Perfect Match (Salazar Series...

بواسطة Joyanglicious

33.2K 1.3K 76

Date Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng m... المزيد

Perfect Match (Salazar Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 21

1.4K 43 4
بواسطة Joyanglicious

Caelus Aziel Salazar

“Cae, sa inyo ba tayo tutulog ngayon?” medyo niliitan pa ng katabi kong babae ang boses niya at nagpacute pa sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Hindi. Wala ka bang bahay at sa amin ka pa matutulog?” Tanong ko sa kaniya. May nakita akong babae sa kabilang table. Actually wala naman siya doon kanina pero bigla na lang siyang sumulpot at naagaw agad niya ang atensiyon ko.

“Tangina mo Cae, ang sungit ah.” Humagalpak ng tawa si Zymon dahil sa sinabi ko. Umiling ako sa kaniya at tumingin ulit sa kabilang table. Kinakausap niya ‘yung isang babae na halatang lasing na.

She’s pretty. Kung titingnan pa lang sa malayo ay nakuha na niya ang atensiyon ng lahat ng nandito, paano pa kaya kung sa malapitan na.

“Akala ko ba, sabay tayong matutulog ngayon?” Nairita na naman ako sa boses ng katabi kong babae. Bakit ba nililiitan niya ang boses niya? Para siyang dagang naipit sa pinto.

Ano ngang pangalan niya? Jane? Ella? Shane? Aicca? Angela? Samantha?

Ah, bahala na.

“Oo nga sabay pero magkaiba ng bahay. Doon ka sa inyo, ako naman sa amin,” sabi ko sa kaniya. Mas lalo lang tuloy tumawa si Zymon at umiling lang naman si Yosef na nasa gilid ko. Ngumuso ang babae dahil sa sinabi ko.

Tumingin ulit ako sa kabilang table at nakitang nakatingin na siya sa gawi namin. Ngumiti ako sa kaniya at agad ko namang nakita ang pagpula ng pisngi niya. Umiwas siya ng tingin at tinuon ang pansin sa kaniyang kasama.

Damn, she’s cute too.

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa kaniya at nakitang inakay na niya ang kaibigan niya. Alam kong hindi niya kayang mag-isa iyon.

“New target ba?” Tanong ni Yosef habang hawak-hawak ang stick ng sigarilyo. Umiling ako sa kaniya.

“No,” sabi ko pa.

Tumigil sila sa may table namin kaya tumayo na ako para tulongan siya. Narinig ko pa ang mahinang pang-aasar sa akin ni Zymon.

“Hi miss, do you need help?” Tanong ko sa kaniya.

Tangina Cae, malamang kailangan niya. Ano bang klaseng tanong ‘yan?

“Pwede ba?” Tanong niya at ngumiti sa akin.

Buhay pa nga ako pero nakakita na agad ako ng angel.

“Sure,” sabi ko at tinulongan na siya. Tumikhim pa sila Yosef na hindi ko na lang pinansin. Tinawag pa ako nung kasama kong babae kanina na nakalimutan ko na ang pangalan.

Hindi pa ako nakatulog nung gabing iyon. I was thinking of her that night. Hindi siya mawala sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganun, ibang-iba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko.

“He’s Caelus Salazar. My boyfriend,” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil doon. Hindi ko alam kung bakit.

May pangit kasing lalaking sunod nang sunod sa kaniya. Kinukulit siya, ex suitor niya daw. Hinahabol pa din siya kahit na ayaw na ni Chelsie sa kaniya. Gustong-gusto ko naman nung sinabi niya na boyfriend niya ako.

Naging close kami ni Chelsie. Nagtataka na nga ang mga gunggong dahil hindi na nila ako nakikita na may kasamang ibang babae. Nakapokus lang ako ngayon kay Chelsie.

“What the fuck Chelsie,” sabi ko sa kaniya. Sinindihan niya ang sigarilyo at alam kong lasing na din siya. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan niya pang manigarilyo.

“What?” Tanong niya sa akin.

“Stop smoking,” sabi ko at kinuha ang sigarilyo sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

Kumunot ang noo ko nang biglang may babaeng sumulpot at naupo sa tabi ko. Hindi ko naman siya kilala at kung kilala ko man siya o baka nakafling ko dati, hindi ko na din siya naaalala.

“Hi. Dare lang ‘to ha kaya sana wag kang magalit,” aniya.

“Anong dare ‘yan?” Tanong ni Chelsie.

“Hahalikan ko lang siya sa lips,” sabi ng babae at tumingin sa akin. Tumayo naman agad si Chelsie at inalis ‘yung kamay nung babae sa balikat ko.

I’m just staring at her while she’s doing that.

“Tabi, ako na lang ang gagawa,” she said.

Kumalong siya sa akin at ipinulupot ang kamay sa aking batok. Pagkatapos ay hinalikan ako. Hindi agad ako nakabawi dahil sa gulat. Nang tumigil siya ay tumingin ako sa kaniya ng seryoso.

“Lasang sigarilyo at vodka,” sabi ko. Akmang tatayo na siya pero hinila ko siya pabalik kaya bumagsak siya sa akin.

“We’re not done yet,” saad ko at agad na inangkin ang kaniyang labi.

Hindi din agad ako nakatulog ng gabing iyon. I was thinking that kiss. Ang lambot at ang pula ng labi ni Chelsie, gusto kong ako lang ang humalik doon.

Hindi ko alam kung bakit nagkaganun ako. Naghanap pa ako ng ibang babae na pwedeng halikan para malaman kung ano ba ang nararamdaman ko kay Chelsie. Pagkatapos ay hindi na nga niya ako pinansin. Hindi ko din alam kung bakit. Hanggang sa nagbirthday si Nailah. Dumating siya pero may iba naman siyang kasamang lalaki.

Magseselos na sana ako kaya lang napagtanto kong si Caled iyon. Hindi pa din niya ako pinansin kaya nakipag-usap na lang din ako sa ibang babae. Hindi ko nga kilala kung sino ‘to, basta bigla ko na lang nilapitan at kinausap.

“Chelsie!” Tawag sa kaniya ni Caled. Bigla niya kasing binuhos iyong beer sa kasama kong babae. Mukha na din naman siyang lasing dahil sa pamumula ng kaniyang mukha.

“What the fuck?” sabi ng katabi ko. I was looking at her seriously. Hindi ko alam kung dala ba ng alak ang ginawa niyang pagtapon ng beer sa kasama ko o gusto niya talagang gawin iyon kanina pa.

“Sorry ha? Akala ko kasi walang tao eh,” sabi ni Chelsie. Akmang hihilahin ng babae ang buhok ni Chelsie pero agad namang umatras si Chelsie at pumagitna na din ako.

“Tanga ka ba? Alam mo namang may tao dito diba? Nagseselos ka siguro kaya mo ginawa iyon? Inggitera,” naramdaman ko ang pagkainis ni Chelsie nang sahihin iyon ng babae.

“Excuse me mukhang kutong lupa, mas tanga ka. At anong nagseselos? Ako? Nagseselos ako? Fyi, ang kapal ng mukha mo para sahihing nagseselos ako. Hindi ka nga kaselos-selos eh,” inis na sabi ni Chelsie.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang inis na inis siyang nakatingin sa kasama ko. Maya-maya pa ay nawalan na nga siya ng malay. Binuhat ko na siya para maipasok sa loob.

“Caelus!” Tawag sa akin ng babae pero hindi ko na siya nilingon. Hindi ko nga siya kilala eh.

“What happened to your arm?” Kunot noong tanong ko sa kaniya dahil bigla na lang siyang nasaktan kanina nung mahina siyang nabangga nung babae. Pansin ko din na medyo matamlay siya ngayon.

“Tumama lang sa ano..s-sa may upuan,” dahilan niya.

“You can’t fool me,” seryosong sabi ko. Tumingin pa siya sa mga studyanteng nasa cafeteria at napansin ko na parang naiilang siya kayae agad ko siyang hinila palabas at dumiritso kami sa field.

“Now tell me. What happened?” I asked.

“Ano lang..sinaktan lang ako ni tita,” aniya. Agad na nag-init ang ulo ko sa narinig. Bakit kailangan siyang saktan ng tita niya? Hindi iyon pwede! Kinuyom ko ang kamao ko sa narinig sa kaniya.

“Lang? Nila-lang mo lang iyon?!” Galit na tanong ko. Hindi siya nakatingin sa akin.

“Ayos lang naman ako,” she said.

“You can tell me what do you feel right now Aia, I’m listening,” mahinang sabi ko.

I hugged her tight when she cried. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mayakap ko siya, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

Sa mga kwento niya sa akin tungkol sa tita niya ay hindi ko mapigilan hindi magalit.

“It’s okay, I’m here,” I whispered.

I don’t want to feel her that she’s alone. I’m always here for her. Hinding-hindi ko siya iiwan. That day I realized that I love her. Hindi ko alam kung pa’no nagsimula pero iyon ang nararamdaman ko sa kaniya.

I was ready to confess but suddenly she messaged me first and I was shocked when she said that she like me.

Agad naman akong pumunta sa kanila para tanongin kung totoo nga iyon.

“Excuse me ha? Kung ‘yan lang pinunta mo dito, umalis ka na lang. Hindi ko naman sinabi na pumunta ka dito para siguradohin na may gusto ako sa ‘yo at saka kung naiinip ka na edi umalis ka na,” inis na sabi niya sa akin.

I asked her if it’s true and she’s not responding to my question.

And how could she be mad at me and looked so beautiful?

Damn, I really love this girl.

“I love you Chelsie,” I said.

“I really love you. Be my girlfriend Chelsie,” sambit ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumango sa akin. “Of course, I will be your girlfriend Caelus,” she said and hugged me.

I was the happiest man in the earth that day.

I’m planning to buy a condo so, we can live together. Sinabi ko na iyon sa kaniya pero hindi pa siya pumayag. Ang sabi niya ay ayaw niya daw na ako lang ang gagasto para sa aming dalawa.

Okay lang naman sa akin iyon pero ayaw niya talaga. Nag-usap kami at nagkasundo na ako na lang muna ang magbabayad para sa condo. Mabuti na lang at pumayag na siya.

“Tangina mo! Ang kapal ng mukha mo! Edi umalis ka! Wala ka talagang kwenta kahit kelan! Akala mo naman kawalan ka, punyeta ka!” sigaw ng tita ni Chelsie.

Nandito kami sa bahay nila dahil nagpaalam na siya na aalis na siya dito sa bahay ng tita niya. Kung ganito lang naman din ang trato sa kaniya, kailangan na talaga niyang umalis dito.

“Sige! Umalis ka! Wag ka na talagang babalik dito! Punyeta ka! Wala kang nagawang tama dito, pinapalamon kita tapos ganito ang igaganti mo sa akin! Tangina mo!” sigaw ng tita niya sa may bintana. 

Lumapit agad ako sa kaniya para maalalayan siya. Galit na galit ang tita niya at hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit niya sa pamangkin niya.

“It’s okay, I’m here love,” I whispered. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at pumasok na siya sa loob. Tumingala ako at nakitang nando’n pa din ang tita ni Chelsie.

“You should respect your niece decision. I will sue you if you’re going to talk like that again, for now I will respect you because you’re still the tita of my girlfriend but if you do that again, see you in court Miss,” sabi ko at tinalikuran na siya.

Hindi ko hahayaan na may manakit kay Chelsie. I will protect her always. She’s the one I want to marry.

After our graduation we celebrated our 4th anniversary. I was going to propose to her that day but I forgot the ring. Inasar pa ako nila Caiden dahil sa katangahan ko.

Sinamahan niya din ako na mag-enroll sa law school. Kinausap ko din sila mommy na magp-propose na ako kay Chelsie pero hindi pumayag si mommy sa sinabi ko.

“Are you serious?” Tanong niya sa akin. Nasa bakery shop si Chelsie kasama sila Jeramae kaya pumunta ako sa bahay para kausapin sila mom at dad.

“Yes mom,” sabi ko. “I want to marry her,” I continued.

“Bata pa kayo at marami pa kayong makikilalang iba, hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa kaniya.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.

What is she saying?

“Anong ipilit mom? Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko. Mahal namin ang isa’t-isa,” sabi ko.

“Hon hayaan mo na si Cae, iyon ang gusto niya kaya wala na tayong magagawa pa tungkol sa bagay na iyon,” ani dad. Nakita kong umirap si mom sa kaniya at agad na tumayo at iniwan kami.

“Don’t mind your mom, I’ll talk to her later,” sambit ni dad at tinapik ang balikat ko.

“Aalis na ako.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What is she saying?

“What?” I asked.

“Aalis ako, hindi mo ba narinig?” Madiing sabi niya.

“Saan ka pupunta? Kararating mo lang ah,” sabi ko at sinundan siya sa kwarto.

“What are you doing?” Gulat na tanong ko nang makitang kinukuha niya ang mga damit niya sa closet at nilalagay sa kaniyang bag.

“Chelsie,” I called her.

“Ayoko na, pagod na ako,” aniya. Hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. Maayos naman kaming dalawa at hindi naman kami nagkaroon ng kung anong pagtatalo kaya bakit ni sinasabi ito sa akin.

“Nakakapagod ba akong mahalin?” Tanong ko. Patuloy pa din ang pagtulo ng luha sa mata ko.

“May nagawa ba akong mali? B-Bakit bigla n-namang g-ganito? Ayaw..m-mo ba na mag-aral ako? Gusto mo b-ba na magtrabaho na agad a-ako para maging maayos n-na ang pakiramdam mo? P-Please wag n-namang ganito…” saad ko.

“Potangina! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ganun, hindi mo naiintindihan Caelus!” inis na sabi niya sa akin.

“Hindi b-ba pwedeng napapagod ako dahil…dito dahil sa mga nangyayari sa a-atin. Wala man l-lang akong natulong pa sa ‘yo, ayokong..uma..sa sa’yo…” hirap na sabi niya.

“Okay lang sa akin. Okay lang naman ‘yon, diba napag-usapan na natin ‘to? Please wag mo akong iwan Chelsie,” I begged.

“Shut up! Ayoko na nga diba?! Mahirap bang intindihin iyon? Tangina Caelus,” inis na sabi niya.

Damn, why are you hurting me like this baby?

“Tangina, ayoko na nga! Hindi na kita mahal! Hindi na ako babalik dito, sasama na ako kay Albert. Tinanggap ko na ‘yung offer niya.” Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon.

Pinipili niya ba ang career niya kesa sa akin?

“Are you choosing your career over me? Is your career is important over me?” I asked. She slowly nodded at me. Mas lalo lang akong nasaktan sa pagtango niyang iyon.

Nakakasagabal ba ako sa career niya? Hindi na ba ako importante sa kaniya?

“Kaya please, let me go. Ayoko na, aalis na ako,” pakiusap niya.

Of course baby. I will let you go if that’s what you want.

“Umalis ka na,” malamig na sabi ko. Hindi ko siya kayang tingnan, nakatungo ako at nasa mukha ang dalawang kamay.

“I’m really sorry, palagi mong tatandaan na minahal kita at hindi ako nagsisising nakilala kita,” she said.

Mahal na mahal kita at mamahalin kita habang buhay Chelsie.

“Umalis ka na…” sabi ko sa kaniya.

“At please, wag ka nang magpapakita pa sa akin. I can’t believe that I loved someone like you, you’re disgusting,” malamig na sabi ko.

I was hurt that’s why I said those words. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin ngayon. Sa apat na taon na magkasama kami, saya, away, lungkot at halo-halong emosiyon ang namutawi sa aming dalawa.

Nanatili lang ako sa sofa habang umiiyak. Hindi ko pa din matanggap na natapos kami ni Chelsie ng ganun lang. Tumayo ako para hanapin si Siobhan. Siya na lang ulit ang kasama ko. Kaming dalawa na lang ulit.

“Siobhan!” saad ko nang makitang nahihirapan sa paghinga ang aso ko. Nakahiga siya sa may gilid ng sofa. Hindi ko man lang napansin na nandoon siya.

“What happened? Saan ang masakit?” Tanong ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati siya ay mawawala sa akin. 7 years ko na siyang kasama at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung mawawala siya.

Ramdam kong may masakit sa kaniya at nahihirapan na siyang huminga. Binuhat ko na agad siya para madala ko na sa vet pero hindi pa man ako nakakalabas ay bigla na lang siyang pumikit at hindi ko na maramdaman na humihinga siya.

Natigil ako sa paglalakad at napaupo. Nakatingin lang ako kay Siobhan at inaalam ang nangyari.

“Siobhan,” tawag ko. Mas lalo lang kumirot ang dibdib ko nang hindi na nga siya dumilat.

“Pagod ka na din kaya mo ako iniwan? Sige na, ayos lang ako dito. Kaya ko namang mag-isa, wag kang mag-alala ayos lang si daddy ha? Kaya ko, kakayanin ko,” sabi ko at niyakap si Siobhan.

Kung hindi pa dumating si Troy para tingnan ako ay baka nanatili na lang ako doon habang nakahiga sa tabi ni Siobhan. Sunod na dumating sila Zymon na nag-aalala din sa akin.

Chelsie left me for her career. Siobhan left me because she’s tired and she need to rest.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

146K 2.9K 49
[UNDER EDITING!] Course Series #1 Between the Ocean and Sky A story of a Mariner and a Flight Attendant. "If you want to know how much I love you, co...
136K 3.1K 44
Fleur Ixchel Sabrina Zaragoza, a life-enjoyer who has always lived life to the fullest, gets to meet the Kalen Vaughn Aldair, who's masungit and rude...
28.3K 579 72
[Career Series #5]: Catria Lionne Montagne Mariano takes pride in being the daughter of a famous senator and the granddaughter of the richest man in...
178K 3.6K 45
Shiarre Emiliana Ortega is a girl who only follows her parents, she doesn't complain because she doesn't find the need to. Until Drake Irvin Lardizab...