Ang Aswang Sa Poblacion San J...

By Alexis_Seguera

18.1K 912 87

Lugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar n... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 15

533 37 6
By Alexis_Seguera

Chapter 15

Nag-aalangan man ay sinabi ko narin kay Tatay ang totoo, nandito rin sila Nanay nakikinig sa bawat sinasabi ko. Pero habang kini-kwento ko yon ay nakakapagtatakang umiigting ang panga ni Hades. Para galit siya habang nakikinig. May sinabi ba akong hindi niya magustuhan? Bawat pagbuka ng bibig ko ay nanginginig ako sa takot.

Pakiramdam ko kasi, anumang oras ay babalik ang nilalang nayon. Nakakatakot, nakakakilabot. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaengkwentro ng ganon. Hindi ko rin akalain na magiging ganito ang kalagayan ko. May kaugnayan kaya ang mga nangyayari ngayon sa akin tungkol sa sinabi ng matandang albularyo nayon?

Si Hades kaya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon? Pero paano naman kapag nagkataon lang talaga? Lalayuan ko na ba siya? Pero ayaw ko. Ayaw kong lumayo sa kanya. Kahit naman kasi sa kaunting panahon nayon na magkasama kami ay naging malapit na ang loob ko sa kanya.

Meron ring isang bahagi sa puso ko na nasasaktan sa oras na ginagawa ko yon. Iniisip ko palang na lalayuan siya ay hindi ko na kaya. Hindi ko kayang layuan si Hades. Gusto ko siya. Gustong gusto. Lahat ng mga ginagawa niya ay pamilyar sa akin. Masaya ako kapag kinakausap niya ako. Ang britonong boses niya na napakapamilyar sa akin na kay sarap pakinggan.

Gustong gusto ko ang pakiramdam kapag lumalapit siya sa akin. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nasisilayan ko siya at ang mga paro parong lumipad sa tiyan ko sa tuwing nasisilayan ko ang nakakasilaw niyang ngiti. Lahat ng iyon ay napakapamilyar sa akin at mawawala lang ang pakiramdam na iyon kapag iniwasan ko siya.

Habang sinasabi kay Tatay ang mga naganap sa akin ay napahawak ako bigla sa ulo ko. Ang sakit napakasakit, parang mabibiyak ito sa dalawa. Kasunod non ay ang pagdaan ng mga malalabong imahe sa isipan ko. Namimilipit narin ako sa sakit. Hindi ko narin masyadong makita ang mga nangyayari sa paligid ko dahil hindi ko kayang imulat ang mga mata ko.

Hindi ko rin masyadong marinig ang mga sinasabi nila dahil parang nagiging tunog lang iyon ng bubuyog sa tenga ko. Alam kong nagkakagulo na sila. Hindi alam ang gagawin sa akin at kung ano ang nangyayari sa akin.

Sa sobrang sakit ng ulo ay nagiging malabo ang paningin ko hanggang sa may humawak ng kamay ko ay nandilim ang paningin ko. Pero ang huling nakita ko pa bago ako mawalan ng malay ay ang mga berdeng mata ng lalaking gusto ko.

~~~~~

' Nasaan ako? ' tanong ko sa sarili ko habang inilibot ang paningin sa buong paligid

Pamilyar sa akin ang lugar na ito, hindi ko lang maalala kung saan ko nakita. Puno ng mga bulaklak ang paligid at naglalakihang mga punong kahoy. Presko rin ang paligid dahil sa ihip ng hangin. Wala kang maipipintas sa paligid.

Napalingon naman ako isang mayabong na halamanan ng gumalaw ito. Tinitigan ko itong mabuti hanggang sa may lumabas na kulay puting kuneho dito. Akmang lalapitan ko sana ito ng tumakbo ito palayo.

" Teka sandali! " Sinundan ko ito pero hindi ko na ito naabutan.

Nilingon ko naman ang daan kung saan ako nanggaling pero masyado na akong malayo sa pinanggalingan ko. Ipinag-kibit balikat ko nalang ito at nanlalaki ang mata ng may marinig akong lagaslas ng tubig. Sinundan ko ang tunog nito at napadpad ako sa isang maliit na batis.

Kumikinang ang buong paligid at kumikislap ang tubig ng batis dahil sa sinag ng araw na tumatama dito. Nilapitan ko ito at inahawakan ang tubig. Napakalamig ng tubig, at mapakasarap maligo dito. Natigil lang ako sa paglalaro ng tubig sa batis ng may marinig na naman akong lagaslas ng tubig.

Pero ngayon naman ay parang nanggagaling sa mataas na bahagi ang tubig na bumabagsak sa lupa. Hinanap ko kung nasaan ito nanggaling. Hinawi ko ang iilang baging na humaharang sa daan ko at nakita ang isang hindi kataasang talon.

Nilapitan ko ito ang namamanghang inilibot ang paningin sa buong paligid. Maraming paro paro ang lumilipad at makikita mo rin ang iba't-ibang ibon na nakadapo sa naglalaking sanga ng mga puno.

" Woah "

Napakapayapa ng buong paligid. Kay sarap pagmasdan at pakinggan ang mga ibong nagkakantahan, ang lagaslas ng tubig mula sa talon at ang napakagandang paligid. Isang paraiso na maituturing ang lugar na ito. Natigil lang ako sa pamamasid ng may marinig akong boses ng dalawang tao.

Hinanap ko ito at nakita ang isang babae at lalaki na nakahiga sa damuhan. Mukha silang magkasintahan. Hindi ko masyadong makita ang itsura nila dahil malabo ang paningin ko. Pero isa lang ang masasabi ko, kulay berde ang mata ng lalaki. Nakita ko kasing kumislap ang kulay berde nitong mga mata ng tamaan ng sinag ng araw.

Nakaupo ang babae sa damuhan na pinatungan ng isang sarong at nakahiga naman ang lalaki sa mga hita ng babae na sinusuklay suklay ang buhok nito. May mga prutas at mga pagkain rin sa tabi nila.

" Te amo Mi Reina " nakangiting sabi ng lalaki sa babae at hinawakan ang kamay nito bago halikan

" Mahal na mahal rin kita " nakangiting sabi ng babae at hinalikan ang noo ng kasintahan nito

Hindi naman mawala wala ang ngiti sa labi ng lalaki sa itinugon sa kanya ng kasintahan. Lalapitan ko na sana ito ng biglang maglaho ang lahat.

~~~~~

Nagising ako at biglang napa-upo sa kama pero. Sa bandang huli ay nagsisi ng rin, ng sumagid ang nakakangilong sakit ng likod ko at ang biglaang pagkahilo ko. Napahawak rin ako sa ulo ko ng maramdamang kumikirot ito. Ano ang ibig sabihin ng panaghinip na iyon? Pero panaghinip nga ba yon? Bakit pakiramdam ko parang totoong nangyari sa akin yon.

Natigil ako sa pag-iisip ng may humalik sa noo ko. Namula naman ako ng makita kung sino yon.

" A-a-anong g-ginagawa mo d-dito? Saan s-sila N-nanay? " Pautal utal na tanong ko

" Stuttering huh? " At bahagya siyang tumawa

" Your mother is so worried to you when you suddenly past out due to, too much pain, she couldn't see the pain that you've been suffering that she lost her consciousnes while watching you outside of your room. Your Father decided that she should take a rest for awhile. Since you're siblings is not allowed in here, so volunteered to take of you " mahabang pahayag nito

" Kamusta si Nanay? " Nag-aalalang tanong ko dito

Hinawakan nito ang ulo ko at hinimas. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa ng babaeng yon sa panaghinip ko.

" Your mother is fine, she just need to rest " nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito

" Art! " Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw na iyon

Si Trisha, na nakangiting nakatingin sa amin. May dala dala siyang plastic na sa tingin ko ay may lamang pagkain. Kasunod naman nito ay ang mag-pi-pinsang Vallderama na may dala ring mga prutas at bulaklak.

" Hi Art, how are you? " Nauunang bati ni Aviana ng makalapit siya sa amin

" Hello, Medyo mabuti narin ang pakiramdam ko pero may kaunting kirot parin akong naramdaman " nakangiting sabi ko dito

Akmang sasagot na ito ng maunahan siya ni Elora.

" Oh! Dear! We're so sorry sa nangyari sayo " sabi nito at hinawakan ang kamay ko

" Hindi okay lang " tumikhim bigla si Hades sa likuran ko kasabay non ang pagbitaw ni Elora sa kamay ko

" Hehe pagaling ka Art " pilit na ngiting bati nito

Nagtatakang ko naman itong tinignan. Nilingon ko si Hades na nasa tabi ko. Pero napaiwas rin ako ng tingin ng makita na nakatingin rin ito sa akin. Awkward.

" Hey Art, may dala pala kaming mga prutas para sa iyo " nakangiting sabi rin ni Flora sabay pakita ng dala nito

" Here Art! Flowers for ya'h " nakangiting lahad ni Zendaya sa akin

" Thank you, nag-abala pa kayo " nahihiyang sabi ko

Inilagay muna nila sa lamesa ang mga dala nila at humarap sa akin.

" It's okay, huwag kang mahiya Art para rin naman sayo yan" Sabi ni Flora

" Yup! Yup! Pagaling ka Art " ngiti ngiting sabi naman ni Zendaya

Wala akong masabi. Napakabait talaga nila. Kahit hindi naman nila ako ganoon kakilala ay binisita parin nila ako. Paano lalayuan ko ang pamilya nila? Kung ganito ang ipinapakita nila sa akin. Nakangiting inilibot ko ang paningin. Ang ganda nilang tignan na nag-uusap at nagkakasundo.

Napahawak naman ako ng tiyan ng bigla nalang itong tumunog. Nahihiya ko namang nilingon si Hades na nasa likuran ko lang.

" Hehe " namumula narin ako dahil sa kahihiyan.

Mahina lang itong tumawa at lumapit sa lamesa upang kumuha ng pagkain. Pagkatapos nitong kumuha ay umupo siya sa gilid ng ng kama ko. Susubuan na sana ako nito ng hawakan ko ang kamay niya. Pero bigla rin akong napabitaw ng dahil hindi malamang kadahilanan.

Parang na-kuryente ako ng magdikit ang kamay naming dalawa.

" A-ako n-nalang, kaya k-ko namang k-kumain mag-isa " sabi ko rito sabay hawak ng kutsara

Kumunot lang ang noo nito pero hindi parin niya binibitawan ang kutsara sa kamay niya.

" Nah, Let me, I want to serve you Mi Reina so let me feed you " hindi na ako nakipag argumento pa dito at hinayaan nalang siya sa gusto nito.

Habang sinusubuan niya ako ay namumula ang mukha ko. Ang init rin ng buong pakiramdam ko. Hindi talaga ako sanay sa mga pinapakita at pinaparamdam niya akin. Pero kahit ganon ay pamilyar talaga ang mga ginagawa niya.

Bumukas bigla ang pintuan ng kuwarto ko, at pumasok doon ang mga lalaking Vallderama kasama ang kapatid niya. May kanya kanya rin silang mga dala.

" Kuya " tanging tango lang ang naging sagot dito ni Hades at bumalik siya sa ginagawa niyang pagsubo sa akin

" Yow! Art! " Desmond

" Hello Art " Xyfer

" Zupp! " Chandler

" Get well soon Art " Ashton

" Cake for you Art, pagaling ka " Aiden

" Hi ate Art " Hayden

" Hello rin sa inyo, napadalaw kayo " sabi ko kanila habang nakangiti

" Yeah, we heard the news about what happened to you and we decided to pay you a visit " sabay abot sa akin ni Aiden ng Cake

" Salamat sa Cake, nag-abala pa talaga kayo "

" It is okay Art, beside you will be a part of our Family soon " sabi naman ni Ashton habang tinatali ang Get well soon balloon sa kamay ko. Napatawa tuloy ako. Hawak hawak ko parin kasi Cake na bigay ni Aiden.

Pero teka, sandali ano raw? Magiging parte ako ng pamilya nila? Soon? Ano ang ibig sabihin niya don?

" Tsk! " Napalingon kami kay Hades ng lumapit ito sa akin at kinuha ang Cake. Pati narin ang pagkakabuhol ng tali ng Lobo at tinignan ng masama ang dalawa.

Natatawang itinaas ng dalawa ang kamay nila. Umiiling naman sila Desmond, Xyfer, at Chandler.

" We just put it there Art, may nagagalit kasi " sabi ni Chandler sabay turo sa lamesa ng may mga pagkain.

May dala dala kasi silang bulaklak at pagkain. Natatawang tumango naman ako dito bilang pagsang-ayon.

" Paano niyo nga pala nalaman na na-ospital ako? " Tanong ko kay Hayden siya kasi ang kaharap ko

Nagbabalat rin siya ng dala nila mansanas at kinakain ito. Tumigil ito sa pagkain at sinagot ang tanong ko. Ang ganda rin ng mata niya kaya natulala ako ng bahagya dito

" Oh, Kuya called us that you were in the Hospital and also your best friend informed Xyfer, then Xyfer also tell us about you being here " tumango tango naman ako sa sinabi nito.

" Ahhh " lumingon naman ako sa gilid ko at nakitang naka-kunot noo si Hades at mariing nakatingin sa amin ng kapatid niya or sa kapatid niya lang. Ano ba ang problema niya?

Mukhang napansin naman ni Hayden ang masamang tingin ng kuya niya dahil nahinto siya sa pagkain. Napatayo pa nga siya sa pagkaka-upo niya at umubo ubo.

" Ehem! Ehem! Someone's jelly " sabi nito sabay taas ng kamay sa ere na parang sumusuko. Eh? Ano daw?

" Leave Hayden " seryosong sabi nito at umupo ulit sa tabi ko

Natatawa namang lumayo sa amin si Hayden. Literal na lumayo dahil doon talaga siya puwesto sa pinakasulok ng kuwarto at nakangising nakatingin sa amin.

Nagtatakang tinignan ko naman si Hades sa tabi ko na may hawak na kutsara at akmang isusubo sa akin. Tinanggap ko ito at kinain.

" What? " Nagkibit balikat nalang ako dito ay nagpatuloy sa pagkain.

Habang ngumunguya ay napapa-isip ako. Kamusta na kaya ang pusa ko sa bahay? Kumain na ba siya? Teka lang. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko at tinignan ulit si Hades.

" Kumain ka na ba? " Tanong ko rito

" Not yet " nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

" Ano!? Bakit hindi ka pa kumakain? Sinusubuan mo ako tapos wala ka rin palang kain? Akin nga yan, ako na ang susubo sa sarili ko, kumain ka na don, papatayin mo ba ang sarili mo sa gutom? " Gigil na tanong ko dito ang pilit na inaabot ang kutsara

Inilalayo niya kasi sa akin yon at ayaw niyang hawakan ko. Pero kahit ganon at inalalayan niya parin ako. Pilit ko parin itong inaabot ng bigla nalang akong dumulas at kamuntik muntikan ng mahulog sa kama mabuti nalang at mahigpit akong hawak nito. Sumagid rin ang sakit ng likod ko.

Nahalata naman yata ito ni Hades kaya bigla niyang binatawan ang pinggan at nag-aalalang inalayan ako. Ingat na ingat rin siya sa paghawak sa akin na para bang isa akong babasing kristal.

" F*ck! Call the doctor now!! " Galit na sigaw nito pumuno sa buong kuwarto

Nataranta naman sila, kaya ng akmang lalabas na si Hayden para tumawag ng doctor ng pigilan ko ito.

" H-hindi h-huwag n-na kaya ko n-naman " pilit na ngiting sabi ko

" No! Go Hayden! Call that f*cking doctor! " Sigaw naman ni Hades

" A-ayos lang t-talaga ako Hades " at sinenyasan ko si Hayden na huwag ng lumabas

" Hayden! " Naguguluhan naman tumingin sa amin si Hayden. Hindi alam kung sino ang susudin niya sa aming dalawa. Napakamot tuloy siya ng ulo

" Hades " mahinahong tawag ko dito. Tinititigan na niya kasi ng masama ang kapatid niya. Tumingin naman ito sa akin at yumuko para makapantay sa akin.

" Ayos lang talaga ako, isa pa kasalanan ko naman ang nangyari "

" No Baby it's not your fault " sagot nito sa akin

Umiling naman dito. Bakit ba pinag-aawayan namin ang mga ganitong kaliit na bagay.

" Okay lang ako, kaya huwag ka ng tumawag ng doktor, kung hindi ko sana pinilit ang sarili ko na kunin yung kutsara sayo ay hindi sasakit ang likod ko "

" B-but--" magsasalita pa sana ito ng tinignan ko ito ng napakasama.

" Kumain ka na, hindi yung nagpapagutom ka, tatamaan ka talaga sa akin Hades huwag mo akong subukan " napalunok naman ito at dali daling umalis sa tabi ko para kumuha ng pagkain

Nakangiting tinignan ko naman ito habang nakangusong kumakain. Para siyang bata, ilan lang ba to sa mga ugali niya? Ang kyut niya tignan habang nakanguso. Nakakagigil, para tuloy gusto kong na halikan ang mamula mula niya mga labi. Napatakip naman ako sa mukha ko dahil sa mga naiisip ko. Nababaliw na yata ako.

Lumapit naman sa akin si Trisha na may nakakainis na ngisi sa labi nito. Tinignan ko rin ito ang masama at pinandilatan ng mata.

" Ayieeee, ikaw ha! Ano yon? " Tinaas baba pa nito ang kilay

" Ewan ko sayo, huwag mo akong kausapin " sabay kuha ng ubas na nasa pinggan

" Ayieee, kinikilig ka lang eh " tukso pa nito habang tinutusok tusok ang pisngi ko

A/N: Guysue! Ang istoryang ito ay na-i-post ko rin po sa Facebook kaya huwag po kayong magtaka😅 enjoy reading ☺️ lovelots 😘

Continue Reading

You'll Also Like

308K 15.4K 47
Ruby King is your average young woman who is starting to attend college full time. Everything is going great until she notices that there seems to be...
63K 6.1K 122
A story following a young hunter named Jay. He has grown up in a world where dungeons, monsters, and humans with leveling systems are a cultural norm...
36.2K 3.3K 19
A Royal family renowned for their illustrious name and fame, A family full of pride and rage, A Family for which everyone bows their head - The Agnih...
31.2K 1.2K 10
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares