THE LATE PAST

By uniqueeniv

72 0 0

:) More

The Late Past

Simula

24 0 0
By uniqueeniv

Bawat bagay sa mundo ay mahalaga, saang sulok ka 'man naroroon kung ano 'man ang iyong ginagawa, ikaw ay may halaga.

Pero bakit sa tuwing nagmamahal tayo lagi nating tinatanong saating sarili kung ano ba ang halaga natin sa isang tao.

Marami saatin hindi nakikita ang halaga ng mga simpleng bagay, madalas pa nga itong hindi nabibigyan ng pansin.

Kaya madalas lagi nating sinasabi na "Nasa huli talaga ang pagsisisi" o kaya naman, "Makikita mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa tabi mo". Tama nga naman hindi ba?

Bakit hindi natin matutunang pahalagahan 'yung mga bagay habang hawak pa natin?

Kailan ba natin matututunang magbigay ng halaga?

"Pasok ka ineng, dito ang kwarto.." nilingon ko ang isang pinto na tinuro ng isang land lady.

Ito na ang magiging bago kong tahanan, dito na ako magsisimula ng panibagong hakbang.

Hindi kalakihan ang apartment na nakuha ko, pero sakto lang para saamin ni Con. Merong dalawang kwarto, isang comfort room, medyo maluwang na sala, at sakto lang din ang kalakihan ng kusina.

"Kung may tanong ka pa punta ka lang doon sa bahay ko ha? Alam mo naman kung saan, oh siya ingat kayo."  Tumango ako sa matandang babae at tsaka sinarado ang pinto.

Madilim na sa labas dahil halos mag aalasais na ng gabi, buti na lang at nakapagmeryenda kami ni Con kanina at hindi kami masiyadong gutom lalo na si Con.

Dahan-dahan ko namang binaba ang mga dala kong gamit namin ni Con sa isang gilid at muling sinilip ang kwarto kung saan siya matutulog.

Meron ng kama sa loob ng dalawang kwarto at kung ako ang tatanungin mas gusto kong tabi na lang kami ni Com dahil medyo malaki naman ito.

"Come here" tawag ko rito.

Binitawan niya ang hawak niyang iPad at pumunta palapit saakin.

"Do you want to sleep here or be with momti" sinilip niya ang kwarto at pumasok sa loob.

"I don't want to sleep alone.." nagpout pa ito at yumakap sa binti ko. Tumango naman ako sa kaniya at binuhat siya.

Con is only 5 years old pero marami na siyang mga bagay na kayang gawin, he can write, draw and even read some books.

Natutuwa ako kasi kahit sa murang edad niya natutunan niya na 'yung mga ganiyang bagay.

Nilapag ko ang ilang damit namin ni Con sa aparador sa kwarto na gagamitin namin, medyo marami kaming damit dahil talagang pinaghandaan ko ito.

Pinaghiwa-hiwalay ko ang mga pangtulog, pang-araw-araw at kahit ang mga pang-alis niya.

Alas onse na ng gabi nang matapos ako sa pag-aayos, sakto namang paglabas ko ng sala ay natutulog na si Con. Dahan-dahan ko itong binuhat at dinala sa kwarto namin.

Nang maibaba ko ito narinig ko pa itong bumulong ng "Mommy", naluluhang hinalikan ko ito sa noo bago iniwan.

Magiging okay tayo Con, kakayanin natin 'to, pangako.

"Momti, wake up I want to eat na!!!" Nagising ako sa matining na boses ni Con, halos yug-yugin pa ako nito para lang magising. Pagkatingin ko sa cellphone ko nakita kong alas otso na pala ng umaga, ngayon ko lang din napagtanto na wala na pala kaming kasama sa bahay, wala nang tutulong saamin para mas mapadali ang gawain.

Napabuntong hininga na lang ako sa masakit na katotohanan.

Nilapag ko sa lamesa ang niluto kong sunny side up, hotdog at sinangag. Isa ito sa paboritong almusal ni Con, napaparami ito ng kain kapag ganito. Nagtimpla na rin ako ng gatas niya at kape ko.

"Asan ka ba? Pupunta ako diyan, ako na muna magbabantay kay Concon." It was Edi, my best friend.

"Dito sa Purok dos, tapos tanong ka lang kung sino si Aling Tere, ituturo na sa'yo kung saan apartment niya." Pagbibigay ko ng direksyon sa babaeng 'to.

"Fine! Wait for me at least 10 minutes." Napangiti naman ako kasi willing talaga siyang magbantay.

Nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang mga talagang kakailanganin nila Concon, sinilip ko rin ang ref kung may laman pa at kung may makakain ba sila.

Magdadalawang buwan na rin kami rito at ngayon ko lang nasabi kay Edi ang lugar, ayokong ipaalam sa iba dahil alam ko ang issue na lumalaganap, mahirap na. But of course, iba si Edi at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon.

"Momti are you going somewhere po?" Nilingon ko si Con na nakatayo ngayon sa gilid ko.

Lumuhod ako para magpantay ang tingin naming dalawa.

"Yes baby, but momti will come back okay?" Nakita ko ang lungkot na dumaan sa mukha niya, parang naiiyak pa ito.

Kailangan ko lang maghanap ng bagong trabaho, at tignan na rin kung may naiwan para saamin ni Con. Dahil sa nakikita ko sa sitwasyon namin ni Con? Pera ang kailangan ko, namin.

Una kong inasikaso ang mga papel ko para makapasa sa mga eskwelahan since nag-graduate naman ako bilang isang guro.

For now, private schools muna ang inapplayan ko dahil merong malapit na school dito saamin, 30 minutes ang byahe pero okay naman, at sana tanggapin.

Pauwi na sana ako ng maisipan kong dumaan saglit sa grocery store dahil alam kong paubos na 'yung gatas ni Con at mahirap kung babalik pa kami sa susunod.

Nang magbabayad na ako hindi ko napansin na naparami nanaman pala ang nailagay ko, buti may savings ako. At least essential, and needs talaga ito like diaper, frozen foods, snacks and so on.

Naghihintay na lang ako ng grab nang may lalaking tumabi saakin, his scent is very familiar, hindi ko malilimutan ang amoy na 'yon dahil isang lalaki lang naman ang naamuyan ng gano'n.

Naglakas ako ng loob lumingon at hindi nga ako nagkamali.

It was him.

My love.

Lumingon ito saakin na akala mo nakakita ng isang malaking basura, walang emosyon ang mga mata nito, wala na 'yung mga matang dati ay punong-puno ng pagmamahal, wala na 'yung saya na dati rati ay abot pa hanggang mata, wala na.

"Uh..." Hindi ko alam sasabihin ko, hindi ko alam gagawin ko, gusto ko siyang kamustahin, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan, gusto kong gawin lahat, pero kahit isa sa lahat ng iyon wala akong nagawa.

"Sort of words? Hanggang kailan? Wala ka pang sinasabi pero parang pagod na pagod kana." Maliit itong tunawa na may pailing pa.

No, love. Please hear me out, miss na miss na kita. Mahal ang dami king naranasan, wala akong makausap kasi wala ka, wala akong mapagsumbungan. Mahal ko balik kana, naghihintay ako.

Ang dami kong gustong sabihin pero kapag tumitingin ako sa mga mata niya na walang laman, nauubos ako.

"Ganiyan ka pa rin pala, I thought magiging better ka kapag wala na tayo. Are you happy? Looks like you were happy." Mahal, it's been 5 years since naghiwalay, I keep secrets but I love you, and I always been.

"Are you happy with the man you chose?" Nilingon niya ang hawak kong plastics and paper bags, napahawak ako nang madiin doon.

Nakita ko kung paano magdilim ang kaniyang paningin nang makita ang lata ng gatas, diaper at mga gamit pang bata.

This is one of our dream, bibili ng gamit ng mga anak namin, masayang namamasyal, nagmamahalan, at buo.

"Hmmmmm, I see-"

"I-kaw uh.. kumusta ka?" I can feel the pain throbbing on my chest, for almost 5 year, damn, ikaw pa rin.

"I'm good, really good." I saw the happiness in his eyes.

Okay kana ba mahal ko? May pamilya kana ba? Masama ba akong tao kung hihilingin kong sana ako ang dahilan niyang kislap ng mga mata mo? Masama ba kung muli akong hihiling sa mga tala na sana akin kana lang ulit kahit sobrang labo na?

Nakaramdam ako ng pamamanhid ng makarinig ako ng boses ng isang batang lalaki, without thinking he hug the boy.

"Daddy!"

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa mga dala ko, ramdam ko ang sakit ng puso ko. Ito ba ang dahilan ng kislap ng mga mata niya? I tapped the floor to stop myself crying, and I know I can handle it.

"Mama doesn't want me to buy the toy, daddy let's get it please!!!" Bigla na lang siyang hinila ng bata at wala itong magawa kahit pa ang magpaalam manlang.

Nang mawala sila sa paningin ko napangiti ako sa kaninang kinatatayuan niya, he's happy.

Napaluha ako ng maisip na sana gano'n din ako, sana makahanap ako ng taong bubuo saakin at aagaw sa pagmamahal ko na nasa lalaking iyon. Sana, sana talaga.

*-*
iv.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 291K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.4M 34.9K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.5M 133K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.6M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...