Rules of Love (UNDER EDITING)

By ricamae_porkss

3K 141 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 15

49 4 0
By ricamae_porkss

Chapter 15

"Is this your mother?"

Kinabahan ako nang mag tanong siya pero wala na namang mawawala kong malalaman niya ang itsura nang nanay ko kasi alam na naman niya lahat nang dinanas ko nang dahil sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at hinila ang isang upuan palapit sa tabi niya, kinuha ko mula sa kamay niya ang punit punit na family picture namin.

"Yeah, but seriously what's the point of asking ni hindi na nga makita nang ayos ang mukha niya"

"But the necklace was visible" Well, he's right but that doesn't matter. Everything related to this woman was nothing for me already.

"Let just put everything in the past, okay? I wanna be happy with you and in order to do that I need to forget this part of my past that is not really relevant to our relationship and lives today" Tumango siya sa akin bago ako hinalikan sa noo. Nag usap pa kami saglit bago kami nag pasya na bumaba para makauwi na siya, tanghali na kasi baka hanapin na talaga siya sa kanila eh.

Pagbaba namin ay naabutan na namin si Vergel na nakain, nag paalam lang si Clyde saglit dito bago kami tuluyan nang lumabas hanggang sa tapat nang sasakyan niya.

"Drive safely okay"

"Noted, I'll go now... bye" Kumaway ako dito at inantay na makapasok at maka alis na siya muna bago ako pumasok sa loob kong saan naabutan ko si Vergel na nakain padin. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa lamesa at humarap sa kanya.

"Hindi pa ba talaga kayo ni Kuya Clyde, Ate?" Nang maitanong yon ni Vergel ay bigla kong naalala kong ano ang nangyari sa simbahan kahapon. I think kami na pero dapat siguro ay linawin ko muna kay Clyde yon kaya hindi ko muna dapat sabihin sa kahit kanino.

"Hindi pa"

"Bakit ba pinapatagal mo pa Ate doon din naman babagsak eh"

"Vergel hindi naman label ang nag dedefine sa pagkagusto mo sa isang tao. Hindi ko to sinasabi para palampasin mo na wala kaming label ni Clyde gusto ko lang maintindihan mo na ang tamang pagibig nakakapag antay, okay?" Tumango siya kaya ginulo ko ang buhok niya.

Inantay ko lang siya matapos bago ako tuluyan nang umakyat para matulog ulit, kailangan kong sulitin ang lahat nang tulog na makukuha ko dahil pag nag kapasok na sigurado hindi na ganito kahaba ang magiging tulog ko.

Days past na hindi ko na namalayan na pasukan na at grade ten na kami. Grabe hindi ko akalain na gugustuhin kong manatili na lang sa grade nine para at least nakikita ko si Clyde kong kailan ko man gustuhin, siguro ako yong clingy at hindi siya.

Hindi nag bago ang class arrangement, kong sino lang din ang kaklase ko noon ay yon padin ang kaklase ko ngayon. Sa totoo lang kong pwede lang mag palipat nag palipat na kaming mag kakaibigan eh, ang toxic kasi sa section na to imbis na mag hilahan pataas, pababa ang ginagawa nila.

Naka upo lang kami sa likodang bahagi nang room namin. Dahil halos kakasimula lang nang school year ay hindi pa masyadong na attend ang mga teacher tas magugulat ka na lang exam na. Uso mag turo, yon ang gusto kong sabihin sa mga teacher pero pinipigilan ko ang bibig ko kasi wala namang maitutulong na mabuti yon sa akin.

Nang makaramdam ako na gusto kong mag banyo ay nag paalam ako sa kanila at agarang lumabas at dumiretso sa banyo. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas din naman ako at nag lakad na pabalik sa room kong saan ko na abutan si Levy na nag aantay sa labas nang room namin.

"Levy..." Hindi naman ako as in galit sa kanya kase wala naman akong karapatan magalit lalo na na hindi ko naman alam kong ano ba talaga ang kwento sa lahat nang nangyari last school year.

"Dulce, I am... ah"

"You want to talk to Eli? Bakit nandiyan ka lang, you should knock and excuse her wala naman kaming klase"

"I'm not sure if she wants to talk to me after what I did"

"Believe me she just wants her best friend back so talk to her already. Para namang hindi mo kilala si Eli"

"Yeah, I know but I can't help but to overthink lalo na alam ko talaga na nasaktan ko siya"

"Then say sorry and hear her out. Kong ano man ang maging desisyon niya whether she wants to keep you as a friend or not just accept it but before that talk to her" Ngumiti ako dito bago tuluyan nang pumasok sa loob nang room, as usual nag uusap na naman sila, hindi naman sila naubusan nang pwedeng pag usapan.

Hindi na ako nakisali at natulog na lang hanggang sa tapikin ako ni Nina at sinabi na tapos na daw ang klase at pwede na daw kami umuwi.

Hindi ako sumabay sa kanila kase may usapan kami ni Clyde na mag kikita kami. Nakaupo lang ako sa isang bench sa park habang nag aantay sa kaniya nang may mamataan akong pamilyar na mukha.

Nong una ay akala ko namamalikmata lang ako pero habang palapit sila nang palapit ay nakumpirma ko na kong sino sila.

Si Nina at Kuya Elvis!

Nagtataka ko kong bakit sila mag kasama pero hindi ako nag isip nang kong ano pero nang makitang biglang niyakap ni Nina si Kuya Elvis ay kong ano ano nang pumasok sa isip ko na hindi ko namalayan na may humigit na pala sa akin.

Nang tumigil kami ay nakita kong si Clyde yon. Nakatinggin siya kong saan nakatayo sina Nina kanina bago tumingin nang diretso sa akin.

"Sina Nina yon diba?" Hindi siya agad sumagot kaya naman mas tumingin ako sa kanya. He hates lying kaya alam ko na hindi siya mag sisinungaling sa akin.

"Yeah, but just don't tell Three"

"Why? "

"Clementine, sweetheart... it's complicated and besides let One talk to her sister, okay?" Naiintindihan ko naman siya kaya hindi na lang ako sumagot at tumango sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming sumakay sa kotse niya. Tinanong ko kong saan kami pupunta pero ang sabi niya lang ay kakain.

For sure sa mamahalin na naman niya ako dadalhin, nililista ko na nga kong magkano ang bill namin sa bawat kinakainan namin kasi ang balak ko pag nag katrabaho ako babayaran ko siya at sa puntong to kahit yata mag kanda kayod kayod ako sa pagtratrabaho hindi ko pa agad siya mababayaran. Wala na ba siyang mapaglagyan nang pera niya? Binabaon niya ako sa utang!

Hindi ako nag kamali nang makakita nang isang magandang restaurant sa harapan nang pinag parkan niya nang kotse niya.

I swear mag kaka impatcho na ako dahil sa mamahal nang kinakainan namin.

Pinagbuksan niya ako nang pinto at mag kahawak kamay na pumasok sa loob nang restaurant. Lumapit kami sa receptionist at sinabi niya lang na may reservation siya, we waited for couple of minutes bago kami sinamahan nang isa sa mga tauhan sa lamesa na naka assign sa amin.

Nang bigyan kami nang menu at nabuklat ko yon ay napairap na naman ako nang makita kong gaano na naman kamahal dito sa restaurant na to.

"Seriously? Can we just eat somewhere cheaper the next time?"

"Why? Wala ka bang nagugustuhan sa menu?"

"Not that kaya lang ang mahal talaga tapos ayaw mo naman ako pagbayarin. Hindi naman ako nag kagusto sayo para ikain mo ko nang libre sa mga mahal na restaurant, Clyde Theodore" Halos maubusan ako nang hininga pagkatapos sabihin yon samantalang si Clyde ay naka tinggin lang sa akin.

"I'm sorry I just wanna treat you something good"

"Kahit saan mo naman ako ikain basta ikaw ang kasama ko ay ayos lang hindi naman ako maarte o kaya kong gusto mo talaga sa mga ganito hayaan mo na hatian kita, okay?" Inabot niya ang kamay ko na nasa lamesa at mahigpit yong hinawakan. Inabot ko din yon gamit ang isa ko pang kamay at nag titigan kaming dalawa.

"Fine but please let me treat you today and I promise hati na tayo sa bill next time so order anything that you want at wag mo nang isipin ang presyo" Tumango na lang ako at tumingin ulit sa menu. Umorder lang ako nang tatlong dish tapos ay drinks at ganon din ang sa kanya.

While waiting for our order ay napatinggin ako sa paligid, halatang mamayaman lang talaga ang kumakain dito.

Hindi naman kami mahirap pero hindi naman na kailangan na dito pa kami kumain para lang patunayan yon sa ibang tao.

When our order finally arrives ay agad naman kaming kumain. We talked as if hindi kami palaging mag kausap, sadyang hindi lang kami nawawalan nang pwedeng pag usapan.

We eat for about an hour bago kami tuluyan nang nag pasya na umuwi dahil dumidilim na sa labas but before kami pumasok sa kotse ay nag picture kami sa labas, memories.

Habang nasa byahe ay hawak padin niya ang kamay ko. Hindi padin ako nakakapag pasama sa kanya na kumuha nang lisensya kasi naging busy siya sa bago niyang school. Ang alam ko ay nagbabalak siyang sumali sa student council sa bago niyang school.

Hindi na ako nagtaka pa kasi kahit saan mo naman dalhin si Clyde gusto niya palaging tumulong sa kong sino man ang pwede niyang tulungan. Kong hindi ko nga lang alam kong ano ba talaga ang gusto niyang kunin na course ay baka isipin ko na babalakin niya na tumakbong presidente nang Pilipinas, I could already imagine how great of a President he would be if that happened.

Nang maiparada niya ang sasakyan sa tapat nang bahay namin ay may inabot siya mula sa likodang bahagi nang kotse niya. Paper bag yon na inaabot naman niya sa akin.

"What is this?"

"Leche flan... I know that you're still not ready to meet my parents but my mouth always slips everything that is happening between us and my mom insisted to give that to you" Ngumiti ako sa kanya at hinila siya para mayakap.

"Thank you for understanding me. Hindi naman sa ayaw ko sila ma meet gusto ko lang na magugustuhan talaga nila ako sa oras na makilala nila ako, so let me collect every good thing about me first sweetheart" Pagkasabi ko non ay agaran akong bumaba. Narinig ko na bumukas at sumara ang pinto nang kotse niya kaya alam ko na sinundan niya ako kaya imbis na sa bahay ako dumiretso ay dumiretso ako sa swing sa gilid nito. Umupo ako doon at tinitigan si Clyde habang naglalakad palapit sa akin.

"What? Hindi ka pa uuwi?"

"Seriously? You're asking me that after calling me sweetheart?" Natawa ako at sineyasan siya na maupo siya sa tabi ko sa swing.

"Why? You don't like it?"

"What? Of course, I like it silly wag ka lang manggulat nang ganon" Natawa ako ulit bago ko tuluyang isinandal ang ulo ko sa balikat niya at sabay kaming tumingin sa langit, sa mga bitiwin.

"Clyde... do you think tayo na talaga hanggang dulo?"

"To be honest? I don't know, hindi ko naman alam kong anong mga pwedeng mangyari sa future but one thing that I know is that I will not let you go unless you told me to let you go" Ramdam ko ang malalalim niyang pag hinga habang sinasabi sa akin ang mga salitang yon kaya mas idiniin ko ang pagkakasandal ko sa balikat niya. Iniyakap ko na din ang mga kamay ko sa braso niya habang naramdaman ko na hinalikan niya ang ulo ko.

"That I will love you even though there is nothing to love anymore. It is you, Clementine ikaw lang ang gusto ko pero kahit gaano kita kamahal mas malaki ang respeto ko sayo kaya kong dumating ang panahon na gusto mo nang bitawan kita gagawin ko pero hindi ibig sabihin non titigil ako sa pagmamahal sayo cause this heart will only beat for only one woman and that is you, sweetheart" Naiyak ako. Alam ko din sa sarili ko na siya lang at alam ko din naman na hindi ko kailanman hihilingin na bitawan niya ako pero naiyak ako kasi ramdam na ramdam ko kong gaano na namin minamahal ang isa't isa.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya ipinikit ko lang ang mata ako at dinama lang ang presensiya niya sa aking tabihan. God, I love him so much.

Nag tagal kami sa swing nang ilang minuto hanggang sa mapansin kami ni Papa doon kaya tumayo kami para salubungin ito. Nag mano kami pareho at nag paalam na si Clyde kay Papa pagkatapos kami ihatid nito hanggang pintuan.

"Goodnight and please dr-" He cut me off.

"Drive safely I know, Clementine. Sige na malamig na sa labas mag pahinga kana" He kissed my forehead at sinundan ko lang siya nang tinggin mula sa hamba nang pintuan namin hanggang sa tuluyan na siya naka alis.

Dumiretso ako sa kusina para ibaba ang paper bag na ibinigay sa akin ni Clyde.

I hate leche flan kaya lang nakakahiya naman kong hindi ko man lang titikman kaya naman nang bumaba si Papa at Vergel ay binigyan ko sila. Nag aalalang tumingin sa akin si Papa habang si Vergel ay kain lang nang kain, ngumiti ako kay Papa at sinenyasan ko na lang siya na okay lang at kumain na.

But before I can even have a bite ay nagsalita si Papa.

"Saan to galing?"

"Ah... kay Clyde po, bakit po?" Tinikman niyang ulit ang leche flan bago tumayo at kinuha ang paper bag at humarap sa akin at kinuha din ang hawak kong leche flan.

"Ang sarap akin na lang"

"Pa-" Hindi ko pa nasasabi ang sasabihin ko ay nakaakyat na siya kaya naman umupo na lang ulit ako, tumingin kay Vergel na para bang naagawan kasi balak niya pang kumuha kaya lang ay itinakas na lahat ni Papa pataas kaya tinawanan ko to bago niligpitan ang iilang natirang maruruming plato.

Nang masigurong wala na ay umakyat na ako sa taas at nag half bath. Napagod ako kahit halos wala naman kaming ginawa mag hapon kaya natulog ako kaagad.

Exam day ngayon. Halos wala akong tulog sa pag review kasi naman halos hindi pa natuturo ang mga kasama sa pointers.

Nang makapasok ako sa room ay pinaguusapan padin nila yong sinabi ni Eli na crush niya daw mula sa kabilang school, ano nga bang pangalan non? Elias? Parang hindi yon eh nakalimutan ko na sa dami kong sinasaulo.

Naupo ako sa gilid at doon tahimik na nagbasa pero hindi rin yon nag tagal nang dumating si Carol at Eli.

"Major announcement drawing squad! Ang mayora may crush na! At guess what? Naghanap pa ng may girlfriend" Malakas na anunsiyo ni Aaron kaya naman tinigil ko na ang pag rereview at lumapit sa pwesto nila. Gusto ko malaman kong sino tong bagong crush ni Eli kasi simula kay Levy wala na yang natipuhan at isa pa naliliyo na ako sa kakaaral baka mamaya maging valedictorian na ako kaka review.

"Bakit?! Crush ko lang naman ah! Eh pake ko kong may girlfriend epal ka eh"

"Omg! Oyyyy! Aaron anong name? Gwapo ba? Taga saang school? Taga dito ba?"

"Dahan dahan mag isa kalaban, well base sa sinabi ni Carol sa group chat, Emman Luis yong name di lang ako sure sa surname basta bitch! Taga TCH siya at wag ka ang sherep ang gwaping bakla!"

"Emman Luis? Si Emman Luis Aguirre?"

"Aguirre? Kilala mo siya?"

Patuloy sila sa pagsasalita pero tahimik lang ako nakikinig hindi ko kasi alam kong paano sisingit sa mga bibig nang mga kaibigan ko.

Tinitigan ko lang sila hanggang nag pasaya sila na hanapin yong crush ni Eli na Emman daw ang pangalan sa facebook. Nahanap naman nila kaya lang malas niya kasi may girlfriend na pala, gwapo sana bagay kay Eli.

They were asking Eli kong type niya ba talaga kaya naisipan ko na sumingit na.

"Ge talon! Wag nga kami! Sabi mo crush mo lang din yong Levy tapos nong nakita mong nag ka girlfriend na may paiyak iyak effect kapa at pasabi sabi mahal mona napaka scam mo talaga"

"For your information lang! Kaya ako umiyak dahil pinaasa niya ako, may pa sweet sweet message pa siya sakin kesyo kumain na daw ba ako tas ighoghost lang pala ako tapos pag pasok ko may jowa agad ay wow lang talaga, pwede ba wag na nating ibalik yon goods kami ni Lev okay? At makapag salita ka parang hindi mo ko pinagselosan ah!" Nabigla ako nang ibalik na naman niya sa akin ang nagyari last year. Oo na pinagselosan ko na siya pero may karapatan naman ako mag selos. I mean ang ganda naman niya talaga. Siya yong klase nang babae na talaga namang magugustuhan ni Clyde kaya malay ko ba na mag pinsan sila, hello I was not informed!

"Shut up!" Yon ang huli kong sinabi bago tuluyan nang umalis para bumalik sa likod para mag review sa itsura nila sure ako na hindi na mag review ang mga yan dahil hook na hook sila sa crush nitong si Eli. Wala naman akong angal kasi Eli deserves to be happy.

Halos isang oras na ang nakalipas bago dumating yong proctor namin. Confident na naman ako na naaral ko yong mga dapat aralin pero iba padin talaga ang kaba kapag nasa harapan mo na mismo ang dapat mong sagutan, nakaka bobo.

Pag talaga ako naging teacher hindi ako gagaya sa mga teacher ko ngayon. Nag babayad nang tuition ang mga estudyante para matuto tapos hindi man lang sila nag tuturo, the heck. Sana nag home school na lang ako since ako din naman ang nag tuturo sa sarili ko.

Meron kaming tatlong exam for today at masaya ako na na survive ko yong lahat. Kanina pa masama ang tinggin ko kay Aaron, nanggagaya kasi siya kanina wala namang kaso kaya lang napaka ingay niyang manggaya kaya muntik na kaming mahuli kaya ngayon ay sinabi ko na mag review na siya para sa next subject niya bukas.

Dahil exam day ay maaga kaming uuwi kaya hindi ako makakasabay kay Clyde kasi mamayang hapon pa ang awas nila. Inaya ko silang kumain kasi nabalitaan ko kay Clyde na may bagong bukas na kainan don sa malapit sa simbahan.

Pumayag silang lahat kaya agad kaming nagsisakayan sa tricycle at agaran umorder doon sa bagong kainan. Habang nag aantay ay si Carol naman ang kinulit nila kasi nadulas ata siya kanina habang nag uusap sila tungkol doon sa crush nitong si Eli.

We eat habang nag kwentuhan sa walang katapusang karanasan ni Mau sa mga naka chat niya dati, halos lahat ata nang school may na ka chat siya pero wala siyang naka tuluyan. Ang alam ko isa lang naman ang naging ex-boyfriend nito hindi ko din masyadong alam kong anong nangyari between them basta isang araw sinabi na lang niya na wala na sila.

Hindi na ako masyadong nakikisali kasi medyo na drain pa ako sa naging exam namin ngayon tapos naisipan pa nilang maglakad kaya mas lalo kong na feel na pagod ako kahit hindi naman sobrang layo.

Nang nasa tapat kami nang manolo ay bigla na lang tumigil si Aaron kaya tumigil din kami.

"Bakla! Di ba yon yong crush mo?" Tanong niya bigla kay Eli kaya naman sinundan naming lahat nang tiggin kong saan ba nakatingging si Aaron at nagulat ako dahil iyon nga ata yong crush ni Eli.

"Tago niyo ko nakakahi——-" Pero hindi pa siya tuluyang nakakapagtago sa crush njya ay umiral ang pagiging gago ni Aaron.

"Ano?! Elijah Vera! Crush mo yon?! Yong Emman Luis! Ha? Crush na crush mo talaga?!" Ramdam ko na halos lahat nang nakapaligid sa amin ay nagtingginan kasi nag eeskandalo si Aaron.

"Haha, hindi po namin yan kilala" Rinig kong pagkakasabi ni Ceshiah sa babaeng tinggin nang tinggin sa aming gawi. Tinaggal ko ang tinggin ko don at tumingin ulit sa pwesto nong crush ni Eli at nabigla na ang sama nang pagkakatinggin nito sa pwesto namin. Ang tanga naman kasi ni Aaron napahiya din tuloy yong crush ni Eli.

Pulang pula ang mukha ni Eli dahil sa hiya kaya naman ako na ang humigit sa kanila para tuluyan na kaming maka alis. Hindi ko napigilan na batukan si Aaron kasi parang iiyak na sa hiya si Eli sa tabi nito.

"Sira ulo ka talaga"

"Ay wow! Girl... may back up future cousin yern? Haha" Hindi siya pinansin ni Eli at diretso lang siya sa paglalakad na tinawanan lang naman ni Aaron, basta kalokohan ang lakas lakas nang humor niya.

Naghiwahiwalay kami sa paradahan kaya hindi ko na alam kong naiyak na ba talaga si Eli sa sobrang hiya. Kong ako yon baka nasampal at nasapak ko na si Aaron sa sobrang lakas nang boses niya kanina.

Naging madali lang ang byahe kaya agaran akong nakauwi. Dumiretso ako sa taas at nag bihis bago bumaba at nag linis nang bahay at nang bakuran, mamaya pa naman ako mag review kaya magpapalipas na lang muna ako nang oras tutal ilang araw ko na din naman na hindi nawawalisan ang bakuran nang bahay namin.

Nang matapos ay nag luto naman ako nang pagkain namin at umakyat na para maligo dahil sobra akong pinawisan. Dumating si Vergel at nauna na din kaming kumain gusto sana naming intayin ang Papa kaya lang ang sabi niya ay mauna na kami at gabi na talaga siya makakauwi dahil sa trabaho.

Si Vergel ang nagligpit kaya umakyat na ako para mag aral. Nag text lang sa akin si Clyde na nakauwi na siya at wag na akong mag reply kasi madami pa akong aaralin. Ganon naman palagi ang set up namin kapag may exam naninibago lang kami ngayon kase hindi na sabay ang araw nang mga exam namin kase nga nasa ibang school na siya.

Ngayong naalala ko siya ay naalala ko din na kailangan ko nga pala siyang kausapin tungkol don sa relasyon namin. Para sa akin kami na simula nong kasal kasalan namin non sa simbahan sa nasugbu pero sigurado ako na hindi yon ang nasa isip ni Clyde, ayaw ko lang na isipin niya wala akong balak sagutin siya kahit ang totoo ay sinagot ko na siya sa isip ko nang araw na yon.

Nakikipagtalo ako sa isip ko kong pupuntahan ko ba siya sa kanila para sabihin yon o pakatapos na lang nang exam. Madali lang naman ang dalawang subject bukas kaya hindi ko naman kailangan mag review nang sobra tulad nang ginawa ko kanina.

Pabalik balik lang ako sa loob nang kwarto ko. Hindi kaya magulat siya kong bigla na lang ako magpapakita sa bahay niya? At isa pa for sure nandon ang parents niya! Ready lang ako linawin ang relasyon namin pero hindi ang makilala ang parents niya lalo na yong nanay niya, no gusto ko perfect na perfect ako sa kanya.

Maayos niyang pinalaki si Clyde kahit hindi niya to kadugo kaya malaki ang respeto ko sa kanya kaya gusto ko na sa oras na ipakilala ako ni Clyde ay wala siyang masasabi at makikita niya na talagang mahal ko ang anak niya.

Napasabunot ako bago nag pasya na mag bihis at bumaba. Dahan dahan lang dahil baka magising si Vergel, siguradong pipigilan ako non. Hindi pa naman sobrang gabi kaya hindi naman sobrang delikado at isa pa may alam naman ako pag dating sa self defense.

Nang tuluyan na akong nakalabas ay agad akong pumara nang tricycle at ipinakita ng address ni Clyde. Na chat niya kasi sa akin dati kong saan siya nakatira kasi may gustong ipadala si Papa sa kanya.

Medyo malayo ang bahay nila mula sa bahay namin pero matiwasay naman ako na nakarating doon. Nag bayad ako sa driver at tumingin lang mula sa labas. Malaki ang bahay niya, hindi kasing laki nang kina Julliana pero malaki lalo nat tatlo lang naman silang nakatira.

Nasa gilid lang ako kasi pinagiisipan ko pa kong tatawagan ko siya, may mga gurad at kasambahay kasi sa labas nang bahay kaya naman nandito lang ako sa gilid para naman hindi nila ako mapansin mamaya pag bintangan pa nila akong magnanakaw.

Tatawagan ko na sana si Clyde nang makita ko siya na kausap ang nanay niya. Nakaharap sa pwesto ko si Clyde at nakatalikod ang nanay niya sa akin. Malayo ako sa kanila kaya hindi ko sila naririnig basta ang alam ko masaya silang nag kwekwentuhan at nakangiti lang ako habang pinapanood sila.

Nagtagal ang pag uusap nila hanggang sa akbayan ni Clyde ang nanay niya at ipinasok yon sa loob, tumalikod ako at nag decide na bukas ko na lang kakausapin si Clyde tungkol sa relasyon namin ayaw ko naman na makaistorbo lalo nat nag uusap sila nang nanay niya.

Masaya ako na kahit pinagkaitan ako nang mundo nang pagmamahal nang isang ina, hindi yon naranasan ni Clyde kasi deserve niya lahat nang masasayang bagay sa mundo. He's kind and I know his family is kind too.

Pwede pala yon no? Na mag pasalamat ka nang sobra sa taong hindi mo pa naman nakikita nang personal, sa taong hindi mo alam kong ano ba ang itsura.

It sad that Clyde lost her biological mother at a young age but at least ibinigay sa kanya nang panginoon ang stepmother niya para gabayan at palakihin siya bilang isang mabuting tao.

Lalaking may respeto at puso para sa kapwa niya.

Her stepmother is one hell of an angel for bringing the best out of Clyde.

Baka pag nakita ko siya ay baka halikan ko siya sa sobrang pasasalamat.

Hindi na ako makapag hintay.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...