My View Every Night

By 8phrodite

5.5K 3.4K 915

Ang tadhana ang pumipili nang taong dapat mong mahalin, hindi ikaw. Kaya kapag siya ang nakatadhanang tao na... More

Prologue
MVEN-1
MVEN-2
MVEN-3
MVEN-4
MVEN-5
MVEN-6
MVEN-7
MVEN-8
MVEN-9
MVEN-10
MVEN-11
MVEN-12
MVEN-13
MVEN-14
MVEN-15
MVEN-16
MVEN-17
MVEN-18
MVEN-19
MVEN-20
MVEN-21
MVEN-22
MVEN-23
MVEN-24
MVEN-25
MVEN-27
MVEN-28
MVEN-29
MVEN-30
MVEN-31
MVEN-32
MVEN-33
MVEN-34
MVEN-35
MVEN-36
MVEN-37
MVEN-38
MVEN-39
MVEN-40
MVEN-41
MVEN-42
MVEN-43
MVEN-44
MVEN-45
MVEN-46
MVEN-47
MVEN-48
MVEN-49
MVEN-50
MVEN-51
MVEN-52
Epilogue
Author's Note

MVEN-26

64 55 4
By 8phrodite

'Ma mimiss kita, Belle'

Nakaupo ako ngayon sa kama ko at isa isa ko nang sinasabihan ang mga kaklase ko na lilipat na ako nang school.

Napangiti ako sa inireply ni Lexess sa'kin kaya nireplyan ko din siya nang 'mamimiss din kita'.

Pero may isang tao lang talaga ako ng hinding-hindi makakalimutan. Tinignan ko ang kwarto niya pero sarado parin ito. Hindi na talaga siguro kami mag-uusap. Pero mas okay nga yon na hindi kami nag-uusap kapag naghiwalay kami nang landas kasi kapag okay kami at may communication kami it will just give me false hopes again.

Naalala ko bukas na pala ako aalis.

Halos noong isang buwan na ang nakalipas  noong tawagan ko si ate, tapos bukas nang gabi aalis na pala ako.

Napatayo ako nang marinig kong may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko 'yon at bumungad sa'kin si kuya na agad akong niyakap.

"Iiwan mo na ako,"

Niyakap ko siya pabalik nang maramdaman ko ang lungkot na nadarama niya.

"Babalik din naman ako," saad ko.

"Siguraduhin mo lang, kasi si ate hindi na umuuwi, minsan nalang," sabi ni kuya at bumitaw sa pagkayakap sa'kin.

"Hindi ako si ate. Promise babalik ako," saad ko at tumingin kay kuya.

"Pangako mo yan ha,"

"Oo nga."

"Oh sige na kakain na tayo," bahagyang ginulo ni kuya ang buhok ko at umalis na sa harapan ko.

Agad naman akong sumunod sa kaniya pababa para mag-agahan. Nakita ko si mama na nakaupo na sa dining samantalang nagluluto naman si papa. Naglakad ako papunta kay mama at niyakap siya.

"Ma, huwag ka nang malungkot, babalik padin naman ako eh"

Napabuntong hininga si mama at hindi na niya napigilan ang pagtulo nang mga luha niya.

"Umalis na nga ang ate mo, susunod ka pa," nanginginig ang boses ni mama habang sinasabi 'yon.

"Babalik ako, promise" saad ko.

"Pero matatagalan ka pa bago makabalik. Mamimiss kita bunso," saad ni mama at hinawakan ang kamay kong nakayakap sa kaniya.

"Mamimiss din kita ma. Mamimiss ko kayo," saad ko.

Bumitaw na ako sa pagkayakap kay mama at umupo sa tabi niya nang matapos nang magluto si papa.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa natapos na. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto ko at umupo sa swivel chair ko.

'Pres gala tayo'

'Pres tara gala, last gala mo na to kasama kami,'

'Pres sige na.'

'Susunduin ka namin diyan maya-maya'

'OTW na pres'

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang mabasa ang text ni Kevin sa huli. OTW na sila. Myghod.

Naghanap kaagad ako nang damit na masusuot ko at napili ko ay simpleng black jeans at yellow floral croptop. Sinuot ko din ang white sneakers ko at pinusod ko lang ang buhok ko. Binitbit ko na ang white sling bag ko nang marinig ko na ang busina nang sasakyan sa labas nang bahay.

"Oh, saan punta mo?" Tanong ni kuya.

"Sa puso ni crush," barumbadong saad ko.

"Inalis ka na niya sa puso niya," saad ni kuya kaya agad ko siyang tinignan nang masama.

"Edi aalisin ko din siya,"

Agad akong pumunta sa may likod nang bahay at nakita kong nakaupo lang sina mama at papa sa may upuan habang umiinom nang juice.

"Ma, pa, alis muna ako," paalam ko sa kanila.

"Saan ang punta mo, Belle?" Tanong ni papa.

"May pupuntahan lang po kami nina Kevin," saad ko.

"Sige basta umuwi ka bago mag ala-sais, naiintimdihan?" Saad ni papa.

"Opo pa," sagot ko.

"May pera ka diyan nak?" Tanong ni mama.

"Meron naman ma, huwag ka nang mag-alala. Sige ma, pa, alis na ako" paalam ko sa kanilang dalawa at tumakbo na palabas nang bahay.

Paglabas ko nang bahay ay nakita ko si Kevin na nakatayo sa labas nang sasakyan ni Lexess. Tumingin siya sa may bintana sa kabilang bahay kaya napatingin din ako doon, at nakita kong tinititigan ako ni Dave. Agad akong umiwas nang tingin at binuksan na ang shotgun seat.

"Hindi na namin ininvite, mukhang ayaw mo naman pres eh"

Napatingin ako kay Kevin nang marinig ang bulong niya sa'kin.

"Good idea. Ayaw niya narin naman akong makasama eh,"

Pumasok na ako sa loob nang sasakyan at ganoon din si Kevin. Nang makapasok na ako ay nakaupo sa may driver's seat si Lexess ay ang sa likod naman ay sina Kevin, George, Mika at Kate.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanilang lima.

"Sa lugar kung saan wala kang kilala," pananakot ni George.

"Parang magkaka-amnesia ako, ganoon?" Natatawang tanong ko.

"Basta may pupuntahan tayo," sagot ni Lexess.

Hindi nalang ako nagsalita at nagsikantahan nalang kaming anim. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya sumabay nalang akong kumanta sa kanila.

"Wala na ang dating pagtingin"

Ako lang ngayon ang kumakanta kasi ang sabi nila para daw 'yon sa'kin.

"Sawa na ba sa'king lambing,
Ginawa ko naman ang lahat,
Bakit bigla nalang nang-iwan"

Tinuloy ko lang ang pagkantan ko habang nakikinig silang lima sa'kin.

"Tulad nang mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig di mapapagod.
Tulad nang ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig di matatapos,"

Nang matapos akong kumanta ay nagpatugtog pa sila nang eraseheads songs. Nakatingin lang ako sa daan habang nakikinig sa musika.
Biglang napakunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang lugar kung saan kami pupunta. Agad kong tinignan si Lexess at nginitian niya lang ako.

"Oo, pupunta tayo doon,"

Puno nang pagtataka ang isipan ko ngayon kung bakit kami pupunta sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Dave? Bakit kailangan pa naming puntahan yon? Bakit sa dinami-dami nang lugar sa buong mundo ay doon pa nila ako dadalhin?

Nang makarating kami doon ay parang ayaw ko nang bumaba nang sasakyan nang bigla kung maalala ang lahat.

Noong unang araw na nakita ko siya. Noong sinusurprise niya ako. Noong Valentines, lahat. Naatingin ako sa singsing na kumikinang na suot ko. Ang singsing na ibinigay niya sa'kin.

"Belle halika na," aya ni Lexess.

"Ayoko,"

"Alaala? Pumunta tayo dito kasi ang gusto kong ipabaon sa'yo ay ang lahat nang mga magagandang alaala na meron kayo,"

Wala na akong nagawa nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at inalalayan ako sa pagbaba. Pumunta kami sa spot kung saan kami palaging nakaupo ni Dave at nakasandal ako sa balikat niya. Nakatingin lang ako sa kawalan at ganoon din ang mga kasama ko.

"Bukas na pala ang alis mo pres no?" Panimula ni Kate.

"Oo," tipid akong ngumiti at tumingin sa kanila.

"Nakapagpaalam ka na ba?" Tanong ni Marie sa'kin.

"Kay Dave? Wala akong plano na magpaalam sa kaniya. Malalaman niya din naman 'yon" saad ko.

"Pero pres, ganoon lang ba 'yon? Mas mabuting magpaalam ka para maging malaya narin ang puso mo, pres." Saad ni George.

"Pres, kita namin kung paano niyo alagaan ang isa't isa. Nakita namin kung paano niyo kamahal ang isa't isa, alam din namin na napakaraming alaala meron kayo, pero sana...sana magpaalam ka naman pres....mas mabuting umalis ka nang nagpaalam kesa sa umalis ka na parang wala lang,"

Napaisip ako sa sinabi ni Kevin. Magpaalam? Do I really need to do it? Parang hindi ko pa siya kayang harapin ngayon eh. Parang hindi pa ako handang kausapin siya.

"Hindi pa ako handang kausapin siya eh," saad ko.

"Eh kailan ka magiging handa?"

Napatingin ako kay Lexess nang bigla siyang nagsalita.

"Aalis ka na bukas Belle. Ilang oras nalang ang natitira bago ka lumisan. Kailan ka magiging handa?"

Kailan nga ba?

"Pres, tandaan mo kapag umalis ka wala nang kasiguraduhan kung may babalikan ka pa, kaya kung ako sa'yo ay sabihin mo nalang ang lahat nang gusto mong sabihin sa kaniya, para pag-alis mo malaya ka na," saad ni Marie

"Pero natatakot ako..."

"Natatakot ka na baka ipagtabuyan ka niya, na baka hindi ka niya pansinin kapag umamin ka? Naku, duda ako. Hindi magagawa ni Dave sa'yo yan." saad ni Kevin.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko.

"Eh mahal na mahal ka na niya simula first year palang eh,"

Napatingin ako kay Kevin nang marinig ang isinagot niya sa'kin. Napadaan ang gulat sa mga mata ko sa narinig.

"Naku, huwag mong sabihin na hindi mo alam, pres"

"Eh nagkagirlfriend siya noing first year eh," saad ko.

"Nagkagirlfriend nga pero mahal ka parin niya," saad ni George.

"Baka mahal niya lang ako dahil bestfriend niya ako," pagrarason ko.

"Naku pres, hindi ko alam kung manhid ka ba talaga o hindi mo lang pinapansin," saad ni Kate.

"Pinapansin na?"

"Na mahal ka nga niya," alam kung naiinis na sila sa'kin kaka-explain pero di parin ako makapaniwala sa lahat nang mga sinasabi nila.

"Hindi n-"

"Belle, iba ang pagmamahal na ipinapakita nang isang kaibigan sa pagmamahal na gusto ka niya talaga, at base sa ipinapakita ni Dave, mahal ka niya hindi lang bilang kaibigan, kundi higit pa doon,"

Napatahimik akong tumingin kay Lexess nang sabihin niya 'yon. So totoo? Mahal niya talaga ako?

"Pres, mahal ka ni Dave, sadyang di niya lang masabi," saad ni Marie.

"Natatakot lang siya na baka mawala ang lahat nang mga pinagsamahan niyo," dagdag ni Kate.

"Nawala na nga eh. Wala na. Wala nang communication. Wala nang kantahan, wala nang gumigising sa umaga at wala nang naggo-good night sa'kin tuwing gabi," tumingala ako para mapigilan ang pagtulo nang mga pinipigilan kong luha.

"Ilabas mo lang pres, andito lang ako. Hindi ka namin papabayaan," saad ni Kevin.

"Wa...wala na. Wala na si Dave na kaibigan ko. Wala na si Dave na takbuhan ko palagi, wala na ang Dave na...na minahal ko"

After saying those words, hindi ko na napigilan pa ang pagtulo nang mga luha ko.

"Ma...mahal na mahal ko siya...mahal ko siya kaya hindi ko inaamin sa kaniya ang nararamdaman ko kasi ayaw ko na umikot ang buhay niya sa'kin...hindi ko sinabi sa kaniya kasi alam kong marami pang mga babae ang mas deserving sa kaniya...at...at hindi ko rin naman kayang isakripisyo ang pagkakaibigan namin para lang sa nararamdaman ko...pero, wala na...wala na..."

Iniagay ko ang kamay ko sa mga pisngi ko pata hindi nila makita kung paano umagos ang mga luha ko. Patuloy lang sila sa pakikinig sa mga kwento ko, sa mga iyak ko, at sa sakit na nadarama ko.

"Siya...siya nalang ang natitira kong rason para manatili dito...kahit na sinabi ko pa sa ate ko na susunod ako sa kaniya sa Amerika hindi ko parin kayang iwan si Dave...ang sinabi ko sa sarili ko na mananatili ako dito kasama siya kahit na alam kong kapag mananatili ako dito ay makikita ko siyang makasama ang mamahalin niya...ang sabi ko isang rason lang ang ibigay niya sa'kin ay aalis ako, at yon nga ang nangyari...siya nalang ang natitira kong rason para manatili dito...pero...pero pinalaya niya ako,"

"Pres, huwag mong hahayaan na umikot ang buhay mo sa kaniya," ani ni Marie.

"Umikot na nga eh...siya na nga ang mundo ko eh...pero dahil pinalaya na niya ako, wala na...arang naubos ako, parang babalik ako sa simula kung saan walang-wala ako...babalik na naman ako sa umpisa kung saan wala siya...mag-isa ko na namang haharapin ang bukas, pero di ko parin alam kung saan ako sisimula, at kung paano ko sisimulang kalimutan siya kung kahit sa simpleng bagay ay siya ang naaalala ko"

"Pres, pakawalan mo na kasi," saad ni Kate.

"Ewan ko nga pero ang tanga tanga ko rin...nasasaktan na nga ako pero di ko parin siya magawang pakawalan...meron dito sa loob ko na pumipigil sa'kin"

Hindi na ako matigil kakaiyak habang sila naman ay nakikinig lang sa'kin at sinusubukan akong patahanin.

Nang makaramdam kami nang pagpatak nang ulan ay agad kaming nagsitakbuhan papunta sa loob nang sasakyan.

"Umuwi na tayo, Lex. Lumalakas na ang ulan," saad ni Kate.

Tumango naman si Lexess at umalis na kami. Nakatulala lang ako habang nakikita kung paano lumalakas ang pagbuhos nang ulan.

"Pres, okay ka lang?"

"Wala may naalala lang," maikling sagot ko kay Kevin.

"Grabi nang impact ninyo no? Pati sa simpleng ulan naaalala niyo ang isa't isa," ani ni Marie.

Oo nga. Grabi nga talaga. Iniisip ko nga kung sana hindi ko nalang siya kinaibigan, sana pala hindi nakang kami naging close, at lalong lalo na sana hindi kami nagkakilala. Kung minahal siguro namin ang isa't isa nang hindi kami magkaibigan siguro hindi ako nasasaktan nang ganito, sana okay lang ako. Sana mabilis ko lang siyang makalimutan, sana kaag aalis ako bukas masaya ako, pero hindi eh...alam ko sa sarili ko na kapag aalis ako bukas halos kalahati nang buhay ko ay maiiwan dito, maiiwan dito sa kaniya.

Medyo madilim nang makarating ako sa bahay at dali-dali akong umakyat nang kwarto para maligo dahil nabasa ako nang ulan. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako nang pantulog bago lumabas nang kwarto para kumain nang hapunan.

"Anak, kompleto na ba lahat nang mga dadalhin mo para bukas?" Tanong ni papa.

"Opo pa, kompleto na po," saad ko.

"Hihintayin ka nalang daw doon nang ate mo ha," saad ni mama.

"Opo ma, huwag po kayong mag-alala," sagot ko sa kaniya.

Tahimik na tumango si mama kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya habang isinusubo ang pagkain sa bibig niya.

"Ma, huwag ka nang umiyak, uuwi pa naman ako eh,"

Agad kong niyakap si mama na nakaupo lang sa gilid ko para pagaanin ang loob niya.

"Dalawa na kayo nang ate mo ang pupunta sa Amerika. Dalawang beses nadin akong umiiyak dahil iiwan niyo ako. Ang dalawang babae ko ay iiwan na ulit ako," saad ni mama habang umiiyak.

"Ma, pangako, babalik ako. Pagkatapos kong mag-aral o pagkatapos kong makakuha nang experience doon babalik na ako dito,"  saad ko.

"Babalik ka ha...hihintayin ka namin,"

"Shushhh...babalik ako ma, asahan mo,"

Tahimik na natapos ang dinner namin dahil alam kong nalulungkot silang lahat dahil aalis na ako bukas nang gabi. Umakyat na ako nang kwarto ko at nagtingin anng mga gamit na pwede kong dalhin.  Ang mga litrato naming dalawa ay iniwan ko dito sa bahay para mas madali ko siyang makalimutan.

Habang nagtitingin ako nang mvmga bagay na posible kong dalhin ay nahagip nang mga mata ko ang dalawang sulat na ibibigay ko sana kay Dave, pero hindi ko alam kung paano ko iaabot sa kaniya?

Hindi ko nalang siguro ibibigay.

"Belle?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang bigla kong narinig ang boses na matagal ko nang namimimiss.

Dahan-dahan akong lumapit sa nakasarado kong bintana para mas marinig ko pa ang mga sasabihin niya.

"Mag-iisang buwan na bukas simula noong hindi mo ako pinapansin,"

Ramdam ko ang lungkot na nadarama niya habang nagsasalita pero mas pinili kong tumahimik nalang at makinig sa kaniya.

"Malapit na pala ang pasukan no? Alam mo nag-enroll na ako kanina, tapos tinanong ko si ma'am kung nakapag-enroll kana pero ang sabi niya hindi pa daw eh. Kailan ka mag-eenroll?"

There's hope. May nararamdaman akong pag-asa mula sa kaniya. Nararamdaman ko na umaasa siya na baka kausapin ko siya. Nararamdaman ko na umaasa siya na baka isang araw sabihin ko na mahal ko din siya.

"Isang taon nalang pala ang natitira at maghihiwalay na tayo nang landas, pupunta ka na nang Amerika eh,"

Naramdaman ko ang biglang pagtulo ko nang mga luha ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Isang araw nalang Dave ang natitira at iiwan na kita.

"Magdodoctor ka 'diba? Siguro pagbalik mo dito, hindi mo na ako kilala, siguro pagbalik mo dito...hindi mo na ako maalala,"

Narinig ko ang panginginig nang boses niya habang sinasabi 'yon.

Paano kita hindi makikilala eh kahit saang sulok nga nang mundo ikaw ang naaalala ko.

"Ma..maaalala mo siguro ako, pero hindi bilang kaibigan mo...kundi bilang taong nagconfess sa'yo na pinalaya ka, na mas pinili kang maging masaya...o baka pati yon ay makalimutan mo,"

Hindi ko alam kung umiiyak na ba siya o ano, hindi ko naman kasi nakikita ang itsura niya eh.

"Belle, sana maintindihan mo ang rason kung bakit ko ginawa ang lahat nang 'yon"

Paano ko maiintindihan? Hindi mo nga pinapaliwanag sa'kin. Paano ko maiintindihan?

"Belle, 'diba ang sabi mo, di mo ako gusto kaya pinalaya kita. Ayaw ko namang ipagpilitan ang sarili ko sa'yo lalo na at alam kong mas sasaya ka pa sa iba, na mas malaya ka kapag kasama mo siya...si Lexess"

Si Lexess?

Si Lexess ba ang rason kung bakit siya nagkakaganito.

"Hindi na kita pinipilit na iwasan siya dahil alam kong mas magaan ang loob mo sa kaniya. Alam mo noong mga araw na nagkaproblema ka, hinihintay ko lang na sabihin mo sa'kin at hingin na manatili ako sa'yo pero mas pinili mong sumama kay Lexess at sabihin yon sa kaniya. Nakita ko din ko paano mo siya yakapin at lalong lalo na...kung paano ka umiyak sa balikat niya. Alam mo iniisip ko na sana ako nalang siya, sana ako nalang siya na sinasabihan mo nang problema, sana ako nalang siya na palagi mong kasama...at sana ako nalang siya....sana ako nalang siya na mahal mo nang sobra,"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Hindi ganitong tao si Dave, hinding hindi niya gusto na i-compare ang sarili niya sa iba, pero ngayon gusto niya na maging si Lexess?

"Belle, isang silip naman diyan mula sa'yo oh...ngumiti ka lang sa'kin ay okay na ako,.ngumiti ka lang sa'kin ay mababawasan na ang mga problema ko...sige na Belle,"

At that moment I know that he's crying. Umiiyak siya.

Nakikipagtalo ako sa sarili ko kung bubuksan ko ba ang bintana ko o hindi. Pero akmang bunuksan ko na sana nang marinig ko siyang nagsalita.

"Ayaw mo na nga siguro sa'kin no? Pero okay lang...hindi kita pipilitin kung di mo kayang ibigay ang sinasabi ko,"

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Ganoon na nga siguro kalaki ang kasalanang nagawa ko sayo kasi hindi mo na ako magawang kausapin eh...pero kung pwede lang sana..."

Napatigil siya sa sasabihin niya at hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kaya umalis nalang ako.

"Kung pwede ko lang sanang hilingin na mahalin mo din ako ay gagawin ko..." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya nang sabihin niya 'yon.

"Nagawa ko na pala...hiniling ko na pala na sana mahalin mo din ako...pero hindi eh"

Natahimik ulit siya at nang silipin ko siya ay nakita kong nakayuko siya at pinapahiran ang mga luha niya.

"Pero hindi...hindi mo talaga ako mahal,"

'Mahal kita, pero...di ko alam kung paano sasabihin'

___________________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

150K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
701K 15.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...