Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY

14 2 0
By DonaQuixote

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY

Angel's Point of View

"Cole!" masayang bigkas ko sa pangalan ng lalaki nang sagutin niya ang phone niya na kanina ko pa tinatawagan.

"It's not Cole, it's Klein." it was Klein.

Nadismaya akong napa-upo. Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang kausap ko lang sa telepono.

"Where's Cole? Is he okay?" tanong ko at pinatay na ang tawag.

"Okay?" naaasar na tanong niya. "ang stupid naman ng tanong mo." bakas na bakas ang pagkasarkastiko ng boses niya. Tumawa pa ito ng nakakainsulto.

"Maka-stupid ka naman. I'm just checking, okay? Kung kumakain ba siya or what." ani ko.

"He's not." maikling sagot naman ng lalaki.

"Bakit nasa sayo iyang phone niya?" tanong ko sabay turo sa phone ni Cole na hawak niya.

Tinignan niya ako na para bang napakatanga kong tao pero napabuntong hininga siya na parang naalala niya na tanga talaga ako. Bwesit eh. Kahit talaga hindi siya magsalita ay alam ko na agad laman ng isip niya.

"Cole... was trying to kill himself. Every day.. every night... every time he got a chance. Kaya lahat ng bagay na maaaring gamitin niya upang saktan ang sarili niya, inaalis namin." imporma niya, "including his phone." sabi niya sabay pakita sa akin ng phone ni Cole.

Bumigat naman ang pakiramdam ko sa nalaman. Huminga ako ng malalim upang kumalma.

Magsasalita pa lang sana ako nang senyasan niya akong manahimik gamit ang kamay niya. Inungusan ko lang siya pero nanahimik din lang.


"How's your feeling? How's you wounds?" tanong niya, wala na ang mapang-insultong Klein.

At mukang iniiwas niya rin ako sa topic tungkol kay Cole o kay Lesly.

Nangiti ako. "Okay? Ang stupid naman ng tanong mo." balik ko sa sinabi niya sa akin. Nagsalubong naman ang kilay niya at lumapit sa akin. Hindi ako nakapalag nang pitikin niya ang noo ko.

"I'm serious." sabi pa niya.

Upang masagot ang tanong niya ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kung may masakit ba sa katawan ko. Ngumuso ko nang maramdaman ko ang sakit sa leeg ko.

"Maayos naman ang mga sugat ko. Ang masakit lang talaga ang leeg ko." sabi ko. Hinawakan ko pa ang leeg ko at ngumuso.

"Pero okay ka na?" tanong niya, naninigurado.

"Oo.." sagot ko.

Matapos naming mag-usap ay sinabi niya na ang pakay niya. Ang sunduin ako dahil pwede na akong umuwi. Napangiti ako sa balita niyang iyon.

Hindi pa raw uuwi ang tatlo dahil hindi pa sila pinayagan ng doctor dahil malala ang tama nila sa katawan. Hindi gaya ko na sakal lang ang inabot.

"Pero pwede bang 'wag muna akong umuwi? Kailangan ko kasing magbantay muna rito..." pagdadahilan ko lang.

Sa totoo lang kasi.. ayaw ko pang makita si Cole. Pakiramdam ko iiyak ako ng sobra. Pakiramdam ko masasaktan ako ng sobra dahil kahit na hindi ko alam.. kahit na hindi ko sigurado pa, pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko sa kaniya.

Pakiramdam ko... ako talaga ang may gawa no'n. Ang dahilan ng pagkamatay ni Lesly at ng anak nila.

Oh 'di ba? Ang kapal talaga ng muka kong masaktan pa.. Sobrang kapal. Sa sobrang kapal nga ay kayang kaya ko pa silang harapin kahit na.. sobrang lakas na ng pakiramdam ko na kasalanan ko ang lahat.

"No need. They can manage themselves. And you need to rest. Kakarating mo lang kahapon, 'di ba?" agad na pagtanggi naman ni Klein sa sinabi ko.

"Pero kasi.."

"No buts." pigil niya agas sa sasabihin ko pa lang sana. "it's Chad's decision. He wants to make sure that you have a rest." dagdag niya.

Pilit na napangiti ako. Pilit na pinasaya ko ang sarili ko dahil si Chad.. ang boyfriend ko... gusto na magpahinga na ako.

"Binilin niya sa akin 'to. And besides... Kitang kita naman na pagod ka. Kahit ako ngang nakakakita ng pagmumuka mo gusto ng pagpahingain ka.." sabi niya pa sabay turo sa muka ko. Alam ko na malalim na ang mga mata ko at kita na ang eye bags ko. Bangag na bangag na ako.

"Hindi ako pagod." tanggi ko pa rin kahit na halatang halata naman sa muka ko. "Sadyang hindi lang ako nakatulog kagabi."

"Yeah right, reasons. Tigas talaga ng ulo mo." madiing aniya.

"Sakto lang. Hirap din kasi makapagpahinga. Iniisip ko kasi si Cole."

"Then go home and get to see him yourselves."

"Ayaw ko.. hindi pa ako handa. Pakiramdam ko kasi ang laki ng kasalanan ko sa kaniya kahit na... wala naman." sabi ko at gusto kong matawa dahil sa sinabi ko. Alam ng puso ko na may kasalanan ako kay Cole. "makalipas ng tatlong araw ba naman kami umuwi pagkatapos ng insedente." dagdag ko upang hindi makakuha ng kahit katiting na ideya si Klein sa mga sinasabi ko.

Kilala ko siya, matalino siya. Kayang kaya niyang tukuyin ang isang bagay gamit lamang ng mga salita o hint na nakukuha o nararamdaman niya. Alam kong kaya niyang malaman na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Lesly gamit lang ang mga salitang binibitiwan ko.

"Okay. Bahala ka. Basta ba umuwi ka rin lang ngayong araw." nagkibit balikat na sabi niya, natalo na. Tanggap na niyang hindi niya ako mapipilit.

Wala talaga sa plano kong umuwi. Gusto kong puntahan si Rosh. Tatanongin ko siya.. sisiguraduhin ko na tama nga ang hinala ko. Kapag tama nga ako... bago pa man malaman nila Chad at ng mga kaibigan namin.. lalo na si Cole ang ginawa ko. Sisiguraduhin ko munang napahirapan at napatay ko na si Rosh.

Ang daming pumapasok sa utak ko na ideya kung paano ko siya papahirapan.

Uunahin kong papahirapan ay ang kaniyang minamahal na ama, si Tito Jack. Pagkatapos ay itatapon ko siya sa presento. Mas paghihirap sa isang taong gaya ni Tito Jack ang makulong keysa ang mamatay.

Mawawalan ng leader ang grupo ni Tito Jack. Manghihina sila. Mawawasak ko sila ng madalian.

Isusunod ko ang mga aso ni Rosh.. sila Hunter at mga grupo niya.

Ihuhuli ko siya... hahayaan ko muna siyang magdusa sa mga nangyari pagkatapos ay papahirapan ko na siya ng pisikal. Gagawin ko lahat ng makakaya ko hanggang sa siya na mismo ang pumatay sa sarili niya dahil sa sakit at hirap.

Wala akong pakialam sa mga utang na loob ko sa kanila.

Sobrang pigang piga na ako.

Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko.

Pero ang isang ito.. ang nangyaring ito.

Kung sakaling totoo man.. sobrang magagalit ako sa kanila at hindi ko iisipin ang mga malalaking bagay na tinulong nila sa akin.

Ibubuhos ko lahat ng galit na naipon ko sa kanila sa mga panahong nagpipigil ako at hindi ko sila magalaw dahil sa putang inang utang na loob na iyan.

Pero naalala ko si Lesly..

Shit.

Hindi ko pa pala siya nakikita. Hindi ko pa nakikita ang bangkay niya.

Gusto ko siyang... makita.

"Klein... Si Lesly.." baling ko sa lalaki na kanina pa pala nakatingin sa akin habang nakatulala ako sa isang sulok. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang binabasa ako.

Alam kong nabasa niya ang emosyon ko.

Alam niyang galit ako dahil maging ako ay ramdam ko ang pagbabago ng timpla ng muka ko.

"No." sagot niya naman agad. Alam kong alam na niya agad ang nasa isip ko kahit na hindi ko pa man ito sinasabi. "I can't make you see her." sabi niya pa at tumayo na. Hinarap niya ako, pinapaintindi na dapat makinig ako sa kaniya kasi mas makakabuti sa akin iyon.

"Klein naman.." reklamo ko.

"Most of us can't even look at her..." kwento niya.. "You'll be traumatized. I swear, trust me." mahinahong sabi niya na para bang isa akong bata at pinapaintindi sa akin ang tama at mali.

"Please..."

"No." pinal na sagot niya.

"Tsk. Bakit ba ako nagpapaalam sayo?" sabi ko. A sudden realization hits me. Oo nga, bakit ba ako nagpapaalam sa kaniya? "Kaya ko namang hanapin at puntahan kung nasaan si Lesly eh." sabi ko at tumayo.

Naalarmang tumayo rin siya sa harap ko. Handang pigilan akong lumabas.

"Huh. As if I'll let you?" Ayan. Bumalik na naman ang sarkastikong Klein.

"Huh. Bakit? Kaya mo bang harangin ako?" tanong ko, nagyayabang. "ah-huh.. never pa tayo nagkabanggaan eh. Wanna try?"

"Gago." sabi niya lang at hinawakan ang balikat ko at pilit akong pinaupo pero tinapik ko lang ang kamay niya.

"Huh? Takot ka ba?" hamon ko.

"Hey, don't be too full on yourself. And besides.. I know your skills. I know you." kampanting sabi niya at ngumisi.

Ngumisi rin ako, "hindi mo sure."

"Tumahimik ka na lang diyan," sabi niya sabay tulak sa akin pabalik sa kinauupuan ko kanina, "at hintayin mo na lang ang desisyon ni Chad." pagtatapos niya sa usapan.

"Okay." pagsuko ko naman. Hindi na rin nakipagtalo pa. Alam ko na kahit na anong sabihin at gawin ko, papatulan din ng isang 'to ang kayabangan ko.

Hindi na umalis si Klein sa tabi ko. Binantayan talaga ako ng loko. Sinabi ko na hindi ako kikilos ng hindi nila alam o ng hindi nila gusto, nangako na nga ako sa harap niya pero hindi siya nakinig.

At talagang pinadala raw siya ng mga kaibigan namin upang bantayan ako kung uuwi man ako. Pero hindi ako uuwi at sinabi ko na aalagaan ko ang tatlo rito. Kaya nandito pa rin siya at tumutulong na rin siyang alagaan namin ang tatlo kahit na ayaw niya.

"Ginusto mo iyan, panindigan mo." pangbwe-bwesit ko sa kaniya. Tumawa naman ang tatlo habang pinapanood nila si Klein na nagbabalat ng prutas na kinakain agad ng tatlo.

Nang gumabi ay pinunasan namin ni Klein ang tatlo bago tulungang magpalit ng hospital gown.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"I should be the one asking you that." balik na tanong sa akin ni Klein.

"Hindi pa. 'Di ba? Sinabi ko sayo na babantayan ko ang tatlo?"

"Huh?" si Sedan iyon. Sabay sabay din silang tatlo na napalingon sa akin.

"Kami? Babantayan mo?" natatawang tanong ni Owen. Hindi ko nga alam kung naiinasulto ba siya o ano eh.

"Ulol ka ba?" si Shadow naman ang nagsalita. "hindi namin kailangan ang pagbabantay mo. Kaya na namin ang sarili namin." sabi niya sabay turo sa pinto at winagayway ang kamay na para bang tinataboy ako.

"Nakakagalaw naman na kami." sabi pa ni Owen.

"Kaya nga." pasang-ayon naman ng dalawa.

Wala akong nagawa nang itaboy na nila ako paalis sa kwarto nila. Natawa naman si Klein sa akin habang pinapanood akong nakabusangot dahil sa kawalan ng kawala sa kaniya.

Uuwi na talaga ako.

Pero nang pasakay na kami ng kotse ay biglang tumunog ang telepono niya.

"It was Chad." imporma niya sa akin at pinakita ang pangalan ng caller bago niya ito sinagot.

Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ko at lumingon siya sa akin. Matapos no'n ay lumayo siya sa akin para hindi ko marinig ang usapan nila. Seryosong pinanood ko naman siya at ang reaksyon niya.

Shit. Ito na naman ako sa pagkapraning ko.

Alam na kaya nila?

Iyon na kaya ang sinasabi nila kay Klein ngayon.

Kitang kita ko ang walang reaksyon na muka ni Klein. Tapos napalitan iyon ng inis. Nagsalubong ang kilay niya at kumunot ang noo niya.

Lumapit siya sa akin habang nagsasalita. "alam mong matigas ang ulo nitong Angel na 'to. Tapos hahayaan mo siyang mag-isa ngayon? Tanga ka ba, Chad?"

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Klein. At talaga namang pinarinig pa sa akin. At ang lakas naman ng loob niyang sabihan ng tanga si Chad.

"Fine. Bahala ka. Bahala siya." pagtatapos niya sa usapan nila ng kausap bago padarag na inabot niya sa akin ang phone. "kausapin ka raw ni Chad."

"Angel?"

Shit. Ilang oras lang na hindi ko narinig ang boses niya pero miss na miss ko na siya. Tangina niya.

"Hmm?"

"We need Klein here."

"Oh tapos?"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya dahil sa naging sagot ko. "And he'll leave you alone. And inaasahan ko na hindi ka kikilos ng mag-isa. Aasahan ko na hindi mo pupuntahan si Lesly. Aasahan ko na hindi ka gagawa ng bagay na ikakapahamak mo." dahan dahan ang pananalita niya, siguro para maintindihan ko ito.

"Okay." sagot ko at tumango pa na para bang nakikita niya ako.

"Please promise me?" bakas ang pakiusap sa boses niya.

"Promise." hindi. Bakit naman ako susunod sa taong hindi naman nakikita ang galaw ko? Hindi naman niya malalaman ang mga gagawin ko.

"Alright. I trust you, okay?"

"Hmm-mm. You can trust me." Joke lang HAHAHAHA Naniwala ka naman sa akin?

"Thank you. I love you, Angel.. so much." pabulong niyang sinabi ang huling linya bago tuluyang pinatay ang tawag.

Mahal din kita, Chad. Sobra.

"Please be cooperative. May tiwala si Chad sayo na hindi mo ipapahamak ang sarili mo at hindi mo pupuntahan si Lesly. Please.. gawin mo, okay?"

"Oo nga.."

"Bakit ba wala akong tiwala sayo?" inis na sabi niya. Natawa naman ako sinabi niya.

"Trust me this time." paninigurado ko sa kaniya.

"Please do.."

"Ang kulit mo." bwesit na sabi ko. Hayst. Tumatak talaga ang ugali kong matigas ang ulo sa kanila eh. To the point that they need to be with me to make sure. Dapat din talaga ulit ulit ang sinasabi nila masigurado lang na hindi talaga ako kikilos.

"Alam ko kasing matigas ang ulo mo."

see?

"Sakto lang." sagot ko at natawa.

"Umuwi ka na. Agad agad. I'll contact Carl to make sure that you're home." sabi niya sabay turo sa pagmumuka ko.

"Oo nga.." sagot ko naman at hinawi ang kamay niya.

"Mag-ingat ka? Baka maisahan ka na naman." bakas ang pang-aasar sa muka niya.

Pero kahit na ganoon, alam ko na nag-aalala siya. Hindi naman iyan maninigurado kung hindi. At isa pa... ganiyan naman silang lahat sa akin. Ganiyan silang lahat sa isa't isa.

Napakaprotektado nila.

Pero... hindi ko na mararanasan iyan. Ang pagiging protektado nila sa akin kung nalaman na nila na dapat.. na dapat sa akin dapat sila lumalayo upang maging protektado.

Sa akin dapat nila prenoprotektahan ang sarili nila.

"Che! Hindi na mauulit iyon. Hindi na ako papayag. Sakit kaya masakal." tapos si Justin pa ang mananakal sayo. Naku! Hindi lang leeg ang masakit kundi pati sa puso.

"Bye, Angel. Be safe and please.. be a good girl this time." seryoso nang aniya.

"Oo nga!"

Tumango naman siya at tinap ang ulo ko bago siya tuluyang sumakay sa kotse niya. Huminto pa siya sa harap ko upang makakaway bago umalis.

Hindi ako kikilos ng ikakapahamak ko.

Hindi ko na rin muna siguro pupuntahan si Lesly.

Kay Rosh muna ako.

Napangiti ako na parang tanga dahil wala na si Klein na nakabantay sa akin. Mag-isa na ako ngayon at makakakilos ako ng maayos.

Mahahanap ko si Rosh.

Mapupuntahan ko siya.

Malalaman ko ang totoo.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 88.6K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
54.4K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
Riptide By V

Teen Fiction

331K 8.4K 118
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
79.2K 267 11
As the title says