Klea's POV
Hanggang sa pag-uwi ko iniisip ko pa din yung eskandalong pinag-gagagawa ni Cyrish, grabe! Napakawalang modo. Ganun ba talaga pag mayaman? Hindi na usong magtanong, basta gora na lang! Kaya pala sa mga palabas sa TV laging napapahiya yung mga mayayaman kasi hindi muna nila tinatanong kung bakit ganun. Bakit ganyan! Hay ewan! Napasabak tuloy ako sa english dun! Arte kasi ano ba yan!!!
* PEEP PEEP *
BLAAG! Muntik na kong masagasaan....
" Hoy miss, ok ka lang?" - sigaw ng lalaki sa loob. Nagthumbs up lang ako... tapos umalis na din siya...
Habang naglalakad. May nakita akong isang bata. Familiar sakin.... Si lelay?
" Ate Kleaaaa!!!! " - excited niyang pagkatawag sakin..
" Oh baby lelay, kamusta ka na? Sinong kasama mo dito?"
" Si mama po :))"
" Nsan siya?"
" Nandun po! " sabay turo sa may tindahan...
" Naku, ikaw mawawala kang bata ka. Halika punta tayo sa mama mo."
" Hi tita Karla :))"
" Oh Klea.. Ikaw pala? Lelay san ka na naman nagpunta. Ikaw talagang bata ka oh!"
" Buti nga po nakita ko siya." tapos ngumiti ako...
" Oo nga eh, salamat ha!"
" Sus wala po yun. "
" Oo nga pala bat di ka na napapadalas sa bahay? Itong si lelay, saka si garet miss na miss ka na...."
" Ahh ehh kasi po............. busy po sa school."
" Ahh ganun ba? Oh sige tutal monday pa lang naman ngayon, pumunta ka sa bahay ng friday, para weekend. Dinner tayo dun... Ok lang ba?" yaya sakin ni Tita Karla... Naku, hindi pa ko tumanggi sa kanya. At nakakahiya kung tatanggi ako. Ano ba!!!!
" Sige po tita karla, asahan niyo po ako :))" - sabi ko pero may doubt.
" Naku salamat naman. Sumabay ka na lang kay Franz, ok lang kahit naka school uniform ka. Dala ka na lang extra shirt para makapaglaro ka ng maayos kila Garet at Lelay.. hahha" - sabi niya. Nasanay na si tita na nagdadala ako ng extra t-shirt dati. Pano ba naman kasi sila lelay, tapon dito, pahid dun. :))
" Sige po Tita... Una na po ako.."
" Ingat Klea....."
" Bye ate Klea... " sabay kiss sakin.
" Bye baby " kiniss ko din siya.
Nabura lahat ng badtrip ko kanina dahil kay Lelay, namiss ko talaga siya ng sobra. Pero tama ba yung pinasok ko. Pupunta ako sa bahay ng sinabihan ko ng " i love you?" Gah! Lord guide me na lang po !!!!
Napansin ko lang. Parang walang appearance si Bryann ngayon. Hindi ko alam kung pumasok ba siya kanina o ewan! Hay nako So much for that. Gusto kong ipahinga ang isip ko....
Franz's POV
Ang hirap mag-explain kay Cyrish. Hanggang ngayon, ayaw pa din niyang maniwalang ganun nga yung nangyari. Iba kasi yung gusto niyang marinig. Gusto niyang marinig sakin is yung " nagtext ako ng i love you ky Kllea tapos ayun yung reply niya. ANo ba naman yan!!
" Kung ayaw mong maniwala sakin. Edi wag mo! Nakakapagod Cyrish! Kung ganyan ka ng ganyan, magbreak na lang tayo! Mas mabuti pa siguro yun! " - sabi ko sa kanya!
" No, don't do that to me... Sabihin mo na kasi yung totoo."
" Sinasabi ko Cyrish! Ikaw lang tong ayaw maniwala. "
" Hindi mo sinasabi yung totoo.. Ramdam ko yon! "
" Na alin? Na mahal ko siya? Yun ba ang gusto mong marinig ha?!"
" See! umamin ka din!!! Sabi ko na nga ba eh!"
" Ewan ko sayo Cyrish! Wag mong intaying mapagod ako kakaintindi sayo. " - sabi ko tapos umalis na din... Ayoko na. Ayoko nang magpaliwanag sa taong iba ang gustong marinig sa katotohanan. Nakakasawa na!!!
Pag -uwi ko ng bahay. Sinalubong agad ako ni Lelay...
" Kuya Franz....! Nakita ko si Ate Klea..." -pag-aangas niya pa sakin.
" Si Ate Klea mo?"
" oo, at pupunta siya dito bukas!" -
" Bukas? "
" Hindi bukas anak. Sa friday pa. Nakita ko kasi siya sa may tindahan kanina. Muntik nang mawala yang kapatid mo, buti nakita niya si lelay. Kaya ayun, ininvite ko na din siya dito. Ang tagal na din niyang hindi napapadalaw dito." - Paliwanag ni mama.
" O sabi ko sayo eh pupunta siya dito bukas eh." - Yan si lelay, kahit matagal pa yung araw, bukas talaga ang tawag niya. Hindi ako umiimik sa sinabi ni mama...
" Magluluto ako ng favorite niyang pagkain. Ano ba yun ha?" - Habang umaakyat ako, sige pa din ang tanong ni mama, " Anak , may tinanong ba ko sayo ha?"
" MENUDO MA! " - sigaw ko mula sa kwarto.
Habang nakahiga sa kwarto, biglang may kumatok sa pintuan ko.
" Tok tok tok! " - Si lelay...
" Pasok bhe...."
" Kuya Franz, pag pumunta si Ate Klea dito sabihin mo sa kanya dala siya ng maraming chocolates ha..." - tapos tumabi siya sakin sa pagkakahiga.
" Chocolates, eh ang dami na ngang naiwang chocolates sa ngipin mo eh.. hahahha"
" Mama, si Kuya inaasar akooooooooo.."
" Shhhh, joke lang!"
" Miss na miss ko na si ate klea promise kuya, ....." - napangiti na lang ako... Tapos maya maya, nakatulog na din siya....
Tuesday....
Wednesday ...
Thursday ....
And finally, Friday na. oo inintay ko toh. :)))))))
Paalis na ko ng bahay nang bigla akong tawagin ni Mama..
" Anak, magsabay na kayo ni Klea ha, para makapaglaro na sila Lelay ng maaga... Alam na niya yun." - tumango lang ako..
Sa school. Break time.
Medyo mainit pa din yung issue saming tatlo ni Klea at Cyrish... Kaya tumayming lang ako para makausap si Klea.
" Klea.... " sabay sign na 'halika"
" Bakit?"
" Sabi kasi ni mama, sumabay ka na daw sakin pumunta sa bahay."
" Franz, nag-iisip ka ba? Sa tingin mo sasabay talaga ako sayo? Ano na lang sasabihin niyang bruhilda mong girlfriend ha? Na malandi ako? Kaya ko namang pumunta sa bahay niyo eh.. Saka may meeting pa kami sa office baka gabihin na ko ng punta."
" Sabi kasi ni mama, agahan mo daw ang punta mo dun. Miss ka na ni Lelay."
" Oo sige, sabihin mo sa kanya pipilitin kong mag-excuse.. Aagahan ko para kay lelay ok? Sige na!"
Klea's POV
Sinungitan ko si Franz kasi ang awkward eh, pero siya parang wala lang! At sa wakas nakapag-paalam akong umalis ng maaga. Akala siguro nila iniiwasan ko si Cyrish. Bahala kayo siya.
Habang naglalakad papunta kila Franz. Nakita ko siya sa kanto ng street nila.
" Ang tagal mo."
" Anong ginagawa mo dito?"
" Iniintay ka malamang.."
" Eh pe-pero bakit?"
" Kilala mo naman si mama, pag sinabi niyang sabay tayo, dapat sabay tayo. Papagalitan ako nun.." - ako naman tahimik lang.. .. mga 5;00pm na kami nakarating sa bahay niya... Si Lelay nakaabang agad sa pinto..
" Ate kleaaaaaaaa..." - sabay yakap sakin.
" Baby........"
" Ate miss na kita ng sobra. Dapat kasi dito ka na lang nakatira sa bahay eh.."
" Lika pasok muna tayo sa loob..." - habang holding hands kami :))
Sa sofa. Ako nasa kanang bahagi ng sofa, Sa dulo, si Franz nasa kabilang dulo naman...
" Ate dito ka na lang kasi tumira..." - pangungulit niya pa din sakin...
" Kawawa naman si mama sa bahay, walang Klea dun kung dito ako titira..."
" Edi dito na kayo tumira..." - natawa ako... Napalingon din ako kay Franz , nakangiti din siya...
Habang tinatalian ko si Lelay....
" Ate kamusta na kayo ni Kuya?" - ang showbiz naman nitong batang toh. " Eh kasi pansin ko di k na nagpupunta dito eh. Magka-away ba kayo?" - nagkatinginan kami..
" Ok lang kami ng kuya mo..."
" Ok? bakit ang layo ni kuya sayo? Di kayo dikit."- gusto kong matawa pero pinipigilan ko...
" Klea.....! " saway ni Franz kay Lelay...
" Kuya kasi dito kaaaa. lapit ka dito. Hindi naman kami mabaho ni ate klea eh. Dali na...."- pamumumilit ni Klea... MEdyo umusog na din si Franz... Maya - maya.
" Klea, Franz, Lelay tara kain na tayo..." - may naamoy akong masarap sa ilong .. Pag tingin ko sa lamesa...
" Wow Menudo..... "- sabik kong pagkakasabi... Ganito talaga ako pag may menudo :))
" Si Franz nagpaluto niyan. " - sabi ni tita karla. Tumingin ako sa kanya. per siya biglang tingin kay tita.
" Anong ako? Tinanong mo sakin yan eh..." - sabi ni Franz..
Paupo na ko ng upuan... Isang table na good for six... Wala namng dining table na good for five diba? Dalawa sa left side, dalawa sa right tapos tig isa sa magkabilang dulo. Si tita karla nasa left side katabi si lelay tapos ako nasa isang dulo, si Franz nasa right malapit sakin tapos si Garet sa tabi niya..
Biglang dumating si tito Rommel....
" May bisita palang maganda dito..." - sabi niya.
" Salamat pa. " sabi ni Garet. :)
" Hi tito rommel... kain po." - tapos umupo na din siya sa kabilang dulo.. Perfect Family... :)
" Ang sarap po ng menudo niyo tita... Pero sorry po ah, mas masarap po kasi yung luto ni mama.. hehe.." nagtawanan kaming lahat.
" Ay kung ang mama mo ang kalaban ko , talo talaga ako. haha, kaya magpasalamat ka kay Franz, pinaluto niya yan..."
" Ma naman, hindi kaya.." - Eh ano ba kasi talaga? :D
" Salamat " tapos tumingin ako sa kanya. sabay baling kay tita Karla... " tita karla :)) "
" Ayieeeeee" - tukso nila samin. Ang saya ng ganito. Yung may nanay, may tatay, kay kapatid... Sana naexperience ko ding magkaron ng papa... :(
" Klea? Ok ka lang?" - sabi sakin ni tita Karla.
" Ok lang po... may naisip lang bigla... "
Hanggang sa natapos nang kumain.... Pwesto agad ulit kami sa sala.... Habang nakikipaglaro kay Lelay.. Nagring ang phone ko...
" Wait lang baby ha. May kakausapin lang si Ate..."
" Balik ka dito ha?' - tumango ako..
" Tita, may kakausapin lang po ako.. "
" Sino yan? Si mama mo na ba?"
" Si Bryann po." -
Franz's POV
" Franz! Sinong Bryann?" - Tanong ni mama sakin.
" Boyfriend po niya."
" Boyfriend?"
" Opo. " sabi ko habang nakaharap sa tv.
" Akala ko ba liligawan mo siya? Eh bat may ibang boyfriend ha?"
" Basta ma!"
Klea's POV
Paglabas ko..
" Hello Bryann, napatawag ka?"
" Asan ka ngayon?"
" Nandito ako kila Franz, "
" Sa bahay mismo ni Franz?"
" Oo , niyaya kasi ako ni tita karla na mag-dinner dito eh.."
" Sige susunduin kita dyan ha."
" Wag na. Kaya ko namang umuwi."
tapos bigla na lang siyang nawala... Papasok na sana ako ng pinto nang marinig ko usapan nila Tita Karla at Franz.
" Franz! Sinong Bryann?"
" Boyfriend po niya."
" Boyfriend?"
" Opo. "
" Akala ko ba liligawan mo siya? Eh bat may ibang boyfriend ha?" -liligawan? Sino daw? Ako?
" Basta ma!" - basta? Anong basta?
Pumasok na ko sa pinto.
" Tita, Uuwi na po ako..."
" Sige Klea.. Ingat ka ha... Franz ihatid mo siya... Wag ka ng mag-pakita kay lelay baka umiyak yan...."
Sa may labas, iniwan na kami ni tita karla. Kami na lang dalawa ni Franz,,, Umupo muna ako saglit dun sa may hagdan nila sa labas... Isang hagdan lang naman yun bago makapunta sa pintuan nila.
" Oh akala ko ba uuwi ka na?"
" Magpapahangin lang muna ako. Baka gusto mo kong samahan dito....?" - tapos umupo na din siya.
" May iniisip ka na naman?"- tanong niya sakin.
" Bigla kong naalala si Papa, naiinggit ako sa inyo kasi kompleto kayo. Masaya. Masaya din naman kami pero iba pa din pag may papa, Gusto ko na siyang makita..... "- tapos inaayak na ko.
" Hindi pa din ba sinasabi sayo ni tita minda tungkol dyan sa papa mo?"
" Ayaw niyng magsabi. sabi niya hindi pa daw ngayon... Pero gustong gusto ko ng siyang makita."
" Kahit iniwan niya kayo simula pa nung bata pa kayo?"
" Siguro sabik talaga akong makita siya.... Ni anino niya hindi ko nakita.."- at tumulo na nga ang luha ko...
" Tahan na..... Siguro nga hindi pa ngayon... Intindihin mo na lang si tita minda.."
Bryann's POV
Nanlalamig na ata si Klea sakin. Parang napansin ko wala na siyang paki-elam sakin. Susunduin ko sana siya pero ayaw niya. At nasa bahay pa siya ni Franz.. Maghulus dili ka Bryann. Wag mo ng gagawin yung ginawa mo sa kuya ni Klea.
Habang naglalakad papunta sa bahay nila ... Nakita ko si Klea.. Kasama si Franz.. Nasa tapat ng pinto na nakaupo sa hagdan... Takip takip ni Klea yung mukha niya na parang umiiyak.. Nang biglang...
Pinasandal ni Franz ang ulo ni Klea sa balikat niya..? Tama ba tong nakikita ko?
HINDI MAARI ! LAGOT KA SAKIN FRANZ!
-Ayan na naman si Bryann! Tssssk >.<