“alam mo diko alam kung babae kaba talaga grabe ka makipag basag ulo jusko” gigil na sabi ni kyla
“diko naman alam na inabangan talaga nila ako eh” sabi ko sige nat mag sinungaling kapa kaya moyan nath
“mag sisinungaling kapa eh!”bulyaw nya sakin napangiwi ako dahil diniin nya ang pag pahid ng bulak malapit sa bibig ko
Anchakit! Kinakawawa ako ni kaykay
“oh ayan mag mask ka bukas”sabi ni kyla at binigay ang black mask na hawak nya, kinuha ko naman yun kahit nag tataka ako kung san ko gagamitin toh
Sa bibig syempre bobo mo nath
“oh sya uuwi na ako ah bukas ng umaga pupunta ako dito para madalhan ka ng pagkain, dapat marunong kana mag luto eh hay nako nath”sermon nya sakin
Sakit sa tenga manermon ni kaykay huhu kasalanan kobang di ako marunong mag luto
“oh sya sige na uuwi na ako” sabi nya, tumango lang ako bilang sagot
Lumabas na sya ng kwarto kaya naman sumunod ako sakanya pababa para mahatid ko sya sa labas
Nang maka alis na sya nilock kona ang gate
Dumiretso ako sa banyo para maligo at makapag bihis
Pag tapos mag bihis dumiretso nako sa kama ko para makapag pahinga
Ilang oras na ang nakalipas pero di padin ako makatulog
Nag pa ikot ikot na ako sa kama ko pero di padin ako makatulog
Hanggang sa may nag doorbell kaya naman bumangon ako para tingnan kung sino yun
Pag bukas ko ng pinto, nagtaka ako kase naka bukas yung gate, alam ko sinara ko yun eh
Lagot ka nath may mumu
Lumapit ako sa gate para sana isara nang may nakita akong rose sa labas ng gate ko at may sulat na nakalagay
'dormi bene amore mio' (sleep well mylove)
Napangiti ako dahil sa nabasa ko pero agad na nawala ang ngiti ko napalitan ito ng pag tataka sino naman mag bibigay sakin nito ng ganitong hating gabi
Hay bahala na nga, kailangan kopang mag pahinga para makapasok bukas
KINABUKASAN
“bye kaykay muah”saad ko at nag flying kiss sakanya
“ingat natnat ah isuot mo na yung mask mo muah love yah”sabi nya at isinara na ang bintana ng kotse nya at umalis na
Nilagay kona ang mask ko katulad ng sinabi ni kaykay at pumasok na
Nasa hallway palang ako pinag titinginan nanaman ako ng mga student well dina bago sakin yan
Kinuha kona ang gamit ko sa locker at sakto namang nag ring ang bell kaya pumunta na ako sa first class ko
Nag ring na ang bell kaya naman lumabas na ako at pumunta ng cafeteria
Nang matapos kong kumain pumunta nako sa next class ko
Amboring ng araw nato hyst
Nang matapos ang science class ko pumunta na ako sa next class ko
Nang maka punta na ako sa music room atsaka naman dumating ang guro
“ok class that's all for today”saad ng guro, inayos kona ang gamit ko para makalabas na at makauwi
“wait class may kaklase ba kayong gonzales ang apilyedo?”tanong ng guro dahilan para matigilan ako sa pag aayos ng gamit ko
Lagot nath anong katangahan nanaman ba ginawa mo
“a-ah sir a-ako po”sabi ko at tinaas ang kamay
“follow me”sabi nya at agad naman akong sumunod
Nang makarating kami sa office nya ay pina upo nya ako
“sir m-may nagawa p-po b-ba ako?”utal utal na saad ko
“yes”saad nya at tumingin ng diretso sa mga mata ko
Lagot ka nath jusko pinapahamak mo nanaman sarili mo
“a-ano p-po?”taena nauutal nanaman ako
“ikaw ba yung nakita sa cctv na babaeng nag d-drums sa music hall?at kasama mo si mr. Lucas del fuente”sabi nya at agad na ngumiti
Tumango lang ako bilang sagot
“well magaling kang mag drums ah,san ka natutong mag drums?” tanong ni sir
“ahhh nung bata po kasi ako may bata pong nag turo sakin kung pano mag drums and then nung 15yrsold po ako inaral ko ng inaral ang pag d-drums kaya po natuto ako”kwento ko, tumango lang sya sa sinabi ko
“kung ganon naman pala ay ikaw ang magiging representative ng room nyo”
”h-ho?”
“hija may nag sabi sakin na ikaw nalang daw ang ipiprisintang representative ng room nyo, dahil daw nalaman nilang magaling ka sa pag d-drums at nakita kodin kung gaano ka kagaling nang makita ko sa cctv na nag d-drums ka”sabi ni sir, tumango nalang ako kesa naman sa tumanggi diba?kahiya
“great, bukas pumunta ka sa address nayan, yan ang bahay ko dahil gusto kong makita kung pano ka mag drums sa harap ko” saad ni sir
“yes sir”saad ko
“good, wag mong papahiyain ang section nyo, makakaalis kana”saad ni sir, tumango lang ako at umalis na
Pag dating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga
Bumangon ako at pumunta sa banyo para maligo
Nang matapos kong maligo, ay may nag doorbell naman kaya agad akong bumaba para tingnan kung sino yun
Pag bukas ko nang pinto ay bumungad sakin ang delivery boy
“pizza delivery”saad nito habang naka ngiti
“kuya hindi po ako nag order ng pizza”saad ko sakanya
“pero ma'am delivery po sainyo toh”saad nya
”hay oh sige kuya mag kano bayan, babayaran ko nalang kesa naman ikaw pa mag bayad”saad ko, umiling sya dahilan para tingnan ko sya nang nakakapag taka
“bayad napo ito ma'am”saad nya
“ha?sino nag bayad?”tanong ko
“rocus daw po ang pangalan”saad nya
Rocus?wala naman akong kilalang rocus ang pangalan
“oh sya sige na akin nayan”nagugutom nadin ako eh hehehe
“sya nga po pala ma'am may letter po yang kasama ito po oh”saad nya at may inabot saking note
Tumango lang ako sakanya at nag pasalamat, nilock kona ang gate at pumasok sa bahay
Binuksan ko ang pizza atsaka kumain, naagaw ng atensyon ko ang note na binigay ng delivery boy
Binuksan ko ito at tiningnan ang naka sulat
'mangia bene amore mio'(eat well mylove)