The Protector

By grenadier0007

35.5K 1.7K 1.4K

This is an intense and passionate story of Isabel Beatriz De Leon and Jessica Margarett Galanza. They unexpec... More

Chapter 1 - Jessica
Chapter 2 - Isabel
Chapter 3 - AJV
Chapter 4 - First Encounter
Chapter 5 - The Client
Chapter 6 - Julia Morado
Chapter 7 - Birthday Party
Chapter 8 - AliTon
Chapter 9 - Sa Isang Sulyap Mo
Chapter 10 - Naughty Jessica
Chapter 11 - Triangle
Chapter 12 - Runaway
Chapter 13 - The Morning After
Chapter 14 - Confrontation
Chapter 15 - Miss Villarama
Chapter 17 - Test The Water
Chapter 18 - Mabagal
Chapter - 19 - The Past
Chapter 20 - Drunken State
Chapter 21 - The Start Of Something New
Chapter 22 - LOVERS ⚠️ 🔞
Chapter 23 - Intruder
Chapter 24 - Rescue Me
Chapter 25 - Missing You
Chapter 26 - Together Again
Chapter 27 - True Identity
Chapter 28 - Love Me Like You Do ⚠️
Chapter 29 - Falling Deeper 🔞⚠️
Chapter 30 - Take A Risk
Chapter 31 - Dangerous Game
Chapter 32 - Blackmail
Chapter 33 - Is This The End
Chapter 34 - Mystery Woman
Chapter 35 - Revelations
Chapter 36 - Eye For An Eye
Chapter 37 - Conspiracy
Chapter 38 - End Game
Chapter 39 - I Need You
Chapter 40 - Bonus part ⚠️

Chapter 16 - Three Is A Crowd

805 44 37
By grenadier0007

JESSICA

Masaya kaming nagkekwentuhan ni Myla habang palapit sa office ni Anton. We are about to do some shopping pero gusto niyang bisitahin muna ang Kuya niya. Sabi ko tawagan muna namin para alam ni Anton kaso gusto niya ng surprise. 

Risa saw us and tried to stop us entering his office. May kausap pa daw kasi sa loob ang asawa ko. Eto na naman po kami. Someone is stopping me entering a room where my husband is. Kinutuban ako.

Déjà vu na naman ba?

"Risa, may meeting ba sa loob?" I asked.

"Ah wala naman po Madam Gob." sagot niya.

"Why don't you go inside and tell him that he got visitors. I'm sure Kuya will let us in." utos ni Myla dito.

Napilitan na siyang kumatok at pumasok nga sa loob. Eto namang si Myla aba bigla akong hinatak at sumunod na kay Risa.

Nawala ang ngiti ko sa nabungaran namin ni Myla sa loob ng office ni Anton. Bea is with him pala and he is too close to her. Anton made an instant movement, he stepped away from her when he saw us.

What is Anton doing to Bea?

I can sense that Bea is uneasy and uncomfortable but still trying to act normal. We caught each other's eyes for a second. Natuwa ako pagkakita sa kanya pero nawala ito agad when I saw Anton's face.

Para na naman itong lasing na ewan. Lagi na lang siyang ganyan since I caught him with Ali.

"Hey Kuya, you okay?" Myla asked.

Hindi pa kasi nagsasalita si Anton. Namumutla siya. Hmmm, baka nga may ginagawang kakokohan kay Bea. Pero marunong ng self defense si Bea, she can defend herself kay Anton in case na may kalokohan itong ginagawa sa kanya.

I looked at Bea again, I can see that she's upset. Naku wag naman sanang maging totoo ang hinala ko at talagang makakatikim na sa akin ang walanghiya kong asawa.

"Anton?" tanong ko.

Para naman itong natauhan. He composed himself and gave me his sweetest smile.

"Babe, what a pleasant surprise! To what do I owe you for this visit?" he asked as he welcomed me with a hug.

Shit!!!

Sa sobrang bilis ni Anton ay hindi na ako nakailag sa mga bisig niya. He squeezed me tight. Nagkatinginan uli kami ni Bea while Anton is hugging me. Parang nalungkot siya sa ginagawa ni Anton sa akin pero saglit lang ito dahil wala na akong mabasa sa expression niya.

Yumuko na lang ito afterwards.

"Kuya, why would you say that? She's your wife, of course she can visit you whenever she wants." Myla replied whose eyes are now focused on Bea.

"No, not like that. Kasi itong si babe matagal ng hindi pumapasyal dito. Nagulat lang ako dahil nandito na kayo." Anton said.

"She misses you. Di ba sis? Hahaha. But it was me who wanted to drop by. Hmmm, may kasama ka pala dito." sabi ni Myla na bahagyang lumapit kay Bea na tahimik lang.

Inalis ko ng palihim ang mga kamay ni Anton sa beywang ko. I saw Risa going out of the room.

"Ohhh, this is BDL. One of my bodyguards." casual na pakilala ni Anton sa kapatid.

"Bodyguard? Wow, you are so pretty to be a bodyguard. I'm Myla by the way, the one and only sister of Kuya Anton." sabi niya sabay abot ng kamay kay Bea.

I glanced at Bea as she shook the hand of Myla.

"Nice meeting you po Ma'am." she replied.

"Don't call me Ma'am. Just My or Myla-b oppps." sabi ni Myla habang tumatawa.

Napangiti na lang si Bea sa sinabi ni Myla. I noticed that they are not letting go of their hands yet. Ano yan, may glue?

Myla starts talking to Bea at sa Kuya niya about security etc. Naupo na lang muna ako at inobserbahan sila.

Huh, bakit ang lagkit ng tingin ni Myla kay Bea?

Like she's checking her out. Damn. I almost forgot, Myla is a bi.

At kaya pala ito umuwi ng biglaan ay dahil may iniiwasang tao sa US, her ex. Ganyan siya, ginagawa niyang parang Manila to Tagaytay lang ang biyahe niya from US to the Philippines.

Masyado kasing play girl itong hipag ko. She had tons of girlfriends and boyfriends. Hindi ko na mabilang sa dami. Sobrang bilis kung magsawa at magpalit. Ang sabi niya, they're only flings.

The last time na nagkwento siya sa akin, alam ko may bf siya. Pero itong iniiwasan niya daw ngayon e girl naman. Kaloka.

Sexy and pretty si Myla, no doubt. Idagdag mo pa ang pagiging rich niya and she comes from a prominent family. Villarama's are a well known politicians in the country. Habulin talaga siya. Kaya hindi siya nawawalan ng ipapalit.

Ang ayoko lang sa kanya ay yung pagiging mapaglaro niya sa larangan ng pag ibig. But it's her life, her choice. Siguro hindi pa siya nakakakuha ng katapat niya. Yung tipong bibihag ng kanyang puso at talagang mai-in love siya ng todo. Pag ang taong yun na ang dumating sa kanya, malamang titino na siya.

O baka yari siya kamo.

According to Anton, masyadong matigas ang ulo ng kapatid niya. Kaya nga ito pinapunta ng US kasi sumasakit ang ulo ng parents nila sa kanya. Spoiled ba naman.

Lumaki sa layaw, anything she wants yata, nakukuha niya. Hindi mo masisisi kung lumaki siya na ganyan. May pagkukulang siguro ang mga magulang niya dahil hindi nagabayan ng tama.

Magkapatid nga sila ni Anton, same ng ugali. They don't know the word respect.

Speaking of which, me and Anton had a talk the other night while Myla was with their parents. We had a chance to finally sit down and discuss our plan.

Actually, my plan lang pala since he thinks that our relationship will still go back to what it used to be. After all what he has done to me?

Expectedly, he was not happy with me because I still plan to divorce him. I told him that I am dead serious and it's final.

Ang nakakainis sa kanya, he doesn't take me seriously. Akala niya nagda drama lang ako. Huwag daw ako magpadalos dalos just because of my ego na nasaktan niya raw ng hindi sinasadya. He already sacked Ali so eventually, makakalimutan ko daw ito paglipas ng panahon.

Ang kapal.

What happened is just one of the trials daw ng marriage namin. He is willing to work hard just to keep our marriage. Nag offer pa siya ng counseling for both of us. Lahat ng pwedeng gawin ay inalok niya sa akin basta hindi kami maghihiwalay.

Ultimately, he said NO talaga. That's why I don't know what to do.

I even called Jia the other day and told her what happened.

"J, that's disgusting. Yucky naman si Anton. Sorry ha. Hindi ko talaga masikmura." she said.

"IKR. Ang nakakagalit lang, he still thinks that it is not serious. That I overreact about it. For him kase, natural lang daw ito sa mga lalaki. Boys will be boys, that was his exact words." I replied.

"Really? Naku I have to ask Miguel kung ganyan ba siya. Nakakatakot naman. Itutuloy ko pa ba ang pagpapakasal?" tanong niya.

Natawa naman ako.

"Lukaret. Why would you question papa Migs' loyalty? Eh ikaw nga ang first love and only girlfriend niya. Mahal ka ni Migs at mahal mo siya. Iba siya kay Anton." sagot ko.

"Joke lang. Kilala ko si Miguel, hindi niya ito gagawin sa akin. Sana. So anong balak mo talaga?" she asked.

"He wants another chance. He wants to prove to me that he loves me. And he promised that it will not happen again. Pero gusto ko na talagang kumawala sa kanya, Jia. Wala na yung dating pagmamahal ko sa kanya. The respect is gone too." I explained.

"Eh kaso nga ayaw ka nyang pakawalan. Hindi madali ang gusto mong mangyari sis. Anton is a powerful man, he is capable of doing anything. Ayokong may mangyaring masama sayo if you'll insist." sabi niya.

Jia is right.

Maimpluwensyang tao si Anton. The whole family of Villarama, to be definite. Mahirap kung mahirap banggain at kalabanin but I will try pa rin. No harm in trying. Baka naman makuha siya sa pakiusap.

"Myla is here, maybe I can confide to his sister and ask advise. Baka makatulong siya sa problema ko. What do you think?" tanong ko.

"I don't really know Myla but maybe she can help you. Try mong mag open up sa kanya. Pero pakiramdaman mo muna kung saang side siya kakampi." sagot niya.

"Oo nga. Magkapatid sila, siempre sa Kuya niya kakampi in case. It doesn't look promising. Ano pa kaya ang magandang gawin?" I asked.

"Jema, think about this hundred times muna please. Hindi sa kinakampihan ko si Anton pero baka naman pwede pang i -save yung marriage ninyo." she replied.

"Jia, I already told you na ayoko na. Once is enough. Alam ko na mahal niya ako but not enough to stay loyal. He is like that e. Hihintayin ko pa bang gawin niya uli?" I said.

"Okay, just saying. Tutal pursigido ka na dyan sa desisyon mo, ganito na lang. Di ba sa politics, they see you and Anton as the perfect couple. Marami ang naiinggit sa inyo, heck, they even tagged you as next to the line of Manny Pacquiao and Jinkee. Kung sa yaman at popularity ang pag uusapan, hindi kayo nalalayo sa mga Pacquiao." simula niya.

"What's the connection sis?" naguguluhang tanong ko.

"Anton needs you for this coming election to win. Gaya ng nabanggit mo dati, may balak pa siyang tumakbo for higher position in the future. I think you can make a bargain or negotiate with him. Sabihin mo na you will stay with him, help him win again pero pagkatapos ng election ay pakawalan ka na niya. How's that?" she suggested.

Oo nga.

I am the daughter of the late Gov. Jesse Galanza. Apelyidong kilalang kilala sa politika. Alam ko naman na isa ito sa dahilan kung bakit ako nagustuhan agad ng mga magulang ni Anton. They used me, lalo na ang pagkamatay ng parents ko for their own political agendas and interests.

"Omg, that's a brilliant suggestion. Bakit hindi ko naisip agad ito. Grabe, super thank you talaga Jia." I said.

"Wala yun. Starbucks lang, sapat na sis." natatawang sagot niya.

"Really? Next time we see each other, hindi lang kape ang ililibre ko sayo." I said.

"Dali naman palang kausap. Isama mo na kaya sa libre yung pang pamper session natin haha." biro pa niya.

"Yeah no problem. Jia, you're such a true friend. Thank you for listening to me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Medyo nakahinga na ako ng maluwag after talking to you. I love you." sabi ko bago natapos ang usapan namin.

Ang problema, hindi ko pa ito nasasabi kay Anton. Sa amin kasi uli tumutuloy si Myla. Di bale, kukuha ako ng tiyempo to talk to him tonight.

======================================================================

BEA

I am currently outside the capitol building, waiting for a ride. Hindi ko kasi nadala yung motor ko kanina dahil coding ito. Inihatid lang ako ni Dad.

Habang naghihintay, nakatitig lang ako sa aking phone. Finally, nakuha ko din ang cellphone number ni boss Jema from Risa. Sinemplehan ko lang tanungin para hindi makahalata. Sabi ko in case of emergency kaya kailangan kong malaman. At dahil vibes kami, she gave it to me.

Iniisip ko pa lang si Jema, napapangiti na ako. Mukha tuloy akong tanga na nakangiti mag isa while looking at her picture na naka save sa phone contact ko under her name, J.

I really miss her, I really do.

Natuwa ako kahit papano kasi nakita ko siya kahapon, when they dropped by sa office ni Gob Anton. But I didn't get a chance to talk to her kaya nagkasya na lang ako sa mga nakaw na sulyap sa kanya.

I wanted to ask her if she's okay as she looks perplexed yesterday. Lalo na tuwing hinahawakan siya ni governor. I felt that she needs my help.

Why don't you call her?

I looked at my phone again but I can't make myself call her. Nahiya ako bigla. Saka, ano naman ang sasabihin ko sa kanya? What if she's with the governor? Pano kung hindi niya sagutin?

Hayy. I was still thinking when I heard a car horn. Umangat ang tingin ko. May sasakyang palapit sa akin. Napa atras ako ng mabilis dahil balak yata akong sagasaan. Nakaiwas ang mga paa ko in time pero tumalsik pa rin sa sapatos ko ang tubig na nasa kalsada.

Umuulan pa rin kasi ngayon. Yumuko ako at pinagpag ang aking sapatos. Tsk, siraulo itong driver ah.

I was ready to have a go at the driver but my jaw drops when I saw a black Rolls Royce Phantom, stopped in front of me. Nawala ang galit ko at pinasadahan ng tingin ang sasakyan.

Grabe, ang ganda pala talaga sa personal ng latest model nila. Sa online magazine ko lang kasi ito nakita. Eksakto na black. Lalong nagpasexy sa sasakyan ang kulay nito na paborito ko. I think limited edition ang kulay na ganito. Aside from motorbikes, gusto ko rin ng ganitong mga sleek rides.

The window slowly rolled down. I saw the driver.

It is Myla, the sister of the governor.

"Hi Bea! Hop in." yaya niya habang nakangiti sa akin.

Should I?

Hindi ako agad nakasagot. I don't know her that much, baka kung ano ang gawin sa akin huh.

Kidding aside, baka nagyaya lang kasi nakita ako. Out of courtesy lang ba. Yung wala naman talaga balak magsakay sa mamahaling kotse niya.

"No, thank you." sabi ko na lang.

She laughed at me like I just said something out of ordinary. Lumabas ang dimple niya tuloy. Pati na rin ang mapuputing ngipin niya.

"You're joking right?" she asked.

"No. I'll just wait, kaya ko namang umuwi." sagot ko.

"Come on Bea, wala ng dadaan na sasakyan dito." sabi niya.

I looked around, it's dark already. I don't see any public transportation, puro private cars na lang ang dumadaan tapos bihira pa. I am totally alone. The rain hasn't stopped yet. Mas lalo itong lumakas pa.

"Let's go. Promise, I won't bite." matiyagang sabi niya while waiting for me.

Hmmm, kung hindi pa ako sasabay sa kanya baka bukas pa ako makauwi nito o kaya dito ako matutulog sa kapitolyo.

"Okay." sagot ko sabay takbo papasok sa kotse niya.

"Seatbelt please." she said as she started driving the car.

"Yeah. Thanks." I replied.

Nag seatbelt ako at umupo ng tuwid. Ang bango naman dito sa loob ng sasakyan niya.

"Welcome." sabi niya na tumingin saglit sa akin.

After that, we stayed silent lang. Ang weird dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. We don't know each other e. Tingin ko mabait naman siya but I still don't know her interests. It's not so me to be like this kaya tinignan ko na lang siya. She's wearing black sleeveless crop top and short shorts. Laking states yata ito kaya kung manamit at magsalita ay may pagka western.

Independent, liberated and fast paced.

I think that's what she is.

While looking at her, I saw her resemblance with the governor. May similarities naman sila ni Anton, they are both maputi at yung hugis ng mukha pareho.

"Tell me where you live ha." she said.

Question is, is she weird too like her brother?

Naalala ko na naman ang ginawa ni Gob Anton sa akin kanina. Ano kaya ang nangyari kung sakaling hindi sila dumating? I think I should be extra careful when left alone with the governor.

"Are you gonna answer that or you'll just stare at me?" Myla asked.

Feeling ko nag blushed ako. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya.

Shet, caught in the act ba naman Beatriz.

"Just turn left then diretso na." sagot ko sabay tingin uli sa kanya.

"Okay, got it." she said while smiling.

Laging nakangiti ang babaeng ito. Hindi ba napapagod ang panga niya sa kangingiti?

"How's your job Bea? I hope hindi ka pinahihirapan ni Kuya Anton." tanong niya.

"Hmmm, no. Bago pa lang ako and I'm still undergoing training." sagot ko.

"Why did you choose this job? Sorry if I asked too much ha. Curious lang ako." she said.

"Why not? May stereotype ba ang pagiging bodyguard?" tanong ko din since naiintriga ako sa tanong niya.

"Honestly? Yes. I think you got this job because of your looks. Mahilig si Kuya sa mga magaganda." she replied.

What? Nagulat ako kaya hindi ako nakasagot agad.

"I know my brother too well Bea. Huwag na tayong maglokohan pa. If my sister in law is too naïve to notice it, I'm not. My brother is trying to get into your pants, yeah?" she added.

"No comment about your brother. To answer your curiosity, I was employed by the security agency due to my skills, nothing else." I replied.

"I see. Forget that I asked." she said.

Nanaig uli ang katahimikan sa loob ng kotse niya. Bigla akong nagsisi sa pagsakay sa kanya.

"We're almost in my place so just slow down." sabi ko.

"Okay, good. Mukhang mapapadalas ang punta ko sa office ni Kuya." masayang sabi niya.

"Ha, bakit naman?" I asked.

"Because I have a new friend, you." she replied.

"Me? Oh okay." sabi ko na lang.

Friend lang naman pala.

"Are you hungry? We can eat something first before going home. Don't worry, it's my treat." she offered.

"Mmm, no thanks Ma'am Myla. Naabala na nga kayo sa paghatid sa akin. Nakakahiya na masyado po." sagot ko.

"Hey, call me Myla nga di ba. Kainis ito, I'm not Ma'am." sabi niya sabay hampas sa braso ko.

Mahina lang naman so hindi ito masakit.

"Haha, okay I'm sorry. Thanks sa invite Myla." I said

"Ganyan ka ba talaga? Laging nagsasabi ng NO? You want me to force you pa ba?" she asked in a flirty way.

Yung kamay niya nakahawak pa rin sa braso ko.

"Hindi naman sa ganun. I'm just tired and I want to go home." I said as I stared outside.

Nasaan na kaya si Jema? Kumain na kaya siya? Iniisip niya din ba ako gaya ng pag iisip ko sa kanya? Napapikit ako.

"Ohhhh, I see." tipid na sabi ni Myla sabay alis ng kamay niya.

Nawala ang ngiti niya and she sounded disappointed. Oh dear, I felt bad because she's been good to me. Siguro gusto lang talagang kumain ng may kasama kaso gusto ko ng umuwi. At saka late na rin, may pasok pa ako bukas.

"Maybe next time?" pakunswelo na sabi ko sa kanya.

"Yay. I'll make sure na hindi ka na makakatanggi." she replied while smiling.

Pinahinto ko ang kotse niya sa harap ng bahay namin. Medyo tumila na rin ang ulan.

"Salamat sa paghatid." sabi ko as I removed my seatbelt.

"You are welcome." she replied.

Binuksan ko na ang kotse at lumingon uli sa kanya bago lumabas.

"Ingat sa pagmamaneho, madulas pa ang daan." I said.

"I will be safe. Good night Bea." she replied before driving away.

======================================================================

Hello guys!

Nakupo, ang BDL mukhang natitipuhan ng kapatid ni Gob. Ano kaya ang gagawin niya, totropahin o jojowain?

Please vote, comment and follow me here in Watty and Twitter if you haven't done it yet.

😊

Shoutout sa mga new readers dito and followers ko. Feel free to comment po.

Continue Reading

You'll Also Like

70K 2.1K 33
Some says' "Love is sacrifice"..that you're willing to give up everything for the person you love. Pero pano kung ang kaylangan mong i-give up eh yon...
148K 3.4K 55
Basahin nyo nalang po. :) boy uli si Deanna dito..enjoy
151K 2K 41
May mga bagay talagang akala mo imposible, yun pala pwede.
46.1K 1.5K 65
"D, alam ko... Patay na patay ka sakin, matagal na. Hello, obvious kaya" sagot ko rito -It was Jema's words, Why did she say it? What did D told her...