Wicked Angel (Part Two) The T...

DonaQuixote tarafından

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... Daha Fazla

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR

22 3 0
DonaQuixote tarafından

Chapter One Hundred Sixty Four


Angel's point of view


Sobrang laki ng pagkakaiba namin ng lalaking minahal ko. He's so selfless while me is so selfish. Siya, sila muna bago siya. Ako, ako muna bago ang iba.


Wala sa itsura niya ang mga naging disesyon niya. Nakakatuwa siya. Mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya sa mga nalaman.


Hindi tama na natakot siyang sabihin sa akin ang totoo. Hindi tama na inisip niya na iiwan ko siya matapos kung malaman ang lahat kasi... mas minahal ko pa siya.


And I hated myself for that.


Ang lakas ng loob kong mahalin pa siya lalo habang nagsisinungaling ako sa kaniya. Nakakatawa. Natatawa ako sa sarili ko pero anong magagawa ko? Hindi ko kontrolado ang puso ko.


Niyakap ko ang lalaking katabi ko at dinama ang mabigat at mabagal niyang paghinga. Sobrang himbing ng kaniyang pagtulog kaya malaya ko siyang pinagmasdan lang. Inayos ko ang buhok niya, hinaplos ang ang muka niya saka ngumiti. Isang magaang halik sa labi ang ninakaw ko sa kaniya bago pinikit ang aking mga mata.


"Mahal kita, Chad..." I whispered before I fall asleep.

Sa Ika-limang araw, hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako. Pagod ako, hindi sapat ang tulog ko pero hinihila ako ng katawan kong bumangon na. Inayos ko ang kumot na nakabalot kay Chad at napangiti dahil ang amo ng muka niya. Inayos ko pa ang buhok niya bago tumayo mula sa papag.


Nang lumabas ay sumalubong sa akin ang natural na lamig ng umaga. Niyakap ko ang sarili at nilanghap ang sariwang hangin. Napangiti ako nang nakita ko si Manang Espe na naghahanda na ng almusal nila. At ang mga anak niya na pinapanood siya, hinihintay ang malulutong pagkain nila.


Sana'y ganiyan din ang hinaharap ko kasama ang mga anak namin ni Chad.


Natawa na lamang ako nang madako sa akin ang paningin ng matanda at inirapan ako.


"Magandang umaga, ihja!" bati sa akin ni Mang Pido nang makasalubong ko siya. May buhat buhat itong malalaking kahoy at mukang galing siya sa kakahuyan.


"Magandang umaga rin po!" nakangiting balik bati ko.

Pinanood ko siyang ilapag sa lupa ang mga dala niya, nang matapos no'n ay nilapitan niya ang kaniyang asawa, si Manang Espe, at hinalikan sa pisngi. Ganoon din ang ginawa niya sa kaniyang mga anak.


Bumuntong hininga ako saka ngumiti. Siguro... sa ilang araw namin dito at lagi akong maagang bumabangon, ganito kagandang eksena ang mapapanood ko.


Biglang sumulpot ang imahe ng pamilya ko sa isip ko at natawa ako ng mahina. Hindi ko naranasan ang ganiyan mula sa pamilya ko. Ang pagdating sa bahay ng Daddy ko, hindi halik sa pisngi ang ibibigay niya sa amin kundi pagod na ekspresyon at pagsasalita ng hindi makakaing mga salita. Si Mommy naman? Ugh! Nevermind...


Pero naranasan ko naman ang bagay na 'yan sa mga kaibigan ko. Ang kaibahan lang.. mas maingay, walang lambingan pero masaya.


"Angel?!"


Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko mula sa banyo. Boses ni Chad 'yon. Ngunit hindi pa ako tapos sa pagpapalit kaya hindi muna ako lumabas.


"Angel! Where are you?!" sigaw na pagtawag niya sa akin at nababakas sa boses niyang 'yon ang pagkataranta.


Mabilis na lumabas ako ng banyo at hinanap ng mata ko si Chad. Nakita ko siyang inililibot ang paningin sa paligid, hinahanap ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita siya at ang reaksyon niya. Natataranta siya at sobrang nasasaktan. Bakas na bakas na muka niya ang mga emosyong 'yon habang inililibot ang tingin sa paligid, habang hinahanap niya ako.


Mula sa kinatatayuan ko nakita ko siyang tinanong ang mga bata kung nakita ba nila ako. Sabay sabay na tumingin ang mga bata sa gawi ko, kung saan ako nakatayo. Sumunod ang tingin ni Chad sa mga bata at nadako ang tingin niya sa akin. Tumaas baba ang balikat niya sa paghinga niya ng malalim. Tumaas ang sulok ng labi niya at mukang nakahinga nang maluwag nang makita ako.


Lakad takbo ang ginawa niya para puntahan ako. Inilahad ko sa hangin ang kamay ko upang salubungin siya ng yakap.


Sinunggaban niya ako ng yakap. Isang mahipit na yakap.

"I... I thought you left me..." he whispered.


"I'll never do that." sagot ko.


"That's a relief." he said, almost a breathless whispered. Pinagdikit niya noo namin habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa beywang ko at ang braso ko sa leeg niya.


"Why would I leave you? I loved you that I will not live without you."


"I fall asleep beside you.. then I woke up alone. Akala ko.. akala ko talaga iniwan mo na ako."


Umiling lang ako at hindi na nagsalita. Hinigpitan ko na lang ang yakap sa kaniya. Ganoon din siya sa akin. I smiled. Minsan kasi hindi mo kailangang magsalita ng matatamis na salita para iparamdam sa taong mahal mo kung gaano mo siya kamahal, ang kailangan mo lang gawin.. iparamdam ito.


"Mahal kita..."


"Mahal kita, Chad."


"Huwag mo akong iiwan? Huh?" he said and smile.


"Huwag mo rin akong iiwan? Hmm?" gaya ko sa tono niya.


Tumango siya, "Uh huh.. we're not going to leave each other." my eyes widen in shock when he claim my lips. I close my eyes after and sober the moment.


"Nagsipilyo ka na ba?" tanong ko sa kaniya nang maghiwalay ang labi namin. Natawa ako nang nahihiyang umiwas siya ng tingin sa akin. "ay! Hindi pa?" tanong kong muli at sa pagkakataong 'to ay nahihiyang sumagot siya ng isang tango.


Nagulat ako nang kumalas na siya ng yakap at nagsalubong ang kilay niya.


"Don't tease me."


"I'm not." saad ko at kinagat ang aking pang-ibabang labi upang itago ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Kahit na ganoon ay halata na nangingiti ako kaya mas lalong umasim ang muka niya.


"Angel.."


"Hindi na." umiling na sabi ko na at niyakap na siya. Ang bango bango kaya ng hininga ni Chad. I already encounter him many times every morning and his breathe is smell good. Amoy mint ito at natural.


After that mas naging clingy and sweet siya sa akin. Habang nag-aalmusal ay paminsan minsan ay sinusubuan niya ako.


Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Basta masaya ako kasama siya, masaya kami. That's the important thing for me. Hindi na na ako nag-isip sa mga maaring mangyari sa hinaharap dahil sa naging disesyon namin. Mga negatibong kasunod. Negatibong resulta. Hindi na sumusulpot ang mga emosyong na dapat kung maramdaman, gaya ng guilt, kaba.. at kung ano pa. Basta masaya ako.


Dapat ko bang ikabahala 'to?


O hindi?


Ang saya na lagi kong nararamdaman ay may kaakibat na lungkot na kasunod. That's always happened to me, sometimes I don't want to feel happiness, a genuine happiness because there's a tragic that always follow...

Maybe this time, it's not?


Maari kayang pinagbigyan ako ng langit?


"What are you thinking?" sumulpot sa gilid ko si Chad at niyakap ako mula roon.


Napapikit ako sa mabangong halimuyak na nagmumula sa kaniya, kaliligo lang nito. Nilingon ko siya at napangiti dahil ang presko niya tignan. Ang gwapo niya.


"Wala naman..." pagsisinungaling ko rito.


"Hmm..." he just hummed.


Nang tanghali ay tinulungan ko si Manang Espe sa paghahanda ng tanghalian namin.


Sa totoo lang.. para lang kaming parte ng pamilya nila at hindi guest ng hotel nila kuno. Kasabay kasi namin silang kumakain, mula umaga, tanghalian at hanggang gabi. Normal ang pakikitungo nila sa amin, at maging ang pakikipag-usap at hindi formal na siyang kinatuwa ko.


Minsan kasi naiinis ako kapag 'ma'am' ang tawag sa akin, sa sobrang inis gusto ko na lang manapak at umuwi.

Maganda na na-scam si Chad ng advertisment nila. Nakakatawa pero totoo.. para sa akin magandang pangyayari 'yon. Madami kaming nagawa na hindi magagawa kung sa totoong hotel kami ng book. Ang maganda rito ay mga bata na ginagiliwan ko. Ewan ko, inis at banas ako sa mga bata pero iba pagdating sa kanila.


Maganda ang tanawin sa kubo kung saan kami nakatuloy ni Chad. Lalo na kapag umaga, ang papasikat na araw ay napapanood, maging sa hapon, ang paglubong ng araw naman.


"Iyang boyfriend mo sobrang mayaman ba 'yan?" tanong ni Manang Espe sa akin habang tinutulungan ko siyang balutin ang kakanin na lulutuin niya mamaya. Ang tawag daw doon ay suman. Hindi na bago lang sa akin 'yon pero hindi ko pa natitikman kaya naman excited akong matikman.


"Oo, bakit mo natanong?" sagot ko pero imbes na sagot ni Manang ang matatanggap ko ay batuk mula rito kaya napadaing ako.


"Bastos ka rin, e ano? Sabi ko sayo na kapag may kausap na matanda ay gumalang ka at gumamit ka ng po at opo. Siguro hindi ka tinuruan ng magulang mo ng magandang asal? Ano?" pangaral nito sa akin. Imbes na mainis sa ginawa niya at sinabi niya ay natawa na lang ako dahil totoo naman. "aba'y tumawa! Tandaan mo ang bilin ko sayo,"


"Opo.." tumatango tangong sabi ko na lang.


"Ayon nga.. balik tayo sa usap. Kaya naman pala." sabi niya at tumango tango. Kumunot ang noo ko, hinihintay ang susunod na sasabihin pa niya, "alam mo bang binibili niya ang lupa ng mga Buentamante sa San Miguel at San Euigenio? Maging ang lupa rin ng mga Zaldarriaga sa San Macario at San Maximo. Alam mo ba ang malalawak ang ilan sa mga lupa ng pamilyang iyan? Sila ang may pinakamarami at pinakalaking lupang sakop. Nais niya rin bilhin ang mansyon ng mga Ricohermosa sa Canarem." bakas ang pagkamangha sa boses ni Manang Espe habang sinasabi niya 'yan.


Nagulat ako sa nalaman. Napatingin ako kay Chad kasama ni Mang Pido na nagsisibak ng kahoy. Nagpagulat pa sa akin ay saktong pagkatingin ko sa kaniya ay nakatingin na pala siya sa akin sabay alis ng saplot niya sa pang itaas. Napatingin ako sa maganda niyang katawan na kumikislap dahil sa tama ng araw. Parang naaamoy ko rin ang halimuyak niya mula rito at sobrang bango no'n. Muka siyang macho na amoy baby powder.


"Bakit naman niya gagawin 'yon?" tanong ko habang ang tingin ay na kay Chad pa rin na nanatili ang mata sa akin, tinaasan niya pa ako ng kilay bago tumaas ang sulok ng labi niya.


"I am hot?" he mouthed.


Natawa ako ng mahina at tumango. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mala rosas na pulang labi bago tinuloy ang pagsisibak ng kahoy.


"Sabi niya ay dito na raw kayo titira sa Pangasinan. Sabi niya ay dito raw kayo sa Natividad magpapakasal at titira kaya kailangan niyang bumili ng lupang sakahan para may kabuhayan kayo. Nakapa-swerte mong bata ka at mahal na mahal ka ng iyong nobyo! Mukang marami siyang plano sa buhay na kasama ka." masayang pagkwe-kwento niya sa akin.


"Talaga po?.." masayang tanong ko.


"Oo! Sinabi niya rin kung gaano siya ka-excited na mangyari. Sensirong sensiro siya sa iyo.. huwag mo nang pakawalan 'yan! Sinasabi ko sayo!"


"Hindi. Kahit kailan." madamdaming bigkas ko.


Umiwas ako ng tingin kay Chad nang umangat ang tingin niya sa akin. Yumuko at palihim na pinunasan ang luhang nakatakas sa mata ko bago tumawa. Nagpaalam din ako sa matanda na magpapahangin lang muna.


Nagtungo ako sa likod ng kubo at doon inilabas ko ang emosyon sa loob loob ko na gustong kumawala sa akin kanina pa habang nakikinig sa matanda. Masaya ako, sobrang saya ko. Hindi ko akalain na may taong magmamahal sa akin ng ganito. Ni minsan hindi ko naranasan 'to..


Kasama ako sa mga plano niya.


"Why are you crying?"


Mabilis na tinuyo ko ang luha at hinarap ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Tinaasan niya ako ng kilay, nagtatanong ang mga mata niya at bakas din ang pag-aalala.


"Masaya kasi ako," pag-aamin ko.


"Hmm? Masaya pero umiiyak?" malambing na sabi niya. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tuyuin ang luha ko saka niya pinalibot ang braso sa akin.


"Kasalanan mo." natatawang sisi ko sa kaniya. "why can you be this sweet? Sanabi sa akin ni Manang Espe ang mga gusto mong gawin at mga plano mo kasama ako.." sabi ko at niyakap siya ng sobrang higpit. Alam kong ramdam niya ang tibok ng puso ko dahil ganoon din ako, ang bilis ng tibok ng puso niya ay pareho sa akin.


"Because we're going to love and live each other..." he whispered softly.


"Akin ka ba talaga?" masayang tanong ko.


"Uh huh." ramdam ko ang pagtango niya at pagdapo ng kaniyang malabot na labi sa aking noo. Napapikit ako. Ninamnam ang sandali.


Akin siya ngayon...


Pakiramdam ko, matatapos ang araw na 'to sa hindi ko inaasahang pangyayari.


Sana mali ako.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.1M 62.2K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
180K 4.1K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
66.6K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
4.1M 88.2K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...