Perfect Match (Salazar Series...

By Joyanglicious

33.2K 1.3K 76

Date Started: August 11, 2021. Date Ended: September 14, 2021. - Chelsie Alaia Tadeo ay kilalang habolin ng m... More

Perfect Match (Salazar Series #3)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 20

1.6K 45 5
By Joyanglicious

TW: Suicide

Mabilis na lumipas ang araw, kahapon lang ay grumaduate na kami at naghahanap na si Caelus ng law school na mapapasukan niya. Malaki na din ang tiyan ni Jeramae, nagpaplano na nga sila sa kasal nila eh. Excited na din tuloy ako. Next month na siya manganganak eh.

Proud na proud naman ako kay Caled dahil nakikita kong sobrang nage-effort talaga siya kay Jeramae. Kahit na medyo may problema siya sa daddy ni Jeramae at minsan ay nakakarinig siya ng masasakit na salita galing sa ibang tao ay nagpupursigi pa din ang kaibigan ko.

“Ano bang regalo mo kay Caelus?” Tanong sa akin ni Jeramae. Nandito ako sa condo nila ni Caled. Dala-dala ko ‘yung regalo ko para kay Caelus. 4th anniversary namin ngayon at magkikita kaming dalawa.

“Sapatos at polo shirt,” sabi ko. Wala naman kasi akong maisip na pwedeng iregalo sa kaniya. Apat na taon na kaming magkasama at halos lahat ata ng gamit ay nasa kaniya na kaya hindi ko na alam kung ano pa bang kulang sa kaniya.

“Anak na lang kaya?” suggest ni Caled. Nagluluto siya ngayon ng kakainin namin. Lalo lang gumgwapo si Caled ngayon, parang hindi nga siya dumaan sa pagiging bakla eh. Napaka-responsible pa pagdating kay Jeramae. Ang swerte nila sa isa’t-isa.

“Anak ka diyan,” sabi ko sa kaniya at umiling. Tumawa lang naman si Jeramae sa amin.

“Oo anak nga,” sabi niya pa. Kung magkakaanak man kami ni Caelus siguro ay hindi pa nga ngayon. Nag-aaral pa siya sa law school at ayoko naman na itigil niya iyon para lang sa responsibilidad niya sa akin.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang nagtext na si Caelus.

Pahinga<3:
Babe nasa parking lot na ako.

“Oh, aalis muna ako ah,” paalam ko sa dalawa. Ngumiti sa akin si Jeramae at tumango.

“Okay, ingat,” sabi ni Caled at ngumisi din sa akin. Naku, alam ko na kung anong iniisip ng mga ‘to. Inilingan ko sila at lumabas na nga.

Nang makababa sa parking lot ay nakita ko agad si Caelus. Nakasandal siya sa kotse niya at nakatingin na sa akin. Siguro ay kanina niya pa ako inaabangan.

“Hi pretty,” bati niya nang makalapit ako. Ngumiti ako sa kaniya at hinapit naman niya agad ang bewang ko.

“Happy 4th anniversary, mahal kita,” sabi niya at inangkin ang labi ko.

“Are you okay?” Tanong sa akin ni tita nang mapansin na hindi ako mapakali. Nasusuka na talaga ako at hindi ko na kaya. Nakipagkita siya sa akin ngayon dahil may sasabihin raw siya sa akin. Hindi ko na sinabi kay Caelus na magkikita kami ng mommy niya ang sinabi ko sa kaniya ay may bibilhin lang ako, gusto niya pa ngang sumama pero sinabi ko na wag na dahil kaya ko naman.

“Ang putla mo iha, masama ba ang pakiramdam mo?” alalang tanong niya sa akin. Hindi na ako sumagot at mabilis na pumunta sa labas para doon sumuka.

Wala akong pakialam kung nasa mamahalin kaming restaurant. Nasusuka na ako eh, anong magagawa nila?

Inayos ko ang sarili ko at pumasok ulit sa loob. Lumapit sa akin si tita at ang dalawa niyang guard. Nakita ko din ang tingin sa akin ng mga Ilang kumakain.

“Are you pregnant?” Tanong niya nang makaupo na kami. Last week ko lang nalaman na buntis na pala ako. Hindi ko pa sinabi kay Caelus at sila Jeramae pa nga lang ang nakakaalam na buntis ako.

“O-Opo,” sabi ko, hindi makatingin sa kaniya. Sasabihin ko pa lang sa anak niya na buntis ako pero mukhang ina niya ata ang unang makakaalam na buntis ako.

“Look Chelsie. You can’t fool me okay? Hindi ako si Caelus kaya kung sasabihin mo man sa anak ko, na siya ang ama niyang dinadala mo. Wag mo nang ituloy.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni tita.

“P-Po?” hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Huminga ng malalim si tita at may kinuha sa bag niya.

“Magkano ba? 5 million? Is that enough?” Tanong niya sa akin.

“Alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin Chelsie. Obviously I don’t like you for my son. Kilalang malandi at bayaran ang tita mo pati ikaw diba?” Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni tita. Akala ko ay maayos kami, hindi ko alam na ganito pa din pala ang tingin niya sa akin.

“Hindi ko po gusto ang tabas ng dila niyo,” diritsong sabi ko. Tumawa siya at umiling sa akin.

“I know dear. Ang gusto ko lang ay hiwalayan mo na si Caelus. Ibibigay ko sa ‘yo lahat ng kailangan mo pati diyan sa magiging anak mo basta layoan mo na ang anak ko,” sabi niya.

“Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo? Si Caelus ang ama ng dinadala ko. Hindi ko po siya hiwalayan,” matigas na sabi ko. Tumawa siyang muli at lumapit ng kaunti sa akin.

“Don’t fool me dear, pang-ilan ka na ba sa mga babaeng nagsabi sa akin ng ganiyan? Lahat ng naging girlfriend ni Caelus ay ganiyan, ikaw lang ang pinakamatagal pero hindi mo ako maloloko. Pera lang naman ang kailangan mo diba?” aniya.

Umiling ako sa kaniya habang pinipigilan ang luha sa mata ko. Paano niya nasasabi ang lahat ng ‘to. Akala ko ay maayos kami at okay na sa kaniya na ako ang girlfriend ng anak niya. Pakitang tao lang ba ang lahat ng sinabi at ginawa niya.

“Hindi ka bagay sa anak ko kaya please hiwalayan mo na siya. Hindi man sinasabi sa ‘yo ni Caelus pero nahihirapan siya,” dagdag pa ni tita. Tumulo na ang luha ko at agad ko naman iyong pinunasan.

“Kaya please kung talagang mahal mo si Caelus layoan mo na siya. Bata pa kayo, marami pa kayong makikilala na mas mamahalin kayo,” sabi ulit ni tita.

Huminga ako ng malalim. Masama na ang pakiramdam ko at masakit na ang mata ko, pinipigilan ko na lang ang pagbadya ng mga luha sa mata ko.

“Uuwi na po ako,” sabi ko at dahan-dahang tumayo.

“Iyong pera mo,” sabi niya.

“Hindi ko kailangan ng pera niyo. Wag po kayong mag-alala, hihiwalayan ko ang anak niyo,” sabi ko at tinalikuran na siya, kasabay nun ang diri-diritsong pagtulo ng luha ko.

“Are you okay babe?” Tanong ni Caelus sa akin nang makarating ako sa condo namin. Natagalan pa ako sa pagpunta dahil sobra ang pag-iyak ko kanina at ayokong mapansin niya iyon.

“Aalis na ako,” sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.

“What?” Tanong niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

“Aalis ako, hindi mo ba narinig?” Madiing sabi ko. Hindi ko gusto na magkatinginan kaming dalawa dahil baka biglang bumuhos ang luha ko.

“Saan ka pupunta? Kararating mo lang ah,” sabi niya sa akin. Dumiritso ako sa kwarto namin at kinuha ang bag ko pagkatapos ay binuksan ang closet para kunin ang mga damit ko.

“What are you doing?” Gulat na tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.

“Chelsie,” mahinahong sabi niya.

Shit. Wag kang umiyak Chelsie.

“Ayoko na, pagod na ako,” sabi ko sa kaniya. I saw tears falling in his eyes. Umiwas agad ako ng tingin dahil doon.

“Nakakapagod ba akong mahalin?” Tanong niya. Tumingin ako sa kaniya kahit nahihirapan na din ako.

“May nagawa ba akong mali? B-Bakit bigla n-namang g-ganito? Ayaw..m-mo ba na mag-aral ako? Gusto mo b-ba na magtrabaho na agad a-ako para maging maayos n-na ang pakiramdam mo? P-Please wag n-namang ganito…” nahihirapang sabi niya.

“Potangina! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ganun, hindi mo naiintindihan Caelus!” saad ko sa kaniya.

Bakit kailangang mahirapan pa siya. Ayoko na nahihirapan siya, siya ang lakas ko eh. Bakit naman ganito? Paano niya nasasabi na hindi na siya mag-aaral para lang sa akin? Ititigil niya ang pangarap niya ng dahil lang sa akin?

“Hindi b-ba pwedeng napapagod ako dahil…dito dahil sa mga nangyayari sa a-atin. Wala man l-lang akong natulong pa sa ‘yo, ayokong..uma..sa sa’yo…” hirap na sabi ko sa kaniya.

Nanginginig na ang kamay ko at gusto ko na lang umiyak nang umiyak. Hindi ko pa malabas ang lahat dahil ayokong makita niya na ganun ako. Hindi ko kakayanin na makita niya akong ganun, baka bumalik ako sa kaniya. Ayoko na makaistorbo ako sa kaniya. Nahihirapan na din siya sa akin, nag-aaral siya at ayokong makagulo ako sa kaniya.

“Okay lang sa akin. Okay lang naman ‘yon, diba napag-usapan na natin ‘to? Please wag mo akong iwan Chelsie,” pagmamakaawa niya.

Bakit mo ako pinapahirapan Caelus?

“Shut up! Ayoko na nga diba?! Mahirap bang intindihin iyon? Tangina Caelus,” inis na sabi ko sa kaniya.

Please, wag kang umiyak Chelsie.

“Okay lang sa akin. K-Kahit ayaw mo na, basta nandito pa din ako…wag mo l-lang akong iwan.. please, ako na lang..ako na lang ang l-lalaban para s-sa ating dalawa…” Napapikit ako sa sinabi niya. Namumula na ang mata niya dahil sa patuloy na pag-agos ng luha niya.

“Tangina, ayoko na nga! Hindi na kita mahal! Hindi na ako babalik dito, sasama na ako kay Albert. Tinanggap ko na ‘yung offer niya,” pagsisinungaling ko sa kaniya.

Hindi ko iniisip na tatanggapin ko iyon pero mukhang kailangan ko na ngang kausapin si Albert tungkol dito. Gusto ko na din munang umalis dito sa bansa.

“Are you choosing your career over me? Is your career is important over me?” Tanong niya. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Napapikit siya sa ginawa ko at hindi na muna nagsalita.

I’m sorry Cae, I’m really sorry. Mahal na mahal kita pero ayokong mahirapan ka.

“Kaya please, let me go. Ayoko na, aalis na ako,” pakiusap ko sa kaniya.

“Umalis ka na,” malamig na sabi niya. Tumingin ako sa kaniya at nakitang hindi siya nakatingin sa akin. Nakatungo siya at nasa mukha ang dalawang kamay.

“I’m really sorry, palagi mong tatandaan na minahal kita at hindi ako nagsisising nakilala kita,” diritsong sabi ko kahit nahihirapan na ako dahil sa sakit na nararamdaman.

Tumingin siya sa akin at kita ko ang pinaghalong sakit at galit sa kaniyang mata.

“Umalis ka na…” sabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at inayos na ang gamit ko. Tumalikod ako sa kaniya pero hindi pa man ako nakakaalis ay nagsalita na naman siya na mas lalong nagpasakit sa dibdib ko.

“At please, wag ka nang magpapakita pa sa akin. I can’t believe that I loved someone like you, you’re disgusting,” malamig na sabi niya.

Hindi na ako lumingon pa sa kaniya pakiramdam ko kasi ay mas lalo lang akong masasaktan kapag tumingin ako sa kaniya. Dali-dali na akong bumaba habang umiiyak. Tinawagan ko si Jeramae pero agad din akong natigil sa pag-iyak nang marinig ang taranta niyang boses.

“Aia, si Caled. Hindi ko k-kasi mabuksan ang c-condo, hindi niya din binubuksan pero alam kong nasa l-loob siya dahil nagtext siya sa akin, nag-aalala n-na ako…” aniya.

Hindi na ako nagsalita at binaba na agad ang tawag. Kahit na malabo ang mata dahil sa pag-iyak ko ay naghanap na agad ako ng taxi para mapuntahan sila.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa kaba at ang sakit na talaga ng dibdib ko. Iniisip ko si Caelus, hindi ko alam kung ano na nga ba ang ginagawa niya ngayon. Sana lang ay maayos siya dahil ayokong nahihirapan siya.

Mabuti na lang at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating kila Jeramae. Nakita ko agad si Jeramae na natataranta na, medyo hirap na din dahil sa malaki niyang tiyan.

“Kanina pa ba siya?” Tanong ko. Agad namang tumango sa akin si Jeramae.

“Caled, anong ginagawa mo? Papasokin mo kami please,” sabi ko sabay katok sa pintoan. Dumating na din ang ibang staff at may dala silang susi. Nang mabuksan ang pinto ay nawindang ako sa nakita ko.

Nasa taas si Caled habang may lubid sa kaniyang leeg. Halos magkulay lila na ang kaniyang leeg dahil siguro sa matagal na pagkalambitin niya doon, namumutla na din siya ngayon.

Napaluhod si Jeramae kaya inalalayan namin siya. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin pa din sa kaibigan. Bumuhos ang luha ko at nagtawag na agad sila ng emergency. Dahan-dahan nilang binaba si Caled at hindi ko na kayang tingnan pa ang hitsura niya ngayon.

“Caled..Caled..bakit? Paano n-na ako? A-ang..anak n-natin? Paano na?” Walang tigil sa pag-agos ang luha ni Jeramae.

Hindi na ako makahinga dahil sa matinding pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit ba nangyayari ito sa akin. Nagugulohan na ako, nahihirapan na ako. Pakiramdam ko ay wala na akong makakapitan. Sobrang sakit, ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ko matanggap lahat.

Nawalan ng malay si Jeramae kaya dinala namin siya sa hospital. Agad din naman siyang nagising at sumakit ang tiyan. Manganganak na siya.

Hinawakan ko ang tiyan ko habang nakatingin sa kaibigan ko na hawak-hawak ang anak nila. Kamukha ni Caled at ni Jeramae pero mas lamang lang ang kay Caled. Pinangalanan niya itong Caled, bilang ala-ala. Umiyak muli si Jeramae na sinabayan ng anak nila.

Kung nandito siguro si Caled sobrang saya niya. Alam kong gusto niya talagang magkaanak dahil iyon ang sinasabi niya sa akin. Hindi ko magawang tingnan si Jeramae habang umiiyak, hindi pa din mawala sa isip ko ang nakita kanina.

Alam kong ayaw sa kaniya ng daddy ni Jeramae at hindi ko din alam kung iyon ba ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa. Nilagay ko ang kamay sa aking mukha at doon na ako umiyak.

Nasanay ako sa presensiya niya ‘yung tipong papasayahin ka talaga, ‘yung pang-aasar niya sa amin ni Jeramae pero alam kong mas nasasaktan ang girlfriend niya.

Bumuhos muli ang luha ko dahil sa mga naisip. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin. Wala na si Caled, hindi man lang namin siya natanong kung anong problema niya, hindi man lang namin napansin na hindi siya okay.

Nawala na lang siya bigla. Nawala ang kaibigan ko. Napatingin ako kay Jeramae na umiiyak pa din hanggang ngayon. Matamlay ang mukha dahil sa pagod sa panganganak. Napakasakit lang dahil ang mismong paglabas ng anak nila ay siya namang pagkawala ni Caled sa buhay nila.

Nakakapagod ang araw na ‘to, medyo nahihilo na ako dahil sa pag-iyak kaya dinala na muna ako ng nurse sa isang room. Titingnan din nila kung maayos ba ang baby ko.

Nawalang bigla ang isa sa mga kaibigan ko at galit si Caelus sa akin dahil ang buong akala niya ay pinili ko ang career ko.

My friend died and I broke up with Caelus.

Mabubuhay na lang siguro ako para sa anak ko, para sa anak naming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

78K 2.1K 49
Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing to give everything for him; her body, her...
92.2K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
30.4K 784 25
University Belt Encounter Series #3 "Crazy Rich. Beautiful. Talented. Smart. Classy. Future Star." That is how they view her. Minus her spoiled atti...
32K 1.4K 46
ALIMENTATION SERIES #1 Pumpkin was never the typical student who puts her study first before anything else. She was not dedicated to live her life wi...