Meet The Observer ONHOLDONHOLD

By HaruOtaku

838 24 8

Description: Her hobby is observing the other students especially her class section and keeping journal of th... More

Meet The Observer
Observation 1
Observation 2
Observation 3
Observation 5

Observation 4

91 5 0
By HaruOtaku

 Observation 4

Center of attention.

Napaisip ko at inalala kung naranasan ko naba ito dati?

Nope. Hindi pa at kahit kelan ay hindi ko inaakala na mangyayari ito sa akin gaya ngayon! Tahimik ang buong cafeteria at lahat ay nakatingin sa amin, of course sinong hindi mapapatingin kung makita mo si Eric ang number one na lalaki ng school at si Angel na number one sa mga babae kasama ang isang nerd, walang pakeng loner lalaki at isang unknown category na gaya ko na nagsama-sama sa iisang mesa para kumain.

Wow. Join the club.

'Wow. This is really interesting.' Sabi ni Angel habang nakangiti. 'Wag mong pansinin ang mga tingin na binibigay nila Sarah, hindi lang sanay ang mga yan.' Sabi nito ng mapansin ang expression ko sa mukha na may pagka-digusto.

Hindi na niya kelangang sabihin ito sa akin dahil alam ko, kahit ako siguro mapapatingin sa kanila kung isa ako sa mga manunuod. Ano ba balak ng babaeng ito at dito umupo? No wait. Anong balak ng mga to at bakit sila umupo dito? Napatingin ako kay Rika na patuloy sa pagkain ni hindi lumingon man lang sa kaibigan niya, hindi parin sila nagpapansinan.

Ayoko ng ganito, I feel helpless kaya ginawa ko ang dapat ko pang ginawa kanina, tumayo ako sa kinauupuan ako pero napa-upo uli dahil hinila ni Angel yong braso ko, ano naman ang problema nito? 'Wag kang mahiya... Magka-classmate tayong apat dito nina Rika, Seth, ako at ikaw. Si Eric naman ay pinsan ni Seth, we could all be friends.' Sabi nito ng nakangiti, hindi ba nito nararamdaman ang tension. Kasi ako ramdam na ramdam ko.

Friends? Why would I? Attaching yourself to someone is stupid and a very moronic move, you'll just end up hurt when they leave you someday. 

Kung tatayo uli ako para umalis siguradong may magrereklamo... gaya ng mga fan club nitong si Angel. So ayon to be continued ang kainan namin. Walang nagsasalita pati yung mga katabing mesa namin ay tahimik hinihintay kung ano ang gagawin namin kung ano ang susunod na mangyayare. Parang drama lang, hinihintay nila ang next episode.

Unang bumasag ng katahimikan ay si Eric, at as usual ay parang wala lang sa kanya ang nanyayare. 'Magsalita naman kayo mga bagong friends baka mapanis laway niyo.' Sabi nito na may halong biro pero hindi nakakatawa.

Gusto kung itusok sa gums niya itong tinidor ko pero may fan club din ito at mas marami kesa kay Angel.

Tumawa si Angel 'Oo nga baka mapanis ang laway natin.' sabi nito Di bale ng mapanis laway ko kung sila naman ang makakasama ko.

'Ah, tapos na ako kumain.' Sabi ko at tatayo na sana ulit ako pero naunang tumayo si Seth at naglakad palayo sa mesa, tumayo din ako agad at sumunod sa kanya. Ewan bakit ako sumunod sa kanya pero hindi ko ine-expect yong nanyare kanina kaya hindi ko alam kung papaano ito e-handle

'Oi hintay!!!' narinig kung tawag ni Eric at sumunod ito kaya naiwan ang mag bestfriend na si Angel at Rika.

Dapat ata hindi ako umalis, baka may manyareng maganda sa kanila. Maybe something interesting will happen between them.

Humiwalay na ako sa dalawa ng nasa hallway na kami at pumunta ng CR para tumambay sa isa sa mga stall. Buti pa dito tahimik, walang nakikijoin. Narinig kong bumukas yong pinto ng CR at narinig yung mga yabag...

'Gutom pa ako..'

'Lol. Kakakain mo lang kaya.'

Lumabas ako ng stall at naghugas ng kamay, napatingin sila sa akin saglit at ngumite then bumalik sila sa pag-uusap. Mga classmate ko, sila yong mga grupo na hindi nakikijoin pag may chismis. 

'Oi Maline may laman yata yang tyan mo.' Sabi nong isa.

Napatingin ako don sa nagngangalang Maline para tignan ang tyan niya, mejo may maliit itong umbok.

'Shonga, natural kakatapos ko lang din kumain kanina.'

'Nakita mo ba yong kinain niya kanina? Pang dalawahan eh.' Sabi nung isa

Matapos kung maghugas ay lumabas nako ng banyo para bumalik sa klasrum. Pagkapasok ko ay parang automatic lang na sabay sabay na napatingin ang mga ito sa akin, sinundan nila ako ng tingin hanggang sa umupo ako sa upuan ko. May mga tumitingin sa akin ng masama.

Matapos ng morning class ay lumabas ako ng building para magpahangin sa labas at doon narin kumain na lunchbox ko, well yun sana ang balak ko kung wala sanang humila sa akin at dinala sa gilid ng school. Mga grupo sila ng babae sa klase ko, sila yong lagging naiinggit kay Angel at nagkakalat ng rumour. Ano naman ang kelangan ng mga ito sa akin?

'Sarah close pala kayo ni Eric?' sabi nung isa na mestisa.

'Huh?'

'I mean, tumabi sa inyo sina Eric at saka yung pinsan niyang si Seth. Pati si Angel pala ay kaibigan mo.' Sabi naman nung singkit.

'Oo nga, bat hindi naming alam to?' tanong nila habang nakangiti.

'Baket close ba tayo?' Walang kaganang ganang sagot ko sa kanila habang sinusubukang umalis.

'Sandali may sasabi-' sigaw ng isa sa kanila pero hindi ako lumingon.

For sure, ang gusting nilang sabihin at kung gusto kung sumabay kumain sa kanila, gusto nilang mapalapit kay Eric. Ayoko ko talaga sa mga ganyang tao, lalo na sa mga babae. Sandali. Those bitch just tried to use me para lang mapalapit kay Eric. Ang sasama ng ugali oh!!!

Well, looks who's talking? Parang hindi ko rin ito ginagawa hah... Pero at least hindi ako nahkakalat ng chismis! Masyadong madrama ang high school life, ilang buwan nalang at magkaka-college na ako. Ano kaya pinagka-iba ng highschool sa college?

Mas mature naman siguro noh?!

The next day...

Pinara ko yong parating na bus at ng pagkasakay ko ay may nakita akong isang bakanteng upuan, himala a may bakante, lagi kasing punuan ang bus na ito pero hindi ako dumiretso doon dahil may nakasabay akong matanda. Sumandal ako sa isa sa mga upuan at humawak para hindi ako matumba. Wala man lang tumayo para paupuin ako. Nasaan na ang mga gentlemen sa mundo? Naubos na ba silang lahat? Extinct na yata sila.

But I guess I was wrong dahil nakita ko si Eric, kumaway ito sa akin. Nasa may malapit na bandang likod ito. Noong una akala ko hindi ako ang kinakawayan niya pero ako pala talaga. Nagkasakayan kami sa Bus mas nauna nga lang itong sumakay since mas malayo ang bahay nito ata sa amin. 

Wait. Kung andito siya malamang ang pinsan niya ay kasabay niya din. Hinanap ko si Seth sa mga taong naka-upo pero hindi ko siya nakita.

‘Ako ba hinihanap mo?’ biglang may nagtanong kaya napatingin ako sa may right side. 

Seth Guevara, naka ngalumbaba ito sa likod ng upuan kung saan andun yong hawakan. Mukhang  nakatulog ito dahil yong mata nito ay mejo pumupungay pungay pa.

‘Bat naman kita hahanapin?’ balik tanong ko sa kanya at nag-smirk lang ito. Napansin ko na tatayo na sana ito ng marinig namin ang boses ni Eric. ‘New Friend!!! Dito kana lang oh...’ sigaw nito, Eric sat up and offer his seat to me. Mejo malapit lang ako sa kanya at tatanggi sana ako ng biglang pumreno ang bus ng malakas kaya muntikan na akong sumubsob. Buti nalang ay napahawak pero hindi sa upuan or poste sa bus kundi sa ulo ng isang lalaki.

Napahawak ako sa noo nito kaya sumubsob ang likod ng ulo nito sa upuan ng bus. Tumingin ito ng masama sa akin at napangiwi lang ako at agad na humingi ng paunmanhin. (note: nanyare talaga sa akin guys, imagine my horror!)

Narinig kung tumawa si Seth ng pigil kaya hinampas ko ang ulo niya ng wala sa oras, napatigil ito sa pagtawa at ang akala ko ay gaganti ito sa akin pero mas lalong tumawa ang damuho. Agad akong pumunta sa ini-offer na upuan ni Eric para umupo.

Nakangiti ito sa akin at pinipigilan ang tumawa ng malakas, mukhang nakita nito ang nanyare kanina. Tsk. Talk about embarassing moment, hindi lang kasi si Seth at Eric ang nakakita.

Bumaba na kami ng bus at naglakad papasok sa school, kaloka lang. May paka madaldal pala itong si Eric, kanina pa tawa ng tawa at paulit ulit nitong kinukwento yung nanyare kanina sa bus. Magandang saksakin gums niya gamit itong edge ng ID ko, napapatingin tuloy yung mga tao sa amin kaya agad kung binilisan ang paglalakad hanggang makarating ako sa klasrum. Samantalang si Seth ay tahimik lang. Narinig ko pa itong sumigaw sa akin 'SEE YOU SA RECESS!!!' sigaw nito.

May normal life!!!

'Kelan pa kayo naging close ng pinsan ko?' tanong ni Seth

'Aba malay ko jan sa pinsan mong yan!!' iritadong sagot ko sa kanya.

Tumawa lang ito... 'So, may interesante bang nanyare kabang naobserbahan na naman kahapon?' tanong nito ng pabalong sa akin para makasiguro na walang makarinig.

'Sa nanyare kahapon? Wala!' Sabi ko sa kanya. ‘Problema. Oo.’

Recess... 

Agad agad akong bumili ng makakain ko sa cafeteria, sandwich and a soda at dumiretso ako sa labas para kumain sa may bench. Baka manyare na naman yong nanyare kahapon sa cafeteria. Habang nginunguya ko yong sandwich ko ay may tumabi.

'Ano na naman?!' sabi ko matapos kung lulukin yung kinakain ko.

'Relax...' sabi ni Angel.

Ano na naman ang balak nito? Eh wala naman si Eric dito hah...

'Ano kelangan mo?' I snap at her 

Nabigla ito, hindi nito siguro inaakala na ganito ang reaction ko. I might be a loner pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko alam ang lumaban or to talk back. I have a sharp tongue but I don't use it that much. I only use it when I want to shut peoples trap.

'Ahm, may gusto ka ba kay Eric?'

'Huh?' What the heck, san nangaling yang tanong na yan?

'Kasi kalat sa school na may nakakita daw sa inyo kanina sa bus hanggang sa pagpasok sa school na nagtatawanan.'

Nagtatawanan? Sino? Ako? Si Eric, OO! Pero ako hindi.

'O baka nagdidate kayo? Sabay kayong pumasok ng school eh.' sabi nito uli.

May sira ba sa ulo itong babae na to? Pano pumasok sa kukoti nila ang ganyang pagiisip? Basta pumasok ng school ng sabay at nagtatawan ay magjowa na agad? 'Nope.' maikli kung sagot. Andoon din kaya si Seth, pero syempre hindi ko sinabi iyon. Bayaan kung mamobrelema to.

'Pero!!! Kahit kelan ay hindi ko pa nakitang pumasok sa school si Eric na kasama ang babae.'

'So? porket nakasabay ko lang siya e kami na agad?'

'Pero!!! Kahit kelan ay never ko pa siyang tumawa ng ganun, sa mga lalaki ko lang siya nakitang tumawa ng ganun. '

Biglang tumahimik, mukhang kahit anong paliwanag ko sa babaeng ito ay hindi ito makikinig sa akin. Saka bat kelangan ko magpaliwanag sa kanya?!

'Sigurado akong interesado sayo si Eric..' 

'So, anong gusto mong gawin ko? Gusto mo bang layuan ko siya?' Hindi ko minsan maintindihan ang babaeng to, Angel has a very strong personality pero sa situwasyon namin ngayon she's acting like she's defeated. Ano to act lang? Or talagang totoo? Ito ang mahirap pag tungkol sa pag-ibig ang nao-obserbahan ko. Ito ang isa sa mga pinaka mahirap sa akin na hindi ko maintidan at matanto minsan.

Mukhang nabigla ito sa sinabi ko 'Hindi..Hindi yon ang ibig kung sabihin.' sabi nito saka bumuntong hininga.

'Sa totoo lang ayoko sa mga taong kagaya mo, kung meron kang time para mag-asaya ng oras para sa mga ganitong bagay ay wag mo akong isama dahil sa totoo lang wala akong kinalaman sa mga nanyayare at wala akong pakealam sa inyo..' sabi ko at tuluyang umalis. I admire her confidence but this....It annoys me.

Ito ang rason kaya wala akong kaibigan.

Girls are very troublesome.

Bumalik ako sa room ng balisa...

Tsk. Naiinom ako, nakalimutan kung inumin yong soda ko na naiwan ko sa bench.Umupo ako sa upuan ko, naiinom talaga ako kaya lulok ako ng lulok ng laway ko. Tatayo na sana ako ng makita ko si Seth nakatayo sa may gilid ko kaya napatingala akong tumingin sa kanya. 'Ano yo---' hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may inabot siya sa akin na mineral water na malamig, inilapag niya ito sa desk ko saka umupo ito sa upuan na para bang walang nanyare.

'Thanks.' mahina kung sabi.

Napatingin ako sa mineral water, kalahati na ito at bawas na. Napatingin ako kay Seth, his head is already resting on the desk. Ininom ko lahat yong tubig at ng matapos ko ay biglang nagsalita si Seth. 

'Oi indirect kiss yan...' sabi nito saka tumawa.

Napanganga lang ako sa kanya at muntikan ko ng ibato yong bote sa gums niya kung hindi lang dumating yong guro.

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
550K 13.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...