Rules of Love (COMPLETED)

By dyngrnnn

3.1K 142 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 16

46 0 0
By dyngrnnn

Chapter 16

Umuwi ako agad nang gabi na yon, hindi ko din sinabi kay Clyde na nagpunta ako sa kanila kasi for sure hindi niya ako titigilan nang kakatanong kong bakit ako nag punta tas hindi man lang ako nag sabi.

Natapos ang exam at district na bukas. Wala namang ganap bukod sa lumipat sa school namin ang girlfriend ni Emman which is yong crush ni Eli.

Mukha naman siyang mabait so I tried talking to her, so she won't feel shy at us anymore. Eventually ay gagaan din naman ang loob niya sa amin pero si Carol mukhang hindi.

Ayaw niya don sa girlfriend dahil mukha lang daw bait baitan, hindi ko na pinansin kasi ganyan naman talaga si Carol sa mga taong una pa lang niyang na meet. Ganyan din ang akala niya sa akin nong una kaming naging mag kaibigan nong grade seven kaya sanay na ako.

Our school are preparing everything para sa district. I'm excited not because I get to watch games but because magkakaroon ako nang relax time kahit papano. At isa pa siguradong mag kikita kami ni Clyde dahil kasama ang school nila sa mga lalaban para sa district.

Nandito lang kami sa room, mag kakausap as usual. Nasabi na sa amin nina Mau at Eli kong anong narinig nila mula sa banyo nang mall nong nag punta kami. Kapag tumingin ka talaga kay Trisha hindi talaga halata kasi para talaga siyang anghel.

Mas mukha pa nga siyang mabait kay Eli kasi ang amo amo nang mukha niya pero hindi rin ibig sabihin non mabait talaga siya mga kaklase nga namin ang babait tingnan yon naman pala ang plastik. Napatunayan ko yon lalo nong nag kamabutihan kami ni Clyde kasi grabe ang daming nang plastik sa akin, ngayong naalala ko na naman ay napapairap na lang talaga ako eh.

Nang mag tanghali ay kasabay padin namin si Trisha sa pagkain pero ramdam ko na any minute hindi na mapipigilan ni Carol ang bibig niya kaya hinigit ko siya sa pinaka malayong pwesto kay Trisha.

Nagkahiwahiwalay kami sa canteen na ipinagpasalamat ko kasi hindi na malapit sa amin si Trisha baka mamaya hindi na talaga mapigilan ni Carol ang bibig niya wala pa namang preno ang bibig nito.

Nang maka order kami ay maglalakad na sana kami pabalik sa lamesa namin nang bigla naming narinig si Trisha na may sinisigawan sa gitna nang canteen.

Pinilit namin na makita nang maayos kong ano ang nangyayari, muntik na ngang mapa away si Carol para lang makasiksik.

Hindi ako makapaniwala sa lahat nang nakita ko na hanggang maka upo ay gulat pa din ako. Mula ngayon talaga makikinig na ako kay Carol pag sinabi niya na hindi niya bet hindi ko na din bet, katakot siya in fairness.

Pero akala ko doon na natatapos, simula pa lang pala. Isa isang naglabasan ang masasamang ugali niya simula nang araw na yon. May time na ibubunton niya kay Eli ang galit niya o kaya naman kay Carol kaya ang ending syempre nagkakasagutan sila.

Sumasakit ang ulo ko kahit hindi naman ako ang inaaway niya nakadagdag pa yong paglapit sa amin one-time ni Emman at kong ano anong katangahan ang pinagsasabi dito kay Eli. Ang kapal niya, magsama sila nang jowa niyang may kulang na turnilyo sa ulo.

Wala akong sinabi kay Clyde dahil baka bigla na lang yon sumugod sa school, protective pa naman yon kay Eli. Kaya pa naman namin na kami na lang muna kaya hindi na muna ako magsasabi.

Alam ko na hindi dapat kasi nangako kami dati sa isa't isa na walang sekreto pero siguro naman maiintindihan niya at isa pa busy siya sa school ang dami niyang ginagawa kaya wala na talaga akong choice kong hindi mag sinungaling.

Pero habang tumatagal ay palala na nang palala na halos hindi ko na napansin na talagang nagtataka na si Clyde sa mga kinikilos ko na iniisip na niya kong gusto ko pa siya. Naalala ko tuloy yong naging usapan namin one time, sobrang na guilty talaga ako nang araw na yon.

"You still love me right, Clementine?" Kita ko ang kaba sa kanyang mukha nang mag tanong siya sa akin. Nandito kami sa isang kainan, ngayon na lang ulit kami nakapag kita kasi busy talaga kami sa mga gawain sa school tas yong nangyayari pa kay Eli.

Lumipat ako sa tabi niyang upuan at niyakap siya nang mahigpit.

"Oo naman, sorry kong nagiging busy ako pero swear Clyde mahal na mahal kita" Ginantihan niya ang yakap ko tapos ay ipinahinga niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Sorry din kasi nag doubt ako it just that pakiramdam ko ang layo mo siguro dahil lang sa magkalayo tayo at minsan na lang tayo magkita, I love you sweetheart" Patuloy lang ako sa paghaplos nang buhok niya. Hingi din ako nang hingi nang pasensiya sa kanya sa utak ko.

Don't worry Clyde kapag natapos na tong kay Eli promise sasabihin ko din sayo ang lahat.

After that day talaga namang nakonsensiya ako pero alam ko na yon ang makakabuti. Siguro naman ay maayos ang lahat at hindi na kailangan na ma involve pa si Clyde, the last time he's involve about Eli's love life pasang pasa ang mukha ni Levy.

But when I thought everything is in proper path and we can all handle it saka naman pumutok ang balita na ang dahilan nang paghihiwalay nina Trisha at Emman ay si Eli.

Kahit mag sinungaling ako kay Clyde alam ko na malalaman niya. The heck it was posted on twitter hindi naman taong gubat si Clyde para hindi yon makita, nanakit ang ulo ko sa nangyayari.

At hindi ako nagkamali sa oras na sunduin niya ako nang araw na yon ay may hindi magandang nangyari. Muntik na naman mapahamak si Eli dahil tinulak siya ni Trisha sa hagdan buti na lang nasambot siya ni Emman at agad na nadala sa clinic dahil nawalan ito nang malay.

Nang makadating kami doon ay pinalabas muna kami nang nurse at saka ako nagkaroon nang lakas nang loob para makausap si Clyde tungkol sa nangyayari.

"You knew it all along, did you?" Yon ang binungad niya sa akin pagkalabas na pagkalabas ko nang clinic. Nakaupo siya sa bench sa labas kaya naman kahit nanginginig ang tuhod ko ay nilakasan ko ang loob ko na pumunta sa pwesto niya para umupo. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin nang diretso sa mga mata niya.

"Yeah, I'm sorry Clyde akala ko kasi okay na, na wala na kaming magiging problema don kay Trisha pero nag kamali kami, ako. I'm sorry" Naka tinggin lang siya sa akin, para na akong naiiyak ayaw ko talaga na nagsisinungaling sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay hinigit niya ako para mayakap ako agad. Magkayakapan lang kami doon hanggang marinig namin na nag aaway si Levy at Emman kasama si Trisha. Tangkang tatayo si Clyde pero pinigilan ko siya. Hindi din naman nag tagal ang away nila kasi umalis din si Emman hatak hatak si Trisha.

"Bakit ba ang ga gago nang mga nagugustuhan ni Three?" Rinig kong pagkakasabi ni Clyde at mukhang narinig din ni Levy.

"What are you looking at, asshat?" Umiling na lang si Levy at sabay sabay kaming pumasok nang sabihing gising na daw si Eli. Clyde and I wanted to stay but Ceshiah insisted na umuwi na kami at si Levy na lang ang bahala mag uwi kay Eli. Hindi nagustuhan ni Clyde ang naging desisyon pero wala naman siyang nagawa kaya umalis na lang kami doon.

After that incident ay naging busy na kami ulit kasi kailangan na daw na makahanap na kami nang mga gustong sumali para sa CAT, sure time flies so fast parang kailan lang kami tong nag training tapos ngayon kami na ang mga officer.

May hawak ako ngayon na mga application paper na kailangan daw pirmahan ni Clyde at Ember, kay Ceshiah in-assign ni Terran to pero nag presinta na ako kay Ceshiah na ako na lang kasi sabi din sakin ni Clyde ay dadaanan niya ako sa school ngayon.

Nang mag hapon ay pinatawag kami ni Terran sa gym pero sa gate ako nang school dumiretso, nag text kasi sa akin si Clyde na nandon na siya.

Malayo pa ako nang kunti sa gate ay nakita ko na agad siya, nagtatakbo ako sa kanya at mahigpit itong niyakap.

"Bakit ka nga pala napadaan?" Nang kumawala ako ay agad akong nag tanong sa kanya, hinila niya lang ako sa gilid kong saan may bench.

"Clyde, hindi ako pwede mag tagal may meeting kami sa gym"

"I know gusto ko lang idaan tong cookies na bake namin para sa fest sa school" Inabot niya sa akin ang isang paper bag at agad ko naman yong tinanggap. I kiss his cheeks in return.

"Siya nga pala na saan yong mga application paper? Dalhin ko na para bukas okay na" Agad kong kinuha ang bag ko at iniabot sa kanya ang mga application paper na pinapipirmahan sa kanya nina Terran.

"See you later na lang ha... kailangan ko na talagang pumunta sa gym eh" Tumango ito at hinalikan ako sa noo bago kami sabay na tumayo, hindi ko na siya naantay na maka alis dahil nagtatakbo na ako.

Ako na lang ang inaantay sa gym kaya nang dumating ako ay nag simula na ito agad. Sinabi lang ni Terran ang details about sa CAT training na magaganap pa naman next year. Ibinigay na din ang magiging uniform namin tuwing friday. Napairap lang talaga ako nang tawagin ang pangalan ko at bigla na lang umubo si Farrah, kaasar hanggang ngayon laki padin talaga nang problema niya sa akin eh.

Hindi naman yon nag tagal at umuwi na kami. Hindi ulit kami nag kasabay ni Clyde dahil may fest sila ngayon na hanggang gabi, maaga ako nakauwi kasi hindi naman kami nag lakad dahil medyo maga pa ang paa ni Eli. Kumulo tuloy ang dugo ko don sa Trisha na yon.

---

Christmas party namin ngayon. Napaaga ang aking dating kasi napaaga din ang gising ko kaya naman hindi na naman ako nakasabay kay Clyde, kaya naisipan ko na mag text sa kanya.

To: Commander

Clyde, sorry nasa school na ako eh

From: Commander

Ganon ba? Just text me if sasabay ka sa akin later, okay? I love you, sweetheart

Hindi ko mapuknat ang ngiti ko habang nagtitipa nang reply kay Clyde. Ang tagal tagal na naming nag I love you sa isa't isa pero hanggang ngayon kinikilig padin talaga ako.

To: Commander

I love you <3

"Jusko! Hindi ko kayo kinakaya ni C——" Nabitawan ko ang cellphone ko nang bigla na lang nagsalita si Eli mula sa aking likuran. Wait? Nabasa niya kaya? Syempre nabasa niya!

"Umamin ka kayo na ba?" Pinamulahan ako dahil sa sinabi niya kase hindi ko din alam, nakalimutan ko na kasing e clarify kay Clyde na sinagot ko na siya sa isip ko doon palang sa simbahan. I can't believe this it's been ages ever since that day pero hanggang ngayon hindi ko pa yan nasasabi kay Clyde!

"Alam ko na haha, feel ko lang na may karapatan akong malaman since dinamay niyo ko sa kaharotan niyong dalawa dati, hindi ko lang akalain sa wakas may label na kayo haha" Hindi ako sumagot at nag kunwaring may kinakalikot sa cellphone.

Paano kapag inasar niya si Clyde? Eh ni hindi nga alam nong tao na kami na pala. Masisiraan ako nang bait dahil sa kagagahan ko eh.

Buong party tuloy ay kating kati ako na makauwi para makipag kita kay Clyde para masabi ko na lahat pero nang matapos ang party ay nag aya silang kumain tapos naharang pa kami nina Levy sa gate, napasabunot ako sa ulo ko.

Sa restaurant daw kami nang Tita ni Levy kakain, mukhang mamahalin pero never pa naman kami nakakain dito ni Clyde.

We eat and talk stuff kaya hanggang makauwi ay hindi ko naalala kong bakit nga pala ako uuwi. Naalala ko lang nang katukin ako ni Vergel at sinabi na nasa swing daw si Clyde at nag aantay sa akin.

Nakatalikod ang swing sa pinto nang bahay kaya nakatalikod siya sa akin. Hindi muna ako lumapit at tinitigan lang ang lalaking nagpapatibok nang puso ko. God, I really love him.

Nang matitigan ko na siya ay dahan dahan akong naglakad at agaran siyang niyakap bago pa man niya maamoy na naman ako.

"Hey, handsome" Hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at ngumiti sa akin. Nanatili kami sa ganong posisyon bago ako umikot at umupo sa tabihan niya.

"What bring you here? Hindi ka nag text..." Hindi siya agad nag salita, huminga muna siya nang malalim.

"I came here kasi may sinabi sa akin si Three nang maka salubong ko siya sa bahay nila kanina" Nagulat ako, shit! Kakausapin ko nga pala siya.

"Clyde... I, ahm" I'm loss of words, paano ko ba naman kasi ipapaliwanag sa kanya ang lahat?

"Tayo na ba? I mean kong sinagot mo ko maaalala ko naman yon diba kasi it will be one of the happiest moments of my life, but I just can't remember, sinagot mo na ba ako?" Kitang kita sa mukha niya na naguguluhan talaga siya sa sitwasyon, it's my fault.

Inabot ko ang buhok niya at hinaplos yon bago ako tuluyang mag salita.

"Naaalala mo ba yong nag punta tayo sa simbahan, kong saan tayo naging illegally married keme mo?" I ask him and like a cute puppy he immediately nod at my question.

"We promise that we will not kiss each other in the lips hanggat hindi pa tayo but then we kiss that day kaya naiisip ko that the kiss was not just meant to be just a kiss but a kiss that proves na tayo na. Alam ko ang ano lang nang logic ko but ever since that day, kinonsidered ko na tayo na"

Pumikit ako kasi naman na rerealize ko kong gaano ka tanga yong logic na yon.

"So tayo na? All this time girlfriend na kita?" Tumango ako sa sinabi niya kaya agaran naman niya akong hinalikan sa noo.

"God, gulat na gulat ako kanina nang bigla na lang ako yakapin ni Three saying she's happy for me, that I deserve this happiness. I was so clueless, but I still manage to hug and say thank you" I hug him at katulad nang palagi naming ginagawa ay tumingin lang kami sa paligid.

We stayed like that hanggang sa mag gabi na kaya naman pinauwi ko na siya na hindi naman niya tinanggihan pa. Nang maka alis siya ay abot langit ang ngiti ko pag pasok sa loob nang bahay namin, ang saya lang nang mga nangyayari sana palagi na lang masaya.

I know I sound greedy kaya lang hindi ko na ata kaya kapag may masakit na namang nangyari sa buhay ko, quota na ako sa lahat lahat.

---

Bakasyon na. Madalas kaming umaalis ni Clyde para mag church visit, nakagawian na namin eh at isa pa na eenjoy ko talaga pag simabahan ang pinupuntahan naming dalawa.

Kahit sanay na si Papa sap ag alis alis namin dahil ginawa nadin namin to last vacation ay hindi padin nakakaligtaan ni Clyde magpaalam kay Papa nang personal, as in araw araw yon walang palya kulang nan ga lang ay ibigay na ako ni Papa kay Clyde eh.

That's how I typically spend my summer minsan naman ay siya na ang kusang nagsasabi sa akin na mag kipag bonding aki kina Papa o kaya namna sa mga kaibigan ko na guilty daw kase siya kase mas madalas ko na siyang kasama, sabi pa niya aybaka may galit na ang mga ito sa kanya na tinatawanan ko lang dahil impossible naman yong sinasabi niya. Hindi naman nagagalit sina Papa sa kanya lalo na ang mga kaibigan ko todo support pa nga sila sa aming dalawa eh.

Nong huling isang linggo naman nang bakasyon ay napag desisyonan na naming mag stay na lang sa bahay, medyo nakakapagod din naman na halos araw araw kaming naalis at isa pa baka magkapalit na kaming dalawa nang mukha.

Meron pa talaga kaming natitirang destination ngayong bakasyon pero ipinagpapaliban na lang muna namin saka na lang siguro marami pa namang oras para doon.

Nong pasko at New year naman ay sarisariling pamilya namin ang kasama naming nag cecelebrate so baka sa pasukan na pa kami makapag kit ana okay lang naman dahil hindi naman nawawala ang communication namin sa isa't isa.

Nakahiga ako ngayon sa sofa sa sala, kanina ay kausap ko sa video call sina Eli, nasa ibang bansa padin siya kasi doon nila naisipan mag celebrate ang alam ko nga ay dapat kasama sina Clyde, kaya lang ay hindi daw kasi talaga mag kasundo ang stepmother niya at ang Tita Veron niya kaya sa bahay na lang sila nag celebrate mas enjoy pa daw.

Kanina pa ako nag iisip kasi malapit na kami mag anniversary, not that kailangan pa yong e celebrate ni hindi nga aware si Clyde na yon ang araw na naging kami. Hindi na namin napagusapan kong ano ba talaga ang araw na naging kami, yong sa simbahan ba o yong sa labas nang bahay kaya naman inisip ko na baka yong sa simbahan.

Basta nahihirapan ako sa pagiisip kasi hindi naman mahilig sa mga material na bagay si Clyde kasi halos lahat naman nang gamit na gusto niya meron siya. Naiisip kong mag luto pero hindi ko naman alam kong anong lulutuin kaya na stress ako sa pagkakahiga ko dito sa sofa.

Ilang minuto ang nakalipas ay narinig kong bumababa si Vergel kaya tumayo ako sa pag kakahiga at hinigit siya paupo, baka may alam siya na magandang lutuin.

"Vergel, ano kayang pwede kong lutuin para sa Kuya Clyde mo?" Nagtataka itong tumingin sa akin bago nag isip din, nakatinggin lang ako sa kanya hanggang sa nakaisip na siya.

"Leche flan, di ba favorite yon ni Kuya Clyde?" Tama naman siya favorite naman talaga yon ni Clyde kaya lang pag naririnig ko talaga ang salitang yon naalala ko ang nanay ko.

Dulce, matagal nang wala sa buhay mo ang babaeng yon si Clyde na ang nandiyan kaya kalimutan mona konektado yan sa babaeng yon bagkus isipin mo na lang na favorite talaga yan ni Clyde.

Ngumiti ako sa kapatid ko bago ako nag search online nang ingredients, mag practice na akong mag luto ngayon. Nang ma search ko ay tiningnan ko kong meron ba kami nang lahat nang kailangan at nang ma kumpleto ay nanonood ako nang ilang youtube videos at nag simula nang mag luto.

Nahirapan ako kasi ang palagi ko lang naman niluluto ay ang kanin at ulam hindi pa ako kailanman nag luto nang dessert, iniisip ko na lang na para naman to kay Clyde laya ayos lang na mahirapan.

After continues trying ay sa wakas may naluto ako na maayos ayos ang lasa. Hindi siya kasing sarap nang mga normal na leche flan pero may ilang buwan pa naman ako para aralin to kaya hindi ako mawawalan nang pag asa.

Nang matapos ay nilinis ko ang lahat nang kalat at nilagay ko muna sa ref ang leche flan na niluto ko bago ako umakyat at naligo. Nang makapag bihis ay nag patuyo lang ako nang buhok gamit ang blower at agad akong nahiga, nag text ako kay Clyde na tutulog na ako dahil napagod ako ngayong araw bago ako tuluyang dinalaw nang antok.

Sa natirang isang araw bago ang klase ay ang pag practice padin kong paano mag luto ang inatupag ko kaya hanggang mag umaga at mag pasukan na ulit ay hindi ako naka pag text kay Clyde.

Bihis na ako at palabas na kong saan ko naabutan si Clyde, patakbo ako nag punta sa pwesto nito at niyakap siya.

"Sorry, nakatulog na ako"

"Sweetheart it's okay, I understand so tara na?" Tumango ako at sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya, pinagbukasan niya muna ako nang pinto bago tuluyang sumakay.

Mabilis ang naging byahe dahil walang traffic, humalik lang ako sa pisnge niya bago ako tuluyang pumasok sa loob. Sa gym ako dumiretso dahil nag chat kaninang umaga si Terran at may meeting daw.

Pag dating ko don ay naabutan ko sina Eli sa gilid kaya agad akong umupo sa tabi nila at agad namang nag salita na si Terran.

"Sabi ni Sir Andy by partner daw ang pasigaw next week, para walang gulo ako na gumawa nandon sa mesa yung listahan ng partners, papaalala ko lang ulit walang malalate sa lunes utang na labas na! Ako kakatayin ni Sir Andy" Natawa ako saglit bago tuluyang tumayo para pumunta sa lamesa kong san nakalagay kong sino ang mag kaka partner sa pasigaw next week.

"Kung wala na kayong concerns regarding sa happenings next week ididismiss ko na kayo papatawag ko na lang ulit kayo pag may mga kailangan ako sabihin, sabihan niyo yung mga wala na please wag mag palate sa lunes sa ibang araw na lang basta wag sa monday, Hoy! Eli! Ceshiah! D-dulce, pasabi kay Saros ha!" Narinig kong sabi ni Terran bago ko nakita na papalapit na si Eli at Ceshiah na nakatinggin sa isa't isa at natatawa. Problema nang dalawang to?

Busy ako sa pag titingin nang biglang nag salita nang malakas si Ceshiah sa gilid.

"Hayop na yan! Bakit si kirara ang kapartner ko?! Pota!"

"Ikaw talaga, hinaan mo nga yang boses mo! Mamaya marinig ka na naman non mag away na naman kayo"

"Tama si Eli, grade nine pa tayo mag kaaway na kayo di kaba nagsasawa? Kasi ako umay na" Seryososong pagkakasabi ko habang busy padin sa paghahanap nang lintek na pangalan ko. Saang lupalop ba ako nilagay ni Terran?

"Nakakahiya naman sayo no?! Baka nakakalimutan mo kung bakit mag kaaway kami aber, kung hindi ka indenial edi sana hindi ko nakaaway yan!" Ang sabihin niya galit padin siya na hindi man lang siya naka sabunot kay Farrah dati kase pinigilan siya ni Brei.

Hinayaan ko na lang na mag reklamo si Ceshiah para hanapin ang pangalan ko pero napatigil nang kalabitin ako ni Eli.

"Si Terran kapartner mo wag ka ng mag hanap" Ngiting aso ito sa akin, may mga sapak ba sila?

Nang malaman na namin ang lahat kong sino ang kapartner namin ay umakyat na kami, kakaunti lang ang pumasok pero mas gusto ko yon para tahimik ang room ang iingay nang iba eh nag yayabangan lang naman sa mga pinuntahan nila nong christmas break.

Tahimik lang ako sa gilid habang nag uusap sila about sa entrance exam, alam ko na naman kong saan ko gustong pumasok kaya kahit hindi ako makisali sa usapan nila ay ayos lang kasi matic na naman na kasama ako bukas.

Pero nang bigla na lang napunta ang usapan kay Emman at Eli mas nakinig ako. Hindi ko naman alam na meron nang sila, na nag kakamabutihan na sila kasi last time talagang ang gulo nang paligid nila.

Nagkaiyakan pa tuloy kami sa labas nang school. Bakit ba kasi naiisip ni Eli na huhusgahan namin siya? Hindi naman namin yon gagawin pero hindi ko din naman siya masisi kong iniisip niya yon, sa dami nang mga nanghusga sa kanya last year dahil doon sa issue siguradong nahihirapan padin siya kahit hindi siya mag sabi.

Ang mahalaga umuwi kami nang araw na yon na walang hinanakit, masaya ako na kahit papano nagsasabi na sa amin si Eli nang mga problema niya hilig pa man din niyang mag tago.

Sa sumunod na araw ay mag hapon ko na namang hindi na replyan si Clyde dahil nag exam kami sa school kaya para pambawi ay kikitain ko siya ngayong linggo.

Nakaligo na ako at nag bihis na, dress lang ang suot ko mag sisimba kasi kaming dalawa ngayon eh.

Wala si Papa sa bahay dahil may aasikasuhin siya sa trabaho at si Vergel naman ay may practice kasama nang mga ka grupo niya kaya ako lang mag isa.

Busy ako sa pagtitingin nang mga saksakan nang bigla kong narinig na may pumasok, agad akong humarap doon at nakitang si Clyde yon. Abot langit ang ngiti ko na lumapit dito at yumakap pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi niya ginantihan ang yakap ko kaya kinalas ko yon at humarap sa kanya.

"What's wrong? Galit ka pa din ba dahil hindi na naman ako naka pag reply kahapon? Sorry busy lang talaga ako babawi ako sayo promise" I even kiss his cheeks kaya para siyang natauhan at pilit na ngumiti sa akin.

"May problema ba?" Nag aalala na ako kasi hindi naman ganito si Clyde.

"N-nothing, sweetheart. Ano t-tara na?" Nagtataka akong tumingin dito, may kakaiba talaga sa kanya kaya imbes na sumagot ay tinitigan ko lang siya.

Meron siyang problema! Hindi siya makatinggin nang diretso sa mata ko!

Minutes past pero walang nagsasalita sa amin kaya alam ko na may problema siya na hindi sinasabi sa akin. Alam ko na nag sinungaling ako sa kanya about doon kay Eli pero hindi naman ata tama na gagantihan niya ako ngayon, hindi naman ako mapapakali kong ganito siya sa buong araw na mag kasama kami ngayon.

"Seriously Clyde? What's wrong? Can you tell me, please?" Tumingin siya sa akin nang seryoso bago tuluyang akong hinila para mayakap. Sobrang higpit nang yakap niya na parang ayaw niya ako pakawalan, na para bang pag niluwagan niya ay agad ako mawawala sa harapan niya.

"Sweetheart... I love you so much" It's sweet kaya lang imbes na kiligin ay mas lalo akong kinabahan.

"Remember this, whatever happen please don't leave me, don't ever leave me sweetheart kasi hindi ko kaya. You're my life now and I'll do anything to keep you, I love you"

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 364 16
Pagod ka na bang maging saling-pusa at gusto mo namang maging bida sa puso ng iba? TAWAG NA.
69.8K 1.8K 53
A story of a Up's and down's Of one girl and a man
274K 17.1K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...