though. I wonder if she was mad at me for being chosen by her crush?

She never voiced it out to me.

Hindi kami parehas ng classroom. Ganoon din si Daryl, pero hinintay ko itong dumating dahil siya ang gumagawa ng assignments ko.

"Thanks." Kumagat labi ako bago ngumisi sa kapatid.

"Narinig ko kay Sander ang nangyari sa kaibigan mo."

Sumingkit ang mata ko. "Ano naman 'yon sa'yo?"

"Crush niya si Clarence? Pero si Clarence, ikaw ang pinupormahan? Nakita ko ang natanggap mong chocolates at bulaklak galing sa kanya. Iyon yata ang pinakamalaki. Playboy 'yon Dahlia."

Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Bakit boyfriend ko ba?"

"Playboy iyon. Bakit ba type niyo ang gano'n klase ng lalaki?"

Nangunot ang noo ko. "Hindi ko siya type. Si Bethanie ang may type sa kanya. Bakit ako ang pinagsasabihan mo?"

Pikon niya akong iniwan doon. Gusto ko man bigyan ng kahulugan ang sinabi ng kapatid, kaso parating na ang teacher namin.

Kumalat sa buong campus ang pagkakapahiya ni Bethanie.

"Huwag mong sasagutin iyang si Clarence."

Habang umiinom ng tubig ay nakatingin ako kay Bethanie. "Bata pa tayo para mag-boyfriend."

"Basta! Pinahiya niya ako."

Ngumisi ako. Ginulo ang buhok niya. "There are many fish in the sea." Iniwan ko siya roon para tumakbo na sa oval tracking field para sa P.E namin. Hindi nila P.E ngunit walang klase kaya piniling tumambay sa klase ko kung saan naroon din si Clarence at grupo niya. Kaklase ko rin kasi.

Kasalukuyan akong pabalik sa kanya ng mapansing hindi naalis ang titig niya sa pinagkakaguluhan sa unahan. Hindi ko alam kung ano iyon, pero nilapitan ko na ang kaibigan bago inabot ang towel. "Himala. Hindi ka kay Clarence nakatingin?"

"Sa'yo na si Clarence."

Huminto ako sa pagpupunas. Mariin siyang tinitigan na ngayon ay naroon pa rin sa kanina ang titig. "Hindi ko siya type. Bakit ko siya aangkinin?"

"May iba na akong crush."

Nilingon ko ang tinutukoy niya. Ngunit wala ng tao roon.

Sa akin na siya ngayon nakatingin. "Mamaya nalang tayo magkita."

Kumurap-kurap ako ng mapansin ang ngiti sa kanyang labi. Umalis siyang sinusundan ko ng tingin. Ganoon siya ng ilang araw. Hanggang sa matapos ang second quarterly exam. Lahat ay masaya. Kasama ako roon.

Ngunit hindi ang kaibigan at ang kapatid.

Minsan ko silang naabutan na nag-aaway sa pasilyo bago ang hagdan.

"So totoo nga. Gusto mo ako?" Tinulak ni Bethanie ang balikat ni Daryl. "Kaya pala tutol ka sa papeles ng paglilipat ng pangalan ni daddy sa inyo. Kasi... gusto mo ako."

Walang imik si Daryl. Sa unang pagkakataon kong makita ang kapatid, hindi ako sanay na mukha siyang nagmamakaawa. Parang ako kapag hindi napagbibigyan sa gusto ko. Pero ang kaibahan lang, bakas sa mukha nito ang pagkasawi.

Muling tinulak ni Bethany ang balikat nito. "Kapal ng mukha mo! Hindi kita gusto. Kahit maghirap pa kami, hinding-hindi kita magugustuhan. May iba akong gusto. Kuha mo!" Isang malakas na tulak ay natabig niya si Daryl, padabog na bumaba ng hagdan.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng araw na iyon.

Gusto kong aluin ang kapatid ko, ngunit masyadong demanding si Bethany. Lately she was like that. More demanding and I don't have the rights to turn her down. Gaya nalang noong gagawa dapat kami ng group project. Gusto kong seryosohin ang pag-aaral ko. Tamad lang ako, pero hindi naman bagsak ang grado ko. Nag-aaral at nakikinig pa rin naman, ngunit gusto ni Bethany na bumili ng limited edition dress sa isa sa pinakamahal na brand sa malaking mall dito sa Owl City Main.

Napilitan akong akitin ang grupo. Mabuti nalang at puro lalaki, mabilis kong nauto!

Hindi lang pangsarili, maging ako ay dinamay ni Bethanie. Despite her demands and firm decision, she won't disregard my benefit. Pumili ako ng simple, pero pangporma na damit. Samantalang si Benthanie ay pang formal occasion.

"That looks good on you. For date?" usisa ko sa hawak niyang conservative floral dress.

Kinilig siya bigla. "Kind of. Magkaka-boyfriend na ako."

Nakuha niya ang atensyon ko. "Mag-boyfriend ka na? Bata pa tayo."

"What do you call to the suitors you always entertain, Dahlia?"

"Well... is there any other term for suitors?" Tumikhim ako. "You have suitor? Who?"

Nilagay niya sa basket iyon bago lumapit sa akin, may pilyang ngisi sa labi, "You will help me get him."

"What? Why me?"

Nagkibit-balikat siya. "Sino bang aasahan ko? Ikaw lang naman ang kaibigan ko."

"You know I don't do the tulay thing. Most of the men I approached, you know they ended up always falling in love with me."

"Kaya nga dapat sikapin mong sa akin siya magkagusto."

Sa unang pagkakataon ay nawalan ako ng confidence. Mahirap yata iyon. Isa pa, wala akong super power na turuan ang puso ng isang tao. Lalo kung ako pa talaga ang gagawa ng move? Bakit hindi siya?

"Bakit hindi mo gawin? You know you are beauti—"

"Higit na mas maganda at hot ka sa akin Dahlia. Tanggap ko iyon, okay! Kapag magkasama tayo, alam kong ikaw lang ang tinitingnan nila at hindi ako. Never naging ako."

You don't know you are beautiful, Bethanie. You just have an ugly attitude, which you can't remove from your skin. Damn it! I want to say that to her face but I can't. I just can't turn her down. I don't want to ruin our friendship.

"Kaya ikaw ang gagawa ng paraan para magkagusto siya sa akin. Sisikapin ko ring baguhin ang ugali ko. Gagayahin kita."

Huminga ako ng malalim.

Ilang beses ko na bang narinig iyan? Bukod kay Clarence, may mga nauna pa siyang crush na binabakuran niya noon. Lahat ng babaeng may gusto sa crush niya, kulang nalang ay baliin niya ang buto at tirisin. Pero kapag sa akin na nagkakagusto ay sasabihin niya lang na huwag kong sagutin.

Bigla kong naalala ang kapatid ko.

Wala man siyang sinabi, pero ramdam ko ang sensiridad sa titig niya patungo kay Bethanie. Akala ko noon, galit siya sa kaibigan ko. Hindi ko alam na iyon yata ang paraan niya para bakuran ang kaibigan ko?

"Kapag nagawa kong paibigan ang crush mo sa'yo. Ano naman ang magiging benefit sa akin?"

"Kakausapin ko si daddy na huwag ng ipasa sa lawyer ang document para ilagay ang pangalan niya sa inyong magkapatid. Iyon ang gusto ng kapatid mo. Gusto kasi ako noon. Patay na patay sa akin, kaya hindi siya papayag na magkaparehas kami ng surname. Is that fair?"

"Walang kinalaman iyon sa akin."

"Alam mo kung paano magalit si Daryl. Kapag nalipat ang pangalan ni daddy sa inyo, baka maglayas 'yon. Worst, suicide."

Natigalgal ako. Naniniwala sa kanya sa part na iyon.

Noong lumipat kami sa mansyon ng mga Arrigue, isang Linggo na hindi umuwi roon si Daryl. Pinahanap siya ni Tito Daniel. Kabado at takot ako noon. Nang malaman naming nasa isang computer shop siya, nilustay ang nalalabing pera para sa kakalaro at walang kain. Halos mabaliw ako sa pag-aalala lalo sa dahilan niyang gusto ng mamatay gaya nila daddy.

Sa aming dalawa, siya ang pinakaapektado. Alam ko!

Bagaman segundo lang ang agwat namin sa isat-isa, mas matured ang pag-iisip niya sa lahat ng bagay. Iyon nga lang, para siyang si Bethanie na firm sa kanyang damdamin at kalungkutan. Doon ko napatunayan din na manhid ako pagdating sa emosyon ng mga taong nakapaligid sa akin. I always bear my problem on the lighter side.

Huminga ako nang malalim. "Paano kapag hindi ako nagtagumpay?"

"You have to nail it, Dahlia. Popular ka. Hinahangaan ng kahit sino. Walang lalaki ang hindi kayang mabihag ng charm mo."

Hindi ako natutuwa. Pero may parte sa akin ang bumubulong na mukhang madali lang naman. Isa pa, ayaw ko ring maulit ang ginawa ni Daryl. Siya nalang ang mayroon ako. Hindi ko yata kakayaning pati siya ay iwan ako. "Sino ba kasi 'yan? Patay na patay ka, ha! Talagang naisip mo ang lahat ng ito."

"Of course! Sabi mo nga, there are much fish in the sea. But you forgot to add, among the bunch of fish there is a rare one you can't take your eyes off. One look, you can say it's the one. He is for me. He is mine. I will do anything to get him."

"Sa lahat ng mga babae rito. Mas maganda. Kasing yaman mo. Bakit ako?"

She eyed me from head to foot. "Because you are exploding popular. Crush ng bayan. Alam mo bang may facebook page mo na updated sa lahat ng galaw mo? Maraming lalaki na naka-follow doon kahit babae. Kasama ako!"

Ano raw? "Popular din naman si Daryl. Matalino. Honest. Serious. Someone rare you shouldn't slip on your finger, Bethanie. Bakit hindi mo nalang dyowain ang kapatid ko?"

Umirap siya sa kawalan. "For the record... may mas pa sa kanya. At ang mas na iyon ang gusto ko."

I can't believe it!

Hinuli niya ang kamay ko at dinala pabalik sa school namin. Sa building ng senior high. Dahil nag-cut kami, kailangan pa namin magtago sa mga teacher bago sumilip sa bawat silid. Sa dulo kung saan ang pilot section ng senior high kami huminto.

Bethanie bravely docked her head to check someone inside until she squeaked and glanced at me. "I found him. The guy behind Lawrence Buenasher."

I knew Lawrence.

She was the same in my league. Funny and cool. Popular on their batch.

Immediately, I saw her and the guy Bethanie was talking to. The guy had tan skin. It actually helped his mysterious physique screamed an unexplainable prowess. The one that you can't easily ignore. If you do, you will find your eyes gawking back at him and watched his flawless moved as he played the ball pen on his hands.

One looked in front then he will write on his notes. Each movement of his fingers were smooth and firm. Una mong maiisip, pangit ang sulat nito pero hindi nakaka-turn off isipin sa gaya niya.

He had a pointed nose and sexy thin lips. Then someone from his left side glanced at us. My heart lift when his smoldering blue eyes drifted on me. Look at that thick brows. It made him serious as it furrowed. Naninindak, pero hindi tatalab sa akin iyan.

Did Bethanie bring me here to start my mission?

I think I can persuade him to like my friend. Ganito pala ang mga type niya? Matured. Taller. Can't describe his physique but base on the muscle on his arms. Damn, baby. This one was one hell passable!

Bakit hindi ako ang unang naka-discover sa kanya?

"His name is Cameron Oswold III," bulong ni Bethany.

The name hummed in my head like a broken cassette tape. Something in my head flinched and I collapsed on my seat as my body shook for an intense pain I can't take it anymore.

Mabilis na binalot ng kung ano ang kaisipan ko nang magising at makita si Third sa harapan ko. The thought of my agreement with Bethanie immediately reminded me, beating the affection what my hearts telling me towards him. Umiwas ako sa palad niyang hahaplos sana sa aking pisngi.

"Masama pa yata ang pakiramdam niya." Si Tatay Rufino ang narinig ko.

Third didn't try his luck. He stood on the far side. Silent. Just looking at me, as if he was made like that. Patient. If I call him, he will surely come to me. But that won't surely come. After remembering about my parents, my twin, and Bethanie. I don't think the innocent Katya would still come out inside me. She was gone the moment I opened my eyes.

I am not Katya Valenzuela who used to help her father in the ocean to catch fish. Lived in a small and cheap house. The person right here, right now lived in the city. I have everything at the tip of my finger. The flaunting beauty, fun, and luxury life.

I am Dahlia Aeria, daughter of Emiliano Escubar.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...