One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 51

1.4M 37.4K 10.5K
By jonaxx

Kabanata 51

Ex-Suitor

Mabilis akong naligo at nagbihis. Syempre ay hindi pinalagpas ni daddy ang pagtatanong sa akin kung saan ako nanggaling o saan ako natulog. I answered him too. Pero dahil sa pagmamadali ako ay hindi niya na nadagdagan pa ang usapan namin. At iyon ang gusto ko, ang kaonting pag uusap lamang.

Kung sa bawat pag uusap namin ay ipipilit niya sa aking tanggapin ko si Arielle, mas mabuting huwag na lang muna kaming mag usap. I get that I should learn to accept Arielle's presence. Yes, I do accept that she is a part of my dad's life. But he can't expect me to let her in my life too... and immediately? My ass!

"Tyrone," nanginginig ang boses ko nang nakarating na sa tower kung nasaan ang opisina ng Carlzon Rockwell Group. Natataranta na ako dahil late na ako at syempre nag aalala ako sa kay Brandon.

Napagtanto kong masyado akong nagpadala sa emosyon ko kagabi. Sa galit ko kay daddy ay wala na akong ibang naisip kundi ang sarili ko at ang sumisiklab kong galit sa kanya. Ni hindi ko na isip na tawagan si Brandon.

"Maraming salamat, ha!" sabi ko at nagmadaling magtanggal ng seatbelt.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa pagmamadali ko. Tumagilid ang ulo niya sa akin at dahil hindi ko matanggal tanggal ang seatbelt ay tumulong pa siya sa akin.

"Magkano ba ang kaltas pag late ka?"

Umiling ako. Hindi iyon ang inaalala ko. "Hindi ko alam, pero kailangan kong magmadali. Pasensya na. Maraming salamat talaga," sabi ko at mabilis na tinulak ang pintuan para makalabas.

"No problem. Magcocommute ka mamaya?" pahabol niyang tanong imbes na isarado ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Umiling ulit ako. "I mean, hindi ko alam, e. Titingnan ko."

"You want me to..." iminuwestra niya ang kanyang manibela, "you know, fetch you?" His smile was sweet.

Tipid akong ngumiti at nagmamadaling sumagot. "Hindi na. Okay lang ako."

May sasabihin pa sana siya ngunit huli na dahil naisarado ko na ang pintuan. Kumaway na lang ako at humingi ng paumanhin kahit na alam kong hindi niya iyon maririnig at nagmadali na ako sa pagtalikod.

Mabilis ang lakad ko patungo sa receiving area ng tower. Nagtanong pa ako roon kung aling palapag ba ang Carlzon Rockwell at mabuti na lang agaran naman ang sagot. Tatlo ang palapag ng kanilang kompanya ngunit sinigurado ko iyong palapag ni Brandon dahil ako ang kanyang sekretarya.

I'm fifteen minutes late for God's sake and this is my first time here! Ano ang sasabihin ni Madame Diana sa akin? Kahit na kami na ni Brandon ay hindi parin pwedeng magpabaya ako. Ang trabaho ay trabaho.

Mabilis ang lakad ko patungo sa abalang opisina nang nakalabas na ako sa lift. Lumilinga linga ako sa kaliwat kanan na mga taong nag dadala ng mga papel, blueprint, at kung anu-ano pa.

"Good morning, ma'am!" may bumati pa sa aking hindi ko naman kilala.

Nginitian ko na lang siya. Gusto kong magtanong kung nasaan ang opisina ni Brandon Rockwell ngunit nang makita ko ang isang pintuang may nakalagay na "Office of the Chief Operating Officer" ay hindi ko na kailangan.

Tumikhim ako at nilapag ang itim na bag sa mesa na nasa labas. I'm sure this is my office, then. Luminga ulit ako, nagbabakasakaling may makasagot sa tanong na hindi ko maisatinig.

Nang makitang may mga nasa mid 30s na babaeng nagmamasid sa akin sa likod ng kanyang reading glasses ay hindi ko na napigilan ang pag muwestra sa kanya sa mesa. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Ikaw ba ang sekretarya ni Mr. Rockwell?" tanong ng babae.

Laking pasalamat ko na siya ang nagtanong non. "Opo. Dito ba iyong mesa ng sekretarya niya?"

Tumango siya.

"Salamat," ngisi ko ulit at umupo na roon sa swivel chair at naghanap ng kung anong gamit sa drawer.

I can't wait to end this contract. Gusto ko nang tapusin iyong kontratang ibinigay ni Madame para makapag trabaho na ako sa isang hotel o isang trabahong mapapakinabangan ang kursong kinuha ko.

Tumikhim ang babaeng nagtanong kanina nang binalikan niya ako sa aking mesa.

"Po?" Tanong ko.

"Hindi ka ba papasok, miss?" sabay tingin niya sa pintuan ng opisina ni Brandon.

"Ayaw kasi ni Mr. Rockwell ng may pumapasok na hindi niya inutos," katwiran ko.

Marahan siyang tumango. "I think you need to go inside to check if he's got instructions for you." Nagawa niyang ngumiwi.

Tumikhim ako at tumayo. Dumiretso na ako sa opisina niya sa isang katok pa lang. Pagkapasok ko ay bumungad kaagad ang kulay maroon na dingding ng kanyang opisina. Nagtama agad ang aming mga mata. Naka dekwatro siya sa kanyang swivel chair at matalim kaagad ang titig niya sa akin.

"Good morning!" ngiti ko kahit na kabado na ako sa kanyang magiging reaksyon. "Hindi ako agad pumasok kasi akala ko marami kang ginagawa."

Suminghap siya sa iritasyon atsaka tumayo. Kumalabog ang puso ko nang narinig ko ang bagsak ng kanyang mabigat na paa sa sahig. It was as if I was facing the last day of my life. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. I don't normally get damn scared... siguro tsaka lang pag guilty ako sa kasalanang nagawa.

"Brandon, look, I'm sorry last night. Hindi ako nakapag text sayo kasi masyado akong nagpadala sa emosyon ko."

Umikot siya sa kanyang mesa at marahang naglakad. Wala siyang sinasabi at nanatiling naka igting ang kanyang bagang. Ang kanyang hintuturo ay nasa kanyang mesa, tinatalunton ang isang hindi kitang linya sa kanyang mesa. Nanatili ang tingin ko roon habang nagsasalita.

"Itetext na sana kita-"

"Pero hindi na kailangan kasi may kausap ka rin naman," dugtong niyang nagpatigil sa akin.

"Tyrone is just my friend." I said defensively.

Tumango siya. "We were once friends too." Dinig ko ang sakit sa kanyang tinig.

"I'm sorry," sabi ko nang nakalapit na siya sa akin.

Ang tikwas na buhok malapit sa aking tainga ay kanyang isinabit sa likuran nito. Marahan ang pagkakasabit niya at halos nanunuyo. Kung hindi lang umigting ulit ang kanyang bagang ay aakalain kong napatawad niya na ako.

"You think you can't trust me..."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

"Hindi mo masabi sa akin kasi iniisip mo na kakampihan ko si Arielle," he accused.

"No."

"Then... bakit hindi mo nasabi sa akin? Were you so content with Tyrone that you forgot me? For goodness sake, Aurora Veronica, I was worried sick for you!" Halos sinigaw niya iyon sa akin. "Nasa site ako na hindi ko malaman! Gusto kong pumunta sa inyo para malaman kung ano ang nangyayari pero iniisip ko na may pinagdadaanan ka! I waited the whole night for your explanation and when I couldn't wait anymore, hindi na kita ma contact! I was raising hell to my friends just to find you!"

I was about to ask him how did he actually find me pero pinigilan ko ang sarili ko. Ginalit ko siya at ang tanungin siya ng ganon ay wala sa punto. "Brandon..." malambing kong sinabi at hinawakan ko ang kanyang braso.

Umigting lalo ang kanyang panga at halos hilahin niya ang aking kamay palapit pa lalo sa kanya. "Don't you strike my weakness..." banayad niyang sinabi.

"I said, I'm sorry."

"Tinatanong kita, Avon," binaba niya ang kamay ko. "Were you so content with Tyrone? Was he so comforting that you forgot to tell me about your problems? Or... are you still in doubt? Na baka kampihan ko si Arielle o baka pagkaisahan ka naming dalawa?"

Umiling ako. "I'm not content with Tyrone, Brandon. I mean..." Pumikit ako ng mariin. Nahihiya sa naging pauna kong sagot. "He's just my friend. Of course, I don't like him romantically. Come on! Masyado lang akong galit at nahihirapan akong mag text sa galit ko. Ni hindi ko alam na naroon siya kina Jessica. And I don't have doubts, Brandon. Wala akong pake kay Arielle. Ayaw kong makipag kompetensya sa kanya sa kahit anong paraan, sa kay daddy man o sayo. Tama na."

Pumungay ang kanyang mga mata ng sandali ngunit nang hawakan kong muli ang kanyang braso ay tumigas muli ang kanyang ekspresyon.

"There is no competition. Ang tanging nakikita kong kompetisyon dito ay iyong kay Tyrone. Alam kong may past kayong dalawa." Humalukipkip siya.

Nalaglag ang panga ko. Now this is crazy. Saan niya ito napulot? "Past? Wala kaming past. We're just friends." Hinawakan kong muli ang braso niya.

Bumaba ang mata niya sa kamay kong humahaplos sa naninigas niyang braso. "Anton told me. Now tell me he's lying."

Umismid ako. That Anton! Akala ko si Adrian lang ang tanging makakalaglag sa akin, nakalimutan kong may isa pa palang mata si Brandon sa aking mga kaibigan. "He just sort of courted me and that's it."

Tumango siya at nanliliit ang mga mata, para bang may gusto pang malaman.

"Now I'm so confused. What's your definition of 'friends'?"

Ngumuso ako. Napaisip ako doon sa sinabi niya. Mabuti na lang at si Adrian ang naisip ko.

"'Yong parang kapatid lang. Brandon, para tayong teenager na nag aaway dito." Nagkibit balikat ako at hinawakan muli ang kanyang braso.

"Oh yeah? Friends, huh? So you and Tyrone are... friends... Ikaw rin at si Adrian..."

At napasok pa si Adrian sa usapan.

"He went to your room last night. Anong ginawa niyo?"

Daig pa nito ang imbestigador kung makapagtanong, a? Sumasakit na tuloy ang ulo ko. "Wala. Nag usap lang. Hindi naman siya nag tagal. Damn, I'll kill Anton." Binulong ko na lang ang huling sinabi ko.

Tinalikuran niya ako dahilan kung bakit bumagsak ang kamay kong nakapahinga sa kanyang braso. Nagulat ako sa ginawa niya kaya sumunod ako sa kanya.

"Brandon... uy..." kalabit ko.

Ngunit nang umikot siya para harapin ako ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak niya ang katawan ko patungo sa kanya. Ang tanging pumapagitna sa aming mga katawan ay ang mga suot naming damit ngunit ramdam ko ang init niya.

Matigas ang kanyang braso nang hinawakan ko ito para sa suportang kailangan nang siniil niya ako ng halik. His lips moved to mine exploring its softness. He marked my mouth with the tip of his tongue. With each flicker of his tongue, libo libong boltahe ang naramdaman kong nagsisilabasan sa bawat hilatsa ng aking katawan. I'm beginning to worry about how he made me feel everytime we kiss. It was addicting and it's taking over all of my senses.

"You don't get to kiss other guys anymore, sweetheart. You don't, alright," he moaned against my lips.

Hinahabol ko pa ang hininga ko nang tumigil siya sa paghalik. I was damn desperate for his kisses... for more.

Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at lumapit siya sa akin, sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

"You really know how to cloud my mind." Tumango siya. "Suot mo pa lang, limot ko na ang galit ko sayo. Pero gustong gusto kong sirain ang mukha ng Tyrone na iyon. Wala siyang karapatan na pumasok sa kwarto mo."

"It's not his fault. It's my fault. Hindi ko sinabi sa kanya na may boyfriend na ako," sabi ko.

Umigting muli ang kanyang bagang. "And here I am... telling the whole world to clean the whole office because my girlfriend is coming. At ikaw, I bet even Adrian doesn't know about us?"

Ngumisi ako. I couldn't help it. Brandon Rockwell telling his maintenance crew to clean the whole office because his secretary slash girlfriend is coming? "Alam niya."

Umirap lamang siya at bumalik sa kanyang swivel chair. Nagbabad siya sa kanyang mga papel at nanatili akong nakatayo doon, expectant.

"Gusto mo na ako ang magsabi sa kanya?" Nagtaas siya ng kilay.

"I will tell him. Hindi naman kasi lovelife ang pinag usapan namin kahapon. We're talking about my family problems."

"Arielle called me a couple of times last night. Pero hindi ko sinagot dahil hinihintay ko ang tawag mo. Now you owe me... what happened last night, really, Aurora?"

Hindi ko maiwasan ang bilisan ang pagsasalita dahil nasa gitna kami ng trabaho. Si Brandon itong maraming tanong kaya mas lalo kaming natatagalan. Ngayon ay nag aalala pa ako na baka wala siyang matapos sa araw na ito dahil sa pinag uusapan namin.

It was lunch when we were finally done talking. Ngumiwi ako nang nag alas onse y media na pala at siya lang ang nakapansin. Tumayo siya at pinakansela lahat ng mga gagawin at mga blue print na irereview para sa bagong hotel na ipapatayo nila dahil sa pinag usapan namin.

"We'll go home. Don na tayo kakain," aniya.

"But... it's work time, Brandon."

Matalim niya lang akong tinitigan at naglakad na palabas ng opisina. Sumunod ako sa kanya. Nang makalabas kami sa kanyang opisina ay nakita kong natigil siya sa aking mesa na may naka supot na pagkain. May binasa siyang maliit na papel na agad niyang nilukot at ni shoot sa basurahan.

Nilingon niya ako at matalim na tinitigan. May pagkain sa mesa ko. Kanino ito nanggaling?

"Your god dam ex suitor is... courting you again, Aurora Veronica!" angil niya.

Nanlaki ang mata ko. "That's from Tyrone?"

Nagtawag si Brandon ng kung sino na janitor samantalang sa aking pagdududa ay nagawa kong pulutin ang kapirasong papel na nilukot niya kanina na nasa malinis na basurahan na ngayon.

Inayos ko ito at nakita kong may nakalagay na "from Tyrone. Work Hard!"

Inagaw ni Brandon iyon sa aking kamay at nilukot muli.

"Tell him we'll work hard... real hard. Hindi niya kailangang mag alala," he smirked.

Continue Reading

You'll Also Like

95.9M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...
514K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
104K 5.3K 63
This is a story of a lone survivor of a devastating tragedy. She embarked on a quest to practice her magic while remaining silent about her true iden...