MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

184K 8.7K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 3 - Jealousy
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 29 - Warned

3.2K 156 28
By AleezaMireya


"Ate, uuna na ako," ani Kate nang dumungaw sa pinto ng kitchen ng bakeshop.

Bumaling siya kay Lilibeth, ang assistant niya sa bakeshop. Schoolmate niya ito noong college kaya kilala na niya noon pa man ang babae. At ito na ang hin-ire niya dahil ni-refer rin ng isang kaibigan niya, na pinsan nito. Inilalagay na ni Lily ang edible print na SpongeBob SquarePants characters sa number cake na for pick-up bukas.

"Sumabay ka na kay Kate, Lily. Ako nang bahalang magtapos niyan."

"Okay lang?" nag-aalangang tanong ni Lilibeth, pero kita niyang gusto na rin naman nitong umuwi talaga.

Tumango si Pretzhel, "Okay lang. Ibo-box na lang naman iyan. Patapos na rin naman ako dito sa cupcakes. Isang dozen na lang."

Tumingin si Lily sa mga cupcake na nalagyan at lalagyan pa niya ng frosting. "Pero i-e-airbrush mo pa iyan at lalagyan ng toppers, di ba?"

"Mabilis na iyon. Sige na. Umuwi ka na. Unahin mo na muna si Chuchay. Kawawa naman ang bata," taboy niya rito. Si Chuchay ay ang dalawang taong gulang na anak nito. Kanina pa tumatawag si Lily sa bahay ng mga ito para kumustahin ang anak na may sakit.

Ngumiti si Lily habang kinakalag ang tali ng apron na suot. "Salamat, Pretzhel. "

Muli siyang tumango. "Ingat kayo. At Kate, pakilock na lang ang glass door paglabas ninyo."

"Sige, Ate. Pero ibibilin ko na rin kay Kuya Aldo na narito ka pa," tugon ni Kate.

Mula nang nangyari ang pagkuha kay Riah ng mga security guards ng ama nito ay nagpalagay na rin ang kuya niya ng guwardiya. Pero hindi lang bakeshop niya ang binabantayan nito. Every now and then ay naikot ang guwardiya sa building premises para mag-check.

At para makasiguradong ligtas siya, lalo na kapag ginagabi at nag-iisa na sa bakeshop ay inilo-lock niya ang glass door.

Nang mapag-isa ay tumawag siya sa kanila para ipagbigay alam sa ina na gagabihin siya nang uwi at may gagawin pa sa bakeshop. Sinabi na rin niya na mauna nang maghapunan ang mga magulang dahil hindi niya alam kung anong oras siya matatapos sa ginagawa. Matapos makausap ang ina ay binalikan niya ang pagpo-frosting sa cupcake. Pero hindi pa siya natatagalan sa ginagawa nang tumunog ang cellphone.

Video call from Riah.

They'd been in constant communication since Riah's engagement to her brother. Inako ni Pretzhel ang bulk ng arrangement sa kasal nito bilang tulong sa future sister-in-law. Idagdag pang excited din talaga siyang gawin iyon.

Busy is an understatement to what Riah has been going through. She'd been under a lot of stress since she returned home. Riah is still grieving from her mother's untimely passing. Bukod sa pagluluksa ay hindi pa rin maayos ang relasyon nito sa ama. Marami na nga itong issue sa personal na buhay, dumagdag pa roon ang mga responsibilidad na dapat nitong gampanan. Si Riah ang sumalo sa trabahong naiwan ng namayapa nitong ina sa foundation na ang ina mismo nito ang nagtayo. Bukod doon ay bumalik din ito sa law school.

At ang schooling nito ang kumakain ng oras ng babae. Kaya nga maging ang kuya Gabriel niya ay sa Davao na napunta sa tuwing military break nito para lang makasama ang fiancée.

Ang work around naman nila para masiguradong ang gusto pa rin ni Riah ang masusunod ay nag-uusap sila in advance. Inaalam na muna ni Pretzhel ang agenda ng meeting, mag-uusap sila ni Riah at siya na ang magre-relay ng desisyon nito sa wedding coordinator at suppliers. Riah even gave her the freedom to decide on her behalf. Pinili lang nito ang venue, blush pink motif, at mga bulaklak na gagamitin sa bouquet nito, the rest, bahala na raw siya. Ayon dito ay ang pinakamahalagang bagay ay makasal ito sa kuya niya. Wala na raw itong pakialam sa iba.

"Hi, Ate Riah!" aniya nang sagutin iyon." Kumusta? How's school?"

"Okay naman. Surviving," Riah smiled. Bakas sa mga mata nito ang kawalan nang maayos na pahinga. Base sa video display ay nakapatong sa dining table ang cellphone nito. They'd been talking so much these past months that she became familiar with the interior of Riah's condo, kahit hindi pa siya nakakarating doon. "Nasa bakeshop ka pa?"

"May tinatapos lang. For pick-up na kasi ito bukas," aniya na ipinakita ang bench na puno ng cupcakes na nilalagyan pa niya ng frosting. Pagkatapos niyon ay ipinatong na rin niya sa bench ang cellphone. "Anyway, nakita mo na 'yong picture ng infinity dress na pinadala ko?"

Tumago si Riah. Nagtakip ito ng bibig para itago ang paghikab. "Sorry," anito kinalaunan.

Ngumiti siya. Nakaramdam ng habang para sa babae. "Okay lang. I'll give you quick update para makapahinga ka na, Ate."

Muli itong tumango. Naghikab na naman.

"Sabi ni Nicolette ay ready na ang lahat ng dress next week. Pwede ko nang pick-up-in. Nasa akin naman na ang address ng mga bridesmaid mo, ipapadala ko na lang sa kanila."

Ngumiti si Riah. "Thanks, Pretzhel."

"At yung invitation din pala. Nagsabi na sa akin ang printer na ready na for pick-up na. Kukunin ko na bukas. Open naman daw sila ng half day kapag saturday. Sure na ba kayo sa guest list? Final na iyon? Ime-mail ko na rin kasi ang invitation."

"May madadagdag pang lima. I'll send you the names and address later."

"Okay. Mayroon pa tayong five invitations na pasobra. Let me know kung may idadagdag pa. At saka na place ko na rin ang order para sa wedding favors ninyo. I'll let you know kapag dumating na. And I'll add din yung names ng addition guest mo sa seating arrangement"

"Okay. And Pretzhel, thank you very much."

"Sus, wala iyon, Ate. Ikaw pa ba. Basta may naisip ka o gustong gawin sa wedding mo, let me know. Ako ang bahala."

Tumango ito. Muli na nang humikab. "Sorry. Malapit na ang finals kaya laging puyat at hindi na makatawag lagi sa iyo. Ako ang ikakasal, pero sa nangyayari, parang guest lang ako sa kasal namin. Basta na lang darating."

"That's okay, Ate. Just focus on your study."

"I'll be forever grateful for your help, Pretzhel."

"Sus! Wala ito. Advance gift ko ito sa inyo ni Kuya. Basta mag-rest ka lang, Ate." Napangiti siya nang makita kung sino ang dumaan sa likuran ni Riah. "Hi, Kuya Gab!"

Saglit lang muling lumabas sa screen ang kuya niya. May dala itong pinggan na ipinatong sa harapan ni Riah. Hindi napigilan ni Pretzhel ang mapangiti. At maging proud. Alam niyang magiging mabuting asawa at ama ang Kuya Gabriel niya.

"Ang cute mo, Kuya. Bagay na bagay!" biro niya nang muling lumabas sa screen ang kapatid. Sinundan niya iyon ng malakas na pagtawa.

Maging si Riah ay napatawa. "Sorry, Gab. Promise, bibili ako ng ibang kulay na apron for you. Yung hindi floral."

"No need. Sabi nga ni Pret, ang cute ko, di ba?"

Hindi nahagip ng screen ang kuya niya pero may kung anong ginawa dahil ang kasunod na nakita niya ay ang paghalakhak ni Riah. Ang kasunod na nakita niya ay pagdukwang ni Gabriel at paghalik nito sa labi ng tumatawa pa ring fiancée.

"Ewwww! Gross! Ba-bye na!" kunwaring reklamo niya. Pero ang totoo, natutuwa siyang makita kung gaano kamahal ng dalawa ang isa't isa.

"Nasa bakeshop ka pa? Gabi na, ah. Kumain ka na ba?" tanong ng kuya niya na halos sakupin na ng buong mukha ang screen ng cellphone.

"May tinatapos lang ako, kuya. In less than an hour, tapos na rin ako. Si Ate Riah na muna ang asikasuhin mo. Pakainin mo muna siya," paiwas na sagot niya. Tiyak kasing sermon ang aabutin niya sa kapatid kapag nalaman nito na ipagpapaliban niya ang pagkain para sa trabaho. "Bye na muna. Love you both! Nag-iingat kayo lagi."

"Teka! Sandali! Gusto talaga kitang makausap na bata ka."

Biglang kinabahan si Pretzhel. Kilala niya ang tonong iyon, lalo naman ang kaseryosohan sa mga mata ng kuya niya.

"Bata? Kuya naman! Hindi na ako bata!" Kunwa'y maktol niya.

"You will be forever my baby sister, Pretzhel."

"Baby sister? Malaki na ako, Kuya. Kahit nga si Papa, hindi na baby ang turing sa akin. Gosh! Kung gusto mo ng baby, nariyan si Ate Riah. Gumawa na kayo. Sige na. Go forth and multiply. Ba-bye!"

"Alam ko ang ginagawa mo. Wag mong ibahin ang usapan, Pretzhel. Baka akala mo na dahil narito ako lagi sa Davao ay hindi ko malalaman na madalas kayong magkasama ni Sales, Pretzhel."

Pretzhel bit her tongue but fought the guilt from showing in her face. "Ano naman ang masama kung magkasama kami, Kuya? It's not as if you didn't know na nililigawan niya ako."

"At iyon nga mismo ang ayaw ko. Wag kang magpaligaw doon. At wag kang sama nang sama sa kanya, ha. Kung saan-saan daw kayo punta nang punta. Di ba't noong isang linggo ay pumunta kayo sa Anvaya? May dinner by the beach pa? Anong oras ka hinatid ni Sales?"

Nakagat niya ang labi. Mag iisang linggo na ang nakararaan nang huli silang nagkita ni Clifford. Pagkatapos ng namagitan sa kanila ay nanatili lang si Pretzhel sa kama. Binalikan siya doon ni Clifford, binuhat at dinala sa master's bath. Nagbabad siyang mag-isa sa bathtub habang si Clifford ay muling bumalik sa kwarto. Malaki ang naitulong nang maligamgam na tubig sa nananakit na kalamnan niya. Binalikan siya ni Clifford doon kinalaunan. Pinaliguan siya nito, tinuyo ang katawan, ibinalot sa roba saka siya binuhat at ibinalik sa kama, na napansin niyang iba na ang cover.

Pinagpahinga siya ni Clifford at nagpaalam na iiwan siyang saglit at magluluto lang daw ito ng kakainin nila. Saka ito lumabas na dala ang balumbon ng bedsheets.

"Nasa bahay na ako bago mag-alas diyes ng gabi, Kuya."

At sinadya nila iyon ni Clifford. Wala nang mga kamag-anak nila ang nakatambay ng ganong oras sa labas ng bahay. At maging magulang niya ay nasa kwarto na rin ng gano'ng oras. Pagdating sa bahay nila ay uminom kaagad si Pretzhel ng pain reliever. And it helps bigtime dahil maayos siyang nakakilos the following day.

"Iwasan mo ang pagsama-sama sa lalaking iyon, Pretzhel. Wala akong tiwala sa Sales na iyon," salubong ang kilay na salita ni Gab.

Pinaikot niya ang mga mata, "Walang tiwala? Di ba, best friend mo siya?"

"Kaya nga wala akong tiwala sa mokong na iyon! Mabuti siyang kaibigan. Wala akong masasabi. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa kanya sa giyera. Pero hindi kita kayang ipagkatiwala sa kanya," umiling pa si Gabriel. "Nakita ko mismo, naming lahat, kung ilang babae ang pumunta sa PMA para bisitahin siya. May insidente pang may dalawang babaeng sabay na pumunta para bisitahin siya."

Napamaang si Pretzhel.

"But that was such a long time ago, Gab. Nasa PMA pa kayo. Malay mo naman, nagbago na si Clifford ngayon," salita ni Riah. "At saka iyang kapatid mo, maloko? Ang lakas kaya ng radar niyan. For sure na bago pa magawa ni Clifford ang magloko, nabuko na kaagad siya ng kapatid mo."

Umatras ang kuya niya kaya muling nahagip ng screen si Riah. Imbes na cellphone ay sa fiancée nakatingin ang kuya niya ng magsalita. "May usapan kaming magkakaibigan bago pa man kami grum-aduate sa PMA. May dalawang babaeng bawal naming ligawan. Kapatid at ex-girlfriend. Absolutely no touch. Off-limits. Kaya magtutuos kami ni Sales! Walang isang salita!"

Riah smiled. "It was called 'falling in love' for a reason, kind sir. It literally is falling without a tether. You can't control who you fall in love. At kung ma-fall in love man sina Pret at Clifford sa isa't isa, ano naman ang masama? Single naman sila parehas."

"Not if I can help it! At alam na alam naming magkakaibigan ang MO ni Sales. Ang nililigawan lang niya ay iyong alam niyang may gusto sa kanya at mabilis na madadala sa kama."

Umangat ang kilay ni Riah. Umismid, "At ikaw ay hindi? Oh, please, kind sir, hindi ba't ikaw rin naman? Unang beses na nagkita tayo ay iyon din mismo ang gusto mong gawin sa akin. Wag mong subukang itanggi. Ikaw mismo ang nagsabi."

Ngumisi si Gabriel. "Pero, honeypie-"

"Galit lang talaga ang magnanakaw sa kapwa niya," umiling na putol ni Riah sa pangangatwiran ng kuya niya. "Leave the decision to Pretzhel. Malaki na ang kapatid mo. She's very smart, too."

"Basta! Hinding-hindi ko ipagkakatiwala ang baby sister ko kay Sales. Hindi sa isang lalaking nanamantala ng kahinaan ng babae at walang palabra de honor."

Nakagat ni Pretzhel ang labi.

Muling bumaling ang kuya niya sa kanya, "Kaya ikaw, Pretzhel, wag kang magtiwala doon. Wag kang magpaligaw. Bastedin mo na. Maloko sa babae iyon. Dumistansiya ka," seryosong utos nito.

And seeing the look in her brother's eyes, Pretzhel knew better than to just say yes. Spoiled siya dito, pero alam din niya kung kailan hindi uubra ang request at kalokohan niya sa kapatid. At isa ang sandaling ito sa mga sandaling alam niya na walang halong katiting na biro ang utos ng kuya niya.

Muling humikab si Riah, this time, may tunog pa.

Pret used that opportunity. "Sige na. Bye na. Kumain at magpahinga ka na muna, Ate Riah! Love you both! Mwah!"

Hindi na niya inaantay na sumagot ang kahit na sino sa dalawa, mabilis niyang in-end ang video chat.

Pretzhel chewed on her lip. Tiyak na malilintikan siya sa kuya niya kapag nalaman nitong hindi lang siya basta nagpaligaw, sinagot na niya si Clifford. At mas malaking gulo kapag nalaman nito na hindi lang puso ang ipagkatiwala niya kay Clifford, maging ang sarili. Ang lahat-lahat ay ibinigay na niya sa lalaki.

Kinapa ni Pretzhel ang dibdib, pero wala siyang nadaramang pagsisisi. She'd seen how invested Clifford is in spending the rest of their lives together. And he literally is 'spending' for their future. Kung gusto lang siyang maikama nito ay hindi ito gagastos ng milyon-milyon.

Alam ng mga magulang niya na bumili ng lupa si Clifford sa Anvaya. Pero ang naging lakad nila noong isang linggo na pakikipag-usap sa contractors ay inilihim na muna nila, ayon na rin sa gusto niya. Ang alam ng lahat ay nanliligaw pa rin si Clifford. At oras na malaman ng mga ito na magpapatayo na sila ng bahay ni Clifford ay katumbas na iyon nang pag-amin nila na sila na.

Clifford and Pret made a fact that they would announce their relationship the day after her kuya and Riah's wedding. For sure na madaling matatanggap ng Kuya Gabriel niya ang relasyon nila ni Clifford dahil masaya pa ito.

Sumulyap siya sa orasan. Alas siyete na. She better hurry up para makauwi na. Maaga pa naman ang commitment pick-up time niya sa invitation bukas.

Muli niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Pinupunasan na ni Pretzhel ang bench nang muling tumunog ang cellphone niya. Tawag mula kay Clifford.

"Hi, sweetheart!" masiglang bati ni Clifford nang sagutin niya ang tawag.

"Hi!"

"I'm outside. Let me in."

Kumunot ang noo niya. "Anong outside?"

"Outside. Labas ng bakeshop. Let me in."

"What? Nandito ka?" aniya mabilis nakalabas ng kitchen. And true enough, nasa labas nga ito. Sa tapat ng glass door. Ang isang kamay ay hawak ang cellphone sa tapat ng tenga habang ang isa ay hawak ang basket na madalas paglagyan ng pagkain ng ina sa tuwing magpapadala ng pagkain sa bakeshop.

Pinutol niya ang tawag at mabilis na binuksan ang pinto. "You're here! Friday pa lang, ah!"

Continue Reading

You'll Also Like

455K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...
13.7K 358 30
Criswell Danielle Garcia comes from a poor family. They only farmed on a small piece of land owned by her father. With her mother's help they lay tog...
191K 8.9K 52
It was supposed to be a tranquil night. Gabriel just got back from his military duty and is already sleeping soundly. It was supposed to be an ordina...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...