Blood Contract with her Royal...

FinnLoveVenn

174K 5.1K 270

EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang ban... Еще

♕PROLOGUE♕
♕CHAPTER 1♕
♕CHAPTER 2♕
♕CHAPTER 3♕
♕CHAPTER 4♕
♕CHAPTER 5♕
♕CHAPTER 6♕
♕CHAPTER 7♕
♕CHAPTER 8♕
♕CHAPTER 9♕
♕CHAPTER 10♕
♕CHAPTER 11♕
♕CHAPTER 12♕
♕CHAPTER 13♕
♕CHAPTER 14♕
♕CHAPTER 15♕
♕CHAPTER 16♕
♕CHAPTER 17♕
♕CHAPTER 18♕
♕CHAPTER 19♕
♕CHAPTER 20♕
♕CHAPTER 21♕
♕CHAPTER 22♕
♕CHAPTER 23♕
♕CHAPTER 24♕
♕CHAPTER 25♕
♕CHAPTER 26♕
♕CHAPTER 27♕
♕CHAPTER 28♕
♕CHAPTER 29♕
♕CHAPTER 30♕
♕CHAPTER 31♕
♕CHAPTER 32♕
♕CHAPTER 33♕
♕CHAPTER 34♕
♕CHAPTER 35♕
♕CHAPTER 36♕
♕CHAPTER 37♕
♕CHAPTER 38♕
♕CHAPTER 39♕
♕CHAPTER 40♕
♕CHAPTER 41♕
♕CHAPTER 42♕
♕CHAPTER 43♕
♕CHAPTER 44♕
♕CHAPTER 45♕
♕CHAPTER 46♕
♕CHAPTER 47♕
♕CHAPTER 48♕
♕CHAPTER 49♕
♕CHAPTER 50♕
♕CHAPTER 51♕
♕CHAPTER 52♕
♕CHAPTER 53♕
♕CHAPTER 54♕
♕CHAPTER 55♕
♕CHAPTER 56♕
♕CHAPTER 57♕
♕CHAPTER 58♕
♕CHAPTER 59♕
♕CHAPTER 60♕

♕EPILOGUE♕

4K 138 32
FinnLoveVenn



Isang babaeng may mahabang buhok na kulay brown ang nakatayo sa harapan ko, may berde siyanv mga mata na kakulay ng isang dyamante na tinatawag nilang emerald.

Nakangiti siya sa harapan ko habang nakasuot ng isang puting bistida at walang ano mang pang yapak sa kaniyang paa.

Lumingat ako sa buong paligid, pansin kong hindi ko nakikita ang mga kamay ko o ano mang parte ng katawan ko. Tila ba nakalutang ako sa hangin at tanging paningin ko lang ang nagagamit ko sa lugar na ito na binabalot ng walang hanggang kadiliman.

"Cana," tawag niya sa pangalan ko at muli akong bumalik ng tingin sa babaeng sobrang ganda, may malambing siyang ngiti at mapupungay na mata.

"Tinuruan mo ko maging masaya," muli niyang sabi sa akin at pakiramdam ko ay unti-unti kong nagagamit ang boses ko pero wala pa rin akong masabi sa harapan niya.

Nakita ko siyang lumapit sa akin nang bahagya at nilagay ang dalawnag kamay niya sa kaniyang likuran na tila ba nahihiya sa aking harapan.

"Sobra akong nagpapasalamat dahil tinuruan mo ko magmahal ng totoo, na ramdaman kong mahalin at na ramdaman ko rin magmahal dahil sa 'yo," sagot niya at tumingin sa kaniyang gilid saka biglang nagbago ang buong paligid.

Binalot ng kulay asul na kalangitan ang paligid kasabay ng mga puting ulap na nagkalat sa langit.

Ang kaniyang talampakan ay nakayapak sa walang hanggang tubig na nagmimistulang salamin sa asul na kalangitan na nasa buong paligid.

"Gusto ko magpasalamat sa 'yo dahil kahit sa maikling panahon na iyon ay natutunan ko maging masaya," muling sabi at muling humakba papalapit sa akin.

"Natutunan ko magpatawad," muli niyang sagot at muling humakbang sa harapan ko.

"At natutunan kong tanggapin ang sarili ko," dagdag niya saka niya hinawakan ang mga kamay ko na akala ko kanina ay wala sa paningin ko.

Nang maramdaman ko ang mga mainit niyang palad sa kamay ko ay muli kong nakita ang sarili ko.

Nakita ko ang mahaba at itim kong buhok, ang aking katawan na nakasuot ng puting damit at ang mga kamay ko na hawak-hawak ng babaeng nasa harapan ko.

"Alam kong iniisip mo kung sino ako, sa totoo lang, ako ay ikaw," sagot niya at saka ko lang na pagtanto na may pagkakahawig ako sa babaeng ito, sadyang iba lang ang kulay ng aming mga mata at buhok, ang aming pananamit at kilos ngunit hindi ko maitatanggi na ako ay siya.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin sa kadiliman Cana, tatanawin kong utang na loob to kahit saan ako magpunta pagtapos ng usapan na ito, pero alam kong pupunta ako sa lugar na kung saan magiging tahimik at masaya ako," sagot niya at hindi ko naman maiwasan ngumiti.

Hindi ko alam bakit yung puso ko sobrang saya nang marinig ang sinabi niyang iyon, na tila ba nagawa ko ang misyon nankailangan kong gawin.

"Walang anuman," at sa wakas ay nasagot ko rin siya saka ko nakita ang pagpatak ng luha niya dahil sa kasiyahan at mahigpit akong niyakap.

"Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pangalang tyansa Cana, babaunin ko lahat ng memorya na kasama ka, ikaw na parte ng pagkatao ko," sagot niya at humiwalay sa pagkakayakap naming dalawa at marahan na binitawan ang aking kamay.

Dahan-dahan ko siyang nakikitang naglalaho sa paningin ko at nang habulin ko siya ng aking kamay ay hindi ko na mahawakan pa ang kaniyang katawan.

"Teka! Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya at muli kong nakita ang pagngiti niya sa harapan ko sabay bulong ng pangalan niya.

"Kiera," at sa huling pagbukas ng kaniyang bibig ay tuluyan na siyang naglaho sa aking paningin at parang naging mga alitaptap na tinatangay ng hangin.

Nahawak ako sa pisnge ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko, sobrang daya ng dibdib ko at hindi ko alam saan ilalagay ang kasiyahan na ito.

"Cana Annalis Smith gising!" Napamulat ako ng aking mga mata ay tumambad ang mukha ng kaibigan kong si Darlene sa aking harapan na mukhang nag-aalala.

"Diana?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko alam bakit sa saglit na sandali na iyon ay sumagi sa isipan ko ang mukha ng ibang babaeng may dilaw na buhok at asul na mata.

"Anong Diana? Darlene ang pangalan ko huy ano ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya at kinapa ko naman ang mga pisnge ko na naramdaman na basa nga ang mga ito.

"Kanina pa kita hinahanap, malapit na matapos ang break time pero di ka pa rin kumakain, kailangan na natin bumalik sa room at malapit na ang finals," sabi niya at mukhang alalang-alala sa akin.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Binabasa mo na naman ba ang librong itim na yun?" Tanong niya at napatingin sa yakap-yakap kong libro habang nakaupo ako sa paborito kong pwesto rito sa loob ng library.

"Anong libro yan? Bago ba yan?" Tanong niya at napatingin din ako rito dahil ang hawak kong libro ay isang librong kulay puti na may desenyong kulay ginto.

Tinignan ko ang pabalat ninto at nakita ang nakaukit na maliit na pangalan sa bandang ibaba ng libro.

"Kiera Deidamia Romulus," basa ko sa pangalan na iyon at kumunot naman ang noo ko nung makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Binuklat ko ang libro at natatarantang sinuri ito dahi hindi ko alam bakit parang may importante akong bagay na nakakalimutan.

Bakit ganito? Parang gusto kong umiyak habang binubuklat ko ang laman ng librong puti na ito at nababasa ang magagandang history tungkol sa babaeng nag ngangalang Kiera.

"Ayos ka lang ba Cana?" Tanong ni Darlene at hindi ko mapigilan maluha.

"Darlene, pakiramdam ko may kulang sa akin," tugon ko sa kaniya at halata ang pag-aalala niya saka niya ko niyakap nang mahigpit.

"Kung ano man iyan, sigurado akong mahahanap mo rin iyon sa takdang panahon, kumalma ka muna at kumain ng pananghalian," sagot niya at patuloy na hinahod ang likuran ko.

Sinunod ko ang sinabi ni Darlene at sinuli ang magandang librong puti sa pwesto ninto sa dulong bahagi ng bookshelf dito sa library.

Lumabas kami at patuloy ko lang kinukwento kay Darlene ang nararamdaman ko habang pinapakalma niya ko at pinapakain.

Nung araw na 'yun, hindi na mawala sa isipan ko ang pakiramdam na parang may nakakaligtaan ako o may kulang sa pagkatao ko.

Hindi ko alam kung ano Myun at wala rin naman akong oras para isipin iyon at intindihin dahil malapit na ang finals namin at pagtatapos sa semestre na ito.

Mabilis na lumipas ang araw at patuloy ko kang nararamdaman ang pagkakulang na iyon sa puso ko, para mawala iyon ay araw-araw akong bumabalik sa library at binabasa ang magandang history tungkol sa duchess ng Pollux sa border ng Lumire Empire.

Hindi ako na kuntento doon at lalo akong nahumaling sa history at pangyayari tungkol sa Duchess ng Pollux na si Duchess Kiera Deidamia Romulus.

Araw-araw kong binabasa ang tungkol sa kaniya at ang mga nagawa niya para sa empire, tuwing nababasa ko iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti at maging masaya para sa Duchess.

Tuwing uwian din ay parati akong dumadaan sa Liverpool para magpahinga at mawala ang stress ko sa katawan dahil sa final exams.

Tuwing pupunta ako sa lugar na iyon tuwing uwian ay nakikita ko ang isang lalaking may ash grey na buhok na patuloy lang nakaupo sa iisang pwesto araw-araw sa ilim ng puno na nakatayo sa burol.

Tanda ko, itong lalaking ito rin ang nagsabi sa akin ng kasabihan tungkol sa paglubog ng araw, na ang sunset daw ay maaring tumukoy sa pagtatapos at sa simula, at ang kahulugan ninto sa pag-ibig.

"Magandang hapon," bati ko sa kaniya habang siya ay nakasuot ng isang coat na brown at turtle neck na itim, nakasandal siya sa puno at nakahalukipkip habang natatakpan ng kaniyang itim na sumblero ang kaniyang mukha.

"Magandang araw Cana," bati niya sa akin at agad naman ako napalingon sa direksyon niya.

Bumilis ang tibok nang puso ko nang marinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko.

"Excuse me, na banggit ko na ba noon sa iyo ang pangalan ko?" Tanong ko sa kaniya at hindi pa rin inaalis ang sumblero niya kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang tunay niyang mukha.

"Matagal mo nang sinabi," sagot niya at umalis sa pagkakasandal sa puno saka pinagpag ang damit niya at inangat ang kaniyang tingin sa akin.

Napatigil ako nang magtama ang mga tingin naming iyon, 'yung puso ko ay unti-unting bumibilis sa pagtibok na akala mo ay sasabog sa mga lilipas na minuto.

Nakatingin siya sa akin gamit ang gigintuan niyang mata, may matangos siyang ilong at magandang labi.

Naglakad siya papalapit sa pwesto ko habang ako naman ay patuloy na nastatwa sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam bakit ko na raramdaman ang pakiramdam na ito, 'yung tipong nanginginig ang lalamunan ko at umiinit ang gilid ng mga mata ko.

Tila ba pinipigilan ko lang ang sarili ko na umiyak sa harap ng lalaking hindi ko kilala, nagtataka bakit ganito ang reaksyon ko sa pagdating niya.

"Ki-kilala ba kita?" Tanong ko sa kaniya at napaurong nang tumigil siya ng paghakbang at nasa harapan ko na ngayon.

Sobrang lakas nang pagkabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay kilalang kilala ko ang misteryosong lalaki na ito.

"Sobrang kilala," sagot niya saka pinakita ang isang pamilyar na ngiti sa aking harapan, tila ba araw-araw kong nakikita ang ngiting iyon sa memorya ko pero hindi ko matandaan.

"Ha? Pe-Pero ngayon lang kita nakilala," nauutal kong sagot dahil pakiramdam ko ay ano mang oras tutulo na ang luha ko.

"Hayaan mo Cana, muli kong papakilala sa 'yo kung sino ako, kahit ilang beses mo pang kailangan," sagot niya at muling pinakita ang malambing niyang ngiti sa harapan ko saka siya may kinuha sa kaniyang bulsa at tinapat ang kaniyang kamay sa harapan ko.

"Ibabalik ko nga pala 'yung na iwan mo," sagot niya at kinuha ang kamay ko at nakakapagtaka dahil hindi man lang ako umangal nang hawakan niya ang kamay ko at ilagay ang kinuha niyang gamit sa kaniyang bulsa sa palad ko.

"Wag mo iwawala iyan Cana," sagot niya at napatingin naman ako kung ano ang bagay na nilagay niya rito at nakita ko ang isang locket necklace sa palad ko.

Kinuha ko ito at napapaisip kung anong laman ng locket na ito kaya naman binuksan ko ito saka ko nakita ang isang litrato na halatang pinaglumaan na ng panahon at ang larawan na ito ay isang lalaking kamukhang kamukha ng lalaking nasa harapan ko.

Itim na itim nga lang ang buhok ninto pero para silang pinagbiyak na bunga kung titignan silang dalawa.

"May naalala ka?" Tanong niya saka muli ulit ngumiti sa harapan ko at hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luhang kanina ko pa pinipigilan bumagsak.

"A-anong pa-pangalan mo?" Nauutal kong tanong habang nakatingala sa kaniya ay hawak-hawak ang kwintas na bigay niya.

"Viggo Pollux," sagot niya at sa isang iglap halos lahat ng memoryang hinahagilap ko sa nakaraang linngo ay pumasok sa isipan ko.

Lahat-lahat ng pangyayari, lahat lahat ng memoryang kulang sa akin at lahat-lahat ng pinagsamahan namin ng lalaking na sa harapan ko ay bumalik sa isipan ko.

"Vi-viggo?" Tanong ko at nakita ko rin ang pagpatak ng mga luha niya sa kaniyang mata.

"Ako nga mahal ko," sagot niya at kasabay ng paglubong ng araw, binalot ninto ang buong lugar at pinagkulay kahel.

Kitang kita ko ang pagtama ng skulay na ito sa maganda niyang gintong mata at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin ang lalaking minahal ko.

"Viggo! Ikaw nga!" Sagot ko at halos ilabas ko na lahat ng emosyon na pinipigilan ko at hindi ko mailabas nitong mga nakaraang linggo.

Siya nga si Viggo, at ako si Cana na siyang naging master niya at babaeng minahal niya. Siya ang lalaking nagbigay sa akin ng dahilan para lumaban at siya ang nag iisang lalaking bumihag sa puso ko.

Nangangatog ako at hindi makapaniwala na yakap-yakap ko ang lalaking ito, agad akong tumingin sa kaniya at halos tignan ang buong imahe niya.

"I-ikaw ba talaga 'to? Bu-buhay ba talaga ako?" Tanong ko sa kaniya at naiiyak siyang tumango sa akin at mabilis akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Mabuti naman at natatandaan mo, inintay kita ng mahigit tatlong taon kaya sana yakapin mo pa ko," sagot niya at hindi ko mapigilan na maging masaya sa piling niya.

Hinawakan niya ang dalawang pisnge ko at tumingin ako sa mga mata niya, nang maramdaman ko ang paglapit ng kaniyang mukha ay marahan kong pinikit ang aking mga mata saka ko na ramdaman ang mainit na halik niya.

Halik na sobrang pamilyar sa akin, halik na pawang sobrang tagal kong inintay.

"Mahal na mahal kita Cana," bulong niya ng maputol ang mainit at matamis na halik na aming pinagsaluhan.

"Mahal na mahal din kita Viggo," tugon ko at muli naming pinagsaluhan ang isang matamis na halik sa luhar kung saan namin ipinangako ang aming pagkikita.

Sa araw ng unang pagpatak ng nyebe sa buwan ng septyembre.

END

AN: Hi! Bagong story na naman ang natapos na'tin. Thank you guys sa pagbabasa at sa walang sawang pagsuporta sa mga stories ko. Thank you dahil natapos mo 'to, salamat sa votes and comments niyo.

Sana nagustuhan niyo and if yes, please kindly comment with your opinion and feelings about this story. 

Again, I'm Finnlovevenn, thanking you for supporting me.

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Devil's Trap April

Про вампиров

13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
Cold Blooded. Pixie

Про оборотней

48K 1.8K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
216K 6.2K 80
She was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her o...
258K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...