One shot stories (gxg)

By ronschavez

218K 2.1K 170

Ito ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango p... More

Second Chance
Kaibigan nga lang ba talaga?
My one night stand turns to Forever
My Forever Love
Author's note
Stepsister (1)
Stepsister(2)
My Ex-boyfriend's Bestfriend
My Highschool Crush(Part 1)
My Ex-boyfriend's Bestfriend (part 2)
Imperfect LoVe
My Highschool Crush (part 2)
Author's Note
AUTHOR'S NOTE
Why Can't it Be (teacherxstudent)
Why Can't it be(2)
Girl Next Door(SPG)
My workmate
Miss Dream Girl
Selfless Love
Miss Dream Girl(part2)
heyy!
Highschool Crush (Part 3)
My Half Fairy Girlfriend
Love Affair
Loving Patricia (2)
Loving Patricia 3
Loving Patricia 4
Loving Patricia 5 (end)
Soul Meets 1
Soul Meets 2
Soul Meets 3
Soul Meets 4
new story
Part of me is YOU

Loving Patricia

1.3K 35 2
By ronschavez

"kahit pala layuan at iwasan mo ang taong mahal mo, sa huli ikaw pa din ang talo dahil ang totoo lagi syang nasa puso at isip mo" -Monica

Monica's POV

Wala sa isip na naglalakad pauwi ng apartment ko dala na din siguro ng galit at inis ko sa manager ko, akala kasi niya siya ang taga pagmana ng kompanya kung maka asta kala mo kung sino.

Alas 5 na ng hapon ng nakarating ako ng apartment and as usual nakita ko na naman si Mrs. Santiago ang asawa ng may-ari nitong building. Lagi syang nasa Terrace pag ganitong oras, nagdidilig ng mga halaman at siguro ay nagpapahangin na din. Katapat ng apartment ko ang tinutuluyan niya at ng asawa niya. Nasa dulo kami ng building which is katabi ng terrace na kung saan pwede kang tumambay at magpahangin.

"magandang hapon po" bati ko sa kanya, ngumiti lang siya. Nasa 35-38 na ata siya pero balingkinitan pa din ang katawan dahil siguro wala pa din siyang anak. Maputi, maganda napaka simple. Pero never kaming nagkausap ng matagal parang napakahinhin niyang babae. Kaya siguro sya nagustuhan ni Mr. Santiago

Mag-isa akong nakatira sa apartment, at nagtatrabaho sa banko.. Strong independent woman kumbaga. Ganito lang lagi ang routine ko, stress ako sa manager ko hindi sa trabaho..

Pag bukas ng pinto ay inihagis ko sa sofa ang bag at humiga agad..puro buntong-hininga ang lumalabas sa bibig ko pinapakalma ang sarili para mawala ang inis. Buti na nga lang at linggo bukas, rest day ko na..

namumuhay ako mag-isa dahil wala na akong mga magulang, si ate at kuya naman may kanya kanyang ng pamilya..kaya ako heto mag-isa. Gusto nga ni ate na sa kanila na ako tumira kaso nahihiya ako, gusto ko din bumukod at tumayo sa  sarili kong mga paa.

--
"Minsan masarap talagang tumakas sa realidad" nakangiti nyang sabi,  nagulat naman ako sa biglang pagdating ni Mrs. Santiago nasa veranda kasi ako nakaupo at nakatanaw sa malaking syudad ng maynila habang iniinom ang kape ko..  Alas 9 na ng gabi at di ako makatulog wala namang pasok bukas kaya keri lang na mapuyat.

"nakakapagod din kasi minsan Ma'am" sabi ko pa sa kanya habang sya naman ay mahinhin na umupo sa tabi ko.

"di naman ako teacher para tawaging Ma'am" nakangiti nya ulit na sabi.  Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang kanyang mukha.  Maputi at napakakinis,  matangos na ilong at pepektong mga ngipin.  Napakaganda pala ni Mrs.  Santiago.

"call me Patricia or Pat for short" parehas kaming nakatanaw sa kalangitan at ninanam ang malamig na hangin.

"di ka rin po ba Makatulog? " tumango sya bilang sagot.

"may kasama kaba jan sa apartment mo? " tanong niya..

"Wala Pat ako lang mag-isa" oh diba feeling close agad ako..

Madami dami din kaming napagkwentuhan at napakagaan ng loob ko sa kanya para syang anghel na galing sa langit na di makabasag pinggan,  sobrang hinhin nya kumilos pang mayaman talaga..

"you wanna drink? " tanong niya..

"ah wala po ba si Mr.  Santiago? " pagtataka kong tanong.

"Nah my business trip sya kaya most of the time ako lang mag-isa" napatango ako. And boom nasa apartment na ako nila.

Sobrang mamahalin ang mga gamit, pati yung may-ari mamahalin charot lang.

"ba't wala kapang boyfriend? " tanong ni Patricia habang binibigay yung wine glass na siyempre may laman na wine, o diba social.. 

"not my priority" ngiti ko lang..  Oo nga nu ba't wala pakong jowa..  Di naman ako pangit masyado sakto lang naman.. 

"you're  too pretty for not having one" syeeet dudugo ata ilong ko dito

"ewan ko Pat pero wala talaga sa isip ko" komportable kong sagot sa kanya..

"baka kasi di pa yan tinatamaan" sabay turo sa puso ko.

Napaatras ako bigla nung dumikit yung daliri nya sa dibdib ko,  mejo na awkward lang 'coz i'm wearing sleeveless na mejo kita din cleavage. Di ko naman kinakaila na sexy naman ako kahit papano nu..

"oh i'm sorry i didn't mean to.. " nakita niya ata yung reaction ko.  Eh para naman kasing may kuryente ang kamay nya

"no, it's fine.. Sorry sa reaction ko Pat" ngiti ko pa.  We're both tipsy kasi nakikita ko na din siyang namumula.  Ba't sobrang ganda niya,  kahit nakainom na siya still umaapaw parin kagandahan niya.  Di naman sa insecure ako ah,  na aappreciate ko lang talaga siya.

"may dumi ba ako sa mukha ko?" umiling ako..  "wala naman sorry,  you're too pretty kasi" napangiti siya sa sinabi ko

"ano nga uli yung pangalan mo?" natawa ako sa tanong niya kasi ngayon ko lang din napansin na di pa pala ako nagpapakilala sa kanya..

"Monica haha ngayon ko lang din naalala di pa pala ako nagpapakilala" sa dami na naming pinag-usapan. Parehas kaming dalawa nagtawanana hanggang sa ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"haaay,  thank you Monica ha" ewan ko ba parang malungkot ang pagkasabi niya.

"no prob Pat,  thank you din dahil for a long time ngayon lang din ako nakipagkwentuhan ng ganito" tumawa siya ng kaunti

"same Mon, i guess we're destiny" di ko alam pero kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. 

Hinatid ako ni Pat sa apartment ko kaya pinapasok ko na muna siya,  parehas na kaming tinamaan sa ininom namin.

"hmm you want spicy noodles Pat" bulong ko sa kanya, nakita kong nakiliti siya sa ginawa kong yun kaya napa smirk ako..  Ewan ko ba ba't ko ginawa yun.

"ahm ah yeah meron kaba jan" tumango ako at tumingin sa orasan,  almost 1am na pala..

After kong magluto eh nakita ko si Pat na nakatulog na sa sofa. I stopped and stare at her di nakakasawang tingnan.  Umiling ako dahil ba't ko ba naiisip mga ganito,  ano pinagnanasaan ko ba siya?  Haha no way!  Di pa ako nababaliw.

Hindi ko na siya ginising kasi mahimbing naman na tulog niya binigyan ko nalang siya ng unan at kumot,  kasya naman sya sa sofa kasi skinny naman siya. 

Sa carpet nalang din ako natulog katabi ng sofang tinutulogan ni Patricia nakakahiya naman kasi na matulog ako sa kwarto ko tapos siya dito lang.

Alas onse na ng umaga ako nagising pero pagtingin ko sa sofa wala na si Pat siguro ay umuwi na sya na di manlang ako ginising.

---

" blooming ka ata bbgurl" sabi nung isang teller na bakla na Markjohn ang pangalan haha tinarayan ko lang siya. 

Buong araw na busy ang beauty namin ni Mj halos di kami makapag chikahan. Dahil bantay sarado yung manager namin na kala mo kung sino..

"hayy" buntong-hininga ni MJ alam kong pagod din siya. 

"mag resign na kaya tayo" pagbibiro ko sa kanya

"ano kaba ang hirap maghanap ng trabaho ngayon" oo nga naman may point naman siya.

"kairita talaga yung babaeng yun kainis" natawa nalang ako dahil ako din naman sobrang inis dun

--
After duty ay nagpunta kami si MJ sa supermarket dahil mag gogrocery kami payday naman din ngayon..

"huyy bakla may gwapo dun" sabi ni MJ wala namang ibang bukang-bibig tong baklang to kundi gwapo.

"napakataray mo talaga,  bakit allergic ka sa mga lalaki tomboy kaba? " napatawa ako ng malakas sa sinabi niya

"Hahaha baliw kaba Markjohn?" tinarayan niya lang ako.. 

"Monica" narinig kong may tumawag sa'kin kaya nilingon ko ito.

"hi Pat,  how are you? " tanong ko,  di na kasi kami nagkita simula nung nag-inuman kami.

"i'm fine mejo busy lang dumating kasi si Steve" tumango Ako, si Mr.  Santiago ata yung tinutukoy niya.

Matagal kaming nagkatitigan bago siya nagpaalam..

Siniko naman ako ni MJ "aray bakla mapanakit kana ha" tsaka siya ng smirk sakin..

"sino yun?  Ha?  Bat ganun yun makatitig sayo? " baliw talaga tong baklang to

"huuy nababaliw kaba,  may-ari yun ng apartment na nirerentahan ko"

"hmmm eh bat ganun?  Babae ba bet mo dzae? " tumawa na naman ako ng malakas

"di pa ako nababaliw MJ" tiningnan niya lang ako ng may pagdududa..

--
It's friday isang araw nalang at day-off na naman. 

Magluluto na sana ako ng dinner nang biglang may kumatok.  Baka si MJ to,  sabi niya kasi dito siya makikitulog.

"ang aga mo at--" mali pala ako,  it's Patricia

"are you expecting someone? " nakita ko syang may hawak na foods at wine.

"ahh yeah si MJ" parang nadismaya sya sa sinabi ko

"ohh i'm sorry" tumalikod siya pero nahawakan ko ang braso niya. 

"Pat,  come in" smile ko..

"baka ma storbo ako sa inyu" sabi pa niya.

"no, ok lang yan"

"sorry ha,  wala kasi akong kasama,  it's my birthday ayokong malungkot" sabi niya na..

"happy birthday Pat, wag ka na malungkot" tsaka naman siya ngumiti

After naming kumain ay ininom namin ang wine na dala niya. 

"i'm sorry Monica, kung lagi kita naiistorbo" sabi niya na mejo tipsy na,  halata na kasi sa boses

Ako din naman mejo tipsy na.  San na kaya si bakla

"ok lang yan, it's my pleasure" niyakap niya ako ng mahigpit i don't know why na parang kailangan ko din siyang yakapin ng mahigpit

"baklaaa sorry na---" sigaw pa ni MJ..
nagtinginan kaming tatlo si MJ, ako at si Pat.  Agad naman kaming kumalas sa pagkakayakap

"late ako may pinuntahan pa kasi" mahina na niyang pagkakasabi

"ah eh ok lang" sabi ko,  pero yung tingin ni MJ ay parang may pagtethreaten na 'mamaya at may pag-uusapan tayo' na tingin haha

"am i interrupting something? Sorry! " tingin niya din kay Pat.

Ngumiti naman si Pat.  As usual yung ngiti nyang parang anghel na kahit sino ay mapapatitig

"no it's okay,  we're just celebrating my 39th birthday" napangiti din si MJ at binati si Pat ng happy birthday hanggang sa kaming tatlo na ang nag inuman. 

Kwentuhan at tawanan lang buong gabi dahil na din kay MJ alam naman natin ang bakla kung magkwento eh mapapatawa ka talaga.

"ito kasi si Monica ewan ko ba bat ayaw mag boyfriend kahit nga sinasabi kong may gwapo wala namang paki" natawa si Pat sa sinabi ni MJ

"ano kaba MJ napaka chismosa mo naman! " pagtataray ko pa.

"eh totoo naman eh,  baka kasi iba hanap mo" natatawa lang si Pat sa bangayan namin ni MJ

"that's fine Monica" sabay patong ng ulo niya sa balikat ko

Nakita ko naman si bakla na kinikilig may patakip takip pa sa bibig,  pinandilatan ko naman siya.

"i'll go now Monica" bulong ni Pat sakin.

"bakla ihahatid ko muna siya sa apartment nila" tumango siya pero as usual may pagdududa naman sa mga tingin at ngiti niya..

Hinawakan ko sa bewang si Pat tsaka inalalayan papunta sa apartment nila.

"Thank you,  and sorry im already drunk" sabi niya at sabay ko siyang pinaupo pero hinila niya ako at nagkalapit ang mukha namin.

Para akong nabato at di makakilos parehas kaming nakatitig sa isa't-isa. Until she started touching my face.

Napapikit ako at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko and It feels good i can feel my butterflies in my stomach. Then I realized that she's married at hindi pwede kaya agad akong kumalas at mejo natawa na nadismaya dahil nakatulog na pala siya.

---
It's been a week since that kiss.. Lagi akong gabi na kung umuwi para lang maiwasan ko si Pat at di kami magkita..

Alam ni MJ ang nangyari nung gabing yun kasi parang lutang daw ako nung bumalik sa apartment ko,  tinawanan naman ako ng bakla tama daw kasi mga hinala niya.  Ako naman todo deny kasi wala naman talaga.  Na awkward lang kasi ako kasi yung first kiss ganun pa ang nangyari at higit sa lahat sa babae pa at may asawa pa..

"oh ano mag-iinom na naman tayo Monica?  Nasusunog na atay kayo sayo pass muna tayo mukha na akong zombie,  ang beauty ko dai" natawa ako sa sinabi niya, kasi totoo naman kaming dalawa zombie na lagi na kaming pinapagalitan ng manager naming bakulaw.

"okay, okay pero sa labas na tayo mag dinner pls? " tumango naman siya kasi alam naman niya rason ko. Pasalamat talaga ako sa baklang toww kahit papano ay dinadamayan ako.

Habang kumakain eh bigla na namang nagsalita tong si bakla

"ano ba kasi nararamdaman mo?  Inlove kana ba sa kanya Mon?  Pwede mo naman sabihin sa'kin"
Ano nga ba?  Diba wala naman,  nahihiya lang ako sa ginawa namin or should i say naguiguilty.

"MJ naguiguilty lang ako" tumango naman siya na may pagdududa

"oh siya basta kung naguguluhan ka dito naman ako para makinig" ngumiti ako at tumango dahil masaya ako at may kaibigan akong katulad ni MJ

--
8pm nung nakarating ako sa apartment, para akong may hinahabol sa pagmamadali kong makapasok agad sa room ko. Pagdating sa dulo ng hallway napa buntong-hininga ako at nagpasalamat dahil walang tao.

Nakapangtulog na ako ng may biglang nag doorbell kinabahan ako dahil isa lang naiisip ko si Pat.

Pagbukas ko ng pinto parang nakakita ako ng anghel,  she's wearing a white dress na parang may pupuntahan na formal dinner. 

"Ah yes,  Pat? " kinakabahan kong sabi.  I'm wearing silk sleeveless at shorts. Parang na awkward na naman ako. 

"are you okay? " sabay dampi ng palad nya sa leeg ko. Napaatras ako sa ginawa niya dahil nagulat ako para kasi akong kinuryente

"ah oo,  ok lang Pat,  bakit? " ngumiti siya ng malungkot

"ah, kala ko kasi my sakit ka. Isang linggo na kasi kita di nakikita nag-aalala lang ako" tumango naman ako at napangiti ewan ko nga kung bakit.

"i'm fine Pat,  lagi lang ako akong overtime" pagsisinungaling ko. 

"kumain kana ba? " dun ko lang napansin na may dala pala siyang paper bag.

Iniabot niya sakin ito.  "nag-abala kapa, thank you Pat" di na din nagtagal at nagpaalam na din ako sa kanya.  Ayoko nang magtagal pa ang pag-uusap namin dahil may naaalala lang ako. 

"haaysss anong nangyayari sayo Monica,  di kana man ganito sa mga taong nakikilala mo ah" kausap ko sa sarili ko.

--
Isang linggo ang lumipas simula nung araw na pinuntahan niya ako sa apartment and i don't know why i am missing her smile, her voice and her smell. Hmm maybe i just like her as a friend or a big sister.

Maaga akong umuwi para maabutan ko siya sa terrace but unfortunatelay wala siya.  So nagbihis muna ako at sinubukan kong katukin sya.

Nagulat ako nung si Mr. Santiago ang nagbukas ng pinto.

"yes? " kinabahan ako bigla.

"ah ahm sorry i'm looking for Mrs. Santiago may itatanong lang sana ako" tumango naman si Mr. Santiago,  matikas siya at gwapo

"she's having a fever,  okay lang ba sayo puntahan mo muna i have a business meeting kasi" halata sa kanyang gestures na nagmamadali siya

"ah sge po, " tsaka siya umalis agad. Nag-aalangan naman akong pumasok at hinanap ang kwarto nila.

I saw her nakahiga at nakakumot natutulog. Nakainom na kaya siya ng gamot?  Bakit naman siya iniwan ng asawa niya na alam naman nito na may sakit siya. Ganun ba sya ka dedicated sa negosyo niya. Kawawa naman si Pat.

Kumuha ako ng bimpo,alcohol at tubig. After ko itong basain sa alcohol na may tubig ay nilagay ko ito sa noo niya. Nakita ko naman ang mga gamot nakalagay sa maliit na mesa sa tabi ng kama.

Sobrang taas ng lagnat ni Pat.


Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pwedeng makain ni Pat o kaya noodles na pwedeng maluto.  Kumuha nalang ako ng cup noodles para makakain sya agad.

"Pat, " gising ko sa kanya. Nagmulat siya ng mata halatang nanghihina.

"kumain ka muna" ngumiti siya sakin.

Inalalayan ko naman siya sa pag-upo. Sinubuan ko siya para makahigop ng sabaw.

"Si Steve? " paos ang boses niya. 

"umalis siya may business meeting daw. Sakto naman kasing kumatok ako para sana kumustahin ka. Kaya nakiusap muna siyang ako muna bahala sayo" tumango lang siya.

Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko na din siya ng gamot. At nag alarm every 4 hours.

Di ko alam na nakatulog pala ako sa upuan na katabi ng kama ni Pat. Nagising ako sa alarm ko.

Nahiya naman ako dahil gising na pala si Pat at nakatingin sa'kin.

"ahm,  kanina ka pa ba gising?  Okay na ba pakiramdam mo? " tanong ko sa kanya

And again ngumiti na naman siya. How i miss that smile. 

"Mon? " di ko alam ano sinagot niya dahil nawala ako sa isip ko ng very very slight.

"ah inom kana ulit ng Med Pat" sabi ko, tumango naman siya.

"buti naman at nagpakita ka sa'kin.. " sabi niya.

"sorry lagi kasi kami lumalabas ni MJ" tumango siya

"na miss kitang kausap" napatingin ako sa kanya. Ewan ko ba anong meron sa mga titig niya bat lagi akong nawawala sa sarili ko.

"ahm ano bawi nalang ako"

Nakita kong pumasok si Mr. Santiago at agad humalik sa noo ni Pat,  napayuko nalang ako sa nakita ko.

Humarap si Steve sa'kin. 
"sorry what's your name again? " napaka pormal ng boses niya.

"Monica po" sagot ko naman habang si Pat ay nakatingin sa 'kin,ako naman Iton na a-awkward

"Thank you for taking care of my wife" ngiti niya.

"walang anuman po Mr. Santiago" it's already 12 am

"how can I repay you?" tanong niya.

"Hindi na po kailangan, Pat is a good friend" ngiti ko pa.

"Thank you again Mon" sabi ni Pat.

Nagpaalam nako sa kanila dahil inaantok na din ako

Pero anong oras na at di pa din ako makatulog dahil sa naiisip ko ang ngiti niya.  My gossshh i don't know what to do,  at di ko alam ano to. Masyado ata akong na attached agad sa friendship namin o baka namimiss ko lang yung ate ko,  close kasi kami ng ate ko BFF kami nun.

---
"oh laki eyebags natin ah" pangungutya naman ng bakla,  tinarayan ko lang siya dahil napaka bigat talaga ng ulo ko dahil nga wala akong tulog feeling ko lutang ako.

After work eh di talaga ako tinigilan ni betla at tanong ng tanong anong nangyari bakit daw mukha akong zombie.

"Mj naman eh di moko titigilan? " umiling naman siya at ngumiti.

"eh kasi nilagnat si Pat pinabantayan muna sakin ni Mr. Santiago" nanlaki ang mata niya at may patakip takip pa sa bibig,kinikilig kala mo eh uod na nilagyan ng asin

"oh my gosh tapos? " i rolled my eyes kahit mabigat

"tapos na, pagdating niya umuwi nako" sagot ko naman

"eh anong oras ka umuwi? " aba gusto pa ata to maging interviewer

"12am po"

"oh bat wala kang tulog eh 12am ka pa naman nakauwi" pag-uusisa niya.

"alam mo wala kanang pake kung di ako nakatulog" tinawanan naman niya ako

"oh siya Highblood kana ata,  uwi kana"

Pagdating ko sa bahay eh agad akong napahiga at di ko namalayan na nakatulog ako, imagine 5:30pm akong nakarating sa bahay nagising ako ng 9pm dahil sa gutom and i'm still wearing my uniform. Nagpa deliver nalang ako ng food tinamad na akong magluto. After kong mag-shower ay nagbihis ako agad dahil padating na din ang food.

Pagbukas ko ng pintuan ay si Mr. Santiago ang nakita ko "ah Mr. Santiago? " ngumiti siya.

"yes Mon,  ahm can i have a favor again? " tumango naman ako

"eh kasi di pa masyadong okay si Patricia, okay lang bang samahan mo muna siya. May flight kasi ako ngayong 12am i need to go." pag e-explain niya

"ah okay po, ako na po bahala sa kanya"

"if you need something you can call me" binigyan niya ako ng calling card tsaka susi na dn ng room nila

"ok po," yun nalang nasabi ko.

After dumating ng inorder ko ay dumeretso na ako sa apartment nila. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi ang room nila puro mamahalin ang gamit.  Dim light lang parang di vip hotel room ang style.

Pinuntahan ko si Pat sa kwarto, and i saw her wearing her eyeglasses while reading. Nakaupo siya sa kama.

Ilang minuto ko siyang tinitigan. Parang nakatitig ako sa isang magandang tanawin ewan ko din ba't napapangiti ako. 

Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa'kin.

"ah eh,  pu-pumasok na ako Pat,  binigyan kasi ako ni Mr. Santiago ng susi"

"si Steve talaga,  okay naman na ako" nagkibit-balikat nalang ako. 

Umupo ako sa tabi ng kama "kumain kana ba? " tanong ko sa kanya.

"wala pa din gana eh" sagot ko.

"pero kailangan. Hmm gusto timplahan nalang kta ng gatas? " ngumiti siya

"are you sure? " tumango naman ako.

"okay".

--
Chineck ko yung temperature niya. Bumaba naman na ito buti naman.

"antok kana ba? " tanong ko sa kanya.

"mejo" tinanggal na niya ang glasses niya.

"tulog kana,  bantayan nalang muna kita" sabi ko. Napatawa siya

"ano ka ba di naman na ako bata" eh kasi gusto kitang alagaan Pat hayss

"just let me Pat" ngiti ko.  Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ako.

Masaya na akong nakikita siya. Yun bang feeling ko gusto ko siyang alagaan. Yaya ba ako?  Charowt haha!

--
Pagkagising ko sobrang sakit ng likod at leeg ko nakatulog pala ako ng nakaupo.

6am na pala.  9am ang duty ko..dali2 akong nagluto ng breakfast sa kusina nila. Nag feel at home nalang ako dito.

Ginising ko si Pat. At chineck ko na din temperature na buti naman at bumalik na ito sa normal. 

"breakfast muna tayo" mas maganda pala siya pag bagong gising.

Nagluto ako ng itlog, bacon at hotdog. Gumawa na din ako ng kape at gatas.

"wow,  thanks for cooking Mon" sinabihan ko na din siya na kailangan kong pumasok sa trabaho. Ayoko man siyang iwan pero kailangan. 

"pero kailangan mong bumawi sa'kin" tumango nalang ako.

--
"goodmorning MJ" gulat ang kanyang reaksyon haha nakakatawa talaga tong baklang to

"blooming mo ate girl, ano nangyari? " pag-uusisa niya
"walang nangyari baliw,  di ba pwedeng maging maganda paminsan-minsan? " sagot ko naman

"hmm inspired ata o baka inlove..Ayehh" napahinto ako at napaisip dahil hindi ko alam kung ano ang feeling ng inlove. Ano nga ba? 

Breaktime chineck ko agad ang cellphone at sinearch ang kanina ko pang gustong malaman.

Tinype ko agad kay google "feeling of inlove"

Parang pinagpawisan ako sa nabasa ko parang feeling ko natamaan ako dun. Di pa ako nakuntento tinype ko na naman "how to know if you're inlove" nanlumo ako dahil parang parehas lang naman. 

This can"t be,  abnormal ata ako.

"oh anyare sayo jan?  Natatae kaba? " lumapit si MJ sakin,  nasa locker room kami parehas.

Tinitigan ko lang siya,  di ko alam ano nga ba sasabihin ko.

"bakla di naman ata pwede nu na kakakilala nyu pa lang eh maiinlove kana? " tinawanan niya ako. 

"sino nagsabi?  Meron nga iba jan unang titig palang inlove na.  Di mo kasi alam kung sino ang ititibok nyan" sabay turo sa puso ko.

"kahit isang oras o ilang taon na kayong magkakilala pag yan tumibok ay wala na,  talo kana" pahayag pa niya.

"Mj naman eh. May asawa yung tao" pagrereklamo ko pa na parang batang ayaw payagan lumabas.

"oyy aba kasalanan ko ba yan?  Haha, wait so you mean you're inlove with her? " di ko siya sinagot bagkus ay ipinakita ko ang aking cellphone. Agad naman siyang tumawa ng malakas.

"are you sure ito na fefeel mo pag anjan siya? " tumango ako.

"patay tayo jan Monica,  eh pano yan may asawa siya,  " nagkibit-balikat nalang ako.  Parang anlaki ata ng problema ko. 

"iwasan ko nalang kaya siya o kaya maghanap na ako ng ibang matitirhan? " buntong-hininga ko

"kahit san lupalop ka magpunta kung siya laman ng puso mo eh wala kang magagawa,  maiisip at maiisip mo pa rin siya at ang malala mas lalo mo pa siyang mamahalin dahil sa pananabik mong makita siya o maging sayo siya. " nakakainis naman tong baklang to.

"eh ano gagawin ko?" tanong ko ulit

"just love her, go with the flow and cherish every moment na magkasama kayo. At dapat handa ka sa sarili mo dahil di mo naman maiiwasan na masaktan at syempre wag na wag kang aasa para di masyado masakit" ngiti niya.

"eh pano kung lumayo na nga lang ako? " pangungulit ko pa.

"lumayo kaman o hindi masasaktan ka pa din,  atleast kung makikita mo siya lagi kahit masakit na di siya mapapasayo atleast masaya kana naman na makita ang taong mahal mo" aba may point nga si bakla.

"tara na nga balik na tayo..kainis naman,  inom tayo mamaya ha" tumango naman siya.  Dahil kay Pat lagi na ako napapainom


---
It's 11pm hanggang sa naalala ko na wala palang kasama si Pat dahil nagtravel yung asawa niya sa'kin pa naman siya binilin. Okay pa naman sana maglasing ngayon dahil walang trabaho bukas kaso naalala ko siya di kakayanin ng konsenya ko.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at dali daling umuwi.

May susi naman ako ng bahay nila kay deretso na kong pumasok. Chineck ko siya sa room niya kaso wala,  sa kusina, sala wala talaga

"Pat? " bumalik uli ako sa room niya galing pala siya sa CR nag shower, nakatapis siya ng tuwalya.

Oh gosh!  Feeling ko uminit yung buong katawan ko lalo na mukha ko.

"Mon? " napatalikod ako..

"ahm so-sorry, i forgot na binilin ka pala sakin ni Mr. Santiago" napatawa siya

"di naman na ako bata Mon,  don't worry" sabi niya

"i do" di ko alam ba't ko ba sinabi yun.  Pero binalewala niya lang

"kauuwi mo lang?" habang nakatalikod pa din sa kanya

"ah eh Oo" yun lang nasabi ko.

"are you drunk? " mahina niyang tanong na para bang nang-aakit o ako lang talaga ang naaakit

"i'm not,  nakainom lang" sagot ko

"ahm labas na muna ako Pat para makapagpalit ka" sabi ko ulit

"no it's fine i'm done" sabi nya.

"ahm uwi na ko nagsha-shower lang ako, amoy alak pa kasi ako" di ako masyadong makatingin sa kanya.

"hmm can you stay here tonight please? " nanghina ang tuhod ko sa please niya.

"dito kana magshower," wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. May magagawa ba ako.

How can I say no kung siya na ang humihingi ng favor.

"sa guest room nalang ako matutulog Pat" antok na kasi talaga ako,

"okay, tabi nalang tayo" sabi niya.

"ha ah eh, sure ka malikot ako ano ahm matulog" palusot ko pa.

"it's okay,  gusto ko lang may kasama. I'm tired of being alone and left behind" may lungkot sa pagkakasabi niya.

"eh kung tulungan mo nalang si Mr. Santiago sa negosyo niya" pahayag ko

"ayaw niya,  gusto niya dito lang ako, ako daw bahala dito.  Para kung anong mga emergency dito madali ko daw na malalaman o maaaksyunan" paliwanag niya

Umupo ako sa kama  habang si Pat ay nahiga na.

"hmm sa sahig nalang ako Pat" kasi pag magkatabi tayo baka di ako makatulog

"no Mon..  Tabi na tayo" i know naman na walang malisya sa kanya, pero ako pano naman to sobrang may malisya sa'kin eh

Wala na kong nagawa kundi ang humiga na din sa tabi niya. Para akong matigas na kahoy na nakahiga nakakailang kumilos.

Di na siya umimik baka natulog na siya ako itong antok pero ba't biglang nawala ang antok ko. Pinatong niya ang kamay niya sa may tiyan ko,  nakayakap siya. Nilingon ko siya at napakahimbing na nga ng tulong niya.

I can't help it, humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. 

"Kahit alam kong mali tong nararamdaman ko sayo at walang patutunguhan masaya pa rin akong nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko" mahina kong sabi habang pumapatak ang aking mga luha.

Nagulat ako ng bigla niyang minulat ang kanyang mata. Oh syeeete naman tanga ko talaga!  Ba't may pa drama drama pakong ginawa.

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko dahil nagulat ako sh*t naman talaga pinagpawisan ako at sobrang kinabahan.

"Mon" sabay hawak niya sa kamay ko.

"I'm sorry Pat," nakatalikod pa din ako sa kanya.

"it's okay. " mahina niyang sabi.

"no it's not Pat!  Di ko naman sinasadya eh" paliwanag ko pa. Nagsimula na akong humagulgol

"i know, it's fine. Please wag mokong layuan" sabi niya

"wala naman talaga akong balak layuan ka pero ngayon na alam mo na di ko alam,  di ko alam Pat,  di ko alam bakit Mahal kita,  di ko alam bakit sayo pa,  sa isang babae at higit sa lahat sa may asawa pa.  Abnormal ata tong puso ko eh" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

She hugged me,  yung yakap niya na nakakacomfort, yun bang mawawala lahat ng problema dahil lang sa isang yakap.

"di natin kasi mapipili kung sino ang ititibok ng puso natin, you're not abnormal nagmamahal kalang" natawa ako bigla.

"oh bat ka natawa? " tanong niya.

"wala,  nakakatawa lang kasi,  napaamin na nga ako ng di oras tapos ikaw pa nagcocomfort sa'kin 2in1 ba? " natawa din siya.

"hmmm just promise me,  di moko iiwasan" how can i say no sa pagpapa cute niya,  kaya tumango ako.

Bumalik naman kami sa paghiga. Napabuntong hininga ako, parang nabunutan ng tinik ang puso ko.

"Pat? " tawag ko sa kanya
"hmmm" habang nakapikit. Nilingon ko kasi siya.

"bat di ka nagulat o nagalit man lang sa mga nalaman mo? "

"syempre nagulat din" mahina niyang tawa
"pero bat naman ako magagalit?  May dapat bang ikagalit sa taong wala namang ginawa kundi ang magmahal lang? " oo nga naman tama siya.

Nakakahanga siya yung kung paano siya magrespond sa mga ganitong sitwasyon mas lalo tuloy akong nahuhulog.


---
It's good to be back hehe sorry sa typos

May part 2 pa😊

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...