Mr. Perfectly Fine

By ligaaeya

508 59 3

Nicholette Avianne Ylande is an amazing women who are raised by her lovingly grandparents. She is considerate... More

PROLOGUE
MPF1
MPF2
MPF3
MPF4
MPF6
MPF7
MPF8
MPF9
MPF10
MPF11
MPF12
MPF13
MPF14
MPF15
MFP16
MPF17
MPF18
MPF19
MPF20
MFP21
MPF22
MPF23
MPF24
MPF25
MPF26
MPF27
MPF28
MPF29
MPF30
MR. PERFECTLY FINE

MPF5

17 2 0
By ligaaeya

MR. PERFECTLY FINE
Chapter 5



"Kumpleto ba tayo?" Amie asked.

Nasa unahang pila s'ya. Naka pila kami dahil sa opening ng foundation day.

"Umayos kayo, hindi na kayo kinder ah.." Paalala n'ya pa saamin.

Narinig ko ang hagikgikan ng mga nasa likod ko, pero, hindi ko sila pinansin. Nasa tabi kong pila si Gio, kaya magkaukyabit kaming dalawa.

"Hindi ka pa nag aattendance.. Nag palusot na ako kay Amie kanina. Pumirma ka agad." Paalala ko sakanya.

"Oo nga pala.." Bulong n'ya rin saakin.

Natapos ang opening nang maayos at masaya. May ilang dance number at inihandang speech para sa mga estudyanteng nanood.

"Omg! Bagay!" Sigaw ni Amie nang lumabas ako sa maliit na room ng booth namim para sa mga mag babantay o lalagyan ng gamit.

"Gago, ang ganda mo!" She squeals. "Let's take a picture!" Hinatak n'ya ako papalapit sa background ng café.

Agad n'yang inaya si Priecy ng makalabas din ito sa room na pinagbihisan ko. Pink ang outfit n'ya habang yellow naman ang saakin, pastel colors..

"Ippost ko to sa Twitter ah?. Tyaka, huy! Picturan ko kayo mamaya!"

Umoo lang ako. Kukulitin n'ya ako for sure pag hindi ako pumayag.

"Bagay sayo.." Priecy said.

"Salamat.. Sayo rin." I said.

Awkward talaga ako makipag usap. Kaya ayoko ng ganito eh!

"Mag libot kayo sa campus, ipangalandakan n'yo yang menu natin." Napalunok kami nila Gio nang iutos saamin iyon ni Amie.

"Kaya mo ba?." Gio asked me while we're walking.

Nakasabit ang braso ko sa braso n'ya dahil nahihiya talaga ako. Bagay sakanya ang outfit n'ya. Para s'yang poging waiter. Pati kay Adonis.

"Siguro.. Sama ka sakin ah?" I said.

He chuckled and nodded.

"Mamaya, ipaalala n'yo saakin kung bakit tayo nagpapauto sa mga hampas lupang yon." Rinig kong sambit ni Priecy.

"That's fine, i look dashing with this naman." Saad ni Adonis.

Marami nang tao. Lahat nang dinadaanan namin ay nakatingin saaming apat.

Ganon ba kalaswa o kapangit?..

"Chin up, Nic.. Hayaan mo, bukas. Issuggest ko na iba muna ang ipalit sa'yo." Ngumuso ako sakanya.

"Wag na. Unfair naman nun." Bulong ko sakanya.

"Alam na alam talaga ni Amie kung paano tayo pag kakitaan." Biro n'ya.

Natawa nalang ako.

Nang makahanap kami ni Gio nang pwesto na maganda at malamig, doon na kami pumwesto.

"Coffee, Shakes, Milk tea's? Check n'yo po ang NU Café!" Masiglang paanyaya ni Gio sa mga lumapit saamin.

Nasa likod n'ya lang ako dahil hindi ko kayang sabayan ang energy n'ya.

"Omg.. Bagay po kayo!" Kumunot ang noo ko sa nag sabi non.

Anong bagay?.. Jusko! Mahabagin!

May lumapit saakin at kinalabit ako nito aa braso. She's cute.

"Pwedeng mag pa picture?.." Mukhang nahihiya n'yang sambit.

"Sige.." Mahinang sabi ko.

May tinawag s'ya sa likod n'ya. Lumabas naman don ang isang lalaki. He looks bored.

Base sa tingin ko, mga outsider sila. They look younger than me. Probably, high school?. Senior High siguro.

"Picturan mo kami ni Ate Avianne, Cole!" Inabot n'ya ang cellphone n'ya sa lalaking nag ngngalang cole.

Agad naman kaming pumwesto. She hugged me. I did a peace sign.

"Pwede 4 shots, ate?" She whispered. I chuckled.

Tumango nalang ako.

Sa pangalawang shot ay niyakap ko rin s'ya at ipinatong ang ulo ko sa ulo n'ya. Ang pangatlo naman ay nakaakbay ako sakanya, habang ang pang apat ay pinag isipan n'yang gawing stolen, kaya nag kunyari kaming nag tatawanan.

"Idol talaga kita, Ate. Buti nasipat kita rito!. Ganda ganda!" Tuwang tuwang sabi n'ya habang pinapakita saakin ang mga pictures.

"Finafollow kita sa twitter.. Ang ganda mo na tapos ang galing mo pa mag volleyball!" I smiled.

"Salamat.." I hugged her.

Ang cute lang!.

"Daan kayo sa café namin pag may time.. 6 days namang bukas yun.." She squealed.

"Sige po! Bye bye!" Kumaway s'ya paalis.

Hinarap ko si Gio na busy pa rin sa mga babaeng dumudumog sakanya para sa litrato.

Nakuha ko na. Sikat talaga ang best friend ko sa mga babae, at binabae. Kaso, pasensya nalang sila. Loyal ang isang yan kay Maurice.

"Punta po kayo.." Pinapakita ko ang flyer na hawak ko.

Sabihin ko nga na mag paprint pa ng mga flyers para ipamigay sa mga dumadaan. Napaka effort naman pala namin..

"Nicholette." Lumingon ako sa likod ko nang may tumawag saakin.

Napataas ang dalawa kong kilay ng makita kong mga lalaki ito. I smiled.

"Hello.." Bati ko sakanila.

"Pwede ba mag papicture?" I nodded.

"Sure." Maikling saad ko.

Tatabihan ko na sana s'ya ng bigla s'yang magsalita.

"Ah, hindi ako. Etong kaibigan ko sana. Nahihiya s'ya sayo eh!" Maligayang sabi n'ya.

Kaedad ko lang sila. Mukhang taga ibang department.

Nilingon ko ang itinuro n'ya. Nakasabit ang braso ng isang kaibigan nila sa lalaking mukhang nahihiya nga saakin.

"Sure!.. Dito ka." Inaya ko s'ya sa tabi ko.

"Gago, tol.. Ayoko.." Mahinang bulong n'ya sa katabi n'ya na hinahatak s'ya papalapit saakin.

"Diba sabi mo ang cute n'ya sa costume n'ya tapos gusto mo makapag papicture sakanya? Tinweet mo pa nga yun!" Makulit na sabi ng lalaking nag approach saakin.

"Gago!" Tawa ng tawa ang lalaking may hawak doon sa lalaking mag papapicture saakin.

"H-hindi totoo yun, Ate A-avianne.."

I smiled. "Ayos lang.. Halika, wag kang mahiya. Hindi naman ako nangangagat." Biro ko sakanya.

Tumingin s'ya sa dalawa n'yang kasama at dahan dahang kumalas sa hawak nung isa n'yang kaibigan para lumapit saakin.

"T-thank you.." Mahinang bulong n'ya nang nasa tabi ko na s'ya.

"Wala yun."

Naka ilang take ang mga kaibigan n'ya bago sila matapos.

"Tag mo ako ah?.. Hit me up, anytime!" I said. "Punta kayo sa café namin. Hang out tayo don."

At ginamit ko na ang pang uuto ko.

Umalis na sila. Peace.

Naupo muna ako sa bench na malapit saakin. Nakakapagod din tumayo.

Inilabas ko ang cellphone ko para icheck kung anong oras na.

11am..

Binuksan ko ang phone ko at bumungad saakin ang nakangiting si Dahyun. Cute cute!

Nang buksan ko ang mobile data ko, naging ma lag ang cellphone ko sa mga notifications.

Tangina?

Jacel Gonzales:
Check twitter, teh. HAHAHAHAHAHAHA my OTP is sailing!

Napakunot ang noo ko sa message n'ya.

Nicholette Ylande:
Ano nanamang ginawa n'yo?

Jacel Gonzales:
Wala akong kinalaman dyan. Itanong mo sa mga kaklase mong nag pauto kay Gavin.

Agad na napataas ang kilay ko sa binanggit n'yang pangalan. Ano nanaman bang ginawa ni Amadeus?.

I checked my twitter. Marami nang tag posts at mentions saakin. Karamihan ay ang mga pictures kasama ako. Wow, ang daming likes. Ano ba to, mga active likers ba ang followers ko?.

Inilike at nag comment ako sa mga tags saakin kahit medyo marami ito. Nakakahiya naman kung hindi ko sila papansinin. Baka sabihin ay lumalaki masyado ang ulo ko.

Agad na pumasok sa isip ko si Theo.

I must check his tweets.

I searched his name.

Yun parin ang profile at bio n'ya. Napanganga ako sa recent tweet n'ya.


Gago?

"Sabi n'ya, bibilin daw n'ya yung tinda natin pag pinayagan namin s'ya na ipakasal kayo sa marriage booth." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Benjie.

"At talagang ipag papalit n'yo ako sa tinda na yan?" Inis na saad ko.

"Syempre!" He laughed.

"Tangina mo." I said.

Everyone stopped talking. Nilingon nila akong lahat nang may halong gulat sa mukha. Kunot parin ang noo ko sakanila.

Mga walang hiya!. Naubos nga ng maaga ang stock namin ngayong araw!. Pero, pinangalandakan nila na boyfriend ko si Theodore!

"Gago, si Nicholette ba talaga yon?" Dani asked.

"Oo, putangina, ako yun!" Ulit ko pa.

"Mga bwisit kayo!. Pinahirapan n'yo lang akong tumayo tayo doon!. Ubos na pala ang paninda n'yo at nag uunguyan nalang kayo rito?!" Galit na sabi ko.

Matagal tagal din akong mag isa at pilit na nilulunok ang hiya sa suot ko. Maraming lumapit saakin at nanghingi ng permiso na mag papicture saakin. At alam nilang ayoko ng ganon.

Ayoko nang maraming tao na nakapaligid saakin, o kahit mag papapicture lang saakin. Pero, tiniis ko yun para mag karoon ng costumer ang café!.

"Sabi kasi ni Gi-" Someone spoke.

"Gago, anong sabi ko. Wala akong sinasabi ah!" Depensa ni Giovanni na nakatayo na ngayon sa gilid ko.

"Oh, defensive ka!. Ang sabihin mo, ikaw ang unang pumayag kay Gavin!" Angal ni Fiona.

Agad kong nilingon si Gio at binigyan ng masamang tingin.

Kung sana ay itinext manlang ako na wala na pala silang ibinibenta! o kahit manlang sabihin na isinasangkalan nila ako para sa sales. Mga leche.

"Sabi kasi nila cat woman ka raw bukas. Edi pumayag ako, kasi ayaw mo ng ganon, diba?" Malumanay na sabi ni Gio saakin.

Inirapan ko s'ya.

Umiiling akong lumakad papalapit sa open side ng booth namin. "Bahala kayo ryan." Agad akong lumabas.

Nakaka badtrip silang lahat. Napaka bilis nilang nakapag desisyon!. Hindi manlang ako kinonsulta kung ayos lang ba sakin yun!

Lumakad ako papunta sa building namin para kunin ang bag ko. Hindi ko nakuha ang bag ko sa booth namin..

Kainis!

"Nicholette!"

Napatiim bagang ako ng makilala ko kung kaninong boses iyon.

Tumigil ako sa pag lalakad.

"Ano nanaman?" I said bago ako humarap sakanya.

"Eto naman, galit agad!" He said.

"Marami pa akong ginagawa, h'wag mong sayangin ang oras ko. Wala akong panahon makipag gagohan sainyong lahat." Dire diretsong sabi ko.

He smiled. "Ganyan ka pala talaga mag salita.." He laughed.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang gumawa s'ya ng hugis puso sa taas ng ulo n'ya at kumindat kindat saakin.

"Alam mo naman na love kita, Cute mo pag nagagalit ka!" Napangiwi ako.

Humalakhak s'ya sa naging reaksyon ko.

Iwinaksi ko ang kamay ko at iiling iling na nag salita. "Ang korni mo." Tumalikod ako at naglakad paalis.

"Pero, ang cute mo ngayon. Bagay sayo." Inirapan ko lang s'ya sa gilid ko. "Pero, nabalitaan mo na ba na mas bagay tayo?" Huminga ako ng matunog.

"Sinong nag sabi?" I asked while walking. "Yung mga kaklase ko bang nasuhulan mo?"

He smiled widely. "Hindi ko naman sila sinuhulan!. Sila ang nag offer saakin non!" Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya.

"Wala akong pake!" I said. "Alis nga!. Bakit ka ba nandito?"

Parang kanina lang ay iniirap irapan n'ya pa ako. Parang hindi n'ya ako pinansin ng halos dalawang bwan kung maka asta ah?. Angas pala nito eh!. Isa pang makapal ang mukha.

"Ang sungit mo naman!" Reklamo n'ya.

"Oh, e ano naman sayo?"

Nasa unang footstep na ako ng hagdan ng building namin habang s'ya naman ay nauuna nang tatlong hakbang saakin.

"Alam mo, kaya gusto kita eh. Napaka taray mo!" Inirapan ko ang likuran n'ya at humawak sa railings habang papaakyat.

"Alam mo, kaya ayoko sayo eh. Napaka kulit mo!" Pang ggaya ko pa sakanya.

"Wala akong narinig!" He said.

Umecho pa ang boses n'ya sa buong palapag dahil tahimik ang building namin ngayon.

"So what.." Sabi ko pa.

Nang makarating kami sa third floor, agad kong binuksan ang room namin at binuksan ang ilaw at electric fan doon. Matutulog nalang ako rito.

"Sayang naman ganda mo kung itutulog mo lang yan." Umupo s'ya sa katabi kong upuan.

"Umalis ka na nga sabi eh!" Pag tataboy ko sakanya.

"Ano ba, wala naman akong ginagawa sayo ah!" Ganti n'ya saakin.

"Nakakainis ang mukha mo!" Anas ko.

"Sayo hindi eh, ganda mo. Kahit galit." He said while smiling.

I sighed. Napaka kulit n'ya.

Inilabas kong muli ang cellphone ko sa costume ko at nagscroll ulit sa facebook account ko.

He's humming something. Hindi ko nalang s'ya pinansin.

Jacel Gonzales:
mOxtA kAu jAn, nAk!!

Napakunot ang noo ko nang magchat si Jacel sa group chat. Parang siraulo.

Ysha Valdez:
ok3y lng poh aqoh d2, ma.. Kau b jan?

Napangisi ako. Mga siraulo talaga.

Jacel Gonzales:
Oky.. moxta nman ung ate m0?. Kta qoh dmi may gus2 x ate mu ah!. Bntayan mu yn!

Napatawa ako ng mahina. Ang kukulit.

"Tingnan mo.." Kinalabit ako Theo kaya nakangiti akong lumingon.

*Camera click!*

"Ayun oh!" Sinilip ko ang picture.

Nakangiti ako sa cellphone n'ya habang naka lingon s'ya saakin. Pero, kita ang ngiti n'ya..

Habang nakatingin ako sa picture namin.. Nakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa nasa isip ko.

Bakit parang inlove na inlove s'ya saakin?..

"Ano?" Napakurap ako ng humarap s'ya saakin at tanungin ako.

I shook my head.

"Delete mo yan.." Malumanay na sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.

Nag notif nanaman ang mga tags saakin sa Twitter kaya binuksan ko ito.

Yung lalaki ito kanina, yung tatlo sila..

Ang cute ng pictures namin ah?

"Nakapag papicture na pala si Gabo sayo.." Napunta sakanya ang tingin ko.

"Gabo?" I asked curiously.

"Oo, Gabo pangalan ng mga kaagaw ko sayo." Kumunot ang noo ko.

"Ano naman yung gabo?"

"Gagong bobo."

Hindi ko napigil ang pag halakhak ko sa sinabi n'ya.

Siraulo talaga!

"Ako ang end game mo." Umiling lang ako sakanya habang tumatawa.

"Bebe Nicholette!" Tawag saakin ni Ysha.

Lumingon ako sakanya ng nakangiti. Kahapon ay naging magulo, at nakakainis, kaya sinisikap ko na maging masaya ngayong araw. Para sa team ko.

Naka paskil na sa bulletin board ang schedule ng laro. Ngayong araw ang sa tourism. Kalaban nila ang team ni Jacel. Nakipag pustahan pa s'ya saakin na team n'ya ang mananalo. Tinawanan ko lang s'ya.

"Ano sched mo?" Tanong n'ya nang makalapit s'ya sa tabi ko.

"Ngayong araw. 10AM sharp daw, kalaban daw ang Fine Arts."

She cling her arms to me.

Ysha is actually the perfect match of sweet and sarcastic person. May oras na ganito s'ya at may oras na sobrang taray n'ya. She's currently 4th year college, architecture din. Bumibilib nga ako kung paano nila napag kkasya ang oras nila sa volleyball at pag aaral nila, knowing na malapit na sila gumraduate. Isang taon nalang ang bubunuin nila. At ngayong taon na rin ang huling taon nila sa volleyball team.

"Ang sabi ni Jooe, mabenta raw ang café n'yo. Hindi pa ako nadadaan.. Samahan mo naman ako!" Hila n'ya saakin.

"Ano bang rank namin?" Tanong ko.

"Pasok na kayo sa rank 5." Napakurap ako.

Wow.. Nasa rank 5 na kami sa sales?!

"May gagawin pa ako, babalikan nalang kita dito pag tapos na ako.."

Agad akong umalis nang maihatid ko s'ya sa café, agad naman s'yang inassists ng mga kaklase ko. Nakanguso lang s'ya saakin.

Pilit kong ginalugad ang team ko ngayon sa campus. Nag tanong tanong ako sa building nila at sinabing nasa room daw ang mga babae.

Umakyat ako sa tourism building at hinanap ang room na sinabi saakin.

Gusto ko lang silang tingnan at kamustahin. Alam kong nappressure sila sa mga oras na toh dahil marami silang makakalaban.

"Hello, dito ba yung class nila Jelay?" Bati ko sa lalaking nakatayo sa corridor. Sa tapat ng room.

Dahan dahan itong lumingon. Tinitigan n'ya ako at kumurap kurap na tila ba isa akong illusyon na mawawala sa oras na pumikit s'ya.

I smiled awkwardly.

"Nicholette!" May tumawag saakin sa isang room. Nilingon ko ito at napag tanto ko na iyon na nga ang samahan nila.

Nagpasalamat ako sa lalaking hanggang ngayon ay nakatulala saakin.

"Hello!" Lumapit ako sa pintuan ng room at sumulip doon. "Pwede ba ako pumasok?" Paalam ko sa taong nasa pintuan.

They nodded and smiled.

Dahan dahan akong pumasok.

"Ganda n'yo!" Paunang bati ko sakanila.

They smiled. Mukhang mga kabado sila.

"Nag susuot ako ng Red para sainyo. Kaya n'yo yan!" Pinaupo nila ako sa tabi nila.

Mga nakapula sila. Ang Fine Arts ata ay mga naka Yellow. Nakasuot ako ng simpleng tshirt na pula. Plain ito kaya itinali ko ito sa likod para naman magkaroon ng style. Habang naka highwaist pants ako. Marami kasi akong pants.

"Yung mga knee pads at mga elbow pads n'yo. Wag n'yong kalimutan. Ang sabi sa rules ay eliminated daw agad ang walang pads at mga safety gears." Mahinang paliwanag ko sakanila.

"Nandito sakin.." Sabi ni Julia. I nodded.

"Kumain muna kayo bago mag laro. Wag kalimutan mag stretching." Paalala kong muli.

Jelay chuckled. "Opo, mommy."

Umalis agad ako nang malaman kong ayos lang sila. Yun lang naman ang sinadya ko don. Ayoko ring magtagal don dahil babalikan ko pa ang Café.

Ako ang ginawa nilang cashier sa ngayon. Sinabi ko kasing magiging busy ako ngayon dahil sa volleyball team na hawak ko. Gusto ko silang suportahan. Matalo man o manalo.

"Ako muna dyan." Sabi ko kay Fiona na ngayon ay naka tao sa cashier.

"Buti dumating ka. Kultang kulta yung utak ko sa pag susukli, gago. Hindi talaga bagay sakin mapunta dyan!" Reklamo n'ya.

I laughed heartily. Same, Fiona, Same.

"Saan si Giovanni?" I asked someone.

"Nandyan lang sa tabi tabi. Kasama si Donis tyaka si Priecy." I nodded.

"Thank you!"

Alas otso hanggang alas nuebe ako nag bantay sa café. Ang peaceful. Maraming bumibili, pero, kalmado lang sila.

"Yung mga sinabi ko sainyo ah?" Sabi ko habang nakapaligid sila saakin.

Nasa court na kami ngayon. Marami nang naka pula at dilaw. Halata agad kung sino ang team na gustong suportahan.

"Kaya n'yo yan. Ilibre n'yo ako pag nanalo kayo.." Nakangiting sabi ko.

Nag simula nang mag salita ang Emcee ng laro. Isa ata yan sa student council. Secretary?. I'm not sure.

Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng court habang nakaupo sa lower bench. Eto ang pinaka malapit na upuan dahil dito nag papahinga ang mga players.

Agad na pumaling ang ulo ko nang mapunta ang mata ko sa team ng kabila. Puro sila naka dilaw, masyadong nakakasilaw sa mata. Pero, may tatlong nakatayo na lalaki ang naka pula. Naiiba sila sa nakahanay doon.

Kausap nila ang mga nasa likod nila kaya nakatalikod sila sa gawi ko.

Hindi kaya mali ang napuntahan nila?

Imposible.

Tinitigan ko ang tatlong iyon. Parang mga tanga, bakit sila dyan uupo?.

Humarap ang isa sakanila. Tila ba tapos nang kausapin ang mga kausap nila kanina.

Pamilyar ang itsura n'ya..

Unti unti, humarap din ang dalawang lalaking nakapula habang nag tatawanan. Kumunot ang noo ko nang makilala kong si Theodore ito.

Tanga talaga..

"Go, Tourism!" Sigaw n'ya.

Napaiwas ako ng tingin nang magsimula itong saliksikin ang mga manonood sa gawi ko.

Nababaliw na ba talaga s'ya?. Harap harapang pag tataksil sa mga kasama n'yang Fine Arts Students sa likod at mga manlalaro nila?. Gago talaga.

Go tourism pero dyan ka nakaupo sa Fine Arts?..

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nag kunyaring busy doon.

"Ang ganda mo, Nicholette!" Uminit ang mukha ko sa narinig kong sigaw n'ya.

Hindi ba s'ya nahihiya?

"Miss Sungit! Hoy!. Nandito ako, yung future husband mo!" Walang hiyang tawag n'ya pa.

"Si Avianne ba tinatawag n'ya?.. Sino ba yun?" Rinig kong bulong ng mga nasa likod ko.

"Papansin ampota. Parang tanga.." Napangisi ako.

Tama, papansin lang yan.

"Gago, papunta pa dito.." Napatingin ako sa flooring ng court ng marinig ko iyon.

Don't tell me si Theodore yun?..

"Nicholette!" Umangat ang tingin ko ng may tumawag saakin.

Nang magtama ang mata namin. Agad na kumalabog ang dibdib ko. Papalapit s'ya saakin.. Ipinilig ko ang ulo ko dahil naging mabagal ang kilos ng mga nasa paligid at ang ngiti n'ya lang ang tanging nakakapag paliwanag sa paningin ko.

Bumagal ang kilos ng mundo..

"Bebe!. Ganda mo today. Bagay sayo yang bun mo.." Masiglang bati n'ya nang makaupo s'ya sa tabi ko.

Umusod ako ng kaonti dahil masyado s'yang malapit saakin. Parang natatakot ako dumikit sakanya..

"Alam mo bang kaya ako nakapula dahil i love red, pati ikaw" I remained serious.

Tangina.. Yung puso ko.

"Ano naman sakin ngayon?" I said.

"Sungit!" He scrunched his nose.

No way.. Hindi pwede.

Continue Reading

You'll Also Like

326K 22.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.