KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

808K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 44

7.2K 234 106
By Zoenia_01

Paint Cenery

NAKARATING na ako sa National Psychiatric And Custodial Homecare.
Napatitig pa ako ng ilang saglit sa main entrance kaya 'yung guard tinanong ako kung ok lang ba ako.

Kanina pa nang nasa jeep ako tinatawagan ko na si Roks 'di naman sumasagot. Out of coverage raw ni hindi rin niya naman sinasagot ang mga text messages ko.

Pero sa totoo lang 'di naman siya ang pinunta ko rito kahit nandito man siya.
Ang sadya ko talaga rito ay ang mga pasyenteng pinupuntahan nila. Pakiramdam ko kasi hindi ako makakatulog mamaya kung hindi ko pa rin malalaman. Possibleng mapuyat ako at lutang na naman sa klase.

Nang matapos na ako mag sagot ng form sa kung bakit ako bumisita rito sa hospital ay naglakad na ako papasok, palinga-linga ako sa paligid ngunit ang problema ay hindi ko na maalala kung saang kwarto ang pinuntahan nina Nanay.

Kaya napagdesisyunan ko na magpunta sa nurse station. "May tanong lang po ako. May bumisita bang Alice Ordencial dito?"

"Pasensya na po Ma'am, hindi po kasi pwede magbigay ng information na katulad ng gan'yan. Sorry po."

Napakamot ako sa noo ko dahil bakit 'di ko naisip na hindi nga pala basta basta makakakuha ng information.

Natigilan ako bigla nang maalala ko na rito nga pala nag t-trabaho 'yung baklang nurse na bumibisita kina Tatay. Siguro siya matutulungan niya ako.

"Ah si Nurse ano po--- ahmm si ano nga ba ulit 'yun?" sa pagkakataong 'to sa ulo ko mismo ako napakamot dahil hindi ko maalala ang pangalan niya.

Sa pagkakaalam ko. Hindi naman niya nabanggit ang pangalan niya. Hindi rin naman sinabi ng magulang ko kung sino siya. Sa totoo nga lang nagsinungaling sila saakin. Ang sabi pa nga ni Tatay taga singil daw ng utang 'yun pero hindi naman.

Teka nga lang, naisip ko lang. Bakit nga ba nagsinungaling sina Tatay no'n? Bakit 'di niya sinabi saakin na nurse 'yung baklang 'yun? Eh, wala namang big deal do'n? 'Di naman ako magagalit o kung ano man.

Pero ngayon na nalaman ko 'yun ay nag connect-connect na rin ang mga impormasyon sa isip ko. Kaya siguro laging nakikipag usap ang baklang 'yun kina tatay dahil do'n sa babaeng nakita kong kayakap ni Nanay.

Ang hinala ko pa naman noong nalaman kong nurse 'yung baklang 'yun rito ay baka dahil may mental problem din si Nanay katulad ko na gusto isekreto ni Tatay para hindi kami mag alala pero hindi pala.

Kaya ngayon kung hindi pala totoo 'yun. Eh, bakit nga ba naysinungaling si Tatay? At sino nga ba talaga 'yung babaeng kayakap ni Nanay?

"Hello ma'am. Ayos lang po ba kayo?Sino po?" napakurap kurap ako dahil natulala pala ako. Nabalik lang ako sa reyalidad nang pumitik sa harap ko ang nurse.

"Wala po nakalimutan ko na ang pangalan pero thank you nalang." tinalikuran ko na siya dahil wala naman akong mapapala do'n baka palabasin pa ako kapag pinilit ko na ibigay niya ang information tungkol sa pagbisita ni Nanay.

Naglakad lakad nalang ako at inalala kung saan nga ba 'yung kwartong 'yun. Siguro inabot ako ng sampung minutos bago ako tumigil at naupo muna sa upuan.

Palinga palinga pa rin ako sa paligid hanggang sa may namataan akong pamilyar na mukha na lumabas sa elevator.

Si Roks.

"Hoy!" nanlaki ang mga mata kong napatakbo sakaniya. Pinagtinginan pa nga ako ng ibang staff dahil sa lakas ng boses ko kaya napa peace nalang ako at pilit ngumiti.

Habang palapit ako ay napansin ko ang pagtiim ng bagang ni Roks. "Cenery.."

"Anong ginagawa mo rito?" masungit kong tanong saka pinag krus ko ang braso ko.

Kinagat niya ang kaniyang labi saka binigyan ako walang emosyong titig.
"You first, why are you here? I thought you'll stay in your house tonight?

Napintig ang tenga ko at napakunot ang noo ko dahil sa inaasta at tobo ng pananalita niy. Bakit parang siya pa ang galit?

"Wow, bakit mo binabalik ang tanong? Eh, ikaw nga sabi mo nasa work ka pero nandito ka?"

"I'm working." tipid na sagot niya kaya narealize ko bigla na oo nga pala tiyak na 'yung isa sa mga victim or mismong mga suspect na hawak niyang kaso ay narito.

Bakiy nakalimutan ko 'yun? Anak ng shooting star ako nga lagi nagsasabi nito kina Johnny pero nakalimutan kl na possible nga pala 'yun. Paint bobo era.

"And you?" tanong niya kaya napaiwas ako sa tingin niya. Ang intense kasi ng titig kala mo may malaki akong kasalan na nagawa.

"A-ah, ano kasi sinamahan ko lang 'yung kaklase ko." hindi siya gumalaw o kahit nagsalita man. Nakatitig pa rin siya, alam na alam kong hinihintay niya na magsabi ako ng totoo.

Napabuntong hininga ako saka malungkot na sinalubong ang mga mata niyang malamig. "Ok, ok. Gusto ko lang makita 'yung babaeng pinupuntahan nga ni Nanay."

Lumapit siya saakin ng bahagya at ewan ko pero bigla akong napatras. May mali kasi sa aura niya na hindi ko maipaliwanag kung ano.

"That's the reason why I'm here. I know you want to meet her and upon checking She's not here anymore."

Nagtiim ang bagang ko. Paanong wala na? Grabe naman ang coincidence na kung kailan ko siya hinahanap do'n pa nagkataon na wala na siya.

"Ha? Paanong wala na? Wala ka bang nakuhang info?"

"Her family decided to bring her home. Para doon nalang ituloy ang gamutan. Just like you, maaring magpunta na lamang sila rito para magpatingin."

Magtatanong pa sana ako sakaniya kung malalaman niya ba kung saan ang tirahan nila pero hindi ko na tinuloy dahil na rin aura niyang nakakatakot ngayon.

"Ah ok, sige na bye na," awkward kong saad saka mabilis na tumalikod pero nahablot niya lang ang kamay ko.

"Bye? I'll take you home." kunot noong sambit nito pero ngumiti ako ng tipid at inalis ang pagkahawak sa niya saakin.

"H'wag na nag w-work ka pa, e. Sorry na storbo pa kita," saad ko saka tumakbo palayo sakaniya.

Sadgirl yarn? Hahaha. Ang awkward kasi namin. 'Di ko alam sasabihin. Parang 'di kami magjowa, 'yung asta namin ngayon parang dating magkaklase lang na nagkasalubong at 'di naman talaga close sa isa't isa.

Ang seryoso niya naman kasi parang may pinagdadaanan siya na ayaw sabihin saakin. Hindi ko malambing o magawang magpabebe sakaniya ngayon. 'Di ako makakuha ng tyempo, e.

Nagtungo ako sa paradahan ng jeep para mag c-commute nalang sana ako. Uuwi nalang ako magisa kesa magpahatid sakaniya tiyak na magiging mas awkward pq kapag magkasama kami.

Weird talaga. Ano bang meron? May nangyari ba na 'di ko alam? O sadyang wala lang siya sa mood dahil pagod siya.

Palinga linga ako. Sinubukan ko na rin pumara ng jeep kaso nilagpasan lang ako dahil nga puno.

Napabalikwas ako nang biglang may humawak sa kamay ko. "Why so hard-headed today? What's your problem? Satingin mo ba hahayan pa kitang umuwi magisa ?" malamig na ani nito.

Huh? Bakit siya galit? Bakit ako pa matigas ang ulo at may problema? Eh, siya nga 'tong weird ang pakikitungo saakin.

Napayuko nalanh ako at 'di na sumagot. Bumuntong hininga siya at iginiya ako pabalik sa parking lot ng hospital.

"Did you ask your father about that girl?" biglang saad niya at ipinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan.

Napabusangot lang ako at pumasok na sa loob. "Oo nga ang kulit, 'di ba sinabi ko na 'to nung nag call tayo kanina. Tss, sa pagkakaalam niya daw nasa probinsya lahat ng kaibigan at kamaganak ni Nanay. Pero malay nga natin lumuwas dito sa Manila 'yon para magpagamot."

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makapasok din siya dito sa loob ng sasakyan. Napatingin nalang ako sa bintana saka sinulyapan ang hospital.

"Pero hayaan ko na nga. Siguro naman dadalhin ni Nanay 'yung babaeng 'yun sa bahay. "

Anak ng shooting star nasayang ang pagod ko hindi naman nasagot ang katanungan ko. Tiyak na hindi ako makakatulog mamaya at mas lalong lutang ako kinabukasan.

Bakit ba kasi ang chismosa ko?

"Do you think she will do that?"

Napatingin ako sakaniya. Diretso lang ang titig niya sa daan habang nagmamaneho.

Ano kayang tumatakbo sa isipan nito?

"Hindi pero sana.."

Natahimik kami ng saglit kaya naman inalala ko nalang ang senaryo sa hospital kanina. Kung paano yakapin ni Nanay ang babaeng 'yun. Hindi naman sa nagseselos ako pero sana all talaga. Pangarap ko makatanggap ng yakap mula kay Nanay pero 'di ko nakatamtan ni kahit panaginip nga 'di niya ako magawang yakapin.

Pero hindi naman ako naiinis do'n sa babae dahil lang sa parang sobrang special niya naman para maging gano'n si Nanay sakaniya.

Sa totoo lang nakakaawa nga siya. Parang super lala ng pinagdaan niya. Kahit nakatalikod ang angulo niya no'n. Alam kong nakatulala lang siya na para bang nab-blanko ang isipan niya. Ramdam kong masyado malalim ang pinagdadanan niya.

"Pero seryoso kawawa talaga 'yung babaeng pinuntahan ni Nanay. Ano kayang nangyari sakaniya? Hmm.."

"Do you want me to imbestigate?" gusto ko sana pumayag sa offer niya ang kaso baka abala sa trabaho nito nakakahiya naman sakaniya.

"Hoy abala pa, h'wag na. Baka magalit pa si Nanay kapag nalaman niya. Alam mo naman 'yung ugali no'n."

"Yeah.." napakunot ang noo ko dahil sa naging tugon niya. Kala ko pa naman pipilitin niya ako tapos biglang umagree agad saakin? Hmp.

Napairap nalang ako at tumingin nalang sa labas ng bintana. Na b-bwiset na talaga ako sakaniya, ha.

Konti nalang to-toyoin na ako.

Biglang may nag ring na phone. Napatingin ako sa hawak ko pero hindi naman 'to kaya alam ko ng kay Roks 'yun.

"Good evening. Yes. Ok, ok. Thank you." saad niya at pagkatapos ay binaba niya ang telepono at sinulyapan ako.

"Sino 'yun?"

"Your doctor. She askef if you're free today for check-up. Wala raw siya bukas."

"Eh, didiretso tayo do'n? Gan'to suot ko?" napatingin ako sa suot kong tokong na itim, puting t-shirt at tsinelas.

"Yes but if you're not comfortable. Let's go to my house first."

Tumango nalang ako. Buong byahe papunta ng bahay niya tahimik lang kami. Yes, oo sobrang awkward. Wala naman na akong maiopen na topic kahit gustong gusto ko siya kausapin.

Nang makarating kami sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at 'di ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Roks, I love you.." parang nanigas siya sa kinatatayuan niya kaya nataka ako pero hindi kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Sabi ko, I love you.." ulit ko pa dahil hindi niya ako kinibo sa una.

Niyakap niya lang ako ng hindi gano'n kahigpit taliwas sa dati niyang ginagawa. "Uhmm, same."

Simula nang gabing 'yun alam ko nang may mali na talaga. Oo, may problema
pero hindi ko mawari kung ano. Bigla siyang nag iba. Meron na bang iba? Nyeta, napakanta pa ako.

Hindi naman siya cold pero 'yun nga lang hindi na siya clingy katulad nang dati. Ewan ko kung nag o-overacting lang ba ako pero parang pilit na talaga 'yung pakikisama niya saakin.

Naging dahilan tuloy 'yun para hindi na ako nag stay sa bahay niya dahil bukod sa wala naman siya lagi ay madalas at 'di talaga kami nagpapang abot. Ay nakakaramdam ako ng awkward sa relasyon namin patuyot na.

Madalas tahimik na kasi kami kapag magkasama. Walang topic as in kaya nga ang awkward lagi, e. Minsan lang kami naguusap pero hindi na gano'n kahaba. Itatanong ko lang kamusta work niya ang isasagot niya. "It's fine, how about you." Tapos syempre isasagot ko. "Ok lang." at pagkatapos nun sasabihin niya 'good'

Good? Nasaan ang I love you? I love you too? Mahal kita? Ang tagal kong hinihintay na sabihin niya saakin 'yan pero hindi niya ginagawa. Kapag ako naman una nagsabi hindi rin naman niya ako tinutugon.

Kaya napapaisip ako siguro isa na rin sa dahilan kaya nagkakaganito ang relasyon namin dahil sa pagka busy namin sa kaniya kaniyang career. Baka nga pagod lang kami pareho sa work at pag-aaral.

MABILIS lumipas ang araw, hindi ko akalain na mag iisang buwan na nang mag simula ang aming klase. Meaning, ilang linggo na rin ang tinagal ng tag lamig sa relasyon namin ni Roks.

Sobrang stress ako bukod sa nangyayari saamin ay isama pang marami talaga ginagawa. Lalo na nag start na kami mag film nung documentary namin.

Hindi talaga biro, masyadong hassle at talagang magastos. 'Di ko akalain na sobrang hirap pala talaga ng college. Literal sa kolehiyo mo malalaman kung gaano ka kabobo.

"Bakit hindi ka na sinusundo ng jowa mo, Ate? Break na ba kayo?" napatigil ako sa ginagawa ko at sinulyapan si Jane na sinisiko pa ni Anna.

Totoo naman kasi. Hindi na talaga ako sinusundo at hinahatid ni Roks dahil busy siya raw siya. Wala naman kaso saakin 'yun, naiintindihan ko naman 'yun kahit alam kong may mali na talaga sa relasyon namin ngayon.

"Hindi, ok lang. Busy kasi siya sa work niya ngayon. Hindi naman na ako bata para sunduin pa at mas lalong 'di ko naman siya driver," saad ko saka binalik ang atensyon ko sa sinusulat kong lecture.

Kasalukuyan kaming nasa classroom. Iniwanan kami ng prof namin dahil may meeting sila. Binigyan lang kami ng gawain pero ito sila wala pang natatapos at puro daldalan ang inaatupag.

"Gan'yan din EX ko busy daw siya sa trabaho pero ang totoo sa katrabaho pala hahaha." rinig kong sambit ni Mary Joy.

"Ay true, 'yung ex jowa ko rin gan'yan
Eh, palibhasa hindi pa ako handa ibigay 'yung kasiyahan na gusto niya noon. Kaya ayun nag hanap sa iba. Nagawa niyang mangbabae for sex. Imagine? We're 3 years in-realtionship. Sinira lang ng 3 hours na pasarap niya sa sogo!"

Hindi ako umimik at pinakinggan lang sila. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko. Siguro, sasabat lang ako kapag nabanggit nila pangalan ni Roks.

Kapag inakusahan nilang gagawin ni Roks 'yun. Talagang ready ako linisin ang pangalawan nh jowa ko.

Wala silang alam para husgahan si Roks. Mas kilala ko ang boyfriend ko. Alam kong hindi niya gagawin ang bagay na 'yun dahil sa totoo lang siya mismo ayaw ang gano'n.

"Eh malamang lalaki kasi kami, may pangangailangan din kami. 3 years mong 'di pinagbigyan? That's so harsh, Jane." napintig ang tenga ko sa sinabi ni Lucas kaya sinulyapan ko siya at binigyan ng iritadong tingin.

"Hoy, ano tingin niyo kami walang pangangailangan? Fyi, tao pa rin kami. Na t-turn on din pero naco-control namin dahil hindi pa kami handa lalo pa't alam namin na may kapalit na consequences 'yun? Bakit sex lang ba gusto niyo? Hindi ba talaga kayo makapag hintay? Kasi kung hindi niyo kayang irespeto ang desisyon ng partner niyo hindi na love tawag do'n!" napatayo at napahampas pa si Jane sa upuan dahil sa sobrang inis niya.

"Tama naman kasi si Lucas, Jane. Chill lang tayo rito lods. Minsan kasi ok lang na pagbigyan niyo ang partner niyo paminsan minsan hindi niyo alam---." hindi natapos ni Carlos ang sasabihin dahil binato siya ni Mary Joy ng paper.

"F-ck premarital sex. Bawal 'yan sa bible no! Matuto naman kayong rumespeto! Nakakadiri kayo puro libog inaatupag niyo!"

"Sus, coming from you? Eh, chismosa ka 'di ba? Bible forbids that too, ha?"

"Gago f-ckboy go to hell!"

Napabusangot si Mary Joy kaya ko. Nagtawanan din ang mga kaklase namin na nakarinig.

Itong mga batang 'to hanggang mamaya magkakapikunan. Tss, kung umasta pa rin sila literal na parang bata.

Natigilan ang lahat nang biglang bumakas ang pintuan ng padabog. Ang akala namin ang prof na kaya halos napabalik lahat sa upuan pero si Johnny lang pala 'yun.

Badtrip ang mukha niya at dire-diretso itong naupo sa tabi kong upuan saka inunan ang braso niya sa lamesa.

"Oh, Johnny? Napano ka?" Tanong ni Anna at tinapik tapik siya.

Sumisinok-sinok pa na hinarap ako ni Johnny. Nakabusangot siya pero galit ang mga mata niya.

"Ate, sabi mo bawal mag jowa si Ella!" pagmamaktol niya.

Natawa nalang ako sa expresyon niyang panget dahil mukha siyang bata na inagawan ng candy.

"Oo nga bakit?" mahinahong kong tanong.

Inirapan niya ako at diretso siyang tumingin sa whiteboard saka nag cross-arm pa talaga. "Eh bakit araw araw niya kasama 'yung Hendery na 'yon."

"Hendery De Dios? 'Yung anak ng mayor?" gulat na gulat na sambit ni Anna kaya napataas ang kilay ko.

Anak ng mayor huh?

"Ang issue mo naman baka gumagawa lang ng project! Possibleng mag kagroup sila." sambit naman ni Jane.

"Kapag ba mag kagroup laging hawak kamay? Saka kumakalat na sa buong campus na sila na. Ate, taksil ka. Mayayaman lang ba ang gusto mo para kay Ella? Paano naman ako?"

Nagtiim ang bagang ko. Kung totoo man ang sinasabi nitong si Johnny baka masabunatan ko ang babaeng 'yun.

Malinaw ang usapan namin na hindi muna siya mag b-boyfriend dahil maaring makasagabal 'to sa pag aaral. Saka mapusok masyado ang mga kabataan ngayon. Paano nalang kung nabuntis siya, nakakahiya kina Atarah na nagpapaaral saamin ng libre kung gano'n lang igaganti namin.

"Hindi ba't 2nd year 'yan na si De Dios? Paano mag kagroup sila? Pinopormahan niya 'yun panigurado. Iyak ka lang d'yan pre." natatawang pangaasar ni Lucas.

"Huh? Oo nga, 'no? Saka 'di ba engineering student 'yun? First year lang din naman ang kapatid mo ay nursing pa?"

"G-go, agawin mo kay De Dios. Pareho naman kayong bobo may laban ka." pangaasar pa ni Carlos.

"Bata, umayos ka d'yan. Kakausapin ko 'yun sige." inilabas ko ang phone ko para itext si Ella at puntahan ako rito sa classroom ngayon din.

Napabuntong hininga ako. May mga punto sila. Pero kailangan ko munang icomfirm sa kapatid ko kung totoo man 'yun.

To: Ella
Saan ka? May class ka pa? Punta ka rito sa classroom. May itatanong ako.

Ipapasok ko sana muli ang phone ko sa bag pero biglang tumunog ito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay tumayo na muna ako at nag paalam na lalabas.

"Hello, Atarah? Napatawag ka?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid dahil baka biglang sumulpot ang prof namin.

[Hi paint-paint! May plan ka na ba sa birthday ni Roks this September 28? Sa sabado na 'yun!]

Para ako biglang binuhusan ng malamig na tubig dahil ngayon ko lamg napagtanto na 'di ko pala alam kung kailan ang birthday ni Roks.

Hindi niya nabanggit saakin dahil hindi ko rin naman siya tinanong. Nawala sa isip ko. Normal lang ba 'yun?

"Uh--wala pa, e. Nam-mroblema rin ako kung anong gagawin ko," pagsisinungaling ko. Dahil ayoko naman malaman niya na 'di ko talaga alam kung kailan ang kaarawan ng boyfriend ko.

[Sakto! Let's surpirse him nalang. Mag bora tayo with the gang. Kahit two days lang. Para makapag relax naman kayong dalawa, alam kong pareho kayo stress these past few days.]

"Ah sige sige, go ako d'yan pero paano natin siya mas-surprise?"

Next week na pala ang birthday ni Roks. 'Di rin ako sure sa schedule ko next week kahit weekend pa lalo na't malapit na ang midterm pero hindi naman pwedeng hindi ako sumama sa plano nila Atarah dahil ako mismo wala namang plano.

[Free ka ba after class? Meeting us. Sunduin kita.]

Napaisip ako saglit kung may meeting kami ng groupmates ko after class pero naalala ko aalis halos lahat ng groupmates namin kaya niresched ang meeting namin.

"Sige, G ako!"

[ Ok, sige. Will call or text you nalang. Sige na b-bye, sorry sa storbo. Class hours pala. Ciao! ]

Binaba ko na ang tawag at akmang papasok ako pero may pumigil saakin.

"Ate!" malaki ang ngiti ni Ella saakin pero mas nakuha ng atensyon ko ang lalaking nasa likod niya.

Nakakapanibago na lalaki ngayon ang kasama ni Ella. Madalas kasi si Tricia ang kasama niya kahit saan man sila magpunta.

Unang tingin palang sa batang 'to alam ko ng sobrang presko niya. Halatadong spoiled brat. Hindi sa judgemental ako pero amoy na amoy ko na ang itim niyang budhi.

"Sino 'yan?" malamig kong tanong.

Nginitian lang ako ng matamis ni Ella saka sinulyapan ang lalaki. "Ah, si Hendery. Partner ko sa bio."

"Partner sa bio? Eh, 2nd year engineering student daw 'yan? Paanong partner kayo? Umayos ka, Janella," madiin kong ani.

"Ha? Nag shift siya ng course ate and pansamantala sa klase na muna namin siya nakikisit-in since puno pa 'yung 2nd year nursing."

Hindi ko alam kung dapat bang paniwalaan ko ang sinasabi nitong Ella pero simula bata kami wala sa ugali niya ang magsinungaling.

Sinulyapan ko si Hendery na nakapamulsa at nakatingin din saakin. Ngumunguya pa ng bubble gum kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ang sabi ni Johnny jowa mo raw 'yan?" dinuro ko si Hendery kaya natigilan ito at biglang dinura ang bubble gum sa sahig.

"Johnny?" kunot noong tanong ni Ella.

Napabuga ako ng hangin at sumilip sa pintuan ng classroom. "Hoy bata dito!" tawag ko kay Johnny nang mahuli ko silang nakikinig sa usapan namin sa bandang bintana.

"Uy, wala akong sinasabi ha! Bitawan niyo ko." sigaw ni Johnny na ngayon ay hinihinila nina Lucas at Carlos palapit dito saamin.

"Papakilala kita gags!" sinenyasan ko pa siya na lumapit pero umiling iling lang siya at sobrang pula na rin niya parang kahit anong oras sasabog siya.

"Ayoko! Teka t-ngina! Bitawan niyo 'ko! May ginagawa akong activity parang g-go mga 'to, oh!"

Napangiwi pa ako nang humiga siya sa sahig at niyakap pa ang upuan para lang 'di siya makalapit dito. Tignan mo 'tong tukmol na 'to, kanina nagmamaktol siya ngayon namang papakilala ko na siya nagpapabebe pa.

"Siya si Johnny, may gusto sa'yo 'yun. Schoolmate na raw kayo dati. Kaso binawalan ko siya na pormahan ka dahil baka maging sabagal siya sa pagaaral mo. Kaya ikaw ayusin mo, alam mo ang limitation mo, Ella. Matanda ka na. Alam mo na ang tama at mali. Bawal pa mag boyfriend. Focus muna tayo sa pagaaral. Naiintindihan mo?"

Pilit na ngumiti ito. "O-oo naman, Ate. Promise partner ko lang talaga siya."

"Psst, bata rito." sinenyasan ko 'yung Hendery na lumapit saakin pero binigyan niya lang ako nang mapanlait na tingin.

"Did you just call m---." offended na saad niya pero pinutol ko lang. Hindi siya lumapit kaya ako nalang lumapit sakaniya.

"Oo bata. Kahit anak ka pa ng mayor hinding hindi ka makakalusot dito sa kapatid ko. Kapag nalaman kong pinopormahan mo siya, pasenyahan tayo."

Mas komportable ako ngayon kay Johnny para sa kapaitid ko dahil kahit tanga-tanga ang batang 'yun marunong naman rumespeto. Simula nang sinabi ko na hintayin niya nalang muna si Ella at magaral nalang siya ng mabuti ay ginawa niya 'yun. Kaysa dito sa spoiled brat na 'to na parang nasa ugali ang paglalaro sa mga babae.

Nqpangisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mas matangkad din siya saakin kaya naman ang dali-dali para sakaniya bigyan ako ng nakakainsultong expresyon.

"Tss, why are you treating her like a child? Boring mo naman tanda. She's in the legal age bakit pinagbabawalan mo pa siya sa mga gusto niyang gawin? The fact that you're just his sister pero kung umasta ka," mangas na sambit nito.

Nanlaki ang mga mata ko kaya naman hinablot ko ang collar ng uniform niya.
"G-go ka, ha!" malakas na sigaw ko at konti nalang tatama na sa mukha niya ang kamao ko.


Mabuti nalang agad akong pinigilan ng kapatid ko at napalabas din ang ibang kaklase ko para pigilan ako.

"Ate! Ate nagbibiro lang siya, masyado siyang mapag----." pinutol ko ang sasabihin ni Ella at binigyan siya ng hindi makapaniwalang expresyon.

"Wala akong pake kung nagbibiro ang g-gagong 'to, bastos ang bunganga. Narinig mo naman sinabi niya diba?!" gigil na sambit ko at pilit na umalis sa pagkahawak saakin nina Carlos at Jane.

"Anong kabastos-bastos do'n? I'm just stating the fact! You're the one who's doesn't have manner here. Look what did you do!" iritado niyang pinakita ang uniform niyang gusot kaya nagtiim ang bagang ko at gustong gusto siyang sugurin muli.

Nagbago na ako, naging pasensyosa na ako nitong nakaraang buwan pero kung ganito ba naman tao ang makakabangga ko. Alam kong lalabas at lalabas ang ugaling squater ko.

"Tol tama na, babae 'yan." awat nina Lucas at Johhny.

"Hoy De Dios. Umalis ka na nga, tandaan mo naka video ka. Kapag pinost namin nito viral ka na naman!" galit na sigaw ni Anna na kanina pa pala nag v-video.


"Tss." sarkastiko pa itong tumawa at binangga pa talaga si Lucas bago siya tuluyang naglakad palayo.

Hingal na hingal kong hinarap si Ella.

"Wala akong tiwala sa lalaking 'yan. Halatang spoiled brat. Sinong teacher mo sa bio? Kakausapin ko para mapalitan partner mo----."


Napamasahe siya sa sintido niya.

"Ate hindi naman pwede 'yun saka mabait naman si Hendery. Nag j-joke lang siya!" giit niya pa kaya mas lalo lang kumulo ang dugo ko.

"Hindi halatang nag j-joke 'yun, nakita mo ba kung gaano kayabang ang datingan niya!" pinipilit kong huwag sumigaw pero hindi ko na kaya. Sobrang nanggigil ako, hindi ko kayang huminahon pakiramdam ko sasabog pa rin ako.

"Ate kumalma ka naman. Nakakahiya na. Nasa school tayo tandaan mo. Alam ko naman ang ginagawa ko, please lang. Hayaan mo na muna ako. Tama naman kasi siya. Hindi na ako bata. H'wag kang ng ulit-ulit sa mga paalala mo. Alam ko na 'yun, alam ko ang tama at mali. Alam ko kung kailan ako mapapahamak kaya please. Hayaan mo na ako. Ate, nasa tamang edad na ako. Huwag mo naman akong sakalin ng gan'to."

Bakit pinagtatanggol niya pa ba 'yung lalaking 'yun? Sa harap niya mismo, hindi nirespeto ang ate niya pero bakit ngayon parang ako pa ang mali kahit gusto ko lang naman ay mapabuti siya.

"Edi go, bahala ka na sa buhay mo." tumawa akong sarkastiko at padabog na pumasok sa loob ng classroom.

"Ate!"

"Sabihin mo kay Tatay 'di ako uuwi mamaya." malamig na saad ko sakaniya saka sinenyasan ang mga kaklase ko na pumasok at isarado ang pinto.

Naupo ako sa upuan. Natahimik ang buong klase namin tanging ang ingay mula sa aircon at ang paghinga lang nila ang naririnig ko.

"Alam mo bang fuck boy si De Dios. Spoiled brat ang g-go. Daming kabalastugan ginagawa ang lalaking 'yan pinagtatakpan lang ng Tatay niya." pagbabasag sa katahimikan ni Lucas.

"Hehe oo nga, hindi pa rin nagbabago. Dapat talaga layuan ng kapatid mo 'yun baka madamay pa siya sa kagaguhan ni De Dios." sambit naman ni Carlos.

"Shh, tumahimik na nga kayo."

Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Ilang beses din ako nag inhale at exhale mabuti nalang at effective kahit pa-paano.

"Johnny, papayag na akong pormahan mo si Ella basta siguraduhin mong safe siya," saad ko kay Johnny na nasa tabi kong upuan.

"Hindi ko naman siya gusto pormahan ngayon, Ate. Saka nalang kapag may maipagmamalaki na ako pero huwag ka mag alala babantayan ko naman siya. I'll make na safe siya lagi."

Pinilit kong ngumiti at tumango nalang.

Buong araw sobrang badtrip na 'ko. dahil do'n sa Hendery na 'yun tapos idagdag pa na ang dry naman ng text ni Roks saakin. Kukwento ko sakaniya ang nangyari. Tatawagan ko sana kaso out of coverage naman kaya ewan ko bigla na rin ako nawalan ng gana sakaniya ngayon.

Balak ko pa naman sana matulog sa bahay niya mamaya para magpalamig ng ulo pero dahil nga hindi sinasagot ang tawag ko ay mas lalo akong nababadtrip din sakaniya.

Nang matapos na ang klase ay naghintay ako sa main gate dahil do'n daan ako susunduin ni Atarah. Sa totoo nga lang ayoko na sumama sa pa surprise nila dahil naiinis na talaga ako kay Roks.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Ath. "Hey Paint! Pasok na." pumasok na ako sa loob at agad na inayos ang seat belt ko.

"Nagpaalam ka ba kay Roks na h'wag kang sunduin ngayon? Hahaha. Anong dinahilan mo?"

Huminga ako ng malalim at nginitian siya ng pilit. "Hindi naman niya na ako sinusundo, e. Nagtext lang ako sakaniya na uuwi ako sa bahay."

"Huh? Hindi na? I thought everyday ka niya hatid-sundo?" pinandar niya na ang kotse kaya naman tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

"Nung last last week pa pero ngayon hindi na. Busy kasi siya sa duty niya." minsan napapaisip ako kung bakit dati busy siya at gano'n din ako pero nagagawa niya namang ng paraan na ihatid-sundo ako. Nakakapabebetime pa nga kami, e.

"Ohh, kamusta naman communication niyo? Like 'yung time niyo sa isa't isa? Ayos pa ba? Ang hirap kasi hindi tugma ang schedule niyo."

"Ewan ko," walang ganang saad ko. Kasi totoo naman 'di ko alam. Nag uusap kami, oo. Nag u-update sa kung nasaan kami pero parang walang feelings-- I mean parang pilit na nga lang.

"What do you mean?"

Siguro mabuting mag open ako kay Atarah ngayon. Kasi hindi ko rin magawang mag open sa mga kaibigan ko at pamilya ko dahil alam nila masaya ako. Ayoko na silang magisip ng kung ano ano lalo na 'yan sina Cielle, Roi at Tatay. Mag alala lang sila.

"Hindi ko maintindihan. Parang may nagbago kasi sakaniya. Hindi naman siya naging cold pero hindi na rin siya sweet. Parang magkaibigan na nga lang kami ay ewan."

Napatingin ako kay Atarah dahil parang may binulong siya. At nang makita niyang nakatitig ako sakaniya.
"Wala ba siyang nababanggit sayo?" nagaalalang tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako. "Hindi nga kami nakakapag usap ng ayos. Inu-update lang namin ang isa't isa kagaya ng gusto niya tapos wala na tapos na. 'Di nga siya nag I-i love you, e. Haha. " peke akong tumawa saka agad na kinagat ang labi ko ewan ko pero parang naiiyak ako bigla.

Namimiss ko kasi siya. 'Yung tipong mag jowa naman kami pero paramg 'di ko na siya ramdam. Ilang beses na ako nag first move pero gano'n pa rin naman ang pakikitungo niya saakin. Walang nagbabago, malamig pa rin.

Bumuntong hininga si Atarah na para bang problemado masyado. Natahimik siya ng saglit at pagkatapos nang matauhan na siya ay nginitian niya ako ng matamis.

"Then magandang timing 'to for our surprise! Alam mo I don't know talaga how to give proper advice. Laging palpak as in pero let me give a try. Haha. Uhmm, what if mag act cold ka na rin hanggang sa birthday niya! Huwag mo na rin replayan ang text niya. Paniguradong marerealize niya kung anong nagbago then boom ang surprise! Tiyak maiiyak 'yun."

Siguro nga tama siya. Pakiramdam ko kasi ako lang nakapapansin na may mali sa relasyon namin ngayon. Tiyak siya sa sobrang busy niya hindi niya na nari-realize na nagkakalabuan na kami dahil naguusap pa rin naman kasi kaming dalawa kahit papano.

Pero maari naman kasing aware siya pero sinadya niyang magbulag bulagan bulagan at mas palalain ang sitwasyon para ako na mismo ang bumitaw.

"We ask him about your relationship naman. And sabi niya, ok lang naman daw so kala talaga namin ayos talaga lalo na pareho naman talaga kayong sweet sa isa't isa. Hindi ko akalain na gan'tp pala ang pinagdadanan niyo. Hayz, that jerk. Kailangan ko talagang mabatukan 'yun."

Hindi na ako nagsalita at pinakinggan nalang siya. Mabilis ko rin pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.

Grabe, hindi ko akalain na aabot kami sa puntong gan'to. Masaya naman kami pero sa isang iglap nagbago ang lahat. Ni wala pang isang taon relasyon namin pero ganito na agad ang nangyayari.

Umurong bigla ang luha ko nang nang biglang tumunong phone ni Ataraj. Pinakita niya saakin kung sino tumatawag kaya mas lalo akong nanlumo.

"Hello, Roks? Why?"

Napatingin ako sa phone ko at chineck kung may reply ba kay Roks pero wala ni isa. Kaya biglang may tumusok talaga sa dibdib ko dahil nakaramdam ako bigla ng selos at pagtataka.

"Uhmm, pauwi na. Bakit? Ok lang naman. Medyo masakit lang talaga likod ko. Yep ako lang magisa, don't worry. Oo kakain ako! Ha? Did you fetch Ranch? I thought busy ka? Uh---sige. Oo ingat ka. Thank you, Captain Gray Eyes!"


Wait teka--t-ngina? Kinakamusta niya si Atarah? Bakit? Ako ba kinamusta niya? Simula kaninang umaga 'di niya man lang tinanong kung ok lang ba ako ngayon? Kung kamusta ba ako. kung may masakit ba saakin. P-nyeta, konti nalang mag breakdown na ako.

Binaba ni Atarah ang tawag kaya naman mabilis na naapaiwas ako ng tingin dahil baka mahalata niya ang nagtutubig kong mga mata.

" 'Di ko na sinabi na kasama kita baka mabuking, ha."

"Oo, dapat lang," pabulong kong tugon dahil napipiyok na ako.

"Ang akala ko busy siya? Sinabi niya ba sayo na susunduin niya si Ranch? Wala kasing magsusundo sakaniya today. Lalo na naka OT ngayon si Rare. So dapat driver nalang mag susundo pero biglang sabi ni Roks nando'n na raw siya."

Paano ako sasabihan ni Roks. Last text niya sabi saakin ang sabi niya busy siya tapos hanggang ngayon wala pa rin siyang reply sa iba kong text.

"Miss niya siguro si Ranch," napipiyok ko ng sambit.

Ako kaya namimiss niya?

"Yes siguro nga. Mamasyal nga raw sila ngayon which is good 'di ba? Hahaha. Magagawa nating ayos ang plano natin." tumango-tango lang at kahìt mahirap ay nagawa ko pa rin ngumiti.

Tumingin ako sa phone ko at nagtype ng messages baka sakaling ma guilty siya at replyan ako.

To: Roks.
Saan ka pala ngayon? Nasa work ka pa?

Naghintay ako ng higit sampung minuto. At halos mapatalon pa ako nang biglang may vibrate ang phone ko.

From: Roks
Yes, I'm still at the camp. Take care. Update me when you arrive at your house.

Camp? Natypo ba siya o nagsisinungaling siya? Huh bakit niya sasabihin na nag w-work pa siya kahit kasama niya naman si Ranch.

Ang akala niya ba magagalit ako dahil inuna niya si Ranch kaysa saakin? Syempre hindi, maiintindihan ko naman kung sasabihin na namiss niya ang bata at kailangan niyang puntahan. Alam ko naman na mahal na mahal niya ang batang 'yun at walang kaso saakin 'yun.

Pero bakit siya nagsinungaling?
Ano ba ang akala niya? Kukulitin ko siya na sunduin niya ako? Na magkita kami? Na unahin niya dapat ako bago ang lahat? Anak ng shooting star, hindi niya kailangan sabihin na busy at nasa work siya.


Nakakag-go naman, siya mismo nagsabi na ayaw na ayaw niya 'yung taong sinungaling pero tignan mo nga naman ngayon siya mismo ginagawa niya.

Gusto ko nalang umuwi at huwag ng sumali sa pasurprise nilang 'to kay Roks kasi nakakainis siya. Kung 'di lang ako nahihiya kay Atarah uuwi talaga ako at sasadyain kung kalimutan ang birthday niya.

Nakarating kami sa bahay nina Amirah at Prench. Nandoon din sina Mikee and Kenji. Sobrang wala talaga akong sa mood ngayon pero kailangan ko pa rin makisama sakanila.

"Paint! I miss you!" agad akong sinalubong ni Mikee at Amirah nang yakap.

"Grabe you look cute with your uniform ha."

"Watsup Paints!" bati ni Kenji na lumalamon ng ice cream.

Nagkwentuhan lang muna kami ng nagkwentuhan. Pansamantalang nawala inis ko kay Roks dahil na rin sakanila. Gumaan ang loob ko kahit pa-paano. Hindi pa rin namab kami nagplano dahil hinihintay namin si Rare.

"Aww, ang cute nila!" saad ni Mikee habang nakatingin sa phone ni Ath.

"Paint, look mo!" pinakita saakin ni Amirah ang picture ni Ranch at Roks na hawak hawak ang dalawang paper na hugis heart at may nakalagay na 'I love you' ang isa na hawak ni Roks at
'Mama' naman ang hawak ni Ranch.

"Haha cute nga." pilit na sambit ko. Hindi ko maiwasan hindi mapatitig sa mata ni Roks na sobrang saya ngayon na hindi ko na nakikita nitong mga nakaraang araw sa mga mata niya.

"Pasend, tiyak selos si insan niyan mamaya HAHAHA. Ikaw ba Paints---Aaaaaaa i love you, Ga. Opo ikaw lang po mahal ko..." hindi natuloy ni Kenji ang sasabihin niya dahil bigla siyang kinurot ni Mikee.

Oo nagseselos ako ng kaunti. Hindi kay Ranch kung hindi kaya Atarah. Ewan ko kung nag o-verthink ba ako pero bakit parang 'yung I love you placard na 'yun na hawak ni Roks ay para kay Atarah talaga not as Ranch's mama but as his first love.

Hays, ano ba 'tong pinagiisip ko. Malala na ako--nananihimik si Atarah idadamay ko pa. Epekto siguro 'to ng ng ilang linggo na walang kabebetime. Nap-praning na.

Hays, t-nginang pag ibig.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Rare. Hindi ko pa maiwasan na maging bitter dahil lahat sila dito na kasama ko ay mag asawa. At napaka sweet nilang lahat lalo na 'tong si Atarah at Rare.

Mas lalo tuloy ako nawalan ng gana. Gusto ko tuloy umuwi. Gusto ko rin may kamomol. Awts, pain, pighati.

Napagdesisyunan na nila pagplanuhan ng mabilis ang mangyayari dahil gusto na rin umuwi ni Rare dahil pagod daw siya.

Ang plano ay yayain ni Kenji si Roks na magpunta sa bora para ibenta rito ang isang island do'n na pagmamayari niya. Matagal na raw kasing interested si Roks bumili ng private island noon pa and 'di ko alam kung bakit 'di nila nabanggit. Hindi ko rin alam ang tungkol do'n. Wala rin naman nabanggit si Roks.

Tapos kaming lahat ay mauunang nang magpunta sa boracay nun tapos do'n namin iaayos ang surprise and then the end. Common surprise pero pinag effortan naman namin kaya tiyak na ma a-appreciate niya naman.

Dagdag pa 'yung plano na kailangan umakto akong malamig na sakaniya. Pero mukhang magiging wrong move 'yun dahil pakiramdam ko mas lalong lalamig ang relasyon namin.

°°°

LUMIPAS ang araw, tatlong araw nalang bago ang birthday ni Roks. So far succesful ang acting ko na pa cold kaya akala ko tuloy marerealize ni Roks na may mali saamin.

Ang akala ko susuyuin niya na ako, itatanong ang problema at sasabihin niya na ayusin namin pero hindi. Nagkamali ako, nag expect ako kaya ata eto sobra na akong nasasaktan.

Ang tagal namin hindi nagkikita, hindi ako nag first move na tawagan o luntahan siya siya dahil akala ko siya mismo ang gagawa no'n pero hindi pa rin.

Nang hindi na ako nag tt-text sakaniya ay hindi na rin siya nag tetext. Ni hindi niya nga ako pinupuntahan sa school at bahay namin. Hindi na rin siya nagparamdam.

Nagsisimula na rin magatanong ang mga kabigan ko at si Tatay pero ang laging sagot ko lang busy siya ngayon. Pinagtatakpan ko pa rin ang pinagagawa niya dahil ayoko masira siya sa pamilya at kaibigan ko.

Parang gusto ko na nga sumuko, gusto ko ng sabihin na miss na miss ko na siya at komprontahin kung anong problema niya pero hindi ko magawa dahil na rin sa plano namin at isa pa masyadong naapakan ang ego ko dahil sa ginagawa niyang pambabalewala saakin.

Sa pagkakataong 'to, sure na akong may problema na. Hindi ko maiwasan mag isip ng kung ano-ano na baka nauntog siya bigla at marealize nito na bakit nga ba niya pinapatulan ang isang katulad ko?

Maari rin na baka nagsasawa na siya kasi wala naman talaga siyang mapapala saakin kaya baka humanap na ng iba na mas better.

Alam ko namang hindi magagawa ni Roks 'yun. I trust him pero sa estado ng relasyon namin ngayon hindi malabong 'yun ang mga dahilan kung bakit nagkakaganito siya.

Hindi niya ba ako na mi-miss? Hindi niya na ba ako mahal? Nakahanap na ba siya ng iba? Ano bang problema? Ako ba?

Pinunasan ko ang luha ko habang nakatingin sa refleksyon ko sa salamin. Nasa kwarto ako ngayon, naghahanda para pumasok sa eskwelahan.

Gabi-gabi nalang ako umiiyak. Simula nang gabing pinagplanuhan namin ang birthday niya. Dahil iyon ang simula nang pag i-ignore ko sakaniya at 'di ko naman akalain na ibabalik niya rin pala saakin ang ginagawa ko at ang nakakainis pa ay mas malala pa.

Gabi-gabi iniisip ko kung anong problema? Kung may mali ba saakin? Kung may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan?

Napatingin ako sa phone ko para tignan kung anong oras na ba. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang mapansin ko na ang daming missed calls galing kay Roks. May mga messages din.

Huh? After ilang days? Ngayon lang siya nagparamdam? Bakit? Para saan pa? Para ba makipag hiwalay na saakin?

From Roks:
Don't leave yet. Ihahatid kita.

Kinabahan ako bigla kaya naman mabilis ako nag ayos ng sarili ko. At pinakilaman ko na rin ang make up ni Ella para takpan ang pagang paga kong mata.

Nagmadali akong kinuha 'yung bag ko saka lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Ella pero nilagpasan ko lang siya sa

"Ate? Aalis ka na? Nag text kuya Roks. Susunduin niya raw tayo."

Hindi ko siya pinansin at kumatok sa CR dahil naroon si Tatay. "Alis na po ako, Tay. Kasabay ko po kaklase ko."

"Ingat ka! Pinaghanda na kita ng tinapay d'yan sa lamesa kunin mo nalang." kinuhha ko ang tinutuloy ni Tatay na tinapay saka naglakad ng mabilis palabas.

Simula nang nagkasagutan kami ni Ella sa school ay hindi ko na rin siya pinansin. Lalo pa nababalitaan ko na totoong pinormahan na siya ng De Dios na 'yun.

Binilisan ko ang lakad ko. Hindi naman totoong kasabay ko ang kaklase ko sadyang ayoko lang na makita muna si Roks ngayon lalo na gan'to itsura ko.

Alam kong mag b-breakdown ako kapag nakita ko siya at natatakot ako na baka kaya bigla na siyang nagparamdam ngayon ay para makipag hiwalay na saakin.

To Roks:
Kasabay ko kaklase ko. Kung ok lang sana si Ella nalang ang ihatid mo. Thank you.

Nipower off ko agad ang phone ko dahil baka bigla siyang tumawag. Binilisan ko ang lakad makalabas ng village. Hindi ako nakapag book ng grab ngayon, kung hihintayin ko pa 'yun baka maabutan lang ako ni Roks.

Nang makalabas na ako sa village ay nakita kong may tricycle na dumaan kaya naman agad kong pinara 'to at sakto namang may nakita akong pamilyar na sasakyan na papalapit sa gate ng village.

Si Roks 'yun.

Walang ano ano ay nataranta akong sumakayaw sa tricycle. "Kuya, pakibilis!" sinabi ko sakaniya na ihatid ako sa mall dahil nataranta ako.

Nang umandar ang tricycle at nilagpasan kami ng sasakyan ni Roks at nakahinga naman ako ng maluwag.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil lumipas ang five minutes wala namang problema akala ko lang pala.

"Ineng, kilala mo ba 'yung kotse na nasa likod?"

"Po? May sumusunod?" kunwaring natatakot na tanong ko.

Tumango siya. "Bilisan po, hindi ko po kilala 'yan. Grabe, nakakatakot naman."

"Nako, kailangan kong dumaan sa gasolinahan, hiha. Nawawalan na ako ng gas. Huwag kang mag alala matao naman doon kung may gawin mang masama 'yang sumusunod saatin ay makikita agad ng mga tao."


Nanlaki ang mga mata ko at super lakas ng tibok ng puso ko. Ramdam kong hindi ko matatakasan si Roks ngayon.

Agad akong naglabas ng pera. "Ok, na po. Para na po. Dito nalang po ako. Bayad po, keep the change nalang." mabilis kong binigay sakaniya ang bayad at bumaba ng trike.

Napatakbo ako ng mabilis ngunit nakarinig ko lang pamilyar na busina ni Roks. Mabiti nalang at masyado pang maaga, walang masyadong dumaan na sasakyan at wala ring tao sa daan.


Binilisan ko ang takbo ko at nagpapanggap na wala akong naririnig pero bigla akong natigilan nang sumikip ang dibdib ko dahil biglaan ang ginawa kong pagtakbo.

Kaya no choice kung hindi tumigil at hinintay nalang si Roks na mahabol ako ng tuluyan. Tumingin ako sa likuran ko at tumigil na rin ang kotse niya at agad na bumaba roon si Roks.

Sa oras na nagtama ang mga mata namin ay 'di ko na napigilan ang likido sa mga mata ko.

"Hey, what's the problem? Why did you run?-----Cenery.." nag alalang tanong nito habang palapit saakin nang makita niya akong umiiyak.

Napapikit ako ng mariin. "Oh, ikaw b-bakit ka nandito? Mabuti at naisip mo pang magparamdam?"

"Let's talk.." napadilat ako ng mata at binigyan siya ng malamig na tingin kahit nasasaktan pa rin ako.

Mukhang alam ko na kung ano ang patutunguhan ng let's talk na 'yan. Pero kailangan unahan ko na siya.

Umiling lang ako. "Mag break na tayo, Roks. Pagod na ako."

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 173K 60
College student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of Osmium University, all she wants is a nor...
1.1M 38.9K 30
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Naire...
5.5K 77 10
How to be a call center agent?
174K 3.5K 21
Dice and Madisson