Anya Loris Was Fine That Night

Autorstwa gery_anne

2.1K 214 38

Hugh Evans Lagdameo's boring and non-purpose life suddenly becomes thrilling and chaotic when one of his bloc... Więcej

Anya Loris Was Fine That Night
PAKI-READ :">
i know her better
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 7

84 14 1
Autorstwa gery_anne


SABI NILA, MAS MAKIKILALA mo lang nang lubos ang isang tao kapag nakasama mo sa iisang bahay.

There were times that I didn't agree to that saying because I believed I knew my friends or the people I was close with more than anyone else. We didn't need to live under the same roof for me to know them well.

But this time . . . I felt like it was indeed true.

Hindi pa ako sigurado, pero . . . gaano ko nga ba kakilala si Anya? Sapat na ba ang miminsan naming mga pag-uusap para makilala siya nang lubos?

"Ano, Hugh? Tatayo ka na lang d'yan?" natatawang tanong ni Darcy nang matigilan ako sa aking paglalakad papasok sa classroom.

Napakurap ako at doon lang napagtanto na nakatingin na rin pala si Quentin sa akin -- nagtataka kung bakit ako nakatitig sa kaniya. I sighed and just decided to sweep my thoughts away for now. Quentin followed me by his eyes from where he was sitting.

Hindi ko na siya pinansin pa at umupo na sa upuan ko. Hindi na rin naman niya ako tiningnan kaya malaya muli akong tumitig sa kaniya matapos ng ilang sandali.

Quentin Colminares was a transferee last year. Anya transferred here just this school year.

Ni hindi ko inakala na magkakilala na sila noon pa. But it made sense now. They both transferred here from Sorenda Community College. Mas nauna nga lang ng isang taon si Quentin.

One of the things that didn't sit right with me after reading that part in Anya's journal was . . . why did she even transfer here? Her Auntie Tamara was living in Sorenda. Her relatives were there and the first house she rented was in there. She was also doing good in Sorenda Community College. She had friends and she seemed happy. Compared here where almost everyone was bullying her.

Muli akong napatingin kay Quentin na nakikipagtawanan sa mga kaklase namin.

I didn't want to conclude things right away. Lalo na't wala namang nabanggit si Anya sa journal niya tungkol sa rason ng paglipat niya rito.

Unti-unting kumunot ang noo ko habang mas tumatagal ang titig kay Quentin. Muli kong naalala ang mga nabasa ko sa journal ni Anya.

Today, I met Quentin Arron Colminares. He's my seatmate and he's a funny guy. Guwapo rin at medyo mukhang bad boy ang datingan pero mabait naman siyang kausap.

-----

Day 5 of being Quentin's seatmate. I admit, I really enjoy talking to him! He's such a nice guy. Napakadaldal kaya hindi yata kami nauubusan ng mapagkukuwentuhan araw-araw. I having a little crush on him already, but of course, I won't tell him that! Mukhang hindi rin naman niya ako magugustuhan dahil mukhang puro sosyal at fashionista ang nagugustuhan niya. Mabait lang talaga siya sa akin at magaan kausap. Sana hindi magbago 'yon.

-----

Can you believe it??!! Quentin just asked me out on a date!!! Noong una, hindi ko talaga alam kung seryoso ba siya noong tinanong niya ako if I want to go on a date with him. Syempre kasi, iniisip ko palagi na mukhang wala naman akong pag-asa sa kaniya. I always thought na kaibigan o seatmate lang ang tingin niya sa akin. Nothing more. Kaya hindi talaga ako makapaniwala na gusto niya akong maka-date, grabe!

-----

Quentin and I's date went well! It was so fun! Nanood kami ng sine at kumain din sa isang expensive restaurant. He was so generous and very gentlemanly. Bago rin niya ako ihatid sa bahay na inuupahan ko, tinanong niya ako kung puwede raw niya akong i-date pa sa susunod. Of course, I said yes!!

-----

So . . . Quentin and I just kissed. He actually confessed that he likes me. Gusto ko rin naman siya kaya ayun . . . kami na. Hihi!

-----

My relationship with Quentin is getting better. I am so happy. I could really feel that he's in love with me. Sana magtagal kami. Siya ang unang boyfriend ko at handa akong ibigay ang lahat sa kaniya para lang magtagal kami. I wanna show him that our relationship is worth it and it deserves to last. I want to show him how much I love him.

-----

It's been months since Quentin and I got officially together. I moved in. He wanted me to and I also want it. Sa condo niya na ako tumitira pero umuuwi pa rin naman ako sa inuupahan ko kapag may kailangang kunin. Naroon pa rin kasi ang iilang gamit ko. Lalo naming nakilala nang mas malalim ang isa't isa noong tumira kami sa iisang bubong. Paminsan-minsan kaming nag-aaway pero nagkakaayos din naman palagi.

Napahilamos ako sa aking mukha habang inaalala ang mga nabasa ko sa journal ni Anya. Looking at Quentin right now -- looking at how he laughed and how carefree he was, I couldn't help but think if he really even loved Anya.

Based on what's written on the journal, Anya was too in love with him. She was so happy with him. I just didn't know if Quentin was feeling the same way. Knowing his reputation here? Wala siyang nagtatagal na girlfriend. Basagulero rin at sadyang maloko.

Also, when the news about Anya's death spread, I didn't even see him having a bit care about it. Ni hindi siya pumunta man lang sa libing nito e may pinagsamahan pa rin naman sila kahit papaano.

I don't know what's happening with our relationship. Napapadalas ang away namin ni Quentin. Hindi na rin siya madalas mag-text o tumawag. Ewan ko. Parang may nag-iba. Masaya naman kami noong una. Mahal naman niya ako, sabi niya.

-----

I think Quentin is cheating on me. I'm not yet sure though, but if my hunch is right, hindi ko alam kung anong kaya kong gawin. Ayaw niya man lang ipahawak sa akin ang cellphone niya. Parang may itinatago. Kung wala siyang itinatago, bakit ayaw niyang ipakita? Nag-aaway lang tuloy kami dahil doon. Minsan na lang din kami mag-date dahil kapag inaaya ko siya ay palagi siyang busy at may gagawin daw importante.

-----

I am fucking right! Sinasabi ko na nga ba! May babae si Quentin! He's cheating on me! Halos hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin 'yon pero kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano sila maghalikan! At ang kapal pa ng mukha ng babae niya na insultuhin ako! Kapalit-palit naman daw talaga ako kaya bakit pa ako magtataka na niloloko ako ni Quentin? Ang kakapal ng mga mukha nila!

-----

I don't know what has gotten into me. I did something horrible. I don't know. I was so angry! I felt so betrayed! Parang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na naisip pa ang tama at mali.

I saw Quentin again with that girl. They were at the park, looking like a perfect couple. Ang saya-saya nilang tingnan na dalawa na para bang hindi sila nakasakit ng tao. Na para bang hindi nila ako nasaktan at niloko. Para bang wala silang pakialam na may taong umiiyak dahil sa kawalang hiyaan nila.

I was so mad. Awang-awa rin ako sa sarili ko dahil parang ang bilis-bilis kong palitan at lokohin. Para bang wala akong kuwenta kaya hindi man lang sila natakot na gaguhin ako. I walked towards them. Nanginginig ang mga kamay ko nang ibuhos ko sa mukha ng babae niya ang isang bote ng asido. Natalsikan nang kaunti si Quentin sa braso at leeg.

The next thing I knew, Quentin slapped me hard that made me stumble on the ground. Minura niya ako nang paulit-ulit habang ang babae niya ay panay ang sigaw dahil nasusunog na ang buong mukha. Kung hindi niya lang kailangang isugod ang babae sa ospital, sa tingin ko'y baka nabugbog niya na ako roon.

I remembered how I swiftly closed the journal after reading that part. I couldn't believe what I just read. I was hoping that I was just hallucinating, but I wasn't. It was really written in there.

Sinabuyan ni Anya ng asido ang babae ni Quentin. Lito pa ako nang mabasa 'yon at sadyang gulat na gulat. I've known her for being too kind. She was a gentle person and I never imagined that she could harm someone.

I almost couldn't accept that she did that horrible thing. Pero sino ba ang niloloko ko? That was her journal! Her handwriting, her experiences, and confessions.

"Mr. Lagdameo!"

Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng prof namin. Nang magbaling ako ng tingin dito ay naabutan ko itong matalim na nakatitig sa akin. Ang mga kaklase ko rin ay nakatingin sa akin at para bang may hinihintay.

"Y-yes, ma'am?" tanong ko.

Marahas na nagpakawala ng buntonghininga ang prof namin. "Ang sabi ko, ano ang masasabi mo sa discussion natin ngayon. Ano ka ba? Why are you always spacing out?"

Natawa ang iilang kaklase ko. I sighed and scratched my head. I wasn't aware of what was happening anymore because my mind was still wandering about Anya.

Sa huli ay wala akong naisagot sa prof namin hanggang sa tumunog na lamang ang bell. Habang ibinabalik ko ang notebook ko sa loob ng aking bag ay pinagmasdan ko si Quentin. Isinukbit niya ang bag niya bago siya tinapik ng isang kaibigan. Habang tumatagal ang pagmamasid ko sa kaniya ay may isang pangyayari na naman akong naalala.

"Tangina, sinabi ko nang huwag mo 'kong nilalapitan dito, 'di ba?!"

Nahinto ang balak kong pagliko sa isang tahimik na pasilyo nang makita ko roon ang dalawa sa mga ka-block ko. Magkaharap sina Quentin at Anya. Nag-iigting ang panga ni Quentin habang matalim na nakatingin sa huli. Mukha namang kalmado si Anya at maamo ang ekspresyon.

"Quentin, gusto ko lang naman--"

"Wala akong pakialam, tangina ka!"

Nag-isang dugtong ang mga kilay ko sa sigaw ni Quentin at sa pagmumura niya nang direkta kay Anya. Kitang-kita ko ang matindi niyang galit. Mabilis ang paghinga at kumukuyom ang mga kamao.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo kaya huwag mo nang tangkaing kausapin ako ulit! Kung pinapatay ka na ng konsensya mo dahil sa kahayupang ginawa mo, e 'di mamatay ka na! Wala akong pakialam!"

Bakit nga ba hindi ko pinagtuunan ng pansin noon na baka mayroon silang malalim na koneksyon? Binalewala ko lang dahil hindi ko rin talaga inakala na malapit sila sa isa't isa. Bakit hindi ko man lang natanong si Anya kung anong meron sila ni Quentin at kung bakit sila nag-aaway nang araw na iyon? Ang tanga ko rin, e.

Looking at Quentin right now, after reading Anya's journal about him and after remembering that little fight I witnessed between them . . . I couldn't help but think that he might have something to do with Anya's death.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...