Made in Baguio

thexwhys által

3.1M 119K 85.2K

Tadhana (Self-published) Több

TDS: Made in Baguio
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 (Comic Version)
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 17

68.6K 3.1K 1.3K
thexwhys által

Nagising si Keanu nang maramdamang wala si Sarki sa tabi niya. Mas madalas na siya ang katabi nito sa pagtulog dahil siya na rin ang nag-aasikaso lalo na at madalas na maagang nagpapahinga si Tadhana.

Hiwalay ang kama nila ni Tadhana, pero magkaharap. Mayroon lang drawer sa gitna kung saan may lampshade at doon din nakapatong ang iPad nito.

Nakita kaagad niya na nakatagilid ng higa si Tadhana at pinadedede nito ang anak nila. Nakataas ang damit hanggang sa tiyan habang katabi si Sarki na nakabalot dahil umuulan at medyo malamig.

Hindi sinasadya ni Keanu na mapatitig sa mukha ni Tadhana. Mukha itong mabait kapag tulog. Mukhang anghel na isinuka ng langit dahil napakasiraulo. Mukha itong pinalayas sa paraiso dahil malamang na puro mura ang lumalabas sa bibig.

With that thought, Keanu automatically chuckled silently. Naiisip niya si Tadhana habang kumukuha ng forbidden apple, kausap ang ahas, sabay mura dahil nagulat.

Keanu bit his lower lip and shook his head. Tumayo na rin siya at kinuha ang laptop para magsimulang magtrabaho. It was two in the morning, and he had to work. Lately rin kasi, nagiging needy and clingy si Sarki, at mas madalas na rin itong nagpapakarga sa kaniya.

Wala namang reklamo si Keanu sa parteng iyon dahil sa loob ng tatlong linggo, si Sarki ang priority niya. Hindi rin niya sinasabi kay Tadhana ang tungkol doon dahil malamang na kukunin na naman nito ang sitter.

It wasn't like Keanu was being prideful. Kaya naman niya, medyo nasasangkalan lang ang trabaho lalo na at gusto ng boss niyang bumalik na siya sa Manila. Ilang beses na ring tumatawag ang mommy niya tungkol sa pagbalik sa Manila.

Keanu was busy answering some emails and creating a report needed when he heard a cry. Nagmadali siyang umakyat para kunin si Sarki only to see Tadhana, who just woke up. Nakasandal ito sa headboard ng kama at inaalo ang umiiyak nilang anak.

"Let me." Kaagad na lumapit si Keanu kay Tadhana para kunin si Sarki. "Matulog ka na muna. Ako na ang bahala."

Tadhana shook her head. "Wait lang." Pumikit ito at huminga nang malalim. "Ako na. Ikaw, natulog ka na ba?"

Keanu shook his head while shushing Sarki who was still sobbing. "Nagwo-work ako sa ibaba para hindi na ako mag-work mamaya. Okay lang, ako na."

Imbes na magdiskusyon dahil gising na rin naman si Sarki, pareho na lang silang bumaba. It was already three in the morning. Nakakandong si Sarki kay Keanu na nakaharap sa laptop habang nagluluto naman si Tadhana.

Pancake lang ang naisipang gawin ni Tadhana dahil craving din siya. Gumawa rin siya ng kape ni Keanu dahil panay ang hikab nito. Sa kaniya naman ay mainit na gatas pa rin lalo na at magpa-pump siya.

"Gusto mo bang may butter?" tanong ni Tadhana habang inaayos ang pagkain ni Keanu.

Tumango ito, pero naka-focus pa rin sa ginawa kaya naman kinuha niya si Sarki at pumunta sa living area para manood ng TV habang dumedede ang anak.

For three weeks, it became their routine to take turns when it comes to taking care of their son. Umayaw si Keanu sa babysitter dahil gusto nito na mas focus sa pag-aalaga sa anak nila. Pero kumuha sila ng tagalinis ng bahay na araw-araw nagpupunta dahil pareho silang hopeless sa department na iyon.





Kumakain si Tadhana ng sandwich na pinabaon ni Keanu sa kaniya habang nakaupo sa damuhan ng university kasama sina Ezekiel at Fidel. May kasama rin iyong fresh milk na maliit.

"Kumusta naman ang buhay may-asawa?" nagbibirong tanong ni Fidel.

Kaagad na sumama ang mukha ni Tadhana sa sinabi ng kaibigan at binato ito ng gamit na tissue. "Ano ba 'yan? Paulit-ulit? Tatlong linggo ko nang sinasabi na magkaibigan kami ni Keanu, walang malisya. Ano ba?"

"Puwede ba 'yon? Nakatira kayo sa isang bahay, tapos walang malisya? Huwag mong sasabihing hindi kayo nagse-sex?" natatawang sambit ni Fidel.

Umiling si Tadhana. "Wala naman kasing ganoon sa amin ni Keanu," aniya at sumubo ng sandwich. "Hindi ko rin maintindihan sa inyong lahat kung bakit palaging 'yan ang inisip n'yo. Dahil ba nag-sex kami noon, may anak kami, palaging 'yan na lang ang maririnig ko?"

Natahimik sina Fidel at Ezekiel dahil sa tono ng pananalita ni Tadhana.

"Kalat na rin sa ibang classmate ko ang tungkol diyan. May kaklase ako na malapit lang sa amin at nakikitang live-in kami ni Keanu." Umiling si Tadhana. "Alam mo kung ano ang naririnig ko? Baka hindi na naman ako makatapos dahil buntis na naman ako."

Nanatiling tahimik ang dalawa habang nakatingin kay Tadhana na nagtatanggal ng damo.

"'Yon na lang ba talaga ang tingin sa akin ng iba?" tanong ni Tadhana. "Dean's Lister naman ako, mataas naman ang average ko, kaya ko namang makipagsabayan sa iba kahit na late na ako, pero bakit ang tingin pa rin sa akin, ganda lang?"

"Bakla," Fidel whispered.

Tadhana snorted. "Alam naman na nating lahat na maganda ako, hindi rin naman ako mabait, medyo masama ang ugali ko, pero ang tingin na lang ba talaga sa akin, palaging buntis?" Mahina siyang natawa at tumingin na lang sa kawalan.

"Hoy, bakla," seryosong sabi ni Fidel na umupo sa tabi niya. "Sorry na. Hindi ko naman intensiyon na 'yon ang maramdaman mo. Nagtatanong lang naman ako. Ang guwapo kasi ni Mr. Tomihari. Parang kung ano—"

"Ikaw 'yon, Fidel." Yumuko si Tadhana at kinuha ang mga papel bago nagsimulang magbasa.

Nagkatinginan sina Fidel at Ezekiel dahil sa sagot ni Tadhana. Bihira itong maging ganito dahil mas madalas na may sagot, pero hindi nila alam kung bakit sa pagkakataong iyon, para itong wala sa mood.





Same old routine, sinundo ni Keanu si Tadhana, pero naglalakad pa lang ito at nasa malayo, nakikita niyang iba ang aura ng mukha. Nakasimangot, padabog maglakad, at nakataas ang kilay.

"Hi," bati ni Keanu, pero tango lang ang isinagot ni Tadhana sa kaniya at basta na lang kinuha si Sarki bago sumakay sa kotse.

Keanu didn't bother asking. Tahimik sa likuran si Tadhana, nakatingin sa bintana habang buhat ang anak nilang naglalaro. Something was really wrong because the Tadhana he knew would talk about her day kahit na walang nagtatanong.

"May gusto ka bang daanan?" tanong ni Keanu pagka-start ng kotse. "May gusto ka bang bilhin?"

"Wala," matipid na sagot ni Tadhana. "Gusto ko na munang umuwi. Inaantok din kasi ako."

Hindi na ulit nagsalita si Keanu. Naririnig niyang panay ang blubber ni Sarki na parang kinakausap si Tadhana, pero wala siyang naririnig na sagot mula rito. He drove until they got home. Basta na lang din itong bumaba nang hindi siya pinapansin at dumeretso sa kuwarto.

Keanu was puzzled. Sa mga ganitong pagkakataon, kung girlfriend niya si Tadhana, maiinis siya dahil ayaw niya ng silent treatment. Sa personality ni Tadhana, mukhang hindi naman nito ugali iyon, pero mukhang malalim din ang iniisip.

Pag-akyat ni Keanu, naabutan niyang nakatagilid ng higa si Tadhana habang dumedede si Sarki na nakatulog na rin. Ni hindi na ito nakapagpalit ng damit ngunit mas pumukaw ng pansin niya ang maliit na bahagi ng unan na basa.

Awtomatikong kumunot ang noo ni Keanu at napaisip kung ano ba ang nangyayari. Never pa niyang nakitang umiyak si Tadhana. Kahit sa mga pelikulang pinanonood nila nitong mga nakaraan, kahit masakit, wala itong reaksyon.

Bumaba si Keanu sa kusina para magluto sana ng pagkain, pero nakarinig siya ng katok. Helper iyon sa bahay nina Tadhana dahil may dalang pagkain. "Huwag na raw kayong magluto ngayon sabi ni Virgie. Ito na lang daw ang kainin ninyo. 'Asan si Hana?"

"Natutulog po. Kararating lang din po kasi namin, e."

Tumango ang matanda bago nagpaalam. Itinago na rin muna ni Keanu ang pagkain sa ref dahil maaga pa at natutulog na rin naman si Tadhana.

Nakaugalian na rin nilang kumain nang sabay para masanay si Sarki na kumakain sa lamesa at sabay silang tatlo. Kahit makalat, maagang tinuturuan nina Tadhana at Keanu ang anak na kumain nang maayos sa mesa.

It was five in the afternoon, and since Tadhana and Sarki were sleeping, Keanu started working on the dining area while sipping some coffee. Nagkaroon din ng meeting sa company at sinabihan siya na gusto siyang kausapin ng manager via Zoom.

"It's been three weeks, Keanu," umiiling na sabi ng manager niya. "May plano ka pa bang mag-work sa office? Usapan natin, one week lang, and this extended to three weeks. Bawal talaga ito."

Tahimik na nakatingin si Keanu sa boss niyang lalaki na seryosong nakatingin sa kaniya.

"What are your plans? Kasi may mga co-employee kang nagtatanong kung bakit pinapayagan pa kita. Though, I know your job can be done at home, walang problema sa akin doon, Keanu, pero may mga nagtatanong na kasi," sabi nito. "Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko. Totoo naman na saktong may research ka diyan sa Baguio tungkol sa business proposal na kailangan ko, pero tapos mo na 'yon may isang linggo na ang nakalipas. You need to go back here."

Samantala, mula sa hagdan, tumigil si Tadhana sa pagbaba nang marinig na mayroong kausap si Keanu. Tinapik niya ang likuran ni Sarki na kagigising lang din niya.

Hindi niya intensyong makinig, pero narinig niya ang sinabi ng boss nito tungkol sa trabaho at sumagot naman si Keanu na give him another week and he would go back. Nakatalikod naman si Keanu mula sa hagdan kaya hindi sila napansin at bumaba lang pagkatapos nitong makipag-usap.

"Hey." Nakangiting lumingon si Keanu at isinara ang laptop. "Nagpadala ng food ang mommy mo. Nagugutom ka na ba? Iinitin ko na ba?"

"Ako na."

Kaagad na tumayo si Keanu mula sa dining area at sininop muna ang mga gamit bago kunin si Sarki mula sa kaniya. Dumeretso naman si Tadhana sa kusina at nakita ang ipinadalang nilagang baka ng mommy niya dahil ni-request niya iyon lalo na at sinisikmura siya.

"Umiyak ka?"

Nilingon ni Tadhana si Keanu na nakatingin sa kaniya. "'Pinagsasasabi mo?"

"Namamaga kaya mata mo. Ano'ng nangyari? Alam kong hindi ka magsasabi, pero gusto ko lang magtanong. Kung ano man 'yan, puwede mo namang i-share. Your secret's safe with me," Keanu assured.

Suminghot si Tadhana at nilakasan ang apoy ng kalan para mabilis na uminit ang ulam. Nakaramdam na agad siya ng gutom. Mayroon na ring sinaing. Malamang na nagluto na si Keanu. It was already seven in the evening, sakto na rin.

"Wala," pagsisinungaling ni Tadhana. "Ikaw, kumusta pala ang trabaho mo?" She was testing if Keanu would open up about what she heard.

Hinalikan ni Keanu si Sarki bago nagsalita, "Pinababalik na kasi ako ng Manila. May mga nagtatanong na rin kasing officemates ko kung bakit meron akong special treatment."

"Ayan kasi ang sinasabi ko sa 'yo, e," sabi ni Tadhana at sumandal sa counter habang nakatingin kay Keanu. "Sabi ko naman sa 'yo, kahit weekends ka na lang magpunta rito, okay lang. Maliit pa naman si Sarki at may magbabantay naman sa kaniya habang nasa school ako."

Natahimik si Keanu.

"Patapos na rin naman ang semester ko in two weeks. Ako na ulit ang magbabantay kay Saki, kaya kung sakali man, bibigyan na lang kita ng updates, kahit hourly pa kung gusto mo," natatawang sabi ni Tadhana para lang kahit paano, gumaan ang pakiramdam ni Keanu. "Hindi naman pababayaan si Saki rito, Keanu. Gumora ka na."

Keanu sighed and bit his lower lip. "Pag-iisipan ko na muna. Hindi ko pa alam kung ano'ng plano ko, pero bahala na."

Tumango si Tadhana. "Sabihan mo lang ako. Basta huwag mong isipin si Saki. Kami ang bahala sa kaniya at bibigyan kita ng updates."

Everything was light hanggang sa hapunan nila. Naghihintay rin si Keanu na mag-open up sa kaniya si Tadhana, pero wala itong sinabi na kahit na ano. Nasabi na rin sa kaniya ng mga kaibigan nito na minsan mas gustong sinasarili ang problema kahit na willing namang tumulong ang iba.





Tatlong araw pa ang lumipas, wala pa ring sinasabi si Tadhana kay Keanu. Bumalik na rin naman na ito sa pagiging makulit at madaldal, but he was still puzzled on what made Tadhana cry. Ayaw naman niyang magtanong dahil maiinis lang ito sa kaniya.

"Tadhana," pagbasag ni Keanu sa katahimikan dahil nanonood sila ng "Thirteen Reasons Why" sa Netflix. "Na-experience mo bang ma-bully? Puwedeng hindi sagutin kung hindi ka comfortable."

"Oo naman." Natawa si Tadhana. "Sa ampunan pa lang noon, pinagtatawanan nila ang buhok ko. Parang walis daw kasi ang buhok ko. Kasi, 'di ba, medyo may touch ng blonde? Sabi nila, walis nga raw."

Mahinang natawa si Keanu. "Samantalang 'yong iba, nagpapa-bleach talaga. 'Tapos?"

"'Tapos noong high school ako, nagkaroon ako ng kuto. Naging tukso rin nila sa 'kin 'yon kahit na nahawa lang naman ako sa iba. Naging reason din 'yung bullying noon sa akin kaya hindi ako masyadong nakikipag-friends sa mga babae." Yumuko si Tadhana. "Nilagyan kasi ng dati kong friend 'yung buhok ko ng bubble gum. Joke lang daw, kaso dahil doon, kailangang gupitan hanggang sa braso."

Tahimik si Keanu na nakikinig kay Tadhana.

"Umiyak ako noon kasi ang ganda ng hair ko. Laging tinitirintas 'yon ni manang bago ako pumasok sa school. Kaso lang ayun. Dahil doon, lumipat na ako sa ibang school. 'Tapos malakas ding mam-bully ang mga pinsan ko sa side ni Mommy kasi ayaw nila sa 'kin." Tadhana bit her lower lip. "Pero keri lang. Wala naman akong pakialam sa kanilang lahat. Sanay na ako sa kanila."

Huminga nang malalim si Tadhana. "Lately, naririnig ko sa iba na baka raw hindi na naman ako maka-graduate kasi nga nagli-live-in tayo. Baka raw isang araw, mabuntis na naman daw ako, sayang daw ang ganda ko."

Napatitig si Keanu sa sinabi ni Tadhana.

"Umiyak kaya ako!" Tumawa ito para siguro hindi maging mabigat ang mood. "Kasi napapatanong ako kung bakit ganoon palagi tingin nila sa 'kin. Kung hindi pakawala, buntisin, hindi makatatapos, puro ganda lang. Hindi nila alam, Dean's Lister ako! Hindi ko naman kasi ipinagyayabang 'yon!" Natawa si Tadhana. "Anyway, ayaw ko nang pag-usapan. Ikaw, na-bully ka ba noong bata ka?"

"Oo naman." Tumango si Keanu. "Sa international school sa Manila ako pumapasok noon. Medyo mataas kasi ang ere ni Mommy. Ayaw niyang nagmumukha akong kawawa which is acceptable naman. Since nagpapadala naman ang papa ko, ipinasok ako ni Mommy sa mamahaling school."

Tahimik si Tadhana, pero yumuko para tingnan si Sarki na natutulog habang dumedede sa kaniya. Wala na silang ilangan ni Keanu pagdating doon. It was nothing sexual.

"Meron akong classmate na sobrang bully niya. E sa school na 'yon, medyo marami kaming anak sa labas o 'di kaya naman ay walang parents, walang tatay, walang nanay." Huminga nang malalim si Keanu habang nakatingin sa TV. "Araw-araw 'yon, ipinamumukha niya sa amin na kulang ang pamilya namin at hindi kami makokompleto kasi wala kaming papa. Siya raw, meron.

"Since then, I promised myself I won't have a child. Hindi ako magkakaanak dahil natatakot akong matulad sa 'kin ang magiging anak ko. There was fear inside me na may possibility na mang-iwan din ako at natatakot ako, Tadhana." Hinarap ni Keanu si Tadhana. "Natatakot ako na maging katulad ako ng papa ko . . . na iwanan ko si Sarki."

Napatitig si Tadhana sa namumuong luha ni Keanu nang ilipat ang tingin sa anak nila. To lighten up the mood, Tadhana smiled and thought of something.

"Kay Sarki ka ba nakatingin o sa side boob ko?" natatawang tanong ni Tadhana.

Kaagad na kumunot ang noo ni Keanu at sinalubong ang tingin ni Tadhana na mayroong nakakalokong ngiti at mukhang hahagalpak na pero hindi magawa dahil natutulog ang anak nila.

"Now that you've mentioned, saka ko nakita ang side boob mo." Sinabayan ni Keanu ang kabaliwan ni Tadhana. "I was so focused on Sarki's chubby cheek, 'tapos you'll mention your chubby side boob. May ugat."

Nanlaki ang mga mata ni Tadhana nang mas lalong naningkit ang mga mata ni Keanu at ngumisi pa ang gunggong. "Eyes up here, Tomihari."

Keanu shook his head and stood up. "Ano'ng flavor ng fresh milk mo ngayon? Chocolate, strawberry, o plain milk?"

"Strawberry na lang 'tapos pahingi ako ng Toblerone sa ref. Ikuha mo rin ako ng Lay's na plain," Tadhana asked while looking at Keanu. "By the way, sabi ng friends ko, ang ganda ng last name mo."

Tumingin si Keanu sa kaniya habang nagsasalin ng gatas at ngumiti. "Gusto mo, iyo na?"

Kaagad na sumama ang tingin ni Tadhana kay Keanu at nagkunwaring nasusuka. "Thanks, but no thanks, Tomihari."

T H E X W H Y S

Olvasás folytatása

You'll Also Like

229K 6.7K 29
Accounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to...
929 51 4
Aiferniza Key Claramoza is a unique individual who doesn't conform to the typical social norms of being overly friendly, yet she has a strong sense o...
120K 4K 31
Accounting Series #4 (COMPLETED) Being the breadwinner of the family isn't easy. Sa murang edad ay pasan-pasan ko na ang mabigat na responsibilidad...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...